126. Si Jesus sa Clear Water: «Hindi ka papatay». Ang Kamatayan ni Doras.

Marso 10, 1945.

¹«Ito ay sinabi: “Hindi ka papatay”. Saan sa dalawang grupo ng mga kautusan ang isang ito kasali? Sinasabi ba ninyong: “Sa ikalawa”? Nakakatiyak kayo? Tatanungin Ko kayo nang isa pa: isang kasalanan ba ang nakapananakit sa Diyos o ang tao na hinampas? Sinasabi ninyo: “Ang tao na hinampas”? Nakatitiyak din ba kayo nito? At isa pang tanong: ito ba ay isang kasalanan lamang ng pagpatay ng tao? Sa pagpatay ba ng isang tao ang isa ba ay nakagagawa lamang ng kasalanan na ito? Sinasabi ninyo: “Ang isa lamang na ito”? Wala bang nagdadalawang-isip tungkol dito? Ibigay ninyo sa Akin ang inyong mga tugon sa isang malakas na tinig. Gawin na ang isa ang magsalita sa katauhan ng lahat. Ako ay maghihintay.» At si Jesus ay yumuko upang haplusin ang isang maliit na batang babae na lumapit sa Kanya at tinitingnan Siya nang nasisiyahan nang lubos, nakakalimutan na ngatngatin ang mansanas na ibinigay sa kanya ng kanyang ina upang siya ay mapatahimik.

Ang isang maringal na matandang lalaki ang tumayo at nagsabi: «Makinig, Guro. Ako ay isang matandang pinuno ng sinagoga at ako ay pinakiusapan na magsalita sa katauhan ng lahat. At ako ay magsasalita. Sa aking palagay, sa palagay naming lahat, na kami ay tumugon ayon sa hustisya at ayon sa kung ano ang naituro sa amin. Ang aking katiyakan ay batay sa Batas tungkol sa pagpatay ng tao at sa mga dagok. Ngunit nalalaman Ninyo kung bakit kami pumarito: upang maturuan, dahil nalalaman namin na Kayo ay Karunungan at Katotohanan. Kung, halimbawa, na ako ay mali, paliwanagan ang aking kadiliman, na ang matandang lingkod ay sana pumunta sa kanyang Hari nakasuot ng liwanag. At gayon din naman, paliwanagan din ang mga taong ito na kasapi sa aking kawan at pumunta kasama ang kanilang pastol upang makainom sa pinanggagalingan ng Buhay» at bago naupo, siya ay yumuko nang may pinakamalaking paggalang.

«Sino kayo, tatay?»

«Si Cleopas, ng Emmaus. Inyong lingkod.»

«Hindi lingkod Ko: lingkod Niya Na nagpadala sa Akin, sapagkat sa Ama kailangan ibigay ang lahat na prayoridad at lahat na pagmamahal sa Langit, sa lupa at sa mga puso. At ang una na nagbibigay sa Kanya ng parangal na ito ay ang Kanyang Salita, Na, mula sa walang pagkakamaling mesa kinukuha at inaalay ang mga puso ng mabubuting tao, katulad ng ginagawa ng pari sa tinapay ng pag-aalay. Ngunit makinig, Cleopas, na sana ikaw ay makapunta sa Diyos na napaliwanagan katulad na ito ay ang iyong banal na mithiin.

²Sa paghuhusga sa isang pagkakamali, kinakailangan na tingnan ang sirkunstansiya na nanguna, naghanda, nangatwiran at nagpaliwanag sa pagkakamali. Ang isang tao na nakagawa ng pagpatay ng tao, bago ipresenta ang sarili sa Diyos upang humingi ng kapatawaran, ay kailangan na tanungin ang sarili: “Sino ang aking nahampas? Ano ang aking hinampas? Saan, sa pamamagitan ng kung anong pamamaraan, bakit, papaano, at kailan ako humampas?”

“Sino ang aking hinampas?”

