139. Sa mga Bundok malapit sa Emmaus.

Abril 17, 1945.

Si Jesus ay kasama ang Kanyang mga disipulo sa napakabulubunduking lugar. Ito ay napakasamâ at baku-bakong daan at ang mas nakaka-edad na mga apostol ay nahihirapan na magpatuloy. Ang mas nakababátà, sa kabilang dako, ay napakamasayahin sa paligid ni Jesus at sila ay napakahusay sa akyatan, naguusap-usap.

Ang dalawang pinsan, ang mga anak ni Zebedeo at si Andres ay nasisiyahan sa idea na babalik sa Galilee, at ang kanilang lugod ay gayon na lamang upang naiingganyo rin pati na ang Iskariote, na sa matagal-tagal na ring panahon ay nasa mabuting lagay ang kaisipan. Simple lamang niyang sinasabi: « Guro, sa Paskuwa, kapag tayo ay pupunta sa Templo, maaari ba Kayong bumalik sa Kerioth? Ang aking ina ay laging umaasa na makita Kayo. Nagpahatid siya sa akin ng salita. At gayon din ang mga tao sa nayon…»

«Tiyak iyan. Ngayon, kahit na gusto nating pumunta, ang panahon ay hindi maganda upang dumaan sa mahirap daanang mga lugar. Kita mo kung gaano kahirap din ito rito. At kung wala ang nagtutulak na sitwasyong iyon sa atin, hindi Ko sana ginawa ang paglalakbay na ito… Subalit hindi na tayo makapananatili pa…» si Jesus ay naging tahimik at nag-iisip.

«At pagkatapos, ibig kong sabihin para sa Paskuwa, makababalik ba tayo? Ibig kong ipakita kina Santiago at Andres ang Inyong gruta» sabi ni Juan.

«Nakakalimutan mo na ba kung gaano tayo kamahal sa Bethlehem?» tanong ng Iskariote. «Manapa’y, gaano nila kamahal ang Guro.»

«Hindi. Subalit makapupunta ako kasama sina Santiago at Andres. Si Jesus ay makapananatili sa Juttah o sa inyong bahay…»

«Oo, gusto ko iyan. Sasama ba Kayo, Guro? Sila ay magtutungo sa Bethlehem at Kayo ay mananatili sa akin sa Kerioth. Hindi ko pa Kayo nasosolo… at nananabik akong masolo ko Kayo…»

«Naninibugho ka ba? Hindi mo ba nalalaman na minamahal Ko kayong lahat nang pare-pareho? Hindi mo ba naiisip na Ako ay kasama ninyong lahat, kahit na rin kung Ako ay tila nasa malayo?»

 «Alam ko na minamahal Ninyo kami. Kung hindi Ninyo kami minamahal, Kayo ay mas lalo sanang mas mahigpit, sa akin man lamang. Ako ay naniniwala na ang Inyong espiritu ay lagi kaming pinagmamasdan. Subalit kami ay hindi lamang mga espiritu. Nariyan din ang tao, na may pagmamahal ng tao, ang kanyang mga mithiin, ang kanyang mga pinagsisisihan. Jesus, nalalaman ko na hindi ako ang isa na nakapagdudulot sa Inyo ng labis na saya. Subalit naniniwala ako na nalalaman Ninyo kung gaano ako nananabik na mabigyan ko Kayo ng kasiyahan at kung gaano ako nagsisisi para sa lahat ng mga oras na nawala ko Kayo sa akin sa pamamagitan ng aking mga kalungkutan…»

«Hindi, Judas. Hindi kita pinakakawalan. Ako ay mas malapit sa iyo kaysa sa iba dahil kilala Ko kung sino ka.»

«Ano ako, aking Panginoon? Sabihin Ninyo sa akin. Tulungan Ninyo akong makita kung ano ako. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ako ay tila isang babae na nahihirapan gawa ng mga kapritsong nagagawa ng paglilihi. Minimithi ko kapwa ang banal at ang naturang-masamang mga bagay. Bakit? Ano ako?»

Si Jesus ay tinitingnan siya na may nanunuring ekspresyon. Siya ay nalulungkot, subalit ang Kanyang kalungkutan ay may kasamang habag. Nagmumukha Siyang doktor na pinag-aaralan ang lagay ng Kanyang pasyente at nalalaman na hindi siya makapanunumbalik. Ngunit hindi Siya nagsasalita.

