140. Sa Bahay ni Cleopas, ang Pangulo ng Sinagoga.

Abril 18, 1945.

Si Juan at ang kanyang kapatid ay kumakatok sa isang pintuan sa isang nayon. Natatandaan ko ang bahay na siyang pinasok ng dalawang disipulo ng Emmaus kasama si Kristo pagkaraan ng muling pagkabuhay. Nang ang pinto ay binuksan, sila ay pumasok at nakikipagusap sa kung kanino na hindi ko nakikita. Sila ay lumabas at naglalakad sa isang kalsada at sinamahan si Jesus, Na nakatayo kasama ang iba pa sa isang mapanglaw na lugar.

«Siya ay nasa bahay, Guro. At siya ay totoong masaya na Kayo ay dumating. Sinabi niya sa amin: “Lakad at sabihin sa Kanya na ang aking bahay ay nasa pagtanggap sa Kanya. Ako ay sasama, din”.»

«Tayo na, kung gayon.»

Sila ay naglakad nang ilang sandali at mayamaya nasalubong nila ang matandang pangulo ng sinagoga na si Cleopas, na nakita namin sa Clear Water. Sila ay nagpalitan ng paggalang na pagyuko, pagkatapos ang matandang lalaki, na nagmumukhang isang patriyarka, ay lumuhod sa pagpipitagan. Ang ilang mga mamamayan na nakakakita sa kanya, ay mausisang nagsilapitan.

Ang matanda ay tumayo at nagsabi: «Naririto ang ipinangakong Mesiyas. Tandaan ang araw na ito, o mga mamamayan ng Emmaus.»

Ang ilang tao ay nanonood na may ganap na pantaong pag-uusyuso, ang iba sa halip ay nakatingin na may relihiyosong respeto. May dalawang lalaki ang nakipagsiksikan upang makaraan sa gitna ng pulutong at nagsabi: «Kapayapaan sa Inyo, Rabbi. Kami ay naroroon din noong araw na iyon.»

«Kapayapaan sa inyong lahat. Ako ay naparito dahil inanyayahan Ako  ng pangulo ng sinagoga.»

«Gagawa rin ba Kayo ng mga himala rito?»

«Kung mayroong mga anak ng Diyos na naniniwala at nangangailangan ng himala, tiyak na gagawin Ko ito.»

Ang pangulo ng sinagoga ay nagsabi: «Ang may gustong makinig sa Guro ay kailangan na magtungo sa sinagoga. Gayon din ang mga may kasamang may sakit na tao. Masasabi ko ba ito, Guro?»

«Oo, masasabi mo iyan. Pagkatapos ng ikaanim na oras Ako ay ganap na nasa inyong paglilingkod. Ngayon Ako ay lubos na para kay mabuting Cleopas.» At sinusundan ng isang hilera ng mga tao Siya ay naglalakad sa tabi ng matanda patungo sa kanyang bahay.

«Naririto ang aking anak, Guro. At ito ang aking asawa. At ito ang asawa ng aking anak at ang kanilang mga maliliit na anak. Nalulungkot ako na ang isa ko pang anak na lalaki ay nasa Herusalem, kasama ang biyanang lalaki ng aking anak na si Cleopas, at isa pang mahirap na tao mula rito… Ngunit sasabihin ko sa Inyo.  Pumasok Kayo, aking Panginoon, kasama ang Inyong mga disipulo.»

Sila ay pumasok at binigyan sila ng kaukulang pampalamig sa karaniwang kaugalian ng mga Judeo. Pagkatapos sila ay naupo malapit sa apoy na lumiliyab sa isang malaking paapuyan, sapagkat ngayon ay isang malamig na basang araw.

«Mayamaya lamang tayo ay uupo na sa hapag-kainan. Inanyayahan ko ang mga kilalang tao ng lugar na ito. Ngayon ito ay isang malaking kapistahan. Hindi lahat sila naniniwala sa Inyo. Ngunit hindi naman din sila mga kaaway. Sila ay lamang mga nag-uusyuso. Ibig nilang maniwala. Subalit madalas kaming nabibigo, kamakailan, tungkol sa Mesiyas. Ang mga tao ay di-mapagtiwala. Isang salita galing sa Templo ay sasapat na upang maalis ang lahat na pagdududa. Ngunit ang Templo… sa aking palagay kung makita Kayo ng mga tao at mapakinggan, sa isang simpleng pamamaraan, malaki ang magagawa patungo sa direksiyon na iyan. Ibig kitang bigyan ng ilan ng mga tunay na kaibigan.»

