127. Si Jesus sa Clear Water: «Huwag Ilagay ang Inyong Panginoong Diyos sa Pagsubok». Ang Tatlong Disipulo ni Juan Bautista.

Marso 11, 1945.

¹Ito ay isang napakaliwanag na araw ng taglamig: ang sinag ng araw, ang hangin at ang isang maliwanag na kalangitan, lahat asul, wala ni kahit kaunting bakas ng isang ulap. Ito ay maagang umaga. Ang isang magaang latag ng nagyelong hamog, o kung baga ng halos nanigas na namuong hamog, ay katulad ng brilyanteng mga alikabok sa lupa at sa damuhan.

Tatlong lalaki ang papalapit sa bahay. Sila ay naglalakad nang may katiyakan ng mga taong nalalaman kung saan sila patutungo. Nakita nila si Juan na tumatawid sa bakuran, may dalang mga balde ng tubig na kinuha mula sa balon. Tinawag nila siya.

Si Juan ay tumalikod, ibinaba ang mga balde sa lupa at nagsabi: «Kayo ay naririto? Tuloy kayo! Ang Guro ay magiging masaya na makita kayo. Halikayo, bago dumating ang mga pulutong. Maraming tao ang pumupunta rito ngayon!...»

Sila ay ang tatlong pastol na disipulo ni Juan Bautista. Sina Simon, Juan at si Matias ay sinusundan nang masaya ang apostol.

«Guro, may tatlong kaibigan dito. Tingnan» sabi ni Juan pumupunta sa kusina kung saan ang isang malaking apoy ng mga gatong ay lumiliyab nang masigla, nagkakalat ng kaaya-ayang amoy ng kahoy at sunog na laurel.

«O! Kapayapaan sa inyo, Aking mga kaibigan. Ano ang nagdala sa inyo sa Akin? Isang masamang nangyari kay Juan Bautista?»

«Hindi, Guro. Kami ay pumunta rito sa kanyang kapahintulutan. Pinaaabot niya sa Inyo ang kanyang mga pagbati at pinakikiusapan Kayo na irekomenda sa Diyos ang leon na hinahabol ng mga mámamana.  Hindi niya nililinlang ang kanyang sarili tungkol sa kanyang patutunguhan. Ngunit siya ay malaya pansamantala. At siya ay masaya sapagkat marami Kayong tagasunod. Pati na rin ang mga dating nasa kanya. Guro... ibig din namin na sumama sa Inyo, ngunit... ayaw namin na iwanan namin siya ngayon na siya ay inuusig. Maiintindihan Ninyo kami...» sabi ni Simon. 

«Sa kabaligtaran, pinagpapalà Ko kayo dahil diyan. Si Juan Bautista ay karapat-dapat ng respeto at pagmamahal.»

«Oo. Tama Kayo. Si Juan Bautista ay isang dakilang tao, at siya ay lalu’t lalo pang tumatayong katulad ng isang higante. Katulad niya ang agave, na, kapag malapit na itong mamatay, kinukuha ang porma ng dakilang kandelabra na may korteng bulaklak at lumalagablab at nagpapabango. Iyan ang nakakatulad niya. At lagi niyang sinasabi: “Ibig ko lamang na makita Siyang muli...” Ibig niya Kayong makita. Kinuha namin ang sigaw na iyan ng kanyang kaluluwa, at nang hindi siya sinasabihan, ipinaabot namin ito sa Inyo. Siya ay ang “Penitente” at ang “Abstinente”na Propeta. At siya ay naglalahong may banal na mithiin na makita Kayo at mapakinggan Kayo. Ako ay si Tobias, o Matias. Ngunit sa aking palagay ang arkanghel na ibinigay kay Tobit ay hindi naiiba sa kanya. Siya ay napupuno ng karunungan.»

«Hindi sinabi na hindi Ko siya makikita... Ngunit iyan lang ba ang rason kung bakit kayo pumunta? Mahirap maglakbay sa loob ng ganitong panahon. Ngayon ay isang maliwanag na araw. Ngunit magpahanggang sa tatlong araw nang nakaraan, may labis na ulan sa mga daan!»

