130. Si Jesus sa Clear Water: «Hindi Ka sasaksi Nang kasinungalingan.»

Marso 14, 1945.

¹«Gaano karaming tao!» bulalas ni Mateo.

At si Pedro ay tumugon: «Tingnan! May ilan din na mga Galilean... Ah! Ah! Tayo na at sabihan ang Guro. Sila ay tatlong kagalang-galang na mga bandido!»

«Baka ako ang hinahabol nila. Kinukulit nila ako hanggang dito...»

«Hindi, Mateo. Ang pating ay hindi kumakain ng maliit na isda. Gusto nito ang isang tao, isang nobleng biktima. At kung hindi ito makatatagpo niyan, lalapain nito ang isang malaking isda. Ngunit ikaw, ako at ang iba pa, ay maliliit na isda... mga walang kuwenta.»

«Ang tinutukoy mo ba ay ang Guro?» tanong ni Mateo.

«Siyempre! Hindi mo ba nakikita kung papaano sila tumingin-tingin sa lahat ng direksiyon? Katulad nila ang mababangis na hayop inaamoy ang daan ng isang gasela.»

«Sasabihin ko sa Kanya...»

«Sandali! Sabihin natin sa mga anak ni Alfeo. Napakabuti Niya. Isang sayang na kabutihan kung malunok ng mga bungangang iyon.»

«Tama ka.»

Ang dalawa ay pumunta sa ilog at tinawag sina Santiago at Judas. «Halikayo. Mayroon ilan na kakaibang uri... Mabuti para sa mga bigtihan. Sila ay tiyak na pumunta upang inisin ang Guro.»

«Tayo na. Nasaan Siya?»

«Siya ay nasa kusina pa. Bilisan natin, sapagkat kung malaman Niya Siya ay tututol.»

«Oo. At nagkakamali Siya.»

«Sinasabi ko rin iyan.»

Bumalik sila sa sahig ng giikan. Ang grupo, na sinasabing “mga Galilean”, ay nagsasalitang nagpapakababa sa ibang mga tao. Si Judas ni Alfeo ay lumapit sa kanila, nang tila hindi sinasadya. At narinig niya:

«,,, ang mga salita ay kailangan na suportado ng mga katotohanan.»

«At suportado ito! Kahapon din pinagaling Niya ang isang Romano na nalukuban!»

«Nakapanghihilakbot! Pinagaling Niya isang Pagano! Anong iskandalo! Narinig mo ba iyan, Eli?»

«Ang lahat na pagkakamali ay nasa Kanya: Siya ay mapagkaibigan sa mga kolektor ng buwis at mga puta, at nakikipag-ugnayan sa mga pagano at...»

«At tinitiis Niya ang mga trapikante ng iskandalo, na isa ring pagkakamali, at ang pinakagrabe, sa aking mga mata. Ngunit dahil hindi Niya nalalaman at ayaw Niyang ipagtanggol ang Kanyang Sarili, magsalita sa akin tungkol dito. Ako ay Kanyang kapatid at mas matanda ako sa Kanya, at ito ay isa pang kapatid, ang pinakamatanda.¹

«Bakit ka nagagalit? Sa palagay mo ba nagsasalita kami ng masama tungkol sa Mesiyas? O! Kami ay naparito mula sa napakalayo dahil sa Kanyang katanyagan. Sinasabi din namin sa mga taong ito...»

«Sinungaling! Labis kang nakasusuklam na tatalikuran kita.» At si Judas ni Alfeo, baka dahil nanganganib ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapwa, ay umalis.

«Hindi ba’t ang aming sinabi ay totoo? Ang lahat dito ay makapagsasabi...»

Ngunit wala ni isa sa «lahat» na iyon», ibig sabihin sa mga kung kanino ang mga Galilean ay nagsasalita, ang nagbigkas ng isang salita. Ayaw nilang magsinungaling at ayaw nilang maglakas-loob na pasinungalingan sila. Kung kaya't nananatili silang tahimik.

«Ni hindi nga namin alam kung ano ang katulad Niya...» sabi ng Galilean na si Eli.

«Hindi mo Siya ininsulto sa loob ng aking bahay, hindi ba?» tanong ni Mateo nang pabalintuna. «O gawa ng sakit nawalan ka ng ala-ala?»

Ang Galilean ay tinakpan ang kanyang sarili ng kanyang manta at umalis kasama ang iba pa na hindi tumutugon.

