128. Si Jesus sa Clear Water: «Hindi mo Pagnanasaan ANG Asawa ng Iyong Kapwa».

Marso 12, 1945.

¹Si Jesus ay nagdaraan sa gitna ng isang napakalaking pulutong at tinatawag Siya nila mula sa lahat na direksiyon. Ang ilan ay pinakikita ang kanilang mga sugat, ang ilan ay binabanggit ang kanilang mga kamalasan, ang ilan ay simpleng nagsasabi: «Maawa sa akin», ang ilan ay pinakikita sa Kanya ang kanilang maliliit na anak at hinihingi sa Kanya na pagpalain sila. Ang maliwanag na kalmanteng araw ay nagdala ng isang napakalaking bilang ng mga tao.

Nang si Jesus ay halos nasa Kanya nang lugar, ang isang madaing na iyak ay narinig mula sa maliit na landas na patungo sa ilog: «Anak ni David, maawa sa isang di-masayang tao!»

Si Jesus ay tumingin sa direksiyon na iyon at gayon din ang pulutong at ang Kanyang mga disipulo. Ngunit ang isang palumpungan ay naitatago nito ang nangungusap na lalaki.

«Sino ka? Lumabas ka?»

«Hindi ako makalalabas. Ako ay hindi malinis. Kailangan kong pumunta sa pari upang mapalayas sa mundo. Ako ay nagkasala at ang ketong ay kumapit sa aking katawan. Umaasa ako sa Inyo.»

«Isang ketongin! Isang ketongin! Isinumpa! Batuhin natin siya!» sigaw ng pulutong na nasa pagkakagulo.

Si Jesus sa pamamagitan ng isang kilos ay iniutos ang katahimikan at kakalmahan. «Hindi siya mas di-malinis kaysa sa sino pa mang nagkakasala. Sa mga mata ng Diyos ang isang di-nagsisisi ay mas di-malinis kaysa sa isang nagsisising ketongin. Kung kayo ay makapaniniwala, sumama kayo sa Akin.»

Ang mga disipulo at ilan na usyosong mga tao ay sumunod kay Jesus. Ang iba ay pinahahaba ang kanilang mga leeg at nananatili sa kinaroroonan nila.

Si Jesus ay pumunta lampas pa sa bahay at sa maliit na landas, patungo sa palumpungan. Pagkatapos Siya ay tumigil at nag-utos: «Ipakita mo ang iyong sarili.»

Ang isang bata-pang lalaki, matanda nang kaunti kaysa sa isang tinedyer, ay lumitaw. Ang kanyang mukha, na guwapo pa at sariwang tingnan, ay namamarkahan nang kaunti ng napakanipis na bigote at balbas. Ang kanyang mga mata ay mapula sa kaiiyak.

Siya ay dinadakila ng isang grupo ng kababaihan na mga nakabelo, na dati mga umiiyak sa bakuran ng bahay noong si Jesus ay dumaraan at ngayon umiiyak nang mas malakas pa dahil sa mga banta ng pulutong. «O! anak!» sigaw ng isang babae na hinihimatay sa mga bisig ng isa pang babae, baka isang kamag-anak o isang kaibigan. hindi ako nakatitiyak.

Si Jesus ay nagpapatuloy nang mag-isa patungo sa di-masayang tao. «Ikaw ay bata pa. Papaano ka naging ketongin?»

Ang binata ay ibinaba ang kanyang mga mata, namumula, bumubulong ngunit hindi na nagsikap pa. Si Jesus ay inulit ang Kanyang tanong. Ang lalaki ay nagsalita ng kung ano nang mas malinaw, ngunit kaunting mga salita lamang ang maiintindihan: «... ang aking ama... pumunta ako... kami ay nagkasala... hindi lamang ako...»

«Ang iyong ina ay nasa banda roon, umaasa at umiiyak. Ang Diyos sa Langit ay nakaaalam. Ako ay naririto at nalalaman Ko. Ngunit kailangan Ko ang iyong pagkakapahiya, upang Ako ay sana maawa sa iyo. Magsalita.»

«Magsalita, anak. Maawa sa sinapupunan na nagdala sa iyo» hinagpis ng ina na kinaladkad ang sarili patungo sa kung saan nakatayo si Jesus at ngayon, sa kanyang mga tuhod, di-nalalaman na hinahawakan niya ang laylayan ng tunika ni Jesus ng isang kamay, habang inuunat ang isa pang kamay patungo sa kanyang anak, lumuluha ng nakapapasong mga luha.

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa ulo ng babae. «Magsalita» muling sabi ni Jesus.

