10. Ang Kantiko ni Maria Nagmamakaawa Para sa Pagdating ng Kristo.

Setyembre 2, 1944.

¹Tanging kagabi lamang, Biyernes, nagsimula akong makakita.  Wala akong makita bagkus isang napakabatang Maria, labindalawang taong gulang hindi hihigit, ang Kanyang mukha hindi na bilugan, katulad nang ito ang tipikal na mukha ng mga bata, bagkus nagpapakita na ng mga balangkas ng isang dalaga sa hinaharap sa isang perpektong obalo. Ang Kanya ring buhok ay hindi na basta’t nakabagsak sa ibabaw ng Kanyang leeg sa malalambot na kulot, bagkus ito ay tinirintas at dalawang makakapal na tirintas ang bumabagsak sa Kanyang mga balikat hanggang sa Kanyang baywang. Ang Kanyang buhok ay napakaputlang kulay-ginto, napakaliwanag na ito ay tila hinaluan ng pilak. Ang Kanyang mukha ay mas pala-isip at husto na sa gulang, bagama't ito ay ang mukha ng isang bata-pang babae, isang maganda at purong batang babae, nakasuot ng lahat puti. Siya ay nananahi sa loob ng napakaliit na silid, na lahat din puti, at sa pamamagitan ng maluwang na nakabukas na bintana makikita ng isa ang nakapangingibabaw na sentrong bahagi ng Templo, ang magkakasunod na mga baytang-na-lupa at ang mga portiko. Sa kabila ng nakapaikot na pader ang bayan ay makikita ring kasama ang mga kalsada, mga kabahayan, mga hardin nito, at sa kaligiran ang paumbok na berdeng tuktok ng Mount of Olives.

Siya ay nananahi at umaawit sa mababang tinig. Hindi ko alam kung ito ay isang sagradong awit o hindi. Ito'y nagsasabi:

 «Katulad ng isang tala sa malinaw na tubig

isang liwanag ang sumisinag sa loob ng Aking puso.

Ito ay nasa Akin na, mula pa noong Aking pagkabata

at magiliw na ginagabayan Ako nito nang may pagmamahal.

 

Sa kalaliman ng Aking puso ay may isang awit.

Saan ito nanggagaling?

Tao, hindi mo alam.

Ito'y nanggagaling kung saan ang Banal na Isa ay nakaluklok.

 

Tinitingnan Ko ang Aking malinaw na tala

at ayaw Ko ng kahit ano

Ni kahit ang pinakamatamis at pinakamahal na bagay.

Maliban sa matamis na liwanag na ito na lahat Akin.

 

Ako'y ibinaba Mo mula sa mga Kalangitan sa itaas.

O Aking tala

patungo sa sinapupunan ng isang ina,

Ngayon naninirahan Ka sa loob Ko,

ngunit sa kabila ng tábing

nakikita Ko ang Inyong maluwalhating mukha, Ama.

 

Kailan Ninyo pagkakalooban ang Inyong lingkod ng karangalan

Ng pagiging ang abang utusan ng Tagapagligtas

Ipadala Ninyo ang Mesiyas mula sa Langit,

Tanggapin, Banal na Ama, ang alay ni Maria.

 

 

Si Maria ngayon ay tahimik. Siya'y ngumingiti at nagbubuntung-hininga, pagkatapos Siya'y lumuhod sa pagdarasal. Ang Kanyang mukha ay nagniningning nang matingkad. Siya'y nakatinging pataas, patungo sa malinaw na asul na kalangitan ng tag-init at tila hinihigop ng Kanyang mukha at pagkatapos pinakakawalan ang lahat na kaningningan sa ere. O kung baga, mula sa loob Niya tila may isang nakatagong araw ang nagpapakawala ng mga sinag at pinaliliwanag nito ang Kanyang mukha, kinukulayan ang Kanyang maputing balat ng isang malabnaw na kulay rosas. At ang liwanag mula sa Kanyang mukha ay kumakalat palabas patungo sa mundo at sa araw na sumisinag sa mundo: isang pagpapalà at isang pangako ng labis na kabutihan.

Habang tumatayo si Maria pagkatapos ng Kanyang pagdarasal, na ang labis na kaligayahan nasa Kanya pa ring mukha, ang matandang si Anna ni Phanuel ay pumasok sa silid. Siya ay nakatayong walang galaw, natitigilan o nagtataka man lang sa aktitud at hitsura ni Maria.