Isang tao. Sasabihin Ko: isang tao. Hindi Ko tinitingnan kung siya ay mayaman o mahirap, malaya o alipin. Sa ganang Akin, walang mga alipin o malalakas. Mga tao lamang ang naririyan, nilikha ng Isang Diyos, kung gayon silang lahat ay magkakapantay. Sa katunayan, ang pinaka makapangyarihang din na hari sa lupa ay alikabok  sa harapan ng mahestad ng Diyos. At sa Kanyang mga mata, pati na rin sa Akin, isang pagkaalipin lamang ang naririyan: ang kasalanan, at kung gayon isang pagkaalipin sa ilalim ni Satanas. Ang lumang Batas ay nagbibigay ng kaibahan sa pagitan ng malalaya at mga alipin, at mapanuri sa pagitan ng pagpatay sa pamamagitan ng isang dagok at sa pagpatay kung ang taong hinampas ay nabuhay nang isang araw o dalawa at gayon din, kung ang isang buntis na babae ay namatay sa pamamagitan ng mga dagok o ang bunga lamang ng kanyang sinapupunan ang namatay. Ngunit iyan ay sinabi nang ang liwanag ng perpeksiyon ay napakalayo pa. Ngayon ito ay kasama na ninyo at nagsasabi: “Ang sinuman na pumatay ng kanyang kapwa-nilikha ay nakagagawa ng isang kasalanan”. At siya ay nagkakasala hindi lamang laban sa tao, bagkus laban din sa Diyos.

Ano ang tao? Ang tao ay ang naghaharing nilalang na nilikha ng Diyos upang maging ang hari ng sangnilikha at Kanya siyang nilikha sa Kanyang larawan at pagkakatulad, binibigyan siya ng Kanyang pagkakatulad ayon sa espiritu, at ng Kanyang larawan sa pagguhit ng kanyang perpektong imahe mula sa Kanyang perpektong kaisipan. Tingnan ang ere, ang lupa, ang mga karagatan. Nakakakita ba kayo ng isang hayop o isang tanim, gaano man maaaring kaganda nito, na nakakapantay ng tao? Ang mga hayop ay tumatakbo, kumakain, umiinom, natutulog, nagsusupling, nagtatrabaho, umaawit, lumilipad, gumagapang, umaakyat. Ngunit sila ay hindi nagsasalita. Ang tao ay nakakatakbo at nakakalukso din, at napakagaling sa paglukso hanggang sa magaya ang mga ibon; siya ay nakakalangoy, at napakabilis na tila siya ay isang isda; nakakagapang siya at nagmumukhang isang reptil; nakakaakyat siyang katulad ng isang unggoy; nakakaawit siya katulad ng isang ibon. Siya ay nagsusupling at nagpapakarami. At, bukod dito, nakapagsasalita siya.

Huwag sabihin: “Ang bawat hayop ay may kanyang wika”. Totoo, ang isa umuunga, ang isa humuhuni, ang isa pa sumisinghal, ang isa pa sumisiyap, ang isa pa yumuyodel, at ang huling toro ay sisinghal nang eksaktong katulad ng unang toro, at gayon din ang tupa ay huhuni hanggang sa katapusan ng mundo, at ang asno ay laging sisinghal katulad ng unang asno, at ang pipit ay laging sisiyap, habang ang langaylangayan at ang ruwinsensor ay aawitin ang kanilang mga awit: ang una sa araw, ang huli sa isang mabituin na gabi, sa huling araw din ng mundo, nang eksaktong katulad ng kanilang pagbati sa unang araw at sa unang gabi. Ang tao, sa halip, bilang hindi lamang may tinig at isang dila, bagkus mayroon din ng isang sistema ng nerbiyo, na ang sentro nito ay ang utak, ang kinaluluklukan ng katalinuhan, ay nakadarama ng bagong mga pakiramdam, pinagninilayan ang mga ito at binibigyan ito ng mga pangalan.

Si Adan ay tinawag na aso ang kanyang kaibigan at ibinigay ang pangalan na leon sa hayop na tila nakakatulad nito dahil sa kiling nito sa paligid ng may-maikling balbas na mukha nito. Tinawag niyang tupa ang kordero na bumabati sa kanya nang banayad at ibinigay ang pangalan na ibon sa magandang bulaklak na mga balahibo na lumilipad katulad ng isang paru-paro ngunit umaawit ng matamis na awit na hindi maawit ng isang paru-paro. At pagkaraan, sa loob ng maraming siglo, ang mga anak ni Adan ay lumikha ng bagong mga pangalan, habang at kapag “nauunawaan” nila ang mga gawa ng Diyos sa Kanyang mga nilalang, o, sa pamamagitan ng dibinong kislap na nasa tao, sila ay hindi lamang nagsusupling, bagkus lumilikha din ng bagong mga bagay na may-pakinabang o makasasamâ sa kanilang mga anak, depende sa kung sila ay kasama ng Diyos o laban sa Diyos. Ang mga lumilikha at gumagawa ng mabubuting bagay ay kasama ng Diyos. Ang mga lumilikha ng masasamang bagay, nakapipinsala sa kanilang mga kapwa, ay laban sa Diyos. Ang Diyos ay ipinaghihiganti ang Kanyang mga anak na pinahihirapan ng kasamaan ng tao.

