14. Sina Jose at Maria Dumating sa Nazareth.

Setyembre 6, 1944.

Ang isang napakaasul na kalangitan ng isang kainamang Pebrero ay nasa itaas ng mga burol ng Galilee. Ang marahang mga burol na hindi ko pa kailanman nakita sa kabataang kasaysayan ni Maria, ay ngayon sa halip kilalang-kilala ko na tila ako ay ipinanganak doon.

Ang pinaka daanan ay luntiang tingnan dahil sa ulan kagabi at ito ay ni hindi maalikabok o maputik. Ito ay matigas at malinis na tila ito ay isang kalsada ng isang bayan at ito ay tumatakbo sa pagitan ng dalawang hilera ng mga halaman ng hawthorn na nasa pamumulaklak. Ang hilera ng mga hawthorn ay napakaputi na ito ay kamukha ng isang pag-ulan ng niyebe. Ang tanawin ay nasisira ng napakalaking kalipunan ng mga kaktus, na may mga makakapal na dahon katulad ng mga paleta, may mahahabang tinik at nadedekorasyonan ng malalaking granada ng kanilang kakaibang mga bunga, tumubong walang tangkay sa tuktok ng mga dahon. Dahil sa kanilang kulay at hugis, ang mga dahon ng kaktus ay nagbibigay sa akin ng impresyon ng mga kalaliman sa dagat at mga batuhang kurales, ng dikya at iba pang mga hayop sa kalaliman ng dagat.

Sa kabila ng mga hilerang halaman, ay may kabukiran. Ang silbi ng mga hilera ay upang mabakuran ang mga lupa ng iba't ibang nagmamay-ari, at kung gayon ito ay patungo sa lahat ng direksiyon napoporma ang kakaibang heometrikong disenyo ng mga kurba at mga anggulo, mga rhombus, mga kudrado, mga kalahating paikot at ang pinaka di mapaniniwalaang acute at obtuse na mga triyanggulo, isang disenyo na inispreyan ng puti, katulad ng isang kakaibang ribon na itinapon sa kabukiran sa katuwaan lang at sa ibabaw kung saan daan-daan na mga ibon ang lumilipad, sumisiyap, umaawit, sa lugod ng pagmamahal, habang nagtatrabaho upang maitayo ang mga pugad. Sa mga bukid ang butil ay mas matataas kaysa ng sa Judaea. Ang mga parang ay puno ng mga bulaklak at mayroon ditong daan-daan na mga nagbubungang mga punungkahoy lahat nasa ganap na pamumulaklak, na nagmumukhang katulad ng mga ulap ng gulayin mapuputi, mapupula, rosas, lahat ng pagkakaiba nang kaunti sa mga kulay na ito: sila ay tila ang kasagutan sa magaang mga ulap sa kalangitan na pinipinturahan ng lumulubog na araw ng rosas, malabnaw na lilac, periwinkle na biyoleta, opalong asul at kurales na orange.

Kasama ng magaang ihip ng hangin ng gabi ang unang mga petalo ay bumabagsak mula sa mga punungkahoy na nasa pamumulaklak at sila ay tila isang katutak ng maliliit na paruparo na naghahanap ng polen sa mga ligaw na bulaklak. At mula sa isang punungkahoy patungo sa isa pa ay may mga bitin ng mga baging na wala pang mga laman, maliban sa tuktok ng mga bitin, kung saan mas maraming sikat ng araw, at ang unang maliit na inosente, nasusorpresa, nanginginig na mga dahon ay nagsisimula nang bumuka.

Ang araw ay lumulubog nang mapayapa sa kalangitan, na napakakaaya-aya sa madilim na asul nito. Ang liwanag ay mas nagagawa pa itong mas malinaw at nagagawa ang niyebe sa ibabaw ng Mount Hermon at iba pang nasa malayong mga tuktok ng bundok na magningning.

Ang isang karo ay kumikilos sa daan. Ito ay ang karo na nagdadala kina Jose, Maria at Kanyang mga pinsan. Ang kanilang paglalakbay ay nasa pagtatapos na.

