125. Si Jesus sa «Clear Water»: «Ipangilin ang mga Banal na Araw».

Marso 6, 1945.

¹Ang panahon ay hindi masyadong nakapanghihilakbot bagama't umuulan pa rin, at ang mga tao ay nakapupunta sa Guro.

Si Jesus ay nakikinig, sa isang sulok, sa dalawa o tatlong tao, na may malalaking bagay na ibig sabihin sa Kanya at pagkatapos pinuntahan nila ang kanilang mga lugar nang mas kalmante.

Pinagpapalà rin Niya ang isang maliit na batang lalaki na ang kaninong mga paa ay masamang nabalian at walang sinumang doktor ang nakapagpagaling. Silang lahat, sa katunayan, ay nagsabi: »Ito ay walang silbi, ang bali ay napakataas, malapit sa gulugod.» At ang kanyang ina ay nagsasalita, umiiyak habang nagpapaliwanag: «Siya ay tumatakbo kasama ang kanyang maliit na kapatid na babae sa kalsada ng nayon. Ang isang Herodian ay dumating nang napakabilis sa kanyang bagon at nasagasaan siya. Akala ko siya ay patay na. Ngunit ito ay mas malala. Kita Ninyo, pinananatili ko siya sa ibabaw ng tablang ito... sapagkat wala nang iba pang kailangang gawin. At siya ay naghihirap, sapagkat ang buto ay tumutusok sa kanyang laman. At pagkatapos, kapag hindi na siya tumutusok nito, siya ay naghihirap sapagkat napipilitan siyang humiga na lang.»

«Ito ba ay masakit na masakit?» si Jesus ay awang-awang tinatanong ang lumuluhang bata.

«Oo, masakit na masakit.»

«Saan?»

«Dito... at dito» at sa pamamagitan ng kanyang nag-aalangang kamay hinihipo niya ang kanyang mga atay at ang kanyang likod. Ang tabla ay matigas at gusto kong gumalaw. Ako ay...» at siya ay umiiyak nang husto.

«Kakargahin ba kita? Sasama ka ba? Dadalhin kita sa itaas doon, at makikita mo ang lahat na mga tao kapag Ako ay nagsasalita.»

«Oo...» (ang kanyang “Oo” ay puno ng malalim na pagkagusto). Ang kaawa-awang maliit na bata ay iniunat ang kanyang mga kamay nang nakikiusap.

«Halika, kung gayon.»

«Ngunit hindi niya magagawa, Guro, ito ay imposible! Nasasaktan siya nito nang husto... ni hindi ko nga siya magalaw upang hugasan siya.»

«Hindi Ko siya sasaktan.»

«Ang doktor ay...»

«Ang doktor ay ang doktor, Ako ay Ako. Bakit kayo pumunta rito?»

«Sapagkat Kayo ay ang Mesiyas» tugon ng babae, na namutla, pagkatapos namumula, naantig ng pag-asa at ng kawalang-pag-asa rin.

«Bueno, kung gayon? Halika, Aking mahal na maliit na bata.» At ang isang kamay ni Jesus ay isinuksok sa ilalim ng walang-galaw na mga paa, at ang isa pa sa ilalim ng kanyang mga balikat at kinarga ang bata at tinanong siya: «Nasasaktan ba kita? Hindi? Bueno, magpaalam ka sa nanay mo at tayo na.»

At Siya ay lumabas dala ang Kanyang karga dumaraan sa gitna ng pulutong na bumubukas upang Siya ay maparaan. Siya ay pumunta sa dulo ng silid. Umakyat Siya sa isang klaseng intablado na kanilang itinayo para sa Kanya, upang Siya ay sana makita ng lahat, pati na rin ng mga nasa loob ng bakuran. Siya ay humihingi ng isang bangkito at Siya ay naupo, inaayos Niya ang bata sa ibabaw ng Kanyang mga tuhod at tinanong siya: «Gusto mo ba ito? Ngayon maging mabuti at makinig» at Siya ay nagsimulang magsalita, pakaway-kaway sa pamamagitan ng Kanyang isang kamay lang, ang Kanyang kanan, sapagkat hawak ng Kanyang kaliwa ang bata. Ang maliit na bata ay tinitingnan ang mga tao at masayang-masaya na makakita ng mga bagay, ngumingiti siya sa kanyang ina na ang kaninong puso ay pumipintig sa pag-asa sa kabilang dulo ng silid, at ang bata ay nilalaro ang bigkis ng tunika ni Jesus at ang Kanyang malambot na magandang balbas at ang isang buhol ng Kanyang mahabang buhok.

