135. Sa Bethany sa Bahay ni Simon Zealot.

Marso 21, 1945.

Nang si Jesus, matapos maakyat ang huling burol, ay marating ang kapatagan sa tuktok, nakita Niya ang Bethany na maningning sa loob ng sikat ng araw ng Disyembre na nagagawa ang tigang na kabukiran na maging hindi masyadong nakalulungkot. Ang sikat ng araw ay nagagawa rin nang hindi masyadong mapanglaw ang berdeng mga pulo ng mga puno ng cypress, mga bata-pang mga terebinto at mga carob, na tumutubo rito at doon, na nagmumukhang katulad ng mga kortesanong ibig na yumuko sa ilan na napakatataas na makaharing palmera na tumatayong matuwid at nangungulila sa napakagandang mga hardin.

Sa Bethany, sa katunayan, ay nariyan lamang ang magandang bahay ni Lazarus. May mga tirahan din ng ibang mga mayayamang tao, baka mga mamamayan ng Herusalem, na mas gustong manirahan dito, malapit sa kanilang mga ari-arian, at ang kanilang malalaking magagandang villa na may maayos na naaalagaang mga hardin ay namumukod sa pagitan ng maliliit na bahay ng mga magbubukid. At kakaibang makita sa alon-alon na lugar na ito na ang ilan na mga palmera ay nagpapaalaala ng tungkol sa Silangan, kasama ang kanilang balingkinitan na mga puno at tuwid na may katulad ng mga palawit na mga ulo, na sa likuran ng jade na berdeng mga dahon nito ang isa ay likas na magsisikap na makita ang manilaw-nilaw na walang-katapusan na disyerto. Dito sa halip ay ang kaligiran ng platang-berdeng mga puno ng olibo o ng inararong mga bukid, ganap na wala pansamantala ng kahit anong bakas ng tanim ng butil. May mga katulad din ng mga kalansay ng namumungang –kahoy, na may madidilim na puno at sala-salabid na mga sanga na tila ito ay mga kalansay ng mga kaluluwang namimilipit sa mala-impiyernong pagpapasakit.

Si Jesus ay nakita rin kaagad ang isa sa mga katulong ni Lazarus na nasa pagbabantay. Siya ay yumuko nang malalim at nagpaalam upang dalhin ang balita tungkol sa Kanyang pagdating sa kanyang panginoon, at nang siya ay pinahintulutan kaagad siyang umalis.

Sa pansamantala ang mga magbubukid at ang mga mamamayan ay nagmadali upang batiin ang Rabbi, at ang isang babae, na tiyak na hindi isang Israelita, ay sumilip sa ibabaw ng hilera ng mga tanim ng laurel, na nagkukulong sa isang magandang bahay kasama ang berdeng namamangong mga kadahunan nito. Ang kanyang peplum o, kung natatandaan kong tama ang pangalan, ang kanyang salampay, ay nagagawa akong isipin na siya ay Griyego o Romano. Ito ay napakahaba na napoporma ang isang magaan na mahabang hinihilang tela, ngunit ito ay malapad, gawa sa niyebeng-kaputian na lana napatingkad ng isang panggilid na burda na may matingkad na Griyegong palawit, kung saan ang ginintuan na mga sinulid ay nagniningning. Ito ay hawak sa kanyang baywang sa pamamagitan ng isang sinturon katulad ng panggilid. Ang kanya ring istilo ng buhok, kinasasanggapan ng isang gintong hair net na siyang humahawak sa komplikadong ayos ng buhok na kulot sa harapan, pagkatapos makinis, nagtatapos sa isang lamuymoy sa batok, ay nagbibigay sa akin ng gayon ding impresyon. Siya ay tumitingin sa kanyang paligid mismo mausisang nakukuha ang kanyang atensiyon ng nagtitilian na mga sigawan ng mga babae at ng mga hosana na mga kalalakihan. Pagkatapos siya ay ngumiting nanunuya, nang kanyang makita na sila ay patungo sa isang mahirap na lalaki na ni walang maliit na asno na masakyan at naglalakad sa pagitan ng mga taong katulad niya mismo, na mas di-kaakit-akit kaysa sa kanya mismo. Ikinibit niya ang kanyang mga balikat at na may nagsasawang hitsura siya ay umalis, sinusundan, na tila ng mga aso, ng isang grupo ng marami’t iba’t-ibang kulay na mga nakatayakad na mga ibon, kabilang dito ay ang dalawang maputing ibis at maraming-kulay na mga flamingo, pati na rin dalawang tagak, kasing pula ng apoy, na may maliit na nanginginig na katulad ng plata na mga korona sa kanilang mga ulo, ang tanging puting bahagi ng kanilang magandang ginintuan na umaapoy na mga balahibo.