Ang tao kung gayon ay ang pinapaboran na nilalang ng Diyos. Kahit na kung siya ngayon ay may kasalanan, siya pa rin ang pinakamamahal na nilalang Niya. Iyan ay pinatototohanan ng katotohanan na Kanyang pinadala ang Kanyang sariling Salita, hindi isang anghel, hindi isang arkanghel, hindi isang kerubin, hindi isang serapin, bagkus Kanyang sariling Salita, nakasuot ng laman ng tao, upang iligtas ang tao. Hindi Niya tinuring ang laman na iyan na di-karapat-dapat upang Siya ay dumanas ng paghihirap at makapagbayad-kasalanan, Na bilang isang Kapurupuruhang Espiritu Mismo, hindi sana Siya maaaring maghirap at magbayad-kasalanan para sa tao.

Ang Ama ay nagsabi sa Akin: “Ikaw ay magiging tao: ang Tao. Gumawa Ako ng isang tao. Siya ay kasing perpekto katulad ng lahat na Aking ginawa. Siya ay nakatalaga sa isang mapayapang pamumuhay, isang kapaya-payapang huling tulog, isang masayang paggising at isang kasaya-sayang eternal na pamumuhay sa Aking selestiyal na Paraiso. Ngunit nalalaman Mo na walang  kontaminado ang makapapasok sa ating Paraiso, sapagkat doon Ako-Tayo, Isa at sangtatlo na Diyos, ay naroon ang Ating Trono. Tanging kabanalan lamang ang pinahihintulutan na makatayo sa harapan nito. Ako ay Siya Na Ako nga. Ang Aking dibinong kalikasan, ang Ating mahiwagang pagigíng ay maaaring maibigay-alam lamang sa mga walang pagkakasala. Ngayon ang tao, kay Adan at sa pamamagitan ng Adan, ay narumihan. Humayo. Linisin siya. Gusto Ko iyan. Mula ngayon Ikaw ang magiging ang Tao. Ang Unang-Panganak. Sapagkat Ikaw ang magiging unang makakapasok dito na may mortal na laman na hindi nagkaroon ng kasalanan, may kaluluwa na hindi nagkaroon ng orihinal na kasalanan. Ang mga nauna sa iyo sa lupa at ang mga darating pagkatapos Mo, ay makatatanggap ng buhay sa pamamagitan ng Iyong kamatayan ng isang Tagapagligtas”. Tanging ang isang ipinanganak lamang ang maaaring mamatay.  Ako ay ipinanganak at Ako ay mamamatay.

Ang tao ay ang pinapaboran na nilalang ng Diyos. Ngayon sabihin sa Akin: kung ang isang ama ay maraming anak, ngunit ang isa ay ang mahal, ang tinititigan ng Kanyang mga mata, at ang isang iyan ay pinatay, ang ama ba na iyan ay hindi maghihirap nang higit pa sa kanyang ipaghihirap kung ibang anak ang pinatay? Iyan ay hindi kailangan na mangyari sapagkat ang isang ama ay kailangan na maging makatarungan sa lahat ng kanyang mga anak. Ngunit ito ay nangyayari sapagkat ang tao ay hindi perpekto. Ang Diyos ay magagawa ito nang may katarungan sapagkat ang tao ay, ang tanging nilikha, sa lahat ng mga nilikhang bagay, na may espirituwal na kaluluwa na kapareho ng kanyang Tagapaglikhang Ama, ang di-mapasisinungalingan na tanda ng kanyang dibinong pinanggalingan na ama.

