105. Si Jesus Nakikipagkasundo sa Kanyang Pinsan na si Simon sa Loob ng Bahay ni Maria ni Alfeo.

Pebrero 12, 1945.

¹Ang araw ay lumulubog sa isang maningning na mapulang paglubog-ng-araw, na katulad ng apoy na malapit nang mamatay, palubog na nang palubog hanggang sa ito ay maging rubing-biyoleta: isang magandang pambihirang kulay, na naglalahong unti-unti, nakukulayan nito ang lahat ng kanluraning kalangitan, hanggang sa ito ay maging madilim na cobalt-na-asul na kalangitan, kung saan ang silangan ay matatag na lumalapit kasama ang mga bituin at ang gasuklay na buwan nito, ngayon sinisimulan na ang ikalawang pagbabago nito. Ang mga magbubukid ay nagmamadali pabalik sa kanilang mga tahanan, mula kung saan ang paikót na mga usok galing sa maliliit na mabababang bahay sa Nazareth ay nagpapakita na ang mga apoy ay nasindihan na.

Si Jesus ay pabalik na sa bayan, at kontra sa opinyon ng iba, ayaw Niya na may sinuman na pumunta at sabihan ang Kanyang Ina. «Walang mangyayari. Bakit balisahin Siya bago pa man?» Sabi Niya.

Siya ay nasa mga kalsada na ngayon. Ang ilang mga tao ay sinasaluduhan Siya, ang ilan ay bumubulong sa Kanyang likuran, ang ilan ay may-kagaspangan na tumatalikod at ibinabagsak ang mga pinto nang ang grupo ng mga apostol ay nagdaraan.

Ang paggagaya-gaya ni Pedro ay tunay na maganda. Ngunit ang iba rin ay medyo nag-aalala. Ang mga anak ni Alfeo ay nagmumukhang dalawang sentensiyado. Sila ay naglalakad sa tabi ni Jesus, ang kanilang mga ulo nakatungo, ngunit pinagmamasdan nila ang lahat at paminsan-minsan ang dalawa ay nagtitinginan dismayado at nag-aalala tungkol kay Jesus. Ang Guro, na tila walang problema, ay gumaganti ng mga pagbati sa pamamagitan ng Kanyang karaniwang kabaitan, yumuyuko upang haplusin ang mga bata, na sa kanilang kasimplihan ay walang pinapanigan na kahit sino, at laging ang mga kaibigan ng kanilang Jesus, Na laging magiliw sa kanila.

Ang isa sa kanila, isang magandang mabintog na bata, apat na taong gulang hindi hihigit, ay binibitiwan ang damit ng kanyang ina, at tumakbo patungo kay Jesus at itinaas ang kanyang mga kamay nagsasabing: «Kunin Mo ako!» At sa dahilan na si Jesus ay pinagbigyan siya at kinarga, ang bata ay hinalikan Siya ng kanyang mga labì na may mga katas ng igos na kanyang kinakain, pagkatapos pinaaabot niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa punto na ialok niya ang isang maliit na mumo ng igos kay Jesus nagsasabing: «Kainin Mo! Masarap ‘yan!» Si Jesus ay tinanggap ang alok at ngumingiti na Siya ay pinakakain ng isang sumisibol na maliit na mamâ.

²Si Isaac, kargado ng mga pitsel, ay papalapit mula sa pontanya. Nakita niya si Jesus, ibinaba ang mga pitsel, at sumigaw: «O! Aking Panginoon!» tumatakbo patungo sa Kanya. «Ang Inyong Ina ay kababalik pa lamang sa bahay. Siya ay nanggaling sa bahay ng Kanyang hipag. Ngunit... Natanggap ba Ninyo ang sulat?» nagtanong siya.

«Iyan kung bakit Ako naririto. Huwag magsalita ng kahit ano sa Inay pansamantala. Pupunta muna Ako sa bahay ni Alfeo.»

