156. Si Annaleah Inilalaan ang Sarili sa Diyos Bilang Isang Birhen.

Mayo 6, 1945.

Si Jesus kasama sina Pedro, Andres at Juan, ay kumakatok sa pinto ng Kanyang bahay sa Nazareth. Ang pinto ay binuksan kaagad ng Kanyang Ina, Na ang mukha ay nagningning sa isang magandang ngiti nang makita si Jesus.

«Maligayang pagdating, Aking Anak! Mula pa kahapon may kasama Akong isang dalisay na kalapati na naghihintay sa iyo. Siya ay nanggaling sa malayo. Ang tao na nagdala sa kanya rito ay hindi na makapaghintay. Dahil humingi siya sa Akin ng payo, sinabi Ko sa kanya ang magagawa Ko. Ngunit tanging Ikaw lamang, Aking Anak, ang Karunungan. Kayo ay binabati Ko rin sa inyong pagdating» sabi Niya sa mga disipulo. «Pasok kayo at magpalamig.»

«Oo, manatili kayo rito. Titingnan Ko ang batang babae na naghihintay sa Akin.»

Ang tatlong disipulo ay mausisang mausisa, ngunit pinakikita nila ang kanilang mapag-usisa sa iba't ibang pamamaraan. Si Pedro ay sadyang tinititigan ang lahat nang direksiyon, halos ibig na makakita lampas sa pader. Si Juan ay tila ibig niyang mabasa sa mukha ni Maria ang pangalan ng di-kilalang batang babae. Si Andres, na sa kabilang dako ay namula, ay tinititigang sadya si Jesus at kapwa ang kanyang mga mata at mga labì ay nanginginig na may tahimik na pagsamo.

Si Jesus ay Niya hindi pinapansin ang sinuman sa kanila. Habang ang tatlo ay nagpapasya ng kanilang isip at pumupunta sa kusina, kung saan si Maria ay nagbibigay sa kanila ng ilang makakain sa init ng paapuyan, hinawi ni Jesus ang kurtina na nagtatakip sa pintuan na patungo sa pangkusinang-hardin at lumabas dumaraan dito.

Ang di-gaanong mainit na sikat ng araw ay nagagawang mas maaliwalas at tila isang panaginip ang mga namumulaklak na mga sanga ng mataas na puno ng almendras. Ang tanging puno na nasa pamumulaklak, pinakamataas sa pangkusinang-hardin, ay magandang tingnan sa sedang puting-klabel na tila siyang damit nito, kompara sa karukhaan ng lahat na iba pang puno: ng peras, mansanas, igos, granada, mga baging na hanggang ngayon ay wala pang mga dahon, ang almendras ay makahari sa malambot na makinang na pangibabaw nito, ibang-iba sa mapanglaw na kababaang-loob ng mga puno ng olibo. Ang almendras ay tila sa pamamagitan ng mahahabang sanga nito nakakuha ng isang manipis na ulap, mula sa kaasulan ng kalawakan, at pinang-adorno ito sa sarili upang sabihin sa lahat: «Ang mga kasalan sa loob ng  panahon ng tagsibol ay darating na. Magsaya, mga tanim at mga hayop. Panahon na ito ng mga halik kasama ang mga hangin, ang mga pukyutan, ang mga bulaklak. Panahon na ito ng mga halik sa ilalim ng mga tisa, o sa loob ng kakapalan ng mga kakahuyan, O! maliliit na ibon ng Diyos at niyebeng-kaputian na mga tupa. Mga halik ngayon, mga supling bukas, upang papamalagiin ang gawa ng ating Tagapaglikhang Diyos.»

Si Jesus na ang mga kamay nakatiklop sa Kanyang dibdib, nakatayo sa ilalim ng sikat ng araw, ay ngumingiti sa kayumihan ng pangkusinang-hardin ng Kanyang Ina, na may punlaan ng mga liryo na kitang-kita na ang unang mga dahon, nariyan ang wala-pa-ring mga dahon na mga tanim na rosas at ang mala-platang mga dahon ng olibo, at marami pang ibang mga pamilya ng mga bulaklak nakakalat sa abang punlaan ng mga legumbre at mga gulayin, na nagsisimula pa lamang na magkulay berde. Malinis, maayos at napakahinhin, tila inihihinga nitong palabas ang kadalisayan ng perpektong pagkabirhen.

