141. Tagubilin sa mga Disipulo Habang Patungong Arimathea.

Abril 19, 1945.              

«Aking Panginoon, ano ang ating gagawin sa taong ito?» nagtatanong si Pedro kay Jesus itinuturo ang isang lalaki, na ang pangalan ay Jose, na sunod-nang-sunod sa kanila mula pa nang sila ay umalis sa Emmaus. Si Jose ay ngayon nakikinig sa dalawang anak ni Alfeo at kay Simon, na siyang mga umaasikaso sa kanya.

«Nasabi Ko na sa iyo. Sasama siya sa atin hanggang sa layo ng Galilee.»

«At pagkatapos?...»

«At pagkatapos… siya ay titigil na kasama natin. Makikita mo na iyan ang mangyayari.»

«Siya ba ay magiging isang disipulo din? Kasama ang masagwang kuwentong iyon tungkol sa kanya?»

«Ikaw ba ay isang Pariseo din?»

«Hindi Ako! Ngunit…Sa palagay ko ang mga Pariseo ay gustung-gustong manmanan tayo…»

«At gagawa sila ng gulo kung makita nila siyang kasama natin. Iyan ang ibig mong sabihin. Kung gayon pababayaan natin ang isang anak ni Abraham na maitapon sa kapighatian, dahil natatakot tayo na mayamot. Hindi, Simon Pedro. Ito ay isang kaluluwa na maaaring maiwala o mailigtas ayon sa kung papaano ang malalim na sugat nito mapagagaling.»

«Ngunit, kami ba ay hindi ang Inyong mga disipulo?...»

Si Jesus ay tinitingnan si Pedro at ngumingiting matamis. Pagkatapos Kanyang sinabi: «Isang araw, maraming buwan na ang nakararaan, sinabi Ko sa iyo: “Marami pa ang darating”. Ang bukirin ay malawak, napakalawak. Dahil sa kalawakan nito, ang mga manggagawa ay hindi kailanman sasapat… at dahil din marami, katulad ni Jonah,  mamamatay habang nagtatrabaho nang mabuti. Subalit kayo ay laging ang Aking pinapaborang mga manggagawa» pagtatapos ni Jesus, kinakabig sa malapit sa Kanya Mismo si Pedro at ang Kanyang pangako ay nakapagpasaya sa apostol.

«Kung gayon, siya ay sasama sa atin.»

«Oo, hanggang sa ang kanyang puso ay makapanumbalik. Siya ay ganap na nasiraan ng tiwala gawa ng lahat ng mapapait na kapootan na kanyang binata. Siya nga ay totoong nalason.»

Sina Santiago, Juan at Andres din ay sumama na sa Guro at pinakikinggan Siya.

«Hindi ninyo masusukat ang napakalaking kapinsalaan na magagawa ng isang tao sa isa sa pamamagitan ng marahas na intoleransiya. Hiningi Ko sa inyo na tandaan na ang inyong Guro ay laging mapagbigay-loob sa mga naghihirap sa espirituwal na karamdaman. Akala ninyo na ang Aking pinakamalaking mga himala at ang Aking pangunahing birtud ay nasa pagpapagaling ng mga katawan. Hindi, Aking mga kaibigan… Oo, kayo rin, na mga nasa unahan namin at kayo, na nasa likuran Ko, halikayo. Ang daan ay malapad at tayo ay makapaglalakad na isang grupo.»

