114. Si Jesus Nakatagpo si Gamaliel sa Bangkete ni Jose ng Arimathea.

Pebrero 21, 1945.

¹Ang Arimathea ay isang bulubundukin na bayan din. Hindi ko alam kung bakit, ngunit naiimahina ko ito na nasa isang kapatagan. Sa halip ito ay nasa mga bundok, na, bagama’t, humihilig nang pababa sa kapatagan, at mula sa ilang mga pagliko ng daan ang kabukiran ay lumalabas na matabang lupa patungo sa kanluran hanggang sa maglaho ito sa orisonte, sa Nobyembreng umagang ito, sa ilalim ng isang mababang ulap na nagmumukhang isang walang-katapusang latag ng tubig.

Si Jesus ay kasama sina Simon at Tomas. Wala Siyang ibang mga apostol na kasama. Sa pagka-unawa ko mabuting napag-aralan Niya ang mga damdamin ng mga tao na Kanyang tatagpuin, at ayon sa mga sitwasyon, isinama Niya ang maaaring tanggapin nang hindi naiinis nang masyado ang may-anyaya. Ang mga Hudyong ito ay maaaring mas maramdamin... kaysa sa romantikang maliliit na babae...

Naririnig ko silang pinag-uusapan ang tungkol kay Jose ng Arimathea, at si Tomas, na maaaring nakikilala siya nang mabuti, ay sinasalarawan ang kanyang magandang malaking ari-arian na nasa tabi ng bundok, lalo na ang pagawing Herusalem sa tabi ng kalsada na tumatakbo mula sa kapitolyo hanggang Arimathea at nag-uugnay sa bayan na ito sa Joppa. Napapakinggan ko sila na nagsasabi nang ganito, at si Tomas ay pinupuri din ang mga bukid na pag-aari ni Jose sa tabi ng mga daan sa kapatagan.

«Ang mga tao man lamang dito ay hindi tinatratong katulad ng mga hayop! O! Ang Doras na iyon!» sabi ni Simon.

Sa katunayan ang mga manggagawa rito ay mabuting napakakain at nararamtan at may hitsura sila ng kontentong malulusog na tao. Sila ay bumabati nang magalang sapagkat halatang nalalaman nila kung sino ang matangkad na makisig na lalaki, Na papunta sa bahay ng kanilang panginoon sa tabi ng kabukiran ng Arimathea. At Siya ay kanilang pinagmamasdan, nagsasalita sa isa’t isa sa mabababang tinig.

²Nang ang bahay ni Jose ay natatanaw na, ang isang katulong, pagkatapos na yumuko nang mababa, ay nagtanong: «Kayo ba ang Rabbi na aming hinihintay?»

«Ako nga» tugon ni Jesus.

Siya ay sumaludong yumuyukong muli at tumakbo upang bigyang-alam ang maybahay.

Sa katunayan bago marating ni Jesus ang hangganan ng bahay – ganap na napalilibutan ng isang mataas na hilera ng mga evergreen, na siyang kapalit dito ng mataas na pader sa paligid ng bahay ni Lazarus at naihihiwalay ito sa daan, bilang karugtong din ng hardin sa paligid ng bahay, na mayamang tinamnan ng mga punungkahoy at sa kasalukuyan walang-walang mga dahon – si Jose ng Arimathea, sa kanyang malapad na may mga palawit na kapa, ay dumating upang salubungin Siya at yumuko nang napakababa na ang kanyang mga kamay nakalupi sa kanyang dibdib. Ito ay hindi ang mapagpakumbabang pagsaludo ng isang tao na kumikilala kay Jesus Na Diyos na naging Laman at pinabababa ang sarili sa pagluhod sa lupa upang halikan ang Kanyang mga paa o ang laylayan ng Kanyang tunika, bagkus ito ay isang pagsaludo nang malalim ng paggalang. Si Jesus ay yumuko din at pagkatapos ibinigay Niya ang Kanyang pagbati ng kapayapaan.