Pagkatapos tinawag niya Siya: «Maria!» at ang Batang Babae ay tumalikod na may ngiti, isang ibang ngiti ngunit napakaganda pa rin at nagsabi: «Kapayapaan sa iyo, Anna.»

³«Ikaw ba’y nagdarasal? Ang Iyo bang mga panalangin ay hindi pa sapat para sa iyo?»

«Ang Aking mga panalangin ay magiging sapat na. Ngunit Ako ay nakikipagusap sa Diyos. Anna, hindi ninyo mawawari kung gaano Ko Siya kalapit na nararamdaman. Mahigit pa sa malapit, sa loob ng Aking puso. Patawarin sana Ako ng Diyos sa Aking pagmamalaki. Ngunit hindi Ko nararamdaman na Ako ay nag-iisa. Kita ninyo? Sa banda roon, sa Bahay na iyon ng ginto at niyebe, sa likuran ng dobleng Tábing na iyon, naroroon ang Banal ng mga Banal. Walang sinuman ang pinahihintulutan na tumingin sa Propitiatory, kung saan nakaluklok ang kaluwalhatian ng Panginoon, maliban sa Mataas na Pari. Ngunit ang Aking nagsasambang kaluluwa ay hindi kinakailangan na tingnan ang burdadong Tábing, Na nanginginig sa mga awit ng mga birhen at ng mga Levita at napababanguhan ng mamahalin na insenso, na tila ibig Kong malagos ang materyal nito at makita ang Testimonya na sumisinag kabila nito. Tinitingnan Ko ito! Huwag ninyong isipin na hindi Ko tinitingnan ito nang may nagsasambang mga mata katulad ng bawat anak na lalaki ng Israel. Huwag ninyong isipin na binubulag Ako ng pagmamalaki ginagawa Akong maisip Ko ang Akin nang sasabihin sa inyo ngayon. Tinitingnan Ko ito at wala nang mapagpakumbabang lingkod sa pagitan ng sambayanan ng Diyos na tumitingin nang mas may pagpapakumbaba sa Bahay ng Panginoon kaysa sa ginagawa Ko, sapagkat kumbinsido Ako na Ako ang pinakamaliit sa lahat. Ngunit ano ang Aking nakikita? Isang Tábing. Ano sa palagay Ko ang nasa likuran ng Tábing iyon? Isang Tabernakulo. Ano ang nasa loob nito? Kung pakikinggan Ko ang Aking puso, nakikita Ko ang Diyos nagniningning sa Kanyang mapagmahal na kaluwalhatian at nagsasabi sa Akin: “Minamahal Kita” at tumutugon Ako sa Kanya: “Minamahal Ko Kayo” at Ako ay namamatay at nalilikhang muli sa bawat tibok ng Aking puso sa palitan ng halik na ito… Ako ay nasa pagitan ninyo, Aking mahal na mga tagapagturo at mga kasamahan. Ngunit ang isang paikot na apoy ay naihihiwalay Ako sa inyo. Sa loob ng paikot na ito, ang Diyos at ang Aking Sarili. At naaaninag Ko kayo sa Apoy ng Diyos at kung gayon minamahal Ko kayo… Ngunit hindi Ko kayo maaaring mahalin ayon sa laman, ni hindi Ako kailanman makapagmamahal sa sinuman ayon sa laman. Mamamahal Ko lamang Siya Na nagmamahal sa Akin, ayon sa espiritu. ⁴Ito ang Aking kapalaran. Ang sekular na Batas ng Israel ay ibig na ang bawat batang babae ay maging isang asawa, at ang bawat asawang babae maging isang ina. Ngunit, habang sinusunod ang Batas, kailangan Kong sundin ang Tinig na bumubulong sa Akin: “Gusto Kita”; Ako ay isang birhen at isang birhen Ako mananatili. Papaano Ako magtatagumpay? Ang matamis na di-nakikitang Presensyang ito na kasama Ko ay tutulungan Ako, sapagkat iyan ang Kanyang minimithi. Hindi Ako natatakot. Wala na sa Akin ang Aking ama’t ina… at tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam kung papaano ang Aking pagmamahal para sa sino pa mang tao sa buhay Ko nasunog sa kirot na iyan. Ngayon Diyos lamang ang bagkus mayroon Ako. Siya kung ganoon ay Aking sinusunod nang walang kahit anong pagtatanong... Ganito rin sana ang Aking ginawa noon kahit naririto pa ang Aking mga magulang, sapagkat naturuan Ako ng Tinig na sinuman ang may gustong sumunod Dito, ay kailangang lampasan ang ama’t ina. Ang mga magulang ay nagmamahal na mga patrulya binabantayan ang mga puso ng kanilang mga anak, na ibig nilang madala sa kaligayahan ayon sa kanilang mga plano... at wala silang alam na ibang mga plano na maghahatid sa walang-hangganang kaligayahan... Iniwanan Ko sana sila ng Aking mga damit at mga manta, upang sundan ang Tinig na nagsasabi sa Akin: “Halika, Aking minamahal na Esposa”. Iniwanan Ko sana sila ng lahat, at ng mga perlas ng Aking mga luha, dahil iiyak Ako sa pangangailangan na suwayin sila, at ang mga instinto ng Aking dugo, sapagkat kahit kamatayan ay haharapin Ko upang masunod ang Tinig na tumatawag sa Akin, nasabi Ko sana sa kanila na may isang mas dakila at mas matamis kaysa sa pagmamahal ng isang ama at ina at iyan ay ang Tinig ng Diyos. Ngunit ngayon, sa pamamagitan ng Kanyang kalooban, malaya na Ako sa pagkakataling ito sa pampamilyang pagmamahal. Hindi, bagkus, ito ay hindi isang pagkakatali. Ang Aking mga magulang ay dalawang makatarungan na mga tao at ang Diyos ay tiyak na nagsalita sa kanila katulad na Siya ay nagsasalita sa Akin. Sinunod sana nila ang katarungan at katotohanan. Kapag naiisip Ko sila, nakikini-kinita Ko sila sa tahimik na paghihintay kasama ang mga Patriyarka at pinagmamadali Ko sa pamamagitan ng Aking sakripisyo ang pagdating ng Mesiyas upang mabuksan para sa kanila ang mga pintuan ng Langit. Ako ang sarili Kong gabay sa lupa, o kung baga ginagabayan ng Diyos ang Kanyang abang lingkod binibigyan Niya Siya ng Kanyang mga utos at isinasagawa Ko ang mga ito sapagkat isang lugod para sa Akin ang sumunod. Kapag dumating na ang panahon, ipagtatapat Ko ang Aking lihim sa esposo... at tatanggapin niya ito.» 

