109. Si Jesus sa Bahay ni Doras. Ang Kamatayan ni Jonah.

Pebrero 15, 1945.

¹Nakikita ko na muli ang kapatagan ng Esdraelon, sa araw. Isang maulap ng magtatapos na mga araw ng Nobyembre. Maaaring umulan noong gabi, isa sa unang mga pag-ulan ng nakababagot na mga buwan ng taglamig, sapagkat ang lupa ay basâ ngunit hindi maputik. At ngayon ay mahangin. Isang basang hangin na nagpapadpad sa dilaw na mga dahon at sumusuot sa mga buto sa pamamagitan ng hininga ng isa na punó ng basang hangin.

Sa mga bukid ay may ilan-ilang mga baka na pinapang-araro. Hirap na hirap nitong bungkalin ang mayamang mabigat na lupa ng matabang kapatagan na ito, inihahanda ito para sa paghahasik. At ang nagpapabalisa sa akin ay ang makita na sa ilang mga lugar mga tao mismo ang nagtatrabaho bilang mga baka, itinutulak ang araro sa pamamagitan ng lahat ng lakas ng kanilang mga braso at ng kahit ng kanilang mga dibdib, itinutulak ang kanilang mga paa sa lupang nabungkal na, nagpapakahirap katulad ng mga alipin sa gawaing ito na napakahirap din para sa malulusog at malalakas na toro.

Si Jesus din ay tumitingin at nakapupuna. At ang Kanyang mukha ay nagiging malungkot katulad ng umiiyak.

Ang mga disipulo, labing-isa lamang, sapagkat si Judas ay wala pa rin at ang mga pastol ay wala na rito, ay naguusap-usap at si Pedro ay nagsabi: «Ang bangka rin ay maliit, aba at matrabaho... Ngunit sandaang beses na mas maganda kaysa sa trabahong-hayop na ito!» Pagkatapos siya ay nagtanong: «Sila ba kaya ay mga katulong ni Doras?»

Si Simon Zealot ay tumugon: «Hindi sa palagay ko: ang kanyang mga bukid ay sa ibayo ng lootan na iyon, sa aking palagay. At hindi pa natin ito nakikita.»

²Ngunit si Pedro, laging mausyoso, ay iniwan ang daan at naglakad sa tabi ng isang hilera ng tanim sa pagitan ng dalawang bukid. Apat na magbubukid, basa sa pawis ang naupo nang sandali sa mga hangganan nito. Sila ay humihingal sa pagod. Si Pedro ay tinanong sila: «Kayo ba ay mga tauhan ni Doras?»

«Hindi, ngunit kami ay sa kanyang kamag-anak, si Johanan. At sino kayo?»

«Ako si Simon ni Jonas, isang mangingisda ng Galilee hanggang sa buwan ng Civ. Ngayon ako ay si Pedro ni Jesus ng Nazareth, ang Mesiyas ng Ebanghelyo.» Sinasabi ito ni Pedro nang may paggalang at kaluwalhatian ng isa na magsasabi: «Ako ay pag-aari ng mataas na dibinong Caesar ng Roma» at mas higit pa rin dito. Ang kanyang mukha ay nagniningning sa lugod ng pagpapahayag ng kanyang sarili na siya kay Jesus.

«O! ang Mesiyas! Saan, nasaan Siya?» tanong ng apat na di-masayang mga lalaki.

«Ang isang iyon sa banda roon. Ang matangkad na maganda ang buhok na isa, nakasuot ng madilim na pula. Ang isa na ngayon ay nakatingin dito, at ngumingiti naghihintay para sa akin.»

«O!... Kung kami ay pumunta roon.... paaalisin ba Niya kami?»

«Paaalisin kayo? Bakit? Siya ay ang kaibigan ng di-masaya, aba, sinisiil, at sa aking palagay kayo ay... oo, kayo nga ay ito...»

«O! totoong kami nga! Ngunit hindi katulad ng mga tauhan ni Doras. Kami ay may tinapay man lamang nang hangga't kinakailangan namin maliban kung kami ay tumigil sa pagtatrabaho, ngunit...»

«Upang, kung ang mabuting panginoon na si Johanan ay matagpuan kayo ritong naguusap-usap, siya ay...»

«Hahagupitin kami nang higit pa sa paghahagupit niya sa kanyang mga aso...»

Si Pedro ay sumipol nang malakas. Pagkatapos sinabi niya: «Bueno mas maganda kung ito ang ating gawin...» at ipinoporma ang kanyang mga kamay sa kanyang bunganga siya ay tumawag nang malakas: «Guro. Halikayo rito. May ilang mga puso na naghihirap at kailangan nila Kayo.»

«Ngunit ano ang sinasabi ninyo? Siya na pumarito?! Ngunit kami ay mga karumal-dumal na mga katulong!» Ang apat na lalaki ay nahihintakutan sa gayong kagaspangan.

«Ngunit ang mga hagupit ay hindi maganda. At kung ang mabuting Pariseong iyon ay lumitaw. Ni ako mismo ay ayaw na magkaroon ng bahagi niyan...» sabi ni Pedro tumatawa at sa pamamagitan ng kanyang malaking kamay niyuyugyog niya ang pinaka-nahihintakutan sa apat na mga lalaki.

³Si Jesus sa pamamagitan ng Kanyang maagwat na hakbang ay parating na. Ang apat na lalaki ay hindi malaman kung ano ang kanilang gagawin. Ibig nilang tumakbo upang salubungin Siya, ngunit sila ay naparalisa ng paggalang. Kaawa-awang mga nilalang na ganap na nahihintakutan gawa ng kasamaan ng tao. Sila ay nagpatirapa ang kanilang mga mukha nasa lupa, sinasamba ang Mesiyas Na papalapit sa kanila.

«Kapayapaan sa lahat na nagmimithi para sa Akin. Ang nagmimithi para sa Akin, ay nagmimithi ng kabutihan. At minamahal Ko siya bilang isang kaibigan. Tumayo kayo. Sino kayo?»

Ngunit ang apat ay itinaas lamang ang kanilang mga mukha mula sa lupa, at nananatiling nakaluhod at tahimik.

