123. Si Jesus sa Clear Water : «Hindi Ka Makikiapid.»

Marso 4, 1945.

¹Sinasabi ni Jesus sa akin:

«Maging matiyaga, Aking mahal na kaluluwa, tungkol sa dobleng trabaho. Ito ay ang panahon ng pagtitiis. Nalalaman mo ba kung gaano Ako kapagod sa mga huling araw Ko?! Nakita mo ito. Kapag naglalakad nakasandal Ako kay Juan, kay Pedro, kay Simon, kay Judas din... Oo. At bagama't ang mga himala ay lumalabas mula sa akin, kahit na sa simpleng pagkakadikit sa Aking mga damit, hindi Ko nagawang mabago ang pusong iyon! Hayaang makasandal Ako sa iyo, munting Juan, upang maulit Ko ang mga salitang sinabi Ko noong mga huling araw sa mga táong matitigas na mapupurol ang ulo na nakarinig ng tungkol sa pagpapahirap sa Akin nang hindi sila naapektuhan nito. At gawin na makapagturo ang Guro sa loob ng maraming oras sa malungkot na kapatagan ng Clear Water. At pagpapalain kita nang doble: para sa iyong pagod at para sa iyong awa. Binibilang Ko ang iyong mga pagsisikap, iniipon Ko ang iyong mga luha. Para sa iyong mga pagsisikap alang-alang sa iyong mga kapatid gagantimpalaan ka katulad ng mga nágpagód ng mga sarili upang maipakilala ang Diyos sa mga tao. Ang mga luha na iniluha para sa Aking paghihirap sa loob ng huling linggo ay gagantimpalaan ng halik ni Jesus. Magsulat at pagpalain ka nawa.»

²Si Jesus ay nakatayo sa isang klase ng intablado na gawa sa mga tabla sa loob ng isa sa malalaking silid, ang huling silid, at nagsasalita sa napakalakas na tinig, malapit sa pintuan, upang Siya ay marinig sana ng mga nasa loob ng silid at ng mga nasa silungán din o nasa lugar ng giikan, na nabaha ng ulan. Ang mga taong nakatayo roon sa kanilang malalaking madidilim na magagaspang na manta, na mga panlaban sa tubig-ulan, ay nagmumukhang kasing dami ng mga kapatid na layko. Ang pinakamahihinang tao ay nasa loob ng silid, ang mga kababaihan nasa ilalim ng silungan, ang pinakamalalakas, karamihan mga lalaki, ay nasa bakuran, sa loob ng ulan.

Si Pedro, nakapaa at nakasuot lamang ng kanyang maikling tunika at may kapirasong tela sa ibabaw ng kanyang ulo, ay paparoo’t parito, at laging nagpapatawa kahit na kung kailangan niyang maglakad sa tubig baha at mapaliguan nang di-inaasahan. Sina Juan, Andres at Santiago ay kasama niya. Maingat nilang inililipat ang mga maysakit mula sa isa pang silid at ginagabayan o sinusuportahan ang bulag o pilay na mga tao.

Si Jesus ay matiyagang naghihintay para sa kanilang lahat na makapuwesto. Nalulungkot lamang Siya na ang apat na apostol ay basang-basa katulad ng mga espongha na inilublob sa isang balde ng tubig.

«Wala ito! Kami ay katulad ng mga inaspaltuhan na mga kahoy. Huwag mag-alala. Kami ay nabibinyagan muli at ang tagapagbinyag ay ang Diyos Mismo» tugon ni Pedro sa pagkaawa ni Jesus.