Tinitingnan siya ni Jesus nang sandali, pagkatapos nakikinig Siyang muli sa isang malaking matandang lalaki... na ibig na ang kanyang mga paa ay hindi maging napakahina katulad ngayon. Si Jesus ay hinahaplos siya at hinihingi sa kanya na maging... matiyaga, sapagkat malapit na ang tagsibol at sa pamamagitan ng magandang sikat ng araw ng Abril magiging malakas ang kanyang pakiramdam.

Si Maximinus ay dumating, mga ilang yarda nauuna kay Lazarus. «Guro... Sinabi sa akin ni Simon... na Kayo ay papunta sa kanyang bahay... Kapighatian kay Lazarus... ngunit ito ay naiintindihan...»

«Paguusapan natin ang tungkol diyan mamaya. O! Aking kaibigan!» Si Jesus ay nagmadali patungo kay Lazarus, na tila napapahiya, at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Narating nila pansamantala ang lakaran na magdadala sa isang maliit na bahay na nasa pagitan ng taniman ng mga punungkahoy ni Lazarus at ng ibang mga tao.

«Kung gayon, talagang ibig Ninyong pumunta sa bahay ni Simon?»

«Oo, Aking kaibigan. Kasama Ko ang lahat ng Aking mga disipulo at mas gusto Ko ang ganyan...»

Si Lazarus ay tinanggap ang pasya ngunit hindi tumutugon. Hinarap lamang niya ang maliit na pulutong na sumusunod sa kanila at nagsabi: «Lakad. Ang Guro ay nangangailangan ng pahinga.»

Ngayon ko nakita kung gaano kamakapangyarihan si Lazarus. Lahat sila ay yumuko sa kanyang mga salita at umalis habang si Jesus ay binabati sila nang may kabaitan: «Kapayapaan sa inyo. Paaalamin Ko kayo kung kailan Ako magtuturo.»

«Guro» sabi ni Lazarus ngayon na sila ay nag-iisa na lamang, sa unahan ng mga disipulo na mga nakikipagusap kay Maximinus mga ilang yarda sa likuran. «Guro, si Martha ay lumuluha nang mapapait. Iyan kung bakit hindi siya sumama. Ngunit darating siya saka na. Lumuluha lamang ako sa loob ng aking puso. Ngunit sinasabi namin: ito ay makatarungan. Kung nalaman lamang namin na si Maria ay darating... Ngunit hindi siya kailanman pumupunta para sa mga kapistahang araw... Totoo... Kailan ba siya kailanman dumating?... Sasabihin ko: ang dimonyo ay tinaboy siya rito ngayon lang.»

«Ang dimonyo? At bakit hindi ang kanyang anghel sa utos ng Diyos? Ngunit kailangan na maniwala ka sa Akin, kahit na kung siya ay wala rito, Ako ay pupunta pa rin sa bahay ni Simon.»

«Bakit, aking Panginoon? Wala ba Kayong kapayapaan sa loob ng aking bahay?»

«Labis na kapayapaan na pagkatapos sa Nazareth iyan ang pinakamahal na lugar sa Akin. Ngunit sabihin mo sa Akin: bakit mo sinabi sa Akin: “Umalis Kayo sa Clear Water”? Dahil sa parating na pagsalakay. Hindi ba’t ganito ito? Bueno, kung gayon, inilalagay Ko ang Aking Sarili sa lupa ni Lazarus, ngunit hindi Ko inilalagay si Lazarus sa sitwasyon na siya ay iinsultuhin sa loob ng kanyang sariling pamamahay. Sa palagay mo ba na sila ay igagalang ka? Upang mayapakan nila Ako, lalakad sila sa ibabaw ng Banal na Kaban... Hayaan mong gawin Ko ang ayon sa ibig Ko. Sa pansamantala man lamang. Pagkatapos Ako ay pupunta. Maging ano pa man walang nagbabawal sa Akin na kumain kasama ka at walang nagpipigil sa iyo na pumunta ka sa Akin. Ngunit gawin mong sabihin nila: “Siya ay nasa bahay ng isa ng Kanyang mga disipulo”.»

«At ako ba ay hindi isa sa mga ito?»