«Pasok Kayo, Guro. Nagawa Ninyo akong masaya sa pagtanggap ng aking paanyaya. Hindi ako umaasa ng labis na pagkomporme mula sa Inyo.»

«Bakit hindi? Pumupunta rin Ako sa bahay ni Lazarus at...»

«Si Lazarus ay isang kaibigan Ninyo... Ako ay isang estranghero.»

«Ikaw ay isang kaluluwa na naghahanap sa katotohanan. Ang Katotohanan, kung gayon, ay hindi ka tinatanggihan.»

«Kayo ba ang Katotohanan?»

«Ako ang Daan, ang Buhay at ang Katotohanan. Ang sinuman na nagmamahal at sumusunod sa Akin ay magkakaroon ng tiyak na Daan, pinagpalang Buhay at makikilala ang Diyos; sapagkat ang Diyos, bukod sa pagiging Pag-ibig at Katarungan, ay Katotohanan.»

«Kayo ay isang dakilang Doktor. Ang karunungan ay lumalabas mula sa bawat salita Ninyo.» Pagkatapos binalingan niya si Simon: «Masaya ako na bumalik ka din sa aking bahay, pagkaraan ng mahabang ausensiya.»

«Ako ay hindi nawala ayon sa aking sariling kagustuhan. Nalalaman mo ang aking naging kapalaran at kung gaano karaming mga luha ang iniluha sa loob ng buhay ng maliit na si Simon na gustung-gusto ng iyong ama.»

«Alam ko. At sa palagay ko nalalaman mo na hindi ako nagsalita kailanman ng kahit isang salita laban sa iyo.»

«Alam ko ang lahat. Ang aking matapat na katulong ay sinabi sa akin na nagkakautang din ako ng loob sa iyo, kung ang aking ari-arian ay iginalang. Gantimpalaan ka sana ng Diyos para rito.»

«Ako ay maimpluwensiya noon sa Sanhedrin at ginagamit ko ang aking pusisyon upang makatulong, nang may katarungan, sa isang kaibigan ng aking sambahayan.»

«Marami akong naging mga kaibigan at marami ang maimpluwensiya sa Sanhedrin. Ngunit hindi sila kasing makatarungan katulad mo...»

«At sino ito? Tila nakilala ko na siya... Ngunit hindi ko alam kung saan...»

«Ako ay si Tomas, tinatawag na Didymus...»

«Ah! Oo! Ang iyo bang matanda ay buhay pa?»

«Oo, buhay pa. Nasa kanyang negosyo, kasama ang aking kapatid na lalaki. Iniwan ko siya para sa Guro, ngunit masaya siya na ginawa ko ito.»

«Siya ay isang totoong Israelita, at, sa dahilan na naniniwala na siya na si Jesus ng Nazareth ay ang Mesiyas, siya ay bagkus maaaring masaya na ang kanyang anak ay kasama sa Kanyang mga paborito.»

³Sila ngayon ay nasa hardin na, malapit sa bahay.

«Pinanatili ko si Lazarus. Siya ay nasa bahay-aklatan, binabasa ang kabuuan ng huling mga pagpupulong ng Sanhedrin. Ayaw niyang manatili sapagkat... alam ko na nalalaman na Ninyo... Iyan kung bakit ayaw niyang manatili. Ngunit sinabi ko: “Hindi. Hindi makatarungan na kailangan kang mahiya. Walang sinuman ang mag-iinsulto sa iyo sa loob ng aking bahay. Pakiusap na manatili.  Ang walang pakialam sa kanyang kapaligiran ay nag-iisa laban sa buong mundo. At sa dahilan na sa mundo ay mas marami ang kasamaan kaysa kabutihan, ang nag-iisa ay napababagsak at mayayapakan”. Hindi ba’t tama ako?»

«Tama ka at ginawa mo ang tamang bagay» tugon ni Jesus.

