154. Si Jesus sa Cæsarea sa Karagatan Nagsasalita sa mga Alipin sa Barko.

Mayo 4, 1945.

Si Jesus ay nasa gitna ng isang magandang liwasan, mula kung saan ang isang napakaluwang na kalsada ay nagsisimula, isang kalsada na halos pagpapatuloy na ng liwasan hanggang sa baybayin. Ang isang pandigmaang barko ay maaaring kaaalis pa lamang sa daungan at ito ay papalaot tangay ng hangin at sa pamamagitan ng mga mananagwan. Ang isa pa ay nagmamanyobra upang makapasok sa daungan, sapagkat ang mga layag nito ay nakababa at ang hilera ng mga mananagwan ay tumatrabaho sa isang tabi lamang ng barko upang makaikot para sa isang tamang pusisyon. Ang daungan ay hindi makikita mula sa liwasan, ngunit maaaring ito ay nasa malapit lamang. Sa mga tabi ng liwasan ay may mga hilera ng mga bahay, na ang pangkaraniwang mga pader nito ay halos walang mga lagusan. Walang mga tindahan dito.

«Saan tayo papunta ngayon? Ibig Ninyong pumunta rito, sa halip na sa silangang gawi at ito ang distrito ng mga hentil. Sino sa palagay Ninyo ang makikinig sa Inyo rito?» sabi ni Pedro na naninisi.

«Tayo na sa banda roon, sa isang sulok na iyon pagawi ng baybayin, doon Ako magsasalita.»

«Magsasalita Kayo sa mga alon.»

«Ang mga alon ay nilikha din ng Diyos.»

Sila ay pumunta. Halos nasa sulok na sila at nakikita na nila ang daungan kung saan ang barkong nakita nila kanina ay dahan-dahan nang pumapasok at nakapuwesto na sa pagpupugalan nito. Ang ilang mandaragat ay nagpapalipas ng oras sa mga pantalan. Ang ilang mga nagtitinda ng mga prutas ay nagbabakasakaling makalapit sa barkong Romano upang ilako ang kanilang mga paninda. Wala nang iba,

Si Jesus nakasandal sa pader, ay tila tunay ngang magsasalita sa mga alon ng karagatan. Ang mga apostol, hindi labis na masaya tungkol sa sitwasyon, ay lahat nakapaligid sa Kanya, ang iba nakatayo, ang iba pa mga nakaupo sa mga batong nakakalat dito at doon, nakakalat upang magamit na mga mauupuan.

«Tanga ang isang tao na, nakikitang siya ay makapangyarihan, malusog at masaya, ay magsasabi: “Ano ang aking kailangan? Sino ang aking kailangan? Wala akong pangangailangan, ako ay sapat na sa sarili ko; kung kaya’t ang mga utos ng Diyos at ang mga moral na batas ay walang kabuluhan sa akin. Ang aking tanging batas ay ang gawin ang magagawa ko, na hindi tinitingnan kung ito ay mabuti o masama para sa ibang mga tao”.»

Ang isang maglalako ang lumingon nang marinig ang magandang tinig at lumapit kay Jesus Na nagpapatuloy sa pagsalita: «Ganyan ang isang lalaki at babae na walang karunungan at pananampalataya magsalita. Subalit kung ito ay nagpapatunay kahit na papaano tungkol sa isang malakas na kapangyarihan, nagpapatunay din ito ng isang relasyon sa Kasamaan.»

May ilang mga lalaki at ilang mga bangka ang lumabas galing sa barko at nagpatungo kay Jesus.

«Ang isang tao, hindi sa pamamagitan ng mga salita ng bunganga, bagkus sa pamamagitan ng mga gawa ay mapatutunayan niya na siya ay may relasyon sa Diyos at sa Birtud, kapag kanyang tinitingnan na ang buhay ay mas pabagu-bago kaysa sa mga alon ng karagatan, na sa isang sandali ay kalmante at pagkatapos masalimuot. Katulad din na ang kapangyarihan at kayamanan ngayon ay maaaring bukas maging paghihirap at kawalan. Pagkatapos ano ang gagawin ng isang tao kung siya ay mawalan ng pakikiisa sa Diyos? Ilan ang mga nasa barko na isang araw noon sila ay masasaya at mga makapangyarihan at ngayon ay mga alipin at tinitingnan na mga kriminal! Mga Kriminal: kung gayon dalawang ulit na mga alipin, alipin ng pantaong batas, na pinupulaan ngunit di mabago dahil ito ay naririyan at nagpaparusa sa mga lumalabag, at alipin ni Satanas na sa magpasawalang-hanggan ay siyang nagmamay-ari sa mga kriminal, na mga hindi nagsisisi at napopoot sa kanilang mga krimen.»