«Ikaw ay Aking kaibigan, na mas mahigit pa kaysa sa isang disipulo para sa kanino mang puso. Ito ay ibang bagay para sa masasamang tao. Hayaang gawin Ko ang ayon sa hiling Ko. Lazarus, ang bahay na ito ay sa iyo... ngunit ito ay hindi mo bahay. Ang magandang mayamang bahay ng anak ni Theophilus. At iyan ay napakamahalaga para sa mga mapagdunung-dunungan na tao.»

«Iyan ang sinasabi Ninyo... ngunit ito ay dahil sa ito ay dahil sa kanya. Halos nakumbinsi ko na ang aking sarili na patawarin siya ngunit kung magagawa niya Kayo na umalis, sa ibabaw ng aking salita, kapopootan ko siya.»

«At mawawala Ako sa iyo nang ganap. Talikuran mo ang idea na iyan kaagad, o mawawala Ako sa iyo kaagad... Naririto si Martha, Kapayapaan sa iyo. Aking magiliw na tagapangasiwa ng otel.»

«O! Panginoon!» Si Martha ay nasa kanyang mga tuhod umiiyak. Ibinaba niya ang belo na nakaipit sa ibabaw ng kanyang buhok, na inayos sa korte ng isang diyadema, upang ang mga estranghero ay hindi makita ang kanyang mukha. Ngunit hindi niya inisip na itago ito kay Jesus.

«Bakit ang mga luhang ito? Totoo, sinasayang mo ang mga iyan! May napakaraming rason para umiyak, at magawa ang isang bagay na may pakinabang sa pamamagitan ng mga luha. Ngunit ang umiyak para sa rason na iyan! O! Martha! Tila hindi mo na nakikilala kung sino Ako! Nalalaman mo na Ako ay may panlabas na hitsura lamang ng isang tao.. Ang Aking puso ay dibino at ito ay pumipintig bilang isang dibinong bagay. Sige na. Tumayo ka at pumasok sa bahay... at ang tungkol kay Maria... pabayaan lang siyang mag-isa. Kahit na kung siya ay pumarito upang tawanan Ako, sasabihin Ko sa inyo na pabayaan lamang siyang mag-isa. Wala siya sa kanyang sarili. Ang dimonyo ang humahawak sa kanya na nagagawa siyang isang instrumento ng kabalisahan. Ngunit naririto ang Isa Na siyang mas malakas kaysa sa kanyang panginoon. Ang labanan ay ngayon ay tuwiran na sa pagitan Ko at siya. Kailangan ninyong magdasal, magpatawad, magkaroon ng tiyaga at maniwala. Wala nang iba pa.»

Sila ay pumasok sa maliit na bahay, na isang kudradong bahay napalilibutan ng isang balkonahe na nagagawa itong magmukhang mas mahaba. May apat na silid sa loob, nahahati ng korteng krus na koridor. Ang pangkaraniwan na panlabas na hagdanan ay patungo sa tuktok ng balkonahe na kung gayon nagiging isang terasa at daanan patungo sa isang napakalaking silid, kasing lapad ng bahay. Minsan ito ay tiyak na ginamit bilang isang imbakan na silid ngunit ngayon ito ay malinis na at ganap na walang laman. Si Simon, na nasa tabi ng kanyang matandang katulong, na ang pangalan sa pakinig ko ay Jose, ay tinatanggap ang mga panauhin at nagsasabi: «Makapagsasalita Kayo sa mga tao rito, o rito Kayo kumain... ayon sa ibig Ninyo.»

«Iisipin natin ang tungkol diyan. Sa pansamantala lumakad at sabihin sa iba na ang mga tao ay makapupunta pagkatapos ng kanilang pagkain. Hindi Ko mabibigo ang mabubuting tao rito.»

«Saan ko sasabihin sa kanila na pumunta?»

«Dito. Ang araw ay banayad na araw. Ang lugar ay napoprotektahan sa mga hangin. Ang lantad na taniman ng mga punungkahoy ay hindi masisira kung ang mga tao ay pumunta rito. Magsasalita Ako sa kanila rito, mula sa terasa. Makakalakad na kayo.»

Si Lazarus ay naiwan nang mag-isa kasama si Jesus. Si Martha, na kailangan na asikasuhin ang napakaraming tao, ay naging ang «mabuting tagapangasiwa ng otel» muli at nagtatrabaho sa ibaba kasama ang mga katulong at ang mga apostol inihahanda ang mga mesa at mga higaan.