Anak, halika sa Aking silid. Dadalhin Ko siya sa iyo, sapagkat siya ay tumakbo roon nang makarinig siya ng maraming tinig.»

Si Jesus ay pinasok Niya ang silid ng Kanyang Ina, ang basal, ang pinakabasal na maliit na silid, na nakarinig ng mga anghelikal na paguusap at ipinadadama nito nang higit pa kaysa ipinadadama ng pangkusinang-hardin, ang pambirhen, anghelikal, banal na esensiya ng Birhen Na tumira rito sa loob ng maraming taon at ang esensiya ng Arkanghel na nagpitagan sa Reyna rito. Nakaraan na ba ang tatlumpung taon o ang pagtatagpo ay kapapangyari pa lamang kahapon? Ngayon din ang isang sulidan ay kasama pa nito ang malambot at halos malaplatang bungkos ng lana at ang sulid nasa ikiran, ang nakaluping binuburdahan nasa salansanan malapit sa pintuan, sa pagitan ng isang rolyo ng pergamino at isang tansong pitsel kung saan ay may isang makapal na sanga ng almendras na nasa pamumulaklak; ngayon din ang may raya-rayang kurtina, nakababa sa misteryo ng tirahan ng Birhen, ay ginagalaw nang malumanay ng ihip ng hangin, at ang kama, maayos sa sulok nito, ay may magiliw na hitsura pa rin ng kama ng isang batang babae na nararating pa lamang ang edad ng pagdadalaga. Ano ang mapapanaginipan o napanaginipan ng isa sa ibabaw ng maninipis na unan na iyon?...

Ang kurtina ay marahang itinaas ng kamay ni Maria; si Jesus, Na pinagninilayan ang silid ng kadalisayan, nakatayong ang likod nasa pintuan, ay tumalikod.

«Naririto, Aking Anak. Dinala Ko siya sa iyo. Siya ay isang maliit na kordero. Ikaw ang kanyang Pastol» at si Maria, Na pumasok hawak sa kamay ang isang brunet na dalagita, na namula nang husto nang siya ay nagpakita kay Jesus, ay tahimik na umalis hinayaan ang kurtina na bumaba.

Kapayapaan sa iyo, anak.»

«Kapayapaan… Panginoon…» Ang bata, lubos na naaantig ang damdamin, ay hindi makapagsalita, ngunit siya ay lumuhod at iniyuko ang ulo.

«Tumayo ka. Ano ang ibig mo sa Akin? Huwag matakot…»

«Hindi ako natatakot… ngunit… ngayon na nakaharap na ako sa Inyo… pagkaraan ng paghihintay nang labis… ang kung ano ang tila madali at kailangan na sabihin sa Inyo… Hindi ko maalaala… ito ay tila hindi na katulad ng dati… Ako ay tanga… patawarin Ninyo ako, aking Panginoon…»

«Gusto mo ba ng grasya para sa mundong ito? Kailangan mo ba ng himala? May mga kaluluwa ka bang pababalikin sa Diyos? Hindi? Ano, kung gayon? Magsalita ka! Ikaw ay nagkaroon ng labis na lakas ng loob at ngayon pinanghihinaan ka? Hindi mo ba nalalaman na Ako ang Isa Na nagpaparami ng lakas? Oo? Nalalaman mo? Bueno, kung gayon, magsalita ka na tila Ako ay isang ama para sa iyo. Ikaw ay bata pa. Ilang taon ka na?»

«Labimpitong taon gulang, aking Panginoon.»

«Saan ka nanggaling?»

«Sa Herusalem.»

«Ano ang iyong pangalan?»

«Annaleah…»

«Ang mahal na pangalan ng Aking lola at ng marami pang banal na mga babae ng Israel, at idinugtong dito, upang maging isa lang, ang pangalan ng mabuti, matapat, mapagmahal, mababang-loob na asawa ni Jacob. Ito ay magiging isang mabuting pangitain sa iyo. Ikaw ay magiging isang huwarang asawa at ina. Hindi? Iniiling mo ang iyong ulo? Ikaw ay umiiyak? Ikaw ba ay tinanggihan? Hindi? Ang iyong kasintahan kaya ay namatay? Wala pa bang nagtapat ng pag-ibig sa iyo?»

