144. Kasama Ang Mga Mamamayan ng Sychar.

Abril 23, 1945.

Ang isang pangkat ng mga dignitaryong Samaritano ay parating patungo kay Jesus, pinangungunahan ni Photinai, «Ang Diyos ay mapasainyo, Rabbi. Ang babaeng ito ay nagsabi sa amin na Kayo ay isang propeta at Kayo ay hindi nagmamataas na magsalita sa amin. Nakikiusap ako sa Inyo na manatiling kasama namin at huwag tumangging magsalita sa amin, sapagkat kung totoo na kami ay naihiwalay sa Juda, hindi ibig sabihin niyan na tanging ang Juda lamang ang banal at na ang lahat na pagkakamali ay nasa Samaria. Sa pagitan din namin ay may ilan na mga makatarungang tao.»

«Ganyan ding eksakto ang Aking sinabi sa kanya. Hindi Ko ipinipilit ang Aking Sarili, ni hindi Ko rin tinatanggihan ang naghahanap sa Akin.»

«Kayo ay makatarungan. Ang babae ay sinabi sa amin na Kayo ang Kristo. Iyan ba ay totoo? Tumugon sa amin sa ngalan ng Diyos.»

«Ako nga. Ang panahon ng Mesiyas ay dumating na. Ang Israel ay mapapag-isa na sa pamamagitan ng kanyang Hari. At hindi lamang ang Israel

«Ngunit Kayo ang magiging Mesiyas para sa mga na…wala sa pagkakamali, katulad namin na nasa pagkakamali» tugon ng maringal na may-katandaang lalaki.

«Tao, nakikita Ko na kayo ang kanilang pinuno at nakikita Ko rin na kayo ay totoong naghahanap sa Katotohanan. Ngayon, makinig sa Akin dahil kayo ay may-nalalaman sa mga banal na kasulatan. Ako ay nasabihan kung ano ang sinabi ng Espiritu kay Ezekiel, ipinagkakatiwala sa kanya ang propetikong misyon: “Anak ng tao, ipinadadala kita sa sambayanan ng Israel, sa isang bansa ng mga rebelde, na nagrebelde laban sa Akin… Sila ay mga pangahas at matitigas-ang-ulo na mga anak… Maaaring makinig sila sa iyo at pagkatapos hindi nila tatandaan ang iyong mga salita, na Aking mga salita, sapagkat sila ay mga mapagrebeldeng sambahayan, subalit malaman man lamang nila na may isang propeta sa pagitan nila. Kung kaya’t, huwag matakot sa kanila, ni matakot ka sa kanilang mga salita, sapagkat sila ay mga di-naniniwala at mga mapagrebelde… At sasabihin mo ang Aking mga salita sa kanila, kung sila man makinig o hindi makinig sa iyo. Gawin mo ang sinasabi Ko sa iyo, pakinggan ang sinasabi Ko sa iyo, huwag maging mapagrebeldeng katulad nila. Kainin, kung gayon, kung anuman ang pagkain na ibibigay Ko sa iyo”. At Ako ay naparito. Hindi Ko pinupuri ang Aking Sarili at hindi Ako umaasa na Ako ay tatanggapin bilang isang panalunan na nananaig. Ngunit dahil ang kalooban ng Diyos ay ang Aking pulot, naririto Ako upang isagawa ito, at kung ibig ninyo sasabihin Ko sa inyo ang mga salitang sinabi sa Akin ng Espiritu.»

«Papaano naiisip kami ng Eternal na Ama?»

«Sapagkat Siya ay pagmamahal, Aking mga anak.»

«Hindi lahat ng mga rabbi sa Juda ang nagsasabi ng ganyan.»

«Ngunit iyan ang sinasabi sa inyo ng Mesiyas ng Panginoon.»

«Ito ay nakasulat na ang Mesiyas ay ipanganganak ng isang birhen sa Juda. Kanino at saan Kayo ipinanganak?»

«Sa Bethlehem, Ephrata, ni Maria ng Sambahayan ni David, sa pamamagitan ng espirituwal na paglilihi. Hinihingi Ko sa inyo na paniwalaan Ako.» Ang magandang tinig ni Jesus ay isang deklarasyon ng matagumpay na lugod sa pagpapahayag ng pagka-birhen ng Kanyang Ina.

«Ang Inyong mukha ay nagniningning sa isang matingkad na liwanag. Hindi, hindi posible sa Inyo na magsinungaling. Ang mukha ng mga anak ng kadiliman ay mapanglaw at ang kanilang mga mata ay mabalasik. Kayo ay maningning; ang Inyong mga mata ay kasing ningning ng tala sa umaga at ang Inyong mga salita ay totoo. Pakiusap na pumunta sa Sychar at turuan ang mga anak ng sambayanang ito. Pagkatapos Kayo ay aalis… at maaalaala namin ang Bituin na lumabas sa aming kalangitan…»

«Bakit hindi ninyo ito sundan?»