«Hindi, hindi kami pumunta para lamang diyan. ²Mga ilang araw na ang nakaraan, si Doras, ang Pariseo, ay pumunta sa amin upang mapadalisay. Ngunit si Juan Bautista ay itinanggi sa kanya ang ritwal nagsasabing: “Hindi makalalagos ang tubig kung saan may ganyan kakapal na balat ng kasalanan. Tanging iisa lamang ang makapagpapatawad sa iyo, ang Mesiyas”. Siya pagkatapos ay tumugon: “Pupunta ako sa Kanya. Ibig kong mapagaling at sa aking palagay ang sakit na ito ay dahil sa Kanyang orasyon”. Si Juan Bautista pagkatapos ay tinaboy siyang paalis katulad ng pagtaboy niya kay Satanas. Nang umaalis, nasalubong niya si Juan, na kanyang nakilala mula pa nang panahon nang si Juan ay madalas pumunta kay Jonah, na kung kanino siya ay medyo may relasyon, at sinabi niya sa kanya: “Ako ay pupunta. Silang lahat ay pumupunta. Si Manaen din ay napunta na roon at kahit na ang... sasabihin ko mga puta, (ngunit ginamit niya ang mas maruming salita) ay pumupunta sa Kanya. Ang Clear Water ay puno ng nalolokong mga tao. Ngayon kung pagagalingin Niya ako at aalisin ang Kanyang anathema sa aking lupain, kung anu-anong samahan ng mga parang daga, mga uod at mga kriket na sumusuot sa lupa ang naghuhukay katulad ng mga makinang pandigma, kinakain ang mga binhi at nginangatngat ang mga ugat ng namumungang mga punungkahoy at mga baging, at walang makapatáy sa kanila, ako ay magiging Kanyang kaibigan. Kung hindi... kapahamakan sa Kanya!” Kami ay tumugon sa kanya: “Ikaw ba ay pupunta roon sa ganyang pag-iisip?” Siya ay tumugon: “Sino ang naniniwala sa dimonyong iyon? Maging ano pa man, makagagawa Siya ng pakikipag-alyansa sa akin katulad ng ginagawa Niya sa mga puta”. Kami ay nagpasyang pumunta at sabihin sa Inyo, upang malaman Ninyo kung papaano Ninyo siya haharapin.»

«Ang lahat ay tapos na.»

«Tapos na? Siyempre siya ay may mga bagon at mga kabayo, kami ang aming mga paa lamang. Kailan siya pumunta?»

«Kahapon.»

«At ano ang nangyari?»

«Ito: kung mas gusto ninyong abalahin ang inyong mga sarili tungkol kay Doras, maaari kayong pumunta sa kanyang bahay sa Jerusalem at makipagluksa sa kanya. Inihahanda nila siya para sa kanyang paglilibing.»

«Patay?!»

«Patay. Dito. Ngunit huwag tayong magsalita ng tungkol sa kanya.»

«Oo, Guro... Ngunit... sabihin Ninyo sa amin ang isang bagay. Totoo ba ang kanyang sinabi tungkol kay Manaen?»

«Oo. Nalulungkot ba kayo?»

«O! ito ay aming kaluguran! Kami ay labis na nagsalita sa kanya ng tungkol sa Inyo sa Machaerus! At ano ang gusto ng isang apostol bagkus na ang kanyang Guro ay mahalin? Iyan ang gusto ni Juan, at kami kasama niya.»

«Tama ka, Matias. Ang karunungan ay nasa iyo.»

«At... hindi ko ito pinaniniwalaan. Ngunit kakikilala pa lang namin sa babaeng iyon... Siya ay pumunta rin sa amin hinahanap Kayo, bago ang kapistahan ng mga Tabernakulo. At sinabi namin sa kanya: “Ang hinahanap mo ay wala rito. Ngunit malapit na Siyang pumunta sa Herusalem para sa mga Tabernakulo...” Sinabi namin iyan sa kanya sapagkat si Juan Bautista ay nagsabi sa amin: “Nakikita ba ninyo ang makasalanan na iyon, siya ay isang makapal na balakbak ng dumi, ngunit sa loob siya ay may isang apoy na kailangan na gatungan. Ito ay magiging napakalakas na ito ay lalagos sa balakbak at susunugin ang lahat. Ang dumi ay malalaglag at tanging ang lagablab lamang ang maiiwan”. Iyan ang kanyang sinabi. Ngunit, totoo ba na siya ay natutulog dito, katulad ng sinabi sa amin ng dalawang malalakas na Eskriba na pumunta rito?»