Ako ang kanyang panganay na anak at tinutulungan ko ang aking ama sa kanyang pangangalakal. Pinadala niya ako sa Jericho nang maraming beses upang tingnan ang kanyang mga suki at... ang isa... ay may napakagandang bata-pang asawa... Nagustuhan ko siya. Sumige pa ako kaysa sa dapat kong ginawa... Nagustuhan niya ako... Nananabik kami sa isa’t isa... at kami ay nagkakasala habang wala ang kanyang asawa... Hindi ko alam kung ano ang nangyari, sapagkat siya ay malusog. Oo. Hindi lamang na ako ay malusog at gusto ko siya... siya ay malusog din, at gusto niya ako. Hindi ko alam kung gusto niya ang ibang mga lalaki, bukod sa akin, at ako ay nahawaan... Siya pagkaraan ay nanghina at ngayon siya ay nasa gitna na ng mga libingan, inilibing nang buhay... At ako... at ako... Inay! Nakita ninyo ito. Ito ay isang maliit na batik, ngunit sinasabi nila na ito ay ketong at ako ay mamamatay nito. Kailan?... Walang buhay... walang tahanan walang ina! O! inay! Nakikita ko kayo ngunit hindi ko kayo mahalikan! Ngayong araw sila ay darating upang halbutin ang aking mga damit at palayasin ako sa bahay... sa nayon... Mas malala pa ako kaysa sa patay. Ni hindi ko makakasama ang aking ina sa pagluluksa sa aking labí ...»

Ang binata ay umiiyak. Ang kanyang ina ay nakakatulad ng isang punungkahoy na marahas na inuuga ng hangin, siya ay umiiyak nang nanginginig. Ang mga tao ay nagkukumento ng magkakasalungat na mga damdamin.

Si Jesus ay malungkot. Sinabi Niya: «At nang gumagawa ka ng kasalanan, hindi mo ba inisip ang iyong ina? Sirang-sira ba ang iyong ulo na hindi mo naalaala na mayroon kang isang ina sa lupa at isang Diyos sa Langit? At kung walang ketong na lumabas sa iyo, malalaman mo ba na sinaktan mo ang Diyos at ang iyong kapwa? Ano ang ginawa mo sa iyong kaluluwa? At sa iyong kabataan?»

«Ako ay tinukso...»

«Ikaw ba ay isang maliit na sanggol na hindi mo nalalaman na ang prutas na iyon ay isinumpa? Karapat-dapat kang mamatay na hindi kinaaawaan.»

«O! Kaawaan! Tanging Kayo lamang ang maaawa...»

«Hindi Ako. Ang Diyos. At kung manunumpa ka ngayon na hindi ka na muli magkakasala.»

«Sinusumpa ko ito. Iligtas Ninyo ako, Panginoon. Sa loob lamang ng kaunting mga oras ako ay isusumpa. Inay!... Tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong mga luha... O! Inay!»

Ang babae ay wala nang natitira pang tinig. Hinawakan niya ang mga paa ni Jesus at tumingala na ang mga mata nakadilat sa kirot. Ang kanyang mukha ay may trahedyang tingin ng isang taong nalulunod at nalalaman na nakahawak siya sa huling suporta na maaaring makapagligtas sa kanya.

Si Jesus ay tiningnan siya. Ngumiti Siyang nahahabag: «Tumayo kayo, inay. Ang inyong anak ay magaling na. Ngunit alang-alang sa inyo, hindi sa kanya.»

Ang babae ay hindi pa ito mapaniwalaan. Sa kanyang pakiramdam hindi maaaring ang kanyang anak ay napagaling na, bilang napakalayo, at iniiling niya ang kanyang ulo sa pagtanggi, patuloy sa pag-iyak.

«Lalaki: alisin mo ang iyong tunika sa iyong dibdib. Diyan ka nagkaroon ng batik. Upang ang iyong ina ay mapaginhawahan.»

Ang binata ay ibinaba ang kanyang tunika at lumalabas na hubad sa mga mata ng lahat. Ang kanyang balat ay ang makinis na malinis na balat ng isang malusog na bata-pang lalaki.

«Tingnan ninyo, inay» sabi ni Jesus, at Siya ay yumuko upang patayuin ang babae. Ang Kanyang ginawa ay nagsisilbi din na mapigilan siya, habang ang kanyang makainang pagmamahal at ang makita ang himala ay maitulak siyang pumunta sa kanyang anak, nang hindi naghihintay sa puripikasyon ng anak. Sa dahilan na nababatid niya na imposibleng makapunta siya sa kung saan tinutulak siya ng kanyang makainang pagmamahal, siya ay nagpahingalay sa dibdib ni Jesus at hinahalikan niya Siya sa isang totoong malugod na kasiyahan. Siya ay lumuluha, ngumingiti, humahalik, nagpapalâ... at si Jesus ay hinahaplos siya nang naaawa. Pagkatapos sinabi Niya sa binata: «Pumunta sa pari. At alalahanin na ikaw ay pinagaling ng Diyos para sa iyong ina at na ikaw ay sana maging makatarungan sa hinaharap. Lakad.»