«Sabihin Ninyo, Guro. Ang Inyong opinion ay ang di-pinakamasakit para kay kaawa-awang Judas. Ano pa man ang mangyari… tayong lahat ay magkakapatid. Walang anuman kung malaman nila kung ano ang pagkagawa sa akin. Sa kabaligtaran, kapag mapakinggan nila ang Inyong opinion, babaguhin din nila ang kanilang opinion at tutulungan nila ako. Hindi ba?»

Ang iba ay napahiya at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tinitingnan nila ang kanilang mga kasamahan, tinitingnan nila si Jesus.

Inilapit ni Jesus sa Kanyang sarili ang Iskariote, sa lugar na kinaroroonan dati ng Kanyang pinsan na si Santiago, at nagsabi: «Nalilito ka lamang. Nasa iyong lahat ang pinakamagandang mga sangkap, subalit hindi ito mabuting nakapirmi, at ang pinakamahinang ihip ng hangin ay nagugulo ito. Kani-kanina lamang may dinaanan tayong isang bangin at nakita natin ang pinsalang ginawa ng tubig, ng lupa at ng mga kakahuyan sa kaawa-awang mga bahay ng maliit na nayon. Ang tubig, lupa at mga punungkahoy ay may-pakinabang at mga banal na bagay, hindi ba? Subalit sa kabila nito sila ay naging mga sumpa roon. Bakit? Sapagkat ang tubig ng ilog ay hindi nagkaroon ng pirming daan, bagkus, gawa rin ng katamaran ng tao, ang tubig ay gumawa ng iba't ibang kanal, ayon sa layaw nito. Ito ay walang anuman hangga’t walang mga bagyo. Ang malinaw na tubig na nagpapatubig sa bundok sa napakaraming mga maliliit na agos ay nagmukhang katulad ng isang gawa ng mag-aalahas, katulad ng mga kuwintas na brilyante o esmeralda ayon sa kung nasasalamin nila ang liwanag o ang anino ng mga kakahuyan. At ang tao ay kinasiyahan ito, sapagkat ang bumubulong na mga agos ay pinakikinabangan ng kanilang mga bukirin. Ang mga tanim din ay magaganda; sila ay mga itinanim ng mapaglarong mga hangin, na may kakaibang mga dahon at nag-iwan ng malalawak na parang na bukas sa sinag ng araw. Ang malalambot na lupa ay magaganda rin, ito ay naibunton ng, sino ang nakaaalam kung alin na matagal-nang mga pagbaha sa pagitan ng mga alun-alon ng lupa ng bundok at napakataba nito para sa pagtatanim. Subalit nang ang bagyo ay dumating nang nakaraang buwan, ang makapritsong mga agos ay nagsama-sama at umapaw sa di pirming pamamaraan patungo sa ibang direksiyon, sinisira ang mga tanim at tinatangay ang mga lupa pababa sa mga lambak. Kung ang tubig ay napapirmi sa maayos na pamamaraan, kung ang mga punungkahoy ay napagsama-sama sa mga grupu-grupong kakahuyan, kung ang mga lupa ay nakatigan nang masusing pamamaraan sa pamamagitan ng angkop na proteksiyon, ang tatlong mabubuting elemento, kahoy, tubig at lupa ay hindi sana ang naging dahilan ng pagkasira at kamatayan ng maliit na nayong iyon. Ikaw ay may talino, katapangan, edukasyon, kahandaan, pinong hitsura at marami pang ibang katangian. Subalit sila ay hindi nakaayos at pinababayaan mo silang ganyan. Kita mo: kailangan mong magtrabaho ng matiyaga at palagian upang maisaayos mo ang iyong mga katangian, dahil ang kaayusan ay lakas din, upang kapag dumating ang mga bagyo ng panunukso, ang mabuting nasa sa iyo ay hindi magiging isang masamang bagay para sa sarili mo at para sa iba.»

«Tama Kayo, Guro. Paminsan-minsan ako ay nababalisa ng isang bagyo at ang lahat ay nakukusot. At sinasabi Ninyo na maaari akong…»

«Ang iyong kalooban ay ang lahat, Judas.»

 «Ngunit mayroong malalakas na tukso… tinatago natin ang ating sarili sapagkat natatakot tayo na ang mundo ay baka mahalata ito sa ating mga mukha.»