Si Pedro ay nagpapaliwanag: «Sila ay apat na mga katulong ng Pariseo na si Johanan, isang kamag-anak ni Doras. Ibig nilang magsalita sa Inyo, ngunit kung siya ay dumating, magkakaroon ng mga bigwas ng pamalô. Iyan kung bakit sinabi ko sa Inyo: “Halikayo”. Tayó kayo, mga bata. Hindi Niya kayo kakainin! Manampalataya. Isipin lang na Siya ay isang kaibigan ninyo.»

«Kami... may nalalaman kami tungkol sa Inyo... sinabi sa amin ni Jonah...»

«Ako ay naparito para sa kanya. Alam Ko na Ako ay kanyang pinapahayag. Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Akin?»

«Na Kayo ang Mesiyas. Na nakita niya Kayo Na isang sanggol. Na ang mga anghel ay umawit ng kapayapaan sa mabubuting tao kasabay ng Inyong pagdating, na Kayo ay inusig... na Kayo ay iniligtas at na ngayon hinahanap Ninyo ang Inyong mga pastol at... minamahal Ninyo sila. Ang huling mga bagay na ito ay sinabi niya sa amin ngayon lamang. At naisip namin: kung napakabuti Niya na maghanap para sa ilang mga pastol at minamahal sila, tiyak na magugustuhan din Niya tayo nang kaunti... Labis kaming nangangailangan ng isa na maaaring magmamahal sa amin...»

«Minamahal Ko kayo. ⁴Labis ba kayong naghihirap?»

«O!... Ngunit mas lalo na ang mga tauhan ni Doras. Kung kami ay matatagpuan ni Johanan na nagkukuwentuhan dito! Ngunit ngayon siya ay nasa Gerghesa. Hindi pa siya nakakabalik mula sa Kapistahan ng mga Tabernakulo. Ngunit ang kanyang tagapamahala ngayong gabi ay bibigyan kami ng pagkain pagkatapos na masukat ang trabahong nagawa namin. Ngunit hindi na bale ito. Hindi kami magpapahinga para sa aming pagkain sa ika-anim na oras at pupunuan namin ang oras na ito.»

«Sabihin mo sa akin, mamâ. Mapapatakbo ko ba ang gamit na iyan? Mahirap bang gawain iyan?» tanong ni Pedro.

«Hindi. Hindi iyan mahirap. Ngunit iyan ay mabigat na trabaho. Nangangailangan iyan ng maraming lakas.»

«Mayroon ako niyan. Ipakita mo sa akin. Kung ako ay magtagumpay, makapagsasalita ka at magkukunwari akong ang toro. Kayo, Juan, Andres at Santiago, halika kayo makinig sa itinuturo. Kalilimutan natin ang mga isda para sa mga uod ng lupa. Halina!» Inilagay ni Pedro ang kanyang mga kamay sa pabalagbag na kahoy. Tinitingnan niya at ginagaya niya ang mga kilos ng magbubukid. Malakas katulad niya at nakapagpahinga, nakagagawa siya nang maganda at ang mamâ ay pinupuri siya.

«Ako ay isang dalubhasa sa pag-aararo» masayang bulalas ng mabuting si Pedro. «Sige na, Juan! Halika rito. Isang toro at isang batang toro sa bawat dulo ng araro. Si Santiago at ang piping toro na iyon na kapatid ko sa isa pang araro. Tama! Tayo na!» at ang dalawang araro ay nagpapatuloy nang magkatabi binubungkal ang lupa at gumagawa ng mga kanal sa mahabang bukid na sa dulo nito sila ay bumabalik at magbubungkal ng bagong kanal. Sila ay tila mga nagtrabaho bilang mga magbubukid sa buong buhay nila.

⁵«Gaano kabuti ang Inyong mga kaibigan!» sabi ng pinaka malakas-ang-loob sa mga katulong ni Johanan. «Ginawa ba Ninyo silang ganyan?»

«Ginabayan Ko ang kanilang kabutihan. Katulad ng ginagawa ninyo sa pamamagitan ng inyong mga pampungos. Ang kabutihan ay dati nang nasa kanila. Ngayon ito ay namumulaklak sapagkat may Isa Na nangangalaga rito.»

«Sila ay mapagkumbaba rin. Sila ay Inyong mga kaibigan ngunit pinaglilingkuran nila kami, abang mga katulong, nang katulad niyan!»

«Tanging ang mga nagmamahal sa kababaang-loob, kaabahan, pagtitiis, katapatan at pagmamahal, sa pagmamahal higit sa lahat, ang makapananatili sa Akin. Sapagkat ang nagmamahal sa Diyos at sa kanyang kapwa, ang nagtataglay ng lahat ng mga birtud bilang resulta at makukuha niya ang Langit.»

«Makukuha rin ba namin ito, kami, na mga walang panahon na makapagdasal, na makapunta sa Templo, ni hindi maitaas ang aming mga ulo mula sa mga daan ng araro?»

«Sabihin ninyo sa Akin: kinapopootan ba ninyo siya na nagpapatrabaho sa inyo nang napakabigat? Mayroon ba sa inyo ng pagrerebelde at paninisi sa Diyos sa pagkakalagay sa inyo sa pagitan ng mga pinaka-aba sa lupa?»

«O! hindi, Guro! Ito ay aming kapalaran. Ngunit kapag pagód itinatapon namin ang aming mga sarili sa aming mga higaan, sinasabi namin: “Bueno, ang Diyos ni Abraham ay nalalaman na tayo ay pagod-na-pagod na hindi natin nasasabi ang higit pa sa: ‘Pagpalain ang Panginoon!’ “» at sinasabi din namin: “ngayon din tayo ay nakapamuhay nang hindi nagkakasala”... Alam Ninyo... makapandadaya din kami nang kaunti at makakakain ng isang prutas kasabay ng aming tinapay, o makapagbubuhos ng kaunting langis sa aming pinakuluang mga gulay. Ngunit ang panginoon ay nagsabi: “Ang tinapay at gulay ay sapat na para sa mga katulong, at sa panahon ng anihan kaunting suka sa tubig upang mapawi ang kanilang uhaw at mabigyan sila ng lakas”. At iyan ang ginagawa namin. Matapos man ang lahat.... maaaring mas mápasamâ pa kami.

«At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Diyos ni Abraham ay ngumingiti sa inyong mga puso, habang nagpapakita Siya ng mahigpit na mukha sa mga nang-iinsulto sa Kanya sa loob ng Templo sa pamamagitan ng huwad na mga panalangin, samantalang hindi nila minamahal ang kanilang mga kapwa.»

