111. Ang Pagbalik sa Bantilan ng Jordan Malapit sa Jericho.

Pebrero 18, 1945.

¹«Nagtataka ako na si Juan Bautista ay wala rito» sabi ni Juan sa Guro. Silang lahat ay nasa silanganing pampang ng Jordan, malapit sa bantog na bantilan kung saan si Juan Bautista ay minsan naging madalas na magbinyag.

«At siya ay ni wala sa kabilang pampang» pagpuna ni Santiago.

«Baka nahuli nila siyang muli, umaasang makakuha ng isa pang lagay» wika ni Pedro. «Ang mga mandurugas na iyon ni Herodes ay tiyak na karapat-dapat ng krus!»

«Tatawid tayo sa kabila at magtatanong» sabi ni Jesus.

«Sila ay tumawid at tinanong nila ang isang tagapagtawid ng mga tao sa kabilang pampang: «Si Juan Bautista ba ay hindi na nagbibinyag dito?»

«Hindi, hindi na. Siya ay nasa hangganan ng Samaria. ²Iyan na ang aming kalagayan ngayon! Ang isang banal na tao ay kinailangan na manilungan malapit sa mga Samaritano upang protektahan ang kanyang sarili sa mga mamamayan ng Israel. Bakit tayo magtataka kung tayo ay inaabandona ng Diyos? Isang bagay lamang ang ipinagtataka ko: na hindi Niya ginagawang isang Sodom at Gomorrah ang buong Palestina!...»

«Hindi Niya ginagawa dahil sa makatarungang mga tao na naroroon, dahil sa kanila, na bagama’t hindi pa ganap na makatarungan, ay nauuhaw para sa katarungan at sumusunod sa doktrina ng mga nagtuturo ng kabanalan» tugon ni Jesus.

«Dalawa, kung gayon: si Juan Bautista at ang Mesiyas. Kilala ko ang una, sapagkat pinaglingkuran ko rin siya rito sa Jordan, nagtatawid ng ibang mga tao patungo sa kanya, nang hindi nanghihingi ng kabayaran, sapagkat sinasabi niya na ang isa ay kailangan na makontento na sa kung ano ang makatarungan. Naisip ko na makatarungan na makontento na ako sa aking kinikita sa paggawa ng ibang trabaho at na hindi makatarungan na humingi ng kabayaran para sa pagtawid sa mga kaluluwang padadalisayin. Ang aking mga kaibigan ay nagsasabi na ako ay baliw. Ngunit matapos ang lahat... sa dahilan na masaya na ako sa kakaunting mayroon ako, sino ang magrereklamo? Sa kabilang dako nakikita ko na magpahanggang ngayon hindi pa naman ako namamatay sa pagkagutom, at umaasa ako na si Abraham ay ngingiti sa akin kapag ako ay namatay.»

«Ikaw ay nasa tama, mamâ. Sino ka?»

«O! Ang aking pangalan ay isang dakilang pangalan at nagagawa ako nitong mapatawa sapagkat ang aking tanging karunungan ay ang tungkol sa mga sagwan. Ang aking pangalan ay Solomon.»

«Nagtataglay ka ng karunungan sa paghusga na ang nasa gawain ng pakikipagtulungan sa isang pagpapadalisay ay hindi kailangan na marumihan ito ng pera. Sasabihin Ko sa iyo, na hindi lamang si Abraham, bagkus ang Diyos ni Abraham ang ngingiti sa iyo katulad sa isang matapat na anak, kapag ikaw ay namatay.»

«O! Ang Diyos! Totoo ba iyan? ³Sino Kayo?»

«Ako ay isang makatarungan na tao.»

«Makinig: Sinabi ko sa Inyo na may dalawa sa Israel: ang isa ay si Juan Bautista, ang isa pa ay ang Mesiyas. Kayo ba ang Mesiyas?»

«Oo, Ako ang Mesiyas.»

