146. Pagpapaalam sa Sambayanan ng Sychar.

Abril 25 1945.

Sinasabi ni Jesus sa mga Samaritano ng Sychar: «Bago iwanan kayo, dahil may iba pa Akong mga anak na eebanghelyuhin, ibig Kong ipakita sa inyo ang nagniningning na mga daan ng pag-asa, at ilagay kayo rito sinasabi sa inyo: maaari kayong makapagpatuloy nang ligtas dahil ang pupuntahan ay tiyak. Ngayon ay hindi Ko babanggitin ang dakilang si Ezekiel; babanggitin Ko ang paboritong pinakadakilang Propetang disipulo ni Jeremiah.

Si Baruch ay nagsasalita para sa inyo. O! Tunay ngang dinadala niya ang inyong mga kaluluwa at nagsasalita sa katauhan nilang lahat sa Kataas-taasang Diyos Na nasa Langit. Ang inyong mga kaluluwa. Hindi Ko ibig sabihin ang mga kaluluwa lamang ng mga Samaritano, bagkus ang lahat ng inyong mga kaluluwa, O! mga pamilya ng piniling sambayanan na bumagsak sa marami’t iba’t ibang mga kasalanan; at kanya ring dinadala ang inyong mga kaluluwa, O! mga Hentil na mga sambayanan, na ang pakiramdam ay mayroong di-nakikilalang Diyos sa pagitan ng maraming mga diyos na inyong sinasamba, isang Diyos Na nadarama ng inyong mga kaluluwa na siyang ang Tanging Totoong Diyos at gawa ng inyong kapurulan ay hindi ninyo hinahanap at inaalam, ayon sa kagustuhan ng inyong mga kaluluwa. Naibigay man lang sana sa inyo ang moral na batas, O mga Hentil at mga idolatra, sapagkat kayo ay mga tao, at ang tao ay may esensiya sa kanyang sarili na nanggagaling sa Diyos, at ang pangalan nito ay espiritu, na laging nagsasalita at nagmumungkahi tungkol sa kadakilaan at nagtutulak patungo sa mga banal na bagay sa buhay. At pinilit ninyo itong maging ang alipin ng inyong mabisyong laman, nilalabag ang pantaong moral na batas na nagkaroon kayo, sa gayon kayo ay nagiging makasalanan, sa pananaw din ng tao at ibinaba ninyo ang kaisipan ng inyong pananampalataya at ang inyong sarili sa lebel ng brutalidad na nagagawa kayong maging mas mababa pa kaysa sa mga hayop. Subalit makinig. Kayong lahat ay makinig. Habang mas malalim ang inyong nalalaman tungkol sa moral na sobrenatural na Batas na ibinigay sa inyo ng Totoong Diyos, mas lalo ninyong maiintindihan, at kung gayon, kikilos kayong naaayon dito.

Siya ay nananalangin – at ito ang panalangin na kailangan na bigkasin ng inyong mga pusong pinahiya ng isang nobleng pagpapahiya, na hindi isang pagpapababa o karuwagan, bagkus isang eksaktong kaalaman tungkol sa mamiserableng mga kalagayan ng isang tao, at tungkol sa banal na mithiin din ng tao na matagpuan ang pamamaraan na mapaunlad siya sa espiritu – si Baruch kung gayon ay nananalangin: “Tumingin sa ibaba, Panginoon, mula sa Inyong banal na tirahan, alalahanin kami at makinig. Tingnan Ninyo kami, Panginoon at unawain; ang mga patay sa ibaba sa Sheol, na ang mga hininga ay kinuha sa kanilang mga katawan, ay hindi ang mga magbibigay ng kaluwalhatian at pagsunod sa Panginoon; ang taong napanaigan ng karamdaman, na naglalakad na nakatungo ang ulo at mahina, na may nanghihinang mga mata at nagugutom na kaluluwa, siya ang magbibigay sa Inyo ng kaluwalhatian, Panginoon, at angkop na pagsunod”. At si Baruch ay mapagpakumbabang umiiyak at ang bawat makatarungang kaluluwa ay kailangan na umiyak kasama niya, tinitingnan at tinatawag sa mga tunay na pangalan ang mga kamalasan na gawa nito ang isang malakas na sambayanan ay naging malungkot, hati, at napangibabawan: “Kami’y hindi nakinig sa Inyong tinig kung kaya’t isinagawa Ninyo ang Inyong ipinangako sa pamamagitan ng Inyong mga katulong ang mga propeta… at tingnan ang mga buto ng aming mga hari at ng aming mga ninuno kinaladkad mula sa kanilang mga himlayang lugar at naipadpad sa init ng araw at sa nagyelong hamog ng gabi at ang mga tao ay namatay sa nakatatakot na aguniya, gawa ng kagutuman, espada at peste. Kung kaya’t dahil sa kasamaan ng Sambahayan ng Israel at ng Sambahayan ng Juda, giniba Ninyo ang Templong ito, kung saan ang Inyong Pangalan ay pinananawagan, sa kung ano na ito ngayon”.