«Isa ka na roon.»

«Ako ay isang abang matanda. Kung ako ay mas bata-bata pa, susundan ko Kayo. Subalit ang katandaan ay isang pabigat.»

«Napaglilingkuran mo na Ako sa pamamagitan ng paniniwala. Ako ay iyo nang ipinahahayag sa pamamagitan ng iyong pananampalataya. Maging mabuti, Cleopas. Hindi Ko kayo kalilimutan sa oras ng Panunubos.»

«Naririto si Simon kasama si Hermas. Sila ay parating» sabi ng anak ng pangulo ng sinagoga.

Lahat sila ay tumayo habang ang dalawang maedad na rin na mukhang mga maginoong lalaki ay pumapasok.

«Ito ay si Simon at ito ay si Hermas. Sila ay mga totoong Israelita. Subalit ang kanilang mga kaluluwa ay tunay.»

«Ang Diyos ay ipakikilala ang Kanyang Sarili sa kanilang mga kaluluwa. Harinawang ang kapayapaan ay sa pansamantala bumaba sa kanila. Kapag walang kapayapaan, ang isa ay hindi makaririnig sa Diyos.»

«Iyan ay binabanggit din sa aklat ng mga Hari nagsasalita tungkol kay Elias.»

«Ang mga ito ba ay Iyong mga disipulo?» tanong ng isa na ang pangalan ay Simon.

«Oo, sila nga.»

«Sila ay nasa bawat edad at mula sa bawat lugar. At Ikaw ba ay Galilean?»

«Mula sa Nazareth. Ngunit Ako ay ipinanganak sa Bethlehem sa panahon ng senso.»

«Ikaw, kung gayon ay isang Bethlehemita. Pinatototohanan ito ng Iyong hitsura.»

«Iyan ay isang kaaya-ayang kumpirmasyon, para sa pantaong kahinaan. Subalit ang kumpirmasyon ay ang nasa sobrenatural.»

«Ang ibig Mong sabihin, sa Iyong mga gawa» sabi ni Hermas.

«Sa mga ‘yan at sa mga salita na inilalagay ng Espiritu sa Aking mga labì.»

«Iyan ay mga inulit sa akin ng mga nakapakinig dito. Ang Iyong karunungan ay totoong dakila. At itatatag Mo ba ang Iyong kaharian diyan?»

«Ang isang hari ay kailangan na magkaroon ng mga nasasakupan na alam ang mga batas ng kanyang kaharian.»

«Ngunit ang lahat na Iyong mga batas ay espirituwal!»

«Tama ka, Hermas. Lahat ‘yan ay espirituwal. Magkakaroon Ako ng espirituwal na kaharian. Ako kung gayon ay may espirituwal na batas.»

«Ano ang tungkol sa pagtatayong muli ng Israel kung gayon?»

«Huwag mahulog sa karaniwang pagkakamali ng pag-unawa sa pangalang Israel sa pantaong ibig sabihin nito. Ang Israel ang ibig sabihin ay “Sambayanan ng Diyos”. Itatayo Kong muli ang totoong kalayaan at kapangyarihan ng sambayanang ito ng Diyos at itatayo Ko itong muli sa pamamagitan ng pagbibigay muli ng Langit sa mga kaluluwa na mga natubos na at ginawang marurunong tungkol sa eternal na katotohanan.»

«Pakiusap, tayo ay maupo na sa mesa» sabi ni Cleopas na nakaupo nang kasama si Jesus sa gitna ng mesa. Si Hermas ay nasa kanang tabi ni Jesus at si Simon ay sumunod kay Cleopas; pagkatapos ang anak ng pangulo ng sinagoga at ang mga disipulo.

Si Jesus, sa hiling ng may-ari ng bahay, ang gumawa ng pag-aalay at nagbendisyon at ang kainan ay nagsimula.

«Dito na ba Kayo sa lugar na ito?» tanong ni Hermas.

«Hindi, Ako ay patungong Galilee. Dadaan Ako rito saka na.»

«Ano? Iiwanan Ninyo ang Clear Water?»

