102. Paggaling ni Johanna ni Chuza Malapit sa Cana.

Pebrero 8, 1945.

¹Ang mga disipulo ay naghahapunan sa loob ng malaking talyer ni Jose. Ang malaking mesa ng karpintero ay nagsisilbing isang hapag-kainan, kung saan naroroon ang lahat na kailangan. Ngunit nakikita ko na ang talyer ay ginagamit din na isang dormitoryo. Ang dalawa pang ibang mesa ng karpintero ay binago upang maging mga kama sa pamamagitan ng paglalagay ng mga banig dito, at ang maliliit na mabababang higaan (mga banig sa ibabaw ng mga pangharang) ay inilagay sa tabi ng mga pader. Ang mga apostol ay naguusap-usap kasama ang Guro.

«Kung gayon Kayo ba ay totoong pupunta sa Lebanon?» tanong ng Iskariote.

«Hindi Ako kailanman nangangako ng hindi Ko tutuparin. Sa kasong ito nangako Ako nang dalawang beses: sa mga pastol at sa yaya ni Johanna ni Chuza. Ako ay naghintay nang limang araw katulad ng sinabi Ko sa yaya, at idinagdag Ko ang araw ngayon alang-alang sa kahinahunan. Ngunit ngayon Ako ay lalakad na. Magsisimula tayo kaagad kapag ang buwan ay tumataas na. Ito ay magiging isang mahabang lakbayin kahit na kung tayo ay mamangka hanggang sa layo ng Bethsaida. Ngunit ibig Kong magsaya ang Aking puso, binabati sina Benjamin at Daniel. Nakita na ninyo kung anong mga kaluluwa ang mayroon ang mga pastol. O! sulit na sulit ang lumakad upang parangalan sila, sapagkat ni ang Diyos ay hindi pinabababa ang Sarili sa pagpaparangal sa isa ng Kanyang mga lingkod, sa kabaligtaran pinalalaki Niya ang Kanyang katarungan.»

«Sa init na ito? Tingnan kung ano ang Inyong ginagawa, sinasabi ko sa Inyo alang-alang sa Inyo.»

«Ang mga gabi ay hindi na masyadong mabanas. Ang araw sa maikling panahon na lamang ngayon ay mapupunta na sa Leo, at ang mga bagyo ay pinalalamig ang init. At sasabihin Ko sa inyong muli. Wala Akong pinipilit na sinuman na sumama. Ang lahat ay kailangan na kusa sa Akin at sa paligid Ko. Kung mayroon kang kailangan na asikasuhin, o kung ikaw ay napapagod, manatili rito. Saka na tayo magkikita.»

«Bueno, sinabi Ninyo iyan. Kailangan kong asikasuhin ang ilang mga bagay ng pamilya. Ang pagpipiga ng ubas ay malapit na at ang aking ina ay sinabihan ako na puntahan ang ilang mga kaibigan.... Alam N’yo, na ako ang ulo ng pamilya, mangyari man ang lahat. Ang ibig kong sabihin: ako ang lalaki sa loob ng pamilya.

Si Pedro ay bumulung-bulong: «Mabuting naalaala niya na ang isang ina ay ang laging nauuna pagkatapos ng isang ama.»

Si Judas, kung hindi niya napapakinggan o ayaw niyang mapakinggan, ay hindi nagpapakita ng tanda na narinig niya ang pagbulung-bulong, na maging ano pa man ay pinigil ni Jesus sa pamamagitan ng isang sulyap, habang si Santiago ni Zebedeo, na nakaupo malapit kay Pedro, ay hinatak ang kanyang tunika upang magawa siyang manahimik.

«Makakalakad ka, Judas. Hindi, bagkus, kailangan na lumakad ka. Hindi tayo dapat nagkukulang sa pagsunod sa ating mga ina.»

«Bueno, lalakad ako kaagad, kung pahihintulutan Ninyo ako. Makakarating ako sa Nain nang tamang-tama para makahanap ng matutuluyan. Paalam, Guro. Paalam mga kaibigan.»

«Maging kaibigan ng kapayapaan at marapatin lagi ang makasama ang Diyos. Paalam» sabi ni Jesus, samantalang ang mga iba ay nagpaalam nang sabay-sabay.