Sa wakas lahat sila ay nakapuwesto na at si Pedro ay naisip na siya ay makaaalis na at makapagpalit na ng tuyong damit. At siya ay umalis kasama ang tatlo. Ngunit noong siya ay makabalik ulit sa Guro, nakita niya ang malaking kulay-abong manta ng nakatalukbong na babae na lumitaw sa paligid ng sulok ng silungan at pinuntahan niya siya nang hindi iniisip na upang magawa ito kakailanganin niyang tawirin ang bakuran nang pahilis sa loob ng isang malakas na ulan na pabigat nang pabigat ang bagsak, habang ang tubig ng baha ay tumitilamsik sa kanyang mga tuhod. Inakay niya siya sa siko, nang hindi naaalis sa lugar ang kanyang manta, at hinila siya patungo sa pader ng malaking silid, inaalis sa ulan. Pagkatapos kanyang ipinuwesto ang kanyang sarili sa tabi ng babae, katulad ng isang seryoso at walang-galaw na bantay.

Si Jesus ay nakita si Pedro at Siya ay ngumingiti iniyuyuko ang Kanyang ulo upang maitago ang kaningningan ng Kanyang ngiti. ³Siya ay nagsimulang magsalita.

«Ang ilan sa inyo, na pumupunta rito nang regular, ay kailangan na huwag magsabi na Ako ay nagsasalita nang wala sa kaayusan, at na Aking nakakalimutan ang ilan sa sampung utos. Nakakarinig kayo. Nakakakita Ako. Nakikinig kayo. Ginagamit Ko ang Aking talumpati upang matugunan ang kirot at mga sugat na nakikita Ko sa loob ninyo. Ako ang Doktor. Ang doktor ay tinatawag niyang una ang malalala ang sakit, ang mas malalapit sa kamatayan. Pagkatapos Kanyang dadalawin ang hindi masyadong malalala ang sakit. Ganyan din ang Aking ginagawa.

Ngayon sinasabi Ko sa inyo: “Huwag makiapid”.

Huwag tumingin-tingin sa paligid nagsisikap na mabasa ang salitang “mahalay” sa mukha ng sinuman. Magmahalan sa isa’t isa. Mamahalin ba ninyo ang sinuman na binabasa niya ang salitang iyan sa inyong mukha? Hindi, hindi ninyo siya mamahalin. Bueno, kung gayon, huwag pagsikapan na basahin iyan sa nag-aalalang mga mata ng inyong kapwa o sa kanyang noo na namumula at itinutungo ito sa lupa. At pagkatapos... O! sabihin sa Akin, lalo na kayong mga lalaki. Sino sa inyo ang hindi pa nakatikim ng tinapay na ito na ginawa na may mga abo at dumi, na siyang ang sekswal na kasiyahang-loob? At ang kahalayan lang ba ang nagdadala sa inyo na mapunta sa loob ng isang oras sa mga bisig ng isang puta? Hindi ba’t kahalayan din ang nalapastangan na pakikisiping sa inyong asawa, nalapastangan sapagkat ito ay napagkasunduang bisyo katulad na ito ay isang naggagantihang kahalayang kasiyahang-loob, na bagaman, iniiwasan nito ang mga konsekwensiya nito?

Ang kasal ang ibig sabihin ay pagsusupling at ang kilos nito ang ibig sabihin ay, at kailangan na maging, pagtatanim. Kung hindi, ito ay imoral. Hindi ninyo kailangang gawing isang bahay-aliwan ang inyong mga higaang mag-asawa. At ganito ang kinalalabasan nito kung ito ay narurumihan ng kahalayan at hindi ikinunsagra ng maternidad. Ang lupa ay hindi nito tinatanggihan ang punla. Tinatanggap nito ito at ginagawa nito ito na isang tanim. Ang lalaki ay ang punla, ang babae ang lupa, ang bunga ay ang anak. Makasalanan na tumangging magkaroon ng bunga at aksayahin ang lakas sa bisyo. Ito ay isang prostitusyon na isinasagawa sa ibabaw ng higaan ng mag-asawa, at hindi kailanman naiiba sa iba pang prostitusyon, sa kabaligtaran ito ay napalalala ng pagsuway sa utos na nagsasabi: “Maging isang laman at magpakarami sa pamamagitan ng panganganak”.