«Duwag» sigaw ni Pedro sa kanya.

²«Nagsasabi sila sa amin ng  nakakatakot na mga bagay tungkol sa Kanya...» paliwanag ng isang lalaki. «Ngunit nakita namin ang Kanyang mga gawa. Sa kabilang dako alam namin kung ano ang katulad nila, ang mga Pariseo. Sino ang aming paniniwalaan kung gayon? Ang Mabuting Isa, Na talagang mabuti, o ang masasama, na nagsasabi na sila ay mabubuti, samantalang sila ay isang kalamidad? Alam ko na mula nang ako ay pumupunta rito lagi, ako ay labis na nagbago, na hindi ko na makilala ang aking sarili. Ako ay marahas at matigas sa aking asawa at mga anak, wala akong respeto sa aking mga kapwa, sa halip ngayon... Ang lahat sa nayon ay nagsasabi: “Si Azariah ay wala na sa kanyang sarili”. Kung gayon? Mayroon na bang nakapakinig na ang isang dimonyo ay nakapagpabuti sa mga tao? Para kanino siya kung gayon nagtatrabaho? Para sa ikababanal natin? O! kakaiba nga siyang totoo kung siya ay nagtatrabaho para sa Panginoon!»

«Tama ka, mamâ.  At harinawang protektahan ka ng Diyos sapagkat nakaiintindi ka, nakakakita, at nagtatrabaho nang maayos. Magpatuloy ka nang ganyan at magiging isa kang totoong disipulo ng pinagpalang Mesiyas. Magiging isa kang lugod para sa Kanya Na gusto ang iyong kabutihan at tinitiis ang lahat upang ikaw ay madala roon. Maiskandalo ka lang sa totoong kasamaan. Ngunit kapag nakikita mo na Siya ay gumagawa sa ngalan ng Diyos huwag kang maiskandalo. At huwag mong paniwalaan ang mga gusto kang maakit ng mga iskandalo, kahit na kung nakikita mo Siya na gumagawa ng mga bagong bagay. Tayo ngayon ay nasa mga bagong panahon. Ang mga ito ay dumating katulad ng isang bulaklak, na tumubo pagkatapos ng maraming pagtatrabaho ng mga ugat nito sa loob ng mga siglo. Kung Siya ay hindi pinangunahan ng maraming siglo ng paghihintay, hindi sana natin maiintindihan ang Kanyang Salita. Ngunit ang maraming siglo ng pagsunod sa Batas ng Sinai ay nabigyan tayo ng pinakamaliit ng preparasyon na nagawa tayong malanghap natin ang lahat na esensiya at ang bagong mga panahon, isang dibinong bulaklak na ipinagkaloob sa atin ng Kagandahang-Loob, at kung gayon mapadalisay at mapalakas natin ang ating mga sarili at mawisikan natin ang ating sarili ng amoy ng kabanalan katulad ng mga altar. Ang bagong mga panahon ay may bagong mga sistema, na hindi sumasalungat sa Batas, bagkus nilagyan ng awa at karidad sapagkat Siya ay ang Awa at ang Pagmamahal na bumaba mula sa Langit.» Si Santiago ni Alfeo ay ikinakaway ang kanyang kamay sa mga tao at nagpatungo sa bahay.

«Nakapagsasalita ka nang maayos!» sabi ni Pedro humahanga. «Hindi ko kailanman malaman kung ano ang aking sasabihin. Ang nasasabi ko lang: “Maging mabuti. Mahalin Siya, makinig sa Kanya at maniwala sa Kanya”. Hindi ko talaga malaman kung papaano Siya nakukontento sa akin!»

«Ngunit sa kabila niyan Siya ay kontentung-kontento» tugon ni Santiago ni Alfeo.

«Totoo ba ang sinasabi mo o sinasabi mo lang iyan dala ng kabaitan?»

«Totoo iyan. Kahapon din sinasabi Niya sa akin.»

«Sinabi Niya? Kung gayon mas masaya ako ngayon kaysa noong dinala nila sa akin ang aking nobya. Ngunit... saan ka natotong magsalita nang napakaayos?»

