124. Ang «Nakatalukbong na Babae» sa Clear Water.

Marso 5, 1945.

¹Ito ay isang nakapangingilabot na araw na wala kahit na ni isang peregrino. Umuulan nang malakas at ang sahig-giikan ay isang sanaw sa ibabaw kung saan may mga lumulutang na tuyong mga dahon. Saan kaya nanggagaling ang lahat na mga dahon, ang ilan ay nailipad ng hangin, na umaatungal at umuuga sa mga pinto at mga bintana. Ang kusina, na mas malungkot kaysa kailanman, sapagkat upang mapigilan na makapasok ang ulan ang pinto ay kailangan na nakasara, ay puno ng usok, na pinapadpad ng hangin nang pabalik mula sa tsiminea at nagagawa ang mga disipulo na umubo at ang kanilang mga mata lumuha.

«Tama si Solomon» wika ni Pedro. «Tatlong bagay ang nagpapalayas sa isang lalaki sa kanyang bahay: isang asawang palaaway... at iniwan ko ang akin sa Capernaum upang makipag-away sa kanyang mga bayaw, isang mausok na paapuyan at isang tumutulong bubong. Nasa atin ang huling dalawa. Ngunit titingnan ko ang tsiminea na ito bukas. Aakyat ako sa bubungan at kayo, Santiago, Juan at Andres, ay sasama sa akin. Itataas natin ang tsiminea at tatakpan natin ang tuktok ng mga tisa.»

«At saan ka makakakuha ng mga tisa?» tanong ni Tomas.

«Aalisin natin ang nasa silungan. Kung umulan doon, hindi iyon magiging isang sakuna. Ngunit dito sa loob... Nalulungkot ka ba na ang iyong mga ulam ay hindi na madedekorasyonan ng maaagiw na tulô?»

«Tiyak na hindi! Sana magawa mo iyan! Tingnan kung ano ang hitsura ko ngayon. Umuulan sa ibabaw ng aking ulo kapag malapit ako dito sa apoy.»

«Kamukha mo ang isang halimaw ng Ehipsiyo» sabi ni Juan tumatawa.

Si Tomas, sa katotohanan, ay may kakatuwang maitim na maagiw na mga koma sa kanyang namimintog na maamong mukha. Laging masayahin katulad niya, siya ay ang unang tumawa at si Jesus din ay tumawa, sapagkat, nang siya ay nagsasalita mismo, isa pang maagiw na patak ang bumagsak sa kanyang ilong, pinaiitim ang dulo nito.

«Dahil ikaw ay isang eksperto tungkol sa panahon, ano sa palagay mo ito?» tatagal ba ito nang ganito?» ang Iskariote, na ganap na nagbago sa loob ng huling kaunting mga araw, ay tinanong si Pedro.

«Sasabihin ko sa iyo sa loob ng isang minuto. Magkukunwari akong isang astrologo» si Pedro, na nagpunta sa pintuan, ay binuksan ito nang kaunti at inilabas ang kanyang ulo at kamay. Pagkatapos kanyang sinabi: «Isang mababang hanging timog. Init at makapal na ulap... H’m! May maliit na...» si Pedro ay naging tahimik, siya ay bumalik sa loob nang dahan-dahan, pinabayaan ang pinto na bahagyang nakabukas, at pasulyap-sulyap sa tabi.

²«Anong problema?» tanong ng tatlo o apat na mga disipulo.

Ngunit si Pedro ay sininyasan sila na manahimik. Siya ay tumitingin sa paligid. Pagkatapos siya ay bumulong: «Ang babaeng iyon ay naririto. Uminom siya ng ilang tubig ng bubon at kinuha ang isa sa mga panggatong na naiwan sa bakuran. Iyon ay basa at hindi didikitan ng apoy... Siya ay umaalis. Susundan ko siya. Ibig kong makita...» Siya ay lumabas nang maingat.

«Ngunit saan siya nakatira, kung siya ay laging naririto?» tanong ni Tomas.

«At naririto siya sa ganitong panahon!!» sabi ni Mateo.

«Siya ay tiyak na pumupunta sa nayon, sapagkat nang makalawang araw bumibili rin siya ng tinapay doon» sabi ni Bartolomeo.

«Siya ay totoong determinado na isuot ang kanyang talukbong!» wika ni Santiago ni Alfeo.

«O mayroon siyang napakagandang rason para diyan» hinuha ni Tomas.

«Ngunit siya nga kaya ay ang totoong sinasabi ng Judiong iyon kahapon?» tanong ni Juan. «Sila ay laging gayong mga sinungaling!»