«Guro... ngayon ay naririyan si Nicodemus at.... si Gamaliel. Walang anuman ba sa Inyo?»

«Bakit Ko tututulan? Kinikilala Ko ang kanyang karunungan.»

«Oo. Nananabik siyang makilala Kayo... at ibig niyang ipilit ang kanyang puntong pananaw. Alam Ninyo... mga idea. Sinasabi niya na nakita na niya ang Mesiyas, at na naghihintay siya sa tanda na ipinangako Niya sa kanya, noong Siya ay nagpakita. Sinasabi din niya na Kayo ay “isang tao ng Diyos”. Hindi niya sinasabi: “ang Tao”. Sinasabi niya: “isang tao ng Diyos”. Isang katalasan ng mga rabbi, hindi ba? Hindi Kayo nasasaktan, hindi ba?»

«Katalasan. Tama ka. kailangan na tiisin natin sila. Ang pinakamagagaling ay pupungusan ang kanilang mga sarili ng lahat ng kalabisan na mga sanga na nagkakaroon ng mga dahon ngunit walang bunga, at pupunta sa Akin.»

«Ibig kong ipaalam sa Inyo ang tungkol sa kanyang mga salita sapagkat tiyak na uulitin niya ito sa Inyo. Siya ay prangko» paghahayag ni Jose.

«Isang pambihirang birtud na labis Kong pinahahalagahan» tugon ni Jesus.

«Oo. Sinabi ko rin sa kanya: “Ngunit si Lazarus ng Bethany ay kasama ang Guro”. Sinabi ko sa kanya... sapagkat... bueno, sapagkat gawa ng kanyang kapatid na babae. Ngunit si Gamaliel ay tumugon: “Ang babae ba ay naroroon? Wala? Bueno kung gayon? Ang putik ay nalalaglag sa kasuutan na wala na sa putik. Si Lazarus ay inilaglag niya ito mismo. At hindi niya mahahawahan ang aking kasuutan sa pamamagitan nito. At ang opinyon ko rin ay kung ang isang tao ng Diyos ay pumupunta sa kanyang bahay, ako, isang doktor ng Batas, ay makakapunta rin”.»

«Ang paghusga ni Gamaliel ay tama. Siya ay isang Pariseo at isang doktor hanggang sa gulugod, ngunit tapat at makatarungan pa rin.»

«Masaya akong napapakinggan ko Kayong nagsasabi nang ganyan. Guro, naririto si Lazarus.»

Si Lazarus ay yumuyuko upang halikan ang tunika ni Jesus. Siya ay masaya na makasama Siya, ngunit siya ay halatang balisa habang naghihintay para sa mga panauhin. Natitiyak ko na ang kaawa-awang Lazarus, sa kanyang alam-na-alam nang paghihirap, alam ng mga tao dahil naibaba ng kasaysayan, ay kinailangan na idagdag ang moral na mga paghihirap na ito na di-nalalaman at di pinapansin ng maraming tao, ibig-sabihin, ang nakakatakot na dagok ng kaisipan: «Ano kaya ang sasabihin ng taong ito sa akin? Ano kaya ang kanyang iniisip tungkol sa akin? Ano ang kanyang pagtingin sa akin? Sasaktan kaya niya ako sa pamamagitan ng mga salita o ng panunuyang mga sulyap?» Isang dagok na nagpapahirap sa lahat na may mga mantsa sa kanilang mga pamilya.

Pinasok na nila ngayon ang napakayaman na bulwagan kung saan ang mga mesa ay inilugar at naghihintay na lamang sila para kina Gamaliel at Nicodemus, sapagkat ang apat pang ibang panauhin ay nakarating na. Naririnig ko sila na ipinakikilala sa pamamagitan ng kani-kanilang mga pangalan: Felix, Juan, Simon at Cornelius.