«Sa ibabaw ng mga tuhod ng Kanyang Ina at sa tabi Niya. Anong mga leksiyon! Anong mga salita! Tanging Siya lamang ang nakapagsasalita nang mas mabuti kaysa sa Kanyang Ina. Ngunit kung ano ang pagkukulang ng Ina sa kapangyarihan, nababawi Niya sa kabaitan... at papasukin ang iyong puso O! ang Kanyang mga leksiyon! Nakakita ka na ba ng isang piraso ng tela na ang gilid nito ay idinikit sa isang may-pabangong langis? Sinisipsip nitong dahan-dahan ang bango ngunit hindi ang langis at kahit na kung ang langis ay inalis, ang pabango ay naiiwan pa rin upang magsabi: “Naroroon ako dati”. Siya ay katulad niyan. Sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at grasya pinupuno Niya kami, magagaspang na tela na pagkaraan ay hinugasan ng búhay, at ang Kanyang pabango ay nasa loob namin.»

«Bakit hindi ni Jesus pinasasama Siya? Sinabi Niya pasasamahin Niya Siya! Kami ay magiging mabuti, hindi kami magiging labis na mga tanga... ako man lamang sana. At ang mga tao rin na ito. Sa presensya ni Maria sila'y magiging mabuti, ang mga masasamang  tao rin na iyon na pabalik-balik dito...»

«Sa palagay mo ba? Hindi sa palagay ko. Tayo ay uunlad at ang mabababang-loob na mga tao din. Ngunit ang malalakas at ang masasama!... O! Simon ni Jonas! Huwag mong ipagpalagay ang iyong tapat na mga damdamin sa ibang mga tao! Masisiraan ka ng loob... Naririto na Siya dumarating. Huwag tayong magsalita ng kahit ano...»

³Si Jesus ay lumalabas mula sa kusina hawak sa Kanyang kamay ang isang maliit na batang lalaki, na paampang-ampang sa tabi Niya, kumakain ng isang piraso ng tinapay na nilagyan ng langis ng olibo. Si Jesus ay inaalalayan ang Kanyang hakbang upang makasabay sa maliliit na paa ng Kanyang kaibigan. «Nakabihag Ako!» Sabi Niya nang masaya. Ang apat-na-taong gulang na ito, na ang kanyang pangalan ay Asriel, ay sinabi sa Akin na ibig niyang maging isang disipulo at ibig na malaman ang lahat: ang makapagturo, ang makagamot ng mga may sakit na bata, ang magawa ang mga usbong ng baging na mamunga ng buwig-buwig na ubas sa buwan din ng Disyembre at pagkatapos ibig niyang makaakyat sa isang bundok at isigaw sa buong mundo: “Halikayo, ang Mesiyas ay naririto!” Tama ba iyon, Asriel?»

Ang ngumingiting bata ay tumugon: «Oo» at ipinagpapatuloy ang pagkain ng kanyang tinapay.

«Hindi ka pa nga halos makakain!» Si Tomas ay tinutukso siya.

«Ni hindi mo pa nga masabi kung sino ang Mesiyas.»

«Siya ay si Jesus ng Nazareth.»

«At ano ang ibig sabihin ng “Mesiyas”?»

«Ang ibig sabihin nito... ang ibig sabihin nito: ang Tao na pinadala upang maging mabuti at magawa tayong lahat na mabuti.»

«At ano ang Kanyang ginagawa upang magawa tayong mabuti? At dahil sa ikaw ay isang maliit na makulit, ano ang gagawin mo?»

«Mamahalin ko Siya. At gagawin ko ang lahat. At gagawin Niya ang lahat, sapagkat minamahal ko Siya. Kung gagawin mo iyan, magiging mabuti ka rin.»

«At nagkaroon ka na ng iyong leksiyon, Tomas. Nasa iyo na ang kautusan: “Mahalin mo Ako at magagawa mo ang lahat, sapagkat mamahalin kita kung minamahal mo Ako; at ang pagmamahal ay tatrabahuhin ang lahat sa iyo” Ang Banal na Espiritu ay nakapagsalita. Halika, Asriel. Tayo na ang magturo.» Si Jesus ay masayang-masaya kapag kasama Niya ang isang bata, na ibig kong dalhin ang lahat na mga bata sa Kanya at makilala Siya ng lahat na mga bata. Sa halip napakarami ang ni hindi nakaaalam ng Kanyang pangalan!

Siya ay dumaraan sa harapan ng nakatalukbong na babae at bago Niya siya marating sinabi Niya sa bata: «Sabihin sa babaeng iyon: “Kapayapaan sa iyo:.»

«Bakit?»

«Sapagkat katulad mo siya kapag bumabagsak ka at nasasaktan mo ang iyong sarili. At siya ay umiiyak. Ngunit kung sabihin mo sa kanya iyan, iyan ay lilipas.»

