133. Si Jesus Iniiwan ang Clear Water at Nagpagawing Bethany.

Marso 18, 1945.

¹Ngayon ay walang mga peregrino sa Clear Water. Isang kakaibang pakiramdam ito na makita ang lugar na walang kahit anong tao roon para sa gabi o kumakain ng kanilang mga pagkain sa sahig giikan o sa ilalim ng panilungan. Ang lahat ay malinis at maayos ngayon, na walang kahit anong bakas na karaniwang iniiwan ng mga pulutong.

Ang mga disipulo ay ginugugol ang kanilang panahon sa gawaing manwal, ang iba ay gumawa ng mga suliyang pambitag ng isda, ang iba ay naghuhukay sa lupa upang makagawa ng mga daluyan ng tubig-ulan at kung gayon maiwasan itong mabungkok sa sahig-giikan.

Si Andres, na bumabalik mula sa isang utos, ay pumunta kay Jesus at nagsabi: «Kapayapaan sa Inyo, Guro.»

«At sa iyo, Andres. Halika rito nang sandali. Makapananatili ka rito malapit sa maliliit na ibon. Ikaw ay katulad nila. Kita mo? Kapag alam nila na ang lumalapit sa kanila ay mahal sila, hindi na sila natatakot. Tingnan kung gaano kakumpiyansa, kaligtas at kasaya sila. Kanina sila ay halos malapit sa Aking mga paa. Ngayon na ikaw ay naririto sila ay nasa pagmamasid... Ngunit tingnan... ayan ang mas malakas-ang-loob na pipit na lumalapit. Nakita niya na walang panganib. At ang iba ay sinusundan ito. Tingnan kung gaano sila kumakain hanggang gusto nila? Hindi ba’t kapareho natin sila, ang mga anak ng Ama? Pinagsasawa Niya tayo ng Kanyang pagmamahal. At kapag nakakatiyak tayo na tayo ay minamahal at hinihingi na tayo ay Kanyang maging mga kaibigan, bakit tayo kailangan na matakot sa Kanya o sa ating mga sarili? Ang Kanyang pakikipagkaibigan ay kailangan na magawa tayong malalakas ang loob sa mga tao din. Maniwala sa Akin, tanging ang isang kriminal lamang ang kailangan na matakot sa kanyang kapwa-nilikha. Hindi ang isang makatarungang taong katulad mo.»

Si Andres ay namumula ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano.

Si Jesus ay kinabig siya sa Kanyang Sarili at ngumingiti sinabi Niya sa kanya: «Ikaw at si Simon ay kailangan na ilagay sa iisang lusawan upang tunawin at pormahing muli. Kayo sa gayon ay kapwa mapeperpekto. Subalit... kung sabihin Ko sa iyo na bagama't kayo ay labis na magkaiba ngayon, ikaw ay magiging perpektong kapareho ni Pedro sa katapusan ng inyong misyon, maniniwala ka ba sa Akin?»

«Kung sinasabi Ninyo, ito ay maaaring tiyak. Ni hindi ko itatanong kung papaano ito maaaring mangyayari. Sapagkat ang lahat na sinasabi Ninyo ay totoo. At magiging masaya ako na maging katulad ng aking kapatid na si Simon, sapagkat siya ay makatarungan at nagagawa Kayong masaya. Si Simon ay magaling! At napakasaya ko na siya ay magaling. Siya rin ay matapang at malakas. Ngunit ang iba rin!....»

«At hindi ba ikaw?»

«O! Ako... Kayo lamang ang tanging nakukontento sa akin...»