«Oo, Cleopas.»

«Maraming tao ang pumupunta rito, bagama't taglamig. Bakit Ninyo sila bibiguin?»

«Hindi Ako. Iyan ang gusto ng mga puro ng Israel.»

«Ano? Bakit? Ano ang masama sa Inyong ginagawa? Ang Palestina ay maraming mga rabbi na mga nagsasalita saan man nila gusto. Bakit hindi nila Kayo pahintulutan na gawin din ito?»

«Huwag mag-imbestiga, Cleopas. Ikaw ay matanda at marunong. Huwag mong ilagay ang mapait na lason sa iyong puso.»

«Baka Kayo ay nagtuturo ng bagong doktrina, na sa pamamagitan ng pagkakamali ng pagsusuri, ay nakitang masama ng mga Eskriba at ng mga Pariseo? Ang aming nalalaman tungkol sa Inyo ay tila hindi naman… tama ba iyon, Simon? Baka hindi namin nalalaman ang lahat. Ayon sa Inyo, ano ang nilalaman ng Doktrina?» tanong ni Hermas.

«Ang eksaktong kaalaman ng Decalogue. Ang pag-ibig at awa. Pag-ibig at awa, ang hininga at dugong ito ng Diyos, ay ang panuntunan ng Aking pagkilos at ng Aking Doktrina. At isinasakatuparan Ko ito sa lahat ng Aking pang-araw-araw na mahihirap na sitwasyon.»

«Ngunit iyan ay hindi isang pagkakamali! Iyan ay kabutihan.»

«Iyan ay tinitingnan na isang kasalanan ng mga Eskriba at mga Pariseo. Ngunit hindi Ko maaaring ibahin ang Aking misyon, ni hindi Ko masusuway ang Diyos Na nagpadala sa Akin bilang “Awa” sa lupa. Ang panahon ng Awa ay dumating na pagkaraan ng mga siglo ng Hustisya. Ang Hustisya ay ang kapatid ng Awa. Sila ay ipinanganak galing sa iisang sinapupunan; subalit bagama't noon ang Hustisya ay mas malakas at ang isa ay binabawasan lamang ang bagsik ng una – sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring mapagbawalan na magmahal – ngayon ang Awa ay ang reyna at ang Hustisya ay nagsasaya, sapagkat ito ay nasasaktan na kailangan nito na magparusa! Kung titingnan ninyo nang maayos ang sitwasyon, madali ninyong makita na sila ay lagi nang nandiyan mula pa nang ang Tao ay pinilit ang Diyos na maging mahigpit. Ang katotohanan na ang tao ay naririto pa rin ay ang katibayan ng Aking sinasabi. Ang mismong kaparusahan ni Adan ay may halo ng awa. Ang Diyos ay sana ginawa na silang mga abo sa kanilang pagkakasala. Pinagkalooban Niya sila ng pagbabayad-kasalanan. At gumawa Siya ng isang Babae, na maging ang dahilan ng kabutihan, na magningning sa mga mata ng babaeng siyang naging dahilan ng lahat ng kasamaan, nalulungkot sa pagiging ang dahilan ng kasamaan. At kapwa sila pinagkalooban ng mga anak at ng kaalaman tungkol sa pamumuhay. Kay Cain, ang mamamatay-tao, kasama ng hustisya Siya ay pinagkalooban ng marka,  na isang awa, upang siya ay hindi sana patayin. At ipinagkaloob Niya si Noah sa sangkatauhan na naging bulok, upang sana mailigtas niya sila sa arko at pagkatapos Kanyang ipinangako ang eternal na tipan ng kapayapaan. Wala nang mababagsik na mga pagbaha. Ang Hustisya ay napangibabawan ng Awa. Ibig ba ninyong bumalik tayo sa Sagradong Kasaysayan hanggang sa Aking sandali ngayon? Makakakita kayo ng padakila pa nang padakilang mga alon ng pagmamahal na nagkakasunuran isa pagkatapos ng isa. Ngayon ang karagatan ng Diyos ay puno na at ito ay itinataas kayo, o sangkatauhan, sa ibabaw ng malinaw na mapayapang tubig nito, kayo ay itinataas na malinis at maganda hanggang sa Langit, at nagsasabi sa inyo: “Ibinabalik ko kayo ulit sa Ama”.»

