129. Si Jesus sa Clear Water. Pinagaling Niya ang Baliw na Romano at Nagsalita sa mga Romano.

Marso 13, 1945.

¹Sa araw na ito si Jesus ay kasama ang siyam na natitirang mga disipulo, dahil ang tatlo pang iba ay umalis patungong Herusalem. Si Tomas, na laging masayahin, ay abala kapwa sa kanyang mga gulay at sa mas espirituwal na mga gawain, habang sina Pedro, Felipe, Bartolomeo at si Mateo ang tumitingin sa mga peregrino, at ang iba pa ay pumunta sa ilog upang magbinyag. Isang tunay na pagbibinyag ng pagsisisi, gawa ng napakalamig na hangin!

Si Jesus ay nasa Kanya pa ring sulok sa kusina, habang si Tomas ay pauli-uli sa paligid, ngunit napakatahimik upang maiwanan ang Guro sa kapayapaan, nang si Andres ay pumasok at nagsabi: «Guro, may isang lalaki na malala ang sakit, na sa palagay ko ay kailangan na mapagaling kaagad sapagkat... Sinasabi nila na siya ay baliw, sapagkat sila ay hindi mga Israelita. Sasabihin natin na siya ay nalulukuban. Siya ay humahagulhol, sumisigaw at namimilipit. Halikayo at tingnan Ninyo siya Mismo.» 

«Ako ay pupunta kaagad. Nasaan siya?»

«Siya ay nasa bukid pa. Napapakinggan ba Ninyo ang paghagulhol na iyon? Siya iyon. Ang tunog nito ay katulad ng isang hayop, ngunit siya iyon. Maaaring siya ay mayaman sapagkat sinasamahan siya ng isang nakadamit-nang-maayos na lalaki at siya ay inilabas mula sa isang magarang bagon ng maraming katulong. Maaaring siya ay isang pagano sapagkat isinusumpa niya ang mga diyos ng Olympus.»

«Tayo na.»

«Pupunta ako upang makita ko rin siya» sabi ni Tomas, na mas mausisang makakita kaysa mag-aalala tungkol sa kanyang mga gulay.

Sila ay lumabas at sa halip na magpatungo sa ilog, binago nila ang kanilang mga hakbang patungo sa mga bukid, na naghihiwalay sa “farmstead” na ito (katulad sa tawag natin nito) mula sa bahay ng tagapamahala.

Ang ilan sa mga tupa na nanginginain sa isang parang ay nahintakutan at kumalat sa lahat na direksiyon. Ang pastol at ang isang aso – ito ang ikalawang aso na lumitaw sa aking mga bisyon – ay nagsisikap na ipunin sila nang walang mangyari. Sa gitna ng parang ay may isang lalaki na naitali nang mahigpit, ngunit gayunpaman siya ay lumuluksong katulad ng isang baliw at nagpapalabas ng nakakatakot na mga sigaw, na lalong dumarami habang papalapit si Jesus.

Sina Pedro, Felipe, Mateo at Natanael ay nakatayo sa malapit, nalilito. May ilan din na ibang mga tao roon, lahat lalaki, sapagkat ang mga kababaihan ay natatakot.

«Kayo ay naparito, Guro? Tingnan kung anong kabangisan siya!» sabi ni Pedro.

«Mamaya lang tapos na iyan.»

«Ngunit siya ay isang pagano, alam Ninyo?»

«At ano ang pakialam niyan?»

«Eh!... dahil sa kanyang kaluluwa...»

Si Jesus ay ngumingiti nang kaunti at nagpapatuloy. Narating Niya ang grupo na nakapaligid sa baliw, na lalu’t lalo pang nababalisa.

²Ang isang lalaki, malinaw na isang Romano sa pamamagitan ng kanyang pananamit at ng kanyang malinis na pagkakaahit na mukha, ay humiwalay sa grupo at bumati: «Mabuhay, Guro. Ang Inyong katanyagan ay narating ako. Kayo ay mas dakila pa kaysa kay Hippocrates sa pagpapagaling at mas dakila pa kaysa sa estatuwa ni Aesculapius sa paggawa ng mga himala para sa mga maysakit. Alam ko. Iyan kung bakit ako pumunta. Ang aking kapatid, nakikita Ninyo siya? Baliw dahil sa ilang misteryosong sakit. Walang doktor ang makaintindi nito. Sinamahan ko siya sa templo ni Aesculapius. Ngunit lumabas siya na mas malala pa kaysa dati. Sa Ptolomais ako ay may kamag-anak, na nagpadala sa akin ng mensahe sa pamamagitan ng isang galera. Nagsasabi ito na may Isa rito Na nagpapagaling sa lahat. At ako ay pumunta. Anong nakakatakot na paglalakbay!»

