119. Si Jesus sa Clear Water: «Ako ang Panginoon Mong Diyos.»

Pebrero 27, 1945.

¹Mayroon man lamang ngayon dobleng bilang ng mga tao kompara kahapon. May mga may-kayang tao rin ngayon. Ang iba ay nakarating nakasakay sa asno at sila ay kumakain sa ilalim ng lilim ng portiko, pagkatapos na maitali ang maliliit na asno sa mga poste ng portiko, naghihintay sa Guro.

Ngayon ay isang malamig ngunit maliwanag na araw. Ang mga tao ay naguusap-usap sa mabababang tinig, at ang pinaka may-nalalaman ay nagpapaliwanag kung sino ang Guro at kung bakit Siya nagsasalita sa lugar na iyon.

Ang isa ay nagtanong: «Siya ba ay mas dakila kaysa kay Juan?»

«Hindi. Ito ay isang ibang bagay. Si Juan, kung kanino ako ay isang disipulo dati, ay ang Prekursor, at siyang ang tinig ng katarungan. Ang isang ito ay ang Mesiyas, at siyang tinig ng karunungan at awa.»

«Papaano mo nalalaman?» tanong ng marami.

«Tatlong disipulo ni Juan ang nagsabi sa akin. Kung nalalaman lamang ninyo kung ano ang nangyari! Nakita nila Siya noong Siya ay ipinanganak, Siya ay ipinanganak ng liwanag! Nagkaroon noon ng gayong kaningning na liwanag na sila, mga pastol, ay nagmadaling lumabas sa kulungan ng mga tupa, sa pagitan ng mga hayop na naging mga baliw sa takot, at nakita nila ang buong Bethlehem na umaapoy, at pagkatapos ang mga anghel ay bumaba mula sa Langit at pinatay nila ang apoy sa pamamagitan ng kanilang mga pakpak, at Siya, ang Sanggol, ay nasa lupa, pinanganak ng liwanag. Ang lahat ng apoy ay naging isang bituin...»

«Hindi! Iyon ay hindi ganyan.»

«Oo, ganyan iyon. Ang isa, na isang tagapag-alaga ng establero sa Bethlehem noong ako ay maliit pa, ay sinabi sa akin. Ngayon na ang Mesiyas ay malaki na, ipinagyayabang niya ito.»

«Hindi ito ganyan. Ang bituin ay dumating pagkatapos, ito ay dumating kasama ng mga mago ng silangan, na ang isa sa mga ito ay isang kamag-anak ni Solomon, at kung gayon ng Mesiyas, sapagkat Siya ay mula sa sambahayan ni David, at si David ay ang ama ni Solomon, at si Solomon ay minahal ang reyna ng Sheba dahil siya ay maganda at dahil sa mga regalo na dinala niya kay Solomon, at siya ay nagkaanak sa kanya, at siya ay kasama sa tribu ng Judah bagama’t siya ay mula sa kabila ng Nilo.»

«Ano ang iyong sinasabi? Baliw ka ba?»

«Hindi. Ang ibig mo bang sabihin hindi totoo na ang Kanyang kamag-anak ay nagdala sa Kanya ng mga pabango katulad na ito ang kaugalian sa pagitan ng mga hari at mga miyembro ng pamilyang iyon?»

«Alam ko ang totoong kuwento» sabi ng isa pa. «Ganito ang nangyari. Alam ko sapagkat si Isaac ay isa sa mga pastol at isang kaibigan ko. Kung gayon, ang Sanggol ay pinanganak sa loob ng isang establero, mula sa sambahayan ni David. May isang hula noon ...»

«Ngunit Siya ba ay hindi nanggaling sa Nazareth?»