⁴Nagkaroon ng malaking pagkakagulo at pagmamadali ng mga katulong nang sina Nicodemus at Gamaliel ay dumating. Si Gamaliel ay laging maringal sa kanyang niyebeng-kaputiang kapa na kanyang isinusuot nang may makaharing mahestad. Si Jose ay nagmadali upang salubungin siya at ang kanilang palitan na mga pagsaludo ay mararangyang pagpapalitan ng paggalang. Si Jesus din ay niyukuan at Siya ay yumuko sa dakilang rabbi na bumabati sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasaludo: «Ang Panginoon ay mapasainyo» sa kung saan si Jesus ay tumugon: «At harinawang ang Kanyang kapayapaan ay maging laging iyong kasa-kasama.» Si Lazarus din ay yumuko at ang lahat na iba pa ay gayon din ang ginawa.

Si Gamaliel ay naupo sa gitna ng mesa, sa pagitan nina Jesus at Jose. Si Lazarus ay sa tabi ni Jesus, si Nicodemus sa tabi ni Jose. Ang kainan ay nagsimula pagkatapos ng ritwal na mga panalangin, na binigkas ni Gamaliel pagkatapos ng pang-silanganin na pagpapalitan ng paggalang sa pagitan ng tatlong pinaka-personahe, ibig-sabihin, sina Jesus, Gamaliel at Jose.

Si Gamaliel ay marangal-na-marangal ngunit hindi mapagmalaki. Siya ay mas nakikinig kaysa nagsasalita. Ngunit kahit sino ay makaiintindi na iniisip niya ang bawat salita ni Jesus at madalas niyang tinitingnan Siya sa pamamagitan ng kanyang malalim na madilim na mahigpit na mga mata. Kapag si Jesus ay nagiging tahimik dahil naipaliwanag na nang husto ang paksa, binubuhay ni Gamaliel ang paguusap sa pamamagitan ng isang naaangkop na tanong.

Si Lazarus sa simula ay medyo nalilito. Ngunit pagkaraan naglakas-loob siya at siya ay nagsasalita na rin.

⁵Walang deretsahan na pagtukoy sa katauhan ni Jesus hanggang sa ang kainan ay halos tapos na. Pagkatapos isang paguusap ang nagsimula sa pagitan nina Felix at Lazarus, na pagkaraan ay sinamahan at sinuportahan ni Nicodemus at sa huli ng panauhin na ang pangalan ay Juan, tungkol sa mga himala bilang katibayan na pabor o laban sa isang tao.

Si Jesus ay tahimik. Siya kung minsan ay ngumingiti sa isang misteryosong paraan, ngunit tahimik. Si Gamaliel din ay tahimik. Ang kanyang siko ay nakatukod sa kama¹ at siya ay nakatitig kay Jesus. Tila ibig niyang maintindihan ang ilan na sobrenatural na salita na nakaukit sa maputlang makinis na balat ng manipis na mukha ni Jesus. Tila pinag-aaralan niya ang bawat hilatad nito.

Pinangangatawanan ni Felix na ang kabanalan ni Juan ay hindi mapapantayan at mula sa di-napasinungalingan at di-mapasisinungalingan na kabanalan na iyon naghihinuha siya nang di-paborable kay Jesus ng Nazareth, ang may kagagawan ng maraming bantog na mga himala. Sinasabi niya: «Ang mga himala ay hindi isang katibayan ng kabanalan sapagkat ang buhay ng propetang si Juan ay wala nito, subalit walang sinuman sa Israel ang namumuhay nang katulad ng kanya. Walang mga bangkete, walang mga pakikipagkaibigan, walang mga kaginhawahan para sa kanya. Siya ay naghihirap at naikulong alang-alang sa Batas. Siya ay namumuhay nang nag-iisa, sapagkat bagama’t mayroon siyang mga disipulo, hindi siya namumuhay nang kasama sila at nakakakita rin siya ng mga diperensiya sa pinakamatapat na disipulo at sinisigawan niya ang lahat. Samantalang... eh! ang Guro na ito rito ng Nazareth, ay nakagawa ng mga himala, totoo iyan, ngunit nakikita ko na Siya rin ay mahal ang naibibigay ng buhay at hindi kinamumuhian ang mga pakikipagkaibigan at, patawarin ako kung ang isa sa mga Nakatatanda ng Sanhedrin ay sinasabi ito sa iyo, napakadali Niya sa pagbigay, sa ngalan ng Diyos, ng kapatawaran at pagmamahal sa kilalang-kilalang mga makasalanan na markado ng anathema. Hindi Mo dapat ginagawa iyan, Jesus.»