Si Jesus ay nananatiling tahimik lagi, na tila Siya ay bingi. Lahat sila ay tinitingnan Siya, ganap na nalalaman na Siya ay nakaaalam. Ngunit abala Siya sa pag-ukit sa pamamagitan ng isang kutsilyo sa isang malambot na kahoy na unti-unti Niyang nagagawang isang napaka kapaki-pakinabang na malaking tinidor upang masungkit ang mga gulay mula sa kumukulong tubig. At nang Siya ay nakatapos, ibinigay Niya ang Kanyang ginawa kay Tomas na iniuukol nang ganap ang kanyang sarili sa pagluluto.

«Kayo ay totoong magaling, Guro. Ngunit... maaari bang sabihin Ninyo sa amin kung sino siya?»

«Isang kaluluwa. Sa Akin kayo ay lahat “mga kaluluwa”. Wala nang iba pa. Mga lalaki, mga babae, matatandang tao, mga bata: mga kaluluwa. Ang mga bata ay mapuputing kaluluwa, ang mga batang lalaki mga asul na kaluluwa, ang bata-pang mga tao mga rosas na kaluluwa, ang makatarungang mga tao mga gintong kaluluwa, ang mga makasalanan mga napakaitim na mga kaluluwa. Ngunit mga kaluluwa lamang. At nginingitian Ko ang mapuputing kaluluwa sapagkat tila Ako ngumingiti sa mga anghel; at nagpapahinga Ako sa pagitan ng asul at rosas na mga bulaklak ng mabubuting bata-pang mga tao; at nagbubunyi Ako sa mahahalagang kaluluwa ng mga makatarungan; at nagpapakapagod at nagpapakahirap Ako, upang magawa ang mga kaluluwa ng mga makasalanan na maging mahahalaga at maganda. Mga mukha?... Mga katawan?... Ang mga ito ay wala. Nalalaman Ko kayo at nakikilala Ko kayo dahil sa Inyong mga kaluluwa.»

«At anong klaseng kaluluwa siya?» tanong ni Tomas.

«Isang kaluluwa na di masyadong mausisa kaysa sa mga kaluluwa ng Aking mga kaibigan, sapagkat siya ay hindi mausyoso, hindi matanong, paparoo’t parito nang wala ni isang salita o isang tingin.»

³«Akala ko siya ay isang puta o isang ketongin. Ngunit nagbago ang aking isip sapagkat... Guro, kung may sabihin ako sa Inyo, pagagalitan ba Ninyo ako?» tanong ng Iskariote na pumunta at umupo sa lupa malapit sa mga tuhod ni Jesus; siya ay nagbago nang lubos, siya ay mababa ang loob, mabait at naging mas magandang lalaki sa kanyang mahiyaing hitsura kaysa kapag siya ay umaasal bilang isang mapagmataas at mayabang na Judas.

«Hindi kita sisitahin. Sabihin sa Akin.»

«Alam ko kung saan siya nakatira. Sinundan ko siya isang gabi... nagkunwari akong lalabas upang kumuha ng ilang tubig. Bueno, siya ay naninirahan sa loob ng isang maliit na kahoy na kubo sa kakahuyan. Baka ito ay ginagamit ng mga magbubukid. Ngunit ito ay halos bulok na. At naglalagay siya ng ilang mga panggatong sa ibabaw bilang isang bubong. Baka iyan ang dahilan kung bakit gusto niya ang panggatong na iyon. Iyon ay isang lungga. Hindi ko alam kung papaano siya nakapamumuhay doon. Halos hindi iyon kakasya para sa isang malaking aso o isang maliit na asno. Noon ay maliwanag ang buwan at nakikita ko iyon nang malinaw. Halos nakalubog iyon sa mga tanim ng blackberry, iyon ay walang laman sa loob at walang pintuan. Iyan kung bakit nagbago ang aking isip at nabatid ko na siya ay hindi isang puta.»

«Hindi mo dapat ginawa iyon. Ngunit, sabihin mo sa Akin ang katotohanan: may ginawa ka pa bang iba?»

«Wala, Guro. Ibig ko sana siyang makita, sapagkat napuna ko siya mula pa sa Jericho at tila nakikilala ko ang kanyang magagaang hakbang na sa pamamagitan nito siya ay naglalakad nang matulin kailanman gustuhin niya. At ang kanyang ring hitsura ay maaaring malambot at... maganda. Siyempre, madaling makita iyan ng isa, sa kabila ng kanyang mga damit... Ngunit hindi ako nangahas na mag-espiya sa kanya habang siya ay humihiga sa lupa. Baka inalis niya ang kanyang talukbong. Ngunit iginalang ko siya...»

Si Jesus ay tinititigan siya, pagkatapos sinabi Niya: «At ikaw ay naghirap dahil diyan. Ngunit sinabi mo ang katotohanan. At sasabihin Ko sa iyo na Ako ay nasisiyahan sa iyo. Sa susunod hindi ka na mahihirapan nang labis para maging mabuti. Ang unang hakbang ang importante. Mabuting gawa, Judas!» at si Jesus ay hinahaplos siya.

