136. Ang Kapistahan ng Dedikasyon sa Bahay ni Lazarus Kasama ang mga Pastol.

Marso 22, 1945.

Ang maningning na bahay ni Lazarus ay pinakamaningning sa gabing ito. Ito ay tila lumiliyab sa apoy gawa ng napakaraming ilawan na may sindi sa loob ng bahay. Ang liwanag ay kumakalat sa labas, sa kaagahan ng gabing ito, mula sa mga bulwagan patungo sa pamasukan at pagkatapos sa beranda, umuunat upang pakislapin ang mga bato sa mga daanan, ang mga damo at mga palumpong ng mga halamang bulaklak, nakikipagpaligsahan sa madilaw na kaningningan ng buwan, at natatalo ito sa unang mga yarda, samantalang sa mas malayo nang lugar ang lahat ay nagiging anghelikal gawa ng purong mantel na nilalatag ng buwan sa lahat ng bagay. Bilang karagdagan, ang katahimikan na bumabalot sa maringal na hardin, kung saan tanging ang bagsak lamang ng tubig na tumitilandoy sa palaisdaan ang maririnig, ay tila napatitindi ng makalangit na kapayapaan ng gabi ng kabilugan ng buwan, habang sa malapit sa bahay, ang maraming masasayang tinig at ang aktibong kagulo gawa ng paglilipat-lipat ng mga kagamitang pambahay at ang mga pagdadala ng mga pagkain sa mga mesa, ay nagpapaalaala sa tao na siya ay isang tao pa rin at hindi isang espiritu.

Si Martha ay paroo’t parito sa kanyang malapad na mahinhing magandang purpurang damit, at siya ay tila isang bulaklak, isang kampanilyang bulaklak o isang paruparo palipad-lipad sa purpurang kaligiran ng mga pader sa pamasukan o sa kaligiran ng mga pader ng silid kainan, na may pasinaya ng mga disenyo at nagmumukhang isang alpombra.

Si Jesus sa kabilang dako ay palakad-lakad na nag-iisa at nag-iisip malapit sa palaisdaan at Siya ay tila nilululon nang paulit-ulit ng isang maitim na anino galing sa isang mataas na puno ng laurel, isang napakalaking punungkahoy, at ng posporikong sinag ng buwan na palinaw nang palinaw. Totoong napakaliwanag nga rito upang ang tilandoy ng pontanya ay nagmumukhang isang manipis na pilak na balahibo na nagkakabasag-basag sa maliliit na brilyante, bumabagsak at pagkatapos mawawalang malaplatang tubig ng pontanya. Si Jesus ay pinagmamasdan at pinakikinggan ang mga salitang binubulong ng tubig sa gabi. Ang tunog nito ay napakatamis pakinggan upang nagigising nito ang isang ruwinsensor sa loob ng makapal na mga dahon ng laurel at ito’y tumutugon sa mabagal na lagaslas ng bagsak ng tubig sa pamamagitan ng tunog kahawig ang mataas na nota ng isang plawta, at pagkatapos titigil, na tila hinihintay na mabigyan ito ng nota at kung gayon mákatóno ang tubig, at sa wakas, bilang ang hari ng awit, sinimulan nito ang perpektong melodyosong malambot na himno ng lugod.

Si Jesus ay tumigil sa paglalakad na kung hindi’y baka ang Kanyang mga yapak ay makabalisa sa kalmanteng kaluguran ng ruwinsensor, at sa aking palagay, ang Kanya ring sariling kaluguran, sapagkat Siya ay ngumingiti na ang Kanyang ulo nakayuko, isang ngiti ng purong kasiyahan. Nang ang ruwinsensor ay tumigil sa pag-awit pagkatapos ng napakalinaw na nota na tinagalan at pinaganda sa pamamagitan ng tumataas na mga tono, hindi ko malaman kung papaano nagagawa ito ng ganoong kaliit na lalamunan, si Jesus ay bumulalas: «Pagpalain nawa Kayo, banal na Ama, para sa ganoong perpeksiyon at para sa lugod na binigay Ninyo sa Akin!» at Kanyang pinagpatuloy ang Kanyang dahan-dahan na paglalakad, puno ng malalim na iniisip, na hindi ko alam kung ano.

Si Simon ay lumapit sa Kanya at nagsabi: «Guro, pinakikiusapan Kayo ni Lazarus na pumasok na. Ang lahat ay nakahanda na.»

«Tayo na. At sa gayon ang kanilang huling pagdududa na mas kulang ang Aking pagmamahal sa kanila dahil kay Maria, ay maalis.»

«Gaano karaming mga luha, Guro! Tanging ang Inyo lamang lihim na himala ang nakapagpapahupa sa kanilang nararamdamang kirot. Hindi ba Ninyo alam na si Lazarus ay halos lumayas na, nang, noong sila’y bumalik, si Maria ay lumabas ng bahay, nagsasabing iiwanan niya ang kanilang sepulkro upang mamuhay sa lugod…at iba pang mga walang-galang na salita? Si Martha at ako ay pinakiusapan siya na huwag gawin iyon, dahil din… ang isa ay hindi malalaman ang itutugon ng isang puso. Kung siya ay matagpuan ni Lazarus, sa aking palagay, parurusahan niya si Maria para matapos na ang lahat. Mas gusto nilang maging tahimik man lamang siya ng tungkol sa Inyo…»

