117. Si Jesus sa Bahay ni Lazarus Bago Pumunta sa Clear Water.

Pebrero 25, 1945.

¹Si Jesus ay inaakyat ang matarik na landas na magdadala sa isa sa patag na lupa kung saan ang Bethany ay naitayo. Sa pagkakataon na ito hindi Niya kinuha ang pangunahing daan, kinuha Niya ang isa pa na mas matarik at mas madali na tumatakbo mula hilagang kanluran hanggang sa silangan at hindi masyadong gamít, baka dahil napakatarik. Tanging ang mga nagmamadaling manlalakbay lamang ang gumagamit nito; ang may kasamang mga kawan at mas gustong maiwasan ang kagulo ng pangunahing daan; ang mga, na, katulad ni Jesus ngayon, ayaw na makakuha ng atensiyon ng maraming tao. Siya ay umaakyat sa unahan ng Kanyang mga disipulo, na nakikipagusap nang pakaway-kaway sa Zealot. Sa likuran, sa isang grupo, ay ang Kanyang mga pinsan kasama si Juan at si Andres, pagkatapos sa isa pang grupo sina Santiago ni Zebedeo, Mateo, Tomas at Felipe; sina Bartolomeo, Pedro at ang Iskariote sa hulihan.

Noong marating nila ang patag na lupa, kung saan ang Bethany ay nagmumukhang napakaganda sa loob ng sinag ng araw ng isang maliwanag na araw ng Nobyembre, mula kung saan, nakatingin sa gawing silangan, ang lambak ng Jordan at ang daan ng Jericho ay makikita, sinabi ni Jesus kay Juan na lumakad at bigyang-alam si Lazarus ng Kanyang pagdating. Habang naglalakad nang mabilis si Juan, si Jesus ay nagpapatuloy nang mabagal kasama ang Kanyang mga disipulo, at binabati kahit saan ng mga lokál na residente.

Ang  unang taong lumabas mula sa bahay ni Lazarus ay isang babae, na pinagpatirapa ang sarili sa lupa nagsasabing: «Masaya ang araw na ito para sa bahay ng aking maybahay na babae. Halikayo, Guro. Naririto si Maximinus, at naroon si Lazarus, sa geyt.»

Si Maximinus din ay papalapit sa kanila. Hindi ko kilalang eksakto kung sino siya. Sa aking pag-unawa siya ay baka isang kamag-anak, na hindi napakayaman, na tinatanggap ngayon bilang isang panauhin ng mga anak ni Theophilus, o siya ay isang tagapamahala ng kanilang malaking ari-arian, tinatratong isang kaibigan dahil sa kanyang mga merito at sa kanyang matagal na paglilingkod sa bahay. Baka siya ay isang anak ng isa sa mga tagapamahala ng ama, at binigyan ng gayon ding pusisyon ng mga anak ni Theophilus. Siya ay mas matanda nang kaunti kay Lazarus, ibig-sabihin, siya ay mga tatlumpu’t limang taong gulang, baka mahigit pa nang kaunti. «Hindi namin Kayo inaasahan kaagad-agad» sabi niya.

«Nakikiusap ako ng ospitalidad para sa isang gabi.»

«Kung ito ay para sa magpakailanman, magagawa Ninyo kaming napakasaya.»

²Sila ay nasa pamasukan at si Lazarus ay niyayakap at hinahalikan si Jesus at binabati ang mga disipulo. Pagkatapos niyayapos ang baywang ni Jesus, pinasok niya ang hardin kasama Siya at humiwalay sa iba nagtatanong kaagad: «Saan ako nagkakautang para sa lugod na makasama Kayo?»

«Sa kapootan ng mga miyembro ng Sanhedrin.»

«Ginawan ba Kayo nila ng masama? Ulit?»

«Hindi. Ngunit gusto nila. Ang oras ay wala pa. Hangga’t hindi Ko pa naaararo ang buong Palestina at naihahasik ang binhi, hindi Ako kailangan na mapaalis.»

«Kailangan na gapasin din Ninyo ang ani, aking mabuting Guro. Makatarungan lamang na iyan ay maging ganyan.»

«Ang Aking mga kaibigan ang gagapas ng Aking ani. Gagamitin nila ang karit kung saan Ako naghasik. Lazarus, nagpasya Akong umalis sa Herusalem. Alam Ko na ito ay walang kabuluhan. Alam Ko ito bago pa man. Ngunit magagawa Ako nito na makapag-ebanghelyo, kung wala nang iba pang magagawa. Sa Zion ipinagkakait din ito sa Akin.»

«Pinadala ko sa Inyo si Nicodemus upang sabihin sa Inyo na pumunta sa isa sa aking mga bahay. Walang sinuman ang mangangahas na makialam dito. Magagawa Ninyo ang Inyong misyon nang walang kahit na anong problema. At, o! ang aking bahay. Ito ay pagpapalain sa lahat ng aking mga bahay sapagkat mapapabanal ito ng Inyong pagtuturo, ng Inyong paghinga mismo sa loob niyon! Ibigay Ninyo sa akin ang lugod ng pagiging may-pakinabang sa Inyo, aking Guro.»

