145. Pag-eebanghelyo sa Sychar.

Abril 24, 1945.

Si Jesus ay nagsasalita sa isang malaking pulutong sa gitna ng isang liwasan. Siya ay nakataas sa isang batong upuan malapit sa pontanya. Ang mga pulutong ay nakapaikot sa Kanya. Ang Labindalawa ay nakapaikot din sa Kanya… ang kanilang mga mukha ay bagabag, o yamot, o malinaw na nagpapakita ng pagka-inis sa ilang mga pagkakadikit sa mga tao. Si Bartolomeo at ang Iskariote lalo na ay malinaw na pinakikita ang kanilang pagka-napapahiya at ang kanilang pagtikal hangga’t maaari sa mga Samaritano, ang Iskariote ay nakaupong nakasaklang sa sanga ng isang punungkahoy na tila ibig niyang mapangibabawan ang tanawin, habang si Bartolomeo ay nakasandal sa isang pinto sa isang sulok ng liwasan. Ang pagiging may-kinikilingan ay naroroon at malinaw na makikita sa lahat sa kanila.

Si Jesus, sa kabaligtaran, ay hindi nagbago sa Kanyang dating pakikiharap kahit kaunti. Hindi, sasabihin ko na Siya ay nagsisikap na hindi Niya matakot ang mga tao ng Kanyang mahestad at sa halip Kanyang pinaniningning ito upang mawala ang lahat na mga pagdududa. Hinahaplus-haplos Niya ang dalawa o tatlong maliliit na bata at tinatanong Niya sila ng kanilang mga pangalan, nagkakaroon Siya ng interes sa isang matandang lalaki kung kanino Siya Mismo ang nag-abot ng limos, tumutugon Siya sa dalawa o tatlong mga tanong, na ipinaabot sa Kanya tungkol sa mga pansariling mga bagay, hindi tungkol sa pangkalahatang mga problema.

Ang una ay ang pakiusap ng isang ama na ang anak na babae ay nagtanan at ngayon nakikiusap na siya ay patawarin.

«Patawarin siya kaagad.»

«Ngunit ako ay naghirap dahil sa kanya, Guro. At naghihirap pa rin ako. Sa loob lamang ng wala pang isang taon ako ay mas tumanda nang sampung taon.»

«Ang kapatawaran ay mapapagaanan ka.»

«Ito ay hindi posible. Ang sugat ay naririto pa rin.»

«Totoo iyan. Ngunit sa loob ng sugat ay may dalawang bahagi na kumikirot. Ang isa ay ang di-mapasisinungalingang kapangahasan mula sa inyong anak na babae. Ang isa ay ang pagsisikap na itigil ang pagmamahal sa kanya. Alisin kahit man lang ang huli. Ang pagpapatawad, na siyang ang pinakamataas na porma ng pagmamahal, ay maaalis iyan. Kailangan na isipin ninyo, kaawa-awang ama, na ang inyong anak ay ipinanganak sa inyo at laging may karapatan sa inyong pagmamahal. Kung nalalaman ninyo na siya ay naghihirap gawa ng isang pisikal na karamdaman at siya ay mamamatay, maliban kung pagagalingin ninyo siya mismo, pababayaan ba ninyo siya na mamatay? Tiyak na hindi. Tingnan kung gayon na kayo, sa pamamagitan ng inyong pagpapatawad ay mabibigyan ng katapusan ang kanyang problema at maibabalik siya sa kanyang malusog na kalikasan. Sapagkat kailangan na mabatid ninyo na siya ay napangibabawan ng pinakamababang material na buyo.»

«Kung gayon ipinapayo Ninyo sa akin na patawarin siya?»

«Kailangan.»

«Papaano ko siya matitingnan na pakilus-kilos sa loob ng bahay, at hindi ko siya mumurahin  sa kanyang ginawa?»

«Sa ganoong kaso hindi mo siya mapatatawad. Ang inyong kapatawaran ay hindi kailangan na maging ang pagbubukas muli ng pinto ng inyong bahay sa kanya, bagkus ang pagbubukas muli ng inyong puso. Maging mabuti, mamâ. Ano? Hindi ba dapat tayo magkaroon ng pasyensiya para sa ating sariling anak, pasyensiya na mayroon tayo para sa isang malikot na torong kapon?»

Ang isang babae, sa halip, ay tinanong si Jesus kung kailangan niyang pakasalan ang kanyang bayaw upang mabigyan ng ama ang kanyang maliliit na ulila.

«Sa iyo bang palagay siya ay magiging isang tunay na ama sa kanila?»

«Oo, Guro, sa palagay ko. Sila ay tatlong mga batang lalaki. Kailangan ang isang lalaki upang magabayan sila.»

«Pakasalan mo siya, kung gayon, at maging isang matapat na asawa sa kanya, katulad na ikaw ay sa iyong unang asawa.»

