148. Si Jesus Dinadalaw si Juan Bautista Malapit sa Ennon.

Abril 27, 1945.

Ngayon ay isang maliwanag-ang-buwan na gabi, napakaliwanag upang ang lupa ay kitang-kita ang mga detalye nito at ang mga kabukiran na puno ng mga trigo na katutubo pa lamang, ay nagmumukhang berdeng platang mga alpombra, kung saan ang maitim na mga daanan ay tila maiitim na mga hilerang binabantayan ng mga punungkahoy na mapuputing tingnan sa gawi ng nasisinagan ng buwan at maitim-na-maitim sa madilim na tabi.

Si Jesus ay naglalakad nang walang-tigatig at nag-iisa. Nagpapatuloy Siyang mabilis hanggang narating Niya ang isang tubig na maingay na umaagos patungo sa kapatagan pagawing hilagang-silangan. Lumakad Siyang pasalubong sa agos ng tubig hanggang sa layo ng isang malungkot na lugar malapit sa makahoy na dalisdis. Siya’y lumiko sa isang tabi, inaakyat ang isang matarik na landas at narating ang isang natural na kuweba sa tabi ng burol.

Siya ay pumasok at niyukuan ang isang katawan na nakahiga sa lupa na halos makita lamang sa liwanag ng buwan, na sumisinag sa landas sa labas, subalit hindi nasisinagan ang kuweba. Tinawag Niya siya: «Juan.»

Ang lalaki ay gumising at naupo, naaalimpungatan pa. Subalit pagkaraan nalaman niya kung sino ang tumatawag sa kanya at napatalon sa kanyang mga paa, pagtapos ipinatirapa ang sarili nagsasabing: «Papaano nangyari na ang Aking Panginoon ay pumunta sa akin?»

«Upang pasayahin ang iyong puso at ang Akin. Kailangan mo daw Ako, Juan. Naririto Ako. Tayo na sa labas sa ilalim ng sinag ng buwan at maupo tayo at mag-usap sa ibabaw ng bato malapit sa gruta.»

Si Juan ay sumunod, tumayo at lumabas. Subalit nang si Jesus ay naupo, siya ay lumuhod sa harapan ng Kristo. Suot niya ang isang balat ng tupa, halos matakpan lamang ang kanyang payat na katawan, at hinahawi niyang papunta sa likod ang kanyang magulong buhok, na nakapagtatakip sa kanyang mga mata, upang makita nang mas mabuti ang Anak ng Diyos.

Ang kaibhan nilang dalawa ay napakalakas. Si Jesus ay maputla at maliwanag ang buhok, ang Kanyang buhok ay malambot at malinis at ang Kanyang balbas ay nagupitan ang ibaba sa paligid ng Kanyang mukha. Si Juan ay katulad ng isang palumpong na may napakaitim na buhok, mula kung saan ang dalawang malalalim na mata ay makikita: dalawang nananabik na mga mata, masasabi ko, habang ito ay nagniningning nang labis sa kaitimang ayos nito.

«Ako ay naparito upang pasalamatan ka. Nagawa mo at ginagawa mo ang iyong misyon bilang Aking Precursor, na may perpeksiyon ng Grasya na nasa loob mo. Kapag dumating na ang oras, papasukin mo ang Langit sa tabi Ko, sapagkat mamarapatin mo na ang lahat mula sa Diyos. At sa paghihintay, ikaw ay mapapasa-kapayapaan na ng Panginoon, Aking minamahal na kaibigan.»

«Malapit ko nang pasukin ang kapayapaan, aking Guro at Diyos, pagpalain Ninyo ang Inyong lingkod upang mapalakas siya sa kanyang pagsubok. Nalalaman ko na ito ay malapit na at na mayroon pa akong isang pagpapatunay na kailangang batahin: ang pagpapatunay ng aking dugo. At nalalaman Ninyo ito nang higit pa sa akin na ang aking oras ay parating na. Ang maawaing kagandahang-loob ng Inyong Dibinong puso ay nadala Kayo rito, upang palakasin ang huling martir ng Israel at ang una ng bagong panahon. Sabihin lamang Ninyo sa akin ang isang bagay: kakailanganin ko bang maghintay ng matagal sa Inyong pagdating?»

«Hindi, Juan. Hindi labis na mas matagal kaysa sa namagitan na panahon ng iyong kapanganakan at ng Akin.»

«Sana pagpalain ang Kataas-taasan para diyan. Jesus… maaari bang tawagin kita nang ganyan?»

«Maaari dahil sa ating dugo at sa iyong kabanalan. Ang Pangalan, na binibigkas din ng mga nagkakasala, ay mabibigkas ng banal na isa ng Israel. Ito ay kaligtasan para sa kanila, maging kabaitan ito para sa iyo. Ano ang kailangan mo mula kay Jesus, iyong Guro at pinsan?»