«O! Eternal na awa! Ngunit... isang araw napakinggan ko ang ilang mga Pariseo nagsasabi... Hindi na bale... Ayaw kong parumihin ang aking bunganga. Hindi Kayo ang kanilang sinasabi na Kayo. Ang kanilang mga dila ay mas sungki pa kaysa sa dila ng mga ahas!...»

«Oo, Ako nga, at sasabihin Ko sa iyo: hindi ka napakalayo sa Liwanag. Paalam, Solomon. Ang kapayapaan ay mapasaiyo.»

«Saan Kayo pupunta, Panginoon?» Ang mamâ ay natutulala sa pagbubunyag at nagsasalita sa ganap na ibang tono. Kanina ito ay isang mabuting natural na tao na nagsasalita. Ngayon ito ay isang nagsasambang naniniwala.

«Ako ay papuntang Herusalem daán ng Jericho. Papunta Ako sa mga Tabernakulo.»

«Sa Herusalem?... Kayo rin?»

«Ako ay isang anak din ng Batas. Hindi Ko sinusuway ang Batas. Binibigyan Ko ito ng liwanag at lakas upang ito ay sana masunod sa isang perpektong pamamaraan.»

«Ngunit ang Herusalem ay kinapopootan na Kayo! Ang ibig kong sabihin, ang malalakas, ang mga Pariseo sa Herusalem. Sinabi ko sa Inyo na napakinggan ko...»

«Pabayaan lang sila. Ginagawa nila ang kanilang tungkulin, kung ano ang sa akala nilang kanilang tungkulin. Ginagawa Ko ang Akin. Sasabihin Ko sa iyong totoo, na hangga't hindi dumarating ang oras, sila ay walang magagawang kahit na ano.»

«Aling oras, Panginoon?» tanong ng mga disipulo at ng mamamangka.

«Ang oras ng pananagumpay ng Kadiliman.»

«Mabubuhay ba Kayo hanggang sa katapusan ng mundo?»

«Hindi. Magkakaroon ng mas nakakatakot pang na kadiliman kaysa sa kadiliman ng namatay na mga bituin at ng ating planeta, patay kasama ang lahat na mga naninirahan dito. At iyan ay mangyayari kapag pinatay ng tao ang Liwanag, na Ako nga. Ang krimen ay nagagawa na ng marami. Paalam, Solomon.»

«Susundan ko Kayo, Guro.»

«Huwag. Pumunta ka sa Bel Nidrasc sa loob ng tatlong araw. Ang kapayapaan ay mapasaiyo.»

⁴Si Jesus ay lumakad sa gitna ng nag-iisip na mga disipulo.

«Ano ang inyong iniisip? Huwag matakot para sa Akin o para sa inyong mga sarili. Tayo ay nakaraan na sa Decapolis at sa Perea, at kahit saan ang nakita natin ay ang mga magbubukid nagtatrabaho sa mga bukid. Sa ibang mga lugar ang lupa ay natatakpan pa ng mga tuod at damo, isang tigang na matigas na lupa, puno ng parasitong mga tanim, na ang binhi ng mga ito ay nadala roon ng mga hangin ng tag-init galing sa basura ng disyerto. Ang mga ito ay ang bukid ng mga tamad at namumuhay-nang-madalian na mga tao. Sa ibang mga lugar ang lupa ay nabungkal na ng araro, ang mga bato, mga dawag at damo ay naalis na ng apoy at ng paghihirap ng tao. At kung ano ang dating nakasasamâ, ibig-sabihin ang walang silbing mga tanim, ay nagawang mabubuting pataba at may-pakinabang na nagpapatubong mga asin sa pamamagitan ng apoy at ng paghihirap ng tao. Ang lupa ay maaaring naghirap dahil sa kirot na idinulot ng araro na bumungkal at dumaan dito, at dahil sa nangangagat na apoy na namamasô sa mga sugat nito. Ngunit ito ay magsasaya sa tagsibol, mas maganda, magsasabing: «Ang tao ay pinahirapan ako upang maibigay sa akin ang mayamang mga aning ito na nagagawa akong maganda”. At sila ay ang mga bukid ng nagkakagustong mga tao. At sa iba pang mga lugar ang lupa ay malambot na, ang mga abo ay naalis na rin, ito ay tunay na higaang pangkasalan para sa mabungang pakikipag-isa sa binhi, na magbibigay ng maraming maluwalhating mga tainga ng trigo. At sila ay ang mga bukid ng mga tao na bukas-palad na marating ang perpeksiyon ng paggawa.