Si Maria ay tumitingin nang may pananabik ng mga ibig na makaalam, hindi, bagkus, ng ibig na mga makakilala ng kanilang nakita na dati, ngunit hindi na makaalaala at sila ay ngingiti kapag ang isang malabong alaala ay bumabalik sa kanila at nananatili, katulad ng isang liwanag, sa bagay na ito o iyon, dito o sa puntong iyon. Sina Elizabeth, Zachariah at Jose ay tinutulungan Siyang makaalaala.

Ang Nazareth ay pinakikita na nito ang mga kabahayan nito, nakakalat sa mga pag-alun-alon ng mga burol nito. Naliliwanagan sa kaliwa ng lumulubog na araw, pinakikita nito ang kaputian ng mababang malapad na maliliit na bahay nito na may kulay rosas ang panabi at naiibabawan ng mga terasa. Ang ilan sa kanila, lubos na naliliwanagan ng araw, ay tila malapit sa isang apoy, napakapula ng harapan ng mga bahay dahil sa sikat ng araw, na nagpapaliwanag din sa tubig ng mga sanaw at ng mabababang bubon, na halos walang mga parapet, at mula kung saan ang lumalaginit na mga balde ng tubig ay hinihilang pataas para sa mga bahay pati na rin mga bag ng tubig para sa mga lootan.

Ang mga bata at mga kababaihan ay nagmamadali sa tabi ng daan at tumitingin sa karo at binabati si Jose na kilalang-kilala nila. Ngunit sila ay medyo napapahiya at nahihiya hinggil sa tatlo pang ibang manlalakbay.

Ngunit nang ang karo ay pinapasok na nito ang bayan, wala na ngayong kahit na anong pagkakapahiya o pagkahiya. Maraming tao ng lahat na edad ang naipon sa pamasukan ng nayon sa ilalim ng isang pangkabukirang arko ng mga bulaklak at mga sanga, at may pagbuhos dito ng matitining na tinig at isang pagtatapon ng mga sanga at mga bulaklak nang ang karo ay kaagad lumitaw mula sa likuran ng kanto ng huling bahay na nakaharang dito sa kabukiran. Ang mga kababaihan, mga batang babae at mga kabataan ng Nazareth ang bumabati sa nobya. Ang mga kalalakihan, mas seryoso, ay mga nakatayo sa likuran ng nagkakagulo at nagsisigawang pulutong at sila ay bumabati nang solemne.

Ang karo ay hindi na natatakpan ngayon ng trapal, na inalis bago marating ang nayon, kapwa dahil ang araw ay hindi na sila naiistorbo at upang makita ni Maria ang Kanyang tinubuang lupa. Si Maria kung gayon ay lumalabas sa lahat ng kagandahan ng isang magandang bulaklak. Maputi at olandesa katulad ng isang anghel, Siya ay ngumingiti nang mapagmahal sa lahat: sa mga bata na naghahagis sa Kanya ng mga bulaklak at mga halik; sa mga batang babae na Kanyang kaedad na tumatawag sa Kanya sa pangalan; sa mga may edad na mga babae na pinagpapalà Siya sa pamamagitan ng kanilang masayang mga tinig.
Siya ay yumuyukod sa mga lalaki at lalo na sa isa na baka ang rabbi o ang nakatatanda ng bayan.

Ang karo ay nagpapatuloy nang mabagal sa pangunahing daan, sinusundan sa mahaba-habang distansiya ng pulutong, para kung kanino ang pagdating ay isang kapistahan.