«At ibig nila na gumawa kaagad Ako ng himala para sa kanya. At maaaring ito sana ang Aking ginagawa. Ngunit ayaw Ko ng sapilitan na resureksiyon ng mga puso. Maipipilit Ko ang kamatayan at ibalik sa Akin nito ang biktima. Sapagkat Ako ang Panginoon ng kamatayan at ng buhay. Ngunit hindi Ko maipipilit ang isang resureksiyon ng mga espiritu, sapagkat hindi sila gawa sa materyal, na isang walang-buhay kung wala ang kaluluwa, samantalang ang mga espiritu ay mga inmortal na mga nilikha na may kakayahan na bumangon sa pamamagitan ng kanilang sariling kalooban. Binibigay Ko ang unang paanyaya at ang unang tulong, katulad ng isang nagbubukas ng isang sepulkro kung saan nakakulong ang isang tao na buhay pa at siya ay mamamatay kung siya ay mananatili sa loob nang matagal na panahon sa nakamamatay na kadiliman, at pinapapasok Ko ang hangin at liwanag… pagkatapos Ako ay maghihintay. Kung ang espiritu ay ibig na makalabas, ito ay lalabas. Subalit kung ayaw nitong lumabas, ito’y lalong didilim at lulubog sa ilalim. Ngunit kong ito’y lumabas!... O! Kung ito ay lumabas, sasabihin Ko sa iyong totoo na walang magiging mas dakila pa kaysa sa isang bumangon na espiritu. Tanging ganap na inosensiya lamang ang mas nakadadakila kaysa sa isang patay na nabuhay sa pamamagitan ng puwersa ng pag-ibig at para sa lugod ng Diyos… Ang Aking pinakadakilang mga pananagumpay!

Tingnan mo ang kalawakan, Simon. Makikita mo diyan, mga bituin, maliliit na bituin at mga planetang iba’t iba ang laki. Lahat sila ay nabubuhay at nagniningning para sa Diyos Na gumawa sa kanila, at para sa araw na nagpapaningning sa kanila. Ngunit hindi pare-pareho ang kanilang kaningningan at laki. Ganyan din ang mangyayari sa Langit.
Ang lahat na natubos ay magkakaroon ng buhay sa pamamagitan Ko at tatanggap ng liwanag mula sa Aking liwanag. Subalit hindi silang lahat magkakasing ningning at dakila. Ang ilan ay lisong mga alabok na bituin, katulad ng alabok kung ano ang Galathea, at ito ang di-mabibilang na mga bituin, na mga tumanggap mula sa Kristo, o manapa’y, kumuha mula sa Kanya ng pinakamaliit na kakailanganin upang hindi mamatay, at sa pamamagitan lamang ng walang-hangganang awa ng Diyos, pagkatapos ng isang mahabang
Purgatoryo, sila makakapasok sa Langit. Ang iba ay magiging mas maningning at mas mabuti ang pagkaporma, ang mga makatarungan na isinama ang kanilang kalooban, pakiusap na tandaan na ang sinasabi Ko ay kalooban, hindi mabuting kalooban, sa kalooban ni Kristo at sinunod and Aking mga salita upang hindi mamatay. Pagkatapos naririyan ang mga planeta, ang mga nagkaroon ng mabubuting kalooban, at sila ang magiging mga pinakamaningning! Ang kanilang liwanag ay magiging katulad ng purong brilyante o ng isang maningning na bato na may iba’t ibang bahid ang kulay; ang pula ng ruby, ang biyoleta ng isang amatista, ang ginto ng isang topasyo, ang puti ng perlas: mga mangingibig na naging matatapat hanggang kamatayan para sa pag-ibig, ang mga nagsisi para sa pag-ibig, ang mga taong aktibo para sa pag-ibig, ang mga taong busilak para sa pag-ibig.

At magkakaroon ng ilan sa mga planetang iyon, at sila ang magiging ang kaluwalhatian ng Tagapagtubos, na titingkad katulad ng mga amatista, mga rubi, mga topasyo at mga perlas, sapagkat sila ang magiging ang lahat alang-alang sa pag-ibig. Sila ay magiging ang magigiting hanggang sa punto na patawarin nila ang kanilang mga sarili para sa hindi pagmahal noong una, mga nagsisisi upang matigmak sa pagbabayad-kasalanan katulad ni Esther na natigmak sa mga pabango bago iniharap ang kanyang sarili kay Ahasuerus, mga walang-kapaguran sa paggawa sa loob ng maikling panahon, maikling panahon na natitira sa kanila, ng mga bagay na hindi nila nagawa sa loob ng mga taon na kanilang inaksaya sa pagkakasala,  mga puro hanggang sa punto ng kabayanihan na kalimutan nila, gayon din sa kanilang mga katawan, maliban sa kanilang mga kaluluwa at kaisipan, na sila ay may mga pándamá. Sila ang magiging mga planeta na sa pamamagitan ng kanilang iba't ibang hitsura ng kaningningan ay mapapatingin ang mga mata ng mga naniniwala, ng mga puro, ng mga nagsisi, ng mga martir, ng mga bayani, ng mga asetiko, ng mga makasalanan at para sa bawat na mga kategoriyang iyon ang kanilang kaningningan ay magiging salita, tugon, paanyaya, pagtitiyak…

Ngunit tayo na. Tayo ay naguusap at sila ay naghihintay sa atin.»

«Ang punto ay kapag Kayo ang nagsasalita, nakakalimutan namin na kami ay buhay. Maaari ko bang sabihin kay Lazarus ang lahat nang iyan? Sa palagay ko may nilalaman itong isang pangako…»

«Kailangan na sabihin mo iyan sa kanya. Ang salita ng isang kaibigan ay baka makapagpagaan sa kanilang sugat at hindi sila mapapahiya kung sila ay mamumula sa harapan Ko… Napaghintay namin kayo, Martha. Ngunit Ako ay nagsasalita kay Simon tungkol sa mga bituin at nakalimutan namin ang tungkol sa mga ilawan na ito. Ang iyong bahay ngayong gabi ay tunay ngang isang kisame ng langit…»

«Aming sinindihan ang mga ilawan hindi lamang para sa aming mga sarili at sa aming mga katulong bagkus para din sa Inyo at para sa Inyong mga kaibigan, na aming mga panauhin. Salamat sa Inyong pagparito sa pinakahuling gabing ito. Ngayon ito nga ay ang tunay na kapistahan ng Puripikasyon…» Si Martha ay ibig pa sanang magsalita, subalit naramdaman niya na siya ay mapapaiyak kung kaya’t siya’y nanahimik.

