157. Tagubilin sa mga Babaeng Disipulo sa Nazareth.

Mayo 7, 1945.

Si Jesus ay nasa Nazareth pa rin, sa bahay. Kung baga, Siya ay nasa lumang pagawaan ng karpintero. Ang labindalawang apostol ay kasama Niya pati rin si Maria, si Maria na ina nina Santiago at Judas, si Salome, si Susanna, at, isang bago, si Martha. Isang tunay ngang namimighating Martha, na may malinaw na mga tanda ng mga luha sa ibaba ng kanyang mga mata. Isang Martha na nawawala at natatakot sa pagiging nag-iisa sa presensya ng ibang mga tao at higit sa lahat sa presensya ng Ina ng Panginoon. Si Maria ay nagsisikap na makilala ang ibang mga babae at mapagaanan si Martha ng kanyang pagkabalisa na nakikita Niya na naghihirap. Subalit ang puso ng kaawa-awang Martha ay tila mas lalong lumalaki sa mga paghaplos ni Maria. Namumula’t naluluhâng salit-salitan sa ilalim ng kanyang talukbong, na hinihilang napakababa sa kanyang kapighatian at kabalisahan.

Si Juan ay pumasok kasama si Santiago ni Alfeo. «Siya ay wala roon, aking Panginoon. Siya at ang kanyang asawa ay mga panauhin ng kanyang mga kaibigan. Iyan ang sinabi ng mga katulong» sabi ni Juan.

«Siya ay tiyak na malulungkot. Subalit lagi na niya Kayong makikita at tatanggapin ang Inyong mga tagubilin» paghinuha ni Santiago ni Alfeo.

«O sige. Ang grupo ng mga babaeng disipulo ay wala rito ayon sa Aking inaasahan. Subalit, nakikita ninyo, na si Martha, ang anak na babae ni Theophilus at kapatid ni Lazarus, ay naririto sa katauhan ng ausenteng si Johanna. Ang mga disipulo ay kilala kung sino si Martha. Gayon din naman ang Aking Ina. Ikaw din, Maria, at baka ikaw din, Salome, ay napakinggan na ninyo mula sa inyong mga anak kung sino si Martha, hindi labis bilang isang babae ayon sa mundo, bagkus bilang isang nilikha sa mga mata ng Diyos. At ikaw, Martha, sa kabilang dako, ay nakikilala mo na kung sino ang mga babaeng ito, na mga tumatanaw sa iyo bilang kanilang kapatid at nagmamahal sa iyo nang labis. Ikaw ay kanilang kapatid at anak. At ikaw ay nasa malaking pangangailangan ng kanilang pagmamahal, Aking mahal na Martha, upang sana matamasa mo ang kaginhawahan ng kanilang magiliw na pagmamahal, na hindi ipinagbabawal ng Diyos, bagkus ibinigay sa tao upang masuportahan siya sa kapaguran ng buhay. At ang Diyos ay dinala ka rito kung kailan Aking ilalatag ang, masasabi Ko na, pundasyon upang ibigay sa inyo ang lona kung saan inyong ibuburda ang inyong perpeksiyon ng mga disipulo.

