108. Si Jesus sa Anihan ng Ubas sa Bahay ni Anna. Ang Himala sa Isang Paralitikong Bata.

Pebrero 14, 1945.

¹Ang buong kabukiran ng Galilee ay ábalá sa malugod na gawain ng pag-aani ng mga ubas. Ang mga kalalakihan, umaakyat sa matataas na hagdanan, pinipitas ang mga ubas mula sa mga balag at mga baging; ang mga kababaihan, ang kanilang mga ulo may sunong ng mga basket, dinadala ang malaginto at rubing mga ubas kung saan ang mga tagapagpiga ay naghihintay. Ang mga awit, tawanan, mga biro ay nagpapalit-palitan sa pagitan ng maliliit na burol at ng mga hardin. Ang amoy ng pinigang ubas ay nasa lahat ng lugar. Ang mga pukyutan ay umuugong at tila lasing, napakabilis ng kanilang paglipad sa paligid at sumasayaw mula sa natitirang mga usbong ng baging, na may mga ubas pa, patungo sa mga basket at mga tangke kung saan ang mga ubas na kanilang hinahanap ay nawawala sa makapal na katas ng kapipigang ubas. Ang mga bata, ang kanilang mga mukha napinturahan ng mga katas katulad ng mga anito, ay tumitili katulad ng mga langaylangayan, tumatakbo sa damo, sa mga bakuran at sa mga kalsada.

Si Jesus ay patungo sa isang bayan na hindi malayo sa lawa. Ito ay isang bayan sa kapatagan; kamukha nito ang isang malapad na kanal ng ilog sa pagitan ng dalawang malayong kabit-kabit na mga bundok na umuunat nang pahilaga. Ang kapatagan ay mabuting napatutubigan sapagkat ang isang ilog (sa palagay ko ito ay ang Jordan) ay dumadaloy patawid dito. Si Jesus ay naglalakad sa pangunahing daan at pinapupurihan Siya ng maraming mga pagsigaw: «Rabbi! Rabbi!» Si Jesus ay dumaraan at nagpapalâ.

Bago ang bayan ay may isang mayaman na ari-arian, sa pamasukan nito kung saan ay may maedad na mag-asawa na naghihintay sa Guro. «Pasok Kayo. Kapag nakatapos sila sa pagtatrabaho mag-iipun-ipon sila rito upang pakinggan Kayo. Gaanong lugod ang dinadala Ninyo sa amin! Ito ay kumakalat mula sa Inyo katulad na kumakalat ang limpa sa pamamagitan ng mga usbong at nagiging isang malugod na alak para sa aming mga puso. ²Siya ba ay ang Inyong Ina?» tanong ng may-ari.

«Oo, Siya ang Aking Ina. Dinala Ko Siya rito sa inyo, sapagkat Siya rin ay kasama na sa grupo ng Aking mga disipulo. Ang huling tinanggap, ang una sa katapatan. Siya ay ang Apostol. Ipinahayag Niya Ako bago pa man Ako pinanganak... Inay, halikayo. Isang araw, iyon ay ang unang mga araw ng Aking pag-eebanghelyo, ang inang ito ay ginawa niyang hindi Ako malungkot dahil sa pág-iisip sa Inyo, napakabait niya sa Inyong pagod na Anak.»

«Harinawang ang Panginoon ay pagkalooban kayo ng Kanyang grasya, maawaing babae.»

«Mayroon akong grasya, sapagkat nasa akin ang Mesiyas at Kayo. Halikayo. Ang bahay ay malamig at ang liwanag ay hindi masyado. Makapagpapahinga Kayo. Maaaring napapagod Kayo.»

«Ang Aking tanging kapaguran lamang ay ang kapootan ng mundo. Ngunit ang sundan Siya at pakinggan Siya! Iyan ang Akin nang minimithi mula pa nang Aking pagkabata.»

«Nalaman ba Ninyo noon na Kayo ang magiging Ina ng Mesiyas?»

«O! hindi. Ngunit umasa Akong mabubuhay nang sapat na matagal upang mapakinggan Siya at mapaglingkuran, ang huli sa Kanyang mga naibanghelyuhan na mga tagasunod, ngunit matapat! O! matapat!»