Kung ang isa ay pinatay ang anak ng isang ama, ang isa ba ay sinasaktan lamang ang anak? Hindi. Ang isa ay sinasaktan din ang ama. Ang isa ay sinasaktan ang anak sa kanyang laman at ang ama sa kanyang puso. Kapwa sila sinugatan. Sa pagpatay ng isang tao, ang isa ba ay sinasaktan lamang ang tao? Hindi. Ang Diyos din. Ang tao sa kanyang laman, ang Diyos sa Kanyang karapatan. Sapagkat ang buhay at kamatayan ay kailangan na maibigay at makuha Niya lamang. Ang pumatay ay ang gumawa ng karahasan sa Diyos at sa tao. Ang pumatay ay ang makialam sa nasasakupan ng Diyos. Ang pumatay ay ang lumabag sa kautusan ng pagmamahal. Ang pumapatay ay hindi nagmamahal sa Diyos, sapagkat tinatapos niya ang isa sa Kanyang mga gawa: ang tao. Ang pumapatay ay hindi nagmamahal sa kanyang kapwa, sapagkat inaalis niya sa kanyang kapwa kung ano ang gusto ng isang mamamatay-tao para sa kanyang sarili mismo: buhay.

Ako kung gayon ay nakatugon sa unang dalawang katanungan.

³“Saan ako humampas?”

Ang isa ay makahahampas sa kalsada, sa loob ng bahay ng isang tao na sinasalakay, o sa pamamagitan ng pang-aakit sa biktima sa kanyang sariling tahanan. Ang isa ay makahahampas sa isa o sa isa pang sangkap ng katawan gumagawa ng isang mas malalang kirot, o gumagawa ng dalawang pagpatay sa iisang pagpatay, sa paghampas sa isang babae na ang kaninong sinapupunan ay nagkakabunga.

Ang isa ay makahahampas sa kalsada nang hindi sinasadya. Ang isang hayop na nakawala mula sa ating pagpipigil ay maaaring makapatay ng isang nagdaraan. Sa kung saang kaso ay walang pagbabalak. Ngunit kung ang isang tao, armado ng isang punyal nakasuot ng pinong pagbabalatkayo na mga damit, ay pumunta sa bahay ng kanyang kaaway – at kadalasan ang isang kaaway ay isang tao na ang tanging pagkakamali ay ang maging mas magaling – inanyayahan siya sa kanyang sariling bahay sa ilalim ng pagkukunwa na pararangalan niya siya, at pagkatapos kinitil ang kanyang lalamunan at itinapon siya sa isang balon, diyan mayroon pagbabalak at ang kanyang kasalanan ay kumpleto sa malisya, kabangisan at karahasan.

Kung pinatay Ko ang isang ina at ang kanyang anak, diyan Ako tatanungin ng Diyos na ipaliwanag ang dalawang kamatayan. Sapagkat ang sinapupunan na nagpapanganak sa isang tao ayon sa kautusan ng Diyos ay sagrado at sagrado ang murang buhay na lumalaki sa loob nito, kung kanino ang Diyos ay nagbigay ng isang kaluluwa.

⁴“Sa papaanong paraan ako humampas?”

Walang kabuluhan magsabi ang isa: “Hindi ko sinasadyang humampas” kung siya ay pumunta armado ng isang mahusay na armas. Sa loob ng atake ng galit, ang isang kamay din ay maaaring maging armas, o ang isang bato na pinulot sa lupa, o isang sanga na kinuha mula sa isang punungkahoy. Ngunit ang sinuman na sinusuri ang kanyang punyal o isang palakol, nang may walang-pakialam na determinasyon, at hinahasa ito kung sa isip niya ito ay hindi pa sapat na matalas, pagkatapos itatago ito nang ligtas sa kanyang katawan upang, bagama't hindi ito nakikita, magiging madali itong hugutin, at dahil handa na nang ganito pumunta sa kanyang kaaway, ay tiyak na hindi makapagsasabi: “Wala akong balak na humampas”. Ang sinuman na naghahanda ng isang lason namimitas ng nakalalason na mga yerba at prutas, ginagawa itong isang pulbos o isang inumin na pagkatapos kanyang iaalok sa biktima bilang panrekado o isang pampalamig, ay tiyak na hindi makapagsasabi: “Hindi ko ginustong pumatay”.