Ang bata ay laging iniiling ang ulo. Si Jesus ay lumapit, hinahaplos siya at pinilit siyang itaas ang kanyang ulo at tingnan Siya… Ang ngiti ni Jesus ay napangibabawan ang pagkabalisa ng bata. Lumakas ang kanyang loob: «Aking Panginoon, maaari akong maging isang asawa at isang masayang asawa, salamat sa Inyo. Hindi ba ninyo ako natatandaan, Aking Panginoon? Ako ang batang nagkasakit ng TB, ang namamatay na katipan, na pinagaling Ninyo sa pakiusap ni Juan… Pagkatapos ng Inyong grasya ako… nagkaroon ako ng bagong katawan: ang malusog na katawang ito sa lugar ng namamatay na isa noon; at nagkaroon ako ng ibang kaluluwa… Hindi ko alam. Iba na ang aking pakiramdam… Ang lugod sa pagkakágaling, at dahil dito ang katiyakan na makapag-aasawa – ang ikinalungkot ko noon kung mamatay ay ang hindi ako makakapag-asawa – ito ay tumagal lamang nang kaunting oras. At pagkatapos…» Ang bata ay paprangko na nang paprangko, natagpuan niya ang mga salita at ang mga idea na nawala sa kanya sa kabalisahan nang makasama niyang sarilinan ang Guro…«…At naramdaman ko na ako ay kailangan na hindi maging makasarili, at sabihin lamang: “Ngayon magiging masaya na ako”, bagkus kailangan ko na mag-isip ng tungkol sa ibang bagay, isang bagay na dumating sa Inyo at sa Diyos, Inyong Ama at akin. Isang bagay na, bagama't maliit, ay kailangan na mabigkas nito ang aking pasasalamat. Inisip kong mabuti ang bagay na ito at noong sumunod na Sabbath nakita ko ang aking katipan at sinabi ko sa kanya: “Makinig, Samuel. Kung wala ang himala ako ay namatay na sana sa loob lamang ng ilang buwan noon at nawala na sana ako sa iyo sa habang panahon. Ngayon ay ibig kong maghandog ng sakripisyo sa Diyos, kasama ka, upang sabihin sa Diyos na pinupuri ko Siya at pinasasalamatan ko Siya”. At si Samuel, dahil minamahal niya ako, ay sinabi kaagad: “Tayo na sa Templo na magkasama at maghandog ng sakripisyo”. Ngunit hindi iyon ang ibig ko. Ako ay isang mahirap at isang pangkaraniwang babae, aking Panginoon. Kakaunti lamang ang aking nalalaman at mas kakaunti ang aking magagawa. Ngunit sa pamamagitan ng Inyong kamay, na Inyong ipinatong sa aking may sakit na dibdib, may isang bagay na dumating hindi lamang sa aking nabubulok na mga baga, bagkus sa puso ko rin. Iyon ay kalusugan sa aking mga baga, at karunungan sa aking puso. At aking nabatid na ang sakripisyo ng isang kordero ay hindi ang ibig ko sa pamamagitan ng aking kaluluwa na… na nagmamahal sa Inyo.» Ang bata ay tumahimik. Namumula pagkatapos ng pagtatapat ng pag-ibig.

«Magpatuloy ka nang walang takot. Ano ang ginusto ng iyong kaluluwa?»

