13. Ang Kasal ng Birhen at ni Jose.

Setyembre 5, 1944.

¹Gaano kaganda si Maria nakabihis bilang isang nobya, sa pagitan ng Kanyang malugod na mga kaibigan at mga tagapagturo! Si Elizabeth ay nasa pagitan din nila.

Siya ay nakadamit ng niyebeng-kaputian na linen, napakalambot at pinung-pino na ito ay nagmumukhang katulad ng mamahaling seda. Nakapaikot sa Kanyang balingkinitan na baywang ang isang sinturon na inukitan sa ginto at pilak, gawa sa mga medalyong magkakakabit sa pamamagitan ng maliliit na kadena – ang bawat medalyon ay isang gawang burda ng gintong mga sinulid sa isang mabigat na pilak na pinakinis ng panahon. Baka dahil ang sinturon ay napakahaba para sa Kanya, na isa pa ring magiliw na bata, kung kaya't ang tatlong medalyon ay nakabitin sa harapan at bumabagsak sa mga lupi ng napakalapad na damit na napakahaba upang maporma ang isang parang hinihilang tren. Sa Kanyang mga paa ay nakasuot ang maputing balat na mga sandalyas na may mga pilak na hibilya.

Sa paligid ng Kanyang leeg ang damit ay nahahawakan ng isang kabit-kabit na maliliit na gintong mga rosas at piligrinang pilak, nagagaya sa mas maliit na bersiyon ang disenyo ng sinturon. Dumaraan sa malalaking butas ng maluwag na tabas ng leeg, ang kabit-kabit na mga gintong rosas ay nahihigpitan nito ang leeg ng damit at napoporma ang isang klase ng maliit na lupi-luping aporo. Ang leeg ni Maria ay lumilitaw mula sa puting lupi-lupi na ito nang may kayumihan ng isang tangkay na binalot sa isang mamahalin na tela at tila nagiging mas balingkinitan at mas maputi pa kailanman, ang tangkay ng isang liryo na nagtatapos sa katulad-ng-liryo na mukha, na mas maputla pa nga kaysa sa karaniwan para sa kasayahang ito – at mas puro pa. Ang mukha ng isang purung-purong biktima.

Ang Kanyang buhok ay hindi na nakalawit sa ibabaw ng Kanyang mga balikat. Ito ay inayos sa isang buhol ng mga tirintas sa isang magandang estilo, at ang mamahaling pinakintab na pilak na mga pang-ipit, lahat ginawa na may burdadong piligrina sa tuktok, ay ang humahawak nito sa pusisyon. Ang belo ng Kanyang ina ay inilagay sa ibabaw ng mga tirintas at ito ay bumabagsak na may magagandang lupi sa ibaba ng mamahaling manipis na plaka pumapaikot sa Kanyang niyebeng-kaputiang noo. Ang belo ay bumabagsak sa Kanyang mga panabi at dahil si Maria ay hindi kasing taas ng Kanyang ina, ito ay bumabagsak nang mas mababa pa kaysa sa Kanyang mga balakang, samantalang ito ay umaabot hanggang sa baywang lamang ni Anna. Walang nakalagay sa Kanyang mga kamay, ngunit may suot Siyang mga pulseras. Ang Kanyang pupulsuhan ay napakanipis upang ang mga pulseras ng Kanyang ina ay natatakpan ang likod ng Kanyang mga kamay at ito'y babagsak sa lupa kung ihahagis Niya ang Kanyang mga kamay.

Ang Kanyang mga kaibigan ay tinititigan Siya at hinahangaan. Nagtitilian sila nang masaya katulad ng mga pipit nagtatanong ng kung anu-ano at nagpapahayag ng kanilang paghanga.

«Ang mga iyan ba ay sa Iyong ina?»

«Iyan ay mga antigo, hindi ba?»

«Ang ganda, Sarah, ng sinturon na ito!»

«At tingnan mo ang belong ito, Susan? Pinung-pino ito. Tingnan lang ang mga liryong dekorasyon na ito!»

«Tingnan ko nga ang Iyong mga pulseras, Maria. Sa nanay Mo ito?»

