1. Introduksiyon.

Agosto 22. 1944.

Si Jesus ay inutusan ako: «Kumuha ng ganap na bagong notebook. Isulat sa unang pahina ang Aking dinikta noong Agosto 16. Siya ay babanggitin sa aklat na ito.

Ako’y sumunod at nagsulat.

Agosto 16, 1944.

jesus sinab

Sinasabi ni Jesus:

«Ngayon ito lamang ang isulat. Ang kadalisayan ay may gayong kahalagahan, na ang sinapupunan ng isang nilikha ay mapipigilan nito ang Di-Mapipigilan na Isa, sapagkat taglay Niya ang pinakadakilang kadalisayan na maaaring magkaroon ang isang nilikha ng Diyos.

Ang Kabanalbanalang Trinidad ay bumabang Kasama ang mga perpeksiyon Nito, nanirahang kasama ang Tatlong Persona Nito, ikinulong ang kawalang-hangganan Nito sa loob ng isang maliit na espasyo. Ngunit hindi Nito hinamak ang Sarili Nito sa ginawang ito, sapagkat ang pagmamahal ng Birhen at ang kalooban ng Diyos ay napalawak ang espasyong ito hanggang sa ito ay kanilang nagawang isang Langit. At ang Kabanalbanalang Trinidad ay nagawang makilala ang Sarili Nito sa pamamagitan ng mga katangian Nito:

Ang Ama, bilang ang Tagapaglikhang muli ng nilikha, katulad nang ikaanim na araw ng Paglilikha, ay nagkaroon ng isang tunay, karapat-dapat na anak na babae hinugis sa Kanyang perpektong larawan. Ang tanda ng Diyos ay kompletung-kumpletong naitatak at eksakto kay Maria, na tanging sa Panganay na Anak lamang ito mas mahigit. Si Maria ay maaaring tawaging ang Ikalawang Anak ng Ama sapagkat, gawa ng perpeksiyon na ipinagkaloob sa Kanya at napanatili Niya, at dahil sa Kanyang dignidad na Esposa at Ina ng Diyos at Reyna ng Langit, Siya ay pumapangalawa sa Anak na lalaki ng Ama at ikalawa sa Kanyang eternal na kaisipan na ab aeterno na nasiyahan sa Kanya.

Ang Anak na lalaki, bilang “Anak din ni Maria”, ay itinuro kay Maria, sa pamamagitan ng misteryo ng Grasya, ang katotohanan at karunungan ng Anak, nang ang Anak ay bagkus isa pa lamang Embryo na lumalaki sa sinapupunan ni Maria.

Ang Banal na Espiritu ay nagpakita sa pagitan ng mga tao, para sa isang pinaagang pinatagal na Pentekostes: Pagmamahal para kay “Maria Na Kanyang minamahal”, Konsolasyon sa mga tao dahil sa Bunga ng Sinapupunan ni Maria, Pagpapabanal gawa ng Maternidad ng Banal na Isa. 

³Ang Diyos, upang maibunyag ang Sarili sa mga tao sa bago at kompletong porma, na siyang magpapasimula sa panahon ng Panunubos, ay hindi pinili para sa Kanyang trono ang isang bituin sa kalangitan, o ang palasyo ng isang makapangyarihang tao. Ni hindi Niya ginusto ang mga pakpak ng mga anghel bilang tuntungan ng Kanyang mga paa. Ginusto Niya ang walang-batik na sinapupunan.

Si Eba rin ay nilikhang walang-batik. Ngunit ginusto niyang maging marumi sa pamamagitan ng kanyang sariling malayang kalooban. Si Maria, Na namuhay sa isang maruming mundo – si Eba sa isang dalisay na mundo – ay hindi ginusto na malapastangan ang Kanyang kadalisayan, ni sa pamamagitan ng isang kaisipan na malayong may kaugnayan sa kasalanan. Alam Niya na ang kasalanan ay naririyan. Nakita Niya ang sari-sari’t iba’t ibang nakapangingilabot na mga porma at mga implikasyon nito. Nakita Niya ang lahat na ito, kasama na ang pinaka kasuklam-suklam: ang pagpatay-sa-diyos. Ngunit nalaman Niya ang lahat na ito para lamang pagbayarang-sala ang mga ito at Siya’y maging, magpasawalanghanggan, ang Babae Na may awa sa mga makasalanan at magdarasal para sa kanilang katubusan. ⁴Ang kaisipang ito  ang magiging introduksiyon sa iba pang banal na mga bagay na Aking ibibigay para sa iyong kapakanan at sa kabutihan ng maraming tao.»

 (7)092509/020213



Sunod na kabanata.