«Mabuhay, Guro! Kayo ay naririto!? Kilala Ninyo ako?»

«Harinawa na ang Diyos ay mapunta sa iyo, Publius Quintilianus. Kita Mo? Ako ay naparito.»

«At Kayo ay naririto, sa distrito ng Roma. Hindi na ako umaasa na makikita ko pa Kayo ulit. Ngunit ako ay nasisiyahan na mapakinggan Kayo.»

«At Ako ay masaya, rin. Marami bang mga tao ang nakatanikala sa mga sagwan ng barko?»

«Oo, medyo marami-rami rin,. Ang karamihan ay mga bihag ng digmaan. Interesado ba Kayo sa kanila?»

«Ibig Kong malapitan ang barkong iyan.»

«Halikayo. Lumayas kayo rito» inuutusan niya ang ilang mga tao na mga nakalapit at mga umalis naman kaagad na pabulung-bulong ng masasamang salita.

«Maaaring huwag mo na silang pansinin. Sanay na Ako na pinagkukumpulan ng mga pulutong.»

«Madadala ko lamang Kayo hanggang sa isang punto, hindi na lalampas pa. Ito ay isang pang-militar na barko.»

«Sapat na ito. Gantimpalaan ka nawa ng Diyos.»

Si Jesus ay nagpapatuloy sa pagsasalita habang ang Romano, sa kanyang maringal na uniporme, ay tila isang nakatalagang guwardiya sa tabi Niya.

«Mga alipin gawa ng kamalasan, ibig sabihin, alipin lamang nang isang beses. Mga alipin para sa buong buhay. Subalit ang bawat luha na pumapatak sa kanilang mga tanikala, ang bawat hampas na tumatama sa kanila na gumuguhit ng kirot sa kanilang laman, ay kumikikil sa kanilang mga posas, nag-aadorno sa kung ano ang hindi mamamatay, nagbubukas para sa kanila sa kapayapaan ng Diyos, Na siyang kaibigan ng Kanyang kaawa-awang di-masasayang anak, Na siyang magbibigay sa kanila ng lugod na kasing dami ng kirot na ipinaghirap nila.»

Ang ilan sa mga tripulante ng barko ay dumudungaw mula sa mga tanggulan ng barko at nakikinig. Wala sa mga alipin ng barko ang naroroon, siyempre. Subalit ang malakas na tinig ni Jesus ay tiyak na nararating sila sa pamamagitan ng mga butas na suután ng mga sagwan at ito ay kumakalat sa pamamagitan ng tahimik na hangin sa tag-hibas. Si Publius Quintilianus ay tinawag ng isang sundalo at umalis.

«Ibig Kong masabi sa mga di-masasayang taong ito na mga minamahal ng Diyos, na maging mapagtanggap ng kanilang kamalasan, at gawin ang kanilang mga kirot na maging mga apoy na siyang magkakalas pagdating ng araw sa mga tanikala ng galera at ng kanilang mga buhay, magtatapos sa pagmimithi para sa Diyos. Bilang naipaghirap na nila ang di-magandang araw, na siyang ating buhay, isang madilim, masalimuot, nakakatakot, masakit na araw, sila kung gayon ay papasukin nila ang araw ng Diyos, isang maningning, mapayapa, di-katatakutan at malugod na araw. Papasukin ninyo ang dakilang kapayapaan, ang walang-hangganang kalayaan ng Paraiso, o mga martir ng isang masakit na kapalaran, kung kayo ay mabubuti sa inyong paghihirap at minimithi ninyo ang Diyos.»

Si Publius Quintilianus ay bumalik na may kasamang iba pang mga sundalo at siya ay sinusundan ng isang kamilya dala ng mga alipin, at ang mga sundalo ay nagbigay daan para rito.