²«Ito ay sinabi: “Gumawa ng tapat na pagtatrabaho at iukol ang ikapitong araw sa Panginoon at sa inyong kaluluwa”. Iyan ang kautusan ng Sabbatical na pagpapahinga.

Ang tao ay hindi mas dakila pa kaysa sa Diyos. Datapwa't nilikha ng Diyos ang sansinukuban sa loob ng anim na araw at Siya ay nagpahinga sa ikapitong araw. Bakit kung gayon ang tao ay nangahas na hindi gayahin ang Ama at labagin ang Kanyang kautusan? Ito ba ay isang kalokohan na kautusan? Hindi. Ito ay totoong kapaki-pakinabang na kautusan para sa katawan, sa mga moral at sa espiritu.

Ang pagod na katawan ay nangangailangan ng pahinga, katulad ng lahat pang iba na nilikha sa sangnilikha. Ang isang toro, na nagtrabaho sa bukid, ay nagpapahinga, at ginagawa natin itong magpahinga, upang hindi sana ito mawala sa atin. Gayon din naman, ang asno na nagdadala sa atin at ang tupa na nanganganak ng isang maliit na kordero at nagbibigay sa atin ng gatas, ay nangangailangan ng pahinga. Ang lupa din ng bukid ay nagpapahinga, at ginagawa natin itong magpahinga, upang sa loob ng mga buwan na ito ay hindi natatamnan, ito ay sana makakain at matigmak sa mga asin na nasa ulan o lumalabas mula sa lupa. Ang mga hayop at mga tanim, na sumusunod sa eternal na mga batas ng mabuting pagpaparami, ay nagpapahinga din, nang wala rin ng ating kapahintulutan. Bakit kung gayon ang tao ayaw na gayahin ang Tagapaglikha, Na nagpahinga sa ikapitong araw, samantalang ang mga mas nakabababang mga nilikha, kapwa ang mga gulay at mga hayop, na tumanggap lamang ng katutubong kautusan, ay alam kung papaano sumang-ayon at sumunod dito?

Ito ay isang moral na kautusan, bukod sa isang pisikal na kautusan. Ang tao para sa anim na araw ay pag-aari ng lahat na tao at lahat na bagay. Katulad ng sinulid sa isang habihan siya ay pataas at pababa, nang hindi man lamang kailanman makapagsabi: “Ngayon aasikasuhin ko ang tungkol sa aking sarili at ang sa aking mga mahal sa buhay. Ako ay isang ama at ngayon ako ay pag-aari ng aking mga anak, ako ay isang asawa at ngayon itatalaga ko ang aking sarili sa aking asawa. Ako ay isang kapatid at magsasaya ako kasama ang aking mga kapatid, ako ay isang anak at aalagaan ko ang aking matandang mga magulang”.

Ito ay isang espirituwal na kautusan. Ang pagtatrabaho ay banal. Ang pagmamahal ay mas banal. Ang Diyos ay Kabanalbanalan. Kung kaya't kailangan na maalaala natin na magtalaga ng isang araw man lang sa pito para sa ating mabuti at banal na Ama, Na nagbigay sa atin ng buhay at nagpapanatili sa atin na buháy. Bakit magkaroon tayo ng mas kulang pang paggalang para sa Kanya kaysa para sa ating mga ama, sa ating mga anak, mga kapatid, mga asawa at sa ating mga katawan? Gawin na ang araw ng Panginoon ay maging Kanya. O! Magandang manilungan sa isang nagmamahal na tahanan sa gabi, pagkatapos ng isang araw ng pagtatrabaho! Magandang bumalik dito pagkatapos ng isang paglalakbay! Bakit kung gayon hindi manilungan sa bahay ng Ama pagkaraan ng anim na araw ng pagtatrabaho? Bakit hindi tayo maging katulad ng isang anak na bumalik pagkaraan ng anim na araw ng paglalakbay at nagsasabi: “Naririto ako. Ibig kong gugulin ang aking araw ng pagpapahinga kasama kayo”?

³Ngunit ngayon, makinig. Sinabi Ko: “Gumawa ng isang tapat na pagtatrabaho”.

Nalalaman ninyo na ang ating Batas ay inuutos sa atin na mahalin natin ang ating kapwa. Ang tapat na pagtatrabaho ay nagiging bahagi ng ating pagmamahal para sa ating kapwa. Ang isang matapat na nagtatrabahong tao ay hindi nagnanakaw sa negosyo, hindi nandaraya sa isang trabahador tungkol sa kanyang upa, hindi niya siya pinagsasamantalahan nang sadya, hindi niya nakakalimutan na ang isang katulong at isang manggagawa ay may katawan at kaluluwa katulad niya, at hindi niya sila tinatratong katulad ng mga walang-buhay na mga kapirasong bato na legal na biyakin o hampasin ng paa ng isang tao o ng isang bakal na pamalo. Ang hindi gumagawa ng ganito, ay hindi nagmamahal sa kanyang kapwa at kung gayon nakagagawa ng kasalanan sa mga mata ng Diyos. Ang kanyang mga kinikita ay isinumpa kahit na kung binibigay niya ang bahagi nito bilang limos sa Templo.