Bueno, ganyan din ang tungkol sa mga puso. Ako ang Araro at ang Aking mga salita ay ang Apoy, upang maihanda ang mga tao para sa eternal na pananagumpay.

May mga tao na, tamad o namumuhay nang madalian, hindi pa naghahanap sa Akin, ayaw sa Akin, kontento na sa kanilang mga bisyo at sa masasamang masimbuyong damdamin, na nagmumukhang katulad ng berdeng bulaklakin na mga damit, ngunit sa halip mga dawag at mga tinik, na sumisira sa kanilang mga kaluluwa, at magtatali sa kanila bilang mga panggatong sa apoy sa Gehenna. Sa pansamantala ang Decapolis at ang Perea ay ganyan... at hindi sila nag-iisa. Hindi sila humihingi ng mga himala, sapagkat ayaw nila ng Aking matalas na salita o ang init ng Aking apoy. Ngunit ang kanilang oras ay darating. Sa ibang mga lugar ay may mga taong tumatanggap sa Aking matalas na salita at sa Aking init, at iniisip nila: “Ito ay masakit. Ngunit napadadalisay ako nito at nagagawa ako nitong magbunga ng mga gawang mabuti”. Sila ang mga tao na, bagama’t wala sila ng kabayanihan ng pagkilos, pinababayaan Akong kumilos. Iyan ang unang hakbang sa Aking daan. At pánghulí ay nariyan ang mga tao na tumutulong sa Aking gawain sa pamamagitan ng kanilang sariling patuloy na masugid na pagkilos at sila ay hindi naglalakad, bagkus sila ay lumilipad sa daan patungo sa Diyos. Sila ang matatapat na disipulo, kayo at ang iba pa na nakakalat sa buong Israel.»

⁵«Ngunit kami ay kakaunti... laban sa napakarami. Kami ay mapagkumbaba... laban sa malalakas. Papaano namin Kayo maipagsasanggalang, kung gustuhin nilang saktan Kayo?»

«Aking mga kaibigan. alalahanin ang panaginip ni Jacob. Nakita niya ang di-mabilang na multitud na mga anghel umaakyat at bumababa sa isang hagdan na mula sa Langit ay umaabot  sa ibaba sa Patriyarka. Isang multitud, subalit iyon ay isang bahagi lamang ng mga pangkat ng mga anghel... Bueno, kahit na kung ang lahat ng mga pangkat na umaawit ng aleluya sa Diyos sa Langit ay bumaba pa upang ipagsanggalang Ako, kapag dumating na ang oras, sila ay walang magagawa. Ang Katarungan ay kailangan na mangyari...»

«Ang ibig Ninyong sabihin ang kawalang-katarungan! Sapagkat Kayo ay banal at kung Kayo ay kanilang saktan at kapootan, sila ay di-makatarungan.»

«Iyan kung bakit Ko sinasabi na ang krimen ay nagawa na ng ilan. Ang sinuman na naglilimlim ng mga kaisipan ng pagpatay, ay isa nang mamamatay-tao, ang sinuman na naglilimlim ng mga kaisipan ng pagnanakaw, ay isa nang magnanakaw, ang naglilimlim ng mga kaisipan ng pangangalunya, ay isa nang nangangalunya, ang naglilimlim ng pagtataksil, ay isa nang taksil. Alam ng Ama at nalalaman Ko. Ngunit pinahintulutan Niya Akong pumunta. At Ako ay pumunta. Sapagkat iyan ang Aking ipinunta. Ngunit ang ani ay mahihinog at itatanim nang minsan at minsan pa ulit bago ang Tinapay at ang Alak ibibigay bilang pagkain sa mga tao.»