«Sino ang Diyos? Ako ay nagsasalita sa mga Hentil na hindi nag-aalam kung sino ang Diyos. Ako ay nagsasalita sa mga anak ng mga sambayanan na nasasakupan ngunit hindi nag-aalam kung sino ang Diyos. Sa inyong mga kakahuyan, o mga taga-Gaul, mga taga-Iberia, mga taga-Thracia, mga taga-Alemanya, taga-Celt, kayo ay may huwad diyos. Ang isang kaluluwa ay natural na nakakiling sa pagsamba, sapagkat naaalaala nito ang Langit. Ngunit hindi ninyo natatagpuan ang Totoong Diyos, Na siyang naglagay ng kaluluwa sa inyong mga katawan, isang kaluluwa na katumbas ng kaluluwa na mayroon kaming mga mamamayan ng Israel, katumbas ng kaluluwa ng napakalakas na mga Romano na nanakop sa inyo, isang kaluluwa na may katulad na mga katungkulan at mga karapatan sa Kabutihan at kung kanino ang Mabuting Isa, ibig sabihin ang totoong Diyos ay magiging matapat. Maging gayon din kayo katapat sa Kabutihan. Ang diyos o mga diyos na inyong sinamba magpahanggang ngayon, nalaman ang kanya o kanilang mga pangalan mula pa sa mga tuhod ng inyong mga ina; ang diyos na hindi na ninyo naiisip ngayon dahil wala kayong nararamdamang aliw na nagmumula sa kanya upang mapagaanan ang inyong paghihirap, ang diyos na baka inyong kinapopootan at sinusumpa sa inyong pang-araw-araw na kabiguan, ay hindi ang Totoong Diyos. Ang Totoong Diyos ay Pag-ibig at Kabanalan. Ang inyong mga diyos kaya ay ganyan? Hindi, hindi sila ganyan. At sila ay mga matitigas, malulupit, huwad, mga hipokrita, mabibisyo, mga magnanakaw. At ngayon kayo ay kanilang inabandona, nang wala ni kaunting kaginhawahan, na siyang pag-asa ng pagiging minamahal at siyang katiyakan na kapahingahan pagkatapos ng labis na paghihirap. Ito ay ganyan sapagkat ang inyong mga diyos ay totoong wala naman. Subalit ang Diyos, ang Totoong Diyos, Na siyang ang Pag-ibig at Kabanalan, at Siya na tinitiyak Ko sa inyo na naririyan, ay Siya na gumawa ng kalawakan, ng mga karagatan, ng mga bundok, ng mga kakahuyan, ng mga tanim, ng mga bulaklak, ng mga hayop, ng tao. Siya ang Isa Na nagpapasigla sa mga kongkistador na tratuhin ang mga kaawa-awang tao ng mundo nang may awa at pagmamahal, dahil Siya ay Awa at Pagmamahal.

O malalakas na mga panginoon, tingnan na kayong lahat ay nanggaling sa iisang pinagmulan. Huwag kumilos na may kalupitan laban sa mga tao na dahil sa kamalasan ay napapunta sa ilalim ng inyong kapangyarihan, at maging makatao rin sa mga tao na gawa ng krimen ay naitali sa upuan ng isang aliping mananagwan ng pandigmang barko. Ang tao ay maraming beses na nagkakasala. Walang tao ang walang mga kasalanan na kahit papaano ay lihim. Kung titingnan ninyo ito, kayo ay totoong magiging mabubuti sa inyong mga kapatid, na, mga hindi naging napaka suwerteng katulad ninyo, ay naparusahan para sa mga krimen na inyo ring nagagawa, subalit, hindi kayo naparurusahan katulad nila.

Ang pantaong hustisya ay gayon kaduda-dudang bagay sa paghuhusga, upang ito ay nakakatakot kung ang dibinong hustisya ay ganyan din. May mga nagkasalang tao na tila hindi ganito kung tingnan, samantalang ang mga inosente ay tinitingnan na nagkasala. Huwag na nating tanungin kung bakit. Napakabigat na akusasyon nito laban sa di-makatarungang mga tao na mga napopoot sa kanyang kapwa mga tao! May mga tao na totoong ngang mga nagkasala, subalit nangyayaring napananatili nila ang kanilang krimen sa pamamagitan ng nakapangingibabaw na mga kadahilanan na kahit na papaano ay nagagawa pang mabawasan nila ang kabigatan ng kanilang krimen. Maging mga makatao kung gayon, kayo na mga namamahala sa mga barko. Sa taas ng pantaong hustisya ay may mas mataas na dibinong hustisya. Ang hustisya ng Totoong Diyos, Na siyang naglikha sa mga hari at sa mga alipin, sa mga bato at mga butil ng buhangin. Siya ay pinagmamasdan Niya kayo; kapwa kayong nasa mga sagwan at kayo na mga namamahala sa mga tripulante; kapighatian ang darating sa inyo kung kayo ay magiging malulupit nang walang dahilan. Ako, si Jesucristo, ang Mesiyas ng Totoong Diyos ay matitiyak ito sa inyo: sa inyong kamatayan itatali Niya kayo sa eternal na panagwan, at ipagkakatiwala kayo sa mga dimonyo na may hawak ng may-dugong panghagupit at kayo ay pahihirapan at hahampasing eksakto katulad ng inyong ginawa. Sapagkat, kung ayon sa pantaong batas ang isang kriminal ay kailangan na parusahan, hindi kayo dapat na lumampas sa lahat na mga limitasyon. Tandaan iyan. Ang isang tao na makapangyarihan ngayon ay maaaring maging miserable bukas. Ang Diyos lamang ang eternal.