«Kapayapaan sa iyo, babae. Huwag kang umiyak. Ang Mesiyas ay sinabi sa akin. Kung mahal mo Siya, mamahalin ka Niya at pagagalingin ka» sigaw ng bata habang hinihila Niya siya nang palayo nang hindi tumitigil. Si Asriel ay may sangkap na mayroon ang mga misyonaryo. Kahit na kung sa pansamantala ang kanyang mga sermon ay medyo... wala sa panahon at siya ay nagsasalita nang higit pa sa sinabi sa kanya na sabihin niya.

⁴«Kapayapaan sa inyong lahat.

Ito ay sinabi: “Hind ka magsasaksi nang kasinungalingan”.

Ano ang mas nakakasuka pa kaysa sa isang sinungaling? Hindi ba natin masasabi na idinudugtong niya ang kalupitan sa di-kadalisayan? Siyempre, masasabi natin. Ang isang sinungaling, ang tinutukoy Ko ay ang isang sinungaling sa seryosong mga bagay, ay malupit. Pumapatay siya ng isang reputasyon sa pamamagitan ng kanyang dila. At hindi siya naiiba sa isang mamatay-tao. Hindi, bagkus: mas isang mamamatay-tao pa siya. Ang isang mamamatay-tao ay pumapatay ng katawan lamang. Ang isang sinungaling ay pumapatay din ng isang mabuting pangalan, at ng alaala ng isang tao. Siya kung gayon ay dobleng mamamatay-tao. Siya ay isang di-naparurusahan na mamamatay-tao sapagkat hindi siya nagpapadanak ng dugo, ngunit sinasaktan niya ang reputasyon kapwa ng taong kanyang sinisiraan ng puri at ng buong pamilya. At hindi Ko titingnan ang kaso ng isang tao na naghahatid ng kamatayan sa kanyang kapwa sa panunumpa bilang saksi ng kasinungalingan. Ang bága ng Gehenna ay nakatambak na sa ibabaw ng taong iyan. Nagsasalita lamang Ako tungkol sa mga gumagawa ng maling mga pagpapahiwatig sa pagsasabi ng mga kasinungalingan at binubuyo ang ibang mga tao laban sa isang inosenteng tao. Bakit nila ginagawa ito? Kung hindi dala ng kapootan, na walang anuman na rason, ito ay dala ng kasakiman upang makuha kung ano ang pag-aari ng isang tao, o ito ay dala ng takot.

Kapootan. Tanging ang isang kaibigan lamang ni Satanas ang napopoot. Ang isang mabuting tao ay hindi napopoot. Hindi kailanman. Sa walang dahilan maging ano pa man ito. Kahit na kung siya ay tinuya at siniraan, siya ay nagpapatawad. Hindi siya kailanman napopoot. Ang kapootan ay ang saksi na taglay ng isang nawawalang kaluluwa at ito ay ang pinakamagandang saksi pabor sa isang inosenteng tao. Sapagkat ang kapootan ay ang pag-alsa ng kasamaan laban sa mabuti. Ang sinuman na mabuti ay hindi nangangailangan na mapatawad.

Kasakiman. “Mayroon siya ng wala ako. Gusto ko ang nasa kanya. Ngunit tanging sa panghahamak lamang sa kanya makukuha ko ang kanyang pusisyon. At gagawin ko ito. Magsisinungaling ba ako? Makakaano naman nito? Magnanakaw ba ako? Makakaano naman ito? Makakasira ba ako ng  isang buong pamilya? Makakaano naman ito?” Sa lahat ng mga katanungan na itinatanong ng tusong sinungaling sa kanyang sarili, nakakalimutan niya, ibig niyang makalimutan ang isang tanong. Ang isang ito: “At kung ako ay mabisto?” Hindi niya tinatanong ang kanyang sarili ng ganyang katanungan, sapagkat isang biktima ng pagmamalaki at ng kasakiman, katulad niya ang isa na ang mga mata ay sarado. Hindi niya nakikita ang panganib. Katulad din niya ang isang lasing. Siya ay nalasing ng maladimonyong alak at hindi iniisip na ang Diyos ay mas malakas kaysa kay Satanas at ipinaghihiganti ang siniraang tao. Ang sinungaling ay ibinigay ang sarili sa Kasinungalingan at may katangahan na umaasa sa proteksiyon nito.

