12. Si Jose Itinalagang Asawa ng Birhen.

Setyembre 4, 1944.

¹Nakikita ko ang isang mayaman na bulwagan na may magandang sahig, may mga kurtina, mga alpombra at nakakalupkop na mga muwebles. Maaaring ito ay bahagi pa ng Templo: may mga pari rito, kasama si Zachariah, at maraming mga lalaki ng bawat edad, mula dalawampu hanggang limampung taon gulang mga ganyan.

Sila ay naguusap-usap sa mababa ngunit masiglang mga tinig. Tila may kinasasabikan silang isang bagay na hindi ko alam. Sila ay nakabihis sa kanilang pinakamagandang mga damit, na tila mga bago o bagong laba at sila ay kitang-kitang nagbihis para sa ilang espesyal na kapistahan. Marami ang nag-alis ng kapirasong tela na panakip sa kanilang ulo, ang iba ay suot pa ito, lalo na ang mga may-edad, samantalang ang mas nakababata ay pinakikita ang kanilang walang-takip na ulo, ang ilan ito ay madilim na olandesa, ang ilan ito ay kulay-kape, ang ilan maitim, iisa lamang ang mapulang-madilaw. Ang kanilang buhok ay karamihan maikli, ngunit ang ilan ay mahaba hanggang sa kanilang mga balikat. Hindi silang lahat magkakakilala, sapagkat pinagmamasdan nila ang isa’t isa nang may-pag-uusisa. Ngunit sila ay tila magkakapareho kahit papaano, sapagkat maliwanag na silang lahat ay may kaugnayan sa isang bagay.

²Sa isang sulok nakikita ko si Jose. Siya ay nakikipagusap sa isang malusog at masayahing maedad na lalaki. Si Jose  ay isang magandang lalaki na may maikli at kung baga kulot na buhok, madilim na kulay-kape ang kutis katulad ng kanyang balbas at ng kanyang bigote, na nagtatakip sa isang magandang pagkakorteng baba at tumataas sa kanyang malarosas na kulay-kapeng mga pisngi, na hindi kulay-olibo na siyang normal sa karamihang mga tao na may kulay-kapeng kutis. Ang kanyang mga mata ay madilim, mabait at malalim, seryosong-seryoso at kahit papaano baka malungkot. Ngunit kapag siya ay ngumingiti, katulad ng ginagawa niya ngayon ito ay nagiging masaya at nagmumukhang bata. Siya ay nakadamit ng maputlang kulay-kape, napakasimple ngunit napakalinis.

³Ang isang grupo ng mga Levita ay pumasok at kinukuha nila ang lugar sa pagitan ng pintuan at ng isang mahabang makitid na mesa, na nasa tabi ng pader kung saan naroroon din ang pintuan, na ngayon ay pinababayaang nakabukas nang maluwang. Ang nag-iisang kurtina nakabitin hanggang sa mga dalawampung sentimetro mula sa sahig ay isinara upang matakpan ang bakanteng espasyo.

Ang pag-uusyoso ng grupo ay lumalaki. Ito ay mas lumaki pa noong hinila ng isang kamay ang kurtina sa isang tabi upang papasukin ang isang Levita, na may dala sa kanyang mga kamay ng isang kumpol ng tuyong mga sanga mula kung saan ang isang namulaklak ay maingat na ibinababa: ito ay nagmumukhang katulad ng isang magaang bulâ ng mapuputing petalo, na may malabong malarosas-na-kulay na kumakalat nang patabáng nang patabáng mula sa gitna hanggang sa tuktok ng magagaang petalo. Ang Levita ay inilagay ang kumpol ng mga sanga sa mesa nang napakaingat upang hindi maalis ang atensiyon sa himala ng sanga na puno ng mga bulaklak kabilang ng napakaraming mga tuyong sanga.

Ang mga bulung-bulungan ay kumalat sa loob ng bulwagan. Lahat sila ay pinahahaba ang kanilang mga leeg at pinatatalas ang kanilang mga mata upang makakita. Si Zachariah, na malapit sa mesa kasama ang iba pang mga pari, ay nagsisikap din na makakita. Ngunit wala siyang makitang anuman.

Si Jose, sa kanyang sulok, ay binigyan niya ng mabilis na sulyap ang kumpol ng mga sanga at nang ang lalaking kanyang kausap ay nagsabi sa kanya ng kung ano, iniling niya ang kanyang ulo sa pagtanggi na tila upang sabihin: «Imposible» at ngumingiti.