⁴Si Pedro ay bumalik ulit. «Guro! Ang babaeng iyon ay baliw! Alam ba Ninyo kung nasaan siya? Halos nasa pampang ng ilog, sa loob ng isang kahoy na kubo sa ilalim ng isang palumpungan. Baka minsan iyon ay ginagamit ng mga mangingisda o mga magkakahoy... Sino ang nakaaalam? Hindi ko akalain na ang isang babae ay makapaninirahan sa gayong basang lugar, nakabaon sa isang kanal sa ilalim ng tambak na mga tanim. Sinabi ko sa kanya: “Magsalita at sabihin mo sa akin ang katotohanan. Ikaw ba ay ketongin?” Siya ay tumugon nang pabulong: “Hindi”. “Manumpa ka” sinabi ko. At sinabi niya: “Sinusumpa ko ito”. “Mag-ingat ka, kung ikaw ay ketongin at hindi mo sinasabi at pumupunta ka malapit sa aming bahay at kapag malaman ko na ito ay hindi malinis, ipababato kita. Kung ikaw ay inuusig, kung ikaw ay isang magnanakaw o isang mamamatay-tao, at naririto ka sapagkat natatakot ka sa amin, huwag mong ikatakot ang kahit na anong kapinsalaan. Ngunit lumabas ka diyan. Hindi mo ba nakikita na nakahiga ka sa tubig? Nagugutom ka ba? Giniginaw ka ba? Nanginginig ka. Ako ay matanda na, nakikita mo iyan. Hindi kita sinusuyo. Ako ay matanda at tapat. Kung kaya't makinig sa akin”. Iyan ang aking sinabi. Ngunit ayaw niyang pumunta. Matatagpuan natin siyang patay sapagkat nakahiga siya sa tubig.»

Si Jesus ay nag-iisip. Tinitingnan Niya ang mukha ng labindalawa na nakatitig sa Kanya. Pagkatapos nagtanong Siya: «Ano sa palagay ninyo ang ating dapat gawin?»

«Guro, kung ano ang Inyong ipasya!»

«Hindi. Gusto Ko na kayo ang magpasya. Ito ay isang bagay na pati ang inyong reputasyon ay sangkot. At hindi Ko kailangan na labagin ang inyong karapatan na ipagtanggol ito.»

«Sa ngalan ng awa sasabihin ko na hindi dapat natin siyang pabayaan doon» sabi ni Simon.

At si Bartolomeo: «Sasabihin ko na kailangan natin siyang ilagay sa loob ng malaking silid para sa sa ngayon. Hindi ba’t ang mga peregrino ay pumupunta roon? Kung gayon makapupunta rin siya roon.»

«Siya ay isang nilikha katulad ng sino pa mang iba, pagkatapos ng lahat» wika ni Andres.

«Maging ano pa man, wala namang pupunta ritong kahit sino ngayon, kung kaya't...» pagtukoy ni Mateo.

«Minumungkahi ko na bigyan natin siya ng pag-aruga para sa sa ngayon, at bukas sasabihin natin sa tagapamahala. Siya ay isang mabuting tao» sabi ni Judas Tadeo.

«Tama ka! Mabuti! At marami siyang walang-lamang mga establero rin. Ang isang establero ay isang maharlikang palasyo pa rin kompara sa maliit na nakalubog na dampang iyon!» bulalas ni Pedro.

«Lakad at sabihin sa kanya kung gayon» sabi ni Tomas nang namimilit.

«Ang mga nakababata ay hindi pa nagsasalita» pagtukoy ni Jesus.

«Sa ganang akin, masaya ako sa kung ano ang gawin Ninyo» sabi ng Kanyang pinsan na si Santiago. At ang isa pang Santiago at ang kanyang kapatid ay sabay na nagsabi: «Kami, rin.»

«Nag-aalala lamang ako na kung sa masamang suwerte ang isang Pariseo ay nagkataon na mapunta rito» sabi ni Felipe.

«O! Kahit na kung tayo ay nakatira sa mga ulap, sa palagay ba ninyo hindi nila tayo aakusahan? Hindi nila inaakusahan ang Diyos sapagkat napakalayo Niya. Ngunit kung magagawa nila na mailapit nila Siya sa kanilang mga sarili, katulad ng ginawa nina Abraham, Jacob at Moses, kagagalitan nila Siya... Ayon sa kanila, sino ang walang pagkakamali?» sabi ni Judas Iskariote.