«Oo, sinuot niya iyan. Ngunit iyan ay sa nanay ng itay Ko.»

«Uy!  Tingnan. Ang selyo ni Solomon ay nakalagay sa manipis na maliliit na mga sanga ng palmera at punong-olibo at dito ay may mga liryo at mga rosas. O! Sino ang gumawa ng perpekto at pinong gawang ganyan?»

«Iyan ay pag-aari ng Sambahayan ni David» paliwanag ni Maria. «Isinuot iyan ng mga kababaihan ng pamilya sa loob ng mga siglo, kapag sila'y ikakasal at iniiwan sa mga susunod na tagapagmana.»

«Sigurado! Ikaw ang tagapagmana…»

«Dinala ba nila ang lahat sa iyo mula sa Nazareth?»

«Hindi. Noong namatay ang Aking ina, ang Aking pinsan ay dinala ang Aking trusu sa kanyang bahay upang maitagong mabuti. Ngayon ibinalik sa Akin.»

«Nasaan ito? Nasaan ito? Ipakita Mo ito sa Iyong mga kaibigan.»

Hindi malaman ni Maria ang Kanyang gagawin… Ibig Niyang maging mabuti sa kanila, ngunit ayaw Niyang ilabas ang lahat na maayos ang pagkakalagay sa tatlong mabibigat na baul.

Ang Kanyang mga tagapagturo ay pumunta upang tulungan Siya. «Ang nobyo ay parating na» sabi nila. Hindi ito ang sandali upang magkaroon ng kalituhan. Hayaan Siyang mag-isa. Pinapagod ninyo Siya. Lakad at humanda na.»

Ang nagdadaldalang grupo ay umalis na medyo nagtatampo. Si Maria ay kasisiyahan na ngayon ang presensya ng Kanyang mga tagapagturo na nagbibigkas ng mga salitang pagpuri at pagpapalà sa Kanya.

²Si Elizabeth din ay lumapit. At sa dahilan na si Maria, labis na naaantig, ay lumuluha sapagkat si Anna ni Phanuel ay tinawag Siyang «anak» at hinalikan Siya nang may tunay na makainang pagmamahal, si Elizabeth ay nagsabi sa Kanya: «Maria, ang Iyong ina ay wala rito, ngunit siya ay naririto. Ang kanyang kaluluwa ay nagsasaya kasama ang Iyong kaluluwa. Tingnan Mo, ang mga bagay na suot Mo ay nagbibigay sa iyo muli ng mga haplos. Matatagpuan Mo pa sa mga ‘yan ang lasa ng kanyang mga halik. Isang araw, matagal na, sa araw ng pagpunta Mo sa Templo, sinabi niya sa akin: “Inihanda ko ang Kanyang mga damit at ang Kanyang trusú, sapagkat ibig ko na ako ang maghahabi ng Kanyang mga linen at ang gagawa ng Kanyang pangkasal na mga damit, upang ako ay hindi mawala sa araw ng Kanyang kasayahan”. At makinig. Noong mga huling araw, noong tinutulungan ko siya, tuwing gabi ibig niyang haplusin ang una Mong maliliit na damit at ang damit na suot Mo na ngayon at sasabihin niya: “Naaamoy ko ang hasmin na pabango ng aking maliit na anak at ibig kong madama Niya rito ang halik ng Kanyang inay”. Ilang mga halik ang nasa belong ito na nagtatakip ngayon sa Iyong noo! Mas marami pang halik kaysa sa mga sinulid!... At kapag sinusuot Mo ang tela na hinabi niya, isipin Mo na lang na iyan ay mas hinabi ng makainang pagmamahal kaysa ng lansadera. At ang mga alahas na ito… Sa panahon din ng taghirap iyan ay itinabi ng Iyong itay para sa Iyo, upang Ikaw ay sana maging maganda sa araw na ito, na tama lang sa isang prinsesa ng Sambahayan ni David. Maging masaya at masayahin, Maria. Hindi Ka isang ulila, sapagkat ang Iyong mga magulang ay kasama mo at ang Iyong asawa ay isang ama at isang ina sa Iyo, ganyan ang kanyang perpeksiyon…»

