131. Si Jesus sa Clear Water: «Hindi Mo Pagnanasaan ang Pag-aari ng Iyong Kapwa».

 Marso 15, 1945.

¹«Binibigyan ng Diyos ang lahat kung ano ang kinakailangan. Iyan ang katotohanan. Ano ang kinakailangan ng tao? Karangyaan? Isang malaking bilang ng mga katulong? Hindi mabilang na mga bukid? Mga bangkete na tumatagal mula paglubog ng araw hanggang sa pagsikat ng araw? Hindi. Ang tanging kinakailangan ng tao ay isang bubungan, isang tinapay, isang damit. Ang di-kailangan na mawala upang mabuhay.

Tumingin sa inyong kapaligiran. Sino ang pinakamasaya at pinakamayaman? Sino ang kinalulugdan ang isang malusog na mapayapang katandaan? Ang mabilisan na namumuhay na mga tao? Ang mga namumuhay at nagtatrabaho nang tapat at tapat na mga bagay lamang ang hinihiling. Sila ay hindi nalason ng matinding kasakiman at kung gayon malalakas. Sila ay hindi nalasing ng mga pagpapakasasa at kung gayon maliliksi. Sila ay hindi inuubos ng lason ng paninibugho at kung gayon masayahin. Ang sa halip ay nagnanasa ng marami’t marami pa, ay pinapatay ang kanyang sariling kapayapaan at walang lugod, tumatanda nang mabilis, inuubos ng inggit at ng mga pag-aabuso.

Maikakabit Ko ang kautusan: “Hindi ka magnanakaw” sa isa pa: “Hindi mo pagnanasaan ang pag-aari ng iyong kapwa”.  Sa katunayan ang malabis na pagnanasa ay naitutulak ang isa sa pagnanakaw. Ang pagitan ng dalawa ay napakaliit. Ang bawat pagnanasa ba ay ilegal? Hindi iyan ang ibig Kong sabihin. Ang isang ama ng pamilya na nagtatrabaho sa mga bukid o sa isang pagawaan at hinihiling na kitain ang kinakailangan upang masiguro ang pagkain para sa kanyang pamilya, ay tiyak na hindi nakagagawa ng kasalanan. Sa kabaligtaran tinutupad niya ang kanyang tungkulin ng isang ama. Ang sa halip nagnanasa upang mas lalong maging masaya at kinukuha ang pag-aari ng ibang mga tao upang magkaroon ng mas magandang buhay, ay nakagagawa ng kasalanan.

²Inggit! Ano ba ang pagnanasa na makuha ang pag-aari ng ibang mga tao bagkus kasakiman at inggit! Aking mga anak, ang inggit ay naghihiwalay sa tao sa Diyos at ikinakabit siya kay Satanas. Hindi ba ninyo naaalaala na si Lucifer ay ang unang nagnasa na makuha ang hindi niya pag-aari? Siya ay ang dating pinakamaganda sa lahat na mga arkanghel at kinalulugdan niya ang bisyon ng Diyos. Naging masaya na sana siya nang gayon. Kinainggitan niya ang Diyos, ibig na maging Diyos at naging isang dimonyo. Ang unang dimonyo. Isa pang halimbawa: sina Adan at Eba ay binigyan nang lahat, kinalulugdan nila ang makalupang paraiso at ang pakikipagkaibigan ng Diyos, pinagpapalà ng mga regalo ng grasya na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Naging kontento na sana sila niyon. Kinainggitan nila ang kaalaman ng Diyos tungkol sa mabuti at masama at pinalayas sa Eden at naging di-kinagugustuhan ng Diyos. Ang unang mga makasalanan. Ikatlong halimbawa: si Cain ay kinainggitan ang pakikipagkaibigan ni Abel sa Panginoon. At siya ang naging unang mamamatay-tao. Si Maria, ang kapatid ni Aaron at Moses, ay kinainggitan ang kanyang kapatid at naging ang unang ketongin sa kasaysayan ng Israel. Madadala Ko kayo nang paisa-isa sa buong kasaysayan ng sambayanan ng Diyos, at makikita ninyo na ang labis na pagnanasa ay nagawa ang mga tao na maging makasalanan at naghatid sa bansa ng mga kalamidad. Sapagkat ang mga kasalanan ng mga indibidwal ay naiipon at naghahatid ng mga sakuna sa bansa, eksaktong katulad ng mga butil ng buhangin, naiipon sa loob ng maraming siglo, ay napangyayari ang pagguho na tumatabon sa mga nayon at sa mga naninirahan dito.