⁴Ang isang trumpeta ay narinig mula sa kabila ng kurtina. Lahat sila ay naging tahimik at nagsiharap nang maayos pagawi sa pintuan, na ngayon ay ganap nang maliwanag dahil ang kurtina ay nakahatak sa isang tabi. Ang Mataas na Pari ay pumasok napaliligiran ng mga nakatatanda. Lahat sila ay yumukod nang malalim. Ang Pontipise ay pumunta sa mesa at nagsimulang magsalita, nakatayo.

«Mga kalalakihan ng lahi ni David, na naipon dito ayon sa aking pakiusap, pakiusap na makinig. Ang Panginoon ay nagsalita, kaluwalhatian sa Kanya!  Mula sa Kanyang Kaluwalhatian ang isang sinag ay bumaba at, katulad ng araw sa tagsibol, binigyan nito ng buhay ang isang tuyong sanga na namulaklak nang mahimala, samantalang wala kahit isang sanga sa lupa ang nasa pamumulaklak sa araw na ito, ang huling araw ng Kapistahan ng Dedikasyon, at ang niyebe na bumagsak sa mga bundok ng Juda ay hindi pa natutunaw at ang lahat ay maputi sa pagitan ng Zion at Bethany. Ang Diyos ay nagsalita at ginawa ang Kanyang Sarili na maging ama at tagapag-alaga ng Birhen ni David Na tanging ang Diyos lamang ang mayroon Siya bilang Kanyang proteksiyon.  Isang banal na batang babae, ang kaluwalhatian ng Templo, ay naging karapat-dapat ng salita ng Diyos upang malaman  Niya ang pangalan ng isang mapapangasawa na kalugud-lugod sa Eternal na Isa. At maaaring napaka-makatarungan niya na siya ang pinili ng Panginoon bilang siyang protektor ng Birhen na napakamahal sa Kanya! Dahil dito ang aming kalungkutan na mawala Siya ay nabawasan at ang lahat na mga alalahanin tungkol sa Kanyang kapalaran bilang isang asawa ay nawala. At sa lalaking itinalaga ng Diyos ipinagkakatiwala namin nang may ganap na kompiyansa ang Birhen Na pinagpalà ng Diyos at namin mismo. Ang pangalan ng asawa ay Jose ni Jacob ng Bethlehem, ng tribu ni David, isang karpintero sa Nazareth sa Galilee. Jose: halika sa harapan. Ito ay isang utos ng Mataas na Pari…»

Nagkaroon ng malaking bulung-bulungan. Ang mga ulo ay lumilingon, ang mga mata sumusulyap, ang mga kamay sumisenyas: may mga pagpapahiwatig ng kabiguan at kaginhawahan. Maaaring may nasisiyahan, lalo na sa maedad na mga lalaki, na ito ay hindi ang kanyang naging kapalaran.

Si Jose, namumula at napapahiya ay kumikilos papunta sa harapan. Siya ay malapit na sa mesa, sa harapan ng Pontipise, na kanyang binati nang magalang.

«Ang bawat isa ay kailangan na pumunta rito upang tingnan ang pangalan na nakaukit sa sanga. At ang bawat isa ay kailangan na kunin ang kanyang sariling sanga upang matiyak na rito ay walang pandaraya.

Ang mga lalaki ay sumunod. Tinitingnan nila nang maingat ang sanga na hawak ng Mataas na Pari at pagkatapos kinukuha nila ang kanilang sariling sanga: ang ilan ay binabali ito, ang iba itinatago ito. Lahat sila ay tinitingnan si Jose. Ang iba ay titingin at tatahimik, ang iba titingin at kinakamayan siya. Ang maedad na lalaki na kanina ay kinakausap ni Jose, ay bumulalas: «Sinabi ko na sa iyo, Jose! Ang hindi masyadong nakakatiyak, ang nananalo sa laro!» Ang lahat ngayon ay nakaraan na sa Pontipise.

Ang Pontipise ay ibinigay kay Jose ang kanyang sanga na nasa pamumulaklak, ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ni Jose at nagsabi sa kanya: «Ang esposa na iniharap sa iyo ng Panginoon, ay hindi mayaman, katulad ng nalalaman mo. Ngunit ang lahat na birtud ay nasa Kanya. Maging lalu’t lalo pang karapat-dapat sa Kanya. Walang bulaklak sa Israel na kasing ganda at puro katulad Niya.  Pakiusap, ang lahat ay umalis na ngayon. Ikaw, Jose, manatili rito. At ikaw, Zachariah, dahil ikaw ay Kanyang kamag-anak, pakiusap na dalhin dito ang nobya.»