«At Ako lamang ang nakababatid na nagtatrabaho ka nang walang-ingay ngunit mas malalim kaysa sa iba. Sapagkat sa lahat na labindalawang mga disipulo, may mga gumagawa ng labis na ingay katulad ng trabahong kanilang ginagawa, may ilan na gumagawa ng labis na ingay kaysa sa trabahong kanilang ginagawa, at may ilan na walang ginagawa bagkus ang magtrabaho. Isang aba, aktibo, kinaliligtaan na gawain... Ang iba ay maaaring isipin na ang mga ito ay walang ginagawa. Ngunit Siya Na nakakakita, ay nakaaalam. May ganyang mga pagkakaiba sapagkat kayo ay hindi pa perpekto. At magkakaroon lagi ng ganyang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga disipulo, sa mga darating din pagkatapos ninyo, hanggang sa ang anghel ay kukulog: “Ang panahon ay wala na”. Laging magkakaroon ng mga ministro ng Kristo na mga makapagtatrabaho din nang ganyan at makuha ang paningin ng mundo: sila ay ang mga dalubhasa. At nakalulungkot na magkakaroon din ng mga wala bagkus ingay at panlabas na mga kilos, mga huwad na pastol na may pag-arteng aktitud... Mga pari? Hindi, sila ay mga manggagaya. Wala nang iba pa. Ang mga pag-arte ay hindi nakagagawa ng pari, ni ang kanyang sutana. Ni ang makamundong kaalaman o ang malalakas na makamundong mga relasyon nakagagawa ng pari. Ito ay ang kanyang kaluluwa. Napakadakilang kaluluwa na madudurog nito ang laman. Ang Aking pari ay ganap na espirituwal... Ganyan Ko siya pinapangarap. Ganyan ang magiging katulad ng Aking banal na mga pari. Ang espiritu ay wala ni tinig o ang aktitud ng tagaganap sa entablado. Ito ay walang halaga sapagkat ito ay espirituwal at kung gayon hindi makapagsusuot ng peplum o mga maskara. Ito ay kung ano ito: espiritu, apoy, liwanag, pagmamahal. Ito ay nagsasalita sa mga espiritu. Ito ay nagsasalita sa pamamagitan ng kabasalan ng mga mata, ng mga kilos, ng mga salita, nga mga gawa. Ang tao ay tumitingin. At nakikita niya ang isang kapwa-nilikha. Ngunit ano ang kanyang nakikita sa itaas at sa kabila ng laman? Isang bagay na nagagawa siyang bagalan ang kanyang nagmamadaling mga hakbang, na nagagawa siyang magnilay-nilay at maghinuha: “Ang taong ito, na katulad ko, ay may hitsura lamang ng isang tao. May kaluluwa siya ng isang anghel”. Kung siya ay isang di-naniniwala, siya'y maghihinuha: “Dahil sa kanya naniniwala ako na may isang Diyos at isang Langit”. At kung siya ay mahalay, sasabihin niya: “Ang kapwa kong nilikhang ito ay may makalangit na mga mata, pipigilan ko ang aking sensuwalidad upang hindi ko malapastangan ang mga ito”. At kung siya ay isang abaro, magpapasya siya: “Dahil sa halimbawa ng taong ito na hindi nakakabit sa kayamanan, titigil ako nang pagiging isang abaro”. At kung siya ay isang tao na madaling magalit o isang malupit na tao, sa harapan ng isang magiliw na tao, siya'y magiging mas tahimik at kalmante. Ganyan ang maaaring magawa ng isang banal na pari. At, maniwala sa Akin, sa pagitan ng banal na mga pari magkakaroon lagi ng ilan na nakahandang mamatay para sa pagmamahal ng Diyos at ng kanilang kapwa, at gagawin nila ito nang napakatahimik, pagkatapos na maisabuhay ang perpeksiyon sa buong buhay nila nang napakatahimik din, na ang mundo ay ni hindi sila mapupuna. Ngunit kung ang mundo ay hindi maging gahaman sa kahalayan at idolatra, ito ay dahil sa mga bayani na ito ng katahimikan at ng tapat na mga gawain. At ang kanilang mga ngiti ay magiging katulad ng sa iyo: dalisay at mahiyain. Sapagkat laging magkakaroon ng ilan na mga Andres. Sila ay mapapariyan sa pamamagitan ng grasya ng Diyos at para sa kapalaran ng mundo!»

«Hindi ako sa palagay ko karapat-dapat ng mga salitang iyan... Wala ako ng magpapalabas ng mga ito...»