At ngayon makinig, kayong mga babae, mga tahimik na di-naparurusahan na mga mamamatay-tao ng napakaraming buhay, isang pagpatay din ng tao ang magtanggal ng isang bunga na lumalaki sa loob ng isang sinapupunan, dahil ito ay bunga ng pagkakasala, o dahil ito ay isang bunga na hindi ginugusto, bilang isang walang-pakinabang na pabigat sa inyong mga katawan at sa inyong kayamanan. May iisang paraan upang hindi magkaroon ng pabigat na iyan: sa pamamagitan ng pagiging basal. Huwag idugtong ang pagpatay ng tao sa kahalayan, sa karahasan at sa pagsuway, at huwag isipin na ang Diyos ay hindi nakakakita, sa simpleng dahilan na ang tao ay hindi nakakakita. Ang Diyos ay nakikita ang lahat at naaalaala ang lahat. Kailangan ninyo na tandaan din iyan.

⁵“Bakit ako humampas?”

O! para sa gaano karaming mga rason! Ang biglaang kaguluhan ng pag-iisip na nakagagawa sa inyo ng isang marahas na emosyon, katulad ng matagpuan ang higaan ninyong mag-asawa na narumihan, o ang isang magnanakaw sa inyong bahay, o ang isang maruming tao na gustong gumawa ng karahasan sa inyong bata-pang anak na babae, ang malamig na binalak na pagpaplano upang mawala ang isang delikadong saksi, ang isang tao na nakakaharang sa inyong daan, o ang isang tao na ang kaninong pusisyon o lukbutan ay inyong tinatangka; ito ang ilan sa maraming mga rason. At kung mapatatawad pa ng Diyos ang isang tao na sa masakit na pagkasira ng ulo ay naging isang mamamatay-tao, hindi Niya mapatatawad ang naging mamamatay-tao sa pamamagitan ng kasakiman sa kapangyarihan o sa pagtingala ng mga tao.

Laging umasal nang maayos at wala kayong katatakutang mata o salita ng sinuman. Maging masaya sa kung ano ang inyo, at hindi ninyo pagpupursigihan ang pag-aari ng inyong kapwa.

⁶“Papaano ako humampas?”

Bilang wala ring awa pagkaraan ng unang biglaang init ng ulo? Kung minsan hindi mapigilan ng tao ang kanyang sarili. Sapagkat si Satanas ay binubuyo siya sa kasamaan katulad ng pagsibad ng bato mula sa isang maninirador. Ngunit ano ang inyong sasabihin tungkol sa isang bato, na, pagkatapos na marating ang pinupuntirya nito, ay sisibad nang pabalik mismo sa maninirador, upang mapasibad muli at makapanakit pa ulit? Sasabihin ninyo: “Ito ay naalihan ng isang mahikang mala-impiyernong kapangyarihan”. At ganyan ang tao, na pagkatapos ng unang dagok siya ay hahampas ng ikalawa, ikatlo, ikasampung beses, nang walang-pagpipigil na kabangisan. Sapagkat ang galit ay humuhupa at ang rason ang humahalili pagkaraan ng unang bugso, kung ito ay isang bugso ng mauunawaang dahilan. Samantalang ang kabangisan ay lumalaki habang mas nahahampas ang biktima ng isang tunay na mamamatay-tao, ibig sabihin, ng isang satanas, na hindi nakararamdam at hindi makararamdam ng awa para sa isang kapatid sapagkat, bilang satanas, siya ay kapootan na naging tao.

⁷“Kailan ako humampas?”

Sa loob ng unang bugso? Pagkatapos na ito ay humupa? Nagkukunwaring nagpatawad ako samantalang ang aking sama-ng-loob ay lumalaki nang lumalaki? Ako kaya ay naghintay nang maraming taon bago humampas, upang makagawa ng dobleng kirot sa pagpatay sa ama sa pamamagitan ng kanyang mga anak?

Makikita ninyo na sa pagpatay nakakasakit ang isa sa una at sa ikalawang grupo ng mga kautusan. Sapagkat di-tama na kinukuha ninyo ang karapatan ng Diyos at sinisiil ninyo ang inyong kapwa. Ito kung gayon ay isang kasalanan sa Diyos at sa inyong kapwa. Hindi lamang kayo nakagagawa ng pagpatay ng tao. Bagkus nakagagawa kayo ng kasalanan ng galit, ng karahasan, ng pagmamalaki, ng pagsuway, ng paglalapastangan, at kung minsan, kung kayo ay pumapatay upang makapagnakaw ng pusisyon o isang lukbutan, ng kasakiman. Akin lamang babanggitin ito ngayon, at Aking ipaliliwanag ito sa inyo sa mas malawak na detalye sa ibang araw, ang isa ay hindi nakagagawa ng pagpatay ng tao sa pamamagitan lamang ng isang armas o lason. Bagkus pati rin ng paninirang-puri. Pagnilayan iyan.