«Magkakaroon ng isang bangkete ng lugod at kapayapaan, pagdating niyan!»

«Ng kapayapaan? Oo. Ng lugod? Oo, rin. Ngunit...o, Pedro! O, Aking mga kaibigan! Ilang mga luha ang iluluha sa pagitan ng una at ng ikalawang kalis! At tanging pagkatapos lamang na mainom ang huling patak ng ikatlong kalis, magiging malaki ang lugod sa pagitan ng mga makatarungan, at magiging tiyak ang kapayapaan sa mga tao ng mabuting kalooban.»¹

«At naroroon Kayo. Hindi ba?»

«Ako?... Ang Ulo ba ng pamilya ay kailanman nawala sa ritwal? Hindi ba’t Ako ang Ulo ng malaking pamilya ni Kristo?»

Si Simon Zealot, na kailanman ay hindi nagsalita, ay nagsabi, na tila nagsasalita siya sa kanyang sarili: «Sino ang dumarating nakasuot ng mga damit na may mga pulang mantsa? Siya ay marangyang dinamitan, nagmamartsang punung-puno ng lakas”. “Ako ito, na nagsasalita tungkol sa integridad at makapangyarihan akong makapangligtas”. “Bakit pula ang iyong mga kasuutan, ang iyong mga damit na tila yumapak ka sa pigaan ng mga ubas?” “Yumapak akong mag-isa sa pigaan ng mga ubas. Ang taon ng aking panunubos ay dumating na”.»

«Naintindihan mo, Simon» wika ni Jesus.

«Naintindihan ko, aking Panginoon.»

Ang dalawa ay nagkatinginan; ang iba ay tinitingnan sila nagtataka at sila ay nagtatanong sa isa’t isa: «Ang sinasabi ba niya ay ang pulang mga damit na suot ni Jesus kahit na ngayon, o ang maharlikang purpurang isusuot Niya pagdating ng oras?»

Si Jesus ay hindi ito pinapansin at tila walang napapakinggan na kahit na ano.

⁶Si Pedro ay hinila si Simon sa isang tabi at nagtanong: «Dahil sa ikaw ay may pinag-aralan at mapagkumbaba, ipaliwanag mo sa akin ang iyong mga salita, sa akin na isang mangmang.»

«Oo, kapatid. Ang Kanyang pangalan ay Tagapagtubos. Ang mga kalis ng bangkete ng lugod at kapayapaan sa pagitan ng tao at Diyos, at ng lupa at Langit, ay Kanya Mismong pupunuin sa pamamagitan ng Kanyang Alak, pinipiga ang Kanyang Sarili sa mga paghihirap dahil sa Kanyang pagmamahal para sa ating lahat. Siya kung gayon ay nandoon, sa kabila na tila napatay ng mga kapangyarihan ng Kadiliman ang Liwanag, Na Siya nga. O! kailangan na mahalin natin nang labis ang ating Kristo, sapagkat marami ang tatangging mahalin Siya. Ating tiyakin na sa oras ng kapabayaan, ang lamentasyon ni David ay hindi sana sa atin maiukol nang may paninisi: “Isang samahán ng mga aso (na tayo kasama nito) ang nakapaligid sa Kanya”.»

«Sa palagay mo ba?... Ngunit ipagsasanggalang natin Siya, hanggang sa tayo ay mamatay kasama Niya.»