Lahat sila ay lumabas, maliban sa Mataas na Pari at kay Jose. Ang kurtina ay muling isinara sa pintuan.

Si Jose ay nakatayo sa napaka-mapagpakumbabang aktitud, malapit sa Pari. Nagkaroon ng katahimikan, pagkaraan ang Pari ay nagsabi kay Jose: «Si Maria ay ibig na masabi sa iyo ang isang panata na Kanyang ginawa. Pakiusap na tulungan ang Kanyang pagiging mahiyain. Maging mabait sa Kanya, Na napakabuti.»

«Ilalagay ko ang aking lakas at ang aking pagkalalaking awtoridad sa paglilingkod sa Kanya at walang sakripisyo alang-alang sa Kanya ang magiging mabigat para sa akin. Matiyak kayo tungkol diyan.»

⁵Si Maria ay pumasok kasama si Zachariah at si Anna ni Phanuel.

«Halika, Maria» sabi ng Pontipise. «Naririto ang esposo na itinalaga sa Iyo ng Diyos. Siya ay si Jose ng Nazareth. Ikaw kung gayon ay babalik sa Iyong sariling bayan. Iiwanan na kita ngayon. Harinawang ibigay ng Diyos sa Iyo ang Kanyang pagpapalà. Harinawang protektahan Ka ng Diyos at pagpalain Ka, harinawang ipakita Niya sa Iyo ang Kanyang mukha at kaawaan Ka. Harinawang ibaling Niya ang Kanyang mukha sa Iyo at bigyan Ka ng kapayapaan.»

Si Zachariah ay lumabas sinasamahan ang Pontipise. Si Anna ay binabati si Jose at pagkatapos siya ay lumabas din.

Ang naipagkasundo ay ngayon magkaharap na. Si Maria, puno ng pamumula, ay nakatayo ang Kanyang ulo nakatungo. Si Jose, na mapula rin ang mukha, ay tinitingnan si Maria at nagsisikap na matagpuan ang unang mga salita na sasabihin. Sa wakas ito ay natagpuan niya at ang isang maningning na ngiti ay nagpasaya sa kanyang mga mata. Sinabi niya: «Tinatanggap Kita, Maria. Nakita Kita noong Ikaw ay isa pa lamang maliit na sanggol, mga ilang araw pa lamang ang edad… Ako ay isang kaibigan ng Iyong ama at ako ay may isang pamangkin, si Alfeo, anak na lalaki ng aking kapatid, siya ay isang dakilang kaibigan ng Iyong ina. Siya ay ang kanyang maliit na kaibigan, sapagkat siya ay labing walong taong gulang lamang, at noong Ikaw ay wala pa, siya ay isa pa lamang maliit na bata at pinasasaya niya ang Iyong malungkot na ina na nagmamahal sa kanya nang labis. Hindi Mo kami kilala sapagkat maliit na bata Ka pa lamang noong pumunta Ka rito. Ngunit ang lahat sa Nazareth, ay minamahal Ka at lahat sila ay nag-iisip at nagkukuwento ng tungkol sa maliit na Maria ni Joachim, Na ang Kaninong kapanganakan ay isang himala ng Panginoon, Na pinangyari na mamulaklak nang maganda ang baog na matandang ginang… At naaalaala ko ang gabi noong Ikaw ay pinanganak… Lahat kami ay naaalaala ito dahil sa kataka-takang malakas na ulan na nagligtas sa kabukiran at dahil sa isang marahas na bagyo na sa gitna nito hindi nasira ng mga kidlat kahit na isang tangkay ng  tuyong punungkahoy at ito ay nagtapos nang may gayong kalaki at kagandang bahaghari na ang katulad ay hindi na ulit nakita kailanman. At pagkatapos… sino ang hindi makakaalaala sa kasayahan ni Joachim? Inuugoy Ka niya, ipinakikita Ka sa kanyang mga kapitbahay… Na tila Ikaw ay isang bulaklak na bumaba mula sa Langit, hinahangaan Ka niya at ibig niya na ang lahat ay hangaan Ka, isang masayang matandang ama na noong namamatay ay nagsasalita ng tungkol sa kanyang Maria, Na napakaganda at mabait at na ang Kaninong mga salita ay punung-puno ng karunungan at grasya… Tamang-tama siya sa paghanga sa Iyo at sa pagsasabing wala nang babae ang mas maganda pa kaysa sa Iyo! At ang Iyong ina? Pinupuno niya ang inyong bahay at ang mga kapitbahay ng kanyang mga awit at umaawit siyang katulad ng isang langaylangayan sa tagsibol noong Ikaw ay kanyang pinaglilihi, at pagkatapos noong Ikaw ay karga-karga na niya. Gumawa ako ng isang kuna para sa Iyo. Isang munting maliit na kuna, na may mga rosas na inukit sa buong kuna, sapagkat ganyan ang gusto ng Iyong ina. Baka iyon ay nasa bahay pa… Ako ay matanda na, Maria. Noong Ikaw ay pinanganak ako ay nagsisimula nang magtrabaho. Nagtatrabaho na ako… Hindi ako makapaniniwala noon na Ikaw ang aking magiging esposa! Baka ang Iyong mga magulang ay namatay na mas masaya kung nalaman lamang nila, sapagkat sila ay aking mga kaibigan. Ang Iyong ama ay inilibing kong nagluluksa ako sa kanyang kamatayan nang may sinsirong puso, sapagkat siya ay isang mabuting tagapagturo sa akin.»