Si Jesus ay ngumingiti, ngunit hindi nagsasalita. Si Lazarus ay tumugon sa lugar Niya: «Ang ating makapangyarihang Panginoon ay malaya na sabihan ang Kanyang mga lingkod ayon sa gusto Niya at kung saan Niya gusto. Ipinagkaloob Niya ang kapangyarihan ng paggawa ng mga himala kay Moses. Hindi Niya ito ipinagkaloob kay Aaron, Kanyang Mataas na Pari. Kung gayon? Ano ang iyong hinuha? Ang isa ba ay mas banal kaysa sa isa?»

«Siyempre» tugon ni Felix.

«Kung gayon si Jesus ay mas banal, dahil gumagawa Siya ng mga himala.»

Si Felix ay nalilito. Ngunit nagtaas siya ng mapunahin na pagtutol: «Si Aaron ay naibigay na sa kanya ang pagiging pontipise. Sapat na iyon.»

«Hindi, aking kaibigan» tugon ni Nicodemus. «Ang kanyang pagiging pontipise ay isang misyon. Isang banal na misyon, ngunit walang iba bagkus isang misyon. Hindi lagi at hindi lahat na mataas na pari ay banal na mga tao. Subalit sila ay mga mataas na pari, kahit na kung sila ay hindi mga banal.»

«Hindi mo sinasabi na ang Mataas na Pari ay isang tao na walang grasya!... bulalas ni Felix.

«Felix... huwag tayong maglaro ng apoy. Ikaw, Gamaliel, Jose, Nicodemus at ako, tayong lahat ay maraming bagay na nalalaman...» sabi ng panauhin na nagngangalan na Juan.

«Ano? Ano? Gamaliel, magsalita ka naman!...» si Felix ay naiiskandalo.

«Kung siya ay makatarungan, sasabihin niya ang katotohanan na ayaw mong marinig» sabi ng tatlong lalaking mainit laban kay Felix.

Si Jose ay nagsisikap na makapaghatid ng kapayapaan. Si Jesus ay tahimik pati rin si Tomas, ang Zealot at ang isa pang Simon, ang kaibigan ni Jose. Si Gamaliel ay tila pinaglalaruan niya ang mga palawit ng kanyang kapa, ngunit tinitingnan niya si Jesus nang mausisa.

«Magsalita kung gayon, Gamaliel» sigaw ni Felix.

«Oo, magsalita» sabi ng tatlong kalaban.

«Sasabihin ko: ang mga kahinaan ng pamilya ay kailangan na maitago» sabi ni Gamaliel.

«Iyan ay hindi sagot!» sigaw ni Felix. «Nagmumukhang tila tinatanggap mo na may mga kapintasan sa sambahayan ng Mataas na Pari.»

«Siya ay ang kaluluwa ng katotohanan» tugon ng tatlong lalaki.

Si Gamaliel ay itinuwid ang kanyang sarili at bumaling kay Jesus. «Naririto ang Guro Na nakahihigit sa pinaka may-pinag-aralan na mga tao. Gawin Siyang magsalita tungkol dito.»

