11. Si Maria Ipagtatapat ang Kanyang Panata sa Esposong Ibibigay sa Kanya ng Diyos.

Setyembre 3, 1944.

¹Anong nakahihindik na gabi! Tila inaatake ang mga dimonyo ang mundo. Mga pagputok ng kanyon, kulog at kidlat, mga panganib, mga takot, ang paghihirap dahil nakahiga ako sa isang kama na hindi akin. At sa gitna ng lahat ng ito, naririyan si Maria, katulad ng isang magiliw na puting bulaklak sa gitna ng apoy at mga problema. Nagmumukha Siyang mas matanda nang kaunti kaysa sa bisyon kahapon, ngunit isa pa ring bata-pang babae na ang Kanyang makinang na tirintas na buhok nasa ibabaw ng Kanyang mga balikat. Ang Kanyang damit ay puti at ang Kanyang ngiti malumanay at mahiyain: isang matalik na ngiti sa maluwalhating misteryo na nakapaloob sa Kanyang puso. Napalampas ko ang gabi ikinukumpara ang Kanyang banayad na hitsura sa kabangisan ng mundo at pinagninilayan ang Kanyang mga salita, isang awit ng buháy na karidad, kompara sa mabangis na kapootan ng mga tao…

Sa umagang ito, sa katahimikan ng aking silid, nakita ko ang sumusunod na tagpo.     

²Si Maria ay nasa Templo pa rin. Siya ngayon ay papalabas kasama ang iba pang mga birhen mula sa mas loobang bahagi ng Templo.

Maaaring nagkaroon ng isang seremonya sapagkat naririyan ang amoy ng insenso sa ere ng isang mapulang paglubog-ng-araw. Maaaring huling mga araw na ito ng Oktubre, sapagkat ang kalangitan, na mapayapang nakapagbibigay na ng kapahingahan katulad ng pangkaraniwang maliwanag na mga araw ng Oktubre, ay niyuyukuan ang mga hardin ng Herusalem, kung saan ang dilaw ng mga dahon ng okra na malapit nang bumagsak ay nagdadagdag ng gintong-pulang kulay sa mga pulu-pulô sa malaplatang kaberdehan ng mga punong-olibo.

Ang pulutong, hindi, bagkus, ang pangkat ng nakaputing mga birhen, ay tinatawid ang likurang yarda, pagkatapos inaakyat ang mga baytang, dinadaanan ang isang balkonahe at pinapasok ang isa pang yarda, hindi masyadong maringal, walang kahit anong pintuan maliban sa isang patungo rito. Maaaring ito ang isang yarda na itinalaga para sa maliliit na tirahan ng mga birhen ng Templo, sapagkat ang bawat batang babae ay patungo sa kanyang selda, katulad ng isang maliit na kalapati sa kanyang pugad. Kamukha nila ang isang maliit na kawan ng mga kalapati na naghihiwa-hiwalay pagkatapos ng pagtitipon. Lahat sila ay nagsasalita sa mababa ngunit malugod na mga tinig, bago maghiwa-hiwalay. Si Maria ay tahimik. Bago iwanan ang ibang mga bata, Siya ay magpapaalam nang madamdamin sa kanila bago pumunta sa Kanyang maliit na silid sa isang sulok sa gawing kanan.

³Ang isa sa mga tagapagturo, isang maedad na ginang, ngunit hindi kasing tanda ni Anna ni Phanuel, ay nilapitan Siya. «Maria, ang Mataas na Pari ay ibig Kang makita.»

Si Maria ay tiningnan siya nang medyo nagtataka, ngunit hindi nagtatanong ng kahit ano. Tumugon lamang Siya: «Pupunta Ako kaagad.»

Hindi ko alam kung ang malaking bulwagan, na Kanyang pinapasok, ay ang bahay ng Mataas na Pari o ito ay bahagi ng tinitirhan ng mga babaeng nakatalaga sa Templo.  Ang alam ko ito ay maluwang at maliwanag, maganda ang pagkakaayos. Bukod sa Mataas na Pari, isang maringal na lalaki sa kanyang mga kapa, ay naroon din si Zachariah at si Anna ni Phanuel.

Si Maria ay yumukod sa pagbibigay-galang sa pamasukan at hindi pumapasok hanggang sa sabihin sa Kanya ng Mataas na pari: «Pumasok Ka, Maria. Huwag kang matakot.» Si Maria ay tumingala ulit at dahan-dahang lumalapit, hindi dahil sa ayaw Niya, bagkus dahil sa isang medyo di-sinasadyang kabigatan, na nagagawa Siyang magmukhang mas isang ganap na babae.

Si Anna ay ngumingiti sa Kanya upang palakasin ang Kanyang loob at si Zachariah ay binati Siya: «Kapayapaan sa iyo, pinsan.»