Ang ibig sabihin ng disipulo ay ang sundan ang disiplina ng Guro, ng Kanyang doktrina. Kung gayon, sa malawak na ibig-sabihin, ang lahat na tao ngayon, at sa mga siglo pang darating, na susunod sa Aking doktrina, ay tatawaging mga disipulo. At upang maiwasan ang pagbanggit ng maraming pangalan, sa pagsasabing: mga disipulo ni Jesus ayon sa pagtuturo ni Pedro at ni Andres, ni Santiago o ni Juan, ni Simon o ni Felipe, ni Judas o ni Bartolomeo, o ni Tomas at ni Mateo, sila ay tatawaging mga kristiyano sa isang salita lamang, isang salita na mapag-iisa silang lahat sa ilalim ng iisang tanda lamang. Subalit sa napakalaking bilang ng mga (taong) susunod sa Aking disiplina napili Ko na ang (mga) una at ang mga pangalawa at ganito rin ang mangyayari sa buong mga siglo (ayon) sa pag-alaala sa Akin. Katulad sa Templo, at kahit na noong bago pa man, noong mga araw ni Moses, ay mayroong isang Pontipise, may mga pari, mga Levita, may mga taong may pananagutan sa iba’t ibang mga serbisyo, mga tanggapan at mga katungkulan, may mga mang-aawit at iba pa, kung kaya’t sa Aking bagong Templo, na kasing laki ng mundo, na tatagal katulad ng pagtagal ng mundo, ay magkakaroon ng mga nakatátaas at mga nakababába, lahat mapakikinabangan at minamahal Ko, at magkakaroon bilang karagdagan, ng mga kababaihan, ang bagong kategoriya, na laging hinahamak ngayon ng Israel, itatalaga lamang para sa mga awitin ng mga birhen sa Templo o sa pagtuturo sa mga birhen sa Templo. Ngunit wala nang iba pa.

Huwag pagusapan kung iyan ay tama o hindi. Sa saradong relihiyon ng Israel at noong mga araw ng Galit iyan ay tama lang. Lahat na kahihiyan ay bumagsak sa kababaihan, ang pinanggalingan ng orihinal na kasalanan. Sa unibersal na relihiyon ng Kristo at sa loob ng mga araw ng Kapatawaran ang lahat na iyan ay binago. Ang lahat na Grasya ay inipon sa isang Babae at Kanya itong dinala sa mundo, upang sana ito ay matubos. Ang Babae kung gayon ay hindi na ang ikinagagalit ng Diyos, bagkus ang tulong ng Diyos. At sa pamamagitan ng Babaeng iyon, minamahal ng Panginoon, ang lahat na babae ay maaaring maging mga disipulo ng Panginoon, hindi lamang bilang isang grupo ng mga tagasunod, bagkus bilang mga menor na mga paring babae, mga assistante sa mga pari, kung kanino makapagbibigay sila ng labis na tulong sa tabi nila at sa mga naniniwala at di-naniniwala, sa mga dadalhin sa Diyos hindi labis sa pamamagitan ng tawag ng banal na mga salita katulad sa ito ay sa pamamagitan ng banal na ngiti ng isa sa Aking mga babaeng disipulo.

Hiningi ninyo na sundan Ako, katulad ng ginagawa ng mga lalaki. Subalit, ang tungkol sa inyo, ito ay napakaliit para sa Akin, kung kayo ay pupunta lamang, makikinig lamang at magsasabuhay lamang. Ito ay magiging inyong pagpapakabanal. Isang malaking bagay. Ngunit hindi pa sapat para sa Akin. Ako ay ang Anak ng Absulutong Isa at gusto Ko ang absuluto para sa mga minamahal Ko. Ang ibig Ko ay lahat, sapagkat ibinigay Ko ang lahat.