«Karapat-dapat iyan ng isang gantimpala.»

«Ngunit, isipin. Kami ay ni hindi mga proselito. Kami ay mga Romano, matapat sa aming mga diyos. Tinatawag Ninyo kami na mga pagano. Nanggaling kami sa Sybaris, ngunit kami ngayon at nasa Cyprus.»

«Totoo iyan. Kayo ay mga pagano.»

«Kung gayon... walang para sa amin? Ang Inyong Olympus ay tinatanggihan ang amin o tinanggihan.»

«Ang Aking Diyos, Isa at sang-tatlo ay naghahari, isa at nag-iisa.»

«Ako ay pumunta nang walang mangyayari» sabi ng pinanghihinaang-loob na Romano.

«Bakit?»

«Sapagkat ako ay pag-aari ng ibang diyos.»

«Ang mga kaluluwa ay nililikha ng Isang Diyos lamang.»

«Kaluluwa?...»

«Kaluluwa. Ang dibinong bagay na nililikha ng Diyos para sa bawat tao. Isang kasa-kasama sa buong pamumuhay, ito ay nananatili pagkatapos ng buong pamumuhay.»

«At nasaan ito?»

«Sa kalaliman ng kaakuhan ng isa. Ngunit, bagama't bilang isang dibinong bagay ito ay nasa loob ng pinaka sagradong santuwaryo na masasabi natin tungkol sa kanya – at sinasabi Ko “sa kanya” at hindi “nito”, sapagkat siya ay hindi isang bagay, bagkus isang tunay na nilalang karapat-dapat ng ganap na paggalang – masasabi natin na siya ay hindi nasa loob bagkus siya ang nakasasakop.»

«Sa ngalan ni Jove! Kayo ba ay isang pilosopo?»

«Ako ay Katwiran kaisa sa Diyos.»

«Ang Inyong sinabi ay nagawa akong isipin na Kayo ay...»

«At ano ang pilosopiya, kapag ito ay totoo at tapat, bagkus pagtaas ng pagkataong katwiran patungo sa walang-hangganang Karunungan at Kapangyarihan, ibig sabihin patungo sa Diyos?»

«Diyos! Diyos!... Nasa akin ang kaawa-awang sawing-palad na iyon na nagpapabalisa sa akin. Ngunit halos nakakalimutan ko ang kanyang kalagayan upang makinig sa Inyo, Dibinong Isa.»

«Ako ay hindi dibino ayon sa pagkaintindi ninyo ng salitang iyan. Tinatawag ninyong dibino ang mas mataas sa tao. Sasabihin Ko na ang salitang iyan ay kailangan na ibigay lamang sa kanya na nanggaling sa Diyos.»

«Sino ang Diyos? Sino ang kailanman nakakita sa Kanya?»

«Ito ay naisulat: “Pagbati, Kayo na pumorma sa amin! Kapag sinasalarawan ko ang pagkataong perpeksiyon, ang armoniya ng aming katawan, pinagdiriwang ko ang inyong kaluwalhatian”. Ito ay sinabi: “Ang inyong kagandahang-loob ay nagniningning sa pamimigay ninyo ng mga regalo sa lahat na mga nabubuhay, upang ang bawat tao ay magkaroon sana ng kung ano ang kinakailangan. At ang inyong karunungan ay ibinubunyag ng inyong mga regalo, at ng inyong kapangyarihan ng pagsasakatuparan ng inyong kalooban”. Nakikilala mo ba ang mga salitang ito?»

«Kung ako ay tutulungan ni Minerva... ang mga salitang iyan ay kay Galen. Ngunit papaano Ninyo nalalaman ang mga ito? Ako ay natutulala!...»

Si Jesus ay ngumingiti at tumugon: «Halika sa totoong Diyos at ang Kanyang dibinong espiritu ay tuturuan ka sa “totoong karunungan at debosyon, na siyang ang malaman ang iyong sarili at sambahin ang Katotohanan”.»

«Ngunit iyan ay kay Galen muli! Ngayon ako ay nakatitiyak. Bukod sa pagiging isang doktor at isang salamangkero, Kayo ay isa ring pilosopo. Bakit hindi Kayo pumunta sa Roma?»