«Papaano namin magagawa?» Sila ay naguusap habang naglalakad patungo sa bayan, «Kami ay naihiwalay. Iyan man lang ang kanilang sinasabi. Ngunit kami ay naipanganak sa pananampalatayang ito at hindi namin malaman kung tama na iabandona ito. Higit pa… bueno, masasabi ko sa Inyo. Sa katunayan may mga mata kami na makakita at mga isip na makapag-isip. Kapag kami ay dumaraan sa inyong bansa, gawa ng paglalakbay o pagnenegosyo, hindi lahat ng aming nakikita ay banal upang kami ay makumbinsi na ang Diyos ay kasama ninyong mga Judaean o kasama ninyong mga Galilean.»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang natitira ng Israel ay pananagutin ng hindi pagkumbinsi at pagdala sa inyo pabalik sa Diyos sa pamamagitan ng mabubuting halimbawa at karidad, sa halip na saktan at isumpa kayo.»

«Gaanong karunungan ang nasa Inyo. Napakinggan ba ninyong lahat Siya?» Lahat sila ay tumatango ibinubulong ang kanilang paghanga.

Pansamantala narating na nila ang bayan at maraming tao ang lumalapit habang sila ay naglalakad patungo sa isang bahay.

«Makinig, Rabbi. Sa dahilan na Kayo ay marunong at mabuti, pakiusap na bigyan ng kalinawan ang isang pagdududa namin. Ang malaking bahagi ng aming kinabukasan ay nakasalalay dito. Sa dahilan na Kayo ang Mesiyas at kung gayon ang Tagapagtayong-muli ng Kaharian ni David, maaaring Kayo ay masaya na maibalik ang naputol na galamay na ito ng katawan ng estado. Masaya ba Kayo?»

«Ang inaasikaso Ko ay hindi labis ang pagkakadugtong muli ng naputol na mga bahagi ng kung ano ang maglalaho at pansamantala, kompara sa maibalik sa Diyos ang lahat na mga kaluluwa, at Ako ay masaya kapag maibalik Ko ang Katotohanan sa isang puso. Subalit banggitin ninyo ang inyong pagdududa.»

«Ang aming mga ama ay nagkasala. Mula noon ang mga kaluluwa ng mga Samaritano ay hindi na nagustuhan ng Diyos. Anong benepisyo ang aming tatanggapin kung susundan namin ang Mabuti? Kami ay laging magiging katulad ng mga ketongin sa mga mata ng Diyos.»

«Ang inyong panghihinayang ay ang eternal na pagka-di-nasisiyahan ng mga naniniwala sa paghihiwa-hiwalay. Sa muli Ako ay tutugon sa iyo kasama si Ezekiel: “Ang lahat na kaluluwa ay Akin” sabi ng Panginoon. “Ang kaluluwa ng ama gayon din ang kaluluwa ng anak. Tanging ang kaluluwa lamang ng nagkakasala ang mamamatay. Kung ang isang tao ay matuwid, kung siya ay hindi isang idolatra, kung siya ay hindi nakikiapid, o nagnanakaw o nagpapahiram nang may interes, kung siya ay may awa kapwa sa katawan at sa kaluluwa ng kanyang kapwa, siya ay matuwid sa Aking mga mata at pamumuhayan ang isang totoong buhay”. At dagdag pa. “Kung ang isang makatarungang tao ay may mapagrebeldeng anak, ang anak bang iyan ay mabubuhay sapagkat ang kanyang ama ay makatarungan? Siya ay mabubuhay”. At ito rin: “Kung ang anak ng isang makasalanan ay isang makatarungang tao, mamamatay ba siya katulad ng kanyang ama, dahil siya ay kanyang anak? Hindi, pamumuhayan niya ang eternal na buhay dahil siya ay makatarungan”. Hindi tama kung ang isa ay kailangan na magdusa para sa malaking kasalanan ng isa. Ang kaluluwa na nagkasala ay mamamatay. Ang kaluluwa na hindi nagkasala ay hindi mamamatay. At kung siya na nagkasala ay nagsisisi at pumunta sa Hustisya, tingnan, siya ay magkakaroon ng totoong buhay din. Ang Panginoong Diyos, ang Iisa at Iisang Panginoon, ay nagsasabi: “Ayaw Ko ang kamatayan ng nagkakasala, bagkus ibig Kong siya ay magsisi at mabuhay”. Iyan kung bakit Niya Ako pinadala, o naglalagalag na mga anak: upang sana kayo ay magkaroon ng totoong buhay. Ako ang Buhay, ang sinumang naniniwala sa Akin at sa Kanya Na nagpadala sa Akin ay magkakaroon ng eternal na buhay, kahit na kung sa kasalukuyang sandali siya ay isang nagkakasala.»

«Naririto na tayo sa aking bahay, Guro. Hindi ba Ninyo kinasusuklaman na pasukin ito?»

«Ang kinasusuklaman Ko lamang ay kasalanan.»

«Pumasok Kayo, kung gayon, at manatili. Hahatiin natin ang tinapay nang magkakasama at pagkatapos, kung hindi kabigatan sa Inyo, ipaliliwanag Ninyo ang salita ng Diyos sa amin. Ang salitang iyan ay may ibang lasa  kapag ito ay ipinaliliwanag Ninyo… at kami ay pinahihirapan ng isang pagdududa: hindi namin maramdaman na kami ay tama…»

«Ang lahat ay mapápapayápa kung mangangahas kayong kusang lumapit sa Katotohanan. Harinawang ang Diyos ay magsalita sa inyong mga puso. Dumidilim na. Bukas, sa ikatlong oras Ako ay magsasalita sa inyo nang mahaba-haba, kung ibig ninyo. Lumakad na kayo, kasama ang Awa na malapit sa inyo»

051110




Sunod na kabanata