Ang Mataas na Pari ay pinagmamasdan Siya nang mabuti at pagkatapos nagwika kay Zachariah: «Siya ay kitang-kitang mula sa angkan ni David at ni Aaron…»

«Aking anak, alam ko ang tungkol sa grasya at kabutihan na nasa Iyo, alam ko na araw-araw lumalago Ka sa grasya at kaalaman sa harapan ng Diyos at mga tao. Alam ko na binubulong ng Diyos ang Kanyang pinaka-matatamis na salita sa Iyong puso. Alam ko na Ikaw ang Bulaklak ng Templo ng Diyos at ang ikatlong Kerubin sa harapan ng Testimonya mula nang mapunta Ka rito. At ibig kong ang Iyong pabango ay magpatuloy na tumaas kasama ng insenso araw-araw. Ngunit iba ang sinasabi ng Batas. Ikaw ay hindi na isang bata, bagkus isang ganap na babae. At ang bawat babae ay kailangan na maging isang asawa sa Israel upang manganak ng isang lalaki sa Panginoon. Susundin Mo ang pinag-uutos ng Batas.  Huwag Kang matakot, huwag mamula. Alam ko ang Iyong regalya. Ang Batas na nagpapanuto na ang bawat lalaki ay kailangang bigyan ng isang babae na mula kanyang sariling lipi ay poprotektahan Ka. Ngunit kahit na kung iyan ay hindi ganyan, gagawin ko iyan, upang ang Iyong dakilang dugo ay hindi sana marumihan. Wala Ka bang alam na sinuman na mula sa Iyong lipi, Maria, na maaaring maging Iyong asawa?»

Itinaas ni Maria ang Kanyang mukha na puno ng pamumula. Ang Kanyang mga mata ay nagniningning sa mga luha na nagsisimula nang lumabas at tumugon Siya nang may panginginig sa Kanyang tinig: «Wala, walang sinuman.»

«Hindi posible para sa Kanya na may malaman na sinuman, sapagkat bata pa Siya noong Siya ay napunta rito, at ang lahi ni David ay nahampas nang husto at naikalat nang malawak na kung hindi’y napahintulutan sana ang iba't ibang mga sanga nito na magkasama-sama katulad ng isang kadahunan sa paligid ng maharlikang palmera» sabi ni Zachariah.

«Pababayaan natin kung gayon sa Diyos ang pagpili.»

⁴Ang mga luha na pinipigilan ni Maria magpahanggang ngayon, ay tumulak at bumagsak sa Kanyang nanginginig na bunganga. Nakatingin Siyang nangungusap sa Kanyang tagapagturo.

«Si Maria ay kinunsagra ang Kanyang Sarili sa Panginoon para sa Kanyang kaluwalhatian at para sa kaligtasan ng Israel. Siya ay bagkus isang maliit pa lamang na bata noon natututo pa lamang magbasa at magsulat at ginawa na Niya ang Kanyang panata...» sabi ni Anna, tinutulungan Siya.

«Iyan ba kung gayon kung bakit Ka ay umiiyak ? Hindi dahil ibig Mong salungatin ang Batas?»

«Para lamang diyan... wala nang iba pa. Susundin Ko kayo, Pari ng Diyos.»

«Pinatototohanan nito kung ano ang kasasabi pa lamang sa akin tungkol sa Iyo. Gaano Ka na katagal na ikinunsagra sa Panginoon?»

«Lagi na Akong konsagrado, sa palagay Ko. Wala pa Ako sa Templong ito, at naibigay Ko na ang Aking Sarili sa Panginoon.»

«Ngunit hindi ba’t Ikaw ang maliit na batang dinala rito labindalawang taon na ang nakararaan at nakiusap sa akin na pahintulutan na makapasok?»

«Ako nga.»

«Bueno, kung gayon, papaano Mo nasasabi na pag-aari Ka na ng Diyos noon?»