«At iyan ang pagkakamali! Iyan ang tamang sandali kung saan hindi mo kailangan ikulong ang iyong sarili. Bagkus kailangan mong hanapin ang mundo, ang mundo ng mabubuting tao, upang matulungan ka nila. Ang isang lagnat din ay humuhupa sa pakikihalubilo sa kapayapaan ng mabubuting tao. At kailangan din na hanapin mo ang mundo ng mga namimintas sa iyo, sapagkat, gawa rin ng pagmamataas na nagtutulak sa atin na itago ang ating sarili upang ang ating tinutuksong mga kaluluwa ay sana hindi “mabasa”, iyan ay magsisilbing ating reaksiyon sa ating kahinaang moral. At ikaw ay hindi babagsak.»

«Kayo ay pumunta sa disyerto…»

«Sapagkat magagawa Ko ito. Subalit kapighatian sa mga nag-iisa, maliban kung sa kanilang pag-iisa sila ay isang kulumpol laban sa isang kulumpol.»

«Papaano. Hindi ko maintindihan.»

«Isang kulumpol ng mga birtud laban sa isang kulumpol ng mga panunukso. Kapag ang birtud ay mahina, ang isa ay kailangan na gawin ang katulad sa ginagawa ng gapang na tanim na ito: hawakan ang mga sanga ng malalakas na punungkahoy, upang makaakyat.»

«Salamat, Guro. Ako ay kakapit sa Inyo at sa aking mga kasamahan. Ngunit lahat kayo ay kailangan na tulungan ako. Kayong lahat ay mas mabubuti kaysa sa akin.»

«Ang may-katipirang matapat na kapaligiran mula kung saan kami pinalaki ay ang siyang mabuti, aking kaibigan. Subalit ngayon kasama ka na namin at minamahal ka namin. Makikita mo… Ayaw kung pintasan ang Judea, ngunit maniwala ka sa akin, sa Galilee, sa aming nayon man lamang, ay kulang ang kayamanan at ang kabulukan. Ang Tiberias, Magdala at ibang pang mga lugar ng pagpapasarap, ay hindi malayo sa kabulukan. Subalit kami ay namumuhay sa pamamagitan ng “aming” simpleng mga kaluluwa, na maaari ding magagaspang, kung ibig mo iyan, subalit aktibo at banal na masasaya sa kung ano ang ipinagkaloob sa amin ng Diyos» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Ngunit, hindi mo ba alam, Santiago, na ang ina ni Judas ay isang banal na babae? Ang kanyang kabutihan ay ganap na nakasulat sa kanyang mukha» pagtutol ni Juan.

Masayang ngumiti si Judas sa papuri, at mas pa siyang ngumiti nang ito ay pinatotohanan ni Jesus: «Tama ka, Juan. Siya ay isang banal na nilikha.»

«Eh! Ito ang pangarap ng aking ama na ako ay maging isang dakilang tao ng mundo at inilayo niya ako nang napakaaga at napakasakit mula sa aking ina…»

«Ano ba ang inyong mga sinasabi na lagi kayong naguusap?» tanong ni Pedro mula sa malayo. «Tigil! Hintayin ninyo kami!  Hindi tama na nagpapatuloy kayo nang ganyan na hindi iniisip na ang aking mga paa ay napakaikli.»

Sila ay tumigil hanggang nakaabot ang isang grupo.

«Ah! Ang aking maliit na bangka, gaano kita kamahal! Kinailangan kong magtrabaho rito katulad ng isang alipin… Ano ang inyong pinag-uusapan?»

«Pinag-uusapan namin ang tungkol sa kung ano ang kinakailangan upang maging mabuti» tugon ni Jesus.

«At hindi ninyo ako sinasabihan, Guro?»

«Siyempre: kaayusan, pasyensiya, pagpupursige, kababaang-loob, karidad… Sinabi Ko na sa inyo nang maraming beses!»

«Hindi kaayusan. Ano naman ang pakialam nito rito?»

«Ang walang-kaayusan ay hindi kailanman mabuting kalidad. Kapapaliwanag Ko pa lamang niyan sa iyong mga kasamahan. Sasabihin nila sa iyo. At binanggit Ko iyan na una, samantalang binanggit Ko nang huli ang karidad, sapagkat ang dalawang ito ay ang magkabilang dulo ng tuwid na linya ng perpeksiyon. Ngayon alam ninyo na ang isang tuwid na linya sa isang patag na ibabaw ay walang simula o katapusan. At bawat dulo ay maaaring ang simula o ang katapusan, samantalang sa kaso ng isang ispayral, o iba pang disenyo na hindi sarado sa sarili, ay laging may simula at may katapusan. Ang kabanalan ay linear, simple, perpekto at may bagkus dalawang dulo, katulad ng isang tuwid na linya.»