«O! ngunit minamahal nila ang mga taong katulad nila! Iyan man lamang... ang lumalabas na tila siyang ginagawa nila, sapagkat nirerespeto nila ang isa’t isa sa pamamagitan ng mga regalo at mga pagyuko. Sa amin sila walang pagmamahal. Ngunit kami ay iba sa kanila, at ito ay makatarungan.»

«Hindi. Hindi iyan makatarungan sa Kaharian ng Aking Ama. Ngunit iba ang magiging pamamaraan ng paghuhusga. Hindi ang mayayaman at ang malalakas, katulad niyan, ang makatatanggap ng mga parangal. Bagkus tanging ang mga laging nagmahal lamang sa Diyos, minamahal Siya nang higit pa sa kanilang mga sarili at higit pa sa ano pa man na bagay, katulad ng pera, kapangyarihan, mga babae, isang masaganang hapag-kainan; at minamahal ang kanilang kapwa, ibig-sabihin lahat na mga tao, kapwa ang mayaman at mahirap, ang kilala at di-kilala, ang may pinag-aralan at ang walang kultura, ang mabuti at ang masama. Oo, kailangan rin ninyong mahalin ang masasamang tao. Hindi dahil sa kanilang kasamaan, bagkus dahil sa awa para sa kanilang mga kaluluwa na kanilang sinusugatan hanggang mamatay. Kinakailangan na sila ay mahalin pinakikiusapan ang Selestiyal na Ama na gamutin sila, matubos sila. Sa Kaharian ng Langit pagpapalain ang mga nagparangal sa Panginoon sa pamamagitan ng katotohanan at katarungan, ang mga nagmahal sa kanilang mga magulang at mga kamag-anak dala ng paggalang; ang mga hindi nagnakaw ng kahit na ano sa kahit anong paraan, ibig-sabihin ang mga nagbigay at nanghingi ng kung ano ang makatarungan, sa trabaho rin ng mga katulong; ang mga hindi pumatay ng kahit na anong reputasyon o nilikha at hindi nagmithi na pumatay, kahit na kung ang asal ng ibang mga tao ay napakalupit hanggang sa maitulak ang mga puso na masuklam at magrebelde; ang mga hindi nanumpa ng kasinungalingan nananakit sa kapwa at sa katotohanan; ang mga hindi nakagawa ng pangangalunya o anumang karnal na kasalanan; ang mga, na bilang malulumanay at walang-imik, ay lagi nilang tinatanggap ang kanilang katayuan nang hindi kinaiinggitan ang iba. Sa mga taong ito ay ang Kaharian ng Langit, at ang isang pulubi din ay maaaring maging isang masayang hari sa itaas doon, samantalang ang isang Tetrarka, sa kabila ng lahat ng kanyang kapangyarihan, ay magiging kulang pa sa wala, hindi lang iyan, bagkus, mahigit pa sa wala: siya ay magiging isang mabibiktima ni Mammon, kung siya ay nagkasala laban sa eternal na batas ng Dekalogo.»

Ang mga lalaki ay nakikinig sa Kanya napàpangangà. Malapit kay Jesus ay sina Bartolomeo, Mateo, Simon, Felipe, Tomas, at sina Santiago at Judas ni Alfeo. Ang apat pang iba ay nagpapatuloy sa pagtatrabaho, namumula sa kanilang mga mukha at naiinitan, ngunit masayahin. Si Pedro ay sapat–na-sapat nang magawa silang lahat na masaya.

«O! Gaano ka-tama si Jonah sa pagtawag sa Inyo na: “”Banal!” Ang lahat ay banal sa Inyo: ang Inyong mga salita, ang Inyong tingin, Inyong ngiti. Hindi pa namin naramdaman ang aming mga kaluluwa na ganyan...!»

⁶«Matagal na ba ninyong hindi nakikita si Jonah?»

«Mula noong siya'y magkasakit.»

«Nagkasakit?»

«Oo, Guro. Hindi na niya iyon matagalan pa. Hinihila na lamang niya ang kanyang sarili dati. Ngunit pagkatapos ng trabaho sa tag-init at noong anihan hindi na siya makatayo. Ngunit ang kuwan na iyon... ay ginawa siyang magtrabaho... O! sinasabi Ninyo na kailangan namin na mahalin ang lahat. Ngunit napakahirap na mahalin ang mga ayena! At si Doras ay malala pa kaysa sa isang ayena!.»

«Si Jonah ay minamahal siya...»

«Oo, Guro. At sasabihin ko na siya ay isang santo katulad ng mga minartir dahil sa kanilang katapatan sa Panginoong ating Diyos.»

«Nasabi mo ang katotohanan. Ano ang pangalan mo?»

«Micah. At ito ay si Saul, at ito ay si Jowehel, at ito ay si Isaiah.»

«Babanggitin Ko ang inyong mga pangalan sa Ama. At sinasabi mo kanina na si Jonah ay malubha ang sakit?»

«Oo, nang kaagad nakatapos siya sa kanyang trabaho itinapon niya ang kanyang sarili sa dayami at hindi na namin siya nakikita. Ang ibang mga katulong ni Doras ang nagsasabi sa amin.»

«Siya ba ay maaaring nagtatrabaho na ngayon?»

«Oo, kung siya ay nakakatayo na. Siya ay maaaring nasa kabila ng taniman ng mga mansanas na iyon.»

«Ang ani ba ni Doras ay maganda?»

«Oo, iyon ay naging bantog sa buong lugar. Ang mga tanim ay kinailangan na tukuran gawa ng mahimalang laki ng prutas, at si Doras ay kinailangan na magkaroon ng bagong mga tangke dahil napakaraming ubas na ang mga dating tangke ay hindi na nito ito mailagay.»

«Maaaring ginantimpalaan ni Doras ang kanyang katulong!»

«Gantimpalaan! O! Panginoon, gaano kaliit ang Inyong nalalaman tungkol sa kanya!»

«Ngunit sinabi sa Akin ni Jonah na noong nakaraang mga taon si Doras ay pinahagupit siya dahil sa pagkawala ng ilang mga buwig at na siya ay naging isang alipin sa pamamagitan ng pagkakautang, sapagkat siya ay pinagbintangan ng kanyang panginoon sa pagkawala ng kaunting ani. Sa dahilan na ngayong taon nagkaroon siya ng mahimalang kasaganaan, dapat binigyan niya siya ng gantimpala.»