Dagdag pa, hindi lamang Ako ang naririto, naririyan din ang mundo. Ang teribleng bagay na ito, ang mundo. Ito ay kailangan na maging kamangha-mangha sa kabanalan: isang walang-hangganang kabanalan, maging sa bilang at kapangyarihan, ng multitud ng mga anak ng Diyos. Sa halip ito ay naging kamangha-mangha sa kasamaan. Ang ganap na kasamaan nito ay tunay ngang walang-hangganan gawa ng bilang ng mga pagpapakita nito at ng kapangyarihan ng mga bisyo nito. Ang lahat na kasalanan ay nasa mundo, na hindi ang multitud ng mga anak ng Diyos, bagkus ang multitud ng mga anak ni Satanas, at higit sa lahat, ang kasalanan na nagtataglay ng pinakamalinaw na tanda ng pinanggagalingang-ama  nito ay lubos na buháy: kapootan. Ang mundo ay napopoot. Ang sinuman na napopoot ay nakakakita ng kasamaan kahit na sa pinakabanal na mga bagay, at ibig na ang ibang mga tao ay makakita ng kasamaan, kahit na kung hindi nila ito nakikita. Kung tatanungin ninyo ang mundo kung bakit Ako naparito, hindi nito sasabihin sa inyo: “Upang gumawa ng mabuti at makapagtubos”. Bagkus sasabihin nito: “Upang magpasamâ at mangamkam”. Kung tatanungin ninyo ang mundo kung ano ang iniisip nito tungkol sa inyo na sumusunod sa Akin, hindi nito sasabihin: “Sinusundan ninyo Siya upang maging banal at makapagbigay ng kaginhawahan sa Guro, sa pamamagitan ng kabanalan at kadalisayan”. Bagkus sasabihin nito: “Sinusundan ninyo Siya sapagkat kayo ay nirahuyo ng taong iyan”.

Ganyan ang mundo. At sinasabi Ko rin iyan sa inyo, upang isipin ninyo ang lahat bago ninyo ipakita ang inyong sarili sa mundo bilang mga piniling babaeng disipulo, mga tagapagsimula sa hinaharap ng pamilya ng mga babaeng disipulo, mga kapwa-tagapamahala ng mga lingkod ng Panginoon. Kunin at ilagay ninyo ang inyong mga puso sa ibabaw ng inyong mga palad, at sabihin sa mga ito, sa sensitibong mga puso ng mga babae, na kayo, at ang inyong mga puso kasama ninyo, ay hahamakin, sisiraan ng puri, duduraan, tatapakan ng mundo, ng pangungutya, ng kasinungalingan, ng kalupitan ng mundo. Tanungin ninyo ang inyong mga puso kung sila ay makakayanang tanggapin ang lahat na sugat na hindi sisigaw gawa ng galit, magmumura sa mga nanugat nito. Tanungin sila kung sa pakiramdam nila mahaharap nila ang moral na martiryo ng paninirang-puri na hindi kapopootan ang mga naninirang-puri at ang Dahilan para kung Kanino sila ay sinisiraan ng puri. Tanungin sila na, kung matapos mababad at mapuno ng inggit ng mundo, makapagpapalabas pa rin sila lagi ng pagmamahal, kung matapos silang lasunin  makapipiga pa sila ng pulot, kung pinahihirapan ng lahat na mga pagpapahirap ng kalituhan, ng pangungutya, ng malisyosong tsismis, magagawa pa nilang ngumiti, itinuturo ang Langit, ang kanilang tinatangka, kung saan ibig ninyong dalhin ang ibang mga tao, dala ng pambabaeng karidad, na siyang maka-inang karidad na nasa mga dalaga din, maka-ina pa rin kahit na kung ipinaaabot sa matatandang tao na maaaring mga ninuno na inyo, subalit mga espirituwal na mga sanggol na kapapanganak pa lamang at wala pang kakayahan na makaintindi at makapag-isa sa daan, sa buhay, sa katotohanan, sa karunungan na siyang ipinarito Ko na dalhin,  sa pamamagitan ng pagbibigay ng Aking Sarili: Daan, Buhay, Katotohanan, dibinong Karunungan. Mamahalin Ko pa rin kayo gayunpaman kung sasabihin ninyo sa Akin: “Wala sa akin ang lakas, aking Panginoon, na harapin ang buong mundo para sa Inyo”.