«Oo, iyan ay totoo! Ako ay tiyak na hindi makapagrereklamo. Sa loob ng dalawang buwan siya ay napasyal dito nang dalawang beses, at ngayon siya ay naparito para sa ikatlo, hinaharap ang ulan at malakas na hangin, upang kunin ang Aking mga iuutos… Isipin na lang iyan: mga iuutos Ko na isang abang babae at mas batang di hamak kaysa sa kanya! At wala siyang itinanggi sa Akin. Ni hindi siya naghihintay sa Akin na magtanong. Sa palagay Ko isang anghel ang nagsasabi sa kanya kung ano ang kailangan Ko, sapagkat sinasabi niya sa Akin bago Ako makapagsalita. Noong nakaraan sinabi niya: “Maria, sa palagay ko mas gusto Mong tumira sa bahay ng Iyong ama. Dahil Ikaw ay isang anak na tagapagmana, maaari Mong gawin iyan, kung iyan ang ibig Mo. Dadalaw ako sa Iyong bahay. Subalit, upang magampanan ang ritwal, titigil Ka nang isang linggo sa bahay ng aking kapatid na si Alfeo. Mahal-na-mahal Ka ng aking hipag na si Maria. At doon magsisimula ang prusisyon na magdadala sa iyo sa Iyong bahay sa gabi ng araw ng kasal”. Hindi ba’t iyan ay napakabuti niya? Ni wala siyang pakialam kung sasabihin ng mga tao na siya ay ni walang isang bahay na magugustuhan Ko… Magugustuhan Ko sana ito, sapagkat siya ay naroroon at napakabuti niya. Siyempre… mas gugustuhin Ko ang sarili Kong bahay… dahil sa mga alaala… O! si Jose ay napakabuti!»

«Ano ang kanyang sinabi tungkol sa Iyong panata? Hindi Mo pa nasasabi sa akin.»

«Wala siyang itinutol. Sa kabaligtaran, nang sinabi Ko sa kanya ang mga rason, sinabi niya sa Akin: “Idudugtong ko ang aking sakripisyo sa sakripisyo Mo”»

«Siya ay isang banal na bata-pang lalaki» sabi ni Anna ni Phanuel.

³Ang «banal na bata-pang lalaki» ay dumarating ngayon-ngayon lang kasama si Zachariah.

Siya ay totoong maringal. Lahat nakadamit sa gintong pagkadilaw siya ay tila isang taga-silangang soberano. Ang isang magandang sinturon ay sumusuporta sa kanyang bag at punyal, ang una ay burdang morocco sa ginto, ang huli may morocco na kaluban at gintong mga dekorasyon. Sa kanyang ulo siya ay may isang turban, na isang pangkaraniwang tela na isinusuot na katulad ng isang talukbong sa ulo, na kaugalian pa rin ng ilang mga tao sa Aprika, katulad ng mga bedouin, at ito ay nahahawakan sa pamamagitan ng isang paikot na manipis na kawad ng ginto, kung saan may mga nakaipit na maliliit na bungkos ng mirto. Suot niya ang isang bagong manta, may mga palawit, at suot niya ito na may dakilang dignidad. Siya ay nagniningning sa lugod. May hawak siya sa kanyang mga kamay ng maliliit na bungkos ng mirto na nasa pamumulaklak.

«Kapayapaan sa Iyo, aking esposa!» binabati niya Siya. «Kapayapaan sa lahat.» Nang tumanggap siya ng tugon sa kanyang pagbati, sinabi niya: «Nakita ko ang Iyong tuwa noong araw na binigay ko sa Iyo ang isang sanga mula sa Iyong hardin. Inisip ko na kailangan kong magdala ng ilang mirto na aking kinuha malapit sa gruta na labis Mong minamahal. Ibig kong dalhan Kita ng ilang mga rosal na nagsisimula nang mamulaklak malapit sa Iyong bahay. Ngunit ang mga rosal ay hindi tumatagal nang matagal. Pagkatapos ng ilang araw ng paglalakbay darating ako rito na mga tinik na lamang ito. At ibig kong alayan Ka, aking mahal, ng mga rosas lamang at kalatan ang Iyong daan ng malalambot na mababangong bulaklak, upang sana ang Iyong mga paa ay yumapak dito nang hindi nayayapakan ang kahit anong bagay na marumi o magaspang.»

