101. Si Jesus Tinatanong ang Kanyang Ina Tungkol sa Kanyang mga Disipulo.

Ang gabi ng ika 13 ng Pebrero 1944.

¹Mga dalawang oras pagkatapos ng naunang bisyon, nakikita ko ngayon ang bahay sa Nazareth. Natatandaan ko ang silid ng pagbibigayan ng pagpapaalam, nakabukas patungo sa maliit na pangkusinang-hardin, kung saan ang mga tanim ay lahat punó ng mga dahon.

Si Jesus ay kasama si Maria. Sila ay nakaupong magkatabi sa upuan na bato sa tabi ng pader.  Ito ay mukhang nakakáin na sila ng hapunan at ang mag-ina ay kinasisiyahan ang isang matamis na paguusap, habang ang ibang mga tao ay nakaalis na, kung mayroon mang ibang mga tao, dahil wala akong nakikitang iba. Ang aking nasa-loob na tinig ay pinaaalam sa akin na ito ay ang isa sa mga unang beses ng pagbalik ni Jesus sa Nazareth pagkatapos ng Kanyang Binyag, Kanyang pag-aayuno sa disyerto at higit sa lahat, pagkatapos ng pagkaporma ng apostoladong kolehiyo. Kinukuwento Niya sa Kanyang Ina ang Kanyang unang mga araw ng pag-eebanghelyo, at ang unang mga puso na Kanyang nakuha.

Si Maria ay nananabik sa mga salita ng Kanyang Jesus. Si Maria ay mas payat at mas maputla, na tila Siya ay naghirap sa loob ng panahon na ito. Dalawang maitim na anino ang naporma sa ilalim ng Kanyang mga mata, na tila Siya ay laging umiiyak at nag-aalala nang husto. Ngunit ngayon Siya ay masaya at ngumingiti. Ngumingiti Siyang hinahaplos ang kamay ng Kanyang Jesus. Masaya Siya na nakakasama Niya Siya roon, nakikipagusap nang puso sa puso sa katahimikan ng parating na gabi.

Maaaring ngayon ay panahon ng tag-init, sapagkat ang puno ng igos ay mayroon na ng unang hinog na mga bunga nito, na umaabot hanggang sa layo ng bahay at si Jesus, tumatayo, ay pumipitas ng ilan at ibinibigay ang pinakamaganda sa lahat sa Kanyang Ina, binabalatan ito nang maingat at ibinibigay ito sa loob ng korona ng balat nito na nakahilang pababa ang loob nasa labas, na tila ito ay mapuputing buko na may mga guhit ng pula, sa gitna ng isang korola ng mga petalo puti ang loob at biyoleta ang labas. Ibinibigay Niya ito sa ibabaw ng Kanyang palad at ngumingiti nakikita ang Kanyang Ina na nagtatakam dito.

²Pagkatapos tinanong Niya si Maria nang bigla: «Inay, nakita na ba Ninyo ang mga disipulo? Ano ang Inyong palagay sa kanila?»

Si Maria, Na isusubo na sana Niya ang pangatlong igos sa Kanyang bunganga, ay nagulat, pinipigil ang Kanyang kamay, itinataas ang Kanyang ulo at tinitingnan si Jesus.

«Ano sa palagay Ninyo sila ngayon na naipakita Ko nang lahat sila sa Inyo?» paghimok ni Jesus.

«Sa palagay Ko minamahal Ka nila at malaki ang makukuha Mong pakinabang sa kanila. Si Juan... Mahalin Mo si Juan ayon sa nalalaman Mong pagmahal. Siya ay isang anghel, Ako ay hindi nag-aalala kapag naiisip Ko na siya ay kasama Mo. Si Pedro din... ay mabait. Medyo mas matigas, sapagkat siya ay mas matanda, ngunit sinsiro at kumbinsido. At ang kanyang kapatid din. Minamahal Ka nila hanggang sa magagawa nila. Pagkaraan, mas mamahalin Ka nila. At ang ating mga pinsan din, ngayon na sila ay kumbinsido na, ay magiging matapat sa iyo. Ngunit ang lalaki mula sa Kerioth... ayaw Ko sa kanya, Anak. Ang kanyang mata ay hindi kasing liwanag ng kristal at lalo na ang kanyang puso. Natatakot Ako sa kanya.»

«Siya ay punó ng paggalang sa Inyo.»

«Labis na paggalang. Siya ay punó din ng paggalang sa Iyo. Ngunit hindi para sa Iyo, ang Guro; para sa Iyo ang Hari sa hinaharap, mula kung kanino umaasa siya na makatanggap ng kayamanan at kaluwalhatian. Siya ay isang taong wala, mahigit lang nang kaunti sa mga iba sa Kerioth. Umaasa siya na may gagampanan siyang isang mahalagang puwesto sa tabi Mo at... O! Jesus! Ayaw Kong maging di-mapagkawanggawa, ngunit sa palagay Ko, kahit na kung ayaw Kong paniwalaan ito, na kung sakaling mabigo Mo siya, hindi siya magdadalawang-isip na kunin ang Iyong lugar, o magsisikap na gawin ito. Siya ay ambisyoso, sakim at mabisyo. Mas bagay siyang maging alalay ng isang pangmundong hari, kaysa Iyong apostol, Aking Anak. Natatakot niya Ako!» At ang Ina ay tinitingnan si Jesus nang may dalawang mata na punó ng pagkabalisa sa Kanyang maputlang mukha.

³Si Jesus ay nagbubuntung-hininga. Siya ay nag-iisip. Tinitingnan Niya ang Kanyang Ina. Siya ay ngumingiti upang paginhawahan Siya. «Iyan din ay kinakailangan, Inay. Kung ito ay hindi siya, ito ay magiging kung sinong iba. Ang Aking Kolehiyo ay kailangan na mairepresenta ang mundo, at sa mundo hindi lahat sila mga anghel, ni hindi rin sila lahat magkakapareho ng karakter katulad nina Pedro at Andres. Kung pipiliin Ko ang lahat na perpekto, papaano makakaasa ang kaawa-awang may-sakit na mga kaluluwa na maglakas-loob na maging Aking mga disipulo? Ako ay naparito upang mailigtas ang nawawala, Inay. Si Juan ay ligtas na ayon sa kung ano siya. Ngunit ilan ang hindi!»

Ako ay hindi natatakot kay Levi. Tinubos niya ang kanyang sarili sapagkat gusto niya. Tinalikuran niya ang kanyang kasalanan at ang kanyang tanggápan ng pagbubuwis at nakakuha ng bagong kaluluwa upang sumama sa Iyo. Ngunit si Judas ng Kerioth ay hindi. Sa kabaligtaran, ang pagmamalaki ay lalu’t lalo pang nagiging panginoon ng kanyang pangit na matandang kaluluwa. Ngunit nalalaman Mo na ito, Anak. Bakit Mo Ako tinatanong. Ako ay bagkus makapagdarasal at maka-iiyak para sa Iyo. Ikaw ang Guro. Ng Iyong abang Ina rin.»

Ang bisyon ay nagtatapos dito.

(540)310810/051213

 

Sunod na kabanata.