«Ang magsakripisyo ng isang bagay na karapat-dapat sa Inyo, Anak ng Diyos! At kung gayon… kung kaya’t inisip ko na ito ay kailangan na isang bagay na espirituwal katulad ng kung ano ang nanggagaling sa Diyos, ibig sabihin, ang sakripisyo na huwag ituloy ang aking kasal, alang-alang sa Inyo, aking Tagapagligtas. Ang isang kasal, nalalaman Ninyo, ay isang malaking kasayahan. Kapag ang isa ay umiibig ito ay isang malaking bagay! Ang isa ay ibig… ay nananabik na ipagdiwang ito!... Ngunit hindi na ako ang dating tao katulad nang nakaraang ilang araw. Ayaw ko na ang aking kasal bilang ang pinaka-aasam na bagay… Sinabi ko kay Samuel… at naintindihan niya ako. Ibig rin niya na maging isang Nazir sa loob nang isang taon, simula sa araw na siyang amin sanang araw ng kasal, ang araw pagkatapos ng buwan ng Adar. Pansamantala hinahanap niya Kayo, sapagkat ibig niyang mahalin at makilala Kayo Na nagbigay ulit sa kanya ng kanyang katipan: Kayo. At nakita niya Kayo, pagkaraan ng maraming buwan, sa Clear Water. Ako ay pumunta rin… at ang Inyong mga salita ay kinumpleto nito ang pagbabago ng aking puso. Ngayon ang aking dating panata ay hindi na sapat sa akin… Katulad ng púno ng almendras na iyon doon, na sa painit-nang-painit na sikat ng araw ay nanumbalik pagkaraan ng pagiging patay sa loob ng maraming buwan at namulaklak at nagkadahon at pagkatapos namunga, kung kaya’t ako ay patuloy na lumago sa kaalaman tungkol sa kung ano ang mas mabuti. Nang nakaraan, nang ako ay nakatitiyak na sa aking sarili at kung para sa ano ang aking gusto – inisip ko ang tungkol sa bagay na ito nang nakaraang mga buwan – nang huli kong pagpunta sa Clear Water, Kayo ay wala na roon… Kayo ay kanila nang pinalayas. Ako ay umiyak at nanalangin nang labis upang ang Kataastaasan ay pinakinggan ako at nakumbinsi ang aking ina na ipadala ako rito sa pamamagitan ng isang kamag-anak na papuntang Tiberias upang makipagusap sa mensahero ng Tetrarka. Ang tagapangasiwa ay sinabi sa akin na matatagpuan ko Kayo rito. Natagpuan ko ang Inyong Ina… at ang Kanyang mga salita, ang tanging pakikinig lamang sa Kanya at makatabi Siya sa loob ng dalawang araw na iyon, ay ganap na pinagulang ang bunga ng Inyong grasya.» Ang bata ay lumuhod na tila siya ay nasa harapan ng isang altar, ang kanyang mga kamay nakatiklop sa kanyang dibdib.

«O sige. Ngunit ano ba ang eksaktong gusto mo? Ano ang Aking maaaring magawa para sa iyo?»

«Panginoon, ibig kong… Gusto ko ng malaking bagay. At tanging Kayo lamang, ang Tagapagkaloob ng buhay at kalusugan, ang makapagbibigay nito sa akin, sapagkat sa aking palagay ang Inyong naibibigay, ay mababawi rin Ninyo… Ibig kong kunin Ninyo ulit ang buhay na binigay Ninyo sa akin, sa loob ng taon ng aking panata, bago ito matapos…»

«Bakit? Hindi ka ba nasisiyahan sa Diyos dahil sa buhay na iyong tinanggap?»

«Lubos na nagpapasalamat! Walang-hangganan! Ngunit para sa isang bagay lamang: sapagkat sa pamumuhay sa pamamagitan ng Kanyang grasya at sa pamamagitan ng Inyong himala naintindihan ko kung ano ang pinakamabuti.»

«Na ito ay?»

«Na ang mabuhay katulad ng mga anghel. Katulad ng Inyong Ina, aking Panginoon… Katulad ng Inyong pamumuhay… katulad ng pamumuhay ng Inyong si Juan… Ang tatlong liryo, ang tatlong puting apoy, ang tatlong beatitude ng lupa, aking Panginoon. Oo. Sapagkat sa aking palagay ito ay isang beatitude ang maari ang Diyos at ang Diyos ay naaari ng dalisay. Naniniwala ako na sinuman ang dalisay ay isang Langit kasama ang Diyos sa gitna nito at ang mga anghel sa paligid… O! Aking Panginoon! Iyan ang ibig ko… Kakaunti ang aking napakinggan sa kung ano ang nasabi na Ninyo, ng Inyong Ina, ng disipulo at ni Isaac. Ni wala akong nilapitan na iba na makapagsasabi sa akin tungkol sa inyong mga salita. Ngunit ang aking pakiramdam ay tila napapakinggan ko Kayo ng aking kaluluwa sa lahat ng oras at Kayo ang Guro nito… Nasabi ko na sa Inyo ang lahat, aking Panginoon…»

«Annaleah, ikaw ay humihingi nang labis at nagbibigay ka nang labis… Anak: naintindihan mo ang Diyos at ang perpeksiyon kung saan ang isang nilikha ay makatataas upang maging katulad ng Pinakapuro at mabigyan ng lugod ang Pinakapuro.»