«O! Salamat sa iyo, napakabuti mo! Ano ang iyong ginawa upang manatili iyan nang napakasariwa?»

«Nagtali ako ng isang plorera sa siya ng kabayo at inilagay ko diyan ang mga sanga ng mga bulaklak na nasa pagbubuko. Sa loob ng paglalakbay bumuka ang mga buko. Naririto sila, Maria. Harinawang maging girnalda ito ng kadalisayan sa Iyong noo, ang simbolo ng isang nobya, na, bagama't, ay masyadong mababa kaysa sa kadalisayan ng Iyong puso.»

Si Elizabeth at ang mga tagapagturo ay inaadornohan si Maria ng isang maliit na girnalda ng mga bulaklak na kanilang pinoporma, ikinakabit sa mamahaling gintong kawad ang maliit na puting mga bungkos ng mirto at nagsisiksik sila ng maliliit na puting mga rosas na kanilang kinuha mula sa isang plorera na nakalagay sa ibabaw ng isang maliit na baul.

Si Maria ay nasa punto na kukunin na ang Kanyang malapad na manta upang ilagay ito sa Kanyang mga balikat, ngunit si Jose ay inunahan Siya at tinulungan Siyang ikabit ito sa ibabaw ng Kanyang mga balikat sa pamamagitan ng dalawang pilak na mga hibilya. Ang mga tagapagturo pagkatapos ay mapagmahal na inaayos ang mga lupi.

⁴Ang lahat ay handa na. Habang hinihintay nila ang kung ano na hindi ko alam, dinala ni Jose si Maria sa isang tabi at nagsabi sa Kanya: «Ako ay nag-isip nang mabuti tungkol sa iyong panata sa mga huling araw na ito. Ngunit habang iniisip ko ito, mas lalo kong nauunawaan na ang pansamantalang pagiging Nazir ay hindi sasapat, kahit na kung ito ay aking panibaguhin nang makailang beses. Naintindihan kita, Maria. Hindi pa ako karapat-dapat ng salita ng Liwanag, ngunit ang bulong nito ay  nakarating sa akin. At nagawa ako nito na mabasa ko ang Iyong lihim, ang mga pangunahing linya man lamang. Ako ay isang abang mangmang na lalaki, Maria. Isang abang manggagawa. Wala akong nalalaman sa mga letra at ako'y walang tagong mga kayamanan. Ngunit aking inilalagay sa paanan Mo ang aking tagong-yaman: ang aking absulutong pagkabasal, magpakailanman, upang maging karapat-dapat sa tabi Mo, Birhen ng Diyos, “aking kapatid na esposa, nababakurang-hardin, selyadong-pontanya”, katulad ng sinasabi ng ating Ninuno, na baka isinulat ang Awit ng mga Awit na Ikaw ang nasa isip… Ako ang magiging tagapag-alaga ng hardin na ito ng mga rekado kung saan naroroon ang pinakamamahaling prutas at mula kung saan ang isang bukál ng buháy na tubig ay tumutulak nang banayad: ang Iyong kabaitan, o esposa, ay nakuha ang aking kaluluwa sa pamamagitan ng Iyong inosensiya, o kaganda-gandahang Isa. Mas maganda Ka pa kaysa sa bukang-liwayway, Ikaw ay isang araw na sumisinag sapagkat ang Iyong puso ay sumisinag, Ikaw ay puno ng pagmamahal para sa Iyong Diyos at para sa mundo, kung saan ibig Mong magbigay ng isang Tagapagligtas kasama ang Iyong sakripisyo ng isang babae. Halika, aking minamahal na esposa» at kinuha niya Siya nang may-pagmamahal sa kamay at pinasunod patungo sa pintuan. Ang lahat na iba pa ay sinundan sila at sa labas ang malugod na mga kasamahan, lahat nakadamit ng puti at nakasuot ng mga belo, ay sumama sa kanila.