«Madaling iguhit ang isang tuwid na linya…»

«Sa palagay mo? Nagkakamali ka. Sa pagguhit, kahit na ang isang komplikadong guhit, ang ilang imperpeksiyon ay maaaring hindi mapuna. Subalit ang pagkakamali ay mapupuna kaagad sa isang tuwid na linya: kung hindi sa ingklinasyon, sa di-katiyakan. Si Jose, nang itinuro niya sa Akin ang pag-aalaga, ay labis na iginigiit na ang tabla ay kailangang tuwid at tamang-tama ang kanyang madalas sabihin: “Kita mo anak? Ang maliit na imperpeksiyon ay maaaring hindi mapuna sa isang dekorasyon o sa isang may-palikong disenyo, sapagkat ang mata, maliban kung ito ay sanay, kung tinitingnan nito ang isang punto, ay hindi makikita ang iba. Subalit kung ang isang tabla ay hindi kasing tuwid ng kailangang pagiging tuwid, kahit na ang pinakasimpleng trabaho ay hindi magiging kaibig-ibig, katulad ng isang abang mesa para sa isang magbubukid. Ito ay magiging tagilid o ito ay gigiwang. Maganda lamang iyan para sa apoy”. Masasabi natin na ganito rin ito tungkol sa mga kaluluwa. Kung ayaw natin na maging mabuti bagkus para sa eternal na apoy, ibig sabihin, kung ibig natin na magapi ang Langit, kailangan natin na maging perpekto katulad ng isang tabla na kinatam at ineskuwalang mabuti. Sinuman ang magsimula ng kanyang espirituwal na gawain sa hindi kinatam na pamamaraan, nagsisimula sa mga walang-kuwentang bagay, patalun-talon, katulad ng isang di-mapakaling ibon, ay matatapos na hindi mapagdudugtung-dugtong ang iba't ibang bahagi ng kanyang ginawa. Hindi ito mag-aakma-akma. Kung gayon, kaayusan at karidad. Pagkatapos iniipitan ang dalawang dulo nang mahigpit, upang hindi ito gumalaw, matatrabaho mo ang lahat na iba pa, mga dekorasyon o pag-ukit ano pa man ito. Naintindihan mo ba?»

«Oo, naintindihan ko.» Si Pedro ay pinakikinggan ang aral sa katahimikan at pagkatapos naghinuha: «Kung gayon ang aking kapatid ay mas magaling kaysa sa akin. Siya ay tunay na malinis ang trabaho. Isa pagkatapos ng isa, kalmante at tahimik. Siya ay tila hindi kumikilos, sa halip… ako ay madalas na gustong gawin ang lahat nang mabilis. At wala akong nagagawa. Sino ang tutulong sa akin?»

«Ang iyong mabuting kalooban. Huwag kang matakot, Pedro. Nakagagawa ka, rin. Ginagawa mo ang iyong sarili.»

«Papaano ako?»

«Ikaw, din, Felipe.»

«At ako? Ako ay tila hindi mabuti sa kahit na ano.»

«Hindi, Tomas. Nagtatrabaho ka rin. Lahat kayo ay nagtatrabaho. Kayo ay mga layas na punungkahoy, subalit ang pasupling ay unti-unti at tiyak na babaguhin kayo at kayo ay ang Aking lugod.»

«Nandiyan na naman Kayo. Kami ay nalulungkot at kami ay inaaliw Ninyo. Kami ay mahihina, at pinatatatag Ninyo kami. Kami ay natatakot at pinalalakas Ninyo ang aming loob. Kayo ay laging handa ng payo at aliw para sa lahat at para sa bawat kaso. Papaano Kayo nagiging laging handa at napakabuti, Guro?»

 «Aking mga kaibigan, iyan ang dahilan kung bakit Ako naparito, nalalaman Ko kung ano ang Aking matatagpuan at ang Aking dapat gawin. Kapag ang isa ay walang mga haka-haka, siya ay hindi magkakaroon ng kabiguan at sa gayon hindi siya mawawalan ng sigla. At siya ay magpapatuloy. Alalahanin iyan kapag kayo na rin ang magtatrabaho sa hayop na tao upang gawin siyang espirituwal na tao.»

 011110 



Sunod na kabanata