«Hayaang sabihin ko sa inyo. Siya ay pinanganak sa Bethlehem sapagkat Siya ay kay David, at iyon ay sa panahon ng edikto. Ang mga pastol ay nakakita ng isang liwanag, napakaganda na hindi pa nagkaroon ng mas maganda pa, at ang pinakabata, dahil siya ay isang inosente, ang unang nakakita sa anghel ng Panginoon, na nagsalita nang kasing tamis ng musika ng isang lira nagsasabing: “Ang Tagapagligtas ay pinanganak na. Lakad at sambahin Siya”, at pagkatapos ang mga anghel ay umawit: “Kaluwalhatian sa Diyos at kapayapaan sa mabubuting tao”. At ang mga pastol ay pumunta at nakita nila ang maliit na sanggol sa loob ng isang sabsaban sa pagitan ng isang toro at isang asno, at sa Kanyang Ina at ama. At sila ay sumamba sa Kanya at pagkatapos dinala nila Siya sa bahay ng isang mabuting babae. At ang Sanggol ay lumaki katulad ng ibang mga bata, maganda, mabuti at puno ng pagmamahal. Pagkatapos ang mga mago ay dumating mula sa ibayo ng Euphrates at ng Nilo, sapagkat nakakita sila ng isang bituin at nakilala ito bilang ang tala ni Balaam. Ngunit ang Bata ay naglalakad na. At si haring Herodes ay iniutos ang pagpatay sapagkat natatakot siya para sa kanyang kaharian. Ngunit ang anghel ng Panginoon ay binalaan sila tungkol sa panganib at ang mga sanggol ng Bethlehem ay napatay, ngunit Siya ay hindi, sapagkat Siya ay nakatakas sa ibayong Matharaea. Pagkatapos bumalik Siya sa Nazareth at nagtrabaho bilang isang karpintero, at nang dumating ang Kanyang panahon, pagkatapos na ibinalita Siya ng Kanyang pinsan, sinimulan Niya ang Kanyang misyon at unang hinanap Niya ang Kanyang mga pastol. Pinagaling Niya si Isaac, na paralisado sa loob ng tatlumpung taon. At si Isaac ay hindi kailanman napagod sa pagtuturo tungkol sa Kanya. Iyan ang katotohanan.»

«Ngunit ang tatlong disipulo ni Juan ay sinabi sa akin ang mga salitang iyon!» sabi ng unang lalaki, medyo napahiya.

«At iyon ay totoo. Ang hindi totoo ay ang pagsalarawan ng tagapag-alaga ng establero. Ipinagyayabang niya ito? Kailangan niyang pumunta at sabihan ang mga Bethlehemita na maging mabuti. Ang Mesiyas ay hindi makapagturo sa Bethlehem o sa Herusalem.»

«Siyempre! Isipin na lamang kung gugustuhin na mapakinggan ng mga Eskriba at mga Pariseo ang Kanyang mga salita! Sila ay mga ahas at mga ayena, katulad ng tawag sa kanila ni Juan.»

«Ibig kong mapagaling. Kita ninyo? Ang aking paa ay may ganggrena. Akala ko ako ay mamamatay sa pagpunta rito nakasakay sa isang asno. Hinanap ko Siya sa Zion. Ngunit wala na Siya roon...» sabi ng isa.

«Binantaan nila Siya ng kamatayan...» tugon ng isa pa.

«Ang mga aso!»

«Oo. Taga saan ka?»

«Mulang Lydda.»

«Isang mahabang paglalakbay!»

²«Ako... ibig kong sabihin sa Kanya ang tungkol sa isang kasalanan ko... sinabi ko kay Juan Bautista, ngunit ako ay umalis, pinagalitan niya ako nang marahas. Hindi sa palagay ko ako mapapatawad...» sabi ng isa pang lalaki.

«Ano ang nagawa mo?»

«Maraming kasamaan. Sasabihin ko sa Kanya. Anong masasabi ninyo? Pagagalitan kaya Niya ako?»