«Ako ay malapit nang mamatay. Katulad ng isang ama na nananabik para sa kanyang mga anak, ganyan ako nananabik para sa aking mga disipulo. Aking mga disipulo… Ikaw ay isang Guro at nalalaman Mo kung papaano natin sila magiliw na minamahal. Ang tanging kinatatakot ko lamang sa pagkamatay ay ang sila’y baka mawala katulad ng mga tupa na walang pastol. Maaari bang pakiusap na ipunin Mo sila. Ibinabalik ko sa iyo ang tatlo na dating sa iyo at mga naging perpektong mga disipulo habang naghihintay sa iyo. Sila, at lalo na si Matias, ay tunay na nag-aangkin ng karunungan. May mga ilan pa ako at sila ay darating din sa iyo. Pahintulutan Mo akong personal na ipagkatiwala ang tatlong iyon sa iyo. Sila ang pinakamamahal.»

«At sila ay mahal sa Akin. Huwag kang mag-alala, Juan. Sila ay hindi mawawala. Ni ang tatlong iyon, o ang iba pang tunay na mga disipulo. Iipunin Ko ang iyong pamana at titingnan ito bilang ang pinakamamahal na kayamanan na tinanggap galing sa isang perpektong kaibigan at lingkod ng Panginoon.»

Si Juan ay ipinatirapa ang sarili sa lupa, at kung ano ang tila imposible sa katulad niyang isang mahigpit na personahe, siya ay napaluha umiiyak gawa ng espirituwal na lugod.

Si Jesus ay ipinapatong ang Kanyang kamay sa kanyang ulo: «Ang iyong malugod at mapagpakumbabang mga luha ay kaisa ng isang matagal nang awit na sa tunog nito ang iyong maliit na puso ay napatalon gawa ng tuwa. Ang awit at ang iyong mga luha ay ang himno rin na iyon ng pagpupuri sa Eternal na Ama, Na “nakagawa ng dakilang mga bagay, Siya na Makapangyarihan, sa mga mabababang-loob na mga kaluluwa”. Ang Akin ding Ina ay malapit nang awitin muli ang awit na iyan na Kanyang inawit noon. Subalit pagkatapos, malaking kaluwalhatian ang mapapasa-Kanya katulad din sa iyo pagkatapos ng iyong martiryo. Inihahatid Ko rin sa iyo ang mga pagbati Niya. Karapat-dapat ka ng lahat na respeto at kaluwagan. Dito ito lamang ay ang kamay ng Anak ng tao na nakapatong sa iyong ulo, subalit ang Liwanag at Pag-ibig ay bumababa mula sa nakabukas na Langit upang pagpalain ka, Juan.»

«Hindi ako karapat-dapat ng labis. Ako ay ang Iyong lingkod.»

«Ikaw ay ang Aking Juan. Nang araw na iyon sa Jordan, Ako ay ang Mesiyas na ibinubunyag; dito, ngayon, ito ay ang iyong pinsan at Diyos Na ibig ibigay sa iyo ang viaticum ng Kanyang pag-ibig bilang Diyos at bilang isang kamag-anak. Tumayo ka, Juan. Magpalitan tayo ng halik sa pagpapaalam.»

«Hindi ako karapat-dapat ng labis. Labis ko iyan na pinananabikan, sa buong buhay ko. Ngunit ayaw kong pangahasan na gawin iyan sa iyo. Ikaw ay ang aking Diyos.

«Ako ay ang iyong Jesus. Paalam. Ang Aking kaluluwa ay malalapit sa iyong kaluluwa hanggang sa ang kapayapaan ay dumating. Mamuhay at mamatay sa kapayapaan alang-alang sa iyong mga disipulo. Iyan lamang ang maibibigay Ko sa iyo pansamantala. Subalit sa Langit bibigyan kita ng sandaang ibayo, sapagkat nakatagpo ka ng grasya sa mga mata ng Diyos.

Si Jesus ay binuhat siya at niyakap, hinahalikan Niya siya sa kanyang mga pisngi at Siya’y hinahalikan din niya. Pagkatapos si Juan ay lumuhod na muli at si Jesus ay ipinapatong ang dalawang kamay sa kanyang ulo at nagdarasal na ang Kanyang mga mata nakatingin sa Langit. Tila kinokonsagra Niya siya. Siya ay makabagbag-puso. Sila ay tahimik sa loob ng mga ilang sandali. At pagkatapos si Jesus ay umalis iniiwan ang Kanyang magiliw na huling salita: «Harinawang lagi mong makasama ang kapayapaan» at Siya’y lumakad sa daan na Kanyang kinuha dati.

061110

 



Sunod na kabanata