⁵Sila ay dumaraan sa mga bakuran at mga portiko, sa pagitan ng mga pulutong na nanonood sa kanila, hanggang sa lugar na hindi ang Templo, ngunit tila isang bulwagan na ginagamit para sa mga seremonya, sapagkat mayroon ditong mga lampara at mga rolyo ng pergamino katulad sa mga sinagoga. Sila ay pumunta hanggang sa layo ng isang mataas na atril, halos isang mesa, at sila ay naghihintay. Ang iba ay mga nakatayong nasa ayos sa likuran nila. Ang iba pang mga kaparian at mga usyosong tao ay nag-ipun-ipon sa dulo.

Ang Mataas na Pari ay pumasok nang solemne.

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa gitna ng mausyosong pulutong: «Ikakasal ba niya sila?»

«Oo, sapagkat Siya ay nagmumula sa makahari at saserdotal na ranggo. Isang bulaklak ni David at ni Aaron, ang nobya ay isang birhen ng Templo. Ang nobyo ay mula sa tribu ni David.»

Ang Pontipise ay pinagkabit ang mga kanang kamay ng nobya at ng nobyo at pinagpapalà sila nang solemne: «Harinawang ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob ay mapasainyo. Harinawang pagsamahin Niya kayo at papangyarihin ang Kanyang pagpapalà sa inyo binibigyan kayo ng Kanyang kapayapaan at maraming inapu na may mahabang buhay at masayang kamatayan sa sinapupunan ni Abraham.» Pagkatapos siya ay umalis nang solemne katulad ng kanyang pagpasok.

Ang pangako ay naipagpalitan na. Si Maria ay esposa na ni Jose.¹

Lahat sila ay lumabas at lahat sila ay maayos na lumipat sa isang bulwagan kung saan nila isinasaayos ang kontrata ng kasalan kung saan nakatakda na si Maria, ang anak na tagapagmana ni Joachim ni David at ni Anna ni Aaron ay ibinibigay kay Jose, bilang dote, ang Kanyang bahay at ang lupang nakakabit dito, ang Kanyang personal na mga ari-arian at kung ano ang Kanyang minana mula sa Kanyang ama.

Ngayon ang lahat ay tapos na.

⁶Ang ipinakipagkasundo ay lumabas sa bakuran at sila'y nagtungo sa labasan malapit sa mga tirahan ng mga babaeng nakatalaga sa Templo. Ang isang komportableng karo ay naghihintay sa kanila. Ang isang trapal ay inilagay sa ibabaw nito bilang panilungan at ang mabibigat na baul ni Maria ay nailagay na.

Pagkatapos ng mga salitang pagpapaalam, mga halik at mga luha, mga pagpapalà at payo, si Maria ay sumakay sa karo kasama si Elizabeth, habang sina Jose at Zachariah ay umupo sa harapan. Naalis na nila ang kanilang magagandang manta at lahat ay nakasuot na ng madidilim na manta.

Ang karo ay umalis sa mabigat na trote ng isang malaking maitim na kabayo. Ang mga pader ng Templo at pagkatapos ang mga pader ng siyudad ay umaatras at naririto na ang kabukiran, bago, sariwa, namumulaklak sa maagang tagsibol na sikat ng araw, na ang mga butil ilang pulgada ang taas mula sa lupa, ang maliliit na dahon nito, na nagmumukhang mga esmeralda, ay wumawagayway sa banayad na ihip ng hangin, na nagdadala ng amoy ng  mga bulaklak ng melokoton at mansanas, ng clover at ng layas na menta.

Si Maria ay lumuluha nang tahimik, sa ilalim ng Kanyang belo, at paminsan-minsan Kanyang inaalis ang trapal at tinitingnan ang nasa-malayong Templo at ang siyudad na Kanyang iniwan…

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon.