«Hindi. Napakinggan ko Siyang nagsalita sa Bethsaida. Ako ay nataon na naroroon. Anong mga salita ang Kanyang binigkas!!! Siya ay nagsasalita sa isang babae na nakagawa ng kasalanan. Ah! Halos gusto kong maging siya upang marapatin ang mga salita!...» sabi ng isang matandang maringal na lalaki.

«Naririto na Siya dumarating» marami ang sumisigaw.

«Kaawaan! Nahihiya ako!» sabi ng nagkasalang lalaki na tatakbo na sanang paalis.

«Saan ka tatakbo, Aking anak? May labis bang kadiliman sa loob ng iyong puso na kinapopootan mo ang Liwanag hanggang sa kailangan mong umalis sa harapan nito? Nagkasala ka ba nang labis na kailangan mong matakot sa Akin, Ako na kapatawaran? Ano ang kasalanang maaaring nagawa mo? Kahit na kung napatay mo ang Diyos hindi ka kailangan na matakot, kung ikaw ay totoong nagsisisi. Huwag umiyak! O halika: tayo ay iiyak nang magkasama.» Si Jesus, Na sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay ay nautusan ang lalaki na tumigil, ngayon ay hawak siya nang mahigpit sa Kanyang Sarili, at pagkatapos nilingon ang mga naghihintay at nagsabi: «Isang sandali lamang. Na sana mapaginhawahan Ko ang pusong ito. Pagkatapos pupuntahan Ko kayo.»

At Siya’y naglakad hanggang sa kabila ng bahay at habang lumiliko sa isang sulok nabangga Niya ang nakatalukbong na babae, na nakatayo roon nakikinig. Si Jesus ay tinitigan siya nang isang sandali, pagkatapos naglakad Siya nang sampu pang hakbang at tumigil. «Ano ang nagawa mo, anak?»

Ang lalaki ay bumagsak sa kanyang mga tuhod. Siya ay mga limampung taong gulang. Ang kanyang mukha ay wasak ng maraming masisimbuyong damdamin at ng isang lihim na paghihirap. Iniunat niya ang kanyang mga kamay at sumigaw: «Pinatay ko ang aking ina at ang kapatid kong lalaki... upang makuha ang lahat na pamana ng aking ama at kalugdan ito sa mga babae... Ako ay wala nang kapayapaan... Ang aking pagkain..., ay dugo! Ang aking tulog... masasamang panaginip... ang aking mga pagpapakasarap... Ah! sa lapi ng mga babae, sa kanilang mahahalay na sigaw, nararamdaman ko ang malamig na katawan ng aking patay na ina at napapakinggan ko ang paghihingalo ng aking nilason na kapatid. Isumpa ang mga babae ng pagpapakasarap, sila ay mga ahas, mga medusa, mga di-masiyahan na igat... aking kasiraan!»

«Huwag manumpa. Hindi kita sinusumpa...»

«Hindi ba Ninyo ako sinusumpa?»

«Hindi. Ako ay umiiyak at inilalagay Ko sa sarili Ko ang iyong  kasalanan!... Gaano ito kabigat! Binabali nito ang Aking mga galamay. Ngunit hinahawakan Ko ito upang ubusin ito para sa iyo... at binibigyan kita ng kapatawaran. Oo. Pinatatawad kita ng iyong malaking kasalanan.» Ipinatong Niya ang Kanyang mga kamay sa ulo ng humihikbing lalaki at nagdarasal: «Ama, ang Aking Dugo ay padadaluyin din para sa kanya. Sa pansamantala, naririto ang Aking mga luha at Aking panalangin. Ama, magpatawad, sapagkat siya ay nagsisisi. Ang Inyong Anak, sa kung Kaninong paghuhukom ang lahat ay ipinauubaya, ay gusto ito!...» Siya ay nananatiling ganyan nang ilang mga sandali, pagkatapos Siya ay yumuko, itinatayo ang lalaki at nagsabi sa kanya: «Ang iyong kasalanan ay napatawad na. Nasa sa iyo na ang pagbabayad-sala para sa iyong natitira pang krimen, sa pamamagitan ng isang pamumuhay ng pagsisisi.»