«Hindi. Siya ay nasa loob ng isa sa mga establero ng tagapamahala, mahigit isang milya mula rito.»

«Mala-impiyernong mga dila! Napakinggan ba ninyo iyon? At sila!...»

«Hayaan silang magsabi. Ang mabubuting tao ay hindi pinaniniwalaan ang kanilang mga salita, sila ay naniniwala sa Aking mga gawa.»

«Si Juan ay iyan din ang sinasabi. ³Mga ilang araw na ang nakararaan, ang ilang mga disipulo niya ay nagsabi sa kanya sa presensya namin: “Rabbi, Siya, Na nakasama ninyo sa kabila ng Jordan at sa kung Kanino kayo ay sumasaksi, ay nagbibinyag na ngayon. At lahat sila ay pumupunta sa Kanya. maiiwanan kayo nang walang mga tagasunod”. At si Juan ay tumugon: “Pagpalain ang aking mga tainga na nakakarinig ng balitang ito! Hindi ninyo nababatid kung anong lugod ang binibigay ninyo sa akin. Kailangan na malaman ninyo na ang isang tao ay hindi makakakuha ng kahit ano maliban kung ito ay binibigay sa kanya ng Langit. Mapatutunayan ninyo na sinabi ko: ‘Hindi ako ang Kristo, subalit ako ay pinadala bago sa Kanya upang maihanda ang Kanyang daan’. Ang isang makatarungang tao ay hindi kumukuha ng isang pangalan na hindi naman sa kanya, at kahit na kung ang mga tao ay papupurihan siya sa pagsasabing: ‘Ikaw iyon’, ibig sabihin, ang Santo, sasabihin niya: ‘Totoong hindi, ako ang Kanyang lingkod’ At masayang-masaya siya gayon din, sapagkat iniisip niya: ‘Maaaring ako ay isang maliit na katulad niya, kung ako ay napagkakamalan na Siya’. At ano ba ang gusto ng isang nagmamahal, bagkus ang maging katulad ng tao na kanyang minamahal? Tanging ang nobya lamang ang nakakakuha ng kasiyahan mula sa nobyo. Ang isang abay ay hindi makakakuha nito, sapagkat ito ay magiging imoral at isang pagnanakaw. Ngunit ang kaibigan ng nobyo, na nasa malapit niya at nakakapakinig sa kanyang mga salita na puno ng kaluguran ng kasalan, ay nakakaramdam ng isang dakilang kalugúran na ito ay halos ang kasiyáhan na nagpapasaya sa birhen na pinakasalan ng kanyang kaibigan at nakakatikim ng pulot ng mga salita ng kasalan. Iyan ang aking lugod at ito ay ganap. Ano pa ang ginagawa ng kaibigan ng nobyo, pagkatapos na mapaglingkuran ang kanyang kaibigan sa loob ng ilang buwan at pagkatapos na maihatid ang nobya sa bahay ng kanyang kaibigan? Siya ay umaalis at nawawala. Ganyan din ako! Isa lamang ang mananatili: ang nobyo kasama ang nobya: Ang Tao kasama ang sangkatauhan. O! anong malalalim na mga salita! Kailangan Niyang lumaki pa, kailangan kong lumiit pa. Siya Na nanggagaling mula sa Langit ay mataas sa lahat na iba pa. Ang mga Patriyarka at ang mga Propeta ay nawawala sa Kanyang pagdating, sapagkat katulad Niya ang araw na nagpapaliwanag sa lahat sa pamamagitan ng gayong kaningning na liwanag, na ang mga bituin at ang mga planeta, na nawalan ng liwanag, ay napaniningning nito, at ang mga hindi nawalan ng liwanag, ay natatalo sa kaliwanagan ng sukdulang kaningningan nito. Ganyang ang nangyayari, sapagkat Siya ay nanggagaling sa Langit, samantalang ang mga Patriyarka at ang mga Propeta ay pupunta sa Langit, ngunit hindi sila nanggagaling mula sa Langit. Ang nanggagaling mula sa Langit ay mataas sa lahat na iba pa. At pinapahayag Niya kung ano ang Kanyang nakita at narinig. At wala sa mga  hindi nagtatangkang mapunta sa Langit at kung gayon nagkakaila sa Diyos ang makatatanggap sa Kanyang patotoo. Ang tumatanggap sa patotoo Niya Na bumaba mula sa Langit, ay lumalagdà, sa pamamagitan ng kanyang paniniwala, na ang Diyos ay totoo, at hindi isang sabi-sabi lamang na walang anumang katotohanan, at nakikita niya ang Katotohanan, sapagkat ito ang pinananabikan nang labis ng kanyang kaluluwa. Sapagkat Siya, Na siyang pinadala ng Diyos, ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos, sapagkat binibigyan Siya ng Diyos ng Espiritu nang wala kahit na anong pagpipigil, at ang Espiritu ay nagsasabi: ‘Naririto Ako. Kunin Ako, sapagkat ibig Kong makasama Ka, Na siyang ang kinasisiyahan ng aming pagmamahal’. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak nang walang sukat at inilagay sa Kanyang mga kamay ang lahat. Kung gayon ang sinuman na naniniwala sa Anak, ay may eternal na buhay. Ngunit ang tumatangging maniwala sa Anak ay hindi makakakita ng Buhay. At ang galit ng Diyos ay mananatili sa loob niya at sa kanya”. Iyan ang kanyang sinabi. Iniukit ko ang kanyang mga salita sa aking alaala na sana maulit ko ang mga ito sa Inyo» sabi ni Matias.