Si Isaac, marunong katulad niya, ay tumugon lamang: «Susundin ko Kayo.»,  kinuha niya ang kanyang mga pitsel at nagpatungo sa bahay.

«Tayo ay pupunta na ngayon. Kayo, Aking mga kaibigan, ay maghihintay sa amin dito. Hindi Ako magtatagal.»

«Siguradong hindi! Hindi namin papasukin ang bahay ng pagluluksa, ngunit mananatili kami sa labas sa banda roon. Tama ba iyon?» sabi ni Pedro.

«Tama si Pedro. Mananatili kami sa kalsada. Ngunit malapit sa Inyo.»

Si Jesus ay yumuko sa kanilang kagustuhan. Ngunit Siya ay ngumingiti at nagsabi: «Hindi nila Ako gagawan ng kahit anong pananakit. Maniwala sa Akin. Sila ay hindi baliw. Sila ay mga taong masimbuyo lamang. Tayo na.»

Nakikita ko sila sa kalsada ng bahay at pagkatapos sa pamasukan patungo sa pangkusinang-hardin.  Si Jesus ang unang pumasok, sinusundan nina Judas at Santiago. ³Si Jesus ngayon ay nasa pamasukan na ng kusina. Sa loob, malapit sa paapuyan, naroon si Maria ni Alfeo, nagluluto at umiiyak. Sa isang sulok, naroon sina Simon at Jose, kasama ang iba pang mga lalaki, nakaupo sa isang maliit na grupo. Kasama sa mga kalalakihan ay naroon si Alfeo ni Sarah. Sila ay mga nakaupo roon, kasing tahimik ng mga estatuwa. Baka ito ang kanilang kaugalian. Hindi ko alam.

«Kapayapaan sa bahay na ito at kapayapaan sa kaluluwa na yumao mula rito.»

Ang balo ay napasigaw at likas na napakilos na itulak si Jesus pabalik at inilalagay ang kanyang sarili sa pagitan Niya at ng iba. Sina Simon at Jose ay tumayo, namamanglaw at nataranta. Ngunit si Jesus ay nagkukunwari na hindi Niya napuna ang kanilang ostil na aktitud. Siya ay pumunta malapit sa dalawang lalaki (si Simon ay nagmumukhang limampung taon na, o mahigit pa) at iniaabot ang Kanyang mga kamay sa pakikipagkaibigan na paanyaya. Ang dalawang magkapatid ay mas natataranta higit pa kailanman. Ngunit hindi sila naglalakas loob na gumawa ng kahit anong magaspang na kilos. Si Alfeo ni Sarah ay nasa lubos na pagkabalisa at kitang-kitang naghihirap. Ang ibang mga lalaki ay walang ipinakikitang ekspresyon naghihintay sa kung ano ang mangyayari.

«Simon, dahil ikaw na ngayon ang ulo ng pamilya, bakit hindi mo Ako tinatanggap? Ako ay naparito upang makiramay sa inyo. Gaano Ko kagusto na makasama kayo sa oras ng pamimighati! Ngunit Ako ay nasa malayo, na hindi Ko kasalanan. Ikaw ay isang makatarungang tao, Simon. Kailangan na tanggapin mo iyan.»

Ang lalaki ay wala pa rin pakialam.

«At ikaw, Jose, na ang kaninong pangalan ay mahal na mahal sa Akin, bakit hindi mo tanggapin ang Aking halik? Hindi mo ba Ako pahihintulutan na makiramay sa inyo? Ang kamatayan ay nagbubuklod sa tunay na mga damdamin. Tayo ay nagmamahalan. Bakit kailangan ngayon magkaroon ng pagkakawatak-watak?»

«Dahil sa Iyo ang aming ama ay namatay na isang ligalíg na tao» sabi ni Jose nang magaspang. At si Simon: «Namalagi Ka sana rito. Nalalaman Mo na siya ay namamatay. Bakit hindi Ka namalagi? Kinailangan Ka niya...»