Walang labis na dalamhati nakikita siyang aalis, sa kabaligtaran, si Pedro, na baka natatakot na magbago ang isip ni Judas, ay tinutulungan niya siyang maitali ang mga istrap ng kanyang bag at mailagay ang bag sa kanyang likuran, dinadala siya sa pintuan ng talyer, na ngayon ay bukas na, katulad ng isa pang pintuan na patungo sa pangkusinang-hardin, na halatang binuksan upang mabawasan ang banas sa silid pagkatapos ng napakainit na araw. Nananatili siya sa pintuan tinitingnan si Judas na umaalis, at noong makita niya na si Judas ay totoong umaalis na, nagpakita siya ng tuwa at kumaway ng mapanuyang pagpapaalam at bumalik pinagkikiskisan ang kanyang mga palad. Siya ay walang sinasabi... ngunit nasabi na niya ang lahat. Ang ilan sa mga disipulo na kanina pa nagmamasid, ay tumatawa sa likuran ng kanilang mga manggas.

²Ngunit si Jesus ay hindi sila napupuna, sapagkat tinitingnan Niya ang mukha ng Kanyang pinsan na si Santiago, na namumula at nagmumukhang seryoso, at tumigil sa pagkain sa kanyang mga olibo. Tinanong Niya siya: «Anong problema?»

«Sinabi Mo: “Hindi dapat tayo nagkukulang ng pagsunod sa ating mga ina..” Papaano kami, kung gayon?»

«Huwag maligalig. Bilang isang pangkalahatang alituntunin ganyan dapat ang kilos ng isang tao. Kapag ang isa ay bagkus isang tao at isang anak ng gayon ding laman. Ngunit hindi kung ang isa ay nagkaroon na ng isa pang kalikasan at ibang paternidad. Ang mas mataas na ganyang paternidad ang kailangan na masunod sa mga ipinag-uutos at mga mithiin nito. Si Judas ay dumating bago sa iyo at kay Mateo... ngunit siya ay huling-huli. Kailangan niyang maporma, at mapoporma siya nang napakabagal. Kayong lahat ay kailangan na maging mapagkawanggawa sa kanya, ikaw din Pedro, maging mapagkawanggawa! Naiintindihan Ko... ngunit sinasabi Ko sa inyo: maging mapagkawanggawa. Ang magpasyensiya sa makukulit na tao ay hindi isang madaling birtud. Gamitin iyan.»

«Oo, Guro... Ngunit kapag nakikita ko siya na ganyan... na ganyan... Bueno, manahimik, Pedro, sapagkat ano pa man ang kaso naiintindihan Niya... Ako ay tila isang panlayag na hikit na hikit gawa ng hangin... lumalaginit sa pagkakabatak, at laging may bumibigay sa loob ko... Ngunit alam Ninyo, o kung baga, hindi Ninyo nalalaman sapagkat wala Kayong nalalaman sa pamamangka, kung kaya't sasabihin ko sa Inyo, kung ang lahat na mga tela ng isang panlayag ay bumigay dahil sa labis na hatak, matitiyak ko sa Inyo na ang panlayag ay bibigyan ang tangang mamamangka ng isang sampal, na magugulat siya... Ngayon iyan ang aking nararamdaman... nakikipagsapalaran ako na mapunit ang lahat na tela... at pagkatapos... mas mabuti na, oo, kung paminsan-minsan siya ay aalis. Upang ang lahat na mga panlayag ay bababa dahil sa kakulangan ng hangin at may panahon ako na mapalakas ang mga tela.»

Si Jesus ay ngumingiti at iniiling ang Kanyang ulo, kinaaawaan ang makatarungan at mainitin na Pedro.

³Ang isang ingay ng mga padyak ng mga paa ng kabayo at ng sigawan ng mga bata ay narinig sa kalsada. «Siya ay naririto! Siya ay naririto! Tigil, mamâ.» At bago si Jesus at ang mga disipulo magkamalay kung ano ang nangyayari, ang maitim na katawan ng isang kabayo punó ng pawis ay lumitaw sa harapan ng pintuan, ang isang mángangabayò ay bumaba, pumasok nang mabilis at ipinagpatirapa ang sarili sa paanan ni Jesus, hinahalikan ang mga paa ni Jesus nang may pagpipitagan.