Lahat sila ay nag-ipun-ipon sa paligid ni Jesus Na nagpapatuloy: «Ang Aking mga pinakang-gawain, mga gawaing nagtataglay ng pinakamalinaw na saksi sa Aking kalikasan at sa Aking misyon, mga gawaing tinitingnan ng Ama nang may lugod, ay ang pagpapagaling ng mga puso, ito man ay mapalaya sa isa o mas marami pang mga pangunahing bisyo, o mapalaya sa kapighatian. Ang mga puso ay napahihina ng kapighatian kapag sila ay nakumbinsi na sila ay hinampas at inabandona ng Diyos. Ano ang kaluluwa na nawalan ng katiyakan ng tulong ng Diyos? Ito ay isang manipis na baging na gumagapang sa alikabok, sa dahilan na hindi na nito magawa na makakapit sa idea na siyang lakas at lugod nito. Nakapangingilabot na mabuhay na walang pag-asa. Ang buhay ay maganda, sa loob ng kahirapan nito, dahil lamang tumatanggap ito ng init mula sa Dibinong Araw. Ang tinatangka ng buhay ay ang Araw na iyan. Ang mga araw ng tao ay maaaring mapanglaw, basa ng mga luha at may saboy ng mga dugo. Ngunit ang Araw ay tataas muli. Pagkatapos mawawala na ang kapighatian, ang mga pagkakahiwalayan, ang mga kagaspangan, kapootan, pagdurusa o kapanglawan sa loob ng bumabalot na ulap. Sa halip ay magkakaroon ng kaningningan at awitan, kapanatagan at kapayapaan, darating ang presensya ng Diyos. Ang Diyos: ang eternal na Araw! Tingnan ninyo kung gaano kapanglaw ang lupa kapag may eklipse. Kung magagawa ang tao na magsabi: “Ang araw ay patay” hindi ba niya mararamdaman na tila siya ay nabubuhay sa habang panahon sa loob ng isang madilim na libingan, inilibing at patay bago pa man mamatay? Subalit ang tao ay nalalaman na sa likuran ng planeta na nakatalikod sa araw at nagagawa ang mundo na magmukhang mapanglaw ay naririyan pa rin ang maningning na liwanag na araw ng Diyos. At ang kaisipan na makapiling ang Diyos sa loob ng pamumuhay ay katulad niyan. Kapag ang tao ay manakit, magnakaw, manira ng puri, ang Diyos ay nagpapagaling, nagkakaloob, nagbibigay katwiran. At ginagawa Niya ito sa punóng sukat. Ang mga tao ay maaaring sabihin: “Ang Diyos ay tinanggihan ka”. Subalit ang nagtitiwalang kaluluwa ay iisipin, kailangan isipin: “Ang Diyos ay makatarungan at mabuti. Nalalaman Niya ang lahat na mga rason at Siya’y mapagbigay-loob. Siya ay mas mapagbigay-loob kaysa sa pinaka-mapagbigay-loob na mga tao. Siya ay walang-hangganang ganyan. Kung kaya’t hindi Niya ako tatanggihan kung isasandal ko ang aking may-luhang mukha sa Kanyang sinapupunan at sasabihin ko sa Kanya: ‘Ama, Kayo lamang ang mayroon ako. Ang Inyong anak ay naghihirap ang kalooban at namamanglaw. Ibigay Ninyo sa akin ang Inyong kapayapaan…’” . Ako ay ipinadala ng Diyos upang ipunin ang mga binalisa ng tao at napanaigan ni Satanas at inililigtas Ko sila. Iyan talaga ang Aking gawain. Ang isang himala sa isang katawan ay isang manipestasyon ng dibinong kapangyarihan. Ang katubusan ng mga kaluluwa ay ang gawa ng Kristong Jesus, ang Tagapagligtas at Tagapagtubos. Sa Aking palagay, at hindi Ako magkakamali, na ang mga nakapanumbalik sa pamamagitan Ko sa mga mata ng Diyos at ng kanila mismo, ay ang Aking magiging matatapat na disipulo, mga tao na sa pamamagitan ng mas malakas na lakas ay mapasusunod nila ang mga pulutong sa Diyos nagsasabing: “Kayo ba ay mga makasalanan? Gayon din ako. Kayo ba ay namamanglaw? Ako’y ganyan din. Kayo ba ay nawawalang ng pag-asa? Ganyan din ako. Subalit nakikita ninyo na ang Mesiyas ay nagkaroon ng awa sa espirituwal na paghihirap ko at ibig Niya na ako ay maging Kanyang pari. Sapagkat Siya ay awa at ibig Niya na makumbinsi ang mundo tungkol dito, at walang iba na maaaring makapagkumbinsi tungkol dito maliban sa kanya na nakaranas ng ganyang awa sa sarili niya mismo”. At ngayon Akin silang itatapat sa Aking mga kaibigan, at sa mga sumasamba sa Akin mula pa nang Ako ay ipinanganak, ibig sabihin, pasasamahin Ko sila sa inyo at sa mga pastol. Hindi, isasabay Ko sila sa mga pastol, sa mga napagaling, sa mga na walang espesyal na pagpili, katulad ninyong labindalawa, ay sumunod sa Aking daan at susunod dito hanggang sila ay nabubuhay. Si Isaac ay malapit sa Arimathea, ayon sa hiniling ng ating kaibigan na si Jose. Isasama Ko si Isaac, upang masamahan niya si Timoneus kapag siya ay dumating. Maaari kang sumama sa kanila, Jose, kung sa iyong palagay ay may kapayapaan sa Akin at may isang pakay para sa buong pamumuhay. Sila ay magiging mabubuting kapatid sa iyo.»