Kung gayon, kayong mga babaeng sinadyang maging mga baog, legal at matatapat na asawa sa mga mata ng mundo, ngunit hindi sa mga mata ng Diyos, makikita ninyo na maaari kayong tingnan na mga puta at mga nakikiapid pa rin kahit na kung sa pamamagitan lamang ng inyong mga asawa, sapagkat hindi ninyo hinahangad ang pagiging ina bagkus kadalasan hinahanap lamang ninyo ang pagpapakasarap. At hindi ba ninyo naiisip na ang pagpapakasarap ay isang lason na nagkukuntamina sa bawat bunganga na tumitikim nito? Ito ay nanununog sa pamamagitan ng isang apoy na tila nakabubusog, ngunit sa halip nakakalabas ito sa paapuyan at nanununog pa nang lalo, nag-iiwan ng isang maasim na lasa ng abo sa dila at nag-iiwan din ng pagkasuklam, pagduduwal at pagkamuhi sa sarili at sa kaparehas sa pagpapakasarap, sapagkat kapag nakapanumbalik na ang isang konsiyensya, at nanunumbalik ito sa pagitan ng dalawang pagtatalik, mararamdaman bagkus ng isa ang pagkamuhi sa sarili, bilang napababa niya ang kanyang sarili nang mas mababa pa kaysa sa mga hayop.

⁴“Hindi ka makikiapid” iyan ay sinabi.

Ang karamihan sa karnal na mga gawain ng mga lalaki ay ang mga pakikiapid. At hindi Ko tinitingnan ang di-akalaing nakahuhumaling na pakikisama na kinukundina ng Leviticus sa pamamagitan ng mga salitang: “Lalaki: hindi ka makikisiping sa isang lalaki katulad ng pakikisiping sa isang babae” at “Hindi ka makikisiping sa kahit na anong hayop, magiging di-malinis ka kung gayon. At ang babae ay ganyan din ang gagawin at hindi niya ibibigay ang kanyang sarili sa isang hayop, sapagkat magiging isang maruming bagay ito”. Ngunit pagkatapos na mabanggit ang katungkulan ng asawang lalaki at ng asawang babae sa loob ng kasal, na hindi na banal kung ito ay maging baog sa pamamagitan ng malisya, magsasalita Ako ng tungkol sa totoo at wastong pakikiapid sa pagitan ng lalaki at babae na isinagawa dala ng paggagantihan na bisyo o para sa kabayaran ng pera o sa mga regalo.

Ang katawan ng tao ay isang maringal na templo na may isang altar. Ang Diyos ang dapat na nasa altar na iyan. Ngunit ang Diyos ay wala kung saan may kurupsiyon. Kung gayon ang isang di-purong katawan ay may nalapastangang altar kung saan wala ang Diyos. Katulad ng isang lasíng na nagbababad sa putik at sa mga súka ng kanyang sariling kalasingan, pinabababa ng tao ang kanyang sarili sa brutalidad ng pakikiapid at nagiging mas malala pa kaysa sa pinaka di-purong uod at hayop.

Sabihin sa Akin, kung sa pagitan ninyo ay mayroon mang iniligaw ang sarili hanggang sa gamitin ang sariling katawan katulad sa pakikipagkontrata ng mga pagkaing-hayop o ng mga hayop sa palengke, anong pakinabang ang napalâ niya? Ilagay ang inyong mga puso sa inyong mga kamay, iksaminin ito, tanungin ito, pakinggan ito, tandaan ang mga sugat nito, ang mga kirot nito at pagkatapos sabihin sa Akin: napakatamis ba ng bungang iyon na kailangan tiisin ang mga kirot ng isang puso na pinanganak na puro at ginawa ninyong mapilitan na mamuhay sa loob ng isang di-purong katawan, at pahirapan ito upang magbigay ng buhay at init sa kahalayan, at mapudpod sa bisyo?

Sabihin sa Akin: kayo ba ay ligaw-na-ligaw na hindi man lamang kayo lumuluha nang palihim, naririnig ang tinig ng isang bata na tumatawag: “inay”, o naiisip ang inyong mga ina, kayong mga babae ng pagpapakasarap na lumayas sa tahanan o pinalayas sa mga tahanan, upang ang bulok na prutas ay hindi sana makahawa sa ibang mga prutas sa pamamagitan ng tumatagas na kabulukan? Iniisip ang inyong mga ina na maaaring namatay sa pagkadurog ng puso, sa pangangailangan na sabihin: “Nagluwal ako ng kahihiyan”?