Lahat sila ay takang-takang tinitingnan siya. «Sino ka? Ano ang kailangan mo?»

«Ako si Jonathan.»

Si Jose ay tumugon na may sigaw: dahil, nakaupo sa likuran ng mataas na mesa, at, dahil sa kabiglaan ng pagdating, naging imposible sa kanya na makilala ang kanyang kaibigan. Ang pastol ay nagmadali patungo sa nakapatirapang lalaki: «Ikaw, ikaw ito!...»

«Oo, sinasamba ko ang aking pinakamamahal na Panginoon! Tatlumpung taon ng pag-asa, O! Anong tagal ng paghihintay! Dito: ang mga taon na iyon ay namulaklak katulad ng bulaklak ng isang nangungulilang agave, nang biglaan, sa isang maligayang ekstasi, mas maligaya pa nga kaysa sa isa na matagal na! O! Tagapagligtas!»

Mga kababaihan, mga bata at ilan na mga lalaki, kasama rin dito ang mabuting si Alfeo ni Sarah, may hawak pang isang piraso ng tinapay at keso sa kanyang kamay, ay nag-ipun-ipon sa may pintuan at kahit sa loob ng malaking silid.

«Tumayo ka, Jonathan. Ako ay aalis na sana upang hanapin ka, si Benjamin at si Daniel...»

«Alam ko...»

«Tumayo ka, na sana maibigay Ko sa iyo ang halik na binigay Ko sa iyong mga kaibigan.» Si Jesus ay pinilit siyang tumayo at hinahalikan siya.

«Alam ko» pag-ulit ng matipunong matandang lalaki, na malusog at maayos ang pananamit. «Alam ko. Tama ang sinyora. Iyon ay hindi deliryo ng isang namamatay na tao! O! Panginoong Diyos! Papaano Kayo naririnig at nadarama ng isang kaluluwa, kapag tinatawag Ninyo ito!» Si Jonathan ay naaantig ang damdamin.