«Ayón ang Iyong bahay, Maria» sabi ni Jose, itinuturo sa pamamagitan ng kanyang panghagupit ang isang maliit na bahay na nasa ilalim lamang ng isang pag-alon ng burol. Sa likuran ng bahay ay may isang magandang malaking pangkusinang-hardin lahat nasa pamumulaklak, sa dulo nito kung saan ay may isang maliit na taniman ng mga punong-olibo. Sa likuran ng taniman ng mga olibo naroon ang dating hangganang hilera ng hawthorn at mga kaktus. Ang mga bukid na minsan ay pag-aari ni Joachim, ay nasa mas malayo pa…

«Katulad sa nakikita Mo, napakakaunti ang naiwan para sa iyo» sabi ni Zachariah. «Ang pagkakasakit ng Iyong ama ay isang matagal at magastos na pagkakasakit. Ang pagpapaayos din ng nasira ng mga Romano ay malaki. Kita Mo? Ang kalsada ay nakuha nito ang tatlong malalaking silid at ang bahay ay lumiit. Upang mapalaki ito, na walang masyadong gastos, ang isang bahagi ng bundok ay ginamit, kung saan naroroon ang gruta. Si Joachim ay doon niya tinatago ang kanyang mga panustos at ang mga habihan ni Anna. Gagawin Mo ang sa akala Mo ang pinakamabuti.»

«O! Walang anuman ito kung kakaunti na lamang ang natira. Sasapat na iyan para sa Akin. Ako ay magtatrabaho…»

«Hindi, Maria.» Si Jose ito na nagsasalita. «Ako ang magtatrabaho. Walang Kang gagawin bagkus maghabi at manahi ng mga bagay para sa bahay. Ako ay bata pa at malakas at ako ay ang Iyong asawa. Pakiusap na huwag Mo akong ipahiya sa pamamagitan ng Iyong pagtatrabaho.»

«Gagawin Ko ang naaayon sa hinihiling mo.»

«Oo, sa kasong ito iyan ang ibig ko. Sa iba pang mga bagay ang Iyong mga gugustuhin ay ang batas. Ngunit hindi ang tungkol dito.»

Sila ay nakarating. Ang karo ay tumitigil.

Dalawang babae at dalawang lalaki, mga apatnapu at limampung taon gulang alinsunod sa pagkakasunud-sunod, ang nasa pamasukan at maraming mga bata at mga batang lalaki ang kasama nila. «Harinawang bigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan, Maria» sabi ng nakatatandang lalaki at ang isa sa mga kababaihan ay nilalapitan si Maria niyayakap at hinahalikan Siya.

«Siya ang aking kapatid na si Alfeo at siya ay si Maria, kanyang asawa, at ito ang kanilang mga anak. Sila ay nagpunta rito upang batiin Ka at upang sabihin sa iyo na ang kanilang bahay ay sa iyo kung gugustuhin Mo» sabi ni Jose.

«Oo, pumunta Ka, Maria, kung masakit para sa iyo na mamuhay nang Ikaw lang Mismo. Ang kabukiran ay maganda sa tagsibol at ang aming bahay ay nasa gitna ng mga bukid na puno ng mga bulaklak. At Ikaw ang magiging pinakamagandang bulaklak doon» sabi ni Maria ni Alfeo.

«Salamat sa iyo, Maria. Pupunta Ako nang gustung-gusto Ko. Ngunit nananabik Ako nang labis na makita at makilala ang Aking sariling tahanan. Iniwan Ko ito nang Ako ay isang maliit na bata pa lamang, at nakalimutan Ko na kung ano ang hitsura nito… Ngayon natagpuan Ko na ulit ito… at pakiramdam Ko natagpuan Ko na ulit ang Aking nawalang ina, ang Aking minamahal na ama, at napapakinggan Ko na ang alingawngaw ng kanilang mga salita… at naaamoy Ko ang pabango ng kanilang huling paghinga. Ang pakiramdam Ko hindi na Ako isang ulila, sapagkat sa muli nasa paligid Ko na ang yakap ng mga pader na ito… Pakiusap na unawain mo Ako, Maria.» Ang tinig ni Maria ay nanginginig at ang Kanyang mukha ay nagsisimula nang magningning na may mga luha.

