151. Sa Bahay ni Susanna sa Cana. Ang Makaharing Opisyal.

Mayo 1 1945.

Si Jesus ay posibleng pagawing lawa. Siya ay tiyak na nakarating sa Cana at ang Kanyang mga paghakbang ay patungo sa bahay ni Susanna. Ang Kanyang mga pinsan ay kasama Niya. Habang sila ay nasa loob ng bahay at nagpapahinga at kumakain nang kaunti, si Jesus, Na pinakikinggan ng Kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan katulad ng dati nilang gustong gawin, ay tinuturuan ang mga mabubuting taong ito ng napakasimpleng pamamaraan. Inaaliw din Niya ang asawa ni Susanna, na tila may sakit. Si Susanna sa katunayan ay wala rito at habang napapakinggan ko silang nagsasalitang tuluy-tuloy tungkol sa kung gaano si Susanna naghihirap, ang isang maayos-ang-pananamit na lalaki ay pumasok at ipinatírapa ang sarili sa paanan ni Jesus.

«Sino ka? Ano ang ibig mo?»

Habang ang lalaki ay nagbubuntung-hininga pa at umiiyak, ang may-ari ng bahay ay hinatak ang laylayan ng tunika ni Jesus at bumulong: «Siya ay isang opisyal ng Tetrarka. Huwag Mo siyang pagtiwalaan nang lubos.»

«Magsalita ka. Ano ang kailangan mo sa Akin?»

«Guro, napakinggan ko na Kayo ay bumalik. Matagal ko na Kayong hinihintay katulad ng paghihintay ng isa sa Diyos. Pumunta Kayo sa Capernaum kaagad. Ang aking anak ay malubha ang sakit upang ang kanyang mga oras ay bilang na. Nakita ko si Juan, ang Inyong disipulo. Sinabi niya sa akin na Kayo ay patungo rito. Halikayo, pakiusap na pumunta Kayo kaagad, bago mahuli na ang lahat.»

«Ano?  Kayo, isang lingkod ng taga-usig ng Banal Na Isa sa Israel, makapaniniwala sa Akin? Hindi ka naniniwala sa Precursor ng Mesiyas. Kung gayon, papaano ka makapaniniwala sa Mesiyas?»

«Totoo iyan. Kami ay may pagkakasala ng di-paniniwala at ng karahasan. Subalit maawa sa isang ama! Kilala ko si Chuza. Nakita ko na si Johanna. Nakita ko siya bago at pagkatapos ng himala. At naniniwala ako sa Inyo.»

«Tumahimik! Ikaw ay isang di-makapaniniwala at kasama ng masamang henerasyon na hindi makapaniniwala na walang mga tanda at mga himala. Nagkukulang ka ng esensiyal na kalidad na kinakailangan upang makakuha ng isang himala.»

«Totoo iyan. Ang lahat na iyan ay totoong-totoo. Ngunit nakikita Ninyo… naniniwala ako sa Inyo ngayon at pinakikiusapan ko Kayo: pumunta Kayo sa Capernaum kaagad! Maghahanda ako ng isang bangka para sa Inyo sa Tiberias, upang makarating Kayo nang mas mabilis. Subalit pakiusap na pumunta Kayo bago mamatay ang aking anak!» at siya ay umiyak nang malungkot na malungkot.

«Hindi Ako makakaalis ngayon. Ngunit pumunta ka sa Capernaum. Ang iyong anak ay magaling na mula sa sandaling ito at siya ay mabubuhay.»

«Pagpalain nawa Kayo ng Diyos, aking Panginoon. Naniniwala ako sa Inyo. Subalit sa dahilan na ibig kong salubungin Kayo ng lahat ng aking sambahayan kapag Kayo ay mapunta ng Capernaum, dumaan Kayo sa aking bahay.»

«Ako ay dadaan. Paalam. Ang kapayapaan ay sumaiyo.»

Ang mama ay mabilis na umalis at pagkatapos ang mga padyak ng isang kabayo ay narinig.

«Ngunit ang bata ba ay tunay na magaling na?» tanong ng asawa ni Susanna.

«Posible ba para sa iyo na Ako ay magsalita ng kasinungalingan?»

«Hindi, aking Panginoon. Ngunit Kayo ay naririto at ang bata ay naroroon.»

«Walang hadlang, walang distansiya para sa Aking espiritu.»

«Bueno, kung gayon, aking Panginoon. Ginawa Ninyong alak ang tubig sa aking kasal, pakiusap na gawin Ninyong mga ngiti ang aking mga luha. Pagalingin Ninyo si Susanna.»