Si Maria ay itinataas nang unti-unti ang Kanyang mukha, nagkakaroon ng lakas-ng-loob, habang pinakikinggan Niya si Jose na nagsasalita sa Kanya nang gayon, at nang kanyang nabanggit ang kuna Siya ay napangiting bahagya at noong si Jose ay nagsasalita tungkol sa Kanyang ama, iniabot Niya ang Kanyang kamay kay Jose at nagsabi: «Salamat sa iyo, Jose.» Isang napaka-mahiyain at banayad na «Salamat sa iyo.»

Si Jose ay hinahawakan ang Kanyang maliit na hasmin na kamay sa kanyang maikli at malakas na mga kamay ng isang karpintero at kanyang hinahaplos ito nang may pagmamahal na nagpapakita ng lumalaking pagtitiwala. Baka naghihintay siya ng mas marami pang sasabihin. Ngunit si Maria ay nanahimik na muli. Siya kung gayon ay nagpatuloy: «Katulad ng nalalaman Mo, ang inyong bahay ay buo pa rin, maliban sa bahaging iyon na giniba sa utos ng konsul, upang maglagay ng isang kalsada para sa mga bagon ng mga Romano. Ngunit ang mga bukid, kung ano ang natira sa mga ito – alam Mo na dahil sa pagkakasakit ng Iyong ama ang karamihan ng ari-arian ay kinailangan na ipagbili – ay kung baga napabayaan. Sa loob ng mahigit tatlong taon ang punungkahoy at ang mga baging ay hindi man lamang napungusan at ang lupa ay hindi naararo at tumigas. Ngunit ang mga punungkahoy na naging saksi sa Iyong kabataan ay naroroon pa, at kung papayag Ka, aasikasuhin ko kaagad ang mga ito.»

«Salamat sa iyo, Jose. Ngunit ikaw ay may trabaho…»

«Ako ay magtatrabaho sa Iyong lootan sa umaga at gabi. Ang mga araw ay nagiging mas mahaba na. Pagdating ng tagsibol gusto ko ang lahat ay nasa ayos na para sa Iyong kaligayahan. Tingnan Mo: ito ay ang sanga ng puno ng almendras malapit sa bahay. Nagustuhan kong doon pumutol ng sanga – ang hilerang halaman ay sirang-sira na ang isa ay makapapasok kahit saan, ngunit gagawin kong maging solido at malakas ulit iyon – nagustuhan kong doon pumutol, sapagkat naisip ko na kung ako ang mapipili, matutuwa Ka na magkaroon ng isang bulaklak mula sa Iyong hardin. Ngunit hindi ako umaasa na ako ang mapipili dahil ako ay isang Nazir¹ at ako ay sumunod sapagkat iyon ay isang utos ng Pari, hindi dahil sa gusto kong mag-asawa. Naririto ang sanga, Maria. Kasama niyan inaalay ko sa Iyo ang aking puso, na, katulad niyan, namulaklak ngayon lamang para sa Panginoon at ngayon namumulaklak nang para sa Iyo, aking esposa.»