Si Jesus ay ipinatong ang isang kamay paikot sa mga balikat ni Lazarus at pinasunod siya sa labas ng malaking silid. Naglalakad sila sa terasa na nakapaikot sa bahay sa loob ng magandang sikat ng araw na nagpapagawa sa araw na maging banayad at mula sa itaas pinagmamasdan Niya ang gawa ng mga katulong at ng mga disipulo at ngumingiti kay Martha na pauli-uli at tumitingin sa itaas sa Kanya. Bagama't nagmumukha siyang seryoso hindi siya masyadong balisa katulad dati. Tinitingnan din Niya ang magandang tanawin sa paligid ng lugar at kasama si Lazarus binabanggit Niya ang iba't ibang mga lugar at mga tao at sa wakas bigla na lang Niyang itinanong: «Kung gayon ang kamatayan ni Doras ay katulad ng isang kahoy na ipinanghalo sa pugad ng mga ahas?»

«O! Guro! Sinabi sa akin ni Nicodemus na hindi pa kailanman na ang pagpupulong ng Sanhedrin ay naging napakamarahas!»

«Ano ba ang Aking nagawa sa Sanhedrin na labis itong nabalisa? Si Doras ay namatay nang natural na kamatayan pinatay ng kanyang galit, sa presensya ng malaki-laking pulutong. Hindi Ko pinahintulutan ang sinuman na magkulang ng paggalang sa kanyang patay na katawan. Kung gayon...»

«Tama Kayo. Ngunit sila... ay nawala sa kanilang mga kaisipan sa takot. At... alam ba Ninyo kung ano ang kanilang sinabi kailangan nilang makita Kayong gumagawa ng isang kasalanan upang Kayo ay kanilang mapatay?»

«Bueno, kung gayon huwag mag-alala! Kakailanganin nilang maghintay hanggang sa oras ng Diyos!»

«Ngunit Jesus! Nalalaman ba Ninyo kung sino ang ating pinag-uusapan? Nalalaman ba Ninyo kung ano ang maaaring magawa ng mga Pariseo at mga Eskriba? Alam ba Ninyo kung ano ang katulad ng kaluluwa ni Annas? Kilala ba Ninyo kung sino ang kanyang kinatawan? Alam ba Ninyo... Ano ang aking sinasabi? Siyempre alam Ninyo! Kung  gayon walang silbi para sa akin na sabihin sa Inyo na sila ay mag-iimbento ng isang kasalanan upang magawa Kayo nilang maakusahan.»

«Nakita na nila ito. Nagawa Ko na ang higit pa sa kinakailangan. Nagsalita Ako sa mga Romano, sa mga puta... Oo. Sa mga puta, Lazarus. Ang isa sa kanila, huwag mo Akong tingnan nang takot-na-takot... ang isa sa kanila ay laging pumupunta upang makinig sa Akin at siya ay binigyan ng pag-aruga sa isang establero ng iyong tagapamahala, dahil sa Aking kahilingan, sapagkat, upang málapit sa Akin, siya ay naninirahan sa loob ng isang kulungan ng baboy...» Si Lazarus ay hindi makagalaw sa pagtataka. Hindi siya kumikilos. Tinitingnan niya si Jesus na tila nakakita siya ng isa na labis na kakaiba at kamangha-mangha.

Si Jesus ay ginising siya ngumingiti: «Nakita mo ba si Mammon?» tanong Niya sa kanya.

«Hindi... nakita ko ang Awa. Ngunit... naiintindihan ko, ang mga nasa Konseho ay hindi. At sinasabi nila na ito ay isang kasalanan. Kung gayon ito ay totoo! Akala ko... O! Ano ang Inyong ginawa?»

«Ang Aking katungkulan. Ang Aking karapatan at Aking mithiin: nagsikap Akong matubos ang isang kaluluwa na bumagsak. Makikita mo kung gayon na ang iyong kapatid na babae ay hindi ang magiging unang putik na lalapitan Ko at na sa ibabaw nito Ako ay yuyuko. Ni hindi siya ang magiging huli. Ibig Kong magtanim ng mga bulaklak at palaguin sila sa putik: ang mga bulaklak ng kagandahang-loob.»