«Natulungan mo Ako na makaakit ng isang puso sa Diyos. At iyon ay ang ikalawa na nadala mo sa Liwanag.»

«O! Bakit siya nagsalita! Siya ay nangako...»

«Walang sinuman ang nagsalita. Ngunit alam Ko. Nang ang iyong pagod na mga kasamahan ay nagpapahinga, may tatlong di-nakatulog na tao sa Clear Water. Ang apostol ng tahimik na aktibong pagmamahal para sa kanyang kapatid na mga nagkasala. Ang nilikhang tinutulak ng kanyang kaluluwa patungo sa kaligtasan. At ang Tagapagligtas Na nananalangin at nagmamasid, Na naghihintay at umaasa... Ang Aking pag-asa: na ang isang kaluluwa ay makatagpo ng kaligtasan... Salamat sa iyo, Andres. Magpatuloy nang ganyan at pagpalain ka para diyan.»

«O! Guro!... Huwag Kayong magsalita sa iba. Kapag ako ay nag-iisa kasama ang isang tao, nagsasalita sa isang ketongin na babae sa isang walang-tao na baybayin, o nagsasalita rito sa isang babae na ang mukha hindi ko nakikita, napakaliit pa rin ang aking nagagawa. Ngunit kung ang iba, at higit sa lahat si Simon, ay makaalam tungkol dito at ibig nilang pumunta... diyan ako walang magagawa kahit ano. Ni Kayo ay hindi dapat na pumunta... Ako ay mahihiyang magsalita sa harapan Ninyo.»

«Hindi Ako pupunta. Si Jesus ay hindi pupunta. Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay lagi mong nakakasama. Umuwi na tayo. Tinatawag na nila tayo para sa pagkain.»

At ang lahat ay nagtatapos sa pagitan ni Jesus at ng Kanyang magiliw na disipulo.

²Sila ay kumakain pa at nasindihan na nila ang lampara, sapagkat napakabilis ang dating ng gabi at dahil sa napakalamig na hangin kinakailangan na panatilihin na nakasarado ang pinto, nang may kumatok sa pinto at ang masayang tinig ni Juan ay narinig.

«Maligayang pagdating!»

«Ang bilis ninyo!»

«Ano ang balita?»

«Ang dami ninyong dala!»

Sabay-sabay silang nagsasalita, tinutulungan ang tatlo na maalis ang napakabigat na mga bag na dala nila sa kanilang mga likod.

«Dahan-dahan!»

«Batiin natin ang Guro!»

«Sandali lang!»

May maningning na pantahanan na kasabikan dahil sa lugod ng pagiging magkakasama.

«Binabati Ko kayo, Aking mga kaibigan. Ang Diyos ay binigyan kayo ng magandang panahon.»

«Oo, Guro. Ngunit hindi magandang balita. Na kinikinita ko na ito» sabi ng Iskariote.

«Anong problema? Ano ang nangyari?...» Ang kanilang pag-usyoso ay napukaw.

«Hayaan muna silang magkaroon ng pampalamig» sabi ni Jesus.

«Hindi, Guro. Ibibigay na muna namin sa Inyo at sa iba ang mayroon kami. At ang unang bagay... Juan, ibigay mo ang sulat.»

«Ito ay na kay Simon. Natatakot akong makusot iyan sa loob ng aking bag.»

Ang Zealot, na kanina pa nakikipagtalo kay Tomas na ibig siyang pagsilbihan ng tubig para sa kanyang pagod ng mga paa, ay lumapit nagsasabing: «Nasa akin ito, sa loob ng lukbutan ng aking sinturon.» At binuksan niya ang isang bulsa sa loob ng kanyang malapad na pulang sinturon at may hinugot na isang rolyo na ngayon ay napatag na.

«Iyan ay mula sa Inyong Ina. Nang kami ay malapit sa Bethany, natagpuan namin si Jonathan na patungo sa bahay ni Lazarus na dala ang sulat at maraming ibang bagay pa. Si Jonathan ay patungo sa Herusalem sapagkat isinasaayos ni Chuza ang kanyang bahay... Si Herodes ay baka patungo sa Tiberias... at ayaw ni Chuza na ang kanyang asawa ay makasama si Herodias» paliwanag ng Iskariote habang inaalis ni Jesus ang pagkakatali ng rolyo at iniladlad ito.