«Hindi. Pinahagupit niya siya nang may-kalupitan, inaakusahan siya ng hindi pagkakaroon ng gayon ding kasaganaan sa nakaraang mga taon, sapagkat hindi (raw) niya inalagaan nang mabuti ang lupa..»

«Ngunit ang taong iyon ay isang hayop!» bulalas ni Mateo.

«Hindi. Siya ay walang kaluluwa» sabi ni Jesus. «Iniiwan Ko kayo, Aking mga anak, nang may isang pagpapalà. Mayroon ba kayong tinapay at pagkain para sa ngayon?»

«Mayroon kami ng tinapay na ito» at ipinakita nila sa Kanya ang isang piraso ng maitim na tinapay na kanilang inilabas mula sa isang sako na nasa lupa.

«Kunin ninyo ang Aking pagkain. Ito lamang ang mayroon Ako. Ngunit Ako ay mananatili sa bahay ni Doras ngayon at...»

«Kayo sa bahay ni Doras?»

«Oo. Upang tubusin si Jonah. Hindi ba ninyo nalalaman?»

«Walang sinuman ang nakaaalam ng kahit na ano rito. Ngunit... huwag Ninyo siyang pagkatiwalaan. Kayo ay katulad ng isang kordero sa loob ng lungga ng lobo.»

«Hindi siya makagagawa ng kahit na anong pananakit sa Akin. Kunin ninyo ang Aking pagkain. Santiago, ibigay sa kanila ang mayroon tayo. Ang atin ding alak. Kailangan na kayo ay magsaya din nang kaunti, Aking kaawa-awang mga kaibigan. Kapwa ang inyong mga kaluluwa at inyong mga katawan. Pedro! Tayo na.»

«Darating ako. Guro.  Ito na lamang ang kanal na kailangang bungkalin.» At siya ay tumakbo patungo kay Jesus, ang kanyang mukha nanikit sa pagod. Tinutuyo niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng manta na kanyang hinubad, isinuot niya itong muli at siya ay tumatawa nang masaya.

Ang apat na lalaki ay hindi sila mapasalamatan nang sapat.

«Makakaraan pa rin ba Kayo ditong muli, Guro?»

«Oo. Maghintay para sa Akin. Magpapaalam kayo kay Jonah. Magagawa ba ninyo iyan?»

«O! oo. Ang bukid ay kailangan na maararo sa gabi. Mahigit nang dalawang bahagi ng tatlong parte ang tapos na. Gaano kahusay at kabilis. Ang Inyong mga kaibigan ay malalakas! Pagpalain nawa Kayo ng Diyos. Ang araw na ito ngayon para sa amin ay isang mas malaking kapistahan kaysa sa Paskuwa.  O! Harinawang pagpalain kayong lahat ng Diyos!»

⁷Si Jesus ay tuwirang pumunta sa taniman ng mga mansanas. Tinawid nila ito at narating ang mga bukid ni Doras. Ang ibang mga magbubukid ay nasa mga araro o mga nakabaluktot nag-aalis ng nabunot na mga yerba sa mga daan ng araro. Ngunit si Jonah ay wala rito. Ang mga lalaki ay nakilala si Jesus at sinaluduhan Siya nang hindi iniiwan ang kanilang ginagawa.

«Nasaan si Jonah?»

«Pagkatapos ng dalawang oras siya ay bumagsak sa daang-araro at iniuwi. Kaawa-awang Jonah. Hindi na siya maghihirap nang matagal ngayon. Nalalapit na siya sa kanyang katapusan. Hindi na kami magkakaroon ng mas mabuti pang kaibigan.»

«Naririto Ako sa inyo sa lupa at siya sa sinapupunan ni Abraham. Ang patay ay mahal ang buháy nang dobleng pagmamahal: nang kanilang sariling pagmamahal at nang pagmamahal na nakukuha nila sa pagiging nakakasama ang Diyos, kung gayon isang perpektong pagmamahal.»

«O! Pumunta Kayo kaagad sa kanya. Na sana makita niya Kayo sa loob ng kanyang paghihirap!»

Si Jesus ay nagpapalâ at umalis.

«Ano na ang Inyong gagawin ngayon? Ano ang Inyong sasabihin kay Doras?» tanong ng mga disipulo.

«Pupunta Ako na tila wala Akong nalalaman. Kung makita niya na hinaharap siya nang makatarungan at deretsahan, baka mawalan siya nang awa kay Jonah at sa mga katulong.»

«Ang Inyong kaibigan ay tama: siya ay isang tsakal» sabi ni Pedro kay Simon.

«Si Lazarus ay walang ibang sinasabi bagkus katotohanan at siya ay hindi naninira ng puri ng sinuman. Makikilala mo siya at magugustuhan mo siya» tugon ni Simon.

⁸Ang bahay ng Pariseo ay makikita na. Malaki, mababa, ngunit maayos ang pagkagawa, sa gitna ng lootan ngayon walang bunga. Isang pangkabukirang bahay, ngunit mayaman at komportable. Sina Pedro at Simon ay nauna na upang magpasabi.

Si Doras ay lumabas. Isang matandang lalaki na may matigas na hitsura ng isang mangangamkam na tao. Mabalintunang mga mata, isang bungangang-ahas na nagpapakita ng huwad na ngiti sa loob ng isang balbas na mas maputi kaysa maitim. «Hail, Jesus» bumati siya nang di-pormal at may kitang-kitang pagpapakababa.

Si Jesus ay hindi nagsasabing: «Kapayapaan»; Siya ay tumugon: «Nawang ang iyong pagbati ay bumalik sa iyo.»

«Pasok. Ang aking bahay ay tinatanggap Kayo. Kayo ay naging kasing nasa-oras katulad ng isang hari.»

«Bilang isang tapat na tao» tugon ni Jesus.

Si Doras ay tumatawa na tila iyon ay isang biro.

Si Jesus ay tumalikod at nagsabi sa Kanyang mga disipulo, na mga hindi inanyayahan: «Pasok kayo. Sila ay Aking mga kaibigan.»

«Gawin silang makapasok... ngunit hindi ba’t ang isang iyon ay ang kolektor ng buwis, ang anak ni Alfeo?»

«Ito ay si Mateo, ang disipulo ng Kristo» sabi ni Jesus sa isang tono... na ang iba ay nakaintindi at si Doras ay nagpalabas ng isang tawa na mas pilít kaysa kanina.

