134. Ang Paggaling ni Jerusa, ang Babae ng Doco na may Kanser.

Marso 19, 1945.

Nakikita ko si Jesus na pinapasok ang maliit na bayan ng Doco, sa pagsikat ng araw, sa isang walang-siglang umaga ng taglamig, at tinanong ang isang maagang nagdaraan: «Saan nakatira si Marian, ang matandang ina na ang kaninong manugang-na-babae ay namamatay?»

«Si Marian? Ang balo ni Levi? Ang biyanang babae ni Jerusa, asawa ni Josiah?»

«Oo.»

«Tingnan, mamâ. Sa dulo ng kalyeng ito ay may liwasan, sa isang tabi ay may pontanya at tatlong kalye ang sumasanga mula rito. Kunin ang kalye na may puno ng palmera sa gitna nito at maglakad dito nang mga sandaang hakbang. Makakakita ka ng isang kanal. Sundan ito hanggang sa isang tulay na kahoy. Tawirin ito at makakakita ka ng isang maliit na daan sa ilalim ng isang arko. Kunin ito at makikita mong  patungo ito sa isang liwasan, naroon ka na. Ang bahay ni Marian ay manilaw-nilaw dahil sa kalumaan nito. At dahil sa mga gastusin na kailangan nilang harapin, wala silang panustos na malinisan ito. Hindi ka magkakamali. Paalam. Nanggagaling ba kayo sa malayo?»

«Hindi naman masyado.»

«Ngunit Ikaw ay isang Galilean?»

«Oo.»

«At ang mga ito? Pumunta ba kayo para sa Kapistahan?»

«Sila ay mga kaibigan. Paalam, mamâ. Kapayapaan sa inyo.» Si Jesus ay iniiwan ang madaldal, na hindi na nagmamadali. At nagpatuloy Siya sa Kanyang pupuntahan sinusundan ng mga apostol.

Narating nila ang... maliit na liwasan: isang maliit na lugar ng napakaputik na lupa, na sa gitna nito ay may mataas na bata-pang puno ng terebinto, na tumubo nang wala anumang nakasagabal at baka napakamay-pakinabang sa panahon ng tag-init. Sa pansamantala ito ay nakapagpapalungkot lamang, sapagkat ang mga sanga bilang nasa itaas ng abang mga kabahayan, makapal at madilim katulad nito ngayon, nakakaharang ito sa liwanag at sa sikat ng araw.

Ang bahay ni Marian ay ang pinaka dukha. Ito ay malaki at mababa, ngunit ganap na napabayaan! Ang harapang pinto ay puno ng mga tagpi na nagtatakip sa nagkabaak-baak na napakalumang kahoy. Ang isang maliit na bintana ay walang takip at nagpapakita ito ng isang maitim na butas katulad ng isang walang-laman na uka ng mata.

Si Jesus ay kumatok sa pinto. Ito ay binuksan ng isang maliit na batang babae mga sampung taong gulang, maputlang tingnan, na may gusot na buhok at mapulang mga mata. «Ikaw ba ang apo ni Marian? Sabihin sa matandang ina na si Jesus ay naririto.»

Ang maliit na batang babae ay sumigaw at tumakbong umalis nagtatawag sa tuktok ng kanyang tinig. Ang matandang babae ay nagmadaling lumabas sinusundan ng anim na mga bata, kasabay ang naunang batang babae. Ang pinakamataas ay tila ang kanyang kakambal na kapatid na lalaki; ang dalawang nahuhuli, dalawang nakapaa na nangangalumatang mukha na mga bata, ay nakakapit sa damit ng matandang babae, at halos hindi sila makalakad.