Ang mga apostol ay bumubulong habang binabasa ni Jesus ang mga salita ng Kanyang Ina ngumingiting napakasaya.

³«Makinig» sinabi Niya pagkatapos. «Mayroon din para sa mga Galilean. Ang Aking Ina ay isinulat:

“Kay Jesus, Aking magiliw na Anak at Panginoon, kapayapaan at pagpapalà. Si Jonathan, ang lingkod ng Diyos, ay nagdala sa Akin ng mga regalo mula kay Johanna, na hinihiling sa kanyang Tagapagligtas na pagpalain siya, ang kanyang asawa at ang buong sambahayan. Si Jonathan ay sinabi sa Akin na siya ay tinagubilinan ni Chuza na pumunta sa Herusalem upang buksan ang kanyang bahay sa Zion. Pinagpapalà Ko ang Panginoon para diyan sapagkat, maipaaabot Ko sa iyo ang Aking mga salita at mga pagpapalà. Si Maria ni Alfeo at si Salome ay ipinaaabot ang kanilang pagmamahal at mga pagpapalà sa kanilang mga anak. At sa dahilan na si Jonathan ay labis na napakabait, naririyan din ang pangungumusta ng asawa ni Pedro sa kanyang nasa malayong asawa at ang mga kamag-anak din ni Felipe at ni Natanael ay ipinaaabot ang kanilang mapag-alalang mga pangungumusta. Ang lahat ng inyong mga kababaihan, o mahal na nasa malayong mga kalalakihan, ay mga nagtrabaho sa pamamagitan ng kanilang mga karayom, mga habihan, o sa kanilang mga pangkusinang-hardin at nagpapadala sa inyo ng mga damit para sa mga buwan ng taglamig, at matatamis na pulot, pinaaalalahanan kayo na inumin ito na may mainit na tubig sa basang mga gabi. Alagaan ninyo ang inyong mga sarili. Iyan ang sinabi ng inyong mga ina at mga asawa sa Akin at sinasabi Ko sa inyo. Sa Akin ding Anak. Hindi namin isinakripisyo ang aming mga sarili para sa wala, maniwala sa amin. Kasiyahán ang abang mga regalo na iniaalay namin, mga disipulo ng mga disipulo ng Kristo, sa mga lingkod ng Panginoon, at ibigay lamang sa amin ang lugod na mapakinggan na kayo ay lahat nasa maayos na kalagayan.

Ngayon, Aking pinakamamahal na Anak. Sa palagay Ko sa loob ng halos santaon taon hindi Ka naging ganap na sa Akin. At Ako ay tila bumalik sa panahon kung saan nalaman Ko na Ikaw ay naririto na, sapagkat naramdaman Ko ang Iyong maliit na puso na pumipintig sa loob ng Aking sinapupunan, ngunit masasabi Ko rin na Ikaw ay wala pa rito. Sapagkat nakahiwalay Ka sa Akin sa pamamagitan ng harang na nagpipigil sa Akin na mahaplos Ko ang Iyong pinakamamahal na katawan at masasamba Ko lamang ang Iyong espiritu, o Aking mahal na Anak at sasambahing Diyos. Ngayon din nalalaman Ko na Ikaw ay naririto at na ang Iyong puso ay pumipintig kasabay ng Akin, hindi kailanman nawawalay sa Akin kahit na kung tayo ay hindi magkasama, ngunit hindi Ko mahaplos, marinig, masilbihan at mapagpitaganan Kita, Mesiyas ng Panginoon at ng Kanyang abang katulong.