Takot. Maraming beses ang isang tao ay naninira ng puri upang mapawalang-sala ang sarili. Ito ang pinaka pangkaraniwang porma ng pagsisinungaling. Nagawa na ang kasamaan. Tayo ay natatakot na baka ito ay matuklasan na gawa natin. Pagkatapos ginagamit at inaabuso ang pagpapahalaga ng ibang mga tao na mayroon pa tayo, babalisahin natin ang sitwasyon, pagbibintangan natin ang ibang tao, na ang kaninong katapatan lamang ang ating kinatatakutan. Ginagawa rin natin iyan, sapagkat kung minsan ang ating kapwa ay ang di-sinasadyang saksi sa ating kasamaan, at ibig nating makatiyak laban sa kanyang pagsaksi pagdating aakusahan araw. Kung kaya’t aakusahan natin siya upang hindi siya maging popular, kung siya ay magsalita, at baka may maniwala sa kanya.

Umasal nang maayos. At hindi ninyo kailanman kakailanganin ang gayong pagsisinungaling. Hindi ba ninyo nakikita, na kapag kayo ay nagsisinungaling, naglalagay kayo ng pasanin sa inyong mga sarili? Ito ay gawa ng pagpapasakop sa espiritu ng kasamaan, ng walang-pagkatapos na takot na baka mabisto, at ng pangangailangan na maalaala ang kasinungalingan pagkaraan din ng maraming mga taon,  sa lahat na mga sirkunstansiya at mga detalye ayon sa kung papaano ito unang ipinahayag, nang hindi nasasalungat ang sarili. Ang pagpapagal ng isang alipin sa galera! Kung ito lamang sana ay nakakatulong na makamit ang Langit! Sa halip nakakatulong lamang ito na maihanda ang isang lugar sa impiyerno!

Maging prangko. Gaano kaganda ang mga labì ng isang tao na walang nalalaman na kasinungalingan! Maaaring siya kaya ay mahirap, magaspang, di-kilala? Siya nga, siya ba? Ngunit siya ay isa pa ring hari. Sapagkat siya ay sinsiro. At ang sinseridad ay mas makahari kaysa sa ginto at mga diyadema, at naitataas ang isa sa taas ng mga pulutong nang mahigit pa sa isang trono, at nakakakuha ng mas dakilang púlong ng mabubuting tao kaysa na mayroon ang isang monarka. Ang pakikipagpalagayang-loob sa isang sinsirong tao ay nagbibigay ng kaligtasan at kaginhawahan. Samantalang ang pakikipagkaibigan sa isang di-sinsirong tao, o kahit málapit sa ganyang tao, ay nakagagawa ng pakiramdam ng kabalisahan. Sa dahilan na ang katotohanan ay lumalabas sa sanlibong pamamaraan, bakit siya na nagsisinungaling hindi iniisip na pagkaraan siya ay laging pagsususpetsahan? Papaano ang sinuman makapaniniwala sa kanyang sinasabi? Kahit na kung magsasalita siya ng katotohanan, at ang nakakarinig sa kanya ay ibig siyang paniwalaan, lagi nang magkakaroon ng pagdududa: “siya kaya ay nagsisinungaling din ngayon?” Maaaring itanong ninyo: “Nasaan ang saksi ng kasinungalingan?” Ang bawat kasinungalingan ay isang saksi ng kasinungalingan. Hindi lamang ang mga legal na mga saksi ng kasinungalingan.

Maging simple, katulad ng Diyos at ng isang bata. Maging makatotohanan sa bawat sandali ng inyong mga buhay. Ibig ba ninyong tingnan kayo na mabubuti? Maging totoong ganyan. Kahit na kung ang isang tsismoso ay magsalita nang masama tungkol sa inyo, sandaan na mabubuting tao ay laging magsasabi: “Hindi, Hindi iyan totoo. Siya ay mabuti. Ang kanyang mga gawa ay nagsasalita tungkol sa kanya”.