«Ang Diyos ay pinatawad na ako. At ang aking ina? Ang aking kapatid?»

«Kung ano ang pinatatawad ng Diyos, pinatatawad ng lahat. Humayo at huwag nang magkasala pa.»

Ang lalaki ay umiiyak nang mas malakas at hinahalikan ang Kanyang kamay. Si Jesus ay iniwan siya upang siya’y makaiyak. Siya ay bumalik sa bahay. Ang nakatalukbong na babae ay kumikilos na tila ibig niyang pumunta at tagpuin Siya, ngunit iniyuko niya ang kanyang ulo at hindi gumagalaw. Si Jesus ay dumaan sa harapan niya nang hindi siya tinitingnan.

³Siya ngayon ay nasa Kanya nang lugar. Siya ay nagsasalita: «Ang isang kaluluwa ay bumalik na sa Panginoon. Pagpalain ang Kanyang omnipotensiya na umaagaw mula sa mga patibong ng dimonyo ng mga kaluluwa na Kanyang nilikha at dinadala silang pabalik sa daan patungo sa Langit. Bakit naligaw ang kaluluwang iyon? Sapagkat nawala sa kanyang paningin ang Batas.

Sinabi ito sa Aklat na ang Panginoon ay ipinakita ang Kanyang Sarili sa Sinai sa lahat ng Kanyang nakatatakot na lakas, upang sabihin sa pamamagitan nito: “Ako ang Diyos. Ito ang Aking kalooban. At ito ang hinahawakan Kong kidlat na nakahanda na para sa mga magrerebelde laban sa kalooban ng Diyos”. At bago magsalita iniutos Niya na walang sinuman ang kailangang umakyat upang pagnilayan Siya Na Siya nga, at na ang mga pari din ay kailangan na mapadalisay bago lapitan ang limitasyon ng Diyos, upang sila ay hindi sana mahampas. Sapagkat iyon ay ang panahon ng katarungan at ng mga pagsubok. Ang Langit ay nakasara noon, na tila sa pamamagitan ng isang bato, nakasara sa misteryo ng Langit at sa galit ng Diyos, at tanging ang mga espada lamang ng katarungan ang kumikislap mula sa Langit sa nagkasalang mga anak. Ngunit hindi ngayon. Ngayon ang Makatarungang Isa ay dumating upang pangatawanan ang lahat na katarungan at ang oras ay dumating na, kung kailan ang Salita ng Diyos ay magsasalita sa tao nang walang kidlat at mga limitasyon upang ibigay sa kanya ang Grasya at Buhay.

⁴Ang unang salita ng Ama at Panginoon ay ito: “Ako ang Panginoon mong Diyos”.

Walang isang sandali ng araw kung kailan ang salitang ito ay hindi binibigkas ng tinig ng Diyos at hindi naisusulat ng Kanyang daliri. Saan? Kahit saan. Ito ay inuulit nang walang-tigil ng lahat. Ng damo at mga bituin, ng tubig at apoy, ng lana at pagkain, ng liwanag at kadiliman, ng kalusugan at pagkakasakit, ng kayamanan at karukhaan. Ang lahat ay nagsasabi: “Ako ang Panginoon. Tinanggap ninyo iyan mula sa Akin. Sa isang isip Ko naibibigay Ko iyan sa inyo, sa isa pang isip inaalis Ko iyan mula sa inyo, walang kapangyarihan ng mga sandatahang-lakas o ng depensa ang makapagsasanggalang sa inyo laban sa Aking kalooban”. Ito ay sumisigaw sa tinig ng hangin, ito ay umaawit sa bulong ng tubig, ito ay humahalimuyak sa matamis na amoy ng mga bulaklak, ito ay nakaukit sa mga tuktok ng bundok, at ito ay bumubulong, nagsasalita, tumatawag, sumisigaw sa loob ng mga konsiyensya: “Ako ang Panginoon mong Diyos”.