«O aking Kaluwagan! Ito ay eksakto ayon sa Inyong sinasabi. Ang aking malalalim na sugat, kapwa bilang isang tao at isang naniniwala, ay mabilis na gumagaling. Tatlong araw pa lamang akong nakakasama Ninyo. At ang aking pakiramdam ang aking paghihirap tatlong araw pa lamang ang nakararaan, ay isang panaginip na naglalaho. Nasa akin ang panaginip na iyan, ngunit habang dumaraan ang mga oras, mas lalong naglalaho ang mararahas na mga detalye sa harapan ng reyalidad. Sa mga nakalipas na gabi ay inisip-isip ko ang mga bagay. Ako ay may mabuting kamag-anak sa Joppa. Siya ay ang… di-sinasadyang pinagmulan ng aking problema, sapagkat sa pamamagitan niya nakilala ko ang babaeng iyon. At masasabi niyan sa Inyo kung kami’y nasa katayuan na malaman kung kaninong anak nga ang babaeng iyon… Totoo, maaaring siya nga ang anak na babae sa unang asawa ng aking ama. Ngunit siya ay hindi ang ama. Ang pangalan ng babae ay iba at siya ay nanggaling sa napakalayo. Siya ay nakilala ng aking kamag-anak sa pamamagitan ng pangangalakal. At ganyan ko siya nakilala. Ang aking kamag-anak ay gustung-gusto ang aking negosyo. May iaalok ako sa kanya. Ang negosyo ay mawawala na walang nangangasiwa. Natitiyak ko na bibilhin niya ito, at sa pamamagitan nito hindi siya makukonsiyensiya na siyang nagdala ng problemang iyon sa akin. Ako kung gayon ay magkakaroon ng panustos sa sarili ko at magagawa kong makasunod sa Inyo na walang alalahanin. Hinihingi ko lamang sa Inyo na ipagkaloob Ninyo sa akin ang taong iyon na Inyong binanggit. Natatakot ako na mag-iisa kasama ang aking mga naiisip. Napakalungkot pa rin ng mga ito…»

«Gagawin Kong makasama mo si Isaac. Siya ay isang mabait na kaluluwa. Ang kapighatian ay naperpekto siya. Dinala niya ang kanyang krus sa loob ng tatlumpung taon. Nalalaman niya kung ano ang ibig sabihin ng maghirap… Pansamantala kami ay uuna na. Pupuntahan mo kami sa Nazareth.»

«Hindi ba tayo titigil sa bahay ni Jose?»

«Si Jose ay maaaring nasa Herusalem… Ang Sanhedrin ay abalang-abala ngayon… Malalaman natin kay Isaac.  Kung siya ay naroroon, dadalhin natin sa kanya ang ating kapayapaan. Kung siya ay wala roon, titigil lamang tayo nang isang gabi, upang magpahinga. Nananabik Akong marating ang Galilee. May isang Ina roon na naghihirap. Kailangan na maalaala ninyo na may mga tao na gustung-gusto Siyang pahirapan. Ibig Kong bigyan Siya ng katiyakan.»

041110



Sunod na kabanata