«Ngunit, Maria... anong mga salita ang matatagpuan Mo upang makumbinsi siya? Ang pagmamahal ng isang lalaki, ang Batas at ang búhay ay makakalaban Mo.»

«Makakasama Ko ang Diyos... Paliliwanagan ng Diyos ang puso ng esposo... ang búhay ay mawawalan ng mga insentibo ng mga pandama at ito ay magiging isang purong bulaklak na may halimuyak ng karidad. ⁵Ang Batas... Anna, huwag ninyo Akong tawaging isang naglalapastangan. Sa palagay Ko ang Batas ay malapit nang palitan. Nino, sa palagay ninyo, kung ito ay dibino? Ng Tanging Isa Na makapagbabago nito. Ng Diyos. Ang panahon ay mas malapit na kaysa sa akala ninyo, sinasabi Ko sa inyo. Sapagkat noong binabasa Ko ang Daniel, isang dakilang liwanag ang dumating sa Akin mula sa mga kalaliman ng Aking puso at naintindihan Ko ang ibig-sabihin ng mabalaghan na salita. Ang pitumpung linggo ay paiikliin dahil sa mga panalangin ng makatarungang mga tao. Ang ibig bang sabihin nito ang bilang ng mga taon ay pinapalitan? Hindi. Ang propesiya ay hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ang pagsukat ng propetikong panahon ay sa pamamagitan ng takbo ng buwan, hindi ng araw. Kung kaya't sinasabi Ko: “Malapit na ang oras kung kailan ang Sanggol na ipanganganak ng isang Birhen ay maririnig na umiiyak”. O! Sa dahilan na ang Liwanag na ito na nagmamahal sa Akin ay maraming ang sinasabi sa Akin, sana masabi nito sa Akin kung nasaan ang masayang ina, na magpapanganak sa Anak ng Diyos at ang Mesiyas ng Kanyang sambayanan! Na walang saplot ang paa maglalakbay Ako sa buong mundo, ni ang lamig o ang nanigas-na-hamog, o ang alikabok o ang init, o ang mabangis na hayop o ang gútom ay makapagpipigil sa Akin na makita Siya at sasabihin Ko sa Kanya: “Pagkalooban ang Inyong lingkod at ang lingkod ng mga lingkod ng Kristo na manirahan sa ilalim ng Inyong bubungan. Pagagalawin Ko ang Inyong batong gilingan at ang Inyong pisaan, gamitin Ako bilang isang alipin na magtatrabaho sa Inyong gilingan at magbabantay sa Inyong mga kawan, gawin Akong labhan Ko ang mga lampin ng Inyong Anak... Magtatrabaho Ako sa loob ng Inyong kusina, sa Inyong pugon, saan man Ninyo gustuhin... tanggapin lang Ninyo Ako. Na sana makita Ko Siya! At mapakinggan ang Kanyang tinig! At tanggapin ang Kanyang sulyap!” At kung hindi Niya Ako gusto, maninirahan Ako sa tuntungan ng Kanyang pintuan katulad ng isang pulubi, sa malamig at mainit na panahon, mapakinggan lamang ang tinig ng Batang Mesiyas at ang alingawngaw ng Kanyang tawanan, at makita Siyang dumaraan... At baka isang araw aalukin Niya Ako ng isang piraso ng tinapay... O! Kung Ako man ay namamatay na sa gutom at hinihimatay dahil sa labis-labis na pag-aayuno, hindi Ko kakanin ang tinapay na iyon. Hahawakan Ko itong malapit sa Aking puso katulad ng isang lukbutan ng mamahaling mga perlas at hahalikan Ko ito upang maamoy ang pabango ng kamay ng Kristo at hindi na Ako kailanman magugutom o giginawin, sapagkat ang pagkahipo dito ay mabibigyan Ako ng labis na kaligayahan at init, labis na kaligayahan ang pagkain...»