³Madalas Kong gamitin ang mga maliliit na bata bilang halimbawa, sapagkat sila ay simple at mapagtiwala. Ngayon sasabihin Ko sa inyo: gayahin ang mga ibon sa kanilang kalayaan mula sa mga pagmimithi. Tingnan. Ngayon ay taglamig na. Kakaunti ang pagkain sa mga taniman ng mga punungkahoy. Sila ba ay nag-aalala na mag-ipon nito sa tag-init? Hindi. Hindi sila nag-aalala. Nagtitiwala sila sa Panginoon. Nalalaman nila na sila ay laging makakahuli para sa kanilang maliliit ng isang maliit na uod, isang maliit na butil, isang mumo, isang maliit na gagamba, isang maliit na langaw lumulutang sa tubig. Nalalaman nila na laging may isang mainit na tuktok ng tsiminea o isang pulutong ng lana na magpoprotekta sa kanila sa taglamig, at nalalaman din nila na pagdating ng panahon kapag kailangan na nila ang dayami para sa kanilang mga pugad at mas marami pang pagkain para sa kanilang maliliit, magkakaroon ng nangangamoy na dayami sa mga bukid at makatas na mga pagkain sa mga taniman ng mga punungkahoy at sa mga daang-araro, at ang ere at ang lupa ay magiging mayaman sa mga insekto. At dahan-dahan nilang inaawit: “Salamat sa Inyo, Tagapaglikha, para sa binibigay Ninyo sa amin at ibibigay sa amin”, at handa sila na awitin ang mga hosana sa tuktok ng kanilang mga tinig kapag kalulugdan na nila ang pakikisama ng kanilang mga kapareha sa loob ng panahon ng pagpaparami at nakikita nila ang kanilang mga anak na dumarami.

Mayroon bang mas masaya pang nilalang kaysa sa ibon? At ano ang katalinuhan nito kompara ng sa tao? Isang maliit na piraso ng silica kompara sa isang bundok. Ngunit nagtuturo ito sa inyo ng leksiyon. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang namumuhay nang wala ng kahit na anong di-dalisay na mga mithiin ay nagtataglay ng lugod ng isang ibon. Nagtitiwala siya sa Diyos, pakiramdam niya ang Diyos ay ang kanyang Ama. Ngumingiti siya sa dumarating na araw at sa bumabagsak na gabi, sapagkat nalalaman niya na ang araw ay kanyang kaibigan at ang gabi ay ang kanyang pampalakas. Tinitingnan niya ang mga tao nang walang malisya at hindi siya natatakot sa kanilang paghihiganti, sapagkat hindi niya sila sinasaktan sa anumang paraan. Hindi siya natatakot para sa kanyang kalusugan o sa kanyang tulog, sapagkat nalalaman niya na ang isang tapat na pamumuhay ay nagpipigil sa mga sakit at nagkakaloob ng mapayapang kapahingahan. At panghuli hindi siya natatakot sa kamatayan, sapagkat nalalaman niya na, sa dahilan na siya ay laging kumilos nang mabuti, ang Diyos ay bagkus makangingiti sa kanya. Ang isang hari din ay namamatay. At ang isang mayaman ay namamatay. Ang isang setro ay hindi makapagpipigil sa kamatayan, ni ang pera makabibili ng inmortalidad. Sa dahilan na sa harapan ng Hari ng mga hari at ng Panginoon ng mga panginoon ang mga korona at pera ay katawa-tawang mga bagay, ang isang pamumuhay na ipinamuhay ayon sa Batas ay ang tanging bagay lamang na may halaga.  

⁴Ano ang sinasabi ng mga lalaking iyon sa dulo ng silid? Huwag matakot na magsalita.»

«Ang aming sinasabi: ano ang ipinagkasala ni Antipas? Pagnanakaw o pakikiapid?

«Ibig Kong tingnan ninyo  ang inyong sariling mga puso, at hindi ang ibang mga tao. Ngunit Ako ay tutugon sa inyo na siya ay nagkasala ng idolatra, sapagkat sinasamba niya ang laman nang higit pa sa Diyos, at siya ay nagkasala ng pakikiapid, pagnanakaw, di-legal na mga mithiin, at magkakasala din siya ng pagpatay ng tao.»

«Siya ba ay maililigtas Ninyo, ang Tagapagligtas?»

«Maililigtas Ko ang mga nagsisisi at bumabalik sa Diyos. Ang di-nagsisisi ay hindi magkakaroon ng katubusan.»

«Sinabi Ninyo na siya ay isang magnanakaw. Ano ang kanyang ninakaw?»