Hindi ba ninyo nararamdaman ang inyong mga puso na nanginginig sa kahihiyan, kapag nakakasalubong kayo ng solemneng-tingnan na isang matandang lalaki dahil sa kanyang maputing buhok at iniisip ninyo na narumihan ninyo ang mga ulo ng inyong mga ama ng ilang dakot na putik at inilantad ninyo sila sa panunuya ng kanilang tinubuang bayan?

Hindi ba ninyo nararamdaman ang inyong mga bituka na namimilipit sa kalungkutan kapag nakakakita kayo ng masayang asawang babae o isang inosenteng birhen at kinailangan ninyong sabihin: “Sinayang ko ang lahat na iyan at hindi na muli ako magiging ganyan”?

Hindi ba ninyo nararamdaman ang inyong mga mukha na namumula sa kahihiyan kapag nakakaharap ninyo ang mga mata ng mga lalaki na nakatingin sa inyo nang may kahalayan at may panunuya?

Hindi ba ninyo nababatid kung gaano kayo kamiserable kapag nauuhaw kayo para sa halik ng isang bata at hindi kayo makapagsabi: “Ibigay mo sa akin iyan” sapagkat pumatay kayo ng mga búhay sa kapanganakan ng mga ito, inayawan ninyo sila bilang nakakasawang mga pasanin at bilang isang walang-silbing sagabal, nakahiwalay sa puno na siyang nagdala sa kanila, at itinapon upang maging dumi, at ngayon ang maliliit na búhay na iyon ay sumisigaw sa inyo: “mga mamamatay tao!”?

Ngunit, higit sa lahat, hindi ba kayo nahihintakutan sa Hukom Na naglikha sa inyo at naghihintay sa inyo upang tanungin kayo: “Ano ang ginawa mo sa sarili mo? Binigyan ba kaya kita ng buhay para diyan? Anong lakas-ng-loob mo na pumunta sa presensya Ko, ikaw na pugad na namumutiktik sa mga uod at kabulukan? Nagkaroon ka ng lahat ng kung ano ang iyong diyos: pagpapakasarap. Pumunta ka sa lugar ng eternal na maldisyon”.

⁵Sino ang umiiyak? Wala? Sinasabi ba ninyo: wala? Gayunman ang Aking kaluluwa ay makakatagpo ng isa pang kaluluwa na umiiyak. Bakit matatagpuan nito siya? Upang isumpa siya dahil siya ba ay isang puta? Hindi. Sapagkat nalulungkot Ako para sa kanyang kaluluwa. Nakararamdam Ako ng paglayo para sa lahat ng karumihan ng kanyang katawan, pinagpapawisan sa walang-pakundangang pagpapakahirap. Ngunit ang kanyang kaluluwa!

O! Ama! Ama! Para din sa kaluluwang ito kumuha Ako ng maging laman at iniwan Ko ang Langit upang maging kanyang Tagapagtubos at Tagapagtubos ng maraming mga kaluluwang katulad ng kanya! Bakit hindi Ko pupulutin ang naligaw na tupang ito at dalhin siya sa kulungan, linisin siya, isama siya sa kawan, bigyan siya ng mga pastulan at ng isang pagmamahal na kasing perpekto ng katulad ng tanging Aking pagmamahal lamang ang maaaring maging ganito, ibang-iba sa pagmamahal na magpahanggang ngayon kanyang tinatawag na pagmamahal, ngunit sa halip ay kapootan, ganyan ka-maawain, ka-kumpleto, ka-tamis na pagmamahal na hindi na sana niya ikalulungkot ang nakaraan o maaaring ikalungkot ito upang masabi lamang: “Napakarami akong mga araw na nasayang mula sa Inyo, eternal na Kagandahan. Sino ang magbibigay muli sa akin ng panahon na nawala ko? Papaano ko kasisiyahan sa loob ng maikling panahon na natitira pa sa akin, ang akin sanang kinasiyahan kung ako ay laging naging puro?”