Si Doras ay gusto niyang durugin ang «abang» Galilean na Guro sa ilalim ng kayamanan ng kanyang bahay na marangya sa loob. Marangya at mala-yelo. Ang mga katulong ay tila mga alipin. Sila ay naglalakad na may nakabaluktot na mga balikat, pumupuslit nang mabilis, laging takot sa parusa. Mararamdaman ng isa na ang bahay ay napaghaharian ng kalamigan ng puso at kapootan.

Ngunit si Jesus ay hindi madudurog ng isang pagpapakita ng kayamanan o ng pagpapaalaala sa Kanya ng tungkol sa kayamanan ng isa at ng mga kamag-anak at si Doras, na nakaintindi sa kalamigan ng Guro, ay dinala Siya sa kanyang hardin sa lootan, pinakikita sa Kanya ang pambihirang mga tanim at inaalok sa Kanya ang mga bunga nito, na dinadala ng mga katulong sa ginintuan na mga trey at mga kopa. Si Jesus ay kinasisiyahan at pinapupurihan ang masarap na prutas, na medyo binuro bilang isang julep, at ito ay magagandang peras, na medyo nasa natural na kalagayan, at mga peras ng pambihirang laki.

«Ako lamang ang tanging mayroon niyan sa Palestina at sa palagay ko walang kahit ano niyan sa buong peninsula. Nagpakuha ako niyan sa Persia at sa mas malayo pa. Ang karabana ay napagasta ako ng katumbas ng isang talento. Ngunit kahit na ang Tetrarka ay wala ng ganyang mga prutas. Baka pati ang Caesar ay wala niyan. Binibilang ko ang lahat na prutas at kailangan ko ang mga buto nito. At ang mga peras ay kinakain lamang sa aking hapag-kainan sapagkat ayaw kong may makakuha ng kahit isang buto. Nagpadala ako ng ilan kay Annas, ngunit mga luto-na lamang upang sila ay mga baog.»

«Ngunit ang mga ito ay tanim ng Diyos. At ang lahat ng mga tao ay magkakapantay.»

«Magkakapantay? Hindi! Ako kapantay... ng Iyong mga Galilean?»

«Ang mga kaluluwa ay nanggagaling sa Diyos at nililikha Niya itong magkakapantay.»

«Ngunit ako ay si Doras, ang matapat na Pariseo!...» Nagmumukha siyang mapagmalaki katulad ng isang paboreal sa pagsasabing ganito.

Si Jesus ay nagtapon ng isang sulyap sa kanya sa pamamagitan ng Kanyang sapirong mga mata na pakinang na nang pakinang, isang tanda ng parating na awa o kahigpitan. Si Jesus ay labis na matangkad kay Doras at nangingibabaw sa kanya, makahari sa Kanyang purpurang tunika malapit sa maliit, medyo baluktot na Pariseo, kulubot sa loob ng isang kasuutan na kitang-kitang malapad at mayaman sa mga palawit.

Si Doras, pagkaraan ng ilang sandali ng paghahanga sa sarili, ay bumulalas: «Jesus, bakit Mo pinadala si Lazarus, ang kapatid ng isang puta, sa bahay ni Doras, ang purong Pariseo? Si Lazarus ba ay Iyong kaibigan? Hindi Mo dapat ginagawa iyan. Hindi Mo ba nalalaman na siya ay isinumpa dahil ang kanyang kapatid na si Maria ay isang puta?»

«Kilala Ko lamang ang Lazarus at ang kanyang mga gawa na matapat.»

«Ngunit ang mundo ay naaalaala ang kasalanan ng sambahayan na iyon at nakikita na ang mga mantsa nito ay kumakalat sa mga kaibigan nito... Huwag Kang pumunta roon. Bakit hindi Ka isang Pariseo? Kung ibig Mo... ako ay maimpluwensiya... Gagawin Kitang matanggap, bagama’t Ikaw ay isang Galilean. Nagagawa ko ang kahit na ano sa Sanhedrin. Si Annas ay nasa aking mga kamay, katulad ng gilid ng aking manta. Ang mga tao ay mas matatakot sa iyo.»

«Ibig Ko lamang na Ako ay mahalin.»

«Mamahalin Kita. Nakikita Mo na minamahal na Kita sapagkat pumapayag ako sa Iyong hiling at binibigay ko sa iyo si Jonah.»

«Nagbayad Ako para sa kanya.»

«Totoo, at ako ay nasorpresa na nakakabayad Ka nang ganyang kalaki.»

«Hindi Ako. Isang kaibigan ang nagbayad para sa Akin.»

«Bueno, bueno. Ako ay hindi mausisa. Sasabihin ko: nakikita Mo na minamahal Kita at ibig Kitang gawing masaya. Makukuha Mo si Jonah pagkatapos ng ating pagkain. Para sa Iyo lamang na ginagawa ko ang sakripisyong ito...» at itinatawa niya ang kanyang malupit na tawa.

⁹Si Jesus ay nagtapon ng mas lalu’t lalo pang mahigpit na sulyap sa kanya, ang Kanyang mga braso na nakakursomano sa Kanyang  dibdib. Sila ay nasa hardin pa rin ng lootan hinihintay ang oras ng pagkain.

«Ngunit kailangan na gawin Mo akong masaya. Isang lugod para sa isang lugod. Ibinibigay ko sa iyo ang aking pinakamagaling na katulong. Ako kung gayon ay pinagkakaitan ko ang aking sarili ng isang bagay na may pakinabang para sa hinaharap. Sa taon na ito ang Iyong pagpapalà, alam ko na Ikaw ay napunta rito sa pagsimula ng tag-init, ay nagbigay sa akin ng mga ani na nagawang bantog ang aking linang. Ngayon ay pagpalain ang aking mga kawan at ang aking mga bukid. Sa susunod na taon hindi ko panghihinayangan ang pagkawala ni Jonah... at sa pansamantala maghahanap ako ng isang katulad niya. Halika at magbendisyon. Ibigay Mo sa akin ang lugod ng pagiging ang ipinagdiriwang sa buong Palestina at ng pagkakaroon ng mga kawan at mga imbakan na puno ng lahat na uri ng magagandang bagay. Halika» at kanyang hinawakan si Jesus at nagsisikap na hilahin Siya, napangingibabawan ng katakawan sa ginto.