«Ano ang ibibigay mo sa Akin bilang kapalit niyan?»

«Ang halagang pera na gusto Mo.»

«Hindi Ko babahiran ng dugo ni Mammon ang kung anuman ang banal. Ang itinatanong Ko ay kung ano ang maibibigay sa akin ng iyong espiritu.»

«Ang aking sarili, kung gusto Ninyo.»

«At kung Aking hingin, nang wala kahit na ano pa man na salita, ang isang dakilang sakripisyo?»

«Aking Panginoon, hinihingi ko na pagkalooban ng pisikal na kalusugan ang aking asawa at ang kabanalan naming lahat. Hindi ko iisiping kalabisan ang kahit ano pa man para lang mapagkalooban nito…»

«Nadarama mo ang mga aguniya dahil sa iyong asawa. Ngunit kung maibalik Ko siya sa kalusugan at makuha Ko siya upang maging isang disipulo Ko sa habang panahon, ano ang masasabi mo?»

«Na… Kayo ay may karapatan dito at na… gagayahin ko si Abraham sa kanyang kahandaan sa pagsakripisyo.»

«Tama ka. Makinig, lahat: ang panahon ng Aking sakripisyo ay papalapit na. Katulad sa daloy ng tubig ito ay napakabilis ang kilos at patuloy patungo sa karagatan. Kailangan Kong mapangyari ang kinakailangan Kong gawin. Ang katigasan ng tao ay nahahadlangan ang malaking bahagi ng larangan ng Aking misyon. Ang Aking Ina at si Maria ni Alfeo ay sasama sa Akin kapag Ako ay pupunta sa mga taong hindi nagmamahal sa Akin, hindi pa o hindi kailanman magmamahal sa Akin. Ang Aking karunungan ay alam na ang mga babae ay makakatulong sa Guro sa mga isinasarang mga lugar. Ako ay naparito upang matubos din ang mga babae at sa hinaharap na mga siglo, sa Aking panahon, ang mga babae ay makikitang paglilingkuran ang Panginoon at makikitang mga lingkod ng Panginoon bilang mga babaeng pari. Napili Ko na ang Aking mga disipulo. Subalit upang piliin ang mga babae kailangan Kong kausapin ang mga ama at mga asawa. Pumapayag ka ba?»

«Panginoon, minamahal ko si Susanna. At magpahanggang ngayon minahal ko siya nang higit bilang isang katawan kaysa bilang isang kaluluwa. Subalit pagkatapos ng Inyong turo, may bagay nang nagbago sa akin at tinitingnan ko ang aking asawa bilang isang kaluluwa bukod sa isang katawan. Ang isang kaluluwa ay pag-aari ng Diyos at Kayo ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. Hindi ko maipagkakait ang Inyong karapatan sa kung ano ang pag-aari ng Diyos. Kung si Susanna ay ibig Kayong sundan, hindi ko siya sasalungatin. Akin lamang tanging hinihiling sa Inyo na gawin ang himalang magpapagaling sa kanyang katawan at sa aking mga nararamdaman…»

«Si Susanna ay magaling na. Sa loob lamang ng kaunting oras siya ay pupunta rito upang sabihin sa iyo kung gaano siya kasaya ngayon. Hayaan ang kanyang kaluluwa na sundan ang pintig ng kanyang kaluluwa na wala kayong babanggitin tungkol sa kasasabi Ko pa lamang. Makikita ninyo na ang kanyang kaluluwa ay lalapit sa Akin nang kusa katulad ng isang apoy na pumapataas. Subalit gawa nito, ang kanyang pagmamahal bilang isang asawa ay hindi mapipigilan. Sa kabaligtaran ito ay tataas sa pinakamataas na antas, na siyang ang magmahalan sa isa’t isa sa mas mabuting bahagi: sa pamamagitan ng inyong mga kaluluwa.»

«Si Susanna ay pag-aari Ninyo, Panginoon. Siya ay namamatay na sa napakasakit na dahan-dahang kamatayan. At kapag siya ay patay na, mawawala siya sa akin sa habang panahon. Subalit ayon sa Inyong sinasabi, mananatili pa rin siya sa aking tabi, upang dalhin ako sa Inyong daan. Ang Diyos ay ibinigay Niya siya sa akin, at ang Diyos ay kinukuha Niya siya mula sa akin. Pagpalain nawa ang Kataastaasan sa pagbigay at pagkuha.»

071110




Sunod na kabanata