⁶Si Maria ay kinuha ang sanga. Siya'y naantig at tinitingnan si Jose nang may isang pagmumukha na lumalaki ang pagtitiwala at ang pagningning. Nararamdaman Niya na nakatitiyak Siya sa kanya. Nang sinabi niya sa Kanya «Ako ay isang Nazir», ang Kanyang mukha ay nagningning at Siya ay nagkaroon ng lakas-ng-loob: «Ako rin ay lahat sa Panginoon, Jose. Hindi Ko alam kung ang Mataas na Pari ay sinabi sa iyo…»

«Sinabi lamang niya sa akin na Ikaw ay mabait at puro, na ibig Mong ipagtapat sa akin ang isang panata na ginagawa Mo, at ako ay kailangan na maging mabait sa iyo. Magsalita, Maria. Ang Iyong Jose ay ibig na Ikaw ay maging masaya sa lahat ng Iyong mga mithiin. Hindi kita minamahal sa pamamagitan ng aking katawan. Minamahal kita sa pamamagitan ng aking kaluluwa, banal na babae na ibinigay sa akin ng Diyos! Pakiusap na tingnan sa akin ang isang ama at isang kapatid, bilang karagdagan sa isang asawa. At ibukas Mo ang Iyong puso sa akin katulad sa isang ama at sumandal sa akin katulad sa isang kapatid…»

«Mula pa sa Aking pagkabata kinunsagra Ko na ang Aking Sarili sa Panginoon. Alam Ko na hindi ito ang kinaugalian sa Israel. Ngunit Ako ay nakarinig ng isang tinig hinihingi ang Aking pagiging birhen bilang isang sakripisyo ng pagmamahal para sa pagdating ng Mesiyas. Ang Israel ay matagal nang naghihintay para sa Kanya!... Hindi isang kalabisan ang palampasin ang lugod ng pagiging isang ina para diyan!»

Si Jose ay tinititigan Siya na tila ibig niyang basahin ang nilalaman ng Kanyang puso, pagkatapos kinuha niya ang Kanyang munting mga kamay na hawak-hawak pa ang sanga na nasa pamumulaklak at sinabi niya: «Idudugtong ko ang aking sakripisyo sa Iyong sakripisyo at mamahalin natin ang Eternal na Ama nang labis sa pamamagitan ng ating pagkabasal na ipadadala Niya ang Kanyang Tagapagligtas sa mundo nang mas maaga, at pahihintulutan tayo na makita ang Kanyang Liwanag Na nagniningning sa mundo. Halika, Maria. Tayo'y pumunta sa Kanyang Bahay at gumawa ng panata na mamahalin natin ang isa’t isa katulad ng pagmamahalan ng mga anghel. Pagkatapos pupunta ako sa Nazareth upang ihanda ang lahat para sa Iyo, sa Iyong bahay, kung gusto Mong doon Ka pupunta, o sa kahit saan na ibig Mo.»

«Sa Aking bahay… Mayroon doong gruta sa ibaba… Naroroon pa ba ito?»

«Naroroon pa, ngunit iyon ay hindi na sa Iyo… Ngunit gagawa ako ng isa pa para sa Iyo sa kung saan malamig at tahimik sa loob ng maiinit na oras ng araw. Gagawin ko ito hangga’t maaari na makamukha ng dati. At sabihin Mo sa akin: sino ang gusto Mong makasama?»

«Wala. Hindi Ako natatakot. Ang nanay ni Alfeo, na laging pumupunta sa Akin, ay masasamahan Ako sa araw. Sa gabi mas gusto Kong nag-iisa. Walang masamang mangyayari sa Akin.»

«At ngayon naroroon na rin ako. Kailan ako pupunta upang kunin Ka?»

«Kailanman ang gustuhin mo, Jose.»

«Kung gayon pupunta ako kaagad kapag handa na ang bahay. Wala akong gagalawin kahit na ano. Ibig kong matagpuan Mo ito katulad na ito ay naiwanan ng Iyong ina. Ngunit gusto ko iyon na maging maningning at malinis, upang tanggapin Ka nang walang kahit anong kalungkutan. Halika, Maria. Tayo na at sabihin sa Kataastaasan na Siya'y ating pinagpapalà.»

Wala na akong makitang iba pa. Ngunit nararamdaman ko sa aking puso ang kompiyansa na nararamdaman ni Maria.

(61)020610/022413/032413

¹ Isang Hebreo na gumawa ng espesyal na mga panata ng abstinensiya, tingnan, Mga Bilang, 6.

 

Sunod na kabanata.