Ngunit si Jesus ay nagpigil. «Nasaan si Jonah?» tanong Niya nang mahigpit.

«Kung saan sila nag-aararo. Ibig din niyang gawin iyan para sa kanyang mabuting panginoon. Ngunit bago matapos ang pagkain siya ay darating. Pansamantala, halika at pagpalain ang mga kawan, ang mga bukid, ang mga taniman ng punungkahoy, ang mga úbasán, ang gilingan ng langis. Pagpalain ang lahat. O! Gaano sila magiging mabunga sa susunod na taon! Halika kung gayon.»

«Nasaan si Jonah?» tanong ni Jesus sa mas malakas na kumukulog na tinig.

«Sinabi ko na sa Iyo! Kung saan sila nag-aararo. Siya ay ang punong katulong at hindi nagtatrabaho: siya ay nasa unahan ng mga tao.»

«Sinungaling!»

«Ako? Isinusumpa ko ito kay Jehovah!»

«Manlilinlang!»

«Ako? Isang manlilinlang? Ako ang pinakamatapat na naniniwala! Mag-ingat sa Iyong pananalita!»

«Mamamatay-tao!»  Si Jesus ay palakas nang palakas lagi ang Kanyang tinig at ang huling salitang ito ay katulad ng kulog.

Ang Kanyang mga disipulo ay lumapit sa Kanya, ang mga katulong ay dumudungaw sa mga pintuan natatakot. Ang mukha ni Jesus ay di-matatagalan sa kahigpitan nito. Ang nanginginang na mga sinag ay tila lumalabas sa Kanyang mga mata.

Si Doras ay nahintakutan sa isang sandali. Siya ay nanliliit, isang bungkos ng pinong tela malapit sa mataas na katauhan ni Jesus, nababalot ng isang madilim na pulang delanang tunika. Pagkatapos ang kanyang pagmamalaki ay nangibabaw at sumigaw siya sa pamamagitan ng kanyang umiirit na tinig katulad ng tinig ng isang lobo: «Tanging ako lamang ang nagbibigay ng utos sa loob ng aking pamamahay. Labas, hamak na Galilean.»

«Lalabas Ako pagkatapos na maisumpa ka, ang iyong mga bukid, mga kawan at mga úbasán, para sa taon na ito at sa mga taon na darating.»

«Hindi, huwag! Oo! Totoo iyan. Si Jonah ay may sakit. Ngunit siya ay inaalagaan. Mabuti siyang inaalagaan. Bawiin ang Iyong sumpa.»

«Nasaan si Jonah? Gawin ang isang katulong na dalhin Ako sa kanya, kaagad. Nagbayad Ako para sa kanya; at sa dahilan na siya ay isang piraso ng kalakal, isang makina, para sa iyo, tinitingnan Ko siya nang ganyan; at dahil binibili Ko siya, kailangan Ko siya.»

Si Doras ay humugot ng isang gintong pito mula sa kanyang dibdib at hinipan ito nang tatlong ulit. Isang grupo ng mga katulong, kapwa ng bahay at ng mga bukid, ang lumabas mula sa kung saan-saan, tumakbo sila patungo sa malapit na kinatatakutan na panginoon, yumuyuko nang napakalalim, na sila ay tila gumagapang, «Dalhin si Jonah sa Kanya at ibigay siya. Saan Ka pupunta?»

¹⁰Si Jesus ay ni hindi sumagot. Sinusundan Niya ang mga katulong na mga nagmadali patungo sa kabila ng hardin pagawi sa mga tirahan ng mga magbubukid, ang madungis na mga bútas ng abang mga magbubukid. Pinasok nila ang tirahan ni Jonah.

Siya ay tanging balat at mga buto na lamang ngayon at humahangos na halos hubad dahil sa mataas na temperatura, sa ibabaw ng isang patpat na higaan, kung saan ang sapin ay isang pinagtagni-tagning damit at ang blanket ay mas lalo pang gamít na manta. Ang dati rin na babae katulad noong nakaraan ang tumitingin sa kanya hangga't sa magagawa niya.

«Jonah! Aking kaibigan! Ako ay naparito upang kunin ka!»

«Kayo? Aking Panginoon! Ako ay namamatay na... ngunit masaya ako na Kayo ay naririto!

«Aking tapat na kaibigan, ikaw ngayon ay malaya na, at hindi ka mamamatay dito. Dadalhin kita sa Aking bahay.»

«Malaya? Bakit? Sa Inyong bahay? O! Oo. Ipinangako Ninyo sa akin na makikita ko ang Inyong Ina.»

Si Jesus ay labis na mapagmahal, niyuyukuan ang miserableng higaan ng di-masayang lalaki. At si Jonah ay tila nakapanunumbalik dahil sa kanyang lugod.

«Pedro, ikaw ay malakas. Buhatin si Jonah, at kayo, ibigay ang inyong mga manta. Ang higaan na ito ay napakatigas para sa isang nasa kanyang kalagayan.»

Ang mga disipulo ay hinubad kaagad ang kanilang mga manta, nilupi nila ito nang ilang beses at inilatag sa higaan, ginagamit ang iba bilang isang unan. Si Pedro ay ibinaba ang kanyang kargang mga buto at si Jesus ay tinatakpan siya ng Kanyang sariling manta.

«Pedro, mayroon ka ba ng kahit ilang pera?»

«Oo, Guro, mayroon akong apatnapung sentimos.»

«Mabuti. Tayo na. Magsaya, Jonah. Kaunting paghihirap na lamang at pagkatapos magkakaroon ka ng labis na kapayapaan sa loob ng Aking bahay, malapit kay Maria...»

«Kay Maria... oo... o! Inyong bahay!» Sa kanyang sukdulan na panghihina ang kaawa-awang Jonah ay umiiyak. Siya ay bagkus maka-iiyak lamang.

«Paalam, babae. Ang Panginoon ay pagpapalain ka para sa iyong awa.»

«Paalam, Panginoon. Paalam, Jonah. Magdasal para sa akin.» Ang bata-pang babae ay lumuluha.

Noong sila ay nasa pintuan na, si Doras ay lumitaw. Si Jonah ay namamaluktot sa takot at tinatakpan ang kanyang mukha. Ngunit nagpatong si Jesus ng isang kamay sa kanyang ulo at lumabas katabi siya, mas mahigpit kaysa sa isang hukom. Ang di-masayang prusisyon ay lumabas sa pangkabukirang yarda at kinukuha ang landas ng lootan.