O! Anong huwad na alay! At papaano ang isa makapangangahas na maglagay nito sa paanan ng altar kung tumutulo ito ng mga luha at dugo ng isang pinagsamantalahang kapatas o kung ang pangalan nito ay “pagnanakaw”, ibig sabihin, kataksilan sa kapwa, sapagkat ang isang magnanakaw ay isang nagtataksil sa kanyang kapwa? Maniwala sa Akin, ang isa ay hindi nangingilin ng isang banal na araw maliban kung ito ay ginagamit upang umunlad ang sarili at makagawa ng pagsasatama para sa mga kasalanan na nagawa sa loob ng nakaraang anim na araw.

Iyan ang pangingilin sa banal na mga araw, hindi lamang ang panlabas na pangingilin, na hindi nababago kahit isang tuldok ng inyong pamamaraan ng pag-iisip. Gusto ng Diyos ang isang buháy na mga gawa, hindi ang pakunwâng mga gawa. Ang huwad na paggalang para sa Kanyang Batas ay pagkukunwari lamang. Isang pagkukunwari lamang ang huwad na pangingilin sa Sabbath, na isang pagpapahinga na ginagawa upang ipakita ang pagsunod sa kautusan sa mga mata ng mga tao, kung ang mga oras ng kawalang-magawa ay ginugugol sa bisyo, sa kahalayan, sa paglalasingan, sa pagpaplano kung papaano mapagsasamantalahan at masisiraan ang kapwa sa parating na linggo. Ang pangingilin sa Sabbath ay isang pagkukunwari, kung ang materyal na pagpapahinga ay hindi sinasabayan ng isang panloob, espirituwal, nagpapabanal na pagsusuri sa sarili, na may tahasan na pag-amin sa pagdurusa ng sarili, na may matatag na determinasyon na mapaunlad ang sarili sa loob ng parating na linggo.

⁴Maaaring sabihin ninyo: “Kung ang isa ay bumagsak ulit sa pagkakasala?”Anong sasabihin ninyo tungkol sa isang bata, na, dahil bumagsak nang minsan, ay ayaw nang maglakad muli, dahil siya ay baka bumagsak ulit? Na siya ay isang tanga. Na siya ay hindi dapat na mahiya kung ang kanyang mga paghakbang ay hindi tiyak, sapagkat tayong lahat ay katulad niyan noong tayo ay maliliit pa, at ang ating mga ama ay hindi tayo tinigilan na mahalin dahil diyan. Sino ang makakalimot tungkol sa mga pag-ulan ng maternal na mga halik at paternal na mga haplos na tinatanggap natin sa tuwing tayo ay bumabagsak?

Ang kagiliw-giliwang Ama, Na nasa Langit, ay ganyan din ang ginagawa. Niyuyukuan Niya ang Kanyang maliit na anak na umiiyak sa lupa at sasabihin sa kanya: “Huwag umiyak. Palalakihin kita. Sa susunod ikaw ay magiging mas maingat. Halika sa Aking mga bisig ngayon. Dito ang lahat mong problema ay mawawala at aalis kang napalakas, napagaling at masaya”. Iyan ang sinasabi ng ating Ama, Na nasa Langit. At iyan ang Aking sinasabi sa inyo. Kung kayo ay magkakaroon ng pananampalataya sa Ama, magtatagumpay kayo sa lahat. Isang pananampalataya, isipin ninyo, katulad ng pananampalataya ng isang bata. Ang isang bata ay naniniwala na ang lahat ay posible. Hindi siya nagtatanong kung may mangyayari o papaano mangyayari ang isang bagay. Hindi niya sinusukat ang kalaliman ng mga bagay. Naniniwala siya sa mga nagpapasigla ng kompiyansa sa kanya at ginagawa niya kung ano ang sinasabi nila sa kanya. Maging katulad ng mga bata sa Kataastaasan. Gaano Niya minamahal ang mga naliligaw na mga anghel na siyang ang kagandahan ng lupa! Sa ganyan ding pamamaraan minamahal Niya ang mga kaluluwa na naging kasing simple, kasing buti at kasing puro ng isang bata.