Si Maria ni Alfeo ay tumugon sa Kanya: «Ayon sa ibig Mo, aking mahal. Ibig kong maramdaman Mo na ako ay Iyong kapatid at kaibigan, at isang ina din sa iyo, dahil malaki ang aking katandaan sa iyo.»

Ang iba pang mga babae ay lumapit: «Kumusta, Maria. Ako ay si Sarah, ang kaibigan ng Iyong ina. Nakita kitang ipinanganganak. At ito ay si Alfeo, pamangkin ni Alfeo,  at isang dakilang kaibigan ng Iyong ina. Kung ano ang aking ginawa para sa Iyong ina, gagawin ko para sa iyo, kung gugustuhin Mo. Kita Mo? Ang aking bahay ay ang pinakamalapit sa iyo at ang Iyong mga bukid ay ngayon sa amin na. Ngunit kung ibig Mong pumunta, pumunta Ka kailanman gusto Mo. Magbubukas tayo ng isang madadaanan sa hilerang halaman at tayo ay magkakasama, subalit ang bawat isa sa atin ay nasa ating tahanan. Ito ang aking asawa.»

«Salamat sa inyong lahat at para sa lahat. Salamat sa inyo para sa lahat na mabuting inyong ginawa para sa Aking mga magulang at para sa inyong pagmamahal para sa Akin. Harinawang ang Kataastaasang Diyos ay pagpalain kayo para diyan.»

Ang mabibigat na baul ay ibinaba at dinala sa loob ng bahay. Sila ay pumasok. Nakikilala ko na ang maliit na bahay ng Nazareth, katulad na ito ay noong panahon ng pamumuhay ni Jesus.

Si Jose ay kinuha si Maria sa kamay at sila’y pumasok. Sa pamasukan sinabi niya sa Kanya: «At ngayon, sa pamasukan na ito, ibig ko ng isang pangako mula sa iyo. Na anuman ang maaaring mangyari sa iyo, anuman ang maaaring kailanganin Mo, walang ibang kaibigan kung kanino Ka lalapit bagkus kay Jose at walang anumang rason na Ikaw ay mag-alala nang nag-iisa. Alalahanin na ako ay lahat para sa iyo at magiging isang lugod para sa akin na magawang masaya ang Iyong pamumuhay, at sa dahilan na ang kaligayahan ay hindi laging nasa ating kapangyarihan, gagawin ko man lamang ito na mapayapa at ligtas.»

«Nangangako Ako, Jose.»

Ang pintuan at ang mga bintana ay binuksan. Ang huling naghahanap na mga sinag ng araw ay pumasok.

Si Maria ngayon ay inalis na ang Kanyang manta at belo, sapagkat, maliban sa mga bulaklak ng mirto, suot pa Niya ang Kanyang pangkasal na damit.

At si Jose ay pinakikita sa Kanya ang kanyang ginawa «Kita Mo? Naghukay ako ng butas dito upang maipon ang tubig ulan, sapagkat ang baging na ito ay laging uhaw. Pinutol ko ang pinakamatandang mga sanga ng punong-olibong ito upang mapalakas ito at inilipat ko ang mga puno ng mansanas na ito sapagkat ang dalawa sa kanila ay namatay. Sa banda roon nagtanim ako ng ilang mga puno ng igos. Kapag lumaki na ang mga ‘yan palililiman nila ang bahay kapwa mula sa labis na init ng araw at mula sa mausyosong mga tao. Ang pergola ay ang dati. Pinalitan ko lamang ang bulok na mga tukod at gumawa ako ng ilang pagtatabas. Mabibigyan Ka niyan ng maraming ubas, sana. At dito, tingnan» at mapagmalaking dinala niya Siya patungo sa tabi ng burol sa likuran ng bahay, na naglilimita sa hilagang tabi ng hardin, «dito naghukay ako ng isang gruta at pinalakas ko ito at kapag ang maliliit na halamang ito ay nagka-ugat, ito ay magiging halos kamukha ng isang mayroon Ka dati. Walang bukal dito… ngunit umaasa ako na upang magkaroon ng isang maliit na agos ng tubig dito, magtatrabaho ako sa loob ng mahabang mga gabi ng tag-init, kapag pumupunta ako upang dalawin Ka…»

«Anong ibig mong sabihin?» tanong ni Alfeo. «Hindi ba kayo magpapakasal sa tag-init na ito?»