«O! Diyos! Aking Diyos!... Ngunit... Guro, tama Kayo. Ito ay Inyong karapatan. Inyong katungkulan at Inyong mithiin. Ngunit ang mga ayena ay hindi ito naiintindihan. Sila ay gayong mga karneng bulok na hindi sila nakaaamoy, hindi nila maamoy ang bango ng mga liryo. At kung saan din ang mga liryo tumutubo, ang malalakas na karneng-bulok ay nakaaamoy ng kasalanan at hindi nila nababatid na ito ay nanggagaling sa kanilang sariling amoy... Nakikiusap ako sa Inyo. Huwag Kayong tumigil sa kahit alin na lugar nang matagal. Lumakad, maglagalag, na hindi sila binibigyan ng panahon na maabutan Kayo. Maging katulad ng apoy na panggabi, sumasayaw sa mga tangkay ng mga bulaklak, mabilis, mailap, nakalilito sa mga kilos nito. Gawin iyan. Hindi dala ng karuwagan, bagkus dala ng pagmamahal para sa mundo na nangangailangan na Kayo ay mabuhay upang mapabanal. Ang kurupsiyon ay lumalaki. Ilaban dito ang pagpapakabanal... Kurupsiyon!... Nakita na ba Ninyo ang bagong babaeng mamamayan sa Bethany? Siya ay isang Romano nakasal sa isang Hudyo. Ang Judaean ay mapagmasid din. Ngunit ang babae ay isang idolatra at sa dahilan na hindi siya makapaninirahan nang komportable sa Herusalem, dahil ang kanyang mga kapitbahay ay nagrereklamo tungkol sa mga hayop na kanyang inaalagaan, siya ay pumunta rito. Ang kanyang bahay ay puno ng mga hayop na ating tinitingnan na di-malinis at... siya ay pinaka di-malinis sa lahat, sapagkat namumuhay siyang tumatawa sa atin at nang may kaluwagan na... wala ako sa pusisyon na mamintas sapagkat... Ngunit sasabihin ko na habang walang pumupunta sa aking bahay dahil kay Maria, na masyadong nakaaapekto sa pamilya gawa ng kanyang kasalanan, sila ay pumupunta sa bahay ng babaeng iyon. Ngunit siya ay nasa mabuting listahan ni Poncio Pilato at namumuhay nang wala ang kanyang asawa. Ang asawa ay nasa Herusalem, siya ay naririto. Kung gayon sila ay nagkukunwari, ang asawa at sila, na hindi sila nalalapastangan sa pagpunta rito at na hindi nila nababatid na sila ay nalalapastangan. Pagkukunwari! Namumuhay sila na ang kanilang pagkukunwari ay hanggang sa kanilang mga leeg! At bago magtagal sila ay malulunod dito. Ang Sabbath ay araw ng bangkete. At sila ay mga miyembro ng Konseho! Ang isa sa mga anak ni Annas ay ang pinaka debotong bisita.» 

«Nakita Ko siya. Oo. Hayaan siyang mag-isa. At hayaan silang mag-isa. Kapag ang isang doktor ay naghahanda ng gamot, hinahalo niya ang mga sangkap at ang tubig ay tila nakukulayan,  sapagkat binabati niya ang mga ito at ang tubig ay nagiging malabo. Pagkatapos ang mga patay na parte ay bumababa at ang tubig ay nagiging malinaw muli, bagama't ito ay natigmak ng mga katas ng malulusog na sangkap. Iyan ang nangyayari ngayon. Ang lahat nasa halo at tinatrabaho Ko ang lahat. Pagkatapos ang patay na mga parte ay ibababa at itatapon at ang mga buháy na parte ay mananatiling aktibo sa dakilang karagatan ng sambayanan ni Jesucristo. Tayo ay pumunta sa ibaba. Tinatawag nila tayo.»...

... at ang bisyon ay nagpapatuloy nang si Jesus ay bumalik sa itaas sa terasa upang magsalita sa mga tao ng Bethany at ng kalapit na mga nayon, na mga nag-ipon-ipon upang mapakinggan Siya.

«Kapayapaan sa inyo.

Kahit na kung Ako ay tahimik, ang hangin ay dadalhin sa inyo ang mga salita ng Aking pagmamahal at ng kapootan ng ibang mga tao. Alam ko na kayo ay nananabik sapagkat nalalaman ninyo ang dahilan kung bakit Ako naririto sa pagitan ninyo. Ngunit gawin lamang ito na maging isang kasabikan ng lugod at pagpalain natin ang Panginoon Na ginagamit ang kasamaan upang makapagbigay ng lugod sa Kanyang mga anak, sa pagpapasunod, sa ilalim ng pamimilit ng kasamaan, sa Kanyang Kordero kabilang ang maliliit na tupa, upang mailigtas Siya sa mga lobo.