«Wala na Akong magagawa nang higit pa kaysa sa nagawa Ko na. At nalalaman ninyo iyan...»

Si Simon na mas makatarungan, ay nagsabi: «Totoo iyan. Alam ko na Ikaw ay naparito at pinalayas Ka niya. Ngunit siya ay may sakit at nalulungkot.»

«Alam Ko at sinabi Ko sa inyong ina at mga kapatid: «Wala Akong kimkim na sama-ng-loob, sapagkat naiintindihan Ko ang kanyang puso”. Ngunit ang Diyos ay mataas sa lahat. At ang Diyos ay ginusto ang kapighatian na ito para sa lahat. Para sa Akin, sapagkat, maniwala sa Akin, Ako ay naghirap na tila isang piraso ng Aking laman ay pinilas mula sa Akin; para sa inyong ama, na sa kanyang paghihirap naintindihan ang dakilang katotohanan, na naging malabo sa kanya sa buong buhay niya, para sa inyo, dahil ang kirot na ito ay nabibigyan kayo ng pagkakataon na makagawa ng isang sakripisyo na mas  nakapagpapagaling kaysa sa isang isinakripisyong torong kapon; at para kina Santiago at Judas, na ngayon kasing gulang mo na, mahal na Simon, sa dahilan na ang kirot na ito ay ang kanilang pinakamalaking pasanin at naniniil sa kanila katulad ng isang panggiling na bato, nagawa sila nitong mga adulto at mapunta sa perpektong edad sa mga mata ng Diyos.»

«Anong katotohanan ang nakita ng aming ama? Iisa lamang: na ang kanyang sariling dugo, sa huling oras, ay ostil sa kanya» tugon nang magaspang ni Jose.

«Hindi. Naintindihan niya na ang espiritu ay mataas sa dugo. Naunawaan niya ang kirot ni Abraham at dahil diyan napasakanya si Abraham upang tulungan siya» tugon ni Jesus.

«Sana ganito ito! Ngunit sino ang makapagtitiyak sa amin?»

«Ako, Simon. At higit pa sa Akin, ang kamatayan ng inyong ama ay magagawa ito. Hindi ba’t hinanap niya Ako? Iyan ang sinabi mo.»

«Sinabi ko. Totoo iyan. Ginusto niya si Jesus. At madalas niyang sabihin: “Ang akin man lamang na kaluluwa ay hindi mamamatay. Magagawa Niya ito! Pinalayas ko Siya at hindi na ulit Siya babalik. O! Ang mamatay na wala si Jesus! Anong nakakatakot kang tao! Bakit ko Siya pinalayas?” Oo, iyan ang kanyang sinabi. Sinasabi din niya: “At tinanong Niya ako nang maraming beses: ‘Talaga bang kailangan Kong umalis?’ at pinalayas ko Siya... Ngayon hindi na Siya pupunta ulit”. Kinailangan Ka niya. Ang Iyong Ina ay nagpadala ng mga tao para sa Iyo, ngunit hindi Ka nila makita sa Capernaum at siya ay labis na umiyak. At sa pamamagitan ng kanyang huling lakas kinuha niya ang kamay ng Iyong Ina at ginusto niya Siya sa tabi niya. Halos hindi siya makapagsalita. Ngunit sinabi niya: “Ang Ina kahit na papaano ay ang Anak. Pinananatili ko Siya upang magkaroon ng ilan Niya, sapagkat natatakot ako ng kamatayan”. Kaawa-awang ama!»

Nagkaroon ng isang tanawin na pansilanganin na may mga sigawan at mga pagpapakita ng kapighatian, kung saan lahat sila ay sumali, sina Santiago at Judas din na naglakas-loob na pumasok. Si Jesus ang pinakatahimik, umiiyak lamang Siya.

«Ikaw ba ay lumuluha? Mahal Mo siya kung gayon?» tanong ni Simon.