«Ako ay hindi isang doktor, o isang salamangkero, o isang pilosopo, ayon sa sinasabi mo. Bagkus Ako ang Saksi ng Diyos sa lupa. ³Dalhin sa Akin ang imbalido.»

Kinaladkad nila siya roon, habang siya ay humahagulhol at namimilipit.

«Kita mo? Sinasabi mo na siya ay baliw at na walang doktor ang makapagpagaling sa kanya. Iyan ay totoo. Walang doktor: sapagkat siya ay hindi baliw. Ngunit ang isa sa mga mala-impiyernong  diyos, sinasabi Ko nang ganyan para sa iyo, isang pagano, ay pumasok sa kanya.»

«Ngunit wala siya ng espiritu ng sawa. Sa kabaligtaran, nagsasabi lamang siya ng mga kasinungalingang bagay.»

«Tinatawag namin siyang “dimonyo”, hindi sawa. Mayroong nagsasalitang isa at isang pipi. Ang isa na nanloloko sa pamamagitan ng akala mo totoong mga pangangatwiran, at isang isa lamang pagkasira ng isip, ang una ay mas kumpleto at mapanganib. Ang iyong kapatid ay nalulukuban ng huli. Ngunit ngayon mawawala na ito sa kanya.»

«Papaano?»

«Sasabihin niya mismo sa iyo.» Si Jesus ay nag-utos: «Iwanan ang lalaki! Bumalik ka sa iyong kalaliman.»

«Ako ay aalis. Ang aking kapangyarihan ay napakahina laban sa iyo. Pinalalayas Mo ako at binubusalan Mo ako. Bakit lagi Mo kaming natatalo?...» Ang espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng mga labì ng lalaki, na pagkatapos ay hinimatay sa pagod.

«Siya ay magaling na. Pakawalan siya nang walang anumang takot.»

«Magaling na? Natitiyak Ninyo? Ngunit... sinasamba ko Kayo!» Ang Romano ay magpapatirapa na sana. Ngunit siya ay hindi pinahintulutan ni Jesus. «Itaas mo ang iyong espiritu. Ang Diyos ay nasa Langit. Sambahin Siya at magpatungo sa Kanya. Paalam.»

«Hindi. Hindi ganyan. Tumanggap man lamang ng kahit ano. Pahintulutan ako na tratuhin ko Kayo katulad ng mga pari ni Aesculapius. Pahintulutan ako na mapakinggan Kayo na magsalita... Pahintulutan ako na magsalita ng tungkol sa Inyo sa aking amangbayan...»

«Gawin ang ganyan. At halika kasama ang iyong kapatid.»

Ang kanyang kapatid ay tumitingin sa paligid mismo, namamangha, at siya ay nagtanong: «Nasaan ako? Ito ay hindi Cintium! Nasaan ang dagat?»

«Ikaw ay nasa...» Si Jesus ay iniutos ang katahimikan sa pamamagitan ng isang senyas at nagsabi: «Ikaw ay naghihirap gawa ng mataas na temperatura at dinala ka nila sa isang ibang klima. Ngayon ikaw ay mas mabuti na. Halika.»

Lahat sila ay umalis; ngunit hindi lahat sila pare-parehong naantig, sapagkat sa malaking silid ang ilan ay humahanga, ang iba namimintas sa paggaling ng pagano. Si Jesus ay pumunta sa Kanyang lugar, na ang mga Romano nasa pinaka-harapang hanay ng pulutong.