«Kapayapaan sa inyong lahat» sabi ni Jesus pumapasok sa bulwagan na nagliliwanag sa dosi-dosenang pilak na mga lampara, lahat nakasindi at nakalagay sa kapaligiran.

Si Lazarus ay lumalapit na ngumingiti: «Kapayapaan at pagpapalà sa Inyo, Guro, at maraming taon ng banal na kaligayahan.» Nagpalitan sila ng halik. «Ang ilang mga kaibigan natin ay nagsabi sa akin na Kayo ay ipinanganak nang ang Bethlehem ay nagliliwanag para sa Kapistahan ng Puripikasyon maraming taon na ang nakararaan. Kapwa sila at kami ay masaya na kasama Kayo sa gabing ito. Ayaw ba Ninyong malaman kung sinu-sino sila?»

«Ako ay walang mga kaibigan maliban sa Aking mga disipulo, ang mga mahal Ko sa Bethany at ang mga pastol. Kung gayon sila ay ang mga pastol. Pumunta ba sila? Para saan?»

«Upang sambahin Kayo, aming Mesiyas. Kami ay napagsabihan ni Jonathan at kami’y pumunta. Kasama ang aming mga kawan na ngayon ay nasa mga establero na ni Lazarus, at kasama ang aming mga puso na ngayon ay laging nasa Inyong banal na paanan.» Si Isaac ang nagsalita sa katauhan nina Elias, Levi, Jose at Jonathan, na ngayon ay lahat nakapatirapa sa Kanyang paanan; si Jonathan sa kanyang malambot na tunika ng isang tagapangasiwang minamahal ng kanyang panginoon; si Isaac sa kanyang kasuutan ng isang walang-kapaguran peregrino, isang tunika na gawa sa magaspang na madilim na kulay-kapeng delana panlaban sa ulan; sina Levi, Jose at Elias ay nakasuot ng bagong malinis na damit binigay sa kanila ni Lazarus, upang sila ay makaupo sa hapag-kainan na wala sa kanilang kaawa-awang punit-punit na mga damit na nangangamoy tupa.

«Iyan ba ang dahilan kung bakit ninyo Ako pinapunta sa hardin? Pagpalain nawa kayong lahat ng Diyos! Tanging ang Aking Ina na lamang ang wala upang maging ganap Akong masaya. Subalit ang inyong presensya ay napagagaanan Ako mula sa kalungkutan tungkol sa Kanyang mga halik.»

Lahat sila ay nagtungo sa silid kainan. Ang karamihan ng mga lamparang nasa loob nito ay kulay ginto at ang metal ay nagniningning gawa ng mga apoy na mas nagiging buhay ang hitsura gawa ng labis na kagintuan na nasasalamin. Ang mesa ay iniayos sa korteng U upang mabigyan ng lugar ang maraming tao at mapagaan ang pagsisilbi ng mga katulong at ng mga tagahiwa ng karne. Bukod kay Lazarus ay naririyan ang mga apostol, ang mga pastol, si Maximinus at ang matandang katulong ni Simon.

Si Martha ang nangangasiwa sa paglalagay sa puwesto sa mga panauhin sa mesa at ibig niyang manatiling nakatayo. Subalit si Jesus ay tumutol: «Ngayon ikaw ay hindi ang tagapangasiwa ng hotel; ikaw ang kapatid na babae at ikaw ay uupo na tila ikaw ay kaisa Ko sa dugo. Tayo ay iisang pamilya. Itabi muna natin ang mga alituntunin upang makapasok ang pagmamahalan. Ibig Ko ikaw dito, sa tabi Ko, at si Juan malapit sa iyo. At si Lazarus katabi Ko. Ngunit, bigyan ninyo Ako ng lampara. Ang isang lampara ay magbabantay sa pagitan namin ni Martha… isang apoy: para sa mga babae na wala rito subalit naririto, para sa mga babaeng minamahal, hinihintay, mahal sa atin at nasa malayo. Para sa kanilang lahat. Ang apoy ay nagbibigkas ng mga salita ng liwanag. Ang pag-ibig ay nagbibigkas ng mga salita ng pampasaya at ang mga salitang iyan ay malayo ang nararating, sa di-korporyal na pagpapahatid ng mga espiritu na laging matatagpuan sa ibayo ng mga bundok at karagatan, at dinadala nila ang mga halik at mga pagpapalà… Dinadala nila ang lahat. Hindi ba’t ganito ito?» 

Si Martha ay inilagay ang lampara kung saan ito gusto ni Jesus, sa isang walang nakaupong lugar… at, dahil naiintindihan ni Martha, siya ay yumuko at hinalikan ang kamay ni Jesus, Na pagkatapos inilagay ang kamay sa maitim na buhok ni Martha nagpapalà at nagbibigay kaginhawahan.

Ang kainan ay nagsimula. Ang tatlong pastol ay sa una tila napapahiya, samantalang si Isaac ay mas palagay ang loob at si Jonathan hindi nagpapakita ng pag-aalangan. Ang tatlong pastol ay nagkaroon ng lakas ng loob habang patuloy ang kainan at pagkaraan ng pananahimik sa loob ng ilang sandali sila ay nagsimulang magsalita. At ano ang kailangan nilang banggitin, kung hindi ang kanilang mga alaala?