Kahapon Ako ay pinakiusapan ng isang batang babae na isakripisyo Ko siya, bago dumating ang oras ng kanyang kasal, sapagkat sa kanyang pakiramdam minamahal niya Ako, katulad na ang Diyos ay dapat na mahalin; ibig sabihin ng kanyang buong sarili, na may absulutong perpeksiyon ng pagbibigay ng kanyang sarili. At gagawin Ko ito. Itinago Ko ang oras sa kanya, upang ang kanyang kaluluwa ay sana hindi manginig sa takot, o ang kanyang katawan higit pa sa kanyang kaluluwa. Ang kanyang kamatayan ay magiging katulad ng katapusan ng isang bulaklak, na isinasara ang korola sa gabi, iniisip na ito ay magbubuka muli sa susunod na araw, subalit ito ay hindi na magbubuka muli, sapagkat ang halik ng gabi ay nasipsip nito ang buhay. At gagawin Ko ito, ayon sa kanyang minimithi, na iniaabante ang kanyang panghihingalay sa kamatayan mga ilang araw bago ng Akin. Upang ang Aking unang birhen na ito ay sana hindi mapaghintay nang matagal sa limbo, at matagpuan ko sana siya kaagad pagkatapos ng Aking kamatayan…

Huwag umiyak! Ako ang Tagapagtubos… Ang banal na batang babae na ito ay hindi hiningi na sundan Ako. Subalit hindi niya nilimitahan ang kanyang sarili sa mga hosana kaagad-agad pagkatapos ng himala, bagkus trinabaho niya ang himala na tila ito ay isang pera na ipinuhunan nang may interes, at mula sa pantaong pagpapasalamat siya ay nakatawid sa sobrenatural pagpapasalamat, mula sa panlupang mithiin patungo sa makalangit na mithiin, nagpapakita ng kagulangan sa espiritu, na mas mataas kaysa halos kanino pa mang kagulangan. Sinabi Ko “halos” sapagkat sa pagitan ninyo na mga nakikinig sa Akin, ay may mga perpeksiyon na katumbas at baka mas mahigit pa. Hindi niya hiningi na sundan Ako, hindi, ipinakita niya ang mithiin na pangyarihin ang kanyang ebolusyon mula sa pagiging isang babae patungo sa pagiging isang anghel sa kalihiman ng kanyang tinitirhan. At labis Ko siyang minamahal upang sa mga oras ng pagka-uyam sa kung ano ang mundo, maaalaala Ko ang mabait na nilikhang ito, pinagpapalà ang Ama, Na nagpupunas ng Aking mga luha at pawis ng isang Guro sa mundo na ayaw sa Akin, sa pamamagitan ng mga ganyang bulaklak ng pag-ibig at kadalisayan. 

Subalit kung ibig ninyo, kung may lakas-ng-loob kayong manatiling mga piniling babaeng disipulo, tingnan, ituturo Ko sa inyo ang gawaing kailangan ninyong gawin upang mapangatwiranan ang inyong presensya at ang inyong pagkapili malapit sa Akin at malapit sa mga santo ng Panginoon. Makagagawa kayo nang labis sa pagitan ng inyong kapwa mga nilikha at para sa mga ministro ng Panginoon.

Nabanggit Ko na ito kay Maria ni Alfeo maraming buwan na ang nakararaan. Gaano kalaki ang pangangailangan na magkaroon ng isang babae malapit sa altar ng Kristo! Ang walang katapusang mga paghihirap ng mundo ay mas mapagagaling at nang mas mabuti pa ng isang babae kaysa ng isang lalaki, at pagkatapos dadalhin sa lalaki upang ganap na mapagaling. Maraming mga puso, lalo na ng mga babae, ang ibubukas sa inyo, O! mga babaeng disipulo. Kailangan na tanggapin ninyo sila na tila sila ay mga mahal na anak na nailigaw na mga bumabalik sa bahay ng kanilang ama at hindi makapaglakas-loob na harapin ang kanilang mga magulang. Kayo ang mga magpapaginhawang muli sa may kasalanan at magpapakalma sa kalooban ng hukom. Marami ang pupunta sa inyo naghahanap sa Diyos. Tatanggapin ninyo sila na tila sila ay mga pagod na mga peregrino, nagsasabing: “Ito ang tahanan ng Panginoon, Siya ay darating kaagad dito”, at sa pansamantala babalutin ninyo sila ng inyong pagmamahal. Isang pari Ko ang darating, kung hindi Ako dumating.