Datapwa't, o kaluluwa na sinisiil ng lahat ng kamunduhan ng mundo, huwag lumuha. Makinig: ikaw ay isang maruming basahan. Ngunit maaari kang maging isang magandang bulaklak muli. Ikaw ay isang tambakan ng dumi. Ngunit maaari kang maging isang taniman ng mga bulaklak. Ikaw ay isang di-purong hayop. Ngunit maaari kang maging isang anghel. Minsan ikaw ay isang anghel. At madalas kang sumayaw sa mabulaklak na mga parang, isang rosas sa pagitan ng mga rosas, kasing sariwa katulad nila, namamango sa kabirhinan. At masaya mong inaawit ang iyong kamusmusang mga awit, at pagkatapos tumatakbo ka sa iyong ina, sa iyong ama at nagsasabi sa kanila: “Kayo ang aking pagmamahal”. At ang di-nakikita na tagapag-alaga na nasa tabi ng bawat nilikha ay ngingiti sa iyong asul-na-puting kaluluwa... At pagkatapos? Bakit mo pinunit ang iyong mga pakpak, mga pakpak ng isang maliit na inosenteng nilikha? Bakit mo tinapakan ang mga puso ng iyong ama’t ina upang makapunta sa ibang di-maaasahan na mga puso? Bakit mo pinilit ang iyong purong tinig na bigkasin ang huwad na makalamang mga salita? Bakit mo binali ang tangkay ng rosas at nilapastangan ang iyong sarili?

Magtika, anak na babae ng Diyos. Ang pagtitika ay nagpapalakas muli, nagpapadalisay at nagtataas. Ang tao ba ay hindi ka mapatawad? Ni ang iyong ama ay hindi ka mapatawad? Ngunit ang Diyos ay makapagpapatawad. Sapagkat ang kagandahang-loob ng Diyos ay hindi maikukumpara sa pantaong kabutihan at ang Kanyang awa ay mas walang-hangganan ang kadakilaan kaysa sa pantaong kahirapan. Parangalan mo ang iyong sarili sa paggawa sa iyong kaluluwa na maging karangal-rangal sa pamamagitan ng isang tapat na pamumuhay. Pangatwiranan mo ang iyong sarili sa Diyos sa hindi na ulit paggawa ng mga kasalanang laban sa iyong kaluluwa. Kunin mula sa Diyos ang isang bagong pangalan. Iyan ang mahalaga. Ikaw ay mabisyo. Maging tapat. Maging ang sakripisyo at martir ng iyong pagtitika. Alam mo na kung papaano gawin na isang martir ang iyong puso upang makapagbigay ng kasiyahan sa iyong laman. Ngayon gawing isang martir ang iyong laman upang makabigay ng eternal na kapayapaan sa iyong puso.

Humayo. Maaari kayong lahat na humayo. Ang bawat isa dala ang kanyang pasanin at kanyang mga isipín, at magnilay. Ang Diyos ay hinihintay ang lahat at walang tinatanggihan sa mga nagsisisi. Pagkalooban nawa kayo ng Kanyang liwanag na makilala sana ninyo ang inyong mga kaluluwa. Lakad.»

⁶Marami ang umalis pagawi sa nayon. Ang ilan ay pumasok sa malaking silid. Si Jesus ay pumunta sa mga maysakit at pinagagaling sila.