«Ang kamang iyan ay akin! Pinagbili ko sa Iyo ang katulong, hindi ang kama.»

Si Jesus ay itinapon ang lukbutan sa kanyang mga paa nang hindi nagsasalita ng kahit ano.

Si Doras ay pinulot ang lukbutan at ibinuhos ito. «Apatnapung sentimos at limang didrachma. Ito ay napakaliit!»

Si Jesus ay tinitingnan nang pataas at pababa ang sakim na nakakasukang tagapagpahirap, ngunit hindi tumutugon. Imposibleng sabihin kung ano ang ibig-sabihin ng Kanyang ikinilos.

«Sabihin Mo man lamang sa akin na binawi Mo na ang sumpa!»

Si Jesus ay dinudurog siya muli ng isang panlilisik at ng ilang mga salita: «Ipinauubaya kita sa Diyos ng Sinai» at nagpatuloy sa paglalakad nang tuwid, sa tabi ng pangkabukirang kamilya, na dala-dala nang napakaingat nina Pedro at Andres.

Noong makita ni Doras na ang lahat ay wala ng magandang mangyayari, na ang kaparusahan ay tiyak, siya ay sumigaw: «Tayo ay magkikitang muli Jesus! Mahahawakan Kitang muli! Lalabanan Kita hanggang kamatayan. Makukuha mo ang gastadong tao na iyan. Hindi ko na siya kailangan. Maitatago ko ang perang pampalibing sa kanya. Layas, layas, isinumpang Satanas! Itatapat ko sa Iyo ang buong Sanhedrin. Satanas! Satanas!»

Si Jesus ay nagkukunwaring hindi Niya siya naririnig. Ang mga disipulo ay nadidismaya.

¹¹Si Jesus ay si Jonah lamang ang Kanyang inaasikaso. Naghahanap Siya ng pinakamakinis at pinakamalilim na mga landas hanggang marating nila ang sangandaan malapit sa mga bukid ni Johanan. Ang apat na magbubukid ay nagmadali upang magpaalam sa kanilang kaibigan na umaalis at kay Jesus Na nagpapalâ.

Ngunit ang daan mula Esdraelon hanggang sa Nazareth ay isang mahabang lakbáyin, at sila ay hindi makapagpatuloy nang mabilis, dahil sa kanilang kaawa-awang bitbit. Walang bagon o kariton sa pangunahing daan. Wala. Sila ay nagpapatuloy sa katahimikan. Si Jonah ay tila natutulog, ngunit nakakapit siya sa kamay ni Jesus.

Noong malapit nang gumabi, ang isang pangmilitar na bagon ng Romano ay inabutan sila.

«Sa ngalan ng Diyos, tigil» sabi ni Jesus itinataas ang Kanyang kamay.

Ang dalawang sundalo ay tumigil; mula sa ilalim ng takip na nakalagay sa ibabaw, dahil nagsisimula nang umulan, sumilip ang isang marangyang kabo. «Ano ang kailangan Mo?» tinanong niya si Jesus.

«Mayroon Akong namamatay na kaibigan. Hinihingi Ko sa inyo na ilagay siya sa bagon.»

«Kami ay hindi pinahihintulutan niyan... ngunit... sakay. Kami ay hindi rin mga aso.» Ang kamilya ay binuhat patungo sa bagon.

«Iyong kaibigan? Sino Ka?»

«Ang Rabbi na si Jesus ng Nazareth.»

«Kayo? O!...» Ang kabo ay tinitingnan Siya nang mausisa. «Kung Kayo ito, kung gayon... sumakay ang lahat na magkakasya. Ngunit huwag na may makakita sa inyo... Iyan ay isang utos... ngunit mataas sa mga utos ay naririyan ang pagkatao din, hindi ba? Kayo ay mabuti. Eh! Kaming mga sundalo ay nalalaman ang lahat... Papaano ko nalalaman? Kahit ang mga bato ay nagsasalita ng mabuti o masama, at may mga tainga kami upang mapakinggan ang mga ito para mapaglingkuran ang Caesar. Kayo ay hindi isang huwad na Kristo katulad ng mga ibang nauna sa Inyo, na mga nanggugulo at mga rebelde. Kayo ay mabuti. Alam ng Roma. Ang taong ito... ay malalang-malala ang kalagayan.»

«Iyan kung bakit dinadala Ko siya sa Aking Ina.»

«Hm! Hindi Niya siya mapapagaling para sa matagal na panahon! Bigyan siya ng kaunting alak. Ito ay nasa kantina na iyon. Aquila, hagupitin ang mga kabayo, Quintus, ibigay mo sa akin ang rasyon na pulot at mantikilya. Ito ay akin, makakabuti iyan sa kanya. Siya ay may ubo at ang pulot ay makakatulong.»

«Ikaw ay mabuti.»

«Hindi. Hindi masyadong kasing samâ  katulad ng marami. Ako ay masaya na makasama ko Kayo rito. Alalahanin si Publius Quintilianus ng lehiyon ng Italia. Nananatili ako sa Caesarea. Ako ngayon ay papunta sa Ptolomais. Pagsisiyasat na utos.»

«Ikaw ay hindi Ko kaaway.»

«Ako? Ako ay kaaway ng masasamang tao. Hindi kailanman ng mabubuting tao. At ibig kong maging mabuti rin. Sabihin sa akin: Ano ang doktrina na Inyong maituturo para sa amin, mga taong militar?»

«Ang doktrina ay isa lamang, para sa lahat. Katarungan, katapatan, kahinahunan, habag. Ang isa ay kailangan na gawin ang kanyang katungkulan nang walang pag-aabuso. Sa mabibigat na mga pangangailangan din ng sandatahang-lakas, ang isa ay kailangan na maging makatao. At ang isa ay kailangan na magsikap na malaman ang Katotohanan, ibig-sabihin ang Diyos, iisa at eternal, na kung wala ang kaalaman na ito ang bawat pagkilos ay napagkakaitan ng grasya at, dahil dito, ng eternal na gantimpala.»

«Ngunit kung ako ay patay na, ano ang aking gagawin sa kabutihan na aking ginawa?»

«Ang lumalapit sa totoong Diyos ay matatagpuan ang kabutihan na iyan sa susunod na buhay.»