«O! Simon! Bakit mo Ako tinatanong? Kung ito ay maiiwasan Ko, sa palagay mo ba pababayaan Ko siyang maghirap? Kasama Ko ang Ama, ngunit hindi mataas sa Ama.»

«Nagpapagaling Ka ng mga namamatay na tao, hindi Mo siya pinagaling» wika ni Jose nang may-kapaitan.

«Hindi siya naniwala sa Akin.»

«Totoo iyan, Jose» patotoo ng kanyang kapatid na si Simon.

«Hindi siya naniwala at hindi niya inalis ang kanyang masamang damdamin. Wala Akong magagawa kung may pagkukulang ng pananampalataya at may poot. ⁴Kung kaya't sasabihin Ko sa inyo: huwag kapootan ang inyong mga kapatid. Naririto sila. Ang kanilang pahirap ay hindi kailangan na palakihin ng inyong masamang damdamin. Ang inyong ina ay mas napipira-piraso ng buháy na poot na ito, kaysa ng kamatayan na nagtatapos sa sarili nito mismo, at sa kaso ng inyong ama, ito ay nagtapos sa kapayapaan, sapagkat ang kanyang kagustuhan na mapalapit Ako ay nakakuha para sa kanya ng kapatawaran ng Diyos. Ako ay hindi nagsasalita ng tungkol sa sarili Ko, ni wala Akong hinihingi para sa sarili Ko. Ako ay nasa mundo, ngunit Ako ay hindi mula sa mundong ito. Kung ano ang buháy sa loob Ko, ay ang nagpupuno sa kung ano ang itinatangi sa Akin ng mundo. Ako ay naghihirap sa pamamagitan ng Aking pagkatao, ngunit itinataas Ko ang Aking espiritu sa taas ng mundo at Ako ay nagbubunyi sa selestiyal na mga bagay. Ngunit sila!... Huwag labagin ang batas ng pagmamahal at ng dugo. Magmahalan sa isa’t isa. Sa loob nina Santiago at Judas ay walang pananakit laban sa kanilang dugo. Ngunit kahit na kung mayroon, kailangan na kayo ay magpatawad. Tingnan ang mga bagay sa tamang paraan at makikita ninyo na sila ang pinaka-nasasaktan sa lahat, sa dahilan na hindi ninyo naiintindihan ang mga pangangailangan ng kanilang mga kaluluwa na pinupuspos ng Diyos. Sa kabila nito sila ay walang kimkim na sama-ng-loob, bagkus ang mithiin lamang para sa pagmamahal. Tama ba iyon, Aking mga pinsan?»

Sina Judas at Santiago, na yakap ng kanilang ina, ay tumatango habang umiiyak.

«Simon, ikaw ang pinakamatanda. Ipakita ang halimbawa...»

«Ako... sa ganang akin... Ngunit ang mundo... ngunit Ikaw...»

«O! ang mundo! Ito ay nakakalimot at nagbabago sa bawat pagsikat ng araw... At Ako! Halika: ibigay mo sa Akin ang iyong pagka-kapatid na halik. Minamahal kita. Nalalaman mong mahal kita. Tanggalan mo ang iyong sarili ng mga kaliskis na iyan na nagagawa kang matigas at hindi sa iyo, bagkus naipilit ng mga estranghero na hindi kasing makatarungan katulad mo. Laging maghusga sa pamamagitan ng iyong matuwid na puso.»

Si Simon, na medyo nagdadalawang-isip pa rin, ay iniunat ang kanyang mga kamay. Si Jesus ay hinahalikan siya at pagkatapos dinala Niya siya sa kanyang mga kapatid. Sila ay nagpalitan ng mga halik umiiyak at umuungol.

«Ikaw na ngayon, Jose.»

«Hindi. Huwag mapilit. Naaalaala ko ang paghihirap ng aking ama.»