⁶«Kailangan na Ikaw ang maging Ina ng Kristo, sa dahilan na minamahal Mo Siya nang labis! Iyan ba ang dahilan kung bakit ibig Mong manatiling isang birhen?»

«O! Hindi. Ako ay kahirapan at alikabok. Hindi Ako maglalakas-loob na itingala ang Aking mga mata sa Kaluwalhatian. Iyan ang dahilan kung bakit sa halip na ang dobleng Tabing, na sa kabila niyan alam Ko doon naninirahan ang di-nakikitang Presensya ni Jehovah, mas gusto Kong tingnan ang loob ng Aking puso. Sa banda roon, ay naroon ang teribleng Diyos ng Sinai. Dito, sa loob Ko, nakikita Ko ang ating Ama, isang nagmamahal na Mukha na ngumingiti at nagpapalà sa Akin, sapagkat Ako ay maliit katulad ng isang munting ibon, na mahahawakan ng hangin nang hindi nararamdaman ang bigat nito at Ako ay mahina katulad ng isang tangkay ng isang liryo ng lambak, na makapamumulaklak lamang at mangamoy nang matamis at hindi makapanlalaban ng kahit anong puwersa sa hangin bagkus ang may-bango at purong katamisan nito. Ang Diyos, ang Aking mapagmahal na hangin! Hindi dahil diyan. Bagkus dahil ang Anak ng Diyos at ng isang Birhen, ang Banal ng Kabanalbanalang Isa, ay bagkus magugustuhan kung ano sa Langit ang Kanyang piliin bilang kanyang Ina at kung ano ang sa lupa ang nagsasalita sa Kanya tungkol sa Kanyang Makalangit na Ama: ang Kadalisayan. Kung ang Batas ay ito ang naisip, kung ang mga rabbi, na nagpakumplika sa Batas sa pamamagitan ng lahat ng kanilang paisuiso sa kanilang pagtuturo, ay ibaling ang kanilang mga isip sa mas mataas na mga orisonte at tangkain ang sobrenatural na mga bagay, iniiwan ang pantao at lukratibong mga gawain na nagagawa silang makalimutan ang kataastaasang Pakay, kailangang gawin nila, higit sa lahat, ang Kadalisayan na siyang maging ang pangunahing paksa ng kanilang pagtuturo, upang ang Hari ay sana matagpuan Ito kapag Siya ay dumating. Sa pamamagitan ng mga sanga ng olibo ng Mapayapang Ina, sa pamamagitan ng mga Palmera ng Nanalo, ikalat ang mga liryo, mga liryo, mga liryo... Gaano karaming dugo ang kailangang padaluyin ng Tagapagligtas upang matubos tayo! Gaano karami ngang totoo! Mula sa libu-libong sugat na nakita ni Isaiah sa Taong tigib ng mga Kapighatian, isang daloy ng Dugo ang bumabagsak, katulad ng hamog mula sa isang porosong plorera. Harinawang ang dibinong Dugong ito ay huwag bumagsak kung saan walang pagpapakundangan at may paglalapastangan, bagkus ang mga kalis ng mabangong kadalisayan ang sana siyang tumanggap at mag-ipon nito sa pakay na ipaabot ito sa may-sakit at ketongin na mga kaluluwa at sa pagitan ng mga patay sa Diyos. Magbigay ng mga liryo upang mapunasan sa pamamagitan ng kanilang dalisay na mga petalo ang pawis at mga luha ng Kristo! Magbigay ng mga liryo para sa Kanyang matinding mithiin ng Pagmamartir! O! Nasaan kaya ang Liryong iyon, na magdadala sa Inyo? Nasaan ang Liryong iyon na papawi sa Inyong matinding pagka-uhaw, na magiging kulay-pula gawa ng Inyong Dugo, mamamatay para sa kirot ng nakikita Kayong namamatay, at iiyak sa ibabaw ng Inyong walang-dugong Katawan? O! Kristo! Kristo! Aking mithiin!...»