Gusto ni Johanna na Ako ay pumunta at makasama niya, upang hindi Ako nag-iisa sa loob ng Kapistahan ng mga Ilaw. Ngunit mas gusto Ko pang manatili rito kasama si Maria, at sindihan ang mga lampara, para sa iyo at para sa Akin. Ngunit kung Ako ang pinakadakilang reyna sa lupa at masisindihan Ko ang sanlibo o sampunlibong mga lampara, nasa kadiliman pa rin Ako sapagkat wala Ka rito. Samantalang Ako ay nasa loob ng isang maningning na liwanag sa madilim na gruta na iyon, nang idiniin Kita sa Aking puso, Aking Liwanag at Liwanag ng mundo. Ito ang magiging unang pagkakataon na sasabihin Ko sa Aking sarili: ‘Ang Aking Sanggol ay mas matanda na nang santaon ngayon’ at wala sa Akin ang Aking Sanggol. At magiging mas malungkot ito kaysa sa una Mong kaarawan sa Matharea. Ngunit isinasagawa Mo ang Iyong misyon at Ako ang Akin. At kapwa Natin ginagawa ang kalooban ng Ama at Tayo ay kumikilos para sa kaluwalhatian ng Diyos. Napupunas niyan ang lahat ng Aking mga luha.

Mahal na Anak, nalalaman Ko ang Iyong ginagawa mula sa sinabi sa Akin. Katulad na ang mga hangin ay dinadalaw nito ang tinig ng bukás na karagatan hanggang sa layo ng isang nangungulilang saradong golpo, gayon din ang alingawngaw ng Iyong banal na gawain para sa kaluwalhatian ng Diyos nakakarating sa ating tahimik na maliit na bahay at ang Iyong Ina ay nagbubunyi at nanginginig, sapagkat kung silang lahat ay nagsasalita ng tungkol sa Iyo, hindi lahat nagsasaad ng gayon ding taus-sa-pusong mga pakiramdam. Ang mga kaibigan at ang mga taong tinulungan Mo, ay pumupunta sa Akin at nagsasabi: ‘Pagpalain ang Anak ng Inyong sinapupunan’, at ang Inyong mga kaaway ay pumupunta rin upang saktan ang Aking puso nagsasabing: ‘Anathema sa Kanya’. Ngunit nagdarasal Ako para sa huling mga tao sapagkat sila ay kaawa-awang di-masayang mga tao, nang mas higit pa kaysa sa mga pagano na pumupunta at nagtatanong: ‘Nasaan ang salamangkero, ang dibinong isa?’ at hindi nila nababatid na, habang nagkakamali, nasasabi nila ang dakilang katotohanan, sapagkat Ikaw nga ay totoong isang pari at dakila, ayon sa lumang ibig-sabihin ng salita at Ikaw ay Dibino, Aking Jesus. At pinadala Ko sila sa iyo nagsasabing: ‘Siya ay nasa Bethany’. Sapagkat alam Ko na kailangan Kong sabihin nang ganyan, hanggang bigyan Mo Ako ng ibang mga tagubilin. At nagdarasal Ako para sa mga pumupunta na naghahanap ng kalusugan para sa kung ano ang mamamatay, na sana matagpuan nila ang kaligtasan para sa kanilang eternal na mga kaluluwa.

Pakiusap na huwag mag-alala tungkol sa Aking mga kapighatian. Ito ay napapalitan ng malaking lugod ng mga salita ng ang mga katawan at mga kaluluwa ay napagaling. Ngunit si Maria ay may mas malaking kapighatian kaysa ng sa Akin. Hindi lamang Ako ang pinag-uusapan. Si Jose ni Alfeo ay ibig niyang malaman Mo na sa isa sa kanyang mga pangangalakal na paglalakbay kamakailan sa Herusalem siya ay pinatigil at tinakot dahil sa iyo. Sila ay mga tauhan ng Dakilang Konseho. Sa palagay Ko siya ay itinuro ng isa sa mga dakilang tao rito. Kung hindi sino ang nakaaalam na si Jose ay ang ulo ng pamilya at Iyong kapatid? Sinasabi Ko ito sa iyo sapagkat bilang isang babae kailangan Kong sumunod. Ngunit para sa kung ano ang sa ganang Akin sasabihin Ko sa iyo: ibig Kong málapit sa iyo, upang paginhawahan Ka. Ngunit pinauubaya Ko sa iyo ang pagpapasya, sa dahilan na Ikaw ang Karunungan ng Ama, nang hindi tinitingnan ang Aking mga luha. Ang Iyong kapatid na si Simon ay nasa punto na na makipagkita sa iyo pagkatapos ng insidenteng iyon. At ibig niyang Ako ay sumama sa kanya. Ngunit napigilan siya ng masamang panahon at lalo na ng takot na baka hindi Ka niya makita, sapagkat kami ay sinabihan, bilang isang pananakot, na hindi Ka nakapananatili kung nasaan Ka.