⁶«Iyan ang ibig ninyo at Ako ay susunod. Sasabihin Ko: ang isang tao ay isang tao. Ang misyon ay mas mataas sa tao. Ngunit ang tao, na binigyan ng isang misyon, ay nagkakaroon ng kakayahan na magampanan ito bilang isang mas mataas pa sa tao, kapag sa pamamagitan ng isang banal na pamumuhay, napasakanya ang Diyos bilang kanyang kaibigan. Siya ito na nagsabi: “Ikaw ay isang pari ayon sa utos na binigay Ko”. Ano ba ang nakasulat sa Pectoral²? “Doktrina at Katotohanan”. Iyan ang kailangan na taglayin ng Mataas na Pari. Ang doktrina ay nakukuha sa pamamagitan ng pálagian na pagninilay-nilay, tinatangka ang kaalaman ng Karunung-runungan na Isa. Ang Katotohanan ay nakukuha sa pamamagitan ng absulutong katapatan sa mabuti. Ang nakikipag-intriga sa kasamaan, nakakakuha ng Kasinungalingan at nawawalan ng Katotohanan.»

«Napakagaling! Nakatugon Kayo bilang isang dakilang rabbi. Ako, si Gamaliel, ay nagsasabi sa Inyo. Nalalampasan Ninyo ako.»

«Gawin Siyang ipaliwanag kung gayon, bakit si Aaron ay hindi gumawa ng mga himala at si Moses ay gumawa» ngawa ni Felix.

Si Jesus ay tumugon kaagad: «Sapagkat kinailangan ni Moses na ipilit ang kanyang sarili sa mapurol, mabigat at palabán pang masa na mga Israelita at kinailangan na magtagumpay sa pagiging mas mataas kaysa sa kanila, upang maibaluktot sila sa kalooban ng Diyos. Ang tao ay ang eternal na mabangis at ang eternal na bata. Siya ay natatauhan ng kung ano ang mas mahigit sa pangkaraniwan na kaayusan ng mga bagay. At ang isang himala ay ganyan. Ito ay isang liwanag na ikinakaway sa harapan ng nalalabuan na mga mata, ito ay isang tunog na pinalabas malapit sa may pasak na mga tainga. Nagigising nito ang mga tao. Nakukuha ang kanilang atensiyon. Nagagawa sila nito na makapagsabi: “Ang Diyos ay naririto”.»

«Sinasabi Ninyo iyan para sa Inyong sariling kapakanan» balik-sabi ni Felix.

«Sa Aking kapakanan? Ano ang Aking kinikita sa paggawa ng isang himala? Nagmumukha ba Akong mas mataas kung nakatayo Ako sa ibabaw ng isang dahon ng damo? Ganyan ang isang himala magpatungkol sa kabanalan. May mga santo na hindi kailanman gumawa ng mga himala. May mga salamangkero at mga nigromante, na gumagawa ng mga himala sa pamamagitan ng maitim na kapangyarihan, ibig-sabihin, gumagawa sila ng mga bagay na higit sa tao, na, bagaman, ay hindi banal, at sila ay mga dimonyo. Ako ay magiging Ako, kahit na kung hindi na Ako gumagawa ng mga himala.»

«Napakahusay! Dakila Kayo, Jesus!» pagsang-ayon ni Gamaliel.

«At ayon sa iyo, sino ang dakilang tao na ito?» pamimilit ni Felix tinatanong si Gamaliel.

«Ang pinakadakilang propeta na nakilala ko, kapwa tungkol sa Kanyang mga gawa at sa Kanyang mga salita» tugon ni Gamaliel.

«Siya ay ang Mesiyas, sinasabi ko sa iyo, Gamaliel. Maniwala sa akin, ikaw ay marunong at makatarungan» sabi ni Jose.