«Bueno, kung gayon, lakad at sabihin sa kanya na tumuloy sa malaking silid. Pedro, lumakad ka kasama si Simon at si Bartolomeo. Kayong lahat ay nakatatanda at hindi siya masyadong mag-aalangan sa inyo. At sabihin sa kanya na bibigyan natin siya ng ilang mainit na pagkain at tuyong damit. Yung isang iniwan ni Isaac. Kita ninyo, ang lahat ay mapakikinabangan. Pati rin ang isang pambabaeng damit na ibinigay sa isang lalaki...»

Ang mga nakababata ay tumatawa sapagkat maaaring may nakakatuwang kuwento tungkol sa damit na binanggit.

Ang tatlong nakatatanda ay lumabas... at sila ay nakabalik pagkaraan lamang nang kaunti.

«Nangailangan iyon ng ilang pangungumbinsi... ngunit sa katapusan siya ay sumama. Nanumpa kami sa kanya na hindi namin siya kailanman gagambalain. Dadalhin ko na sa kanya ngayon ang ilang mga dayami at ang damit. Ibigay ninyo sa akin ang mga gulay at ilang tinapay. Ni wala siyang makain para sa ngayon. Sa katunayan... sino ang lalabas sa bahang ito ngayon?» At ang mabuting si Pedro ay lumabas dala ang kanyang mga regalo.

⁵«At ngayon may isang kautusan para sa lahat: sa kahit na ano pa mang dahilan walang sinuman ang papasok sa silid. Bukas gagawin natin ang nararapat. Kailangan na masanay na kayo sa paggawa ng mabuti alang-alang sa kabutihan, na walang kahit na anong pag-uusyoso o mithiin na maaliw gawa nito, o kahit na ano pa man na dahilan. Kita ninyo, nagrereklamo kayo ngayon na wala tayong magagawang kahit na anong may pakinabang. Nagmahal tayo ng ating kapwa. Posible bang mas malaki pa sana ang ating nagawa? Kung siya ay isang di-masayang babae, at siya ay tiyak na di-masaya, ang atin bang tulong ay hindi makapagbibigay ng mas mahigit pang kaginhawahan, init, at proteksiyon kaysa sa naibigay natin sa kanya na kaunting pagkain, abang damit, maayos na bubungan? Kung siya ay isang babaeng nakagawa ng masama, isang makasalanan, isang nilikhang naghahanap sa Diyos, hindi ba’t ang ating pagmamahal ay ang pinaka magandang leksiyon, ang pinaka makapangyarihan na salita, ang pinaka maliwanag na indikasyon upang madala siya sa landas ng Diyos?»

Si Pedro ay pumasok nang napakatahimik at nakikinig sa Guro.

«Tingnan ninyo, Aking mga kaibigan. Ang Israel ay maraming mga tagapagturo, at sila ay laging nagsasalita... Ngunit ang mga kaluluwa ay nananatiling katulad din ng dati. Bakit? Sapagkat ang mga kaluluwa ay naririnig ang mga salita ng kanilang mga tagapagturo ngunit nakikita din nila ang kanilang ginagawa. At ang kanilang mga gawa ay ang sumisira  sa kanilang mga salita. At ang mga kaluluwa ay nananatili kung saan nandoon sila dati, kung sila man ay hindi mas umatras pa. Ngunit kapag ang isang tagapagturo ay ginagawa kung ano ang kanyang sinasabi at sa lahat ng kanyang mga kilos kumikilos siyang katulad ng isang santo, kahit na rin kung ang ikinikilos niya ay isang materyal na pagkilos, katulad ng pagbibigay ng tinapay, ng isang damit, ng isang matutuluyan sa kanyang naghihirap na kapwa, magagawa niya ang mga kaluluwa na magpatuloy at abutin ang Diyos, sapagkat ang kanyang pinaka kilos ay nagsasalita sa kanyang mga kapatid: “Ang Diyos ay buháy at ang Diyos ay naririto”. O! Pagmamahal! Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang isang tao na nagmamahal ay naililigtas ang kanyang sarili at ang iba pang mga tao.»

«Ang sinasabi Ninyo ay totoo, Guro. Ang babaeng iyon ay nagsabi sa akin: “Pagpalain ang Tagapagligtas at Siya Na nagpadala sa Kanya, at kayong lahat kasama Niya” at bagama't ako ay isang abang tao ibig niyang halikan ang aking mga paa at siya ay umiiyak sa likuran ng kanyang makapal na talukbong... Sino ang nakaaalam!... Umasa tayo na walang panggabing ibon ang darating mula sa Herusalem... Kung hindi, sino ang magliligtas sa atin?»

«Ang ating mga konsiyensya ang magliligtas sa atin sa paghuhusga ng ating Ama. Tama na iyan» sabi ni Jesus. At Siya ay naupo sa mesa pagkatapos na mabendisyunan at maialay ang pagkain.

Ang lahat ay nagtatapos.

(671) 131010/072813 



Sunod na kabanata.