O! Mga anak ng Ama, huwag sabihin: “Kapwa ang aming Templo at ang inyo ay naitayo nang muli at magaganda”. Hindi. Ang isang puno na nabiyak ng kidlat mula sa itaas hanggang sa mga ugat ay hindi mabubuhay. Maaaring ito ay makapamuhay sa mamiserableng pamamaraan sa pagsisikap na mabuhay sa pamamagitan ng mga usbong na nanggagaling sa mga ugat, na nagdadalawang-isip na mamatay, na may magagandang matatamis na prutas. Ang kasiraan na nagsimula gawa ng pagkakahati, ay palala-nang-palala, bagama't ang materyal na istruktura ay tila hindi lumalabas na nasira, sa kabaligtaran ito ay mukhang maganda at bago. Ito ay bumabagsak sa mga konsiyensya na mga nabubuhay sa loob nito. At pagkatapos ang oras ay darating kung kailan ang bawat sobrenatural na apoy ay maglalaho at ang Templo ay mapagkakaitan ng pinakabuhay nito, ang Templo, isang altar gawa sa mamahaling metal, na mamamalagi lamang kung ito ay patuloy na tinutugnas ng init ng pananampalataya ng mga ministro nito at ng karidad; subalit malamig, mapanglaw, narumihan, puno ng mga patay na katawan, ito’y magiging bulok na labí  kung saan ang mga banyagang uwak at ang pagbaba ng dibinong kaparusahan ay magmamadali upang sirain itong ganap.

Magdasal, mga anak ng Israel, umiiyak kasama Ko, inyong Tagapagligtas. Sana ang Aking tinig ay masuportahan ang inyo at marating ang trono ng Diyos, dahil nagagawa nito ito. Ang nananalangin na kasama ang Kristo, ang Anak ng Ama, ay pinakikinggan ng Diyos, ang Ama ng Anak. Tayo na’t dasalin ang lumang makatarungang panalangin ni Baruch: “At ngayon, Makapangyarihang Panginoon, Diyos ng Israel, ang bawat kaluluwa na naghihirap, bawat pusong balisa ay umiiyak sa Inyo. Makinig at maawa, o Panginoon. Kayo ay isang maawaing Diyos, maawa sa amin dahil kami ay nagkasala sa Inyong paningin. Kayo ay nakaupong nasa trono sa habang panahon, at kailangan ba kaming patuloy na mamatay? Makapangyarihang Panginoon, Diyos ng Israel, pakinggan Ninyo ang panalangin ng mga patay ng Israel at ng kanilang mga anak, na mga nagkasala laban sa Inyo. Hindi sila nakinig sa tinig ng Panginoong kanilang Diyos, kung kaya’t ang mga sakunang ito ang kinábagsakán nila. Huwag Ninyong tingnan ang mga maling nagawa ng aming mga ninuno, bagkus alalahanin sa halip ang Inyong kapangyarihan at ang Inyong Pangalan… Sapagkat pinananawagan namin ang Inyong Pangalan at tinatalikdan namin ang kasamaan ng aming mga ninuno, maawa sa amin”.

Manalangin nang ganyan at maging tunay na nagbalik-loob-sa-Diyos, sa pamamagitan ng pagbalik sa totoong karunungan, na siyang ang karunungan ng Diyos. Ito ay maaaring matagpuan sa Aklat ng mga kautusan ng Diyos at sa Batas na tatagal hanggang magpakailanman, at na Ako, ang Mesiyas ng Diyos, ay naparito upang dalhin sa mga mahihirap ng mundo sa simpleng di-nagbabagong porma nito, ibinabalita sa kanila ang Ebanghelyo ng panahon ng Panunubos, ng Kapatawaran, ng Pag-ibig, ng Kapayapaan.  Ang sinuman na naniniwala sa Salitang iyan ay mararating ang eternal na buhay. 

Iniiwan Ko kayo, mga mamamayan ng Sychar, na mga naging mabuti sa Mesiyas ng Diyos. Iniiwan Ko sa inyo ang Aking kapayapaan.»

«Manatili pa nang kaunting sandali.»

«Bumalik ulit Kayo.»

«Wala nang makapagsasalita sa amin katulad ng ginagawa Ninyo.»

«Pagpalain nawa Kayo, mabuting Guro.»

«Pagpalain Ninyo ang aking maliit na anak.»

«Ipanalangin Ninyo ako, dahil Kayo ay isang santo.»

«Pahintulutan Ninyo ako na itago ang isa sa Inyong mga palawit, bilang pagpapalà.»

«Alalahanin si Abel.»

«At ako, si Timoteo.»

«At ako, si Jorai.»

«Aalalahanin Ko kayong lahat. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Sila ay sumabay sa Kanya hanggang sa mga ilang daang yarda sa labas ng bayan, at pagkatapos unti-unti silang bumalik…

051110

 

 



Sunod na kabanata