 

jesus sinab

⁷Sinasabi ni Jesus:

«Ano ang sinasabi ng Aklat ng Karunungan, inaawit ang kanyang mga papuri? “Sa loob ng karunungan ay isang espiritung matalino, banal, bukod-tangi, marami’t iba't iba, pino”. At nagpapatuloy ito sa pag-isa-isa ng kanyang mga katangian, nagtatapos sa mga salitang… “makapangyarihan, mapanuring-lahat, naaabot ang lahat na matalino, puro at matalisik na mga espiritu.  Siya ay purung-puro na napamamayanihan at natatagos niya ang lahat na mga bagay. Siya ay isang hininga ng kapangyarihan ng Diyos, kung gayong walang di-malinis ang makalalapit sa kanya… larawan ng Kanyang kabutihan. Bagama’t nag-iisa nagagawa niya ang lahat, ang sarili niya mismo hindi nagbabago, ginagawa niya ang lahat na mga bagay na maging bago, pinupuntahan niya ang banal na mga kaluluwa, ginagawa niya silang mga kaibigan ng Diyos at mga Propeta”.

⁸Nakita mo kung gaano ni José, hindi sa pamamagitan ng pantaong kultura, bagkus sa pamamagitan ng sobrenatural na edukasyon nababasa ang selyadong aklat ng Imakuladang Birhen at kung gaano siya nakakarating sa propetikong mga katotohanan sa pamamagitan ng kanyang “pagkakakita” sa superhuman na misteryo kung saan ang iba ay nakakakita lamang ng isang dakilang birtud. Sa dahilan na siya ay puno ng karunungang ito, na isang hininga ng kapangyarihan ng Diyos at isang tiyak na isang pagmumulâ ng Makapangyarihan, naglalayag siya nang may nakatitiyak na espiritu sa dagat ng misteryong ito ng grasya na siyang si Maria. Nakalalagos siya sa pamamagitan ng espirituwal na mga kontakto ni Maria, kung saan, sa halip ng mga labì, ang dalawang espiritu ay nagsasalita sa isa’t isa sa loob ng sagradong katahimikan ng kanilang mga kaluluwa, kung saan Diyos lamang ang nakaririnig ng mga tinig at ang mga nagugustuhang labis ng Diyos, sapagkat sila ay Kanyang matatapat na lingkod at sila ay punó Niya.

Ang karunungan ng Makatarungang tao, na lumalaki sa kayang pakikiisa at pagkakalapit kay Maria, Napupuno ng Grasya, ay naihahanda siyang malagos niya ang kalalilalimang mga lihim ng Diyos at nagagawa siyang maprotektahan at maipagsanggalang niya ang mga ito laban sa mga patibong ng tao at ng dimonyo. At sa pansamantala pinalalakas siya nito. Ginagawa nito ang makatarungang tao na maging isang santo, at ang santo ang tagapag-alaga ng Esposa at ng Anak ng Diyos.

Nang hindi inaalis ang selyo ng Diyos, siya, isang basal na tao, ngayon itinataas ang kanyang pagkabasal sa anghelikal na kabayanihan, ay nababasa ang salitang apoy na isinulat ng Diyos sa pambirheng diyamante, at binabasa niya kung ano ang hindi inuulit ng kanyang karunungan, ngunit ito ay mas malaki kaysa sa nabasa ni Moses sa batong mga tabla. At upang mapigilan ang di-malinis na mga mata na mag-usyoso sa misteryo, inilagay niya ang kanyang sarili, selyo sa ibabaw ng selyo, katulad ng isang arkanghel na apoy sa pamasukan ng Paraiso, sa loob nito kung saan ang Eternal na Ama ay nasisiyahan, “naglalakad sa kalamigan ng gabi” at nakikipagusap sa Kanya Na siyang Kanyang pagmamahal, Hardin ng mga liryong nasa pamumulaklak, Ere na may mga pabango, sariwang Hanging umaga, magandang Bituin, Kasiyahan ng Diyos. Ang bagong Eba ay naririyan, sa harapan niya, hindi buto mula sa kanyang mga buto, ni hindi laman mula sa kanyang laman, bagkus kasakasama ng kanyang buhay, buháy na Kaban ng Diyos, Na kanyang tinatanggap sa pangangalaga at kailangan niyang isauli sa Diyos na kasing dalisay katulad ng pagkatanggap niya sa Kanya.