«Hindi pa kami matagal na nakakabalik sa kulungan ng mga tupa» sabi ni Levi «at ako’y ginaw na ginaw hinahanap ko ang mákatabi ang mga tupa, umiiyak ako sapagkat hinahanap ko ang aking ina…»

«Ako, sa halip, ay iniisip ko ang bata-pang Ina na nakasalubong kong matagal na bago pa man at sinasabi sa sarili ko: “Nakatagpo kaya Siya ng lugar?” Sana nalaman ko na Siya ay nasa establero! Nadala ko sana Siya sa kulungan!... Ngunit napakabait Niya, isang liryo ng aming mga lambak, na naisip ko na isang insulto sa Kanya na sabihin: “Halikayo at sumama sa amin”. Ngunit iniisip ko Siya… at mas pa akong gininaw, iniisip kung gaano kaya ang Kanyang ipinaghihirap. Naaalaala mo ba ang liwanag noong gabing iyon? At ang iyong takot?»

«Oo… ngunit pagkatapos… ang anghel… O!...» si Levi, medyo nawawala sa pagbubunyi, ay ngumingiti sa kanyang alaala.

«O! Makinig nang sandali, mga kaibigan. Kakaunti ang aming nalalaman at hindi mabuti ang mga nasabi sa amin. Nakarinig na kami tungkol sa mga anghel, mga sabsaban, mga kawan, Bethlehem… At alam namin na Siya ay isang Galilean at isang karpintero… Hindi tama na kami ay hindi sabihan! Tinanong ko ang Guro sa Clear Water… ngunit noon aming pinag-usapan ang ibang bagay. Ang batang lalaking ito na naka-aalam, ay walang sinabi sa akin kahit na ano… Oo, ikaw ang ibig kong sabihin, Juan ni Zebedeo. Ganyan ka ba magrespeto sa nakatatanda sa iyo? Tinatago mo ang lahat para sa iyong sarili lamang at pinababayaan mo akong manatiling isang tangang disipulo. Hindi pa ba ako isang tanga sa ganang sarili ko?» Lahat sila ay napatawa sa mapagbigay-loob na ngit-ngit ni Pedro. Ngunit kinakausap niya ang kanyang Guro: «Sila ay tumatawa. Ngunit tama ako» at sinabi niya kina Bartolomeo, Felipe, Mateo, Tomas, Santiago at Andres pagkatapos: «Sige na kayo, sabihin din ninyo sa kanya, magprotestang kasama ko! Bakit wala tayong nalalaman?»

«Totoo… Nasaan ka nang namamatay si Jonah? At nang nasa Lebanon tayo?»

«Tama kayo. Ngunit sa kaso ni Jonah, akala ko iyon ay ang pagkahibang ng isang namamatay na tao, iyon ay akin man lamang pag-akala, at sa Lebanon… ako ay pagod at inaantok. Patawarin Ninyo ako, Guro, ngunit iyon ang katotohanan.»

«At iyan ang magiging katotohanan para sa lahat! Ang daigdig ng mga napagpahayagan ng ebanghelyo ay iyan ang madalas na itutugon sa eternal na Hukom, upang mabigyan ng katwiran ang kanilang kamangmangan sa kabila ng pagtuturo ng Aking mga apostol: “Akala ko iyon ay pagkahibang… ako'y pagod at inaantok”. At madalas na hindi nila kikilalanin ang katotohanan sapagkat mapagkakamalan nila ito na pagkahibang, at hindi nila maaalaala ang katotohanan sapagkat sila ay pagod at inaantok dahil sa labis na pagpapasasa sa napakaraming walang-kuwenta, naglalaho at mga makasalanan din na mga bagay. Iisang bagay lamang ang kakailanganin: ang makilala ang Diyos.»

«Bueno, ngayon na sinabi na Ninyo kung ano ang karapat-dapat sa amin, sabihin Ninyo sa amin kung ano ang nangyari… Sabihin Ninyo sa Inyong Pedro. Pagkatapos sasabihin ko sa mga tao. Kung hindi, nasabi ko na sa Inyo, ano ang masasabi ko sa kanila? Wala akong nalalaman tungkol sa nakaraan, ako ay hindi magaling sa pagpapaliwanag tungkol sa mga hula at tungkol sa Aklat, sa hinaharap… O! kaawa-awang ako! Kung gayon ano ang aking bibigyan ng ebanghelyo?»

«Oo, Guro, paalamin din Ninyo kami… Alam namin na Kayo ang Mesiyas at naniniwala kami tungkol dito. Subalit, sa ganang akin man lamang, nahihirapan akong tanggapin ko na may mabuting lalabas mula sa Nazareth… Bakit hindi Ninyo ako kaagad pinaalam tungkol sa Inyong nakaraan?» sabi ni Bartolomeo.

«Upang masubukan ang iyong pananampalataya at ang kaningningan ng iyong espiritu. Ngunit ngayon Ako ay magsasalita sa inyo, o kung baga, kami ay magsasalita sa inyo tungkol sa Aking nakaraan. Sasabihin Ko sa inyo pati na ang mga bagay na hindi nalalaman ng mga pastol, at sasabihin nila sa inyo kung ano ang kanilang nakita. At malalaman ninyo ang simula ng pagdating ng Kristo. Makinig:

Nang ang panahon ng Grasya ay dumating, ang Diyos ay inihanda ang Birhen. Madali ninyong maiintindihan na ang Diyos ay hindi maaaring manirahan kung saan naglagay ng marka si Satanas. Ang Kapangyarihan, kung gayon ay kumilos upang maihanda ang walang-batik na tabernakulo Nito sa hinaharap. At si Maria, na walang mantsa, ay ipinaglihi ng dalawang makatarungang tao, sa kanilang katandaan, kontra sa pangkaraniwang mga alituntunin ng pagsusupling. Sino ang naghatid sa kaluluwang iyon sa embriyonal na laman na iyon na nagpaapoy sa matandang sinapupunan ng Aking lola, na si Anna ni Aaron? Levi, nakita mo ang Arkanghel tungkol sa lahat na mga pagbabalita. Masasabi mo: siya iyon.  Sapagkat ang Lakas ng Diyos (Iyan ang pinagmulan ng ibig-sabihin ng pangalang “Gabriel”.) ay laging ang nananaig na arkanghel na siyang naghahatid ng masasayang balita sa mga santo at mga propeta, siya ang laging di-malupig na mandirigma na siyang sumisira kahit na sa malakas na kapangyarihan ni Satanas na tila ito ay isa lamang na natuyong tangkay ng isang lumot, siya ang matalinong espiritu na sa pamamagitan ng tuso at maningning na katalinuhan ay naiilagan ang mga patibong ng ibang matalino ngunit masamang espiritu, at sa gayon naisasagawa niyang mabilis ang utos ng Diyos.