Ang ikatlong lalaki ay tinanong Siya kung magagawa niya ang tamang bagay o hindi sa pagtanggap ng isang imbitasyon upang pumunta sa Antioch.

«Mamâ, bakit ibig mong pumunta roon?»

«Sapagkat wala akong sapat na pamamaraan dito para sa aking sarili at sa aking malaking pamilya. Nakakilala ako ng isang Hentil na magbibigay sa akin ng trabaho dahil nakita niya kung gaano ako kagaling sa aking trabaho at papapagtrabahuhin din niya ang aking mga anak na lalaki. Subalit ayaw kong… ang pangamba ng isang Samaritano ay maaaring kakaiba sa Inyo, ngunit nariyan na iyan. Ayaw kong mawala ang aming pananampalataya. Ang lalaking iyon, alam N’yo, ay isang pagano!»

«Kung gayon? Walang nakakahawa maliban na ang isa ay ibig na mahawahan. Pumunta sa Antioch at maging ng Totoong Diyos. Papatnubayan ka Niya at ikaw ang magiging tagapagkaloob ng iyong panginoon, na makakakuha ng kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng iyong katapatan.»

Siya pagkatapos ay nagsimulang magsalita sa pulutong.

«Napakinggan Ko ang marami sa inyo at nakita Ko na ang bawat isa ay nasaktan ng isang lihim na kapighatian, isang dalamhati, na ni kayo ay hindi nag-aalam. Ang inyong kapighatian ay naipon sa loob ng mga siglo at ni ang mga rason na binigkas ninyo o ang mga insultong itinatapon sa inyo ay hindi nakatunaw sa mga ito. Sa kabaligtaran ito ay lumalim pa nang lumalim at bumibigat katulad ng niyebe na nagiging yelo.

Ako ay hindi isa sa inyo, ni hindi Ako isa sa mga nag-aakusa sa inyo. Ako ay Katarungan at Karunungan. At sa muli babanggitin Ko si Ezekiel upang maayos ang inyong kaso. Siya ay nagsasalita tungkol sa Samaria at Herusalem sa isang maka-makatang estilo, at sinasabi niya na sila ay magkapatid sa iisang ina at tinatawag niya sila na Oholah at Oholibah. Ang unang bumagsak sa idolatriya ay ang una, na ang pangalan ay Oholah, sapagkat siya ay nawalan na ng espirituwal na tulong na nanggagaling sa pakikiisa sa Ama ng Langit. Ang pakikiisa sa Diyos ay laging kaligtasan. Pinalitan niya ang totoong kayamanan, totoong kapangyarihan, totoong karunungan ng kaawa-awang kayamanan, kapangyarihan at karunungan ng isa na mas mababa kaysa sa Diyos, na mas mababa pa kaysa sa kanya mismo, at siya ay narahuyo hanggang siya’y naging ang alipin ng pamamaraan ng pamumuhay ng kanyang tagapagrahuyo. Ibig niyang maging malakas, at sa halip naging mahina. Ibig niyang maging superior, at naging inferior. Siya ay naging sira-ulo sapagkat siya’y di-maingat. Hindi madali na maalisan ang isa ng impeksiyon, kapag ang isa ay mahawahan nito dahil sa kawalang-ingat. Maaari ninyong sabihin: “Inferior? Hindi. Kami ay dakila”. Oo, kayo ay dakila noon, ngunit papaano? Sa anong presyo? Alam ninyo. Ilang mga tao, sa pagitan din ng kababaihan, ang naging mayaman sa nakakatakot na presyo ng kanilang karangalan! Nakamtan nila ang isang bagay na maaaring matapos. Nawala nila ang isang bagay na hindi magtatapos: ang kanilang reputasyon.

Nang makita ni Oholibah na ang kawalang-hiyaan ni Oholah ay nabigyan siya ng kayamanan, ibig niyang gayahin siya at siya’y naging mas sira-ulo kaysa sa kanyang kapatid, at dalawang ulit na nakagawa ng mali kaysa sa kanyang kapatid, sapagkat nasa sa kanya ang Totoong Diyos at kailanman hindi sana niya niyapakan ang lakas na tinanggap niya galing sa pakikiisang iyon sa Diyos. At isang teribleng mahigpit na kaparusahan ang dumating sa dobleng sirang-ulo na nakikiapid na Oholibah, at mas mahigpit pang kaparusahan ang ipapataw. Ang Diyos ay tatalikuran siya. Ginagawa na Niya ito, upang pumunta sa mga hindi nasasakupan ng Juda. Ni hindi ang Diyos maaakusahan ng pagiging di-pantay, sapagkat hindi Niya ipinipilit ang Kanyang Sarili. Ibinubukas Niya ang Kanyang mga kamay sa lahat, inaanyayahan Niya ang lahat, subalit kung ang isa ay sabihin sa Kanya: “Lumayas Ka”, Siya’y umaalis. Siya ay umaalis upang maghanap ng pagmamahal sa ibang lugar, upang anyayahan ang ibang tao, hanggang makatagpo siya ng isa na magsasabi sa Kanya: “Ako’y sasama”. Kung kaya’t sasabihin Ko sa inyo na makatatagpo kayo ng kaluwagan mula sa pagpapahirap sa inyo, kailangan na makita ninyo ito, sa pamamagitan ng pagninilay tungkol sa Akin nang nasabi sa inyo. Oholah, panumbalikin ninyo ang inyong ulirat. Ang Diyos ay tinatawag kayo.