⁸Sasabihin Ko rin sa inyo: ang panginoon, na sa paghahagupit sa isang alipin, ginagawa ito nang may-panlilinlang, upang siya ay hindi sana mamatay sa kanyang mga kamay, ay nagkakasala nang doble. Ang isang alipin ay hindi pera ng kanyang panginoon: siya ay isang kaluluwa ng kanyang Diyos. At isumpa siya magpakailanman na tumatrato sa kanyang alipin nang masahol pa sa isang toro.»

Ang mga mata ni Jesus ay kumikislap nang may mahestad at ang Kanyang tinig ay kumukulog. Ang lahat ay nakatingin sa Kanya nagtataka, sapagkat kanina Siya ay nagsasalita nang matahimik.

«Maisumpa sana siya. Iniiwasan ng Bagong Batas ang katigasang iyan na makatarungan pa rin noong sa mga tao ng Israel ay walang mga pagpapakunwaring maging mga santo at pinatatalas ang kanilang mga pananalita upang mapagsamantalahan lamang ang Batas ng Diyos o maiwasan ito. Ngunit ngayon na ang Israel ay umaapaw na sa ganyang mga ahas, para kung kanino ang lahat na kapritso ay legal kapag ito ay nababagay sa kanila, mga miserableng malalakas na tinitingnan ng Diyos nang may poot at pagkasuklam, sasabihin Ko: ngayon hindi na ito ganito.

Ang mga alipin ay bumabagsak sa mga bukid o sa mga batong panggiling. Sila ay bumabagsak na may mga butong balì at may mga nerbiyong nalalantad sa paghahagupit. Inaakusahan nila sila ng di-totoong mga krimen, upang sila ay sana mahampas at kung gayon mapangatwiranan ang kanilang maladimonyong  sadismo. Ginagamit pa nga nila kahit ang mga himala ng Diyos, bilang isang akusasyon, upang magkaroon ng karapatan na mahampas sila. Ang kapangyarihan ng Diyos o ang kabanalan ng isang alipin ay hindi makapagpabago sa kanilang masasamang kaluluwa. Hindi sila magawang magbago. Ang kabutihan ay hindi papasukin ang isang kaluluwang bundat sa kasamaan. Ngunit ang Diyos ay nakakakita at nagsasabi: “Tama na iyan”.

Napakaraming Cain ang pumapatay ng mga Abel. At ano sa palagay ninyo, kayong maruruming sepulkro, na ang mga panlabas ay pinaputi at natatakpan ng mga salita ng Batas, at na ang kaninong mga loob ay napangingibabawan ni Satanas bilang isang hari at ang pinaka mapanlinlang na satanismo ay yumayabong, ano sa palagay ninyo? Na si Abel lamang ang anak ni Adan at na ang Diyos ay tumitingin nang paborable sa hindi mga alipin lamang ng tao at na tinatanggihan Niya ang tanging alay na magagawa ng isang alipin: ang kanyang katapatan na napagulang ng mga luha? Hindi, sasabihin Ko sa inyong totoo na ang bawat tao ay isang Abel, kahit na kung siya ay puno ng mga pabigat, kahit na kung siya ay namamatay sa mga daan ng araro, o dumudugo dahil sa inyong pagpapahagupit, at na ang lahat na di-makatarungang mga tao ay mga Cain, na dala ng pagmamalaki, hindi dala ng totoong pagpipitagan, nagbibigay sa Diyos ng kung ano ang kontaminado ng kanilang mga kasalanan at nabahiran ng dugo.

Mga tagapaglapastangan ng mga himala! Mga tagapaglapastangan ng mga tao, mga mamamatay-tao, mga suwail na mga tao!! Layas! Umalis sa paningin Ko! Tama na iyan! Sinasabi Ko: tama na iyan. At masasabi Ko ito, sapagkat Ako ang dibinong Salita Na nagsasalin ng Dibinong Kaisipan. Layas!»