Ang binata ay umalis pagkatapos na pagpalain ang Tagapagligtas at, nang may distansiya sinusundan siya ng kanyang ina at ng iba pang mga babae na kasama ng ina. Ang pulutong ay umaawit ng mga hosana.

²Si Jesus ay bumalik sa Kanyang lugar.

«Ang binata rin na iyon ay nakalimot na may isang Diyos Na nag-uutos ng tapat na mga moral. Nakalimutan niya na ipinagbabawal na gumawa para sa sarili ng mga diyos na hindi naman Diyos. Nakalimutan niya na ipangilin ang Sabbath katulad ng itinuro Ko sa inyo. Nakalimutan niya ang mapagmahal na paggalang para sa kanyang ina. Nakalimutan niya na ipinagbabawal ang pakikiapid, ang pagnanakaw, ang maging huwad, ang magnasa sa asawa ng kanyang kapwa, ang patayin ang sarili at ang kanyang kaluluwa, ang mangalunya. Nakalimutan niya ang lahat. Nakita ninyo kung papaano siya nahampas.

Ang “Hindi mo pagnanasaan ang asawa ng iyong kapwa” ay nakaugnay sa “Hindi ka mangangalunya”. Ang kahalayan ay laging nauuna sa mga gawa. Ang tao ay napakahina na magnasa para sa isang bagay nang hindi kinasisiyahan ang kanyang mithiin. At, ang lubos na nakalulungkot, ang tao ay hindi makakilos nang gayon din tungkol sa kanyang matapat na mga mithiin. Sa kasamaan ang tao ay nangangarap at pagkatapos pinangyayari ang kanyang pangarap. Sa kabutihan siya ay nangangarap at pagkatapos tumitigil, kung hindi siya umaatras.

Sa dahilan na ang makasalanang mga mithiin ay malawak na nakakalat katulad ng mga damo na kumakalat mismo, uulitin Ko sa inyong lahat, kung ano ang Aking sinabi sa binata: kayo ba ay maliit na sanggol na hindi ninyo nalalaman na ang panunuksong iyan ay nakalalason at ito ay kailangan na iwasan? “Ako ay tinukso”. Ang lumang dahilan! Ngunit sa dahilan na ito rin ay isang lumang halimbawa, kailangan na maalaala ng tao ang mga kalalabasan nito at kung gayon magsabi: “Hindi”. Ang ating kasaysayan ay hindi nagkukulang ng mga halimbawa ng mga basal na tao na nagpursige nang ganyan sa kabila ng lahat na mga panggaganyak ng sekso at ng mga pagbabanta ng mararahas na tao.

Ang panunukso ba ay masama? Hindi ito masama. Ito ay trabaho ng Masamang Isa. Ngunit ang sinuman na nakapangingibabaw dito, ay nagagawa itong kaluwalhatian.

Ang isang asawang lalaki na nakikipagtalik sa ibang mga babae, ay isang mamamatay-tao ng kanyang asawa, ng kanyang mga anak at ng kanyang sarili. Ang sinuman na pumapasok sa tahanan ng kanyang kapwa upang makiapid ay isang magnanakaw, at isa sa pinaka karuwagang gawain. Katulad ng isang ibong kukko, kinasisiyahan niya ang pugad ng may-pugad, nang walang anumang gastos. Ang sinuman na nanloloko sa mabuting katapatan ng isang kaibigan, ay isang manlilinlang, sapagkat ginagaya niya ang isang pagkakaibigan na sa katotohanan wala siya nito. Ang umaasal nang ganito, ay hinahamak ang sarili at ang kanyang mga magulang. Kung gayon, makakasama ba niya ang Diyos?

Ginawa Ko ang himala para sa kaawa-awang inang iyon. Ngunit nakararamdam Ako ng gayong pagkasuklam sa kahalayan, na nababalisa Ako nito. Kayo ay sumigaw dala ng takot at  panginginig sa matinding takot sa ketong. Ang Aking kaluluwa ay sumigaw dala ng pagkasuklam sa kahalayan. Ako ay napaliligiran ng lahat nang posibleng paghihirap at Ako ay ang Tagapagligtas ng lahat na ito. Ngunit mas gusto Ko pang hipuin ang isang labí , isang makatarungang tao na ang kaninong naagnas na laman ay naging tapat at ngayon namamayapa sa kanyang kaluluwa, kaysa sa lumapit sa sinuman na nangangamoy ng kahalayan. Ako ang Tagapagligtas, ngunit Ako ang Inosenteng Isa. Iyan ay kailangan na maalaala ng lahat na pumupunta rito o magsasalita ng tungkol sa Akin, ipinararatang sa Aking katauhan ang kanilang sariling masisimbuyong damdamin.