«Ang asawa ng kanyang kapatid. Ang isang magnanakaw ay hindi lamang tungkol sa pera. Pagnanakaw din ang kumuha ng reputasyon ng isang tao, ang manrahuyo ng isang birhen, ang kumuha ng isang asawa mula sa kanyang asawa, katulad na pagnanakaw ang kumuha ng toro ng kapwa o ng kanyang mga tanim. Ang isang pagnanakaw, na pinalala ng kasakiman o ng pagsaksi nang kasinungalingan, ay pinalalala ng pakikiapid, pornikasyon o pagsisinungaling.»

«At ano ang pagkakasala na nagagawa ng isang babae, na ipinagbibili ang sarili sa prostitusyon?»

«Kung siya ay may asawa, isang pagkakasalang pakikiapid at pagnanakaw hinggil sa kanyang asawa. Kung siya ay walang asawa, isang pagkakasala ng di pagiging dalisay at ng pagnanakaw hinggil sa kanyang sarili.»

«Sa kanyang sarili? Ngunit ibinibigay niya kung ano ang kanyang sariling pag-aari!!»

«Hindi. Ang ating katawan ay nilikha ng Diyos upang maging ang templo ng kaluluwa, na siyang ang templo ng Diyos.  Ito, kung gayon, ay kailangan na mapanatiling tapat, kung hindi ang kaluluwa ay mapagnanakawan ng pakikipagkaibigan ng Diyos at ng eternal na buhay.»

«Ang isang puta kung gayon ay maaaring bagkus isang Satanas?»

«Ang bawat kasalanan ay pakikiapid kay Satanas. Ang isang makasalanan, katulad ng isang inupahan na babae, ay ibinibigay ang kanyang sarili kay Satanas para sa di-legal na pagmamahalan, umaasang makagagawa ng isang maruming kita. Ang prostitusyon ay isang grabe, napakagrabeng kasalanan na nagagawa ang tao na maging katulad ng di-malinis na mga hayop. Ngunit sa akala ba ninyo ang iba pang kapital na kasalanan ay hindi napakagrabe? Anong sasabihin Ko tungkol sa idolatra? Tungkol sa pagpatay ng tao? Subalit sa kabila nito ang Diyos ay pinatawad ang mga Israelita pagkatapos ng gintong guya. Pinatawad Niya si David pagkatapos ng kanyang kasalanan, na isang dobleng kasalanan. Ang Diyos ay pinatatawad ang nagsisisi. Gawing proporsiyonado ang pagsisisi sa bilang at kalalaan ng mga kasalanan, at sasabihin Ko sa inyo na kung sino ang mas nagsisisi, ay mas patatawarin. Sapagkat ang pagsisisi ay isang klase ng pagmamahal. Ng isang aktibong pagmamahal. Ang sinuman na nagsisisi, ay nagsasabi sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang pagsisisi: ”Hindi ko matagalan ang Inyong galit, sapagkat minamahal ko Kayo at gusto kong ako ay mahalin”. At minamahal ng Diyos ang nagmamahal sa Kanya. Kung gayon sasabihin Ko: habang mas nagmamahal ang isa, mas lalo siyang mamahalin. Ang sinuman na nagsisising ganap, ay mas kumpletong pinatatawad.

At iyan ang katotohanan.

⁵Humayo. Ngunit bago ngayon kailangan Kong sabihin sa inyo na sa may pamasukan ng nayon ay may isang balo, na maraming anak, na mga nagugutom hanggang mamatay. Siya ay pinalayas sa kanyang bahay dahil sa mga pagkakautang. At baka “patatawarin” pa rin niya ang panginoon, sapagkat siya ay pinalayas lamang. Ginamit Ko ang inyong mga limos upang makabili ng tinapay para sa kanila. Ngunit nangangailangan sila ng matutuluyan. Ang awa ay ang pinaka katanggap-tanggap na sakripisyo sa Panginoon. Maging mabuti at sa Kanyang pangalan binibigay Ko sa inyo ang katiyakan ng isang gantimpala.»

Ang mga tao ay nagbubulungan, nagkukunsultahan sa isa’t isa, nag-uusap-usap.

Si Jesus pansamantala ay pinagagaling ang isang lalaki na halos bulag at pinakikinggan ang isang maliit na matandang babae na nanggaling sa Doco upang pakiusapan Siya na pumunta sa kanyang manugang-na-babae na may sakit. Isang napakahabang kalungkut-lungkot na kuwento, na, sa dahilan na ako ay naubusan na ng lakas ngayon, hindi ko na isusulat.

At mabuti na lang, ang lahat ay nagtatapos, sapagkat ako ay totoong hindi na makapagpapatuloy, sa dahilan na kanina pa akong naghihirap gawa ng atake sa puso sa mga nakaraang tatlong oras na ito at napalabo din nito ang aking paningin.

(709) 251010/170813

 

 

 

Sunod na kabanata.