Si Maria ngayon ay tahimik, umiiyak at nalipos.

⁷Si Anna rin ay tahimik sa loob ng kaunting sandali at pagkatapos sa pamamagitan ng kanyang maliwanag na tinig ng isang labis-na-naantig na matandang babae, siya ay nagtanong: «Wala Ka na bang iba pang ituturo sa akin, Maria?»

Si Maria ay natauhan. Maaaring iniisip Niya na ang Kanyang tagapagturo ay kinagagalitan Siya at Siya ay bumulalas: «O! Patawarin ninyo Ako! Kayo ang Aking tagapagturo. Ako ay wala. Ngunit ang tinig na ito ay nanggagaling sa Aking puso. Binabantayan Ko ito, upang maiwasan ang pagsasalita. Ngunit katulad ng isang ilog na sa ilalim ng pagngangalit ng tubig sinisira nito ang harang, ngayon Ako ay nalipos nito at ito ay umapaw. Pakiusap na huwag bigyan ng halaga ang Aking mga salita at parusahan ang Aking pagbabaka-sakali. Ang mga salita ng misteryo ay kailangan na manatili sa loob ng mga kalaliman ng puso ng isang tao, na tinutulungan ng Diyos sa Kanyang kabutihan. Alam Ko. Ngunit ang di-nakikitang Presensyang ito ay napakagiliw at Ako ay napupuno ng lugod... Anna, pakiusap na patawarin ang inyong maliit na lingkod!»

Si Anna ay niyayakap Siya habang ang mga luha ay nagniningning sa kanyang matandang kulubot na nanginginig na mukha. Ang mga luha ay bumababa sa kanyang mga kulubot, katulad ng tubig sa ibabaw ng di-pantay na lupa na nagiging nanginginig na sanaw. Ngunit ang matandang tagapagturo ay hindi nakakapagpatawa, sa kabaligtaran ang kanyang pag-iyak ay pumupukaw ng pinakamalalim na paggalang.

Si Maria ay nasa loob ng kanyang mga bisig. Ang Kanyang maliit na mukha nakadiin sa dibdib ng Kanyang tagapagturo. At ang lahat ay nagtatapos nang gayon.

                                                                                ----------------------

jesus sinab

⁸Sinasabi ni Jesus:

«Si Maria ay naalaala ang Diyos. Napanaginipan Niya ang Diyos. Akala Niya Siya ay nanaginip. Nakikita lamang Niyang muli kung ano ang Kanyang nakita na sa karingalan ng Langit ng Diyos, noong sandali na Siya ay nilikha upang maisama sa katawan na pinaglihi sa lupa. Kabahagi Niya ang Diyos sa isa sa mga pag-aari ng Diyos, bagamat sa mas maliit na antas, katulad na siyang naaangkop. Ito ay ang pag-aari ng pag-aalaala, pagkakakita at pagkakakita sa hinaharap, na siyang katangian ng malakas at perpektong katalinuhan hindi nabawasan ng Pagkakasala.