Huwag iyan kalimutan kailanman! Huwag isara ang inyong mga mata, inyong mga tainga, huwag sakalin ang inyong mga konsiyensya, na sana hindi ninyo mapakinggan ang salitang iyan. Maging ano pa man ito ay naririyan at ang sandali ay darating kung kailan isusulat iyan ng umaapoy na daliri ng Diyos sa mga pader ng mga bulwagan ng bangkete o sa mga alon ng masalimuot na mga karagatan, sa ngumingiting mga labì ng isang bata, o sa pamumutla ng isang namamatay na matanda, sa namamangong rosas o sa mabahong sepulkro. Ang sandali ay darating kung kailan sa loob ng kasiglahan ng alak at kasarapan, sa loob ng kaingayan ng negosyo, sa loob ng kapahingahan sa gabi, sa loob ng isang malungkot na paglalakad, itataas nito ang tinig nito at magsasabi: “Ako ang Panginoon mong Diyos”, at hindi ang laman na inyong hinahalikan nang buong pananabik, at hindi ang pagkain na inyong nilalamon nang may kasakiman, at hindi ang ginto na inyong tinatago nang may karamutan, at hindi ang higaan kung saan kayo nagpapalipas ng oras, at ni hindi ang pagka-di-masalita, o ang kalungkutan, o ang tulog ang makapagpapatahimik dito. “Ako ang Panginoon mong Diyos”, ang Kasa-kasamang hindi tatalikod sa inyo, ang Panauhin na hindi ninyo mapalalayas. Ikaw ba ay mabuti? Kung gayon ang panauhin at kasa-kasama ay magiging isang mabuting Kaibigan. Ikaw ba ay masama at nagkasala? Kung gayon ang panauhin at kasa-kasama ay magiging galít na Hari at hindi magbibigay ng kapayapaan. Ngunit hindi Niya kayo iniiwan. Ang pagkakahiwalay sa Diyos ay ipinagkakaloob lamang sa mga naisumpang mga kaluluwa. Ngunit ang pagkakahiwalay ay ang kanilang di-mapatatahimik at eternal na pahirap.

“Ako ang Panginoon mong Diyos” at dinadagdag nito “Na siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, palabas sa bahay ng pang-aalipin”, O! talagang sinasabi Niya iyan ngayun-ngayon lamang! At mula sa anong Ehipto kayo Niya inilalabas, patungo sa pangakong lupa, na hindi ang lugar na ito, bagkus ang Langit! Ang eternal na Kaharian ng Panginoon, kung saan walang pagkagutom o pagkauhaw, ginaw o kamatayan, bagkus tatagas sa lahat ang lugod at kapayapaan at ang bawat kaluluwa ay magiging punung-puno ng kapayapaan at lugod.

Kanya na kayo ngayong pinalalaya sa tunay na pagka-alipin. Naririto ang Tagapagtubos. Ako ito. Ako ay naparito upang putulin ang inyong mga tanikala. Ang bawat taong naghahari ay maaaring mamatay, at sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay ang mga alipin ay maaaring makalaya. Ngunit si Satanas ay hindi namamatay. Siya ay eternal. Siya ay ang isang naghahari na nagkadena sa inyo upang mahila kayo saan man ang gustuhin niya. Kayo ay mga makasalanan at ang kasalanan ay ang kadena na sa pamamagitan nito nahahawakan kayo ni Satanas. Ako ay naparito upang putulin ang kadena. Ako ay naparito sa ngalan ng Ama at dahil ginusto Kong pumarito. Ang pangakong hindi naintindihan ay kung gayon ngayon pinangyayari: “Inilabas Ko kayo sa Ehipto at sa pagka-alipin”.

