142. Tagubilin sa mga Apostol Habang Patungong Samaria.

Abril 21, 1945.                 

Si Jesus ay kasama ang labindalawang apostol. Ang lugar ay bulubundukin pa rin, ngunit dahil ang daan ay malapad-na-malapad, sila ay naglalakad sa iisang grupo at mga naguusap-usap sa sarili nila.

«Ngunit, ngayon na tayo ay tayu-tayo na lamang, mapaguusapan natin ang tungkol diyan: bakit ang labis na paninibugho sa pagitan ng dalawang grupo?» tanong ni Felipe.

«Paninibugho? Ito ay walang iba bagkus pagmamalaki!» tugon ni Judas ni Alfeo.

«Hindi, sasabihin ko na iyon ay isang dahilan lamang upang mabigyan ng katwiran, kahit na papaano, ang kanilang makatarungang pagkilos sa Guro. Sa ilalim ng pangibabaw na kasigasigan para kay Juan Bautista, nagawa nila na mapaalis Siya, na hindi labis naihihiwalay ang mga pulutong» sabi ni Simon.

«Aalisan ko sila ng maskara.»

«Pedro, magagawa natin ang maraming bagay na hindi Niya ginagawa.»

«Bakit hindi Niya ginagawa?»

«Sapagkat nalalaman Niya na mas mabuti nang hindi gawin iyan. Ang tanging gagawin lamang natin ay ang gayahin Siya. Hindi para sa atin ang gabayan Siya. At tayo ay kailangan na maging masaya tungkol diyan. Malaking kaginhawahan ang sumunod na lamang…»

«Tamang-tama ka, Simon» sabi ni Jesus, Na naglalakad sa unahan nila Na tila nag-iisip. «Tamang-tama ka. Mas madaling sumunod kaysa mag-utos. Ito ay tila hindi ganyan, subalit ganyan iyan. Ito ay tiyak na madali kapag ang espiritu ay mabuti. At mahirap din mag-utos kung ang espiritu ay matuwid. Sapagkat ang isang espiritu na hindi matuwid, ay nagbibigay ng mga utos na wala sa katwiran at malala pa kaysa sa wala-sa-katwiran. Diyan madali ang mag-utos. Ngunit… mas gaano ito kahirap sundin! Kapag ang isang tao ay may pananagutan para sa isang lugar o sa isang grupo ng mga tao, kailangan na siya ay laging mapagkawanggawa at patas, marunong at mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga, matatag subalit hindi matigas ang ulo. O! Ito ay mahirap!.. Sa pansamantala kailangan lamang ninyo bagkus sumunod. Kailangan na sundin ninyo ang Diyos at ang inyong Guro. Kayo, at hindi lamang kayo ang nag-iisa, ay nagtataka kung bakit Ko ginagawa o hindi ginagawa ang ilang mga bagay, kayo ay nagtataka kung bakit ipinahihintulot o hindi ipinahihintulot ng Diyos ang ilang mga bagay. Tingnan mo, Pedro, at kayong lahat, Aking mga kaibigan. Ang isa sa mga lihim ng perpektong naniniwala ay ang hindi ilagay ang sarili bilang siyang tagapagtanong sa Diyos.  “Bakit Ninyo ginagawa iyan?” ang isang kaluluwa na hindi perpektong naporma ay nagtatanong sa Diyos. At ang kaluluwang iyan ay tila kinukuha ang isang aktitud ng isang marunong na adulto sa harapan ng isang mag-aaral na bata at nagsasabing: “Iyan ay hindi dapat gawin. Iyan ay katangahan. Mali iyan”. Sino ang mataas sa Diyos?