«Ako ba ay ipanganganak muli? Ako ba ay magiging isang tribune o kahit isang emperador?»

«Hindi. Ikaw ay magiging katulad ng Diyos, bilang kaisa sa Kanyang eternal na beatitude sa Langit.»

«Ano? Ako sa Olympus? Kasama ang mga diyos?»

«Walang mga diyos. Naririyan ang totoong Diyos. Ang Isa na Aking itinuturo. Ang Isa na nakaririnig sa iyo at tinatandaan ang iyong kabutihan at ang iyong mithiin na malaman ang Mabuti.»

«Gusto ko iyan! Hindi ko alam na ang Diyos ay maaaring may pagtingin sa isang abang paganong sundalo.»

«Nilikha ka Niya, Publius. Siya kung gayon ay minamahal ka at ibig Niyang makasama ka Niya Mismo.»

«Eh!... bakit hindi? Ngunit... walang sinuman ang nagsasalita sa amin ng tungkol sa Diyos.»

«Ako ay pupunta sa Caesarea at mapapakinggan mo Ako.»

«O! Oo. Pupunta ako upang mapakinggan Kayo. Naririyan ang Nazareth. Ibig ko Kayong paglingkuran pa. Ngunit kung ako ay kanilang makita...»

«Ako ay bababa, at pinagpapalà kita para sa iyong kabaitan.»

«Hail, Guro.»

«Nawang ang Diyos ay ipakita ang Kanyang Sarili sa inyo, mga sundalo. Paalam.»

¹²Sila ay bumaba at nagpatuloy sa paglalakad.

«Sa maikling sandali na lamang makapagpapahinga ka na, Jonah» sabi ni Jesus nang nagpapasigla.

Si Jonah ay ngumingiti. Siya ay pakalmante nang pakalmante habang bumabagsak ang gabi at ngayon na nakatitiyak na siya na siya ay malayo na kay Doras.

Si Juan at ang kanyang kapatid ay tumakbo upang paalamin si Maria. At nang ang maliit na prusisyon ay dumating sa Nazareth, halos walang tao sa kalaliman ng gabi, si Maria ay nasa pintuan na hinihintay ang Kanyang Anak.

«Inay, naririto si Jonah. Siya ay maninilungan sa ilalim ng Inyong kabaitan upang pasimulan na kalugdan ang kanyang Paraiso. Masaya ka ba, Jonah?»

«Masaya! Masaya!» bulong ng hapóng lalaki na tila siya ay nasa lubos na kaligayahan.

Siya ay dinala sa maliit na silid kung saan si Jose namatay.

«Ikaw ay nasa higaan ng Aking ama. At naririto ang Aking Ina, at Ako ay naririto. Kita mo? Ang Nazareth ay naging Bethlehem, at ikaw ngayon ang maliit na Jesus sa pagitan ng dalawang tao na nagmamahal sa iyo, at ang mga ito ay ang mga tao na nagpipitagan sa iyo bilang ang matapat na lingkod. Hindi mo nakikita ang mga anghel, ngunit kinakaway nila ang kanilang maningning na mga pakpak sa itaas mo at inaawit ang mga salita ng pamaskong salmo...»

Si Jesus ay ibinubuhos ang lahat ng Kanyang kabaitan sa abang si Jonah na palala nang palala ang kalagayan sa bawat sandali. Tila napaglabanan niya magpahanggang ngayon ang mamatay dito... ngunit siya ay masaya. Siya ay ngumingiti at nagsisikap na mahalikan ang kamay nina Jesus at Maria, at para makapagsalita... ngunit ang kanyang paghihirap ay pinuputol nito ang kanyang mga salita. Si Maria ay pinagiginhawahan siya katulad ng isang ina. At inuulit niya: «Oo... oo» na may masayang ngiti sa kanyang nangayayat na mukha.

Ang mga disipulo, mga nakatayo sa pamasukan ng pangkusinang-hardin, ay tahimik at nakatingin lubos na naaantig ang damdamin.

«Ang Diyos ay pinakinggan ang iyong matagal nang mithiin. Ang Tala ng iyong mahabang gabi ay ngayon nagiging ang Tala ng iyong eternal na Umaga. Nalalaman mo ang pangalan nito» sabi ni Jesus.

«Jesus, ang Inyo! O! Jesus! Ang mga anghel... Sino ang aawit ng anghelikal na himno para sa akin? Ang aking kaluluwa ay naririnig ito... ngunit ang akin ding mga tainga ay ibig na mapakinggan ito... Sino?... upang magawa akong matulog nang masaya... Ako ay antok na antok! Labis na pagtatrabaho ang aking ginawa! Napakaraming mga luha... Napakaraming mga insulto... si Doras.. pinatatawad ko siya... ngunit ayaw kong mapakinggan ang kanyang tinig at naririnig ko ito. Ito ay katulad ng tinig ni Satanas malapit sa akin, sa akin na namamatay. Sino ang magtatakip sa tinig na iyan para sa akin sa pamamagitan ng mga salitang nanggagaling sa Langit?»

Ito ay si Maria Na sa kaparehong tono ng Kanyang oyayi ay inaawit nang malumanay: «Kaluwalhatian sa Diyos sa Kataastaasang Langit at kapayapaan sa mga tao sa ibaba rito.» At inuulit Niya ito nang dalawa o tatlong beses sapagkat nakikita Niya na si Jonah ay kumakalmante sa pakikinig dito.

«Si Doras ay hindi na nagsasalita pa» sabi niya pagkaraan ng ilang sandali. «Tanging mga anghel lamang... Iyon ay isang Sanggol... sa isang sabsaban... sa pagitan ng toro at isang asno... at iyon ay ang Mesiyas... At sinamba ko Siya... at kasama Niya ay naroon sina Jose at Maria...» Ang kanyang tinig ay naglalaho sa loob ng isang maikling lagukgok at pagkatapos nagkaroon ng katahimikan.

«Kapayapaan sa Langit sa tao ng mabuting kalooban! Siya ay patay na. Ililibing natin siya sa aming abang sepulkro. Karapat-dapat na hintayin niya ang resureksiyon ng patay malapit sa Aking makatarungang ama» sabi ni Jesus

At ang lahat ay nagtatapos, habang si Maria ni Alfeo, napasabihan ng kung sino na hindi ko alam, ay pumapasok.

 (577) 070910/051813

Sunod na kabanata.