Ito ngayon ay pinangyayari nang espirituwal. Ang Panginoong inyong Diyos ay inilalabas kayo sa lupain ng diyus-diyusan na nanrahuyo sa Unang mga Magulang. Pinalalaya kayo mula sa pang-aalipin ng kasalanan, dinaramtan kayong muli ng Grasya at pinatutuloy kayo sa Kanyang Kaharian. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga lalapit sa Akin ay mapapakinggan ang Kataastaasan na magsasabi sa pinagpalang mga puso, sa isang malambot na makaamang tinig: “Ako ang inyong Panginoong Diyos at pinalalapit Ko kayo sa Akin, malaya at masaya”.

Halikayo. Ibaling ang inyong mga puso at mga mukha, ang inyong mga panalangin at kalooban sa Panginoon. Ang panahon ng Grasya ay dumating na.»

⁵Si Jesus ay nakatapos. Siya ay dumaraan nagpapalâ at Kanyang hinahaplos ang isang matandang babae at ang isang kayumangging ngumingiting maliit na batang babae.

«Pagalingin Ninyo ako, Guro. Labis akong naghihirap!» sabi ng isang lalaki na apektado ng ganggrena.

«Ang iyong kaluluwa muna. Magtika...»

«Binyagan Ninyo ako katulad ng ginawa ni Juan. Hindi ako makapunta sa kanya. Hindi mabuti ang aking pakiramdam.»

«Halika.» Si Jesus ay pumuntang pababa sa ilog, na nasa kabilang tabi ng dalawang napakalaking parang at naitatago ng isang kakahuyan. Inalis Niya ang Kanyang mga sandalyas at gayon din ang lalaki na hinila ang sarili roon gamit ang mga saklay. Sila ay bumaba sa pampang ng ilog at si Jesus, sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay, binubuhusan ng tubig ang ulo ng lalaki, na nasa ilog na ang lalim ng tubig ay hanggang sa kanyang lulod.

«Alisin mo na ngayon ang iyong mga bendahe» sinabi ni Jesus sa kanya habang bumabalik sa daanan.

Ang lalaki ay sumunod. Ang kanyang paa ay magaling na. Ang pulutong ay nagsigawan sa pagtataka.

«Ako rin!»

«Ako rin!»

«Binyagan din ako!» sigaw ng marami.

Si Jesus Na nasa kalahatian na ng Kanyang daan, ay tumalikod: «Bukas. Humayo na ngayon at maging mabuti. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Iyon ay natapos at si Jesus ay bumalik sa bahay, sa madilim na kusina bagama’t maaga pa ng hapon.

⁶Ang mga disipulo ay nag-ipun-ipon sa paligid Niya. Si Pedro ay nagtanong: «Ano ang problema ng lalaki na dinala Ninyo sa likuran ng bahay?»

«Kinailangan niyang mapadalisay.»

«Ngunit siya ay hindi na bumalik at wala siya roon na makiusap na mabinyagan.»

«Pumunta siya sa kung saan Ko siya pinapunta.»

«Saan?»

«Upang magbayad-sala. Pedro.»

«Sa loob ng kulungan?»

«Hindi. Upang magtika para sa natitirang panahon ng kanyang buhay.»

«Ang isa ba ay hindi pa napapadalisay ng tubig?»

«Ang mga luha ay tubig din.»

«Totoo iyan. Ngayon na gumawa Kayo ng isang himala, hindi ko alam kung ilang mga tao ang pupunta!... Doble na ang kanilang bilang ngayon...»

«Oo. Kung Ako ang kailangan na gumawa ng lahat, hindi Ko magagawa. Kayo ay magbibinyag. Sa una, isa-isa, pagkatapos dala-dalawa, tatlu-tatlo, pagkatapos maramihan. At Ako ay magtuturo at magpapagaling ng mga maysakit at ng mga nagkasalang tao.»

«Kami ba ay magbibinyag! O! Ako ay hindi karapat-dapat! Ipagpaliban ako, Panginoon, sa misyon na iyan! Ako ang nangangailangan na mabinyagan!» si Pedro ay nasa kanyang mga tuhod nangungusap.