«At kita’y Aking pinapupurihan at pinasasalamatan para diyan. ⁴Ang huling Propeta sa Israel ay hindi Siya Na bumaba mula sa Langit, bagkus, sa dahilan na siya ay pinagpalà na may dibinong mga regalo mula pa noong siya ay nasa sinapupunan ng kanyang ina – hindi ninyo nalalaman, ngunit sinasabi Ko sa inyo – ito ay siya na siyang pinakamalapit sa Langit.»

«Ano? O! Sabihin sa amin. Kapag nagsasalita ng tungkol sa kanyang sarili, sinasabi niya: “Ako ay isang makasalanan”.» Kapwa ang mga pastol at mga disipulo ay nananabik na makaalam.

«Noong Ako ay dinadala ng Aking Ina, noong Siya ay buntis sa Ako-Diyos, sa dahilan na Siya ay ang Mapagpakumbaba at ang Mapagmahal na Isa, Siya ay lumakad upang mapaglingkuran ang ina Juan, na siyang Kanyang pinsan sa Kanyang ina, at nagbubuntis sa kanyang katandaang edad. Ngunit si Juan Bautista ay may kaluluwa na, dahil siya ay nasa ika-pito nang buwan. At ang semilya ng tao, nakasarado sa sinapupunan ng kanyang ina, ay lumukso sa tuwa nang mapakinggan ang tinig ng Esposa ng Diyos. Isang prekursor din sa ganyan, pinangunahan niya ang lahat na mga natubos na kaluluwa, sapagkat ang Grasya ay naipaabot mula sa isang sinapupunan hanggang sa isa pa at nanlalagos, kinansela nito ang Orihinal na Kasalanan mula sa kaluluwa ng bata. Sasabihin Ko kung gayon na sa lupa tatlo ang nagtataglay ng Karunungan, katulad na sa Langit Tatlo rin ang Siyang Karunungan: ang Salita, ang Kanyang Ina, ang Prekursor sa lupa; ang Ama, ang Anak, ang Espiritu Santo sa Langit.»

«Ang aming mga kaluluwa ay ganap na namamangha, halos katulad nang kami ay sinabihan: “Ang Mesiyas ay pinanganak na...” Sapagkat Kayo ang Kalaliman ng Awa at ang aming Juan ay ang kalaliman ng kababaang-loob.»

«At ang Aking Ina ay ang kalaliman ng kadalisayan, ng grasya, ng karidad, ng pagsunod, ng kababaang-loob, at ng iba pang mga birtud na nanggagaling sa Diyos at ipinagkakaloob ng Diyos sa Kanyang mga santo.»

«Guro» sabi ni Santiago ni Zebedeo. «May malaking bilang ng mga tao.»

«Tayo na. Makakasama rin kayo.»