Ang isang grupo ng mga kalalakihan ay naguusap-usap sa mabababang tinig sa isang sulok: sila ay pakaway-kaway at nagiging magulo sa pagtalakay ng kani-kanilang mga opinyon. Ang ilan ay inaakusahan ang Kristo, ang ilan ay ipinagsasanggalang Siya, ang ilan ay hinihimok ang dalawang partido patungo sa isang mas may-gulang na paghuhusga. Sa katapusan, ang mas maiinit, baka dahil sila ay mas kakaunti kaysa sa dalawang pang grupo, ay kinuha ang gitnang daan. Sila ay pumunta kay Pedro, na, kasama si Simon, ay nag-aalis ng tatlong estretser ng mga tao na mahimalang napagaling, dahil ang mga ito ay wala nang paggagamitan, at siya’y dinudumog nila nang may-pamimilit sa malaking silid na siyang naging tanggapang-silid para sa mga peregrino. Sinabi nila sa kanya: «Tao ng Galilee, makinig sa amin.»

Si Pedro ay tumalikod at tinitingnan sila na tila sila ay pambihirang mga hayop. Siya ay hindi nagsasalita, ngunit ang sinasaad ng kanyang mukha ay maganda. Si Simon ay sinulyapan ang limang galít na mga lalaki at pagkatapos umalis, iniiwan silang lahat na bitín.

Ang isa sa lima ay nagpatuloy sa pagsasalita: «Ako ay si Samuel, ang eskriba; ito ay si Sadoc, isa pang eskriba; at ito ay si Eleazar, isang kilalang-kilala at malakas na Judaean; at ito ay si Callascebona, ang kilalang nakatatanda; at, panghuli, ito ay si Nahum. Naiintindihan mo? Si Nahum!» ang tono ng kanyang tinig ay tunay na may kataasan.

Si Pedro ay yumuyukong magaan sa bawat pangalan, ngunit sa huling isa ang kanyang ulo ay tumigil sa kalagitnaan at nang may pinakadakilang kawalang-pakialam sinabi niya: «Hindi ko alam. Hindi ko pa kailanman napakinggan iyan. At... wala akong naiintindihan kahit ano.»

«Ikaw na magaspang na mangingisda! Tandaan na siya ay ang pinagkakatiwalaan ni Annas!»

«Hindi ko kilala si Annas; o kung baga marami akong kilalang mga babae na ang pangalan ay Anna. Napakarami din nila sa Capernaum. Ngunit hindi ko alam kung alin dito ang siya na kanyang katiwala.»

«Siya? Ako ba ay kinakausap bilang “siya”?»

«Ano ba ang gusto mong sabihin ko tungkol sa iyo? Asno o ibon? Nang ako ay pumasok sa paaralan ang tagapagturo ay itinuro sa akin na magsabi ng “siya” kapag nagsasalita ng tungkol sa tao, at, kung hindi ako nagkakamali, ikaw ay isang tao.»

Ang mamâ ay nagalit, na tila siya ay pinasasakitan ng mga salita. Ang isa pang lalaki, na siyang nagsalitang una, ay nagpapaliwanag: «Si Annas ay ang biyanang lalaki ni Caiaphas...»

«Ah!... nakikita ko na! Bueno?»

«Sinasabi ko sa iyo na kami ay nagagalit!»

«Saan? Sa panahon? Ako ay nagagalit din. Nagpalit ako ng damit nang tatlong beses at wala na akong tuyong mga damit.»

«Huwag maging tanga!»

«Tanga? Iyan ang katotohanan. Kung kayo ay hindi nagagalit sa panahon, saan kung gayon? Sa mga Romano?»

«Sa iyong Guro! Sa huwad na propeta!»

«Hoy! Mahal na Samuel! Mag-ingat sapagkat kung ako ay magising ako ay nagiging katulad ng lawa. Mula sa pagiging kalmanteng patay ako ay nagiging masalimuot sa isang sandali. Kung kaya't mag-ingat kung papaano ka magsalita...»

Ang mga anak din ni Zebedeo at ni Alfeo ay nagsama-sama kasama ang Iskariote at si Simon at pinaligiran nila si Pedro na palakas nang palakas ang sigaw.

«Hindi mo hihipuin ng iyong pangkaraniwang mga kamay ang dakilang mga tao ng Zion!»

«O! Ang guwapong bata-pang mga ginoo! At hindi ninyo gagalawin ang aking Guro kung hindi’y lahat kayo lilipad patungo sa bubon kaagad at pagkatapos kayo ay mapapadalisay, kapwa sa panloob at sa panlabas.»