«Ipagsasanggalang natin Siya... Ngunit tayo ay mga tao, Pedro. At ang ating mga puso ay matutunaw kahit bago pa man mapaghiwalay ang Kanyang mga buto... Oo. Magiging katulad natin ang kasing lamig ng yelo na tubig sa kalangitan na tinutunaw ng kidlat upang maging ulan at pagkatapos payeyelohin muli ng hangin sa lupa. Tayo ay katulad niyan! Ang ating kasalukuyang katapangan ng pagiging Kanyang mga disipulo, sapagkat ang Kanyang pagmamahal at ang Kanyang presensya ay nasiksik tayo na magkaroon ng pagkalalaking kapangahasan, ay matutunaw sa ilalim ng panghahampas ng lintik ni Satanas at ng mga satanas... At ano ang matitira sa atin? Pagkatapos, pagkaraan ng matinding kinakailangang pagsubok, ang pananampalataya at pagmamahal ay pag-iisahin tayong muli nang matatag at tayo’y magiging katulad ang kristal na hindi magagasgasan. Ngunit malalaman natin ito at tayo ay magtatagumpay kung mamahalin natin Siya nang labis habang Siya ay kasama pa natin. Pagkatapos, naniniwala ako, dahil sa Kanyang salita, na tayo ay hindi magiging mga kaaway at mga taksil.»

«Ikaw ay may-pinag-aralan na tao, Simon. Ako ay.... isang mangmang. At nahihiya rin akong magtanong sa Kanya ng napakarami. At ako ay naghihirap kapag napapakinggan ko na may napakaraming dahilan para sa mga luha... Tingnan mo ang Kanyang mukha: ito ay tila hinugasan ng lihim na mga luha. Tingnan mo ang Kanyang mga mata: hindi ito nakatingin sa kalangitan o sa lupa. Ito ay nakabukas sa mundo na hindi natin nalalaman. At gaano kapagod at kabaluktot ang Kanyang tindig! Tila Siya tumanda gawa ng Kanyang mga alalahanin. O! Ayaw ko Siya na ganyan! Guro, Guro! Ngiti! Ayaw kong makita Kayong napakalungkot. Kasing mahal Kayo sa akin katulad ng isang anak, ibibigay ko sa Inyo ang aking dibdib bilang isang unan, upang mapatulog Kayo at managinip ng ibang mga mundo... O! patawarin Ninyo ako kung tinawag ko Kayong “anak”. Iyan ay dahil minamahal ko Kayo, Jesus.»

«Ako ang Anak... Ang pangalan na iyan ay Aking Pangalan. Ngunit hindi na Ako malungkot. Kita ninyo? Ako ay ngumingiti sapagkat kayo ay mapagkaibigan sa Akin. Sa banda roon, ay nariyan ang Jericho, ganap na mapula sa paglubog ng araw. Ang dalawa sa inyo ay kailangan na lumakad at maghanap ng matutuluyan. Ang iba at Ako ay lalakad at maghihintay sa inyo sa tabi ng sinagoga. Lakad.»

At ang lahat ay nagtatapos habang sina Juan at Tadeo ay umaalis sa paghahanap ng mapag-arugang bahay.

(594) 150910/052013




¹Tinutukoy nito rito ang ritwal ng mga Hudyo para sa selebrasyon ng Hapunan ng Paskuwa, na isinalarawan ni Mishna, isang pundamental na teksto ng Talmud, na kinodipika sa ikalawa hanggang ikatlong siglo pagkatapos ni Kristo. Apat na kalis man lamang ang kailangan na ubusin sa Paskuwang Hapunan. Ayon sa Poem of the Man-God, magkakaroon ng malaking kalungkutan sa pagitan ng una at ng ikalawang kalis (baka dahil sa prediksiyon ng Kristo tungkol sa pagtataksil ni Judas). Ngunit pagkatapos ng ikatlong kalis (ibig sabihin, ang isa na ikinunsagra sa pagiging ang Dugo ni Kristo) nagkaroon ng malaking lugod at kapayapaan (baka pinatutungkulan ang magandang talumpati ni Jesus sa mga Apostol pagkatapos na makaalis si Judas).



Sunod na kabanata.