«Hindi. Si Maria ay ibig na habihin ang Kanyang delanang mga damit,  ang tanging kulang na lamang sa Kanyang trusu. At sumasang-ayon ako sa Kanya. Si Maria ay batang-bata pa na walang anuman ito kung kami ay maghihintay nang isang taon o higit pa. Sa pansamantala magsasanay Siya sa bahay…»

«Bueno! Ikaw ay laging medyo iba sa ibang mga tao at ikaw ay ganyan pa rin. Hindi ko alam kung sino ang hindi magmamadali na magpakasal sa isang magandang bulaklak katulad ni Maria, at inaantala mo ang mga bagay-bagay nang maraming buwan!...»

«Ang lugod na hinihintay nang matagal ay lugod na kasisiyahan nang mas matindi» tugon ni Jose na may malumanay na ngiti.

Ang kanyang kapatid ay ikinibit ang mga balikat at nagtanong: «Bueno, kung gayon, kailan ninyo iniisip na magpakasal?»

«Kapag si Maria ay labing anim na. Pagkatapos ng kapistahan ng mga Tabernakulo. Ang mga gabi ng taglamig ay magiging matamis para sa mga bagong kasal!...» at siya ay ngumingiti muli tinitingnan si Maria. Isang ngiti ng isang magiliw na lihim na pagkakaintindihan. Isang ngiti ng isang pangkapatirang pagkabasal na nagbibigay ng kaginhawahan. Kanyang ipinagpapatuloy pagkatapos ang pagpapakita sa hardin. «Ito ang malaking silid sa ilalim ng bundok. Kung papayag Ka, gagamitin ko ito bilang pagawaan kapag pumupunta ako rito. Ito ay kakabit ng bahay, ngunit wala sa loob ng bahay. Kung kaya't hindi kita maiistorbo ng mga ingay at ng kawalang kaayusan nito. Ngunit, kung iba ang gusto Mo…»

«Hindi, Jose. Iyan ay tamang-tama.»

Sila ay bumalik sa bahay at sinindihan ang mga lampara.

«Si Maria ay pagod» sabi ni Jose. «Ating iwanan Siya sa kapayapaan kasama ang Kanyang mga pinsan.»

Lahat sila ay nagpapaalam at lumabas. Si Jose ay nananatili nang mga ilang sandali at nagsasalita kay Zachariah sa mababang tinig.

«Ang Iyong pinsan ay iiwanan si Elizabeth na makasama Mo nang kaunting panahon. Masaya Ka ba? Ako ay masaya. Sapagkat matutulungan Ka niya… na maging isang perpektong maybahay. Kasama siya maiisaayos Mo ang mga gamit at ang Iyong  muwebles, at darating ako tuwing gabi upang tulungan Ka. Kasama si Elizabeth mabibili Mo ang delana at ano pang maaaring kakailanganin Mo. At ako ang bahala sa gagastusin. Alalahanin, nangako Kang lumapit sa akin para sa lahat. Paalam, Maria, Itulog Mo ang unang gabi bilang ang maybahay ng bahay na ito at harinawang ang anghel ng Diyos ay gawin ang Iyong tulog na mapayapa. Harinawang mapasaiyo lagi ang Panginoon.»

«Paalam, Jose. Harinawang ikaw din ay mapasailalim ng mga pakpak ng anghel ng Diyos.  Salamat sa iyo, Jose. Para sa lahat. Hanggang sa magagawa Ko, susuklian Ko ang iyong pagmamahal nang Aking pagmamahal.»

Si Jose ay nagpapaalam sa Kanyang mga pinsan at lumabas.

At ang bisyon ay nagtatapos sa kanya.

(73)060610/032813


Sunod na kabanata.