Ngunit siya'y nakapanumbalik. Siya ay hindi nag-aksaya ng panahon. Punó ng pagsamba ngunit aktibo, sinabi niya ang dahilan ng kanyang pagdating. «Jesus, aming Tagapagligtas at Mesiyas, ako ay naparito upang pakiusapan Kayo na sumama sa akin. Nakausap ko si Esther at sinabi niya sa akin... Ngunit bago ito, si Johanna ay nakipagusap sa Inyo at sinabi niya sa akin... o! huwag tumawa sa isang masayang lalaki, kayo na nakaririnig sa akin, dahil ako ay masaya subalit naghihirap ang kalooban, hanggang marinig ko Kayong magsabi “sasama Ako”. Alam Ninyo na ako ay naglalakbay kasama ang aking namamatay na sinyora. Ang paglalakbay! Iyon ay maganda mula Tiberias hanggang Bethsaida. Ngunit pagkatapos na iwanan namin ang bangka at kumuha ng isang bagon, bagama’t sinangkapan ko ito hangga't sa magagawa ko, ito ay isang pasakit. Kami ay naglakbay nang mabagal, sa gabi, ngunit siya ay naghirap. Sa Caesarea Philippi siya ay nasa punto na na mamatay, sumusuka ng dugo. Kami ay tumigil... Sa ikatlong umaga, pitong araw na ang nakararaan, ako ay kanyang inutusan. Siya ay maputlang maputla at hapô, na siya ay nagmumukhang tila patay na. Ngunit nang tinawag ko siya, ibinukas niya ang kanyang mga mata, katulad ng mga mata ng namamatay na gasela at ngumiti sa akin. Sa pamamagitan ng kanyang kasing-lamig ng yelo na kamay kinawayan niya ako na yumuko, ang kanyang tinig bilang napakahina, at sinabi niya sa akin: “Jonathan, iuwi mo ako. Ngunit kaagad”. Ang kanyang pagsisikap sa pag-utos sa akin ay napakalakas na, bagama’t siya ay laging kasing giliw ng isang mabuting maliit na bata, ang kanyang mga pisngi ay naging iskarlata at sa isang sandali ang kanyang mga mata ay nagningning. Siya ay nagpatuloy: “Napanaginipan ko ang aking bahay sa Tiberias. Mayroon sa loob nito ng Isa Na ang Kaninong mukha ay katulad ng isang bituin, Siya ay matangkad, maganda ang buhok, ang Kanyang mga mata ay kasing asul ng kalangitan at ang Kanyang tinig ay mas matamis pa kaysa sa tunog ng isang lira. Siya ay nagsasabi sa akin: ‘Ako ang Buhay. Halika. Bumalik ka. Ako ay naghihintay sa iyo upang ibigay ito sa iyo’. Ibig kong pumunta”. Sinabi ko: “Aking sinyora! Hindi kayo makakapunta! Kayo ay hindi magaling! Kapag kayo ay mas mabuti-buti na, titingnan natin...” Akala ko iyon ay ang deliryo ng isang namamatay na tao. Ngunit siya ay umiiyak at pagkatapos... o! iyon ay ang unang pagkakataon na nagsalita siya nang gayon sa loob ng anim na taon na siya ay naging sinyora ko, at siya ay naupo pa sa kanyang galit, samantalang dati hindi siya makagalaw – at pagkatapos sinabi niya sa akin: “Katulong, ibig kong pumunta. Ako ay ang iyong sinyora. Sumunod!” at pagkatapos siya ay bumagsak patalikod sumusuka ng dugo. Akala ko siya ay namamatay... at sinabi ko: “Gawin natin siyang masaya. Mamamatay din siya kahit papaano!... Hindi ako makukonsiyensiya na hindi ko siya sinunod sa katapusan, pagkatapos na pasayahin siya sa lahat ng oras”. Anong paglalakbay! Siya ay hindi nagpapahinga maliban sa umaga sa pagitan ng ikatlo at ng ikaanim na oras... Napilit ko nang sobra ang mga kabayo upang makarating nang mabilis. Nakarating kami sa Tiberias ngayong araw sa ika-siyam na oras... At sinabi sa akin ni Esther... Naintindihan ko kung gayon na Kayo ang tumawag sa kanya. Sapagkat iyon ang oras at ang araw na nangako Kayo kay Esther ng isang himala at Kayo ay nagpakita sa kaluluwa ng aking sinyora. Ibig niya kaagad na magsimula ulit pagkatapos ng ika-siyam na oras at pinauna niya ako... O! halikayo, aking Tagapagligtas!»

«Pupunta Ako kaagad. Ang pananampalataya ay karapat-dapat ng isang gantimpala. Ang may gusto sa Akin, ay makukuha Ako. Tayo na.»

«Sandali. Nagtapon ako ng isang lukbutan ng pera sa isang binata, nagsasabing: “Tatlo, lima, kasing dami ng mga asno na ibig mo, kung wala kang mga kabayo, at kaagad, sa bahay ni Jesus”. Sila ay malapit nang dumating. Mas mapapabilis tayo. Umaasa ako na masasalubong ko siya malapit sa Cana. Kung siya man lamang...»

«Ano, Jonathan?»

«Kung siya man lamang ay buhay pa...»

«Siya ay buhay. Ngunit kahit na kung siya ay patay, Ako ang Búhay. ⁴Naririto ang Aking Ina.»

Ang Birhen, Na halatang napagsabihan ng kung sino, ay nagmamadali patungo sa kanila sinusundan ni Maria ni Alfeo. «Anak, Ikaw ba ay aalis?»

«Oo, Inay. Ako ay aalis kasama si Jonathan. Siya ay dumating. Alam Ko na maipakikita Ko Kayo sa kanya. Ito kung bakit naghintay Ako nang isang araw pa .»

Si Jonathan sa una ay yumuko nang malalim, na ang kanyang mga kamay naka-ikis sa kanyang dibdib, ngayon siya ay lumuluhod at magaang kinukuha ang laylayan ng damit ni Maria at hinahalikan ito nagsasabing: «Sumasaludo ako sa Ina ng aking Panginoon!»