Ang babae ay alam niya kung papaano magmahal. Siya ay nilikhang magmahal. Napababa niya ang pagmamahal sa pagiging makalamang kahalayan, ngunit ang totoong pagmamahal, ang hiyas ng kanyang kaluluwa, ay nasa loob pa rin ng kailaliman ng kanyang puso: pagmamahal na walang masamang amoy ng makalamang putik, pagmamahal na gawa sa anghelikal na mga pakpak at mga pabango, sa dalisay na apoy at mga alaala tungkol sa Diyos, sa pinagmulan nitong Diyos at sa paglilikha nito ng Diyos. Ang babae: ang obra-maestra ng kabutihan malapit sa obra-maestra ng sangnilikha, na siya ngang ang lalaki: “At ngayon gagawa Ako ng katu-katulong ni Adan upang hindi niya maramdaman na siya ay nag-iisa”, ay hindi kailangan na iabandona nito ang mga Adan. Kunin kung gayon ang kakayahan sa pagmamahal at gamitin ito sa pagmamahal ni Kristo at para kay Kristo sa inyong mga kapwa. Maging mas na mapagkawanggawa sa mga nagsisising may mga pagkakasala. Sabihin sa kanila na huwag matakot sa Diyos. Posible ba para sa inyo, mga ina at mga kapatid na babae, na hindi ito gawin? Gaano kadalas ang inyong maliliit, ang inyong bunsong mga kapatid na lalaki nagkasakit at nangailangan ng doktor! At sila ay natatakot. Ngunit sa pamamagitan ng mga haplos at nagmamahal na mga salita mapagagaanan ninyo sila sa kanilang takot at sila, hindi na natatakot katulad dati, hawak ninyo ang kanilang maliliit na kamay, ay papayag na sila’y magamot ng doktor. Ang mga may-pagkakasala ay ang inyong may sakit na mga kapatid na lalaki at mga anak, na natatakot sa kamay ng doktor, at sa kanyang hatol… Hindi, hindi dapat ito ganito. Sa dahilan na nalalaman ninyo kung gaano kabuti ang Diyos, sabihin ninyo sa kanila na ang Diyos ay mabuti at walang sinuman ang kailangan na matakot sa Kanya. Kahit na kung Siya ay prangko at determinado sa pagsasabing: “Hindi mo na ulit gagawin iyan”, hindi Niya tatanggihan ang nagkasala na at nagkasakit. Bagkus Kanya siyang gagamutin upang maibalik siya sa kalusugan.

Maging mga ina at mga kapatid na babae sa mga nabubuhay na banal na tao. Sila, din, ay nangangailangan ng pagmamahal. Sila ay mapapagod at mapupudpod sa pag-eebanghelyo. Hindi nila magagawa ang lahat na kailangang gawin. Tulungan sila nang patago at may-kasipagan. Ang mga babae ay alam kung papaano gumawa sa bahay, malapit sa mga mesa at mga kama, sa mga habihan at sa lahat na pangangailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang hinaharap ng Simbahan ay ang pagpapatuloy ng pagdaloy ng mga peregrino patungo sa mga kinaroroonan ng Diyos. Maging kanilang mabait na mga tagapangasiwa ng hotel, inaankin sa inyong mga sarili ang lahat na pinaka-abang mga gawain, upang ang mga ministro ng Diyos ay sana maging libre sa pagpapatuloy ng gawain ng Guro.