Ibig Kong baguhin ang inyong mga puso, at higit sa lahat ibig Kong kalagan kayo sa inyong mga pagkakatali, ibalik sa inyo ang inyong kalayaan at ibalik kayo sa inyong mga amangbayan. Ngunit, Aking minamahal na mga aliping mananagwan, kayo ay Aking mga kapatid, hindi ninyo nakikita ang Aking mukha, subalit ang inyong labis-na-nasugatang mga puso ay alam-na-alam Ko; sa halip ng kalayaan at ng mga amangbayan, na hindi Ko maibibigay sa inyo ngayon, habang kayo ay mga kaawa-awang alipin ng malalakas na tao, bibigyan Ko kayo ng mas dakilang kalayaan at Amangbayan. Alang-alang sa inyo Ako ay naging isang bilanggo rin Mismo, malayo sa Aking amangbayan, tutubusin Ko kayo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Aking Sarili bilang panubos, sapagkat hindi kayo ang kahihiyan ng mundo, katulad ng tawag sa inyo ng mga tao, bagkus ang kahihiyan ng tao, na kinalilimutan ang mga limitasyon ng mga kabagsikan ng digmaan at hustisya. Gagawa Ako ng bagong batas para sa inyo sa lupa at isang kaaya-ayang matutuluyan para sa inyo sa Langit. Tandaan ang Aking Pangalan, o mga anak ng Diyos, na mga umiiyak. Iyan ay ang pangalan ng isang Kaibigan. Ulitin ninyo iyan sa inyong paghihirap. Tiyakin na, kung minamahal ninyo Ako, mapapasainyo Ako, kahit na kung hindi tayo magkikita-kita sa lupa. Ako si Jesucristo, ang Tagapagligtas, ang inyong Kaibigan. Inaaliw Ko kayo sa ngalan ng Totoong Diyos. Harinawang dumating sa inyo ang kapayapaan sa nalalapit na araw.»

Isang pulutong ng mga tao, ang karamihan mga Romano, ang naipon sa paligid ni Jesus, na ang Kanyang bagong mga idea ay nakapagpataka sa lahat.

«Sa ngalan ni Jove! Sa ngalan ni Jove! Magagandang salita! Kailangan kong tandaan ang mga iyan! Sinabi Ninyo: “Kung ang tao ay gagamitin ang kanyang utak…”.»

«… hindi siya mapupunta sa hanggang makagawa siya ng isang krimen.»

«Iyan ay totoo. Kayo ay tunay ngang dakilang tao, alam Mo ba?»

«Ang bawat tao na may gusto, ay maaaring maging kasing dakila Ko, kung siya ay lahat kaisa ng Diyos.»

Ang Romano ay patuloy sa kanyang magkakasunod na mga «Sa ngalan ni Jove!» sa palaki-nang-palaking paghanga.

Pagkatapos si Jesus ay nagsabi sa kanya: «Maaari ba Akong magbigay ng kaunting kasiyahan sa mga aliping mananagwan? May kaunti Akong pera… ilang prutas, ilang kaaliwan, upang sana malaman nila na minamahal Ko sila.»

«Ibigay Ninyo sa akin iyan. Magagawa ko iyan. Sa kabilang dako may isang binibini sa banda roon na mas malaki ang magagawa. Tatanungin ko siya.» Si Publius ay pumunta sa kamilya at nagsasalita sa pamamagitan ng kurtina na medyo hinawi. Siya ay bumalik. «Ako ay pinahintulutan na gawin ito, ako ang bahala sa pamimigay, upang ang mga bantay sa mga bilanggo ay hindi ito pagsamantalahan. At ito lamang ang pagkakataon kung saan ang isang sundalo ng Imperyo ay makikitungo na may habag sa mga alipin ng digmaan.»