Ang tatlong lalaki ay nakalubog sa pagtataka sa labis na nagmamahal na liwanag. Pagkatapos si Cleopas ay nagbuntung-hininga: «Gayon nga ito. Ngunit Kayo lamang ang tanging ganyan! Ngunit ano ang mangyayari kay Jose? Kung sila ay nakapakinig na sa kanya? Nakinig kaya sila sa kanya?»

Walang tumutugon.

Si Cleopas ay kinakausap si Jesus: «Guro, ang isang lalaki na taga-Emmaus ay nahulog sa mabigat na pagkakasala. Ang kanyang ama, noong matagal nang panahon, ay hiniwalayan ang kanyang asawa, na pumunta sa Antioch at nanirahan doon kasama ang kanyang kapatid na lalaki, na may pag-aari ng isang basar. Hindi niya kailanman nakilala ang babaeng iyon, na, sa mga dahilan na hindi ko sinisiyasat, ay hiniwalayan nang mga ilang buwan pa lamang pagkatapos na siya ay ikinasal. Ang lalaki ay hindi napagsabihan ng kahit na ano tungkol sa babae, sapagkat ang kanyang pangalan ay siyempre nabago na sa pagkakakabit sa bahay na iyon. Nang ang lalaki ay lumaki na at minana ang kayamanan ng kanyang ama at ang negosyo, siya ay nagpasyang magpakasal at dahil nakakilala ng isang babae sa Joppa, at ang lalaki na nagmamay-ari ng isang malaking basar pinakasalan niya ang babae. Ngayon hindi ko alam kung bakit, subalit ito ay naging pangkaraniwan nang kaalaman na ang babae ay ang anak na babae ng kanyang ama sa unang asawa.  Iyon kung gayon ay isang grabeng kasalanan, bagama't sa aking pananaw, ang pinanggalingang ama ng babae ay tiyak na hindi sigurado. Si Jose, na isinumpa, ay kaagad nawalan ng kanyang kapayapaan kapwa bilang isang naniniwala at bilang isang may-asawa. At bagama't siya ay labis na nalulungkot nang hiniwalayan niya ang kanyang asawa, na baka kanyang kapatid, na naging malubha ang kalagayan at namatay, ang lalaki ay hindi pa pinatatawad. Sa konsiyensya masasabi ko na, kung siya ay walang mga kaaway na nanabik para sa kanyang kayamanan, hindi sana siya hinampas nang husto. Ano ang Inyong gagawin?»

«Iyan ay isang malubhang kaso, Cleopas. Bakit hindi ka nagsalita sa Akin tungkol dito, nang nakipagkita ka sa Akin?»

«Ayaw kong malayo Kayo rito…»

«O! Subalit Ako ay hindi napalalayas ng mga bagay na katulad niyan! Ngayon makinig. Mula sa materyal na pananaw, diyan ay may insesto. At dahil diyan may kaparusahan. Ngunit ang isang pagkakamali ay nagiging isang  moral na kasalanan, kapag lamang may intensiyon dito na gumawa ng kasalanan. Sinadya bang gawin ng lalaki ang insesto? Sinasabi mo na hindi. Bueno, nasaan ang kasalanan? Ang ibig Kong sabihin, ang kanyang pagkakasala sa pagkagustong gumawa ng isang kasalanan? Mayroon pa rin na kailangan tingnan na pagkakamali sa pangkaraniwang pakikisama ng lalaki sa anak na babae ng kanyang ama. Ngunit iyong sinasabi na walang katiyakan kung ang babae ay gayon. At kahit na kung siya ay gayon nga, ang pagkakamali ay natapos na  nang ang kanilang pamumuhay nang magkasama ay natapos. At ito ay tiyak na natapos kapwa dahil  sa pagtatakwil at dahil sa sumunod na kamatayan ng babae. Sasabihin Ko kung gayon na ang lalaki ay kailangan na patawarin sa kanyang tila pagkakasala. At sasabihin Ko na dahil walang hatol para sa malaharing insesto, na nagagawa pa rin ng mga tao at ito ay nalalaman ng buong mundo, kailangan na ang mga tao ay makaramdam ng habag para sa malungkot na kasong ito, na ang pinagmulan nito ay ang karapatan na makipaghiwalay na ipinagkaloob ni Moses noon pa upang maiwasan ang mas marami pang pagkakasala, kung hindi man ang mas grabe pang mga pagkakasala. Ako ay hindi sumasang-ayon sa karapatang ito, sapagkat ang lalaki at babae, maging sila man ay masaya o hindi masaya sa buhay may-asawa, ay kailangan na mamuhay nang magkasama, nang walang paghihiwalayan, na nagpapalakas ng loob sa pangangalunya at sa mga sitwasyon katulad ng kasalukuyang kaso. At dagdag pa, uulitin Ko, kung kayo ay magiging mahigpit, kayo ay dapat na maging ganyan din sa lahat. Unang-una sa inyong mga sarili at pagkatapos sa mga may-kapangyarihan. Ngunit hanggang sa Aking nalalaman, maliban kay Juan Bautista, walang sinuman ang nagtaas ng tinig laban sa malaharing kasalanan. Ang mga nanunumpa bang iyon, ay hindi nakagagawa ng ganyan din o mas malala pang mga kasalanan, o ang kanilang pangalan o kanilang kapangyarihan ay naglalagay ng takip sa mga ito, katulad ng ang kanilang mararangyang manta ay nagpoprotekta sa kanilang mga katawan, na madalas hindi malulusog dahil sa kanilang mga bisyo?...»