«Napapakinggan na Ninyo Siya ngayon at napaglilingkuran. At Kayo ang una. Ako ay isang ina rin, at mayroon akong marurunong na mga anak. Kapag napapakinggan ko sila na nagsasalita, ang aking puso ay tumatalon sa pagmamalaki. At ano ang Inyong nararamdaman napapakinggan Siya?»

«Isang magiliw na lubos na kasiyahan. Lumulubog Ako sa Aking kawalan, at ang Kabutihan, na Siya Mismo, ay itinataas Ako sa Kanya. Pagkatapos nakikita Ko sa simpleng sulyap ang eternal na Katotohanan, at ito ay nagiging ang dugo at laman ng Aking espiritu.»

«Pagpalain ang Inyong puso! Iyan ay puro at iyan kung bakit naiintindihan niyan ang Salita. Kami ay mas matitigas dahil kami ay punó ng mga depekto...»

«Gusto Kong ibigay ang Aking puso sa lahat para diyan, na sana ang pagmamahal ay matanglawan kayo upang makaintindi. Sapagkat, maniwala sa Akin, iyan ay ang pagmamahal, at Ako ang Ina at kung gayon ang pagmamahal ay natural sa Akin, ang pagmamahal ang dahilan kung bakit ang lahat na gawain ay nagiging madali.»

Ang dalawang babae ay patuloy sa kanilang paguusap, ang mas matanda malapit kailanman sa napakabatang Ina ng aking Panginoon, habang si Jesus ay nakikipagusap sa may-aring lalaki malapit sa mga tangke, patungo kung saan ang sámahán ng mga taga-ani ay nagbubuhos ng mga ubas. Ang mga apostol, nakaupo sa lilim ng isang balag ng hasmin, ay kinalulugdan ang tinapay at ang mga ubos nang may mabuting gana.

³Ang araw ay malapit nang lumubog at ang pagtatrabaho ay unti-unti nang natatapos. Ang mga magbubukid ay lahat nasa loob na ng pangkabukiran na bakuran, kung saan mayroong malakas na amoy ng pinisang mga ubas. Ang ibang mga magbubukid mula sa kalapit na mga bahay ay dumating na din.

Inaakyat ni Jesus ang isang maliit na hagdanan patungo sa isang balkonahe na bahagi ng bahay, sa ilalim nito kung saan nakaimbak ang mga makakain at mga kagamitang agrikultural. Gaano si Jesus ngumingiti inaakyat ang mga baytang na iyon! Nakikita ko Siyang ngumingiti habang ang Kanyang buhok ay banayad na nahihipan ng hanging gabi. Bakit kaya Siya ngumingiti nang napakaningning. Ang lugod ng Kanyang ngiti, katulad ng alak na sinasabi ng may-ari, ay pumapasok sa aking puso, na napakalungkot ngayon, at ito ay napagiginhawahan nito.

(Hindi ito ang unang bagay na nagpapaginhawa sa akin ngayon. Kahit na ngayong umaga, at nakita ninyo¹ akong umiiyak dahil sa isang matinding espirituwal na kapighatian, Siya, sa Banal na Komunyon, ay nagpakita sa akin katulad nang dati noong sinasabi ninyo: «Naririto ang Kordero ng Diyos». Ngunit hindi lamang Niya kayo tinitingnan nang magiliw, Padre, at ngumingiti sa akin. Siya ay umalis mula sa inyong tabi, sa kaliwang gawi ng kama at pumunta sa kanan, sa pamamagitan ng Kanyang maagwat, medyo gumugulong na paglakad, hinahaplos ako sa pamamagitan ng Kanyang mahahabang kamay at nagsasabing: «Huwag umiyak!»... Ngunit ngayon ang Kanyang ngiti ay pinupuno ako ng kapayapaan.)

Siya ay tumalikod. Siya ay naupo sa huling baytang sa itaas ng hagdan, na naging isang galeriya para sa mas masusuwerteng mga tagapakinig, ibig-sabihin ang mga may-ari ng bahay, ang mga apostol at si Maria, Na, laging mapagkumbaba, ay ni hindi sinubukan na umakyat sa lugar ng karangalan, bagkus inakay doon ng may-aring babae. Siya ay nakaupo isang baytang na mas mababa kay Jesus, upang ang Kanyang ulo na may magandang buhok ay nakakapantay ang mga tuhod ni Jesus, at Siya ay nakaupo nang patagilid, at dahil dito nakikita Niya ang mukha ni Jesus nang may tingin ng isang kalapati na umiibig. Ang maselan na anyo ni Maria ay nangingibabaw nang malinis, katulad ng sa marmol, sa kaligiran ng madilim na pader ng pangkabukiran na galeriya.