«O! Kayo ay pumunta! Mga bata, pagpitaganan ang Mesiyas! Kayo ay tinatanggap sa aking maralitang bahay. Ang aking anak na babae ay namamatay... Huwag umiyak, mga bata, huwag ninyong gawin na marinig niya kayo. Kaawa-awang mga nilikha! Ang mga batang babae ay pagod sa pagbabantay sa kanyang tabi, sapagkat ako ang gumagawa ng lahat, at hindi na ako makapagbantay sa gabi, sapagkat natatalo ako ng antok at bumabagsak ako sa sahig. Maraming buwan na akong hindi natutulog sa aking kama. Ngayon ako ay natutulog sa upuan. Upang ako ay málapit sa kanya at sa mga batang babae. Ngunit napakabata pa nila at naghihirap sila sa pagkapagod. Ang mga batang lalaki ay ang kumukuha ng mga panggatong upang mapamalagi ang apoy at pinagbibili nila ang iba upang makabili ng tinapay. Sila ay hapo na, kaawa-awang mga apong lalaki! Ngunit hindi ang pagtatrabaho ang pumapatay sa amin, bagkus ang nakikita siyang namamatay...  Huwag umiyak. Nasa atin na si Jesus ngayon.»

«Oo, huwag umiyak. Ang inyong ina ay makapanunumbalik, ang inyong ama ay babalik, hindi kayo magkakaroon ng napakaraming gastusin at hindi kayo masyadong magugutom. Ang dalawa bang ito ay ang huli?»

«Oo, Panginoon. Bagama't isang mahinang nilikha siya ay nagkaroon ng kambal nang tatlong beses... at ang kanyang suso ay nagkasakit.»

«Ang iba ay may napakarami at ang iba wala» bulong ni Pedro sa kanyang balbas at kinarga niya ang isang maliit na bata at binigyan siya ng mansanas upang mapatahimik siya. At habang ang isa pang maliit ay humihingi ng isa at pinagbibigyan ni Pedro, si Jesus ay sumama sa matandang babae mula sa pamasukan hanggang sa bakuran, pagkatapos inakyat ang mga baytang at pinasok ang isang silid kung saan ang bata-pang nangayayat na babae ay dumadaing.

«Jerusa, ang Mesiyas ay naririto. Hindi ka na maghihirap pa ngayon. Hindi mo ba nakikita na Siya ay totoong dumating? Si Isaac ay hindi kailanman nagsisinungaling. At sinabi niya sa akin. Naniniwala ka ba na dahil Siya ay dumating dito, mapapagaling ka Niya?»

«Siyempre, aking mabuting ina. Oo, aking Panginoon. Ngunit kung hindi Ninyo ako mapagagaling, hayaan man lang akong mamatay. May nakapangingilabot na mga kirot sa loob ng aking suso. Ang mga bunganga ng aking mga anak, kung kanino ako nagbigay ng matamis na gatas ay sinuklian ako ng apoy at kapaitan. Naghihirap ako nang labis, aking Panginoon! At nakagagasta ako nang labis! Ang aking asawa ay nagtatrabaho sa napakalayo upang kumita ng tinapay para sa amin. Ang aking matandang ina ay pinupudpod ang kanyang sarili. Ako ay namamatay... Ano ang mangyayari sa aking mga anak kapag ako ay patay na sa aking sakit at siya ng pagkapagod at ng mga kasalatan?»

«Naririyan ang Diyos para sa maliliit na ibon at para din sa mga anak ng tao. Hindi ka mamamatay. Labis ka bang sinasaktan nito rito?» Si Jesus ay gumagawa ng pagkilos na ilapat ang Kanyang kamay sa kanyang suso natatakpan ng mga bendahe.

«Huwag Ninyo akong hawakan! Huwag dagdagan ang aking kirot!» sigaw ng may sakit na babae.

Ngunit si Jesus ay marahang inilalapat ang Kanyang manipis na kamay sa may lagnat na suso. «Ikaw ay totoong may apoy sa loob nito, kaawa-awang Jerusa. Ang makainang pagmamahal ay naging apoy sa loob ng iyong suso. Ngunit hindi ka nagkikimkim ng sama-ng-loob sa iyong asawa at sa mga bata, hindi ba?»