Tingnan kung gaano nga kabuti ang Panginoon. Katulad na ang tubig ay dumadaloy patungo sa dagat, ganyan din ang isang ilog at ang isang agos dumaloy patungo sa lugar na Aking kinaroroonan dati. Isang ilog ng nagmamahal na kabaitan, isang agos ng lumalagablab na kapaitan. Ang una ay ang pagmamahal ninyong lahat, mula kay Lazarus at Martha hanggang sa kahuli-hulihan na mamamayan ng nayon, ang huli ay ang di-makatarungan na kapootan ng mga na hindi maabot ang Kabutihan na tumatawag sa kanila, inaakusahan ang Kabutihan ng pagiging Kasamaan. At ang ilog ay nagsabi: “Halikayo, bumalik sa amin. Harinawang ang aming mga alon ay mapalibutan, maihiwalay at maipagtanggol Kayo. Ang masamang agos ay sumisirit ng mga pagbabanta at ibig na pumatay sa pamamagitan ng lason nito. Ngunit ano ang isang agos kung ikukumpara sa isang ilog, at ano kung ikukumpara sa dagat? Wala. At ang lason ng agos ay nagiging wala, sapagkat ang ilog ng inyong pagmamahal ay natatabunan ito, at tanging ang kabaitan lamang ng inyong pagmamahal ang dumadaloy patungo sa dagat ng Aking pagmamahal. Hindi lamang, bagkus, nakagawa ito ng maganda, naibalik nito Ako sa inyo. Ating pagpalain ang Kataastaasang Panginoon para rito.»

Ang malakas na tinig ni Jesus ay umaalingawngaw sa kalmanteng tahimik na ere. Si Jesus, maningning sa loob ng sikat ng araw, ay kumakaway at ngumingiti mula sa terasa. Sa lupa, ang mga tao ay nakikinig sa Kanya nang labis na nasisiyahan: isang pamumulaklak ng mga mukha na nakatingala sa Kanya at ngumingiti sa armonya ng Kanyang tinig. Si Lazarus ay malapit kay Jesus, kasama sina Simon at Juan. Ang iba ay nakakalat sa pagitan ng pulutong. Si Martha din ay umakyat sa itaas at naupo sa sahig sa paanan ni Jesus, nakaharap patungo sa bahay, na makikita sa kabila ng taniman ng mga punungkahoy.

«Ang mundo ay pag-aari ng masasamang tao. Ang Paraiso pag-aari ng mabubuting tao. Iyan ang katotohanan at ang pangako. Harinawang ang inyong tiyak na lakas ay mamahinga sa ganyang pangako. Ang mundo ay mawawala, ang Paraiso ay hindi. Kung sa pagiging mabuti makuha ninyo ito, kalulugdan ninyo ito magpakailanman. Kung gayon? Kung gayon bakit mabalisa sa kung ano ang ginagawa ng masasamang tao? Naaalaala ba ninyo ang mga lamentasyon ni Job? Iyon ay ang eternal na mga lamentasyon ng mga mabubuti at sinisiil; sapagkat ang laman ay dumadaing, ngunit kailangan na hindi ito dumaing, at na habang ito ay niyayapakan, mas lalo nitong dapat itaas ang mga pakpak ng kaluluwa nito sa pagbubunyi sa Panginoon.

Sa palagay ba ninyo masaya ang mga kung tingnan ay masaya, sapagkat sa legal na mga pamamaraan at lalo na sa ilegal na mga pamamaraan nagkaroon sila ng mariwasang mga kamalig, mga tangke na puno hanggang labì at mga banga na umaapaw sa langis? Hindi? Nalalasahan nila ang dugo at mga luha ng ibang mga tao sa lahat ng kanilang kinakain, at ang kanilang mga higaan ay tila namumutiktik sa tinik, labis silang nakararamdam ng paninisi ng konsiyensya. Pinagnanakawan nila ang mahihirap at pinagkakaitan ang mga ulila, pinagnanakawan nila ang kanilang kapwa upang makapag-ipon nang labis ng mga kalakal, ginigipit nila ang sinuman na mas mababa kaysa sa kanila sa kapangyarihan at sa kasamaan. Ito ay hindi na bale. Hindi na bale. Ang kanilang kaharian ay ng mundong ito. Ngunit ano ang maiiwan sa kanilang pagkamatay? Wala. Maliban kung gusto ninyong tawagin na isang kayamanan ang tambak ng kasalanan na dadalhin nila at isasama nila sa pagharap ng kanilang mga sarili sa Diyos. Hindi na bale. Sila ay ang mga anak ng kadiliman, mga rebelde sa Liwanag at hindi sila makasunod sa maningning na mga landas ng Liwanag. Kapag ginawa ng Diyos na suminag ang Tala sa umaga, tatawagin nila itong ang anino ng kamatayan at dahil ganito iisipin nila na ito ay kontaminado at mas gugustuhin nilang maglakad sa kislap ng kanilang maruming ginto at poot, na nagbabaga lamang sapagkat ang mga bagay ng impiyerno ay nagliliwanag sa posporo ng mga lawa ng eternal na perdisyon...»