Ngunit si Jesus ay yumuko at nagsabi: «Ikaw ang pinakauna na magbibinyag, mula bukas.»

«Hindi, Panginoon! Papaano ko magagawa iyan kung mas maitim pa ako kaysa sa tsiminea?»

Si Jesus ay ngumingiti sa sinsirong kababaang-loob ng Kanyang apostol nakaluhod nakasandal sa Kanyang sariling mga tuhod, kung saan pinagkabit niya ang kanyang magagaspang na malalaking kamay ng mangingisda. Pagkatapos Kanyang hinalikan ang noo ni Pedro, sa ibaba lamang ng kanyang kulay-abong kulot na buhok: «Ayan ka na. Bininyagan kita sa pamamagitan ng isang halik. Masaya ka ba?»

«Gagawa ulit ako ng isa pang kasalanan upang magkaroon ng isa pang halik!»

«Hindi. Kailangang huwag mong tuyain ang Diyos sa pagsasamantala ng Kanyang mga regalo.»

Si Jesus ay tinititigan siya. Ang Kanyang tingin na napakadaling magbago, na mula sa kaningningan ng isang lugod na nagawa itong napakalinaw habang nagsasalita kay Pedro, ay naging mahigpit, sasabihin ko, mapanglaw sa kápagúran, at sinabi Niya: «Oo... ikaw din. Halika. Hindi Ako di-makatarungan sa kahit sino. Maging mabuti, Judas. Kung gugustuhin mo lamang!... Ikaw ay bata pa. Mayroon ka ng sang buong-pamumuhay na panahon upang makataas pa nang makataas, hanggang sa perpeksiyon ng kabanalan...» at hinahalikan Niya siya.

«Ngayon, ikaw na, Simon, Aking kaibigan. At ikaw na, Mateo, Aking tagumpay. At ikaw, marunong na Bartolomeo. At ikaw, tapat na Felipe. At ikaw, masayahing Tomas. Halika, Andres, tahimik na aktibo. At ikaw, Santiago, ng ating unang pagkikita. At ikaw ngayon, lugod ng iyong Guro. At ikaw, Judas, kasa-kasama ng aking pagkabata at kabataan. At ikaw, Santiago, na ang tingin at puso ay nagpapaalaala sa Akin ng tungkol sa Makatarungang Isa. Nagkaroon kayong lahat ng Aking halik. Ngunit tandaan na dakila ang Aking pagmamahal, ngunit ang inyong mabuting kalooban ay kinakailangan din. Bukas kayo ay hahakbang nang isang hakbang paabante sa inyong pamumuhay bilang Aking mga disipulo. At tandaan na ang bawat hakbang paabante ay isang karangalan at isang pananagutan.»

⁷«Guro... isang araw Kayo ay nagsabi sa akin, kay Juan, kay Santiago at kay Andres, na tuturuan Ninyo kami kung papaano magdasal. Sa palagay ko kung kami ay magdarasal katulad ng ginagawa Ninyo, kami ay magiging karapat-dapat na gawin ang gawain na ibig Ninyong gawin namin» sabi ni Pedro.

«At noon din Ako ay tumugon sa inyo: «Kapag kayo ay sapat nang naporma, ituturo Ko sa inyo ang makalangit na panalangin. Upang iwanan Ko sa inyo ang ‘Aking’ panalangin. Ngunit kahit na ang panalangin na iyan ay magiging wala kung iyan ay bibigkasin lamang ng inyong mga labì. Pansamantala, tumaas sa Diyos kasama ang inyong mga kaluluwa at ang inyong kalooban. Ang panalangin ay isang regalo na ipinagkakaloob ng Diyos sa tao at ipinipresenta ng tao sa Diyos”.»