«O! Bakit naman? Siya ay mabuti at lagi akong minamahal. Nagmamahalan kami na may tamang pagmamahal, at ang aming pagmamahalan ay namulaklak ng mga anak... At sila...! Ako ay naghihirap na iwanan sila, ngunit... Panginoon! Ngunit ang aking apoy ay humihina! Inay! Inay! Ito ay tila ang isang anghel ay umiihip ng hangin mula sa Langit sa aking paghihirap O! Gaano kapayapa! Huwag, huwag Ninyong alisin ang Inyong kamay, aking Panginoon. Sa kabaligtaran, idiin pa ito nang mas malakas. O! Gaano kalakas! Anong lugod! Aking mga anak! Aking mga anak dito kayo, gusto ko sila rito! Dinah! Ozias! Anna! Sheba! Melchi! David! Judas! Dito! Dito! Ang inyong inay ay hindi na namamatay! O!...» Ang bata-pang babae ay umikot sa kanyang mga unan umiiyak sa tuwa habang ang mga bata ay nagmamadaling pumasok at ang matandang babae, nakaluhod, hindi makakita ng kahit ano pa sa kanyang lugod, ay inaawit ang awit ni Azariah sa pugon at inaawit itong lahat sa nanginginig na tinig ng isang lubos na naaantig na matandang babae.

«Ah! Aking Panginoon! Ano ang magagawa ko para sa Inyo! Wala ako ng maparangalan ko Kayo!» sinabi niya sa wakas.

Si Jesus ay ibinangon siya at nagsabi: «Pahintulutan lamang Akong makapanatili rito. Dahil Ako ay pagod. At huwag magsalita sa kahit sino. Ang mundo ay hindi Ako minamahal. Kailangan Kong umalis nang matagal-tagal. Hinihingi Ko sa iyo na maging matapat sa Diyos at manahimik. Kayo, ang bata-pang ina, ang mga bata.»

«O! Huwag matakot! Walang dumadalaw sa mahihirap na tao! Makapananatili Kayo rito nang walang pagkatakot na makita. Ang mga Pariseo, eh? Ngunit... ano ang pagkain? Mayroon lamang akong maliit na tinapay...»

Si Jesus ay tinawag ang Iskariote at nagsabi sa kanya: «Magdala ng ilang pera at lumakad at bumili ng kung ano ang kinakailangan. Tayo ay kakain at magpapahinga kasama ang mabubuting tao na ito hanggang sa gabi. Lakad at maging tahimik.» Pagkatapos Kanyang kinakausap ang pinagaling na babae: «Alisin mo ang iyong mga bendahe, bumangon at tulungan ang iyong ina at magbunyi. Ang Diyos ay ipinagkaloob sa iyo ang grasya dala ng awa sa iyong mga birtud bilang isang asawa. Maghahati tayo ng tinapay nang magkakasama sapagkat ang Kataastaasang Panginoon ay nasa iyong bahay ngayon at dapat tayong magdiwang nang malugod.» At si Jesus ay lumabas at sinamahan si Judas na papalabas na. «Bumili ng marami, upang magkaroon sila ng sapat sa loob ng kaunting mga araw. Habang tayo ay na kina Lazarus hindi tayo magkukulang ng kahit ano.»

«Oo, Guro. At, kung pahihintulutan Ninyo ako... Mayroon akong kaunting pera ng sarili ko. Nangako akong ialay ito para sa Inyong kaligtasan sa Inyong mga kaaway. Ibibili ko ito ng tinapay. Mas mabuti nang ibigay ito sa mga kapatid na ito sa Diyos kaysa sa sakim na mga tao sa Templo. Pahihintulutan ba Ninyo ako? Ang ginto ay lagi nang naging isang ahas sa akin. Ayaw ko nang maghirap gawa ng halina nito ulit. Sapagkat napakaganda na ng aking pakiramdam ngayon na ako ay mabuti. Malaya ang pakiramdam ko. At ako ay masaya.»

«Gawin ang ayon sa ibig mo, Judas. At harinawang bigyan ka ng Diyos ng kapayapaan.»

Si Jesus ay nagpatungo upang tagpuin ang Kanyang mga disipulo, habang si Judas ay lumalabas at ang lahat ay nagtatapos.

 291010

 

 

Sunod na kabanata