«Ang una, ngunit ang tanging pagkakataon. Ang araw ay darating kung saan wala nang mga alipin, at kahit bago pa nito ang Aking mga disipulo ay hahalo sa mga mananagwan ng barko at mga alipin at tatawagin silang mga kapatid.»

Isa pa uling magkakasunod na mga «Sa ngalan ni Jove!» ang maririnig sa kalmanteng hangin habang si Publius ay naghihintay upang magkaroon ng sapat na bilang ng alak at prutas para sa mga aliping mananagwan. Bago siya umakyat sa barko ibinulong niya sa tainga ni Jesus: «Si Claudia Procula ay naroroon. Ibig niyang mapakinggan Kayong muli. Sa pansamantala ibig niyang magtanong sa Inyo ng isang bagay. Pumunta Kayo at makipagkita sa kanya.»

Si Jesus ay pumunta sa kamilya.

«Mabuhay, Guro.» Ang kurtina ay nakahawi nang kaunti, nagpapakita ng isang magandang babae mga tatlumpung taong gulang ang edad.

«Harinawang ang mithiin para sa karunungan ay dumating sa iyo.»

«Sinabi Ninyo na ang kaluluwa ay naaalaala ang Langit. Kung gayon, ang bagay na iyan na sinasabi Ninyo na mayroon kami sa loob, iyan ba ay eternal?»

«Oo, iyan ay eternal. Kung kaya’t naaalaala nito ang Diyos. Naaalaala nito ang Diyos Na naglikha rito.»

«Ano ang kaluluwa?»

«Ang kaluluwa ay ang totoong kamaharlikahan ng tao. Ikaw ay kilalang-kilala sapagkat pag-aari ka ng pamilya Claudi. Mas lalo pa ang tao sapagkat pag-aari siya ng Diyos. Sa iyong mga ugat ay naririyan ang dugo ng Claudi, ang malakas na pamilya, na, bagama't, ay may pinagmulan at magkakaroon ng katapusan. Sa tao, dahil sa kanyang kaluluwa, ay nariyan ang dugo ng Diyos. Sapagkat ang kaluluwa ay ang espirituwal na dugo – sa dahilan na ang Diyos ay ang Pinakapurong Espiritu – ng Tagapaglikha ng tao: ng Eternal, Makapangyarihan, Banal na Diyos. Dahil sa kaluluwa, na nasa kanya at nabubuhay habang ito ay kaisa ng Diyos, ang tao ay eternal, makapangyarihan at banal.»

«Ako ay isang pagano. Kung gayon ako ay walang kaluluwa…»

«Mayroon ka nito. Subalit ito ay nasa pagkahimbing na kalagayan. Gisingin mo ito sa Katotohanan at sa Buhay…»

«Paalam, Guro.»

«Harinawang ang hustisya ay mapangibabawan ka. Paalam.»

«Ayon sa inyong nakita, dito rin ay may mga taong nakikinig sa Akin» sabi ni Jesus sa mga disipulo.

«Oo, subalit maliban sa mga Romano, sino kaya ang nakaintindi sa Inyo? Sila ay mga barbaro!»

«Sino? Lahat sila. Ang kapayapaan ay nasa sa kanila at maaalaala nila Ako nang higit pa kaysa sa iba sa Israel. Tayo na sa bahay kung saan tayo ay kanilang binibigyan ng pagtanggap na makakáin.»

«Guro, ang babaeng iyon ay ang babae ding nagsalita sa akin nang araw na pinagaling Ninyo ang maysakit na lalaki. Nakita ko siya at nakilala ko siya» sabi ni Juan.

«Nakikita ninyo, kung gayon, na kahit na rito ay may naghihintay sa atin. Ngunit kayo ay tila hindi lubos na masaya tungkol dito. Malaki na ang Aking nagawa kapag magtagumpay na Ako sa pagkumbinsi sa inyo na Ako ay naparito hindi lamang para sa mga Judeo, bagkus para sa lahat na mga tao, at maihanda Ko na kayong lahat para sa kanilang lahat. At sasabihin Ko sa inyo: alalahanin ang lahat tungkol sa inyong Guro. Walang pangyayari, gaano man ito tila kaliit, na hindi magiging isang aral para sa inyo isang araw sa loob ng inyong apostolado.»