⁹Ang tao ay nilikha sa imahe at pagkakatulad ng Diyos. Isa sa mga pagkakatulad ay ang kakayahan, para sa kaluluwa, na makaalaala, makakita at makakita sa hinaharap. Ito ang kapaliwanagan sa kakayahan na mabasa ang nasa hinaharap. Ang kakayahan na ito kung minsan ay nanggagaling nang diretso, sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, kung minsan ito ay kapangyarihan ng pag-alaala, na lumilitaw katulad ng araw sa umaga, tinatanglawan ang isang punto sa orisonte ng mga siglo, na nakita na sa bisyon ng Diyos.

Ang ganitong mga misteryo ay napakalalim upang maintindihan ninyo nang ganap. Ngunit isipin.

Ang Kataastaasan bang Katalinuhan, ang Isip na nakaaalam ng lahat, ang Paningin na nakakakita sa lahat, ay bibigyan kayo ng isang bagay na iba sa Kanyang Sarili, bilang nilikha kayo Niya sa pamamagitan ng pagkilos ng Kanyang kalooban at ng isang hininga ng Kanyang walang-hanggang pagmamahal, at bilang ginawa kayong Kanyang mga anak kapwa sa inyong pinanggalingan at sa inyong patutunguhan? Binigyan Niya kayo nito sa isang napakaliit na bahagi, dahil hindi mahahawakan ng nilikha ang Tagapaglikha. Ngunit ang bahaging iyan ay perpekto at kumpleto, bagamat napakaliit.

Anong kayamanan ng katalinuhan ang binigay ng Diyos sa tao, Adan! Ang Pagkabagsak sa pagkakasala ay pinahina ito, ngunit ang Aking sakripisyo ay ibinalik ito at binuksan nito ang karingalan ng Katalinuhan, ang kayamanan nito, ang siyensiya nito para sa inyo. Gaano kataas ang isip ng tao na kaisa ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang grasya, nakikibahagi sa Diyos sa pakultad ng kaalaman!... Ang isip ng tao kaisa ng Diyos sa pamamagitan ng Grasya.

Walang ibang paraan. Ang mga mausisang naghahanap ng mahigit-pa-sa-pantaong mga lihim ay kailangan na tandaan iyan. Ang lahat na kaalaman na hindi nanggagaling sa isang kaluluwa na nasa grasya – at wala sa grasya ang laban sa Batas ng Diyos, na napakalinaw sa mga pinag-uutos nito – ang ganyang kaalaman ay nanggagaling kay Satanas. Bihira itong tumugma sa katotohanan kung tungkol sa mga bagay na pantao ang pag-uusapan, hindi ito kailanman tumutugma sa katotohanan magpatungkol sa mga bagay na mas mataas pa sa tao. Ang Dimonyo sa katotohanan ay ang ama ng kasinungalingan at makapagdadala bagkus sa landas ng kasinungalingan. Walang ibang paraan na malaman ang katotohanan, maliban sa paraan na nanggagaling sa Diyos, Na nagsasalita at nagsasabi o nagpapaalaala, katulad ng  isang ama na pinaaalalahanan ang kanyang anak tungkol sa kanyang paternal na bahay at nagsasabi sa kanya: “Hindi mo ba naaalaala noong madalas mong gawin ito sa akin, nakita mo iyon, may napakinggan ka bang iba? Hindi mo ba maalaala noong madalas kitang halikan ng pagpapaalam? Naaalaala mo ba noong una mo Akong makita  at hinangaan mo ang matingkad na liwanag sa Aking mukha sumisinag sa iyong birhen-pang kaluluwa, na, bilang kalilikha Ko pa lamang ay dalisay pa at malaya pa mula sa kasamaan na pagkatapos nagpahina sa iyo? Naaalaala mo ba noong maintindihan mo sa unang pagkakataon, sa isang pintig ng pagmamahal, kung ano ang Pagmamahal? Na siyang ang misteryo ng ating Pagiging at Pagpapatuloy?” At kung ano ang hindi maabot dahil sa limitadong kakayahan ng tao na nasa grasya, ang Espiritu ng siyensiya ang siyang maglilinaw at magtuturo.