Sa mas ibaba pa, ay naroon ang mga apostol at ang mga may-ari. Ang lahat na mga manggagawa ng úbasán ay nasa bakuran, ang iba ay nakatayo, ang iba nakaupo sa lupa, ang iba ay umakyat sa mga tangke o sa itaas ng mga puno ng igos na nasa apat na sulok ng bakuran.

Si Jesus ay nagsasalita nang dahan-dahan, inilulubog ang Kanyang kamay sa isang malaking sako ng butil  na inilagay sa likuran ni Maria: tila pinaglalaruan Niya ang butil, o hinahaplos ito nang kinasisiyahan, habang pakumpas-kumpas nang kalmante ang Kanyang kanang kamay.

⁴«Ako ay pinakiusapan: “Halika, Jesus, upang pagpalain ang gawa ng tao”. At Ako ay pumunta. Pinagpapalà Ko ito sa ngalan ng Diyos. Sapagkat, ang bawat trabaho, kung tapát, ay karapat-dapat na pagpalain ng eternal na Panginoon. Ngunit sinabi Ko ito: ang unang kondisyon upang tumanggap ng mga pagpapalà mula sa Diyos ay ang maging tapát sa lahat ng kinikilos ng isa.

Ngayon tingnan natin nang magkakasama kung kailan at kung papaano ang mga kilos nagiging tapát. Sila ay tapat kung sila ay ginagawa na ang eternal na Diyos nasa kaluluwa ng isa. Ang isa ba ay kailanman magkakasala kung sinasabi niya: “Ang Diyos ay nakatingin sa akin. Ang mga mata ng Diyos ay nasa akin at hindi Niya nakaliligtaan kahit ang pinakamaliit na detalye ng aking mga kilos”? Hindi. Hindi magkakasala ang isa. Sapagkat ang kaisipan tungkol sa Diyos ay isang nakapagpapagaling na kaisipan at inilalayo nito ang tao sa pagkakasala nang higit pa kaysa sa ano pa man na pananakot.

Ngunit ang isa ba ay kailangang katakutan lamang ang eternal na Diyos? Hindi. Makinig. Kayo ay sinabihan: “Katakutan ang inyong Panginoong Diyos”. At ang mga Patriyarka at mga Propeta ay nanginginig kapag ang Mukha ng Diyos, o ang isang anghel ng Diyos, ay nagpakita sa kanilang makatarungan na mga kaluluwa. Totoo, sa panahon ng dibinong galít, ang aparisyon ng Sobrenatural ay kailangan na panginigin ang mga puso. Sino, kahit na kung ito ay kasing puro ng isang bata, ang hindi manginginig sa harapan ng Makapangyarihang Isa, na sa harapan ng Kanyang eternal na kaningningan ay naroroon ang sumasambang mga anghel, nakapatirapa sa makalangit na aleluya? Binabawasan ng Diyos sa pamamagitan ng isang tábing ng awa ang di-matatagalan na kaningningan ng isang anghel upang matingnan ito ng tao  nang hindi nasusunog ang mga mata at isip. Ano kung gayon ito na makita ang Diyos?

Ngunit iyan ay ganyan, habang ang galit ay naririyan. Ngunit kapag ito ay napalitan ng kapayapaan at ang Diyos ng Israel ay nagsabi: “Naisumpa Ko ito. At tutuparin Ko ang Aking pakikipagkasundo. Naririto Siya na Aking ipinadadala, ito ay Ako, bagama’t hindi pagiging Ako, bagkus Aking Salita, Na naging laman upang maging Katubusan”, pagkatapos ang pagmamahal ay kailangan na palitan nito ang takot, at walang iba bagkus pagmamahal lamang ang kailangan na ibigay sa eternal na Ama, nang malugod, sapagkat ang panahon ng kapayapaan ay dumating na para sa lupa at sa pagitan ng Diyos at tao. Kapag ang unang mga hangin ng tagsibol ay ikinalat nito ang mga polen ng mga bulaklak ng baging, ang magbubukid ay kailangang maging mapagmatyag pa rin, sapagkat maraming kapinsalaan ang maaaring magawa sa bunga gawa ng masamang panahon at ng mga insekto. Ngunit kapag dumating na ang masayang araw ng pagpipiga ng ubas, diyan nawawala ang lahat na takot at nagbubunyi ang mga puso sa katiyakan ng ani.