⁴«Umaasa Ako na walang anuman sa inyo kung babanggitin Ko ang isang pasahe ng mga Hari. Ito ay sinabi na noong ang hari ng Syria ay magdedeklara na ng pakikidigma sa Israel, ay may isang dakilang kagalang-galang na lalaki sa korte ng hari, isang ketongin, na ang kaninong pangalan ay Naaman. Ang isang bata-pang babae ng Israel, na nabihag ng mga Syrian at naging kanyang alipin, ay nagsabi kay Naaman: “Kung ang aking panginoon ay pumunta sa isang propeta na nasa Samaria, siya ay tiyak na mapapagaling sa kanyang ketong”. Noong marinig ito, si Naaman ay nagpaalam sa hari at sinunod ang payo ng bata-pang babae. Ngunit ang hari ng Israel ay lubos na nainis at nagsabi: “Ako ba kaya ay Diyos na ang hari ng Syria ay kailangan na ipadala ang mga imbalido sa akin? Ito ay isang patibong upang makipagdigma sa atin”. Ngunit noong ang propetang si Eliseo ay pinaalam tungkol sa insidente, sinabi niya: “Gawing papuntahin ang ketongin sa akin at pagagalingin ko siya at malalaman niya na may isang propeta sa Israel. Kung kaya't si Naaman ay pumunta kay Eliseo. Ngunit si Eliseo ay hindi siya hinarap. Nagpadala lamang siya ng salita sa kanya: “Hugasan mo ang iyong sarili nang pitong beses sa Jordan at malilinis ka”. Si Naaman ay nagalit, sapagkat iniisip niya na siya ay naglakbay nang napakalayo para sa wala at nagagalit katulad niya siya ay aalis na. Ngunit ang kanyang mga katulong ay nagsabi sa kanya: “Hiningi lamang niya sa inyo na hugasan ang inyong sarili nang pitong beses, at kahit na kung iniutos niya sa inyo na gawin ito nang mas sobra pa, ginawa sana ninyo ito, sapagkat siya ay isang propeta”. Si Naaman ay nagpatalo. Siya ay pumunta, hinugasan ang sarili at gumaling. Tuwang-tuwa siya ay bumalik sa lingkod ng Diyos at nagsabi sa kanya: “ Ngayon alam ko na ang katotohanan: walang ibang Diyos sa buong mundo. Nariyan lamang ang Diyos ng Israel”. At sa dahilan na si Eliseo ay hindi tumatanggap ng kahit anong regalo, si Naaman ay humingi ng kapahintulutan na makapagdala ng lupa hangga't sa madadala niya upang makagawa ng mga sakripisyo sa ibabaw ng lupa ng Israel.

Alam Ko na hindi lahat kayo sumasang-ayon sa Aking ginawa. Nalalaman Ko rin na hindi Ako obligado na pangatwiranan Ko ang Aking sarili sa inyo. Ngunit dahil sa minamahal Ko kayo nang tunay na pagmamahal, ibig Kong maintindihan ninyo ang Aking ginawa at matuto rito, upang ang lahat na pagpuna at iskandalo ay sana mawala sa inyong mga kaluluwa.

Mayroon tayo rito ng dalawang mamamayan ng isang paganong bansa. Ang isa sa kanila ay may sakit at sila ay napasabihan ng isang kamag-anak, tiyak na sa pamamagitan ng isang Israelita: “Kung kayo ay pumunta sa Mesiyas ng Israel, pagagalingin Niya ang maysakit”. At sila ay pumunta sa Akin mula sa napakalayo. Ang kanilang kompiyansa ay mas malaki pa kaysa ng kay Naaman, sapagkat wala silang nalalaman tungkol sa Israel at sa Mesiyas, samantalang ang Syrian, bilang kalapit na bansa at nasa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga alipin ng Israel, ay nalalaman na na ang Diyos ay nasa Israel. Ang totoong Diyos. Hindi ba’t tama kung gayon na ang isang pagano ay makabalik sa kanyang amangbayan at magsabi: “Totoo ngang may isang tao ng Diyos sa Israel at sinasamba nila ang totoong Diyos sa Israel”?

Hindi Ko sinabi: “Hugasan mo ang iyong sarili nang pitong beses”. Ngunit Ako ay nagsalita ng tungkol sa Diyos at tungkol sa kanilang mga kaluluwa, dalawang bagay na hindi nila nalalaman at siyang nagdadala ng pitong regalo, katulad ng di-nauubusan na mga bukal. Sapagkat ang mga tanim ng pananampalataya, pag-asa, karidad, katarungan, pagpipigil, lakas, kahinahunan ay tumutubo kung saan naroroon ang konsepto tungkol sa Diyos at sa espiritu, at naroroon ang mithiin na marating ang mga ito. Ang ganitong mga birtud ay hindi nalalaman ng mga tao na mula sa kanilang mga diyos magagaya lamang ang pangkaraniwang pagkataong masimbuyong mga damdamin, pinalaki sa kawalang-pagpipigil, bilang birtud ng sinasabing kataastaasang mga nilikha. Sila ngayon ay babalik na sa kanilang bansa. Ngunit sa halip ng lugod ng sila’y pinagkalooban ng kanilang hiling, nariyan ang lugod ng makapagsabi: “Alam namin na tayo ay hindi mga hayop, at na sa kabila ng buhay na ito ay may hinaharap. Alam namin na ang totoong Diyos ay Mapagbigay at Siya dahil diyan ay minamahal din tayo, at tayo ay tinutulungan Niya na makumbinsi tayo na pumunta sa Kanya”.