Si Jesus ay hinahawakan ng Kanyang mga kamay ang mga panabi ng ulo ng maitim-na-buhok na batang babae, na nakaluhod sa harapan Niya at nagsasalita Siya na nakayuko sa kanya: «Siya Na ipinanganak ng isang Birhen – sapagkat Siya ay bagkus makapagtatayo ng Kanyang pugad sa ibabaw ng tambak na mga liryo – ay naduduwal, Aking mahal na anak, dahil sa tripleng kahalayan ng mundo at Siya ay nadudurog nang labis sa pagsusuka kung ang Kanyang Ama, Na nakaaalam kung saan ang Kanyang Anak namumuhay, ay hindi makikialam sa pamamagitan ng nagmamahal na tulong upang masuportahan ang Aking kaluluwa sa paghihirap ng kalooban. Ang mga dalisay ay ang Aking lugod. Ibinibigay mo sa Akin kung ano ang kinukuha sa Akin ng mundo sa pamamagitan ng walang-katapusang pagpapakasama. Harinawang ang Ama at ikaw, mahal na batang babae, ay pagpalain para diyan. Humayo nang masaya. May mangyayari upang ang iyong panata ay maging isang eternal na panata. Maging isa sa mga liryo na nakakalat sa may-dugong mga daan ng Kristo.»

«O! aking Panginoon… mayroon pang isang bagay na ibig ko…»

«Alin?»

«Ang maging wala ako sa Inyong kamatayan… Hindi ko Siya makikitang mamamatay, Na siyang aking Buhay.»

Si Jesus ay may kabaitan na ngumingiti at sa pamamagitan ng Kanyang kamay inaalis Niya ang mga luhang dumadaloy sa maliit na madilim na mukha ng bata. «Huwag umiyak. Ang mga liryo ay kailanman hindi nagluluksa. Ikaw ay ngingiti kasama ang lahat na perlas ng iyong anghelikal na korona kapag makita mo ang kinoronahang Hari na pumapasok sa Kanyang Kaharian. Lakad na. Harinawang ang Espiritu ng Panginoon ay turuan ka habang Ako ay nasa malayo. pinagpapalà kita sa pamamagitan ng apoy ng Eternal na Pag-ibig.»

Si Jesus ay dumudungaw sa pangkusinang-hardin at tumawag: «Inay! Naririto ang munting bata, siya ay lahat sa Inyo. Siya ay masaya na ngayon. Ngunit ilubog mo siya sa Inyong kadalisayan sa tuwing pupunta tayo sa Banal na Siyudad, upang siya ay sana maging niyebe ng selestiyal na mga talulot nakakalat sa trono ng Kordero.» At si Jesus ay bumalik sa Kanyang mga disipulo, habang si Maria ay hinahaplos ang bata at nananatiling kasama niya.

Sina Pedro, Andres at Juan ay tinitingnan Siya na may pagtatanong. At ang maningning na mukha ni Jesus ay sinasabi sa kanila na Siya ay masaya. Si Pedro ay hindi makapagpigil na hindi magtanong: «Sino ang nakausap Ninyo nang matagal, aking Guro? At ano ang Inyong narinig upang Kayo ay magningning sa tuwa?»

«Isang babae na nasa pagsikat ng kanyang buhay, siya na magiging ang pagsikat ng marami pang iba na darating.»

«Sino?»

«Ang mga birhen.»

Si Andres ay bumubulung-bulong, sa mahinang tinig, sa kanyang sarili: «Ito ay hindi siya…»

«Hindi. Iyon ay hindi siya. Ngunit huwag kang mapagod sa pagdarasal, maging mabuti at mapasyensiya. Ang bawat salita ng iyong panalangin ay isang panawagan, isang liwanag sa dilim at iyan ay sumusuporta at gumagabay sa kanya.»

«Ngunit sino ang hinihintay ng aking kapatid?»

«Isang kaluluwa, Pedro. Isang malaking karukhaan na ibig niyang mapalitan ng pagiging dakilang kayamanan.»

«At saan ni Andres natagpuan ito, dahil hindi naman siya umiikot, hindi siya kailanman nagsasalita, at siya ay isang uri ng kaawa-awang mamâ?»

«Sa Aking daan. Sumama ka sa Akin, Andres. Tayo na at tingnan natin si Alfeo at pagpalain natin siya kasama ang kanyang maraming mga apo. Maghintay ka sa Akin sa bahay nina Santiago at Judas. Ang Aking Ina ay ibig na mag-isa sa buong araw.»

At habang sila ay umaalis, ang iba patungo rito, ang iba patungo roon, ang kalihiman ay binabalot nito ang lugod ng unang babaeng ikinunsagra sa pagkabirhen alang-alang kay Kristo.

091110 

 



Sunod na kabanata