«Kung titingnan Ko ang nakaraan, makikita Ko na Ako ay konsagrado na... Hindi Ko maalaala kung kailan Ako pinanganak, ni hindi Ko maalaala kung papaano Ako nagsimulang mahalin Ko ang Aking ina at sabihin sa Aking ama: “Ama, Ako ang iyong anak”... ngunit naaalaala Ko na binigay Ko ang Aking puso sa Diyos, bagamat hindi Ko alam kung kailan ito nagsimula. Baka kasabay ito ng unang halik na naibigay Ko, ng unang salita na natutunan Kong sabihin, ng unang hakbang na nagawa Ko... Oo, sa palagay Ko natatandaan Ko ang Aking unang pagka-alaala tungkol sa pagmamahal kasabay ang Aking unang matatag na hakbang... Ang Aking bahay... malapit sa bahay ay may isang hardin na puno ng mga bulaklak... at mayroon doon isang taniman ng mga punungkahoy at ilang mga bukid... at may isang bukal ng tubig sa likuran, sa ilalim ng burol, at ang tubig ay bumubukal mula sa isang hungkag na bato na pumoporma ng isang gruta... iyon ay puno ng mahahaba at maninipis na mga yerba na nakabitin pinoporma ang isang berdeng mga talon kahit saan at sila ay tila umiiyak sapagkat ang maninipis na maliliit na dahon, na tila isang gawa ng pagbuburda, ay may munting maliliit na patak ng tubig at kapag ang mga patak ay bumabagsak sila ay kumakalansing katulad ng maliliit na kampanilya. Ang bukal din ay tila umaawit. At may mga ibon sa mga puno ng olibo at mga puno ng mansanas sa itaas ng bukal at ang mapuputing kalapati ay madalas pumunta at maghugas sa malinaw na tubig ng pontanya... Hindi Ko na noon iniisip ang lahat ng tungkol diyan, sapagkat nailagay Ko na ang lahat ng Aking puso sa Diyos at, maliban sa Aking ama at ina, na Aking minahal sa búhay at sa kamatayan, at lahat na iba pang makamundong mga bagay ay nawala na mula sa Aking puso... Ngunit ginawa ninyo Akong isipin Ko ang tungkol dito... kailangan na makita Ko kung kailan Ko binigay ang Aking Sarili sa Diyos... at ang mga bagay tungkol sa Aking unang mga taon ay bumabalik sa Aking isip... Minahal Ko ang grutang iyon, sapagkat naririnig Ko roon ang isang tinig na mas matamis pa kaysa sa awit ng tubig at ng pagsiyap ng mga ibon na nagsabi sa Akin: “Halika, Mahal Ko”. Minahal Ko ang mga yerbang iyon na punó ng kumakalansing at kumikislap na mga patak ng diyamante, sapagkat nakikita Ko roon ang tanda ng Aking Panginoon at madalas Kong sabihin sa Aking Sarili: “O Aking kaluluwa, tingnan Mo kung gaano kadakila ang Iyong Diyos, ginawa Niya ang mga sedro ng Lebanon para sa mga agila, ginawa din ang maliliit na dahon na ito na yumuyuko sa bigat ng isang maliit na lamok at ginawa Niya sila para sa lugod ng Iyong mga mata at bilang isang proteksiyon para sa Iyong maliliit na paa”. Minahal Ko ang katahimikang iyon ng purong mga bagay: ang mahinang ihip ng hangin, ang malaplatang tubig, ang kadalisayan ng mga kalapati... Minahal Ko ang kapayapaan na nagpapaligid-ligid sa ibabaw ng maliit na gruta, bumababa mula sa mga puno ng mansanas at olibo, ngayon punó ng mga bulaklak, pagkatapos namimigat sa magagandang prutas... At hindi Ko alam... ang tinig ay tila nagsasabi sa Akin, oo, sa Akin lamang: “Halika, animo olibo; halika, matamis na mansanas; halika, selyadong bukal; halika, Aking kalapati”... Matamis ang pagmamahal ng isang ama, matamis ang pagmamahal ng isang ina... matamis ang kanilang mga tinig tinatawag Ako... ngunit ang isang ito, ang isang ito! O! Sa makalupang Paraiso sa palagay Ko na siya, na nagkasala, ay napakinggan ito nang ganito, at hindi Ko maintindihan kung bakit mas ginusto niya ang isang sagitsit kaysa sa tinig ng pagmamahal na ito, papano na minithi niya ang iba pang kaalaman na hindi Diyos... Sa pamamagitan ng Aking mga labì na nagkakalasa pa ng gatas ng Aking ina, ngunit na ang Aking puso puno ng selestiyal na pulot-pukyutan, sinabi Ko pagkatapos: “Naririto Ako. Ako ay darating. Ako ay sa Inyo. Walang makakakuha ng Aking katawan, bagkus Kayo, Aking Panginoon, ni hindi magkakaroon ng kahit ano pang ibang pagmamahal ang Aking kaluluwa...” At habang sinasabi ito, ito ay tila sa Akin Aking pagsasabi muli ng mga bagay na nasabi na at na tila ginagawa Ko ang isang ritwal na nagawa na, at ang piniling Esposo ay hindi isang estranghero sa Akin, sapagkat alam Ko na ang Kanyang init at ang Aking paningin ay naporma sa Kanyang liwanag at ang Aking kapasidad para sa pagmamahal ay natupad sa loob ng Kanyang yakap... Kailan? Hindi Ko alam. Mahigit pa sa búhay, sasabihin Ko, sapagkat sa pakiramdam Ko lagi Ko na Siyang kasama, at na lagi na Niya Akong kasama, at na Ako ay nabubuhay sapagkat ginusto Niya Ako para sa lugod ng Kanyang Espiritu at Akin... ⁵Ngayon sinusunod Ko kayo, o Pari. Ngunit pakiusap na sabihin sa Akin kung papaano Ako kailangan na kumilos... Wala na Ako ni ama o ina. Pakiusap na gabayan Ako.»

«Ibibigay ng Diyos sa Iyo ang Iyong asawa at siya ay magiging isang banal na tao, sapagkat ipinagkatiwala Mo ang Iyong Sarili sa Diyos. Sasabihin Mo sa kanya ang Iyong panata.»

«At siya kaya ay sasang-ayon?»

«Umaasa ako. Magdasal, aking anak, na sana maunawaan niya ang Iyong puso. Lakad na. Harinawang lagi Kang samahan ng Diyos.»

Si Maria ay umalis kasama si Anna. Si Zachariah ay nananatiling kasama ang Mataas na Pari.

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon.

(58)010610/022213/032413


Sunod na kabanata.