«Nakikita mo na ito ay Akin nang binibigay sa iyo. Ngunit hindi Ako makapananatili sa Herusalem. Ako ay hindi momolestiyahin, ngunit ang mga pupunta sa akin ay momolestiyahin. Magpapatungo Ako pagawing Ephraim, sa pagitan ng lugar na ito at ng Jordan. Eebanghelyuhin Ko ito at magbibinyag Ako katulad ng ginawa ni Juan.»

«Sa gawing iyan ng kabukiran mayroon akong isang maliit na bahay. Ginagamit iyong táguán ng mga gamit ng mga manggagawa. Kung minsan sila ay natutulog doon kapag inaasikaso ang mga dayami o kapag nagpipiga ng mga ubas. Napaka-maralitang bahay iyon. Isang bubungan lamang sa ibabaw ng apat na pader. Ngunit iyon ay aking lupa. At iyon ay kilala... At dahil diyan kinatatakutan iyon ng mga asong gubat. Tanggapin Ninyo iyon, Guro. Magpapadala ako ng mga katulong upang maihanda iyon...»

«Hindi na kinakailangan, kung ang iyong mga magbubukid ay nakakatulog doon, magiging sapat na rin iyan para sa amin.»

«Hindi ko iyon gagawing napakaganda, ngunit magdadagdag ako ng mga kama, o! lisong mga kama, ayon sa ibig Ninyo, at gagawin ko silang magdala ng mga blanket, mga upuan, mga amphora at mga kopa. Kailangan ninyong kumain at matakpan ang inyong mga sarili, lalo na sa mga buwan ng taglamig. Ipaubaya Ninyo ito sa akin. Ni hindi ko kailangan na gawin ko ito mismo. Naririto si Martha dumarating. Siya ay masigasig at may praktikal na galíng para sa lahat ng tungkol sa pamamahay. Siya ay ipinanganak para sa bahay at maging ang kaginhawahan ng mga katawan at mga kaluluwa sa loob ng bahay. Halika, aking magiliw at basal na tagapag-alaga ng otel! Kita Ninyo? Ako rin ay naninilungan sa ilalim ng kanyang makainang pangangalaga, sa kanyang bahagi ng mána. Sa gayon hindi ako masyadong nalulungkot gawa ng aking ina. Martha, si Jesus ay mamamalagi sa kapatagan ng “Clear Water”. Walang maganda roon, maliban sa matabang lupa; ang bahay ay isang kulungan ng mga tupa. Ngunit gusto Niya ang maralitang bahay. Kailangan na lagyan natin iyon ng pinaka kakailanganin na mga bagay. Pakiusap na Ibigay mo sa mga tauhan ang mga utos, napakagaling mo iyan!» at si Lazarus ay hinahalikan ang magandang kamay ng kanyang kapatid na itinaas naman kaagad ito pagkatapos upang haplusin ang kamay ni Lazarus nang may makainang pagmamahal.

Pagkatapos si Martha ay nagsabi: «Pupunta ako kaagad. Isasama ko si Maximinus at si Marcella. Ang mga lalaki ng bagón ay makakatulong sa pagsasaayos ng mga bagay. Pagpalain Ninyo ako, Guro, upang madala ko sana ang isang bagay na Inyo.»

«Oo, Aking mabait na tagapangasiwa ng otel. Tatawagin kita katulad ng tawag sa iyo ni Lazarus. Ibinibigay Ko sa iyo ang Aking puso na madala mo, sa loob ng iyong puso.»

³«Nalalaman ba Ninyo, Guro, na sina Isaac, si Elias at ang iba pa ay nasa bahaging ito ng kabukiran, ngayon? Humingi sila sa akin ng mga pagpapastulan sa ibaba sa kapatagan, upang magkasama-sama sila nang kaunting sandali, at ako ay pumayag. Sila ay pupunta roon ngayon. Inaasahan ko sila rito para sa kanilang pagkain.»

«Ako’y natutuwa. Bibigyan Ko sila ng mga tagubilin...»

«Oo, para tayo ay may komunikasyon sa isa’t isa. Gayunpaman, pupunta Kayo rito paminsan-minsan...»

«Oo, pupunta Ako. Ako ay nagsabi na kay Simon tungkol diyan. At sa dahilan na hindi makatarungan na kailangan Kong sakupin ang iyon pamamahay kasama ang Aking mga disipulo, pupunta Ako sa bahay ni Simon...»

«Hindi, Guro. Bakit bigyan ako ng kirot na iyan?»

«Huwag mag-imbestiga, Lazarus. Alam Ko na iyan ang tamang bagay.»

«Ngunit, kung gayon...»