Anak! Aking sinasamba at banal na Anak! Pinananatili Ko ang Aking mga kamay na nakataas. Katulad ng ginawa ni Moses sa ibabaw ng tuktok ng burol, nagdarasal para sa Iyo sa Iyong pakikipagdigma laban sa mga kaaway ng Diyos at sa mga kaaway Mo, Aking Jesus, Na hindi minamahal ng mundo.

Si Leah ni Isaac ay namatay dito. At Ako ay lubos na nalulungkot sapagkat siya ay lagi nang isang mabuting kaibigan Ko. Ngunit ang Aking pinakamalaking kapighatian ay na Ikaw ay nasa malayo at hindi minamahal ng mga tao. Pinagpapalà Kita, Aking Anak, at habang binibigay Ko sa iyo ang Aking kapayapaan at pagpapalà, hinihiling Ko na ibigay Mo ang Iyo kay Inay”.»

⁴«Ang walang-hiyang mga taong iyon ay naaabot kahit na ang bahay na iyon!» sigaw ni Pedro.

At si Judas Tadeo ay bumulalas: Si Jose... ay sana sinarili na lamang ang balita. Ngunit... natitiyak ko na nangangati siya na mapaalam ang mga tao!»

«Ang alulong ng mga ayena ay hindi nakapananakot sa buháy na mga tao» wika ni Felipe.

«Ang problema sila ay hindi mga ayena, sila ay mga tigre. Ang hinahabol nila ay isang  buháy na biktima» sabi ng Iskariote, na pagkatapos nagsabi sa Zealot: «Sabihin sa kanila kung ano ang ating nalaman.»

«Oo, Guro. Tama si Judas sa pagiging takót. Kami ay pumunta upang makita si Jose ng Arimathea at si Lazarus, at pumunta kami roon bilang kilalang-kilalang mga kaibigan Ninyo. Pagkatapos si Judas at Ako, na tila kami ay magkaibigang-magkaibigan. Ay pumunta upang makita ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa Zion... At... sina Jose at Lazarus ay sinasabi sa Inyo na lumayo rito kaagad sa loob ng mga kapistahang araw na ito. Huwag mamilit, Guro. Ito ay para sa Inyong ikabubuti. Ang mga kaibigan ni Judas pagkatapos ay nagsabi: “Mag-ingat, nagpasya na sila na pumunta at hulihin Siya, upang Siya ay sana maakusahan nila, sa loob ng mga kapistahang araw kung saan ay walang mga tao. Gawin Siyang magpahinga nang mga ilang araw at sa gayon mabigo ang mga ahas na iyon. Ang kamatayan ni Doras ay napukaw ang kanilang lason at ang kanilang takot. Sapagkat sila ay natatakot bukod sa napupuno ng kapootan. At ang takot ay nagagawa silang makita kung ano ang wala-naman at ang kapootan ay nagagawa silang magsinungaling”.»

«Nalalaman nila ang lahat tungkol sa atin! Ito ay isang nakapangingilabot na kalagayan! At binabaluktot  nila at pinalalala ang lahat! At kung sa palagay nila walang sapat na dahilan upang tayo ay isumpa, diyan sila nagsisimulang mag-imbento. Ginagawa nila akong magkasakit at panghinaan ng loob. Pakiramdam ko gusto kong maipatapon, katulad ng pagpunta sa... hindi ko alam... sa malayo. Malayo sa Israel na wala ng bagkus kasalanan...» Ang Iskariote ay nasisiraan ng loob.