Walang sinuman ang tumugon at isang malungkot na ngiti ang lumabas sa mga labì ni Jesus.

Ngayong umaga Siya ay may gayon ding ngiti para sa akin…

Ako ay nasa isang malalim na panghihina upang ako ay nagsimulang umiyak tungkol sa napakaraming bagay, ang kapaguran sa pagsusulat at pagsusulat na may matatag na paniniwala na ang labis na kagandahang-loob ng Diyos at ang pagtatrabaho ng munting Juan ay lubos na walang kapararakan. At umiiyak akong pinanawagan ang Guro, at dala ng kabaitan Niya Siya ay dumating para lamang sa Akin, sinabi ko sa Kanya kung ano ang nagpapaalala sa akin.

Ikinibit Niya ang Kanyang mga balikat na tila upang sabihin: “Kalimutan mo ang tungkol sa mundo at ang kalokohan nito», at pagkatapos nilalambing Niya ako nagsasabing: «Ano kung gayon? Ayaw mo na ba Akong tulungan? Ang mundo ba ay ayaw na malaman ang Aking mga salita? Bueno, ulitin natin ito sa ating dalawa, para sa Aking lugod na binabanggit ito sa isang matapat na puso, para sa iyo na mapakinggan ang mga ito. Ang kapaguran ng pag-aapostolado!... Mas nakapanghihina pa kaysa sa ibang mga trabaho! Napagkakaitan nito ng liwanag ang pinakamapayapang araw at ang pinakamatamis na pagkain ng katamisan nito. Ang lahat ay nagiging abo at dumi, nakasusuka at mapait. Ngunit, Aking mahal na kaluluwa, ito ang mga oras kung saan ipinapataw natin sa ating sarili ang panghihina, ang mga pagdududa, ang paghihirap ng mga makamundong tao na namamatay sapagkat hindi nila taglay ang mayroon tayo. At ito ang mga oras kung kailan mas lalo tayong magtatrabaho. Sinabi Ko rin ito nang nakaraang taon. “Sa anong kalamangan?” tanong ng kaluluwa na inilubog ng naglulubog sa mundo, ibig sabihin, ng mga alon na ipinadadala ni Satanas. At ang mundo ay nalulunod. Ngunit ang mga kaluluwa na nakapako sa krus kasama ang Diyos nito ay hindi nalulunod. Ito ay nasa dilim sa isang sandali at lulubog sa ilalim ng nakasusukang alon ng espirituwal na pagkapagod, pagkaraan ito ay lilitaw muli na mas sariwa at mas maganda. Ang iyong ekspresyon na: “Hindi na ako mapakikinabangan para sa kahit na ano” ay ang resulta ng ganyang kapaguran. Hindi ka kailanman magiging magaling kahit sa ano pa man. Ngunit Ako ay mananatiling laging Ako, at kung gayon lagi kang magiging magaling para sa iyong katungkulan na isang bunganga. Siyempre, kung nakikita Ko na ang Aking regalo ay nakatagong may kasakiman katulad ng mabigat na napaka mahalagang hiyas na bato, o kung ito ay ginagamit nang walang ingat, o dala ng katamaran ito ay hindi napoprotektahan sa pamamagitan ng pangkaligtasang mga pamamaraan na kinakailangan gawa ng kasamaan ng sangkatauhan sa mga ganitong kaso, upang mapanatili ang regalo at ang taong pinagkalooban ng regalo, sasabihin Ko: “Tama na iyan”. At sa pagkakataong ito (sasabihin Ko iyan) nang hindi na magkaroon ng ganitong pangyayari ulit. Tama na iyan para sa lahat, maliban sa Aking munting kaluluwa, na ngayon ay nagmumukhang katulad lamang ng isang maliit na bulaklak sa loob ng pagbuhos ng ulan. At sa mga paglalambing na ganyan mapagdududahan mo pa ba ang Aking pagmamahal sa iyo! Magsaya! Natulungan mo Ako noong panahon ng digmaan. Tulungan mo Ako ulit, ngayon… Napakarami ang kailangang gawin.»

At ako ay kumalma sa ilalim ng haplos ng mahabang kamay na iyon at ng napakabait na ngiti ng aking Jesus, napaka prangko katulad nang kung Siya ay lahat para sa akin.

091110


Sunod na kabanata