Ang Usbong ng lahi ni Jesse ay sumibol, ibinalita bago pa man ng mga Propeta. Siya ngayon ay nasa pagitan na ninyo: isang mayaman na buwig na nagdadala sa inyo ng katas ng eternal na Karunungan at hinihingi lamang nito na pitasin at pigain upang maging Alak para sa mga tao. Isang alak ng walang-katapusang kasiyahan para sa mga manginginain sa Kanya. Ngunit kapahamakan para sa mga tao na sa kabila na ang Alak ay nasa kanilang abót ito ay kanilang tatanggihan, at tatlong beses na kapahamakan sa mga na pagkatapos na manginain dito tatanggihan ito o hahaluan ito sa loob ng kanilang mga sarili ng pagkain ni Mammon.

⁵At ngayon babalik Ako sa unang idea. Ang unang kondisyon upang magkaroon ng pagpapalà ng Diyos, kapwa sa espirituwal at pagkataong mga gawain, ay katapatan ng mga intensiyon.

Matapat siya na nagsasabi: “Sumusunod ako sa Batas hindi upang mapuri ng mga tao, bagkus dala ng katapatan sa Diyos”. Matapat siya na nagsasabi: “Sinusundan ko ang Kristo hindi dahil sa mga himala na Kanyang nagagawa, bagkus para sa payo ng eternal na buhay na Kanyang binibigay sa akin”. Matapat siya na nagsasabi: “Nagtatrabaho ako hindi para sa kasakimang kita, bagkus dahil ang pagtatrabaho din ay itinalaga ng Diyos bilang isang pamamaraan ng pagpapabanal gawa ng nakapoporma, nakapagpapahiya, nakapagpapanatili at nakapagpapataas na mga kahalagahan nito. Nagtatrabaho ako upang makatulong sa aking kapwa, nagtatrabaho ako upang magawang mabunyag ang mga kababalaghan ng Diyos, Na sa pamamagitan ng isang munting butil nakagagawa ng isang tungkos ng mga tainga ng butil, sa pamamagitan ng isang buto ng ubas nakagagawa ng isang malaking taniman ng mga ubas, sa pamamagitan ng isang buto ng prutas nakagagawa ng isang punungkahoy, at sa pamamagitan ko, isang tao, isang wala lang, na ginawa mula sa wala sa pamamagitan ng Kanyang kalooban, nakagagawa Siya ng katulong sa walang-pagtigil na pagtatrabaho sa pagpapalawig sa mga butil, pagpapalawig sa mga taniman ng mga ubas at sa mga lootan, pati na rin ng pagpuno sa lupa ng mga tao”.

May mga tao na nagtatrabaho nang kasing hirap ng tagadalang mga hayop, ngunit ang kanilang tanging relihiyon ay ang maparami ang kanilang kayamanan. Kung ang kanilang mas walang-suwerteng mga kasamahan ay mamatay sa mga kasalatan at pagod sa tabi nila; kung ang mga anak ng kaawa-awang taong iyan ay mamatay sa kagutuman, ano naman ang pakialam nito sa sakim na mga nag-iipon ng kayamanan? May mga iba pa, na mas matitigas ang puso, ang hindi nagtatrabaho bagkus ginagawa ang ibang mga tao na magtrabaho at sila ang nagpaparami ng kayamanan sa pamamagitan ng pawis ng mga nagtatrabaho. At ang iba ay nilulustay ang may-karamutang kinikil sa pagtatrabaho ng ibang mga tao. Ang kanilang gawain ay tiyak na hindi tapat. At huwag sabihin: “Ngunit sa kabila nito sila ay pinoprotektahan ng Diyos”. Huwag. Hindi Niya sila pinoprotektahan. Ngayon kinasisiyahan nila ang isang oras ng tagumpay. Ngunit sila ay malapit nang hagupitin ng dibinong kahigpitan, na magpapaalaala sa kanila kapwa sa panahon at sa eternidad ng tungkol sa kautusan: “Ako ang Panginoon mong Diyos. Mahalin Ako nang higit pa kaysa sa lahat na mga bagay at mahalin mo ang iyong kapwa bilang iyong sarili mismo”. O! Kung ang mga salitang iyan ang aalingawngaw nang walang-hanggan, mas nakakatakot iyan kaysa sa kidlat ng Sinai!.