“Esposa ng Diyos” ang nakasulat sa mga pahina ng mistikal na aklat na iyon... At noong sa oras ng pagsubok ang pagsospetsa ay sinasagitsit nito ang pahirap nito, siya ay naghirap katulad ng isang tao at katulad ng isang lingkod ng Diyos, katulad na wala pang tao ang naghirap, dahil sa ipinagsususpetsang paglalapastangan. Ngunit ito ay ang magiging pagsubok sa hinaharap. Ngayon, sa oras ng grasya na ito, nakakakita siya at inilalagay niya ang kanyang sarili sa pinaka-totoong paglilingkod sa Diyos. Pagkatapos ang bagyo ng pagsubok ay darating, katulad ng para sa lahat na mga santo, upang masubukan at magawang kapwa mga katulong ng Diyos.

⁹Ano ang nababasa mo sa Leviticus? “Sabihin kay Aaron, iyong kapatid, na hindi siya dapat pumasok sa santuwaryo sa kabila ng Tabing sa harapan ng Trono ng awa na nasa ibabaw ng Kaban, kailanman niya gustuhin. Baka siya mamatay; dahil lumalabas Ako sa loob ng isang ulap sa Trono ng awa, maliban na gawin niya muna ang mga sumusunod na bagay: nag-aalay siya ng isang batang toro para sa isang sakripisyo para sa kasalanan at isang lalaking tupa para sa holokausto, kailangan na magsuot siya ng isang linen na tunika at takpan ang kanyang kahubaran ng isang linen na paha”.

At totoong pinasok ni Jose ang santuwaryo ng Diyos, kung kailan at kung hanggang saan gusto ng Diyos, sa kabila ng tabing na nagtatakip sa Kaban sa ibabaw kung saan umaali-aligid ang Espiritu ng Diyos at inaalay niya ang kanyang sarili at iaalay ang Kordero, isang holokausto para sa kasalanan ng mundo at sa pagbabayad-sala sa kasalanan na iyon. At ginagawa niya ito nakadamit ng linen, at pinahihiya ang kanyang pagkalalaking mga galamay upang mamatay ang pakultad ng pakiramdam ng mga ito, na minsan, sa pagsimula ng mga panahon, ay nagtagumpay, sinisira ang mga karapatan ng Diyos sa tao at na ngayon ay dudurugin na sa Anak, sa Ina at sa kinikilalang ama, upang madala silang muli sa Grasya at maibalik ang karapatan ng Diyos sa tao. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng kanyang perpetwong kabasalan.

¹⁰Si Jose ba ay wala sa Golgotha? Sa palagay ba ninyo wala siya sa pagitan ng mga kapwa-tagapagtubos? Sasabihin Ko sa inyong totoo na siya ang una at kung gayon dakila siya sa mga mata ng Diyos. Dakila sa kanyang sakripisyo, sa kanyang tiyaga, sa kanyang pagpupursige, sa kanyang pananampalataya. Alin na pananampalataya ang hihigit pa sa isang ito na naniwala nang hindi nakikita ang mga himala ng Mesiyas?

¹¹Papuri sa Aking kinikilalang ama, isang halimbawa sa inyo kung ano ang labis na nawawala sa inyo:  kadalisayan, katapatan at perpektong pagmamahal. Papuri sa dakilang tagabása ng selyadong Aklat, tigmak ng Karunungan upang naiintindihan niya ang mga misteryo ng Grasya at napili upang siyang magprotekta sa Kaligtasan ng mundo laban sa mga patibong ng lahat na mga kaaway.»

(66)040610/022613/032413


¹ Sa Israel, noong panahon din ng ating Ginang, ang isang kasal ay may dalawang bahagi: ang pagtitipan at ang kasal. Ang ritwal ng pagtitipan, na sa pamamagitan nito ang kasal ay halos naitatag na, ay nangangahulugan na ang batang magkapareha ay kailangan na bendisyunan ng isang pari habang magkakabit ang kanilang kanang mga kamay; ang isang legal na kontrata ay ginagawa magpatungkol sa ari-arian at mga karapatan. Sa loob ng unang bahaging ito sila ay hindi naninirahang magkasama. Ang kasal ay ang solemneng pagbubuo ng kontrata at ang magkapareha ay nagsisimulang mamuhay nang magkasama.

Sunod na kabanata.