«Ano? Ikaw din, ang gabay ng mga Judaean, ang Nakatatanda, aming kaluwalhatian, ay bumabagsak sa idolatra ng isang taong ito? Sino ang makapagpapatunay sa iyo na Siya ay ang Kristo? Hindi ko Siya paniniwalaan kahit na kung makita ko Siyang gumawa ng mga himala. Bakit hindi Siya gumawa ng isa sa harapan natin? Ikaw na pumupuri sa Kanya, ay kailangan na sabihin sa Kanya, at ikaw, din, na nagtatanggol sa Kanya» sabi ni Felix kay Gamaliel at kay Jose.

«Hindi ko Siya inanyayahan upang aliwin ang aking mga kaibigan at nakikiusap ako sa iyo na alalahanin na Siya ay aking panauhin» tugon nang mahigpit ni Jose.

Si Felix ay tumayo at lumayas, isang yamot at bastos na tao.

⁷Nagkaroon ng katahimikan. Si Jesus ay lumingon kay Gamaliel: «Hindi ka ba nanghihingi ng mga himala upang maniwala?»

«Ito ay hindi magiging ang mga himala ng isang tao ng Diyos na makaaalis sa tinik na nasa loob ng aking puso, ibig-sabihin, ang tatlong katanungan na laging walang kasagutan.»

«Anong mga katanungan?»

«Ang Mesiyas ba ay buháy? Ito ba ay iyon? Ito ba ay ang isang ito?»

»Ito ay Siya, sinasabi ko sa iyo, Gamaliel!» bulalas ni Jose. «Sa palagay mo hindi Siya banal? Iba? Makapangyarihan? Banal siya? Bueno, kung gayon? Ano ang hinihintay mo upang maniwala?»

Si Gamaliel ay hindi tumutugon kay Jose. Bumaling siya kay Jesus: «Minsan... huwag Kayong mabalisa, Jesus, kung ako ay matigas sa aking mga idea... Minsan, nang nabubuhay pa ang dakilang marunong na si Hillel, kapwa kami naniwala na ang Mesiyas ay nasa Israel. Nagkaroon ng dakilang kaningningan  ng isang dibinong sinag sa malamig na araw na iyon ng isang matinding taglamig! Noon ay Paskuwa... Ang mga tao ay nag-aalala tungkol sa nanigas na mga ani... Sinabi ko, pagkatapos na mapakinggan ko ang mga salitang iyon: “Ang Israel ay nailigtas! Magmula ngayon magkakaroon na ng kasaganaan sa mga bukid at mga pagpapalà sa ating mga puso! Ang Hinihintay na Isa ay ibinunyag ang Sarili sa loob ng Kanyang unang pagningning” At ako ay hindi nagkamali. Maaalaala ninyong lahat ang ani ng embolismic na taon na iyon, isang taon na may labintatlong buwan, katulad na nangyayari din ito ngayon.»

«Anong mga salita ang iyong napakinggan? Sino ang nagsalita ng mga iyon?»

«Isa... isang malaki lamang nang kaunti sa isang bata... ngunit ang Diyos ay nagniningning sa Kanyang inosenteng magiliw na mukha... Lagi ko itong iniisip at inaalaala sa loob ng nakaraang labinsiyam na taon... at sinisikap kong mapakinggan muli ang tinig na iyon... ang sinabing mga salitang iyon ng karunungan... Sa anong bahagi na ngayon ng mundo Siya nakatira? Iniisip ko... Siya ay Diyos. Sa hitsura ng isang maliit na batang lalaki upang hindi matakot ang mga tao. At katulad ng isang kidlat na rumaragasa sa kalangitan makikita itong kumikislap nang pahilaga, patimog, pasilangan at pakanluran, Siya, ang Dibinong Siya, sa Kanyang hitsura ng maawaing kagandahan, na may mukha at tinig ng isang bata at may dibinong isip, ay naglalagalag sa lupa upang sabihin sa mga tao: “Ako nga”. Kung kaya't iniisip ko... Kailan Siya babalik sa Israel? Kailan? At naiisip ko: kapag ang Israel ay maging ang altar para sa Kanyang mga paa; at ang aking puso ay umuungol nakikita ang kaabahan ng Israel: hindi kailanman. O! Anong lupit na katugunan! Ngunit totoo! Ang Kabanalan kaya ay bababa sa Mesiyas Nito habang may abominasyon sa pagitan natin?»