Ngunit upang taglayin ang Espiritu, Grasya ang kinakailangan. Upang taglayin ang Katotohanan at Siyensiya, Grasya ang kinakailangan. Ang Grasya ay isang tolda kung saan ang tatlong Personahe ay naninirahan, ito ay isang Propitiatory kung saan ang Eternal na Ama ay nagpapahinga at nagsasalita, hindi mula sa loob ng isang ulap, bagkus pinakikita ang Kanyang mukha sa Kanyang tapat na mga anak. Ang mga santo at makatarungang mga tao ay naaalaala ang Diyos. Naaalaala nila ang mga salitang kanilang napakinggan sa Naglilikhang Isip at kung saan ang Kataastaasang Kabutihan ay nabubuhay muli sa kanilang mga puso upang itaas sila katulad ng mga agila sa kontemplasyon tungkol sa Katotohanan at sa kaalaman tungkol sa Panahon.

¹⁰Si Maria ay puno noon ng Grasya. Ang buong Isa at Sang-tatlong Grasya ay nasa Kanya. Ang buong Isa at Sang-tatlong Grasya ay inihanda Siya katulad ng isang Nobya para sa Kasalan, katulad ng isang Nupsiyal na Kama para sa Anak, katulad ng isang Dibinong Personahe para sa Kanyang Maternidad at misyon. Isinasara Niya ang siklo ng mga Propetang babae ng Lumang Tipan at binubuksan ang panahon ng mga “tagapagsalita ng Diyos” ng Bagong Tipan.

Totoong Kaban ng Salita ng Diyos, nakatingin sa Kanyang imakuladang puso, natuklasan Niya ang mga salita ng eternal na kaalaman, na isinulat ng daliri ng Diyos doon, at Siya ay nakaalaala, katulad na nakakaalaala ang lahat na mga santo, na napakinggan na Niya ang mga iyon noong ang Kanyang inmortal na kaluluwa ay nililikha ng Diyos Ama, ang Tagapaglikha ng lahat na mga nilikha... At kung hindi Niya naalaala ang lahat tungkol sa Kanyang misyon sa hinaharap, ang rason ay ang Diyos ay nag-iiwan ng ilang mga puwang sa bawat pantaong perpeksiyon, ayon sa isang Batas tungkol sa dibinong kahinahunan, dala ng kabutihan at bilang isang gantimpala sa mga nilikha.

Si Maria, ang ikalawang Eba, ay kinailangan noon na abutin Niya ang Kanyang bahagi ng merito sa pagiging ang Ina ng Kristo, nang may isang tapat na mabuting kalooban, na inasahan din ng Diyos mula sa Kanyang Kristo upang Siya ay maging isang Tagapagtubos.

Ang espiritu ni Maria ay nasa Langit noon. Ang Kanyang moral at ang Kanyang katawan ay nasa lupa at kinailangan ng mga ito na tapakan ang lupa at ang laman upang maabot ang espiritu at samahan ito sa Espiritu sa isang mabungang yakap.»

                                                                -----------------------------

¹¹Isang notasyon ko. Buong araw kahapon akala ko makikita ko ang balita tungkol sa kamatayan ng Kanyang mga magulang na binibigay ni Zachariah sa Kanya, hindi ko alam kung bakit. Naisip ko rin, sa aking pamamaraan, na magbabanggit si Jesus tungkol sa punto ng “pag-alaala tungkol sa Diyos ng mga santo». Ngayong umaga, noong ang bisyon ay nagsimula, sinabi ko sa aking sarili: «Naririto na tayo, sasabihin na nila sa Kanya ngayon na Siya ay isa nang ulila» at ang aking puso ay nanginginig na sapagkat mararanasan ko na ang aking sariling kalungkutan ng mga nakaraang araw na ito. Sa halip ganap na wala tungkol sa akala ko makikita o maririnig ko. Ni kahit isang salita ng pagkakamali. Ako ay masayang-masaya tungkol dito sapagkat nagpapatotoo ito na wala ng nanggaling sa aking sarili ang nasa gawa na ito, ni kahit isang matapat na mungkahi tungkol sa isang sitwasyon. Ang lahat ay nanggagaling sa ibang panggagalingan. Ang aking patuloy na pagkatakot ay tumitigil... hanggang sa susunod na pagkakataon sapagkat lagi akong matatakot ng niloloko at nanloloko.

(51)310510/021913/032413

Sunod na kabanata.