Ibig ba ninyong makita ang pananampalataya ng isang bata upang malaman kung papaano magkaroon ng pananampalataya? Tingnan. Kayong lahat ay naawa para sa isang bata na Aking hawak ngayon sa Aking dibdib at na, sa kabaligtaran ng kung ano ang sinasabi ng mga doktor at ng kanyang ina, ay hindi umiiyak habang nakaupo sa ibabaw ng Aking lapi. Kita ninyo? Sa loob ng mahabang panahon wala siyang ginagawang iba bagkus ang umiyak sa araw at gabi nang hindi nakakakuha ng kahit anong pahinga, sa halip dito siya ay hindi kailanman umiyak at nakatulog nang mahimbing sa Aking dibdib. Tinanong Ko siya: “Ibig mo bang pumunta sa Aking mga bisig?” at siya ay tumugon: “Oo”, na hindi iniisip ang kanyang miserableng kalagayan, ang kirot na maaari niyang maramdaman, kapag siya ay ginagalaw. Nakikita ang pagmamahal sa Aking mukha, siya ay nagsabi: “Oo” at siya ay sumama. At wala siyang naramdamang kirot. Masayang-masaya siya na mapunta sa itaas dito, at makita ng mga bagay, pagkatapos na mapatali sa patag na tablang iyon, kinalugdan niya ang makahiga sa malambot na init ng isang katawan at hindi sa ibabaw ng matigas na kahoy, siya ay ngumiti, naglaro at nakatulog hawak pa ang isang buhol ng Aking buhok. Gigisingin Ko na siya ngayon sa pamamagitan ng isang halik...» at si Jesus ay hinahalikan ang dekapeng buhok ng bata na nagigising ngumingiti.

«Ano ang iyong pangalan?»

«Juan.»

«Makinig, Juan. Ibig mo bang maglakad? Ibig mo bang pumunta sa iyong inay at sabihin sa kanya: “Ang Mesiyas ay pinagpapalà kayo dahil sa inyong pananampalataya”?»

«Oo» tugon ng maliit na bata pinapalakpak ang kanyang mga kamay. Pagkatapos siya ay nagtanong: «Papayagan ba Ninyo akong pumunta? Sa mga parang? Wala na yung matigas na tabla? Wala na yung mga doktor na nananakit sa akin?»

«Wala na ulit kailanman.»

«Ah! Gaano ko Kayo kamahal!» at niyakap niya ang leeg ni Jesus at hinahalikan Siya, at upang mahalikan Siya nang mas mabuti, sa pamamagitan ng isang talon siya ay lumuhod sa ibabaw ng mga tuhod ni Jesus at isang ulan ng mga halik ang bumaba sa noo, sa mga mata, sa mga pisngi ni Jesus.

Ang bata, na paralisado hanggang sa puntong ito, sa kanyang tuwa, ay ni hindi nabatid na siya ay nakakagalaw na. Ngunit ang sigawan ng kanyang ina at ng pulutong, ay natauhan siya at siya ay tumalikod na nagtataka. Ang malalaking mata ng kanyang manipis na mukha ay tumitingin sa paligid sa pagtatanong. Nasa kanya pa ring mga tuhod, na ang kanyang kanang kamay nakaikot sa leeg ni Jesus, tinanong niya Siya nang makumpiyansa – tinuturo ang pulutong na nasa kaguluhan at ang kanyang ina, na mula sa kabilang dulo ay tinatawag siya, dinudugtong ang kanyang pangalan sa pangalan ni Jesus: «John! Jesus!» «Bakit ang mga tao at ang aking ina sumisigaw? Ano ang nangyayari sa kanila? Kayo ba si Jesus?»

«Oo, Ako nga. Ang mga tao ay sumisigaw sapagkat masaya sila na nakakalakad ka na. Paalam, munting Juan (Si Jesus ay hinahalikan at pinagpapalà siya). Pumunta ka sa iyong inay at magpakabait.»

Ang bata, nakatitiyak sa kanyang sarili, ay bumababa sa mga tuhod ni Jesus, tumakbo patungo sa kanyang ina, niyakap ang kanyang ina sa leeg at nagsabi: «Si Jesus ay pinagpapalà kayo. Bakit kayo umiiyak kung gayon?»

Nang ang pulutong ay kumalma nang kaunti, si Jesus ay nagsabi sa isang kumukulog na tinig: «Kumilos katulad ng maliit na Juan, kayo na gumagawa ng kasalanan at sinasaktan ang inyong mga sarili. Magkaroon ng pananampalataya sa pagmamahal ng Diyos. Kapayapaan sa inyo.»

At habang ang mga sigawan ng nagpupuring pulutong ay humahalo sa masayang mga luha ng ina, si Jesus ay iniiwan ang silid, sinasamahan ng Kanyang mga disipulo, at ang lahat ay nagtatapos.

(676) 131010/110813

Sunod na kabanata.