Ang karunungan ng tao ay nasa pag-aamin ng kanyang mga pagkakamali, ang karunungan ng espiritu ay nakasalalay sa pagmamahal sa Totoong Diyos at sa Kanyang Katotohanan. Huwag tingnan si Oholibah, o ang Phoenicia, o ang Ehipto, o ang Gresya. Tingnan ang Diyos. Iyan ang Amangbayan ng bawat matuwid na kaluluwa: Langit. Walang maraming batas doon, bagkus isa lamang: batas ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas ang isa ay nakakamtan ang Buhay. Huwag ninyong sabihin: “Kami ay nagkasala”, bagkus sabihin: “Ayaw na naming magkasalang muli”. Nasa inyo ang katibayan na ang Diyos ay minamahal pa rin kayo at pinadala Niya ang Kanyang Salita upang sabihin sa inyo: “Halika”. Sinasabi Ko sa inyo: “Halika”. Kayo ba ay sinaktan at pinagbawalan? Nino? Ng inyong kapwa mga nilikha. Subalit ang Diyos ay mas mataas sa kanila at sinasabi Niya sa inyo: “Halika”. Ang araw ay darating kung kailan kayo ay magsasaya dahil kayo ay wala roon sa Templo… Ang inyong mga puso ay magsasaya dahil diyan. Ngunit magsasaya nang mas lalo pa ang mga kaluluwa dahil ang kapatawaran ng Diyos sa panahong iyon ay nakababa na sa mga puso ng matutuwid na nakakalat saan man sa Samaria. Ipaghanda ang Kanyang pagdating. Pumunta sa pang-sansinukuban na Tagapagligtas, o mga anak ng Diyos, na mga naligaw.»

«Ang ilan man lang sa amin ay pupunta. Ngunit ang mga nasa kabila ay ayaw sa amin.»

«At sa muli kasama ang pari at ang propeta sasabihin Ko sa inyo: “Kukunin ko na ang tungkod ni Jose, na nasa kamay ni Ephraim at ng mga tribu ng Israel na nakakasama niya at isasama Ko ito sa tungkod ni Juda at gagawin Ko itong isang tungkod na lang…” Huwag pumunta sa Templo. Pumunta sa Akin. Wala Akong tinatanggihang sinuman. Tinatawag Akong ang Hari na nangingibabaw sa lahat. Ako ang Hari ng mga hari. Padadalisayin Ko ang lahat na mga tao kung ibig nilang mapadalisay. Pagsasama-samahin Ko kayong lahat, o mga kawan na walang mga pastol o may mga tamad na mga pastol, sapagkat Ako ay ang Mabuting Pastol. Bibigyan Ko kayo ng iisang tabernakulo lamang at ilalagay Ko ito sa gitna ng mga naniniwala sa Akin. Ang Tabernakulong iyan ang panggagalingan ng buhay, iyan ang magiging liwanag, kaligtasan, proteksiyon, karunungan. Iyan ang magiging ang lahat, sapagkat iyan ang Buháy na Tabernakulo ibinigay bilang pagkain sa mga patay at magagawa silang mabuhay, iyan ay ang Diyos Na ang kabanalan ay aapaw upang makapagpabanal. Ganyan kung ano Ako at mananatiling ganyan. Ang mga araw ng kapootan, ng di-pagkaka-intindihan, ng takot ay natapos na. Halikayo! Sambayanan ng Israel! Sambayanang napaghiwalay! Sambayanang nagkasakit! Sambayanang malayo! Kayo ay isang minamahal na sambayanan, walang-hangganang minamahal, sapagkat kayo ay may sakit at mahina, sapagkat kayo ay nasugatan ng isang palaso na nakapagbukas sa mga ugat ng inyong mga kaluluwa at nagawa ang pinakamahalagang pakikipag-isa sa Diyos na makawala. Halikayo! Halikayo sa sinapupunan kung saan kayo ipinanganak, halikayo sa dibdib mula kung saan tinanggap ninyo ang buhay. Ang kabaitan at init ay naririto pa rin para sa inyo. Halikayo! Halikayo sa Buhay at sa Kaligtasan.»

051110

 



Sunod na kabanata