Ang pulutong ay isang napakalaking bilang ng mga tao.

«Kapayapaan sa inyo» sabi ni Jesus. Siya ay ngumingiti at pambihirang-pambihirang ang Kanyang ngiti ay napakaningning. Ang mga tao ay nagbubulungan at tumatango sa Kanya. May malaking pag-uusyoso.

«Ito ay sinabi: “Huwag ilagay sa pagsubok ang inyong Panginoong Diyos”.

Ang kautusan na ito ay madalas nakakalimutan. Nailalagay natin ang Diyos sa pagsubok kapag ibig natin na ipilit ang ating kalooban sa Kanya. Nailalagay natin ang Diyos sa pagsubok kapag padalus-dalos tayong kumikilos laban sa mga alituntunin ng Batas, na banal at perpekto at sa espirituwal na gawi nito, ang pangunahing gawi, tinitingnan at pinangangalagaan din nito ang laman na nilikha ng Diyos.

Kahapon nakita ninyo kung anong kaparusahan ang naghihintay para sa mga nanunuya sa Diyos. Ang Eternal na Diyos, Na puno ng habag para sa mga nagsisisi, ay napakahigpit sa di-nagsisising mga kaluluwa, na kahit ano pa man ang mangyari ay hindi gumagawa ng pagsasatama sa kanilang mga sarili. Pumupunta kayo sa Akin upang makapakinig ng salita ng Diyos. Pumupunta kayo upang makatanggap ng mga himala. Pumupunta kayo upang mapatawad. At ang Ama ay binibigay sa inyo ang Kanyang salita, ang Kanyang mga himala at ang Kanyang kapatawaran. At hindi Ko ikinalulungkot na Ako ay bumaba mula sa Langit, sapagkat nakapagbibigay Ako sa inyo ng mga himala at kapatawaran at nagagawa Ko kayong maintindihan ang Diyos.

Ang taong iyon ay hinampas, katulad ni Nadab at ni Abihu, sa pamamagitan ng apoy ng dibinong galit. Ngunit kailangan na magpigil kayo sa paghuhusga sa kanya. Kung ano ang nangyari, isang bagong himala, ay dapat na magawa kayo na magnilay kung papaano ang isa kailangan na kumilos upang ang Diyos ay kanyang maging kaibigan. Ginusto niya ang tubig ng pagsisisi nang wala namang sobrenatural na espiritu. Ginusto niya iyon para sa isang makataong espiritu. Bilang isang mahikang pamamaraan upang mapagaling ang kanyang sakit at makalaya siya sa kanyang kalamidad. Ang lahat na kanyang pinupuntirya ay ang kanyang katawan at ang kanyang aanihin. Hindi ang kanyang kaawa-awang kaluluwa, na isang walang halaga sa kanya. Ang kanyang tanging mga pinahahalagahan ay ang buhay at pera.

Sasabihin Ko: ang isang puso ay nasa kung saan naroroon ang kayamanan nito, at ang kayamanan ay nasa kung saan ang puso. Ang kayamanan kung gayon ay nasa loob ng puso. Sa loob ng kanyang puso siya ay may pagkauhaw para sa buhay at para sa maraming pera. Papaano niya ito kukunin? Sa pamamagitan ng kahit anong pamamaraan. Sa pamamagitan din ng krimen. At kung gayon, ang kanya bang hiling ng binyag ay hindi panunuya sa Diyos at paglagay sa Kanya sa pagsubok? Ang sinsirong pagsisisi para sa kanyang mahabang makasalanan na pamumuhay ay naging sapat na sana upang makakuha para sa kanya ng isang banal na kamatayan at kung ano ang makatarungan na magkaroon sa lupa. Ngunit siya ay hindi nagsisisi. Dahil wala siyang ibang minahal bagkus ang kanyang sarili, siya ay umabot sa punto na ni ang kanyang sarili ay hindi na niya minamahal. Sapagkat ang kapootan ay pinapatay din nito ang hayop na makasariling-pagmamahal ng tao para sa kanyang sarili. Ang mga luha ng sinsirong pagsisisi ay sana ang naging kanyang nagpapadalisay na tubig. At iyan sana ay maging totoo para sa inyong lahat na nakikinig sa Akin. Sapagkat walang sinuman ang walang kasalanan, at kayong lahat kung gayon ay nangangailangan ng tubig na iyan. Bumubukal mula sa inyong mga puso, ito ay bababa sa inyo at huhugasan kayo, nililinis nito kung ano ang narumihan, itinataas nito kung ano ang nakapatirapa, naglalagay ito ng buhay sa mga pinadugo ng kasalanan.