Ang Tagapagbalita, na kabisado na ang mga pamamaraan sa lupa, dahil siya ay nakababa na noon upang magsalita sa mga Propeta, kinuha nang may sigaw ng tuwa mula sa dibinong Apoy ang kislap na siyang kaluluwa ng eternal na Dalaga at inaakap ito sa siklo ng anghelikal na apoy ng kanyang espirituwal na pag-ibig, ibinaba ito sa lupa, patungo sa loob ng isang bahay, patungo sa isang sinapupunan. At ang mundo, mula ng sandaling iyon, ay napapunta rito ang Sumasambang Dalaga; at ang Diyos, mula sa sandaling iyon, ay nakatitingin sa isang lugar sa lupa, na hindi nasusuya. At ang isang maliit  na nilikha ay ipinanganak: ang Sanggol na minamahal ng Diyos at ng mga anghel, ang Sanggol Na Konsagrado sa Diyos, ang Anak Na Babae na relihiyosong minahal ng Kanyang mga magulang. “At si Abel ay ibinigay ang panganay ng kanyang kawan sa Diyos”. O! Totoo ngang ang mga lolo’t lola ng eternal na Abel ay ibinigay sa Diyos ang unang bunga ng kanilang ari-arian, ibinigay nila sa Kanya ang lahat ng kanilang mga pag-aari, at sila ay namatay sapagkat ibinalik nila ang lahat sa Kanya, Na siyang nagbigay sa kanila nito!

Ang Aking Ina ay ang Dalaga ng Templo mula pa nang Kanyang ikatlo hanggang ikalabinlimang taon ng Kanyang edad at napabilis Niya ang pagdating ng Kristo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang pag-ibig. Isang birhen bago pa ipinaglihi, isang birhen sa kalihiman ng isang sinapupunan, isang birhen sa Kanyang kapaslitan, isang birhen sa Kanyang unang mga paghakbang, ang Birhen ay pag-aari ng Diyos at ng Diyos lamang, at ipinahayag Niya ang Kanyang karapatan, na hindi nasasakupan ng dekreto ng Batas ng Israel, at nakuha Niya mula sa Kanyang asawang ibinigay sa Kanya ng Diyos, na manatili Siyang di-nagagalaw na Babae pagkatapos ng Kanyang kasal.

Si Jose ng Nazareth ay isang makatarungang tao. Ang Liryo ng Diyos ay maaaring maibigay sa kanya lamang, at siya lamang ang tanging mag-aari nito. At, bilang isang anghel kapwa sa kanyang katawan at sa kanyang kaluluwa, siya’y nagmahal katulad ng pagmahal ng mga anghel ng Diyos. Ang kalaliman ng malakas na pagmamahal na iyon, na kinasiyahan ang lahat na pag-iibigan ng isang buhay mag-asawa, na hindi lumalampas sa hangganan ng selestiyal na apoy sa kabila ng Arko ng Panginoon, ay maiintindihan lamang ng iilang tao sa lupa. Ito ay ang pagpapatunay kung ano ang maaaring magawa ng isang makatarungang lalaki, kung gugustuhin lamang niya, sapagkat ang kaluluwa din, kahit na kung ito ay nasugatan ng orihinal na kasalanan, ay may makapangyarihang lakas na tumaas, upang maalaala at bumalik sa dignidad nito na isang Anak ng Diyos, at ito ay tumatrabaho sa isang dibinong pamamaraan alang-alang sa Ama.

Si Maria ay nasa Kanyang bahay pa rin, naghihintay na makasal sa Kanyang esposo, nang si Gabriel, ang anghel ng dibinong mga pagbabalita ay bumalik sa lupa at pinakiusapan ang Birhen na maging isang Ina. Naipangako na niya ang Precursor kay Zachariah, na hindi sa kanya naniwala. Subalit ang Birhen ay naniwala na ito ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at dalisay na katulad Niya sa Kanyang kamangmangan, nagtanong lamang Siya: “Papaano ito mangyayari?” At ang anghel ay tumugon sa Kanya: “Ikaw ay napupuno ng Grasya, Maria. Huwag Kang matakot, dahil nakuha Mo ang pabor ng Diyos tungkol din sa Iyong pagkabirhen. Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki at pangangalanan Mo Siyang Jesus, sapagkat Siya ang Tagapagligtas na ipinangako kay Jacob at sa lahat na mga Patriyarka at mga Propeta ng Israel. Siya ay magiging dakila at ang totoong Anak ng Kataastaasan sapagkat Siya ay ipaglilihi sa pamamagitan ng gawa ng Banal na Espiritu. Ang Kanyang Ama ay ibibigay Niya sa Kanya ang trono ni David, katulad sa ito ay hinulaan, at paghaharian Niya ang sambahayan ni Jacob magpakailanman at ang Kanyang totoong Paghahari ay hindi magkakaroon ng katapusan. Ngayon ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu ay hinihintay ang Iyong pagsunod upang mapangyari ang pangako. Ang Precursor ng Kristo ay nasa sinapupunan na ni Elizabeth, ang Iyong pinsan, at kung Ikaw ay papayag, ang Banal na Espiritu ay bababa sa iyo, at sa gayon ang Batang ipanganganak Mo ay magiging banal at dadalhin Niya ang tunay na pangalan ng Anak ng Diyos”.