«Ibig kong tawagan ng pansin ng mga doktor ng Templo sa katotohanan na ang bahay na ito ay isang pribadong pag-aari» sabing kalmante ni Simon. At ang Iskariote ay pinatutunayan ang sitwasyon nagsasabing: «At magagarantiyahan ko na ang Guro ay laging may pinakamalaking paggalang para sa mga bahay ng ibang mga tao, at higit sa lahat para sa Bahay ng Panginoon. Magkaroon din ng ganyang paggalang para sa Kanyang bahay.»

«Manahimik, ikaw na tusong uod.»

«Tuso saan? Kayo ay nakasusuklam at ako ay pumunta kung saan walang pagkasuklam. At ipagkaloob ng Diyos na ako ay hindi pa ganap na naparumi ng pagiging kasama ninyo!»

«Sa pagtatapos: ano ang kailangan ninyo?» tanong nang matalas ni Santiago ni Alfeo.

«At sino ka?»

«Ako ay si Santiago ni Alfeo, at si Alfeo ni Santiago, at si Santiago ni Matan, at si Matan ni Eleazar, at kung gugustuhin mo, babanggitin ko ang mga pangalan ng lahat ng aking mga ninuno hanggang makarating kay haring David mula kung saan ako ay bumaba. At ako ay isang pinsan ng Mesiyas. Kung kaya't sinasabi ko sa iyo na magsalita sa akin, sa dahilan na ako ay nasa linya ng maharlikang pamilya at isang Judaean, kung ang iyong arogansiya ay nasusuklam sa pagsalita sa isang matapat na Israelita na nakakikilala sa Diyos nang mas mabuti pa kaysa sa pagkakakilala nina Gamaliel at Caiaphas. Kung kaya't, magsalita.»

«Ang iyong Guro at kamag-anak ay ginagawang sundan Siya ng mga puta. Ang nakatalukbong na babaeng iyon ay isa sa kanila. Nakita ko siya habang nagbebenta ng ilang mga ginto. At nakilala ko siya. Siya ay ang mangingibig ni Shammai at lumayas sa kanya. Na isang kahihiyan sa kanya.

«Kahihiyan nino? Ni Shammai ang rabbi? Kung gayon ang babae ay maaaring isang napaglumaan nang banga. At kung gayon wala na sa piligro...» wika ng Iskariote nang pabiro.

«Manahimik, ikaw na tanga! Kahihiyan ni Shammai ng Elchi, ang paborito ni Herodes.»

«Bueno ngayon! Ang ibig sabihin nito ang babae ay hindi masyadong magiliw sa paborito. Siya ay kailangan na makisiping kay Shammai. Hindi ikaw. Bakit mag-alala kung gayon?» ang Judas Iskariote ay labis na mapanuya.

«Mamâ, hindi mo ba naiisip na hinihiya mo ang iyong sarili sa paglalaro ng isang espiya?» tanong ni Judas ni Alfeo. «At hindi mo ba naiisip na hinihiya ang sarili ng isang pinabababa ang sarili sa paggawa ng isang kasalanan, hindi siya na nagsisikap na makapagligtas ng isang makasalanan? Bakit mawawalan ng karangalan ang aking Guro at kapatid, kung, kapag nagsasalita, ang Kanyang tinig ay nararating din ang mga tainga na nilapastangan ng laway ng mahahalay na tao sa Zion?»

«Ang Kanyang tinig? Ah! Ah! Ang iyong Guro at pinsan ay tatlumpung taong gulang at Siya ay isang mas malaking hipokrita kaysa sa iba. At nakakatulog kayong lahat nang mahimbing sa gabi...»