Si Alfeo ni Sarah ay nagsasabi sa mausyusong mga mánonood: «O! Anong masasabi ninyo? Hindi ba tayo kailangan na mahiya sa pagiging ang tanging mga walang pananampalatayang mga tao?»

Ang ingay ng maraming mga paa ng hayop ay maririnig sa kalsada. Ito ay nanggagaling sa maliliit na asno. Sa palagay ko ang lahat na asno sa Nazareth ay naroroon na, at napakarami nito na sapat na ito para sa isang eskuwadron. Habang pinipili ni Jonathan ang pinakamagaganda at nakikipag-areglo, nagbabayad nang wala nang tawad-tawad sa presyo, at kumukuha ng dalawang Nazareno na may ilan pang mga asno, dahil baka ang ilan ay mawalan ng sapatos, at na ang dalawang lalaki ay maibalik ang lahat na nag-iingay na kawan ng mga asno, si Maria at ang isa pang Maria ay tumutulong upang maisara ang mga sukbit na bag at mga sako.

Si Maria ni Alfeo ay nagsasabi sa kanyang mga anak: «Iiwanan ko ang inyong mga kama rito. At hahaplusin ko ang mga ito.... At mararamdaman ko na tila hinahaplos ko kayo. Maging mabuti, karapat-dapat kay Jesus, mga anak... at ako... ako ay magiging masaya...» at sa pansamantala siya ay lumuluha ng malalaking luha.

Si Maria sa halip ay tinutulungan si Jesus at hinahaplos Siya nang mapagmahal, binibigyan Siya ng labis na payo at maraming mensahe para sa dalawa pang Lebanese na mga pastol, sapagkat sinasabi ni Jesus na hindi Siya babalik hangga't hindi Niya sila natatagpuan.

⁵Sila ay umalis. Ngayon ay gabi at ang unang kaapat ng buwan ay tumataas na ngayon. Si Jesus ay nasa harapan kasama si Jonathan, ang lahat na iba pa ay nasa likuran. Habang sila ay nasa loob ng bayan sila ay kumikilos sa bilis ng naglalakad, sapagkat ang mga tao ay nag-iipun-ipon malapit sa kanila. Ngunit nang sila ay kaagad nakalabas, sila ay nagmabilis, habang ang karabana ay umaalingawngaw sa mga tunog ng mga paa ng asno at ng mga nakakabit na kampanilya.

«Siya ay nasa bagon kasama si Esther» paliwanag ni Jonathan. «O! Aking sinyora! Anong lugod ang gawin kayong masaya! Ang dalhin sa inyo si Jesus! O! aking Panginoon! Ang makasama Kayo rito, sa tabi ko! Ang makasama Kayo! Ang Inyong mukha ay totoo ngang katulad ng bituin na kanyang nakita at ang Inyong buhok ay maganda at ang Inyong mga mata katulad ng kalangitan at ang Inyong tinig ay totoong ang tunog ng isang lira... o! Ngunit ang Inyong Ina! Madadala ba Ninyo Siya sa aking sinyora, isang araw?»

«Ang iyong sinyora ay pupunta sa Kanya. Sila ay magiging magkaibigan.»

«Sila ba? O!... Oo, siya ay makakapunta. Si Johanna ay may asawa at nagkaroon ng anak. Ngunit ang kanyang kaluluwa ay kasing puro katulad ng puso ng isang birhen. Maaari siyang málapit sa pinagpalang Maria.»

Si Jesus ay lumingon dahil sa isang masarap na tawa mula kay Juan, na ginaya ng lahat.

«Ako iyon, Guro, kung bakit sila tumawa. Sa ibabaw ng bangka ako ay mas matatag pa kaysa sa isang pusa... ngunit dito! Katulad ko ang isang bariles na napabayaang walang tali sa sahig ng isang bangka na inabutan ng hanging habagat» sabi ni Pedro.

Si Jesus ay ngumingiti pinagiginhawahan siya, nangangako na ang trote ay malapit nang matapos.