⁶Kayo ay nasabihan ng maraming salita, napakarami. Sasabihin Ko sa inyo ito lamang: “Mahalin ang Diyos. Mahalin ang inyong kapwa”. Katulad ng mga ito ang gawain sa úbasán sa tagsibol, na nagagawang mabunga ang mga usbong ng baging. Ang pagmamahal sa Diyos at sa inyong kapwa ay katulad ng suyod na nag-aalis sa lupa ng nakapipinsalang mga yerba ng pagkamakasarili at ng masamang masisimbuyong damdamin: katulad nito ang asarol na gumagawa ng hukay paikot sa isang usbong upang maihiwalay ito sa nakahahawang mga parasitong yerba at matustusan ito ng malamig na tubig ng patubig;  Katulad nito ang mga panggupit na pumuputol sa kung ano ang kálabisán at madla ang lakas sa kung saan magagamit ito sa pamumunga;  ito ay isang panali na magtatali at magsusuporta sa pamamagitan ng isang matatag na poste, pánghuli ito ay ang araw na nagpapahinog sa mga bunga ng mabuting kalooban at ginagawa itong mga bunga ng eternal na buhay.

Kayo ngayon ay masayang-masaya sapagkat ngayon ay naging isang magandang taon, ang ani ay marami at mayaman. Ngunit sasabihin Ko sa inyong totoo na ang lugod na ito ninyo ay mas maliit pa kaysa sa isang munting butil ng buhangin kompara sa di-masusukat na kasayahan na mapapasainyo kapag ang eternal na Ama ay sabihin sa inyo: “Halikayo, Aking matatapat na usbong na inihugpong sa totoong Baging. Nakatulong kayo sa lahat ng uri ng gawain, sa masasakit din na gawain, upang mamunga nang masagana, at kayo ngayon ay pumupunta sa Akin, mayaman sa matamis na mga katas ng pagmamahal para sa Akin at sa inyong kapwa. Mamulaklak sa Aking mga hardin magpakailanman at  magpasawalanghanggan”.

Tangkain ang eternal na kaligayahan. Sundan ang kabutihang iyan nang may katapatan, pagpalain nang may pasasalamat ang Eternal na Ama Na tumutulong sa inyo na marating ito. Pagpalain Siya para sa grasya ng Kanyang Salita, pagpalain Siya para sa grasya ng isang mabuting ani. Mahalin ang Panginoon nang may pasasalamat at huwag matakot. Ang Diyos ay nagbibigay ng sandaan-sa-isa sa mga nagmamahal sa Kanya.»

Nakatapos na sana si Jesus. Ngunit lahat sila ay sumisigaw: «Pagpalain kami, pagpalain kami! Ang Inyong pagpapalà sa amin!.»

Si Jesus ay tumayo, iniunat Niya ang Kanyang mga kamay at sa isang kumukulog na tinig sinabi Niya: «Harinawang ang Panginoon ay pagpalain kayo at panatilihin kayo, harinawang ang Kanyang mukha ay suminag sa inyo at maging mapagbiyaya sa inyo. Harinawang alisan ng takip ng Panginoon ang Kanyang Mukha sa inyo at dalhan kayo ng kapayapaan. Ang Pangalan ng Panginoon ay mapasainyong mga puso sana, sa inyong mga tahanan at sa inyong mga bukid.»

⁷Ang maliit na pulutong na nagkaipun-ipon ay nagsisigawan sa tuwa at nagpapalakpakan para sa Mesiyas. Sila pagkatapos ay naging tahimik at nagbukas ng hanay upang paraanin ang isang ina, na may kargang isang paralitikong bata, mga sampung taong gulang. Sa paanan ng hagdanan, ito’y kanyang hinawakang pataas, na tila inihahandog niya ito kay Jesus.