Si Jesus nakatayo sa magaspang na intablado, ay labis na mapangibabaw na Siya’y nakakatakot. Na ang Kanyang kanang kamay nakaunat nang papalabas patungo sa pintuan, ang Kanyang mga mata katulad ng dalawang asul na mga apoy, tila hinahampas Niya ng kidlat ang mga makasalanan na naroroon. Ang maliit na batang babae sa Kanyang paanan ay nagsimulang umiyak at tumakbo sa kanyang ina. Ang mga disipulo ay nagkakatinginan nagtataka at tumitingin sila kung kanino ang pagbabatikos pinararating. Ang pulutong din ay lumilingon at tumitingin nang mapag-usisa.

⁹Sa wakas ang misteryo ay naging malinaw, sa isa pang dulo ng silid, sa labas ng pintuan, medyo nakatago sa likuran ng isang grupo ng matatangkad na mga tagabukid, si Doras ay lumitaw. Nagmumukha siyang mas payat, mas dilaw, mas kulubot, kasama ang kanyang malaking ilong at umuusling baba. Siya ay tinutulungan ng isang katulong na makagalaw sapagkat tila napaparalisa siya. Walang sinuman ang nakakita sa kanya roon, sa gitna ng yarda. Nangangahas siyang magsalita sa kanyang lumalagatok na tinig: «Kayo ba ay nagsasalita sa akin? Iyan ba ay para sa akin?»

«Oo, para sa iyo. Lumabas ka sa Aking pamamahay.»

«Ako ay lalabas. Ngunit malapit na tayong magkaharap, huwag mag-alala.»

«Malapit na? Kaagad. Ang Diyos ng Sinai, katulad ng sinabi Ko sa iyo, ay naghihintay para sa iyo.»

«At sa iyo rin, mayabang na tao, sapagkat ikaw ang may gawa ng aking panghihina at ng nakapipinsalang mga hayop sa aking lupain. Magkikita tayong muli. At ito ay magiging isang kaluguran sa akin.»

«Oo. At hindi mo gugustuhin na makita mo Ako. Sapagkat Ako ang iyong magiging hukom.»

«Ah! Ah! Isum...» Siya ay naghahapuhap, siya ay bumubulong-bulong at bumagsak.

«Siya ay patay na!» sigaw ng kanyang katulong. «Ang panginoon ay patay na! Pagpalain Kayo, Mesiyas, aming tagapaghiganti!»

«Hindi Ako, bagkus ang Diyos, ang eternal na Panginoon. Gawing walang sinuman ang makuntamina. Tanging ang katulong lamang ang mag-aasikaso sa kanyang panginoon. At maging mabuti sa kanyang katawan. At kayong lahat, kanyang mga katulong, maging mabuti. Huwag magbunyi, dala ng mapait na kapootan, dahil siya ay nahampas, upang kayo ay hindi sana maging karapat-dapat na ikundina. Harinawang ang Diyos at ang makatarungan na si Jonah ay lagi ninyong maging mga kaibigan, at Ako kasama nila. Paalam.»

«Ngunit siya ba ay namatay dahil sa Inyong hiling?» tanong ni Pedro.

«Hindi. Ngunit ang Ama ay pumunta sa Akin... Ito ay isang misteryo na hindi mo maiintindihan. Sapat na para sa iyo na malaman na hindi tama na hampasin ang Diyos. Ipinaghihiganti Niya ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang Sarili.»

«Kung gayon, hindi ba Ninyo masasabi sa Ama na gawin ang lahat na napopoot sa Inyo na mamatay?»

«Manahimik! Hindi mo naiintindihan kung ano ang iyong mentalidad! Ako ay Awa at hindi Paghihiganti.»

Ang matandang lalaki, ang pangulo ng sinagoga, ay lumapit at nagsabi: «Guro, nasagot Ninyong lahat ang aking mga katanungan at ang liwanag ay nasa akin. Pagpalain nawa Kayo. Pumunta Kayo sa aking sinagoga. Huwag itanggi sa isang matandang tao ang Inyong salita.»

«Ako ay pupunta. Humayo sa kapayapaan. Ang Panginoon ay sumainyo.»

Habang ang mga pulutong ay umaalis nang unti-unti, ang lahat ay nagtatapos.

(680) 211010/120813 

 

 

 

Sunod na kabanata.