Si Maria pagkatapos ay tumugon: “Ako ang abang Lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa Akin ang naaayon sa Kanyang salita”. At ang Espiritu ng Diyos ay bumaba sa Kanyang Nobya at sa unang yakap ibinigay ng Espiritu Santo sa Kanya at Kanyang liwanag, na lubos pang pinaperpekto ng Kanyang mga birtud ng pananahimik, kababaang-loob, kahinahunan at karidad, na Siya ay puno nito, at Siya ay kaisa ng Karunungan at hindi na maaaring maihiwalay sa Karidad, at ang Masunurin at Basal na Isa ay nawala sa karagatan ng Pagsunod, na Ako nga, at nalaman Niya ang lugod ng pagiging isang Ina, na wala ang kabagabagan ng pagiging nagalaw. Siya ang niyebe na naging isang bulaklak at inialay ang Sarili sa Diyos…»

«At papaano ang Kanyang asawa?» tanong ni Pedro napatigagal.

«Ang selyo ng Diyos ay naisara ang mga labì ni Maria. Nalaman lamang ni Jose ang kababalaghan nang si Maria ay bumalik galing sa bahay ng Kanyang kamag-anak na si Zachariah at lumitaw na isang ina sa mga mata ng Kanyang esposo.»

«Ano ang kanyang ginawa?»

«Siya ay naghirap… at si Maria ay naghirap.»

«Kung iyon ay naging ako…»

«Si Jose ay isang santo, Simon ni Jonas. Alam ng Diyos kung saan Niya ilalagay ang Kanyang mga regalo… Si Jose ay naghirap nang labis at nagpasya siya na iwanan si Maria, inaako sa sarili na siya ay isang di-makatarungang lalaki. Ngunit ang anghel ay bumaba at sinabi sa kanya: “Huwag kang matakot na kunin si Maria bilang iyong asawa, sapagkat ang nabubuo sa loob Niya ay ang Anak ng Diyos at Siya ay naging isang Ina sa pamamagitan ng gawa ng Diyos. At kapag ang Anak ay naipanganak na, pangangalanan mo Siyang Jesus, sapagkat Siya ay ang Tagapagligtas”.»

«Si Jose ba ay isang may-pinag-aralang tao?» tanong ni Bartolomeo.

«Katulad ng isang inapu ni David.»

«Kung gayon nakatanggap sana siya ng liwanag kaagad inaalaala ang Propeta: “Dito, ang isang birhen ay maglilihi…”.»

«Oo, tinanggap niya ito. At lugod ang sumunod sa pagsubok…»

«Kung ito ay naging ako» pagpapatuloy ni Pedro «hindi sana ito nangyari, sapagkat bago ito, nagawa ko sanang… O! Panginoon, anong mabuting gawa ito na iyon ay hindi naging ako! Nabali ko sana Siya katulad ng isang tangkay ng isang bulaklak na hindi Siya binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita. At pagkatapos, kung ako ay hindi naging isang mamamatay-tao, katatakutan ko Siya… Ang takot para sa Tabernakulo, na nagkaroon ang Israel sa loob ng maraming siglo…»

«Si Moses din ay natatakot tungkol sa Diyos, subalit siya ay tinulungan at nanatiling siyang kasama Niya sa bundok… Kung kaya’t si Jose ay pumunta sa banal na bahay ng kanyang esposa at inasikaso ang mga pangangailangan ng Birhen at ng Di-Pa Naipanganganak na Sanggol. At nang ang panahon ng edikto ay dumating para sa lahat na mga tao, siya ay pumuntang kasama si Maria sa lupain ng kanyang mga ama, at ang Bethlehem ay tinanggihan sila sapagkat ang puso ng mga tao ay nakasarado sa karidad. Ngayon ipagpatuloy na ninyo.»

«Nang maggagabi na nakasalubong ko ang isang bata-pang ngumingiting babae nakasakay sa asno. May lalaki Siyang kasama. Ang lalaki ay nakiusap sa akin para sa ilang gatas at impormasyon. Sinabi ko sa kanya ang nalalaman ko… Pagkatapos gumabi na… at ang isang dakilang liwanag…at kami ay lumabas… at si Levi ay nakakita ng isang anghel malapit sa kulungan ng mga tupa. At ang Anghel ay nagsabi: “Ang Tagapagligtas ay naipanganak na”. Iyon ay kalaliman ng gabi. At ang kalawakan ay punung-puno ng mga bituin. Ngunit ang kanilang liwanag ay naglalaho sa liwanag ng Anghel at ng libu-libo at libu-libo pang mga anghel… (Si Elias ay umiiyak pa sa pag-aalaala). At ang Anghel ay nagsabi sa amin: “Pumunta at sambahin Siya. Siya ay nasa maliit na establero, sa loob ng isang sabsaban, sa pagitan ng dalawang hayop… Matatagpuan ninyo ang isang maliit na bata nakabalot sa abang mga lampin…” O! Gaano kaningning ang Anghel nang sinasabi niya ang mga salitang ito!... Naaalaala mo ba, Levi, kung papaano umaapoy ang mga pakpak nang, pagkatapos yumuko upang banggitin ang Tagapagligtas, sinabi niya: “… Na siyang ang Kristong Panginoon”?»

«O! Kung aking sasariwain! At ang mga tinig ng libu-libong mga anghel? O!... “Kaluwalhatian sa Diyos sa Kataastaasan at kapayapaan sa lupa sa mga taong may mabubuting kalooban!” Ang awit na iyan ay naririto pa rin, sa akin, at nadadala ako nito sa Langit sa tuwing naririnig ko ito» at si Levi ay itinataas ang nakikipagtalik na mukha nagniningning na may mga luha.