⁵At sa palagay ba ninyo sila lamang ang tanging mga nagpabale-wala sa katotohanan?

Kani-kanina lamang ang isa sa Aking mga disipulo ay inisip na hindi Ko mapagagaling ang may-sakit na lalaki sapagkat siya ay may paganong kaluluwa. Ano ang kaluluwa? Mula kanino ito nanggagaling? Ang kaluluwa ay ang espirituwal na esensiya ng tao, ito ay ang nilalang, nilikha na nasa perpektong edad, na namumuhunan, sumasama, nagbibigay-buhay sa buong pamumuhay ng laman at nagpapatuloy na mamuhay kung ang laman ay wala, sapagkat ito ay inmortal katulad sa Kanya Na naglikha rito: ang Diyos. Sa dahilan na may Isang Diyos lamang, walang sinasabing mga kaluluwa ng mga pagano o ng mga di-pagano na nilikha ng iba't ibang diyos. May iisang Kapangyarihan lamang na naglilikha ng mga kaluluwa: at iyan ang Kapangyarihan ng Tagapaglikha, ng ating isa, tangi, makapangyarihan, banal, mabuting Diyos, na walang ibang masimbuyong damdamin bagkus pagmamahal, perpektong karidad, isang espirituwal na karidad, na Akin ding tatawagin na isang ganap na moral na karidad, upang maintindihan ng mga Romanong ito. Sapagkat ang konsepto ng espiritu ay hindi naiintindihan ng maliliit na anak na ito na walang nalalaman tungkol sa banal na mga salita.

Sa palagay ba ninyo na Ako ay pumunta para sa Israel lamang?

Ako ang Isa na mag-iipon sa lahat na mga lahi sa ilalim ng isang pastoral na tungkod, ang Makalangit na tungkod. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang panahon ay malapit nang dumating kung kailan maraming pagano ang magsasabi: “Gawin natin na magkaroon tayo ng labis niyan upang magawa natin ang mga pagsasakripisyo sa totoong Diyos, sa Isa at sang-tatlo na Diyos sa ating paganong lupa”. Ako ang Salita ng totoong Diyos na iyan. Sila ngayon ay aalis na. Sila ay mas kumbinsido ngayon kaysa kung sila ay Aking ipinahiya nang may pagkasuklam. Nadama nila ang Diyos sa loob ng himala at sa loob ng Aking mga salita at sila ay magsasalita kapag sila ay nakabalik na.

Higit pa rito, tatanungin Ko kayo:  hindi ba makatarungan na gantimpalaan ang labis na pananampalataya? Bagama't hindi nila malaman ang kanilang gagawin dahil sa mga opinyon ng mga doktor, at pinanghihinaan gawa ng walang-pakinabang na mga pagpunta sa mga templo, nagkaroon pa rin sila ng pananampalataya na pumunta sa Di-Kilalang Isa, sa dakilang Di-Kilalang Isa sa mundo, ang Isa na Nililibak at Tinutuya at Sinisiraang-Puri ng Israel at magsabi sa Kanya: “Naniniwala ako na magagawa Ninyo”. Ang unang santo-oleo sa bagong mentalidad ay ipinagkaloob sa kanila sapagkat sila ay naniwala. Hindi Ko sila pinagaling nang labis katulad ng pinagaling Ko sila sa kanilang maling pananampalataya, sapagkat naglagay Ako ng kalis malapit sa kanilang mga labì, at habang mas umiinom sila nito mas lalo silang nauuhaw: ang pagkauhaw para sa kaalaman tungkol sa totoong Diyos.

Ako ay nakatapos na. Sasabihin Ko sa inyo sambayanan ng Israel: magkaroon ng gayon ding pananampalataya na nagkaroon sila.»

⁶Ang Romano ay lumapit kasama ang kanyang napagaling na kapatid: «Bueno... hindi na ako mangangahas na magsabi: sa ngalan ni Jove. Ngunit sa aking karangalan bilang isang mamamayang Romano sinusumpa ko sa Inyo na ako ay mauuhaw pagkatapos ng Inyong sinabi! Ngunit ngayon kailangan ko nang umalis. Sino ang magbibigay sa akin ng mas maiinom pa?»

«Ang iyong espiritu, ang kaluluwa na ngayon nalalaman mo na na mayroon ka, hanggang sa araw kung kailan ang isang Mensahero Ko ay pupunta sa iyo.»

«Hindi Kayo?»