«Ikaw na maruming ahas. Umalis ka rito o sasakalin kita» sigaw ni Pedro, at sina Santiago at Juan ay inulit ang kanyang mga salita, habang si Simon ay simpleng nagsabi: «Kahihiyan sa iyo! Ang iyong pagkukunwari ay napakalaki na ito ay bumubulubok at umaapaw at naglalaway ka katulad ng isang kabibi sa ibabaw ng isang purong bulaklak. Lumabas ka at maging isang lalaki, sapagkat ngayon ikaw ay bagkus isang laway. Nakikilala kita, Samuel. Ang iyong puso ay laging ganyan pa rin. Patawarin ka nawa ng Diyos. Umalis ka sa harapan ko.»

«Habang ang Iskariote at si Santiago ni Alfeo ay hinahawakan si Pedro, na umiinit sa galit, si Judas Tadeo, na higit pa kailanman ay ngayon katulad na ng kanyang Pinsan, bilang mayroon din ng gayong asul na kumikislap na tingin at maringal na hitsura, ay nagsabi sa kumukulog na tinig: «Siya ay ipinahihiya ang sarili na nagpapahiya sa isang inosenteng tao. Ang Diyos ay binigyan tayo ng paningin at pananalita upang magawa ang mga banal na gawain. Ang isang naninira ng puri ay ginagamit ang mga ito nang mali at pinabababa ang mga ito, ginagamit ang mga ito para sa gawaing masasama. Hindi ko parurumihin ang aking sarili sa pamamagitan ng magaspang na gawain na makasasakit sa iyong puting buhok. Ngunit paaalalahanan kita na ang masasamang tao ay kinapopootan ang matuwid na tao at ang isang tanga ay ibinubuhos ang kanyang galit nang hindi iniisip na pinagtataksilan niya ang kanyang sarili mismo. Ang namumuhay sa kadiliman ay napagkakamalan ang isang sangang namumulaklak na isang ahas. Ngunit ang namumuhay sa liwanag ay nakikita ang mga bagay ayon sa kung ano ang mga ito, at kung ang mga ito ay sinisiraan, ipagtatanggol niya ang mga ito alang-alang sa katarungan. Kami ay namumuhay sa liwanag. Kami ang mga basal, magandang henerasyon ng mga anak ng liwanag, at ang aming Pinuno ay ang Banal na Isa na walang nalalamang babae o kasalanan. Sinusundan namin Siya at ipinagtatanggol sa Kanyang mga kaaway, na itinuro Niya sa amin na huwag kapootan bagkus ipagdasal. Matandang katulad mo, maaari kang matuto mula sa isang bata-pang lalaki, na naging magulang dahil Karunungan ang kanyang tagapagturo, na huwag maging napakabilis sa pagsasalita na hindi kailanman magaling sa paggawa ng mabuti. Lakad. At sabihin sa mga nagpadala sa inyo na ang Diyos ay nagpapahinga sa Kanyang kaluwalhatian sa loob ng abang tirahan na ito, hindi sa loob ng nalapastangang bahay na siyang nasa bundok ng Moriah. Paalam.»

Ang limang lalaki ay hindi naglakas-loob na tumugon at sila ay umalis.

⁷Ang mga disipulo ay pinag-uusapan kung kailangan nilang sabihan si Jesus Na kasama pa ang mga tao na Kanyang pinagaling. Nagpasya sila na mas mabuti nang sabihan Siya. Sila ay pumunta upang salubungin Siya, tinawag nila Siya at sinabi nila sa Kanya.

Si Jesus ay ngumiting mapayapa at tumugon: «Salamat sa inyo sa pagsanggalang sa Akin... ngunit ano ang magagawa ninyo? Maibibigay ng isa ang mayroon siya.»

«Ngunit, sila ay hindi ganap na mali. May mga mata tayong nakakakita at maraming tao ang nakakakita. Ang babae ay laging nasa labas doon, katulad ng isang aso. Hindi ito nakagagawa ng mabuti sa Inyo» sabi ng maraming disipulo.

«Hayaan lang siyang mag-isa. Hindi siya ang magiging bato na ihahampas sa Aking ulo. At kung siya ay mailigtas...sulit-na-sulit na pintasan para sa lugod na ganyan!»

Ang lahat ay natapos sa matamis na tugon na iyon.

(664) 131010/072713



Sunod na kabanata.