Sa isa sa mga aklat ng karunungan ito ay sinasabi: “Ang isang waldas, isang mabisyong tao, ay may pasulimpat sa kanyang mga labì... Ang panloloko sa loob ng kanyang puso, laging nagbabalak ng masama, siya ay naghahasik ng sama-ng-loob. May anim na bagay na kinapopootan ng Panginoon, pito na kinasusuklaman ng Kanyang kaluluwa: ang mapagmataas na tingin, ang mapagsinungaling na dila, mga kamay na nagpapadanak ng inosenteng dugo, isang puso na naghahabi ng masasamang balak, mga paa na nagmamadali na makagawa ng kasamaan, isang saksi ng kasinungalingan na nagsisinungaling sa bawat hininga, ang isang tao na naghahasik ng sama-ng-loob sa mga magkakapatid... Ang kanyang sariling mga labì ang masisisi kapag ang masamang tao ay mabibisto.  Ang isang saksi ng kasinungalingan ay walang iba bagkus panlilinlang. Ang mga labì na nagsasalita ng katotohanan ay nananatiling matatag magpakailanman, ang dila na nagsisinungaling ay tumatagal nang isang sandali lamang. Ang mga salita ng naninira sa likuran ay simple ang tunog, ngunit nanunusok ito sa puso ng tao. Ang tao na nag-iisip ng pagtataksil sa bayan ay nalalaman sa kanyang pananalita. Huwag siyang pagkatiwalaan kapag siya ay bumubulong, sapagkat dala niya ang pitong kasamaan sa loob ng kanyang puso. Mapaglinlang niyang tinatago ang kanyang kapootan, ngunit ang kanyang kasamaan ay mabubulgar... Ang tao na gumagawa ng hukay ay nahuhulog dito, ang bato ay bumabalik sa kanya na nagpapagulong dito”.

Ang kasalanan ng pagsisinungaling ay kasing tanda ng mundo at ang kaisipan ng marunong na tao tungkol dito ay hindi nagbabago, hindi rin nagbabago ang paghuhukom ng Diyos sa mga nagsisinungaling. Sasabihin Ko: magkaroon ng iisang wika lamang. Ang inyong “oo” ay sana laging “oo” at ang inyong “hindi” ay maging laging “hindi”, sa harapan din ng malalakas at mga tirano. At tatanggap kayo ng malaking gantimpala sa Langit para rito. Sasabihin Ko sa inyo: maging bukal katulad ng isang bata na sa pamamagitan ng likas na simbuyo ay pumupunta sa isang tao na kanyang nadarama na mabuti na walang hinahangad na iba bagkus kabutihan. At sinasabi niya kung ano ang naiisip niya gawa ng kanyang sariling kabutihan, nang hindi iniisip na baka siya ay makapagsalita nang labis at kung baka siya mapahamak gawa nito.

Humayo sa kapayapaan. At harinawang ang Katotohanan ay inyong maging kaibigan.»

⁶Ang maliit na Asriel, na laging nakaupo sa paanan ni Jesus, nakatingala sa Kanya katulad ng isang maliit na ibon na nakikinig sa awit ng ama nito, ay gumawa ng mapagmahal na kilos: kinukuskos niya ang kanyang maliit na mukha sa mga tuhod ni Jesus at nagsabi sa Kanya:  «Kayo at ako ay magkaibigan sapagkat Kayo ay mabuti at minamahal ko Kayo. Ngayon sasabihin ko rin iyan» at pinupuwersa ang kanyang tinig upang siya ay marinig hanggang sa magkabilang dulo ng malaking silid, kumakaway-kaway katulad ng kanyang nakita na ginagawa ni Jesus, sinabi niya: «Makinig, ang lahat. Alam ko kung saan pumupunta ang mga tao na hindi nagsisinungaling at nagmamahal kay Jesus ng Nazareth. Sila ay umaakyat sa hagdan ni Jacob. Pataas, pataas, pataas... kasabay ang mga anghel at sila ay titigil kapag nakita nila ang Panginoon» at siya ay ngumingiti nang masaya, pinakikita ang kanyang maliliit na ngipin.

Si Jesus ay hinahaplos siya at pumunta sa pagitan ng pulutong. Dinala Niya ulit ang bata sa kanyang ina at nagsabi: «Salamat sa inyo, babae, sa pagbigay ninyo sa Akin ng inyong  anak.»

«Naistorbo niya Kayo...»

«Hindi. Binigyan niya Ako ng pagmamahal. Siya ay ang maliit na isa ng Panginoon at harinawa na ang Panginoon ay lagi niyang makasama at makasama ninyo. Paalam.» Ang lahat ay nagtatapos.

 (703) 60410/160813



¹ Kailangan na tandaan na ang salitang Hebreo na “kapatid” ay ginagamit hindi lamang sa isang lalaking kamag-anak sa kaparehong mga magulang, bagkus sa mga iba pang kamag-anak din, at lalo na para sa mga pinsan.

 

 

 

Sunod na kabanata.