«At kami ay pumunta» sabi ni Isaac. «May mga dala-dala katulad ng mga kargadong mga hayop, kasing saya na parang kami ay patungo sa isang kasalan, at pagkatapos… wala kaming magawa kahit na ano, nang aming mapakinggan ang Inyong maliit na tinig at ang tinig ng Inyong Ina, at aming tinutulak si Levi, ang bata, papalapit, upang sana may makita siya. Ang aming pakiramdam ay para kaming mga ketongin malapit sa labis na kadalisayan… At si Levi ay nakinig at siya ay ngumiting umiiyak at inulit niya sa amin ang kanyang narinig, na may tunog na katulad-na-katulad ng tinig ng isang kordero, upang ang tupa ni Elias ay humuni. At si Jose ay pumunta sa pamasukan at pinapasok kami… O! gaano kaliit at kaganda Kayo noon! Isang kulay-balat na buko ng rosas sa magaspang na mga dayami… at Kayo ay umiiyak… Pagkatapos Kayo ay ngumiti gawa ng init ng balat ng tupa na ibinigay namin sa Inyo at ng gatas na ginatas namin para sa Inyo… Ang Inyong unang pagkain… O!... at pagkatapos… at pagkatapos hinalikan namin Kayo… Nangangamoy Kayo ng almendras at jasmine… at hindi namin magawang iwanan Kayo…»

«Sa katotohanan, hindi ninyo Ako iniwan kahit kailan.»

«Totoo iyan» sabi ni Jonathan. «Ang Inyong mukha, ang Inyong tinig at ang Inyong mga ngiti ay nanatili sa loob namin… At Kayo ay lumalaki… paganda pa nang paganda… ang daigdig ng mabubuting tao ay dumating upang magsaya sa Inyo… at ang daigdig ng masasama ay hindi Kayo nakita… Si Anna… ang Inyong unang mga paghakbang… ang tatlong Mago… ang bituin.»

«O! Anong isang liwanag, nang gabing iyon! Ang mundo ay tila umaapoy sa libu-libong mga ilawan. Sa halip, sa gabi ng Inyong kapanganakan, ang liwanag ay mala-perlas at patuloy. Ngayon sila ay mga sumasayaw na mga bituin, pagkatapos sila’y mga sumasambang mga bituin. At mula sa tuktok ng isang burol nakita namin ang karabana na dumaraan at sinundan namin ito upang tingnan kung ito ay titigil… At sa sumunod na araw ang buong Bethlehem ay nakita ang adorasyon ng mga Mago. At pagkatapos… O! Huwag Ninyo kaming pahintulutan na banggitin ang takot! Huwag nating pagusapan ito!...» Si Elias ay namutla sa pag-aalaala.

«Oo, huwag nang banggitin. Katahimikan sa poot…»

«Ang aming pinakamalaking pagsasákit ay nang nawala na Kayo sa amin at nang wala na kaming malaman tungkol sa Inyo. Ni si Zachariah ay walang alam. Ang aming huling pag-asa… At wala nang iba pa.»

«Bakit, Panginoon, hindi Ninyo inaliw ang Inyong mga lingkod?»

«Nagtatanong ka ba kung bakit, Felipe? Sapagkat mabuti nang gawin iyon. Makikita mo na pati rin si Zachariah, na ang kaninong espirituwal na paghuhubog ay nakumpleto pagkaraan ng oras na iyon, ay ayaw nang ibukas ang belong nakatakip. Si Zachariah…»

«Ngunit sinabi Ninyo na inasikaso niya ang mga pastol. Kung gayon, bakit hindi na muna niya sinabihan sila, at pagkatapos Kayo, na kayo ay naghahanapan sa isa’t isa?»

«Si Zachariah ay isang makatarungang tao, ganap na tao. Siya ay nabawasan ng pagkatao at naging mas makatarungan sa loob ng siyam na buwan ng pagiging pipi, napaunlad niya ang kanyang sarili sa mga sumunod na mga buwan pagkatapos ng kapanganakan kay Juan, ngunit siya ay naging isang makatarungang espiritu nang ang pagpapasinungaling sa Diyos ay bumagsak sa kanyang pantaong pagmamataas. Nasabi niya: “Ako, isang pari ng Diyos, ay sinasabi na ang Tagapagligtas ay kailangan na mamuhay sa Bethlehem” at ang Diyos ay ipinakita sa kanya na ang paghusga ng tao, kahit na galing sa isang pari, ay hindi maganda, kung ito ay hindi binibigyan ng liwanag ng Diyos. Nahintakutan ng kaisipang: “Maaari ko palang napatay si Jesus gawa ng aking salita” si Zachariah ay naging isang makatarungang tao, na ngayon ay nagpapahinga sa paghihintay ng Paraiso. At ang katarungan ay naturuan siya ng kahinahunan at karidad. Karidad tungkol sa mga pastol, kahinahunan tungkol sa mundo, at tungkol sa ang Kristo ay kailangan na hindi makilala noon. Nang, sa aming pagbabalik, ang aming mga hakbang ay patungo sa Nazareth, na may gayon ding kahinahunan na ngayon ay gumagabay na kay Zachariah, iniwasan namin ang Hebron at Bethlehem, at pumapanabi sa dagat nagtungo kami sa Galilee. Kahit na noong dumating Ako sa wastong gulang, hindi posibleng makipagkita kay Zachariah, na umalis din noong naunang araw kasama ang kanyang anak na lalaki para sa gayon ding seremonya.