Ang mahirap, madugo, malupit na mga panahon ay darating. Ang mga Kristiyano, ang mga banal din, ay dadaanan ang mga oras ng takot at kahinaan. Ang tao kailanman ay hindi napakalakas sa paghihirap. Ang mga kababaihan, sa halip, kompara sa mga lalaki, ay totoong nag-aankin ng pagkamakahari sa pagiging mapagtiis sa paghihirap. Turuan ang mga lalaki, sinusuportahan sila sa mga oras ng takot, panghihina ng kalooban, mga pagluha, kapaguran at pagpapadanak ng dugo. Sa ating kasaysayan may mga halimbawa tayo ng mga magagandang babae, na gumawa ng pagpapalayang katapangan. Mayroon tayong Judith, Jael. Maniwala sa Akin, walang mas dakila, magpahanggang ngayon, kaysa sa ina na walong beses na naging martir, pitong beses sa bawat isa sa kanyang mga anak na lalaki, ang minsan sa kanya mismo, sa mga panahon ng mga Macabeo. Pagkatapos magkakaroon pa ng isa… At pagkatapos Niya, magkakaroon ng di-mabibilang na mga babaeng bayani ng kapighatian at sa kapighatian, mga kababaihan na magiging konsolasyon ng mga martir at sila mismo mga martir, na magiging mga anghel para sa mga inuusig, tahimik na mga paring babae na mga magpapahayag tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pamamaraan ng pamumuhay, at mga ikokonsagra, na walang ibang konsagrasyon bagkus ang isang tinanggap nila mula sa Diyos-Pag-ibig, at karapat-dapat ng konsagrasyon na ito.

Iyan ang mga balangkas ng inyong pangunahing mga katungkulan. Hindi Ko magagawang iukol ang labis na panahon sa tungkol sa inyo lamang. Subalit kayo ay mapoporma sa pakikinig sa Akin. At kayo ay mas lalo pang mapoporma sa ilalim ng perpektong pagpapatnubay ng Aking Ina.

Kahapon ang maternal na kamay na ito (at si Jesus ay kinukuha ang kamay ni Maria sa Kanyang sariling kamay) ay dinala Ako sa batang babae na Aking sinabi na sa inyo at siyang nagsabi sa Akin na ang pakikinig at pakikitabi sa Kanya sa loob ng kaunting oras ay  ang nagpagulang sa bunga ng grasya na kanyang tinanggap at nagdala nito sa perpeksiyon. Hindi ito ang unang pagkakataon na ang Aking Ina ay gumawa para sa Kristo, ang Kanyang Anak. Ikaw at ikaw, na Aking mga disipulo at mga pinsan din, ay nalalaman ninyo na si Maria ay para sa pormasyon ng mga kaluluwa sa Diyos at masasabihan ninyo kapwa ang mga lalaki at mga babae na baka mga natatakot na hindi Ko sila maihanda para sa kanilang misyon o sila ay hindi pa maging sapat na nakahanda kapag Ako ay hindi na ninyo makakasama. Ang Aking Ina ay makakasama ninyo, kapag Ako ay hindi ninyo nakakasama, at pagkatapos kapag Ako ay hindi na ninyo makakasama. Siya ay mananatiling kasama ninyo, at kasama Niya mananatili ang karunungan ng lahat ng Kanyang mga birtud. Katulad ng mula ngayon maaari na ninyong sundin ang lahat ng Kanyang payo.

Kagabi, nang kami ay nag-iisa, at Ako ay nakaupo malapit sa Kanya, katulad ng madalas Kong gawin nang Ako ay maliit pa lamang, ang Aking ulo nakapahinga sa Kanyang balikat, na napakalambot at napakalakas, ang Aking Ina ay nagsabi sa Akin – matagal na naming pinag-uusapan ang tungkol sa batang babae na umalis nang maaga ng hapon, na sa kanyang birhen na puso nakalakip ang isang araw, na mas maningning pa kaysa sa araw na nasa kalawakan: ang kanyang banal na lihim – sinabi sa Akin ng Aking Ina: “Gaano kaganda ito na maging ang Ina ng Tagapagtubos!” Oo, gaano kaganda ito kapag ang nilikhang lumalapit sa