«Hindi... Hindi Ako. Ngunit hindi Ako mawawala, bagama't wala Ako roon. At sa loob lamang ng mahigit nang kaunti sa dalawang taon bibigyan kita ng isang regalo na mas malaki pa kaysa sa paggaling ng iyong kapatid na mahal na mahal mo. Paalam, sa inyong dalawa. Magpursige sa mga sentimyento ng pananampalataya.»

«Mabuhay!, Guro. Harinawang ang totoong Diyos ay iligtas Kayo.» Ang dalawang Romano ay umalis at maririnig silang tinatawag ang mga katulong na dalhin ang bagon.

«At ni hindi nila nalalaman na sila ay may kaluluwa!» bulalas ng isang matandang lalaki.

«Oo, tatay. At tinanggap nila ang Aking salita nang mas mabuti kaysa ng marami sa Israel. Ngayon, dahil nagbigay sila ng gayon ka-yaman na limos, ating tulungan ang mahihirap na tao ng Diyos nang doble at tripleng sukat. At gawin ang mahihirap na magdasal para mga benepaktor na iyon, na mas mahirap pa kaysa sa kanila, na sana kamtin nila ang totoo at tanging kayamanan, na siyang ang makilala ang Diyos.»

⁷Ang nakatalukbong na babae ay umiiyak sa loob ng kanyang belo, nagpipigil na may makakitang sinuman sa kanyang mga luha, ngunit hindi upang mapakinggan ang kanyang mga hikbi.

«Ang babaeng iyon ay umiiyak» sabi ni Pedro. «Baka dahil wala na siyang pera na natitira. Bibigyan ba natin siya ng ilan?»

«Hindi siya umiiyak dahil diyan. Ngunit lakad at sabihin sa kanya: “Ang mga amangbayan ay nawawala. Ang Langit ay nananatili. Ito ay pag-aari ng mga may pananampalataya. Ang Diyos ay Kagandahang-loob at gawa niyan minamahal din Niya ang mga nagkakasala. At tinutulungan Ka niya upang makumbinsi ka na pumunta sa Kanya”. Lakad. Sabihin sa kanya iyan at pabayaan siyang makaiyak. Lason itong lumalabas sa kanya.»

Si Pedro ay  pumunta  sa babae na nakapagsimula nang maglakad patungo sa mga bukid. Siya ay nagsalita sa kanya at pagkatapos bumalik. «Siya ay nagsimulang umiyak nang mas malakas» sabi niya. «Akala ko mapagiginhawahan ko siya...» at kanyang tiningnan si Jesus.

«Siya, sa katotohanan, ay nakaginhawa. Ang lugod din ay nagagawa ang mga tao na umiyak.»

«H’m... Sino ang nakaaalam! Bueno, magiging masaya ako kung makikita ko ang kanyang mukha. Makikita ko ba ito?»

«Sa katapusan ng mundo.»

«Dibinong awa! Ngunit patay na ako pagdating niyan! At ano pa ang pakialam ko na makita iyan? Tinitingnan ko na ang Eternal na Ama pagdating niyan!»

«Magsimula ka nang gawin iyan. Iyan lamang ang may pakinabang na bagay.»

«Oo... ngunit... Guro, sino siya?»

Lahat sila ay tumatawa.

«Kung itatanong mo iyan ulit, aalis na tayo kaagad, upang makalimutan mo siya.»

«Hindi, Guro. Ngunit, sapat kung mananatili Kayo...»

Si Jesus ay ngumingiti. «Ang babaeng iyon» sabi Niya, «ay ang tira ng pagkain at isang maagang bunga.»

«Anong ibig Ninyong sabihin? Hindi ko maintindihan.»

Ngunit si Jesus ay iniwan siya at  pumunta  sa nayon.

«Siya ay pupunta kina Zachariah. Ang kanyang asawa ay namamatay» paliwanag ni Andres. Pinadala niya ako upang sabihin sa Guro.»

«Ginagalit mo ako! Alam mo ang lahat, ginagawa mo ang lahat at hindi mo ako sinasabihan ng kahit ano. Mas malalala ka pa sa isang isda.» si Pedro ay pinararaos ang kanyang galit sa kanyang kapatid.

«Kapatid, huwag magalit. Nagsasalita ka rin sa lugar ko. Lumakad na tayo at bantunin natin ang ating mga lambat. Halika.»

Ang iba ay pumupunta sa kanan, ang iba sa kaliwa at ang lahat ay nagtatapos.

 (697) 251010/150813

 

 

Sunod na kabanata.