«Judas! Judas! Ang isang babae upang ipanganak nito ang isang bata sa mundo ay ipinagbubuntis ito ng siyam na buwan. Ibig mo bang maging mas mabilis sa pagbibigay sa mundo ng kaalaman tungkol sa Diyos? Hindi siyam, bagkus libu-libong mga buwan ang kakailanganin. At sa dahilan na sa bawat buwan ang buwan ay lumalaki at pagkatapos lumiliit lumilitaw sa atin bilang isang bagong buwan, pagkatapos bilang kabilugan, pagkatapos bilang isang lumiliit na buwan, kung kaya't sa mundo ay magkakaroon lagi ng paglaki, pagkabílog at pagliit na mga pase ng relihiyon. Ngunit kahit na kung tila ang relihiyon ay patay, ito ay buhay, eksaktong katulad ng buwan na ito ay naririyan pa rin kung saan siya ay tila nawala. At ang mga nagtrabaho sa relihiyon na ito ay magkakaroon ng ganap na mga merito kahit na kung munting minoridad lamang ng matatapat na kaluluwa ang matira sa lupa. Magsaya! Huwag maging napakadaling mapaalsa ng tagumpay, o madaling mapanghinaan ng loob sa katalunan.»

«Ngunit... tayo ay umalis. Tayo ay hindi pa sapat na malakas. At nararamdaman namin na sa harapan ng Sanhedrin kami ay matatakot. Ako man lamang. Hindi ko alam ang tungkol sa iba... Ngunit hindi sa palagay ko tama na subukan. Ang ating mga puso ay hindi katulad ng mga puso ng tatlong binata sa korte ni Nebuchadnezzar.»

«Oo, Guro. Mas mabuti na ito.»

«Ito ay tama.»

«Tama si Judas.»

«Nakita rin Ninyo na ang inyong Ina at ang mga kamag-anak ay...»

«At sina Lazarus at Jose.»

«Hindi natin sila dapat na papuntahin man lang dito.»

Si Jesus ay iniunat ang Kanyang mga kamay at nagsabi: «Mangyari ang ayon sa hiling ninyo. Ngunit pagkaraan tayo ay babalik dito. Nakita ninyo kung gaano karami ang mga taong pumupunta. Hindi Ko pipilitin ang inyong mga kaluluwa o ilagay ang mga ito sa pagsubok. Sa katunayan, sa pakiramdam ko hindi pa sila handa... Ngunit tingnan natin ang ginawa ng mga kababaihan.»

Ngunit habang ang lahat na may maniningning na mga mata at malulugod na tinig hinuhugot mula sa mga bag ang mga balutan na naglalaman ng mga damit. Mga sandalyas, at mga kakanin pinadala ng mga ina at mga asawa, at lahat sila nagsisikap na gawin si Jesus na maging interesado sa paghanga sa napakaraming mabubuting bagay, Siya ay nananatiling malungkot at nasa sa Kanyang Sarili. Binabasa Niya ang sulat ng Kanyang Ina nang paulit-ulit. Kumukuha ng isang maliit na lampara, Siya ay lumayo sa pinakamalayong sulok mula sa mesa kung saan ang mga damit, mga mansanas, maliliit na banga ng pulot, maliliit na keso ay nakapatong, at pinipindan ang Kanyang mga mata sa pamamagitan ng isang kamay, Siya ay tila nagninilay-nilay. Ngunit Siya ay naghihirap.

«Tingnan, Guro, kung anong gandang tunika at manta na my pantakip sa ulo ang ginawa ng aking asawa, kaawa-awang babae, para sa akin. Gaano kaya kalabis siya nagtrabaho sa mga ito, sapagkat  hindi siya magaling katulad ng Inyong Ina» sabi ni Pedro, na masayang-masaya habang hinahawakan ang kanyang mga kayamanan sa kanyang mga braso.