«Ang aking kapatid, Jesus... O! Si Lazarus ay nakita si Maria nagtatago sa likuran ng isang hilera ng mga tanim ng kanyang lootan upang makalapit hangga't maaari. Si Maria ay yumuyuko habang naglalakad ngunit ang kanyang magandang buhok ay nagniningning katulad ng ginto sa kaligiran ng madilim na kahon.

Si Martha ay tatayo na sana. Ngunit si Jesus idiniin ang Kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang ulo at siya ay napilitan na manatili sa kanyang kinaroroonan. Si Jesus ay nagsasalita nang mas malakas.

«Ano ang ating sasabihin sa mga di-masasayang taong iyon? Ang Diyos ay binigyan sila ng panahon na makapagsisi ngunit ginamit nila ito upang magkasala. Ngunit ang Diyos ay hindi sila nawawala sa Kanyang paningin, kahit na kung Siya ay tila hindi sa kanila nakakakita. At ang panahon ay dumarating kung kailan, dahil sa ang pagmamahal ng Diyos ay nilalagos ang kanilang matitigas na puso, katulad ng paglagos ng kidlat sa isang bato o dahil sa ang totál na bigat ng mga krimen ay nadadala ang baho nito sa kanilang lalamunan at mga pangamoy mismo - at sila ay masusuya, sa wakas masusuya sila sa lasa nito at sa amoy nito na nakapagpapasuka din sa ibang mga tao at  pumupuno sa kanilang sariling mga puso – ang sandali ay dumarating kung kailan kasusuklaman nila nito at ang isang pakiramdam na nagmimithi ng kabutihan ay magkakaugat sa kanilang mga puso. Ang bawat puso kung gayon ay sisigaw: “Sino ang magpapabalik sa akin sa dating mga panahon, nang ako noon ay isang kaibigan ng Diyos? Nang ang Kanyang liwanag ay sumisinag sa loob ng aking puso at ako ay naglalakad sa loob ng mga sinag nito? Nang ang namamanghang mundo ay tahimik sa harapan ng aking katarungan at na ang nakakakita sa akin ay nagsasabi na ako ay pinagpalà? Ang mundo ay nananabik para sa aking ngiti at ang aking mga salita ay tinatanggap katulad ng mga salita ng isang anghel at ang mga puso ng aking mga kamag-anak ay tumatalon nang may pagmamalaki sa loob ng kanilang dibdib. At ano na ako ngayon? Ako ay isang bagay ng panunuya ng mga kabataan, ng panghihilakbot ng mga matatanda, ako ang paksa ng kanilang mga awit at mapanghamak na dinuduraan nila ang aking mukha.”

Totoo, ganyang sa ilang mga sandali nagsasalita ang mga kaluluwa ng mga makasalanan, ang mga kaluluwa ng tunay na mga Job, sapagkat walang mas malaki pang paghihirap para sa tao kaysa sa mawalan ng pakikipagkaibigan ng Diyos at mawalan ng Kanyang Kaharian magpakailanman. At sila ay kailangan na makakuha ng awa. Awa lamang. Sila ay kaawa-awang mga kaluluwa, na dala ng kawalang-magawa o pagmamadali, ay nawala sa kanila ang eternal na Esposo. “Sa aking higaan, sa gabi, hinahanap ko siya na minamahal ng aking puso. Hinanap ngunit hindi ko siya nakita”. Sa katunayan sa kadiliman hindi makilala ng isa ang esposo, at ang kaluluwa, inuudyukan ng pagmamahal, bilang walang pag-iisip dahil nababalot ng isang gabing espirituwal, ay naghahanap at gustong makatagpo ng kaginhawahan mula sa paghihirap nito. At ang kaluluwa ay nag-aakala na matatagpuan ito sa pamamagitan ng kahit na anong pagmamahal. Hindi. Tanging iisa lamang ang pagmamahal ng kaluluwa: ang Diyos. Ang mga kaluluwang ito, inuudyukan na magpatuloy ng pagmamahal ng Diyos, ay naglalagalag naghahanap ng pagmamahal. Magiging sapat na para sa kanila na ibigin na magkaroon ng liwanag at mapapasakanila ang Pagmamahal bilang kanilang konsorte. Sila ay naglalagalag katulad ng mga may sakit na tao, naghahapuhap para sa pagmamahal at natatagpuan nila ang lahat na pagmamahal, ang lahat na maruruming bagay na tinatawag ng tao na pagmamahal, ngunit hindi nila natatagpuan ang Pagmamahal, sapagkat ang Pagmamahal ay hindi ginto, kasiyahan, kapangyarihan, bagkus Diyos.