«Ano? Hindi pa ba kami karapat-dapat ng pagdarasal? Ang buong Israel ay nagdarasal...» sabi ng Iskariote.

«Oo, Judas. Ngunit batay sa ginagawa nito, nakikita mo kung papaano magdasal ang Israel. Ayaw Ko kayong maging mga traydor. Ang nagdarasal na may panlabas na pagpapakita, at may panloob na panlalaban sa mabuti, ay isang traydor.»

«At kailan Ninyo kami gagawin na makagawa ng mga himala?» tanong muli ni Judas.

«Tayo... mga himala? Eternal na awa! Ngunit, wala tayong iniinom bagkus tubig! Mga himala... tayo? Bata, baliw ka ba?» si Pedro ay naiskandalo, natakot at wala sa kanyang sarili.

«Sinabi Ninyo sa amin, sa Judaea. Hindi ba?»

«Oo, totoo iyan. Sinabi Ko. At gagawin ninyo iyan. Ngunit habang may labis na laman sa inyo, hindi ninyo magagawa ang mga himala.»

«Kami ay mag-aayuno» sabi ng Iskariote.

«Iyan ay walang silbi. Sa laman, ang ibig Kong sabihin ay ang masisimbuyong damdamin na naging marumi, ang tripleng pagnanasa at ang kabit-kabit na mga bisyo na sumusunod sa mapanlinlang na tripleng pagnanasa… Katulad ng mga anak ng isang maruming pagsasama ng may dalawang asawa. Ang pagmamalaki ng isip, sa pamamagitan ng katakawan sa laman at kapangyarihan, ay nagpapanganak ng lahat ng kasamaan na nasa tao at sa mundo.»

«Para sa Inyo iniwan namin ang lahat» tugon ni Judas.

«Ngunit hindi ang inyong mga sarili.»

«Kailangan ba namin kung gayon na mamatay? Gagawin namin ito upang makasáma Kayo. Ako man lamang...»

«Hindi. Hindi Ko hinihingi ang inyong materyal na kamatayan. Gusto Kong ang kahayupan at Satanismo ay mamatay sa inyo, at hindi ito mamamatay hanggang sa ang laman ay kontento at ang kasinungalingan, pagmamalaki, galít, kayabangan, katakawan, kasakiman sa pera, katamaran ay nasa inyo.»

«Kami ay ganyang mga taong may kapintasan malapit sa Inyo, Na napakabanal!» bulong ni Bartolomeo.

«At Siya ay laging naging napakabanal. Alam natin» wika ng Kanyang pinsan na si Santiago.

«Nalalaman Niya kung ano tayo... Kung kaya't hindi tayo kailangan na mawalan ng lakas-ng-loob. Kailangan na sabihin lamang natin: bigyan tayo araw-araw ng lakas upang makapaglingkod sa Kanya. Kung sasabihin natin: “Tayo ay walang pagkakasala” nililinlang natin ang ating sarili at tayo ay magiging manlilinlang. Nino? Ng ating mga sarili na naka-aalam kung ano tayo, kahit na kung hindi natin sabihin? Ng Diyos, Na hindi maaaring malinlang? Ngunit kung sasabihin natin: “Kami ay mahihina at mga makasalanan. Tulungan Ninyo kami ng Inyong lakas at kapatawaran” ang Diyos ay hindi tayo bibiguin at sa Kanyang kabutihan at katarungan patatawarin Niya tayo at lilinisin tayo ng labis na kasamaan ng ating kaawa-awang mga puso.»

«Pagpalain ka nawa, Juan. Sapagkat ang Katotohanan ay nagsasalita sa pamamagitan ng iyong mga labì na pinabanguhan ng inosensiya at humahalik lamang sa adorableng Pagmamahal» sabi ni Jesus tumatayo, at inilalapit sa Kanyang puso ang Kanyang pinakamamahal na disipulo, na nagsalita mula sa kanyang madilim na sulok.

(636) 280910/060313

Sunod na kabanata.