«Makabábaba at bumababâ, sapagkat iyan ay Awa» tugon ni Jesus.

Si Gamaliel ay tiningnan Siya nag-iisip at pagkatapos nagtanong: «Ano ang Inyong totoong Pangalan?»

At si Jesus ay tumayo, marangal, at nagsabi: «Ako ay si Ako nga. Ang Kaisipan at ang Salita ng Ama. Ako ang Mesiyas ng Panginoon.»

«Kayo?... Hindi ko ito mapaniniwalaan. Dakila ang Inyong Kabanalan. Ngunit ang Batang iyon, kung Kanino ako naniniwala, ay nagsabi pagkatapos: “Magbibigay Ako ng tanda... Ang mga batong ito ay manginginig kapag ang oras Ko ay dumating”. Hinihintay ko ang oras na iyan upang maniwala. Maibibigay ba Ninyo ito sa akin, upang makumbinsi ako na Kayo ang Hinihintay na Isa?»

Sila ngayon ay kapwa nakatayo, matangkad, marangal, ang isa nasa kanyang malapad na maputing linen na kapa, ang isa sa kanyang lisong madilim na pula na delana na tunika, ang isa nakatatanda, ang isa bata, kapwa may malalim na mapangibabaw na mga mata, nagtititigan.

Si Jesus pagkaraan ay ibinaba ang Kanyang kamay, na Kanyang naitaas sa Kanyang dibdib, at na tila Siya ay nanunumpa, Siya ay bumulalas: «Gusto mo ang tanda na iyon? Mapapasaiyo iyan! Inuulit Ko ang malayo nang mga salita: “Ang mga bato ng Templo ng Panginoon ay manginginig napapakinggan ang Aking huling mga salita”. Maghintay sa tanda na iyan, doktor ng Israel, isang makatarungan na tao, at pagkatapos maniwala, kung ibig mong mapatawad at mailigtas. Pinagpalà bago pa man ang oras, kung makapaniniwala ka bago pa man! Ngunit hindi ka makapaniwala. Ang siglu-siglong maling mga paniniwala, sa makatarungang pangako, at susun-suson na pagmamalaki, ay ang iyong balwarte laban sa Katotohanan at Pananampalataya.»

«Tama Kayo. Maghihintay ako para sa tanda na iyan. Paalam. Ang Panginoon ay mapasainyo.»

«Paalam, Gamaliel. Harinawang ang Eternal na Espiritu ay paliwanagan ka at gabayan ka.»

Lahat sila ay binabati si Gamaliel na umaalis kasama sina Nicodemus, Juan at Simon (ang miyembro ng Sanhedrin). Si Jesus, Jose, Lazarus, Tomas, Simon Zealot at si Cornelius ay nananatili.

«Hindi siya yumuyuko!... Gusto ko sana siyang maging isa sa Inyong mga disipulo. Siya sana ay magiging malaking bagay sa Inyong pabor... Ngunit hindi ko magawa» sabi ni Jose.

«Huwag mag-alala. Walang bigát ang makapagliligtas sa Akin sa bagyong lumalapit na. Ngunit si Gamaliel, kung siya ay hindi yumuyuko sa pabor Ko, ay hindi rin yuyuko laban sa Kristo. Siya ay ang isang naghihintay...»

Ang lahat ay nagtatapos.

(605) 200910/052213



¹ Kama – “bed” ang ginamit sa orihinal. Maaaring isang upuan kung saan ang isa ay makahihiga rin, na tila siyang karaniwan noong mga araw na iyon sa mga bahay sa gitnang-silangan. – RLB.

² Pectoral - isang plaka o dekorasyon na nakabitin sa dibdib. 



Sunod na kabanata.