Kaawa-awang mga kaluluwa! Kung sila ay hindi naging masyadong tamad at kung sila ay tumaas sa unang paanyaya ng eternal na Esposo, ng Diyos Na nagsasabi: “Sundan Ako”, ng Diyos Na nagsasabi: “Ibukas mo ang sarili mo sa Akin”, hindi sana nila nabuksan ang pinto, sa dagsa ng kanilang nagising na pagmamahal, nang ang pinanghinaan na Nobyo ay malayo na at nawala na... At hindi sana nila nalapastangan ang banal na tibok ng pangangailangan ng pagmamahal sa putikan na kahit na ang di-malinis na mga hayop ay nasusuklam,  sa dahilan na ito ay walang-walang silbi at puno ng dating mga problema, na hindi mga bulaklak bagkus mga tinik na nagpapahirap subalit hindi nagkokorona. Ni hindi sana nila naranasan ang mga nanunuyang mga salita ng mga patrulyang tanod, ng buong mundo, na, katulad ng Diyos, ngunit para sa kabaligtaran na mga rason, ay hindi nawawala sa kanilang paningin ang makasalanan, bagkus binabantayan siya upang siya ay tuyain at pintasan.

Kaawa-awang mga kaluluwang binugbog, pinagnakawan at sinugatan ng buong mundo! Tanging ang Diyos lamang ang hindi sumasali sa walang-awang mapanghamak na pambabato na ganyan. Bagkus pinababayaan Niyang bumagsak ang Kanyang mga luha upang mapagaling ang mga sugat at masuutan ng adamantinang damit ang Kanyang nilikha. Laging ang Kanyang nilikha... Tanging Diyos lamang... at ang mga anak ng Diyos kasama ang Ama. Pagpalain natin ang Panginoon. Ginusto Niya na Ako ay bumalik dito alang-alang sa mga makasalanan upang sabihin sa inyo: “Magpatawad. Laging magpatawad. Gawin ang bawat masamang bagay na maging isang mabuting bagay at ang bawat pananakit isang grasya”. Hindi Ko lamang sinasabi sa inyo na “gawin”. Sinasabi Ko: gayahin ang Aking aktitud. Minamahal Ko at pinagpapalà Ko ang Aking mga kaaway sapagkat sa pamamagitan nila Ako ay nakabalik sa inyo, Aking mga kaibigan.

Kapayapaan sa inyong lahat.»

Ang mga kababaihan sa pulutong ay nagwawagayway ng mga belo, ang mga kalalakihan mga sanga: pagkaraan ang lahat ay unti-unting umalis pagkatapos na batiin si Jesus.

«Nakita kaya nila ang aking walang-hiyang kapatid?»

«Hindi, Lazarus. Tagung-tago siya sa likuran ng hilera ng mga tanim. Nakikita natin siya sapagkat tayo ay nasa itaas dito, ang iba ay hindi siya makita.

«Nangako siya sa amin...»

«Bakit siya hindi dapat pumunta? Siya ba ay hindi anak na babae ni Abraham? Gusto Ko sa inyo, Aking mga kapatid, at kayo, Aking mga disipulo, na manumpa na hindi kayo gagawa ng anuman na siya ay may maintindihan ng kahit na ano tungkol dito. Pabayaan lang siya. Ako ba ay kanyang pagtatawanan? Hindi na bale. Siya ba ay iiyak? Hayaan siyang mag-isa. Siya ba ay mananatili rito? Hayaan siyang mag-isa. Gugustuhin ba niyang umalis? Hayaan siyang mag-isa. Ang lihim ng Tagapagtubos at ng mga tagapagtubos ay ang maging matiyaga, mabuti, nagpupursige at ang magdasal. Wala nang iba pa. Ang bawat pakita ay kalabisan sa kaso ng ilan na mga sakit... Paalam, Aking mga kaibigan. Ako ay mananatili rito upang magdasal. Ang bawat isa sa inyo ay makalalakad upang gawin ang kanyang gawain at harinawang samahan kayo ng Diyos.»

At ang lahat ay nagtatapos.

291010

 

 Sunod na kabanata