«Ngunit, kung gayon, lagi Akong nasa mga nasasakupan mo. Kahit ang hindi nalalaman ni Simon, ay nalalaman Ko. Siya na ibig bumili, nang hindi pinapakita ang sarili at wala nang usap-usapan pa, upang mápalapit kay Lazarus ng Bethany, ay ang anak din na iyon ni Theophilus, ang matapat na kaibigan ni Simon ang Zealot at ang dakilang kaibigan ni Jesus ng Nazareth. Ito ay ang isa na ang kaninong pangalan ay Lazarus, na nagdoble sa halaga ng pera para kay Jonah at hindi ito kinaltas sa pag-aari ni Simon upang mabigyan siya ng lugod ng pagiging nakagawa ng malaki para sa abang Guro at para sa mahihirap na tao ng Guro. Ito ay si Lazarus ng Bethany, na malihim at maingat na nagsa-ayos, naggabay at tumulong sa lahat na mabubuting pagsisikap upang makatulong, makapagpaginhawa at makapagprotekta sa Akin. Alam ko.»

«O! huwag sabihin ‘yan! Akala ko naisaayos ko ang lahat nang mabuti at malihim!»

«May kalihiman para sa mga tao, hindi para sa Akin. Nakakabasa Ako ng mga puso. Sasabihin Ko ba sa iyo kung bakit ang iyong likas na kabutihan ay may bahid ng sobrenatural na perpeksiyon? Sapagkat ikaw ay nanghihingi ng isang sobrenatural na regalo, ang kaligtasan ng isang kaluluwa, ang iyong sariling kabanalan at ni Martha. At nararamdaman mo na hindi sapat ang maging mabuti ayon sa mundo, bagkus kinakailangan na maging mabuti ayon sa mga batas ng espiritu, upang makatanggap ng grasya mula sa Diyos. Hindi mo napakinggan ang Aking mga salita. Ngunit sinabi Ko: “Kapag kayo ay gumagawa ng isang mabuting bagay, gawin ito nang lihim, at ang Ama ay bibigyan kayo ng malaking gantimpala”. Ginawa mo ito dala ng likas na kiling sa kababaang-loob. At sasabihin Ko sa iyong totoo na ang Ama ay naghahanda para sa iyo ng isang gantimpala na ni hindi mo aakalain.»

«Ang katubusan ni Maria?!...»

«Iyan, at napakarami pang iba.»

«Ano kung gayon, Guro? Ang higit pa diyan ay imposible?»

Si Jesus ay tinitingnan siya at ngumingiti. Pagkatapos sinabi Niya sa tono ng isang salmo:

«Ang Panginoon ay naghahari at ang Kanyang mga santo kasama Niya.

Sa pamamagitan ng Kanyang mga sinag gumagawa Siya ng mga girnalda at inilalagay ito sa mga ulo ng Kanyang mga santo.

Upang sana sila ay magningning magpakailanman sa mga mata ng Diyos at ng sansinukuban.

Mula sa anong materyal ito ginawa? Sa anong mga batong-hiyas ito inadornohan? Ginto, pinakapuro na ginto ang singsing, ginawa sa dobleng apoy ng dibinong pagmamahal at ng pagmamahal ng tao, sininsil ng kalooban na pumapalo, kumikikil, nagpuputol at nagpipino.

Mga perlas na napakarami at mga esmeralda na mas berde pa kaysa sa damo sa Abril, mga turkesa na kasing asul ng kalangitan at mga opalo na kasing maaaninag katulad ng buwan, mga amatista katulad ng mga basal na biyoleta, at mga haspe at mga sapiro at mga hasinto at mga topasyo. Sila ay itinampok para sa buong pamumuhay. At isang singing ng mga rubi bilang panghuling lapat, isang dakilang korona sa maluwalhating noo.

Sapagkat ang pinagpalang tao ay magkakaroon ng pananampalataya at pag-asa, magkakaroon siya ng kababaang-loob at pagkabasal, pagpipigil at lakas, katarungan at kahinahunan, walang-hanggang awa at sa katapusan isusulat niya sa pamamagitan ng kanyang dugo ang Aking Pangalan at ang kanyang pananampalataya sa Akin, ang kanyang pagmamahal para sa Akin, at ang kanyang pangalan sa Langit.

Magbunyi, makatarungang mga tao ng Panginoon. Ang tao ay hindi nakaaalam at ang Diyos ay nakakakita.

Sa eternal na mga aklat isinusulat Niya ang Aking mga pangako at ang inyong mga gawa, at ang inyong mga pangalan kasama nila, mga prinsipe ng hinaharap na siglo, eternal na mga panalunan kasama ang Kristo ng Panginoon.»

Si Lazarus ay tinitingnan Siya nagtataka. Pagkatapos siya ay bumulong: O!... Hindi... ako makaka...»

«Sa palagay mo ba?» At si Jesus ay pinitas ang isang malambot na sanga ng willow na nakabitin sa ibabaw ng daan at nagsabi: «Tingnan: katulad na madaling nababaluktot ito ng Aking kamay, ang pagmamahal din ay huhubugin ang iyong kaluluwa at gagawin itong isang eternal na korona. Ang pagmamahal ay ang indibidwal na tagapagtubos. Ang sinuman na nagmamahal ay sinisimulan niya ang kanyang sariling katubusan. Ang Anak ng tao ay papapangyarihin ang katuparan nito.»

Ang lahat ay natapos.

(626) 250910/053113

Sunod na kabanata.