«Maganda, oo, maganda sila. Siya ay isang magaling na asawa» sabi ni Jesus nang may kabaitan. Ngunit ang Kanyang mga naiisip ay malayo sa mga bagay na pinapakita sa Kanya.

«Ang aming ina ay gumawa ng dalawang tunika para sa amin na may makapal na delanang damit. kaawa-awang ina! Gusto ba Ninyo ang mga ito, Jesus? Magaganda ang kulay nila, hindi ba?» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Totoong maganda, Santiago. Babagay sa iyo.»

«Tingnan. Pustahan tayo ang mga sinturon na ito ay gawa ng Inyong Ina. Tanging Siya lamang ang makapagbuburda nang ganyan. At sasabihin ko na ang dobleng panakip na ito upang maprotektahan kami sa sikat ng araw ay gawa rin ni Maria. Ito ay katulad ng sa Inyo. Ang tunika ay hindi. Ang Inay ang tiyak na naghabi nito. Kaawa-awang ina! Pagkatapos ng lahat na mga luha na kanyang iniluha nang nakaraang tag-init, siya ay hindi makakita nang mabuti at madalas napuputol ang sinulid. Anong giliw!» At si Judas ni Alfeo ay hinahalikan ang madilim na pulang mabigat na tunika.

«Hindi Kayo masyadong masaya, Guro» wika ni Bartolomeo sa wakas. «Ni hindi Ninyo tinitingnan ang mga bagay na ipinadala sa Inyo.»

«Hindi Siya maaaring maging masaya» pagbanggit ni Simon Zealot.

«Ako ay nag-iisip... Bueno... Ayusin ulit ang mga balutan. Ayusin ang lahat. Hindi ito ang panahon na tayo ay mahúli at tayo ay hindi máhuhuli. Sa kalaliman ng gabi, sa loob ng liwanag ng buwan, tayo ay magpapatungong Doco at pagkatapos sa Bethany.»

«Bakit sa Doco?»

«Sapagkat may namamatay na babae roon, na naghihintay na mapagaling Ko.»

«Hindi ba tayo dadaan sa bahay ng tagapamahala?»

«Hindi, Andres. Hindi tayo dadaan kahit saan. Kung gayon walang kailangan na magsinungaling na hindi nila nalalaman kung nasaan tayo. Kung kayo ay nananabik na hindi usigin, Ako ay nananabik na hindi makagawa ng problema para kay Lazarus.»

«Ngunit si Lazarus ay naghihintay sa Inyo.»

«At tayo ay pupunta sa kanya. O kung baga... Simon, mabibigyan mo ba Ako ng pag-aruga sa loob ng bahay ng iyong matandang katulong?»

«Akin ang kasiyahan, Panginoon. Alam na Ninyo ang lahat ngayon. Masasabi ko sa Inyo kung gayon, sa katauhan ni Lazarus, ng aking sarili at ng nakatira sa loob ng bahay: iyon ay sa Inyo.»

«Tayo na. Magmadali, upang tayo ay sana makarating sa Bethany bago ang Sabbath.»

At habang silang lahat ay naghihiwa-hiwalay na may mga lampara upang gawin ang kinakailangan para sa biglaang pag-alis, si Jesus ay naiwan nang nag-iisa.

Si Andres ay bumalik sa loob, lumapit siya kay Jesus at nagtanong: «Papaano ang babaeng iyon? Nalulungkot akong iwanan siya ngayon na siya ay darating na... Tama lang na... Nakita Ninyo na...»

«Lakad at sabihin sa kanya na tayo ay babalik pagkaraan ng kaunting panahon at na sa pansamantala kailangan na tandaan niya ang iyong mga salita...»

«Inyong mga salita, Guro. Inulit ko lamang ang mga salita Ninyo.»

«Lakad. Magmadali. At gawin na walang makakita sa iyo na sinuman. Totoo nga na sa mundong ito ng masasamang tao, ang mga inosente ay kailangan na magmukhang masasamang tao...»

Ang lahat ay nagtatapos sa dakilang katotohanan na ito.

 (719) 291010/180813

 

 

Sunod na kabanata.