Nakikita na ninyo ngayon na sa ilalim ng pagkukunwari ng kasigasigan para kay Juan Ako ay napa-aalis. At kayo ay naiiskandalo. At ibig ninyo na itama Ko ang mga bagay sa pamamagitan ng pakikibagay sa mga taong ganyan ang mga prinsipyo. Hindi, hindi kailanman. Napakinggan ninyo kung ano ang sinabi ni Juan Bautista sa pamamagitan ng mga bunganga ng kanyang mga disipulo: “Kailangan Niyang mas lumaki, kailangan kong mas lumiit”. Walang kalungkutan sa kanya, walang pagkakápit sa kanyang pusisyon. Ang isang santo ay hindi nakakabit sa mga ganoong bagay. Hindi siya tumatrabaho upang mapalaki ang bilang ng kanyang “sariling” mga tagasunod. Wala siyang sarili niyang mga tagasunod. Nagtatrabaho siya upang maparami ang mga naniniwala sa Diyos. Ang Diyos lamang ang may karapatan na magkaroon ng mga tagasunod. Kung kaya’t kagaya Ko na hindi nalulungkot na may ilan, sa mabuti o sa masamang paniniwala, na nananatiling mga disipulo ni Juan Bautista, upang hindi siya malumbay, ayon sa inyong napakinggan, at kung may ibang mga disipulo ang pumupunta sa Akin. Hindi niya pinapansin ang ganyang pag-unti ng bilang. Tinitingnan niya ang Langit. At tinitingnan Ko ang Langit. Huwag magtalu-talo sa pagitan ninyo, kung gayon, kung tama o hindi na ang mga Hudyo ay dapat Akong akusahan ng pag-aagaw ng mga disipulo mula kay Juan Bautista, kung makatarungan ba o hindi na pabayaan ang mga tao na sabihin iyan. Iyan ay mga bangayan ng madadaldal na mga babae sa paligid ng pontanya ng nayon. Ang mga santo ay nagtutulungan, sila ay nagbibigayan at nagpapalitan ng mga espiritu nang walang pag-aalinlangan, ngumingiti sa kaisipan ng pagtatrabaho para sa Panginoon.

Ako ay nagbinyag, kung baga, ginawa Ko kayong magbinyag, sapagkat ang espiritu ay napakapurol, sa mga araw na ito, na kinailangan na ipakita rito ang kabanalan, mga himala at doktrina sa materyal na porma nito. Dahil sa kapurulang iyan ng espiritu kailangan Kong gamitin ang tulong ng mga materyal na bagay kapag ibig Kong gumawa kayo ng mga himala. Ngunit maniwala sa Akin, ang ebidensiya ng kabanalan ay wala sa oleo, ni sa tubig, ni sa ano pa man na seremonya. Ang panahon ay malapit nang dumating kung saan ang di-mahihipo, di-makikitang bagay, na hindi madadama ng mga materyalistiko, ay ang magiging reyna, ang “bumabalik na reyna”, makapangyarihan at banal kasama ang bawat banal na bagay at nasa bawat na banal na bagay. Sa pamamagitan nito ang tao ay muling magiging ang “anak ng Diyos” at gagawin kung ano ang tinatrabaho ng Diyos, sapagkat makakasama niya ang Diyos: ang Grasya. Iyan ang bumabalik na reyna. Pagkatapos ang binyag ay magiging isang sakramento. Pagkatapos ang tao ay magsasalita at maiintindihan ang wika ng Diyos at magbibigay ng buhay at Buhay, magbibigay siya ng kapangyarihan ng siyensiya at ng lakas, pagkatapos… O! Pagkatapos! Subalit hindi pa kayo maedad upang matutunan kung ano ang ipagkakaloob sa inyo ng Grasya. Pakiusap na tulungan ninyo ang pagdating nito sa pamamagitan ng patuloy ninyong pagsasanay at kalimutan ang mga walang-kuwenta at masasamang bagay.

Naririyan na ang hangganan ng Samaria. Sa palagay ba ninyo kailangan Kong magsalita diyan?»

«O!» Lahat sila kahit papaano ay naiskandalo.

«Sinasabi Ko sa inyong totoo na may mga Samaritano kahit saan, at kung hindi Ako magsasalita kung saan may isang Samaritano, hindi Ako kailangan na magsalita kahit saan. Halikayo kung gayon. Hindi Ako gagawa ng pagsisikap na magsalita. Subalit hindi Ako manghahamak na hindi magsalita tungkol sa Diyos kung Ako ay pakikiusapan. Ang isang taon ay tapos na. Ang ikalawa ay nagsisimula na. Ito ay nasa gitna ng simula at ng katapusan. Sa simula ang Guro ay ang siyang nangingibabaw pa. Ngayon ang Tagapagligtas ay ibinubunyag. Ang katapusan ay makikita diyan ang mukha ng Tagapagtubos. Lumakad na tayo. Habang napápalapit ang isang ilog sa bunganga nito, mas lalo itong lumalaki. Akin ding dinadagdagan ang gawa ng awa sapagkat ang katapusan ay papalapit.»

«Tayo ba ay magtutungo sa kung anong malaking ilog pagkatapos ng Galilee? Baka ang Nilo? O ang Euphrates?» bulong ng ilang mga disipulo.

«Huwag kayong mag-usap-usap sa sarili ninyo. Tayo ay patungo sa “Aking” katapusan. Ibig sabihin, sa kaganapan ng Aking misyon. Makinig nang mabuti sa Aking sasabihin sa inyo, sapagkat pagkatapos ay iiwanan Ko kayo at kailangan na magpatuloy kayo sa ngalan Ko.»

 041110



Sunod na kabanata