Natanto Ko na gusto ninyo ng ibang bagay pa mula sa Akin. Ngunit hindi Ko magagawa. Ang kasiraan ng isang kabataan, halos hindi pa napoporma at nasira na ng kahalayan, ay nakabalisa sa Akin nang higit pa kaysa sa nahipo Ko ang Kamatayan.

Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Si Jesus, sa katunayan, ay maputlang-maputla, na tila Siya ay naghihirap. Ngumiti lamang Siya muli nang niyukuan Niya ang mga batang may sakit o ang mga imbalido na nakahiga sa mga estretser. Pagkatapos Siya ay nasa Kanyang sarili muli. Lalo na nang inilagay Niya ang Kanyang daliri sa loob ng bunganga ng isang maliit na piping batang lalaki, mga sampung taong gulang, at ginawa siyang magsabi ng: «Jesus» at pagkatapos ng «Inay».

Ang mga tao ay umalis nang unti-unti.

³Si Jesus ay nananatili at naglalakad sa loob ng sikat ng araw, na bumubuhos sa bakuran, hanggang sa ang Iskariote ay pumunta sa kanya at nagsabi: «Guro, ang aking isip ay hindi makapagpahinga...»

«Bakit, Judas?»

«Dahil sa mga taong iyon sa Herusalem... Kilala ko sila. Hayaan akong makapunta roon nang ilang mga araw. Hindi ko hinihingi sa Inyo na ipadala ako roon nang nag-iisa. Sa kabaligtaran, pakiusap na huwag Ninyong ipahintulot iyan. Ipadala sina Simon at Juan kasama ko. Napakabuti nila sa akin sa aming unang paglalakbay sa Judea. Ang isa ay pinalalamig ang aking kainitan, ang isa pa ay pinadadalisay ang aking mga pinaka naiisip. Hindi Ninyo mapaniniwalaan kung ano si Juan sa akin! Siya ay hamog sa aking kasiglahan at langis sa aking nababalisang tubig... Maniwala sa akin.»

«Alam Ko. Hindi ka magtataka, kung gayon, kung bakit gustung-gusto Ko siya. Siya ay ang Aking kapayapaan. Ngunit ikaw din kung lagi kang magiging mabuti ay Aking magiging konsolasyon. Kung gagamitin mo ang mga regalo ng Diyos, na ikaw ay may napakarami, sa paggawa ng mabuti, katulad ng iyong ginagawa nang mga nakaraang araw, ikaw ay magiging isang tunay na apostol.»

«At mamahalin Ninyo ako katulad ng pagmamahal Ninyo kay Juan?»

«Minamahal kita nang gayon pa rin, Judas. Kaya lang mamahalin kita nang walang pagkabalisa o kapighatian.»

«O! Guro, gaano Kayo ka-buti!»

«Maaari kang pumunta sa Herusalem. Ngunit ito ay magiging walang pakinabang. Ngunit ayaw Kong biguin ang iyong mithiin na matulungan Ako. Sasabihin Ko kaagad kina Simon at Juan. Tayo na. Nakita mo kung papaano ang iyong Jesus naghihirap para sa ilan na mga kasalanan? Katulad Ko ang isa na kabubuhat pa lamang ng isang bagay na napakabigat. Huwag na ulit Akong bigyan ng ganyang kirot. Hindi na kailanman muli...»

«Hindi, Guro, minamahal ko Kayo. Alam Ninyo... Ngunit ako ay mahina...»

«Ang pagmamahal ay nagpapalakas.»

Pumunta sila sa loob ng bahay at ang lahat ay nagtatapos.

                                 ----------------------------------------------------------------------------

⁴At mabuti na ang ganito, sapagkat masama ang aking pakiramdam: sa moral. At nalalaman ninyo ang dahilan. Sa pisikal – maaaring ngayon ay panahon ng Pasyon, o dahil nagsulat ako nang napakarami, hindi ko talaga malaman kung bakit – sa teribleng panahon na ito ngayon madalas akong magkaroon ng mataas na temperatura at iniinda ko ang mga kirot sa loob ng aking mga baga, sa aking gulugod at sa aking tiyan. Sa palagay ko naaapektuhan pa ako ng Compito¹. Ipinaghihirap ko ang konsekwensiya ng lahat ng pagiging-basà  at kakulangan ng sikat ng araw sa mahal na nayon na iyon.

 (692) 211010/140813




¹ Ang Compito ay ang nayon kung saan ang awtor ay inilikas nang panahon ng digmaan.

 

 

 

 

 

Sunod na kabanata.