«Tama Kayo, Guro. Gayon nga ito. Ngunit, sa maikling pananalita, sino Kayo?...» magkasabay na tanong ng dalawang kaibigan ng pangulo ng sinagoga.

Si Jesus ay walang panahon na makatugon sapagkat ang pinto ay bumukas at si Simon, ang biyanang lalaki ni Cleopas na anak ni Cleopas ay pumasok.

«Ikaw ay tinatanggap. Ano ang balita?»

Lahat sila ay nananabik upang wala nang nag-iisip tungkol sa Guro.

«Bueno… siya ay isinumpa. Ni hindi nila tanggapin ang alok na pagsasakripisyo. Si Jose  ay pinutol na sa Israel.»

«Nasaan siya?»

«Nasa labas. Siya ay umiiyak. Sinubukan kong makipagusap sa pinakamalalakas. Subalit ako’y kanilang tinanggihan na tila ako ay isang ketongin. Ngayon… Ngunit… Ang lalaking iyon ay sirá na. Kapwa ang kanyang kayamanan at kanyang kaluluwa. Ano ang maaari nating gawin?»

Si Jesus ay tumayo at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan, walang sinasabi kahit isang salita.

«Ang matandang Cleopas ay inakala na si Jesus ay nasaktan gawa ng kanilang paglimot sa Kanyang presensya at nagsabi: «O! patawarin Ninyo ako, Guro! Subalit ako ay labis na nalulungkot na ang aking isip ay nabalisa. Pakiusap na manatili rito!»

«Ako ay mananatili, Cleopas. Kailangan Ko lamang na mapuntahan ang kaawa-awang lalaking iyon. Sumama ka sa Akin kung ibig mo.» Si Jesus ay lumabas patungo sa bulwagan.

May isang kapirasong espasyo sa harapan ng bahay ni Cleopas, na may ilang mga taniman ng mga bulaklak, at sa kabila nito ay naroroon ang kalsada. May isang lalaking nakahiga sa pamasukan. Si Jesus ay lumapit sa kanya na ang Kanyang mga kamay nakaunat na nakabuka. Sa likuran ay ang iba pang mga tao na nananabik na makakita.

«Jose, wala bang nagpatawad sa iyo?» Si Jesus ay napakabait na nagsasalita.

Ang lalaki ay nagulat nang makarinig ng ibang tinig na ang tunog ay napakamagiliw pagkatapos ng napakaraming tinig na nagsusumpa sa kanya. Siya ay tumingala na puno ng pagtataka.

«Sino Kayo?» tanong ng di-masayang tao.

«Ako ay Awa at Kapayapaan.»

«Wala nang awa pa at kapayapaan para sa akin.»

«Laging mayroong ilan sa sinapupunan ng Diyos. Ang sinapupunan na iyon ay puno nito, lalo na para sa mga di-masasayang mga anak.»

«Ngunit ang aking kasalanan ay gayon na lamang na ako ay naihiwalay na sa Diyos. Kayo ay tiyak na mabuti, ngunit iwanan Ninyo ako, upang hindi Kayo mahawa.»