Ang Diyos ay nagbantay. Ang Diyos ay nagsubok, ang Diyos ay naglaan, ang Diyos ay nagperpekto. Ang makasama ang Diyos ay nagpapahiwatig ng pagpipigil, hindi lamang lugod. At ang Aking ama gawa ng pagmamahal at ang Aking Ina gawa ng Aking kaluluwa at ng Aking laman ay naghirap sa pagpipigil. Sila ay pinagbabawalan din kung ano ang nasa batas, upang mabalot sana ng misteryo ng isang anino ang Sanggol na Mesiyas. At ito ay sana makapagpalinaw sa kaisipan ng maraming tao, na hindi nakaiintindi rito, ang tungkol sa dobleng rason para sa pag-aalala nang Ako ay mawala sa loob ng tatlong araw. Ang pagmamahal ng isang Ina, ang pagmamahal ng isang ama para sa nawawalang Bata; takot ng mga tagapag-alaga para sa Mesiyas Na baka mabunyag bago pa ang panahon; takot na baka hindi napoprotektahan nang maayos ang Kalusugan ng mundo at ang dakilang regalo ng Diyos. Iyan ang rason tungkol sa kakaibang sigaw: “Anak, bakit ginawa Mo ito sa amin? Kita Mo kung gaano ang Iyong ama at Ako nag-alala sa paghahanap sa Iyo!” Ang Iyong ama, ang Iyong Ina… Ang isang tábing ay inilagay sa kaluwalhatian ng Dibinong Nagkatawang-Tao. At ang nakapagbibigay-katiyakan na tugon: “Bakit ninyo Ako hinahanap?  Hindi ba ninyo nalalaman na kailangan Kong maging abala sa mga gawain ng Aking Ama?” Isang tugon na ang Napupuno ng Grasya ay tinanggap at naintindihan ang ibig sabihin nito. Ibig sabihin: “Huwag matakot. Ako ay maliit, isang bata. Ngunit kung Ako ay lumaki, ayon sa Aking pantaong kalikasan, sa tangkad, sa karunungan at grasya sa mga mata ng mga tao, Ako ay ang Perpektong Isa sapagkat Ako ang Anak ng Ama at kung gayon alam Ko kung papaano kumilos nang perpekto, pinaglilingkuran ang Ama sa pagpapatingkad ng Kanyang liwanag sa pamamagitan ng pangangalaga sa Tagapagligtas”. At iyan ang Aking ginawa hanggang sa nakaraang isang taon.

Ang panahon ay dumating na. Ang mga tábing ay itinataas na. At ang Anak ni Jose ay ipinakikita na ang Sarili sa Kanyang tunay na kalikasan: ang Mesiyas ng Mabuting Balita, ang Tagapagligtas, ang Tagapagtubos, at ang Hari ng hinaharap na siglo.»

«At hindi na ba Ninyo kailanman nakita ulit si Juan?»

«Tanging sa Jordan lamang, Aking mahal na Juan, nang ginusto Kong mabinyagan.»

«Kung gayon hindi Ninyo nalaman na si Zachariah ay tinulungan ang mga pastol?»

«Sinabi Ko na sa inyo: pagkatapos ng pagpapadanak ng dugo ng mga inosente, ang makatarungan ay naging santo, at ang mga tao ay naging makatarungan. Tanging ang mga dimonyo lamang ang nanatiling kung ano sila dati. Si Zachariah ay natotong pabanalin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kababaang-loob, karidad, kahinahunan, pananahimik.»

«Ibig kong tandaan ang lahat na ito. Ngunit magagawa ko kaya?» sabi ni Pedro.

«Huwag kang mag-alala, Pedro. Bukas pakikiusapan ko ang mga pastol na ulitin ulit ang lahat sa akin, nang kalmante, sa lootan. Isa, dalawa, tatlong beses, kung kinakailangan. Ang aking memorya ay maganda, nasanay ko ito sa aking tanggapan ng pagbubuwis at aalalahanin ko ito para sa lahat. Kapag ibig ninyo, uulitin ko ang lahat sa inyo. Ni hindi nga ako nagtatago ng mga papel sa Capernaum, subalit…»

«O! Hindi ka kailanman nagkamali tungkol sa isang sentimos!... Naaalaala ko… Mabuti! Patatawarin kita, nang buong puso tungkol sa iyong nakaraan, kung tatandaan mo ang kuwentong ito… kung uulit-ulitin mo ito sa akin nang madalas. Ibig kong pumasok ito sa aking puso, katulad na ito ay nasa kanila, katulad na ito ay na kay Jonah… O! ang mamatay na sinasabi ang Inyong Pangalan!...»

Si Jesus ay tinitingnan si Pedro at ngumingiti. Pagkatapos Siya ay tumayo at hinahalikan ang kanyang namumuting buhok.

«Bakit ang halik na iyon, Guro?»

«Sapagkat nakagawa ka ng isang paghula. Mamamatay ka na binabanggit mo ang Aking pangalan. Hinalikan Ko ang espiritu na nagsabi nito.»

Pagkatapos si Jesus ay hinihimig ang isang himno sa malakas na tinig at ang lahat, mga nakatayo, ay sumali: «Tumayo at pagpalain ang Panginoong inyong Diyos, mula sa walang-hanggan hanggang sa walang-hanggan. Pagpalain ang Kanyang dakilang maluwalhating Pangalan sa bawat papuri at bendisyon. Kayo lamang ang Panginoon. Ginawa Ninyo ang mga Langit, at ang Langit ng mga Langit kasama ang lahat na kaayusan ng mga ito, ang lupa at ang lahat na mayroon ito atbp. (ito ay ang himno na inaawit ng mga Levita sa Kapistahan ng Konsagrasyon ng mga tao. II Aklat ng Ezra, Kabanata IX)”» at ang lahat ay natapos sa mahabang himnong ito. Hindi ko alam kung ito ay ang bahagi ng makalumang ritwal o kung si Jesus ay binigkas ito sa Kanyang sarili lamang.

 



Sunod na kabanata