«Siya ay isa sa aking mga katulong. Ang kanyang anak na lalaki ay nahulog mula sa terasa at nabali ang likod. Siya ay hihiga na lamang sa buong buhay niya» paliwanag ng maybahay na lalaki.

«Siya ay matagal nang umaasa sa Inyo sa loob ng lahat ng mga buwang ito...» dagdag ng maybahay na babae.

«Sabihin sa kanya na pumunta sa Akin.»

Ngunit ang kaawa-awang babae ay litong-lito, na siya ay tila napaparalisa. Siya ay nanginginig ang buong katawan at napapatid ng kanyang mahabang damit habang inaakyat ang mataas na mga baytang na ang kanyang anak nasa kanyang mga braso.

Si Maria, naaawa, ay tumayo at bumaba upang salubungin siya. «Halika. Huwag matakot. Minamahal ka ng Aking Anak. Ibigay mo sa Akin ang iyong anak. Mas madali para sa iyo na makaakyat. Halika, Aking anak. Ako ay isang ina rin» at kinuha ni Maria ang bata, ngumingiting may kabaitan sa bata, at pagkatapos umakyat dala ang Kanyang nakakaawang karga sa Kanyang mga bisig. Ang ina ng bata ay sinusundan Siya umiiyak.

Si Maria ngayon ay nasa harapan na ni Jesus. Siya ay lumuhod at nagsabi: «Anak! Alang-alang sa ina na ito!» Wala nang iba pa.

Si Jesus ay ni hindi itinatanong ang karaniwang tanong: «Ano ang ibig mong gawin Ko para sa iyo? Naniniwala ka ba na magagawa Ko ito?» Hindi. Ngayon Siya ay ngumingiti at nagsabi: «Babae, halika rito.»

Ang babae ay pumunta sa tabi ni Maria. Si Jesus ay inilapat ang Kanyang kamay sa ulo ng babae at nagsabi lamang: «Maging masaya» at hindi pa Siya nakakatapos sa pagsasabi ng mga salitang ito, nang ang bata, na magpahanggang ngayon nakahigang mabigat sa mga bisig ni Maria, na ang kanyang mga paa nakalaylay, ay umupong bigla na may sigaw ng tuwa: «Inay!», at tumakbo upang manilungan sa lapi ng kanyang ina.

Ang sigawan ng hosana ay tila nilalagos ang kalangitan na ngayon ay lubos na namumula sa paglubog ng araw.

Ang babae, yapos ang kanyang anak sa kanyang puso, ay hindi malaman kung ano ang kanyang sasabihin at nagtanong: «Ano ang aking dapat na gawin upang masabi sa Inyo na ako ay masaya?»

At si Jesus, hinahaplos siyang muli: «Kailangan mong maging mabuti at mahalin ang Diyos at ang iyong kapwa at palakihin ang iyong anak sa pagmamahal na iyan.»

Ngunit ang babae ay hindi pa kontento. Ibig niyang... ibig niyang... at sa wakas siya ay nakiusap: «Isang halik Ninyo at ng Inyong Ina sa aking anak.»

Si Jesus ay yumuko at hinahalikan ang bata at si Maria ay ganito rin ang ginawa. At habang ang babae ay umaalis na masaya, pinalilibutan ng nagpupuring mga kaibigan, si Jesus ay nagpapaliwanag sa maybahay na lalaki: «Wala nang iba pa ang kailangan. Siya ay nasa loob ng mga bisig ng Aking Ina. Kahit na wala nang ano pa man na mga salita pagagalingin Ko rin siya, sapagkat Siya ay masaya kapag nakapagpapaginhawa Siya ng problema at ibig Ko Siyang maging masaya.»

At sina Jesus at Maria ay nagpalitan ng isa sa mga sulyap na iyon na tanging ang isa lamang na nakakita na sa mga ito ang makaiintindi, napakalalim na makahulugan ang mga ito.

 (571) 070910/051713



¹Kailangang tandaan na si Maria Valtorta ay madalas kinakausap ang kanyang pang-espirituwal na gabay na Pari sa «Poem».




Sunod na kabanata.