Ang lalaking iyon ay kinasasabikan lamang ang mga walang-kuwentang bagay ng lupa. Ngunit may iisang problema lamang na dapat magawa ang tao na mag-isip-isip. At iyan ay ang eternal na problema na mawala ang Diyos. Hindi siya nagkulang na gawin ang ritwal ng mga pag-aalay. Ngunit hindi niya inialay sa Diyos ang sakripisyo ng kanyang espiritu, ibig sabihin, hindi siya tumigil sa pagkakasala, hindi siya gumawa ng pagsisisi at humingi ng kapatawaran sa pamamagitan ng mabubuting gawain., Ang mapagkunwaring mga alay na ginagawa sa pamamagitan ng mga kayamanan na ilegal na nakuha ay katulad sa mga hiling na ginagawa sa Diyos na maging isang kasabwat sa mga masasamang kilos ng tao. Iyan ba ay kailanman maaaring mangyari?  Hindi ba iyan isang panunuya sa Diyos. Ang Diyos ay tinatanggihan siya na nagsasabi: “Gumagawa ako ng mga sakripisyo” ngunit nananabik na magpatuloy sa pagkakasala. Ang pisikal bang pag-aayuno ay may benepisyo kung ang kaluluwa ay hindi tumitigil sa pagkakasala?

Harinawang ang kamatayan ng lalaking namatay dito ay magawa kayong magnilay tungkol sa mga kondisyon na kinakailangan upang mamahal ng Diyos. Ngayon sa loob ng kanyang marangyang tirahan ang kanyang mga kamag-anak at ang mga inupahang mga tagapagluksang mga babae ay nagluluksa sa kanyang labí  na malapit nang dalhin sa sepulkro nito. O! Isang tunay na pagluluksa at isang tunay na labí! Wala nang iba bagkus isang labí! Wala bagkus nawalan-ng-pag-asa na pagluluksa. Sapagkat ang kaluluwa na dating patay na ay mahihiwalay magpakailanman sa mga minamahal niya gawa ng pagkakamag-anak sa dugo o ng pagkakatulad ng pag-iisip. Kahit na kung ang tirahan din na iyon ay pag-iisahin sila magpakailanman, sila ay mahahati-hati ng kapootan na naghahari roon. Pagkatapos ang kamatayan ang “totoong” pagkakahiwalayan. Mas mabuti pa kung ang tao, nang napatay niya ang kanyang kaluluwa, ay pinagnilayan ang kanyang sarili, kaysa ng pagnilayan ng ibang mga tao, at sa gayon, sa pamamagitan ng mga luha ng isang totoo at mapagpakumbabang puso, nabigyan niya ulit ng buhay ang kanyang kaluluwa, sa pamamagitan ng kapatawaran ng Diyos.

Humayo. Na walang kapootan o komentaryo. Na wala bagkus kababaang-loob. Katulad na nagsalita Ako ng tungkol sa kanya dala ng katarungan, nang walang kapootan. Ang buhay at kamatayan ay natuturuan tayo kung papaano dapat na mamuhay nang maayos at ikamatay ang isang masayang kamatayan, at sakupin ang buhay na walang kamatayan. Ang kapayapaan ay mapasainyo.»

Walang mga maysakit, walang mga himala, at si Pedro ay nagsabi sa tatlong disipulo ni Juan Bautista: “Nalulungkot ako para sa inyo.»

«O! Hindi na iyon kinakailangan. Kami ay naniniwala nang hindi nakakakita. Nasa amin ang himala ng Kanyang kapanganakan at nagawa kami nito na maniwala. At ngayon nasa amin ang Kanyang salita upang matulungan ang aming pananampalataya. Hinihingi lamang namin na mapaglingkuran ito hanggang sa kami ay makarating sa Langit, katulad ng aming kapatid na si Jonah.»

Ang lahat ay nagtatapos.

 (687) 211010/130813


 

 

Sunod na kabanata.