«Sa katotohanan pinalalawig mo ito sa pamamagitan ng iyong nagkikimkim na aktitud.»

«Hindi na bale. Ako ay matapat.»

Si Jesus ay hindi namilit. Kinakausap Niya si Simon: «Malalim na ang gabi. Ngunit kung walang anuman sa iyo... Ang aming mga puso ay umaapoy sa mithiin na pagpitaganan ang kanyang mga labí. Nasaan si Alfeo? Saan ninyo siya inilibing?»

«Sa likuran ng bahay. Kung saan nagtatapos ang taniman ng mga olibo sa tabi ng batong-ungos. Isang katamtamang sepulkro.»

«Pakiusap na dalhin Ako roon. Maria, laksan mo ang iyong loob. Ang iyong asawa ay nagbubunyi sapagkat nakikita niya ang iyong mga anak sa iyong sinapupunan. Manatili rito. Ako ay lalakad kasama si Simon. Maging nasa kapayapaan! Jose: sinasabi Ko sa iyo kung ano ang Aking sinabi sa iyong ama: “Wala Akong kimkim na masamang loob sa iyo. Minamahal kita. Kapag kailangan mo Ako, tawagin Ako. Ako ay pupunta at magluluksang kasama mo” Paalam.» At si Jesus ay lumabas kasama si Simon...

Ang mga apostol ay tinitingnan sila nang mausisa. Ngunit nakikita nila na sila ay nasa perpektong armoniya at sila ay masaya.

«Sasama rin ba kayo» sabi ni Jesus. «Sila ay Aking mga disipulo, Simon. Ibig din nilang pagpitaganan ang iyong ama. Tayo na.»

Nilalakad nila ang taniman ng mga punong-olibo at ang lahat ay nagtatapos.

--------------------

 

⁵Sinasabi ni Jesus:

«Isingit dito ang ikatlo at ikaapat ng mga bisyon na ibinigay noong ika 13 ng Pebrero 1944.

Katulad ng nakita mo, si Simon, hindi masyadong matigas ang ulo, ay nagpailalim sa katarungan, kung hindi man nang ganap, nang bahagi man lamang, na may banal na kaagaran. At pagkatapos ng pagkikita para sa kamatayan ni Alfeo, hindi siya naging Aking disipulo, hindi bale na hindi naging isang apostol, katulad na sa iyong kamangmangan tinawag mo siyang ganyan¹ mga santaon na ang nakararaan, ngunit siya man lamang ay hindi isang pálabán na tagapanood. Siya rin ang tagapag-alaga ng kanyang ina at ng Akin, noong sila ay kailangan na samahan at ipagsanggalang sa mga panunuligsa ng mga tao. Ngunit hindi siya napakalakas na ipilit ang kanyang sarili sa mga tumatawag sa Akin na “baliw”; at labis pa ring tao na ikahiya Ako nang kaunti at mag-alala tungkol sa mga panganib sa buong pamilya, dahil sa Aking gawaing-apostol laban sa mga sekta. Ngunit siya ay nasa tama nang daan. Kung saan na daan, pagkatapos ng Sakripisyo, siya ay nagpatuloy nang patatag pa nang patatag hanggang sa ipahayag niya ang kanyang pananampalataya sa Akin sa pamamagitan ng kanyang dugo. Ang Grasya kung minsan ay kumikilos nang madalian, kung minsan mabagal. Ngunit lagi itong kumikilos kung saan mayroong kalooban na maging makatarungan.

Humayo sa kapayapaan. Maging nasa kapayapaan sa iyong mga kapighatian. Ang panahon ng paghahanda para sa Muling-Pagkabuhay ay nagsisimula na at kailangan mong dalhin ang Krus para sa Akin. Pinagpapalà kita, Maria ng Krus ni Jesus.»

(559) 030910/051413



¹ Tingnan sa susunod na kabanata kung saan nabanggit si Simon na isang apostol.  - RLB.




Sunod na kabanata.