«O! Wala ito. Walang anuman ito kung ang mga bata ay tatawa. Lumakad na tayo at gawin ang mabuting babaeng ito na masaya.»

Si Jesus ay lumingon muli sa isa pang bugso ng tawanan. Si Pedro ay bumulalas: «Hindi. Hindi ko sasabihin ang isang iyan, Guro. Ngunit bakit hindi? Oo, sasabihin ko sa Inyo. Sinasabi ko “Ang ating punong ministro ay ngangatngatin ang kanyang mga daliri kapag nalaman niya na siya ay wala kung saan may posibilidad na makapangabayong kasama ang isang binibini na may ranggo”. At sila ay tumawa. Ngunit ganito ito. Natitiyak ko na kung ito ay kanyang nakini-kinita, hindi siya nagkaroon ng paternal na mga úbasán na aasikasuhin.»

Si Jesus ay hindi tumugon.

Ang daan ay mabilis na nabagtas ng mabuting-napakain na maliliit na asno. Ang Cana ay kaagad nalampasan sa loob ng maliwanag na sinag ng buwan.

«Kung ako ay pahihintulutan Ninyo, ibig kong mauna na. Patitigilin ko ang bagon. Ang pag-uga nito ay nagagawa siyang maghirap nang labis.»

«Oo, lakad.»

Si Jonathan ay pinatakbo nang matulin ang kanyang kabayo.

⁶Mahaba ang kanilang nilakbay sa loob ng sikat ng buwan. Pagkatapos nakita nila ang maitim na hugis ng isang malaking may-takip na bagon. Si Jesus ay pinabilis ang Kanyang asno na umimbay nang kaunti. Siya ay malapit na ngayon sa bagon at bumaba.

«Ang Mesiyas!» balita ni Jonathan.

Ang matandang yaya ay nagmadali palabas ng bagon patungo sa daan, at pagkatapos itinapon ang sarili sa alikabok. «O! iligtas siya! Siya ay namamatay.»

«Naririto Ako.» at si Jesus ay inakyat ang bagon, kung saan may tambak ng mga kutson at may isang balingkinitan na katawan sa ibabaw. May isang maliit na lampara sa isang sulok, at mga kopa at mga amphora. Ang isang bata-pang babaeng katulong ay umiiyak, habang pinupunas niya ang malamig na pawis sa namamatay na babae. Si Jonathan ay nagmadali patungo sa loob dala ang isa sa mga lampara ng bagon.

Si Jesus ay niyuyukuan ang walang-malay na babae, na tunay ngang namamatay. Walang pagkakaiba sa pagitan ng kaputian ng kanyang linen na damit at ng pamumutla, na bahagya pang maasul-asul, ng kanyang nangayayat na mga kamay at mukha. Tanging ang kanya lamang na makapal na mga kilay at ang mahahabang pilikmata ang nagbibigay ng ilan na kulay sa niyebeng-kaputian na mukha. Ang kanyang mga pisngi ay ni wala ng nagbábabalang maningning na iskarlata ng mga may TB. Ang kanyang mga labì ay isa lamang na biyoletang rosal, medyo nakabukas habang humihinga nang may kahirapan.

Si Jesus ay lumuhod sa tabi niya at pinagmamasdan siya. Ang yaya ay kinuha ang kanyang kamay at tinatawag siya. Ngunit ang kanyang kaluluwa, nasa pamintuan na ng kamatayan, ay hindi tumutugon.

Ang mga disipulo ay dumating kasama ang dalawang binata na mula Nazareth at sila ay nag-ipun-ipon sa paligid ng bagon.

Si Jesus ay inilapat ang Kanyang kamay sa noo ng namamatay na babae, na sa isang sandali ay ibinukas ang kanyang napadilim na malalabong mata at pagkatapos isinara itong muli.

«Siya ay hindi na nakaririnig» ungol ng yaya. At siya ay umiiyak nang mas malakas.

Si Jesus ay sumenyas: «Inay, makaririnig siya. Manampalataya.» Pagkatapos tinawag Niya siya: «Johanna! Johanna! Ako ito! Tinatawagan kita. Ako ang Buhay. Tingnan mo Ako, Johanna.»