«Hindi kita iiwanan. Ibig Kong mabigyan kita ng kapayapaan.»

«Ngunit ako ay… Sino Kayo?»

«Sinabi Ko na sa iyo: Awa at Kapayapaan. Ako ang Tagapagligtas, Ako ay si Jesus. Tumayo ka. Magagawa Ko ang gusto Ko. Sa ngalan ng Diyos kinakalagan kita sa iyong di-sinasadyang pagkahawa. Ang iba pang pagkakasala ay totoong wala. Ako ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo. Ang lahat na paghuhukom ay ibinigay sa Akin ng Eternal na Ama. Ang naniniwala sa Aking salita ay nagkakaroon ng eternal na buhay. Halika, kaawa-awang anak ng Israel. Paginhawahan mo ang iyong pagod na katawan at patatagin mo ang iyong nahihirapang espiritu. Magpapatawad pa Ako ng mas grabe pang mga kasalanan. Hindi. Ang pagkasira ng loob ng puso ay hindi manggagaling sa Akin! Ako ang walang-dungis na Kordero, subalit hindi Ako lumalayo sa mga nasugatang tupa, na baka Ako mahawa. Sa kabaligtaran hinahanap Ko sila at isinasama Ko sila. Napakarami nang tao ang ganap na nasira sa pamamagitan ng labis at hindi rin tamang paghihigpit sa paghuhukom. Kapighatian sa mga naghahatid sa isang espiritu sa pagkasira ng loob gawa ng kanilang walang-awang pagmamahigpit! Sila ay hindi umaakto sa mga interes ng Diyos, bagkus para kay Satanas. Ngayon Ako ay may nakatagpong isang puta, na nananabik na matubos ang kanyang sarili, na pinalayas nila mula sa presensya ng Tagapagtubos, nakipagkita na rin Ako sa isang pangulo ng sinagoga na inuusig sapagkat siya ay isang makatarungang tao. Ngayon ay nakikita Ko ang isang lalaki na hinampas dahil sa hindi sinasadyang pagkakasala. Marami Akong nakikitang mga bagay na pinangyayari kung saan ang bisyo at kasinungalingan ay namumuhay. At katulad sa isang pader na itinataas sa pamamagitan ng paglalagay ng isang ladrilyo sa ibabaw ng isa pa at kung gayon nagiging isang hadlang, at gayon nga ang Aking mga nakita, at napakarami na ang Aking nakita sa loob lamang ng isang taon, sila ay nagtatayo ng isang pader ng katigasan sa pagitan nila at Ako. Kapighatian sa kanila kapag ito ay ganap nang maitayo, na ang mga materyales ay galing sa kanila! Kunin ito, kanin at inumin. Ikaw ay pagod-na-pagod. Pagkatapos, bukas ikaw ay pupunta sa Akin. Huwag kang matakot. Kapag ikaw ay nasa mapayapang pag-iisip na muli, malaya kang makapagpapasya ng iyong hinaharap. Hindi mo ito magagawa ngayon at delikado na gawin mo ito ngayon.»

Si Jesus ay nadala na muli ang lalaki sa hapag-kainan at napilit siyang maupo sa Kanyang lugar. Pagkatapos pinagsisilbihan Niya siya at kinakausap sina Hermas at Simon sinabi Niya: “Iyan ang Aking Doktrina. Iyan at wala nang iba pa. At hindi Ko lamang ito itinuturo. Isinasabuhay Ko ito. Hayaan ang mga nauuhaw para sa Katotohanan at Pag-ibig na makalapit sa Akin.»

                                                                                                ---

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«At ang Aking unang taon ng pag-eebanghelyo ay natatapos dito. Tandaan iyan. Ano ang Aking sasabihin sa iyo? Ibinigay Ko ito sapagkat ang malaman ito ay ang ibig Ko. Ngunit kung ano ang nangyayari gawa ng mga Pariseo, ay nangyayari din sa gawang ito. Ang Aking mithiin na mahalin – ang makaalam ay ang matutong umibig – ay tinatanggihan sa pamamagitan ng napakaraming mga bagay. At iyan ay labis na nakapagpapalungkot sa Akin, ang Eternal na Guro nakakulong gawa ninyo…»

011110                                                                                                ---


Sunod na kabanata