Ang namamatay na babae ay ibinukas ang kanyang malalaking madilim na mga mata na may mas maningning na sulyap at tinitingnan ang mukha na nakayuko sa kanya. Nagpakita siya ng lugod at ngumingiti. Unti-unti niyang iginalaw ang kanyang mga labì pinoporma ang isang salita na, bagaman, ay walang tunog.

«Oo. Ako ito. Ikaw ay naparito at Ako ay naparito. Upang iligtas ka. Makapananampalataya ka ba sa Akin?»

Ang namamatay na babae ay itinatango ang kanyang ulo. Ang lahat ng kanyang sigla at ang lahat na mga salita na hindi niya mabigkas kahit papaano ay lahat nasa kanyang sulyap.

«Bueno (si Jesus, habang nakaluhod pa at pinananatili ang Kanyang kaliwang kamay sa kanyang noo, ay itinutuwid ang Sarili, pinalalabas ang Kanyang Makalangit na kapangyarihan) Bueno: gusto Ko ito. Maging magaling. Bumangon.» inalis Niya ang Kanyang kamay at tumayo.

Isang kapiraso ng isang segundo, pagkatapos si Johanna ni Chuza, nang wala kahit anong tulong, ay iniupo ang sarili, sumigaw at itinapon ang sarili sa paanan ni Jesus, nagtatawag sa isang malakas na masayang tinig: «O! upang mahalin Kayo, aking Panginoon. Magpasawalanghanggan! Sa Inyo! Magpasawalanghanggan sa Inyo! Yaya! Jonathan! Magaling na ako! O! Bilis! Takbo at sabihan si Chuza! Na sana siya ay pumunta upang sambahin ang Panginoon! O! pagpalain akong muli, at muli, at muli! O! Aking Tagapagligtas.» Siya ay umiiyak at ngumingiti, hinahalikan ang tunika ni Jesus at mga kamay.

«Oo, pinagpapalà kita. Ano pa ang kailangan Kong gawin para sa iyo?»

«Wala, Panginoon. Maliban sa mahalin ako at pahintulutan akong mahalin ko Kayo.»

«At ayaw mo bang magkaroon ng isang anak?»

«O! isang anak!... Gawin ang ayon sa kasiyahan Ninyo, Panginoon. Iniiwan ko ang lahat sa Inyo: ang aking nakaraan, aking kasalukuyan at aking hinaharap. Utang ko sa Inyo ang lahat at binibigay ko sa Inyo ang lahat. Ibigay sa Inyong lingkod, ang nalalaman Ninyo na mas mabuti.»

«Eternal na buhay kung gayon. Maging masaya. Ang Diyos ay minamahal ka. Aalis na Ako. Pinagpapalà kita, at pinagpapalà Ko kayong lahat.»

«Hindi aking Panginoon. Tumigil sa aking bahay, na ngayon ay, o! ngayon ay totoong isang mabulaklak na hardin ng mga rosas. Pahintulutan akong makabalik doon kasama Kayo... O! Gaano ako kasaya!»

«Pupunta Ako. Ngunit kasama Ko ang Aking mga disipulo.»

«Aking mga kapatid, Panginoon. Si Johanna ay magkakaroon para sa kanila, katulad ng para sa Inyo, pagkain at mga inumin at bawat pampalamig. Gawin Ninyo akong masaya!»

«Tayo na. Isuli ang mga asno at sundan ninyo kami naglalakad. Ang daan ay maikli na ngayon. Kami ay magpapatakbo nang marahan, na sana makasunod kayo sa amin. Paalam, Ishmael at Aser. Ihatid ang Aking mga pagbati sa Aking Ina, mula sa Akin, at sa Aking mga kaibigan.»

Ang dalawang Nazareno, tulala, ay umalis kasama ang kanilang nag-iingay na mga asno, samantalang ang bagon ay sinimulan nito ang paglalakbay nang pabalik, sa pagkakataon na ito dala ang sakay na lugod nito. Ang mga disipulo sumusunod sa isang grupo gumagawa ng kanilang mga komentaryo.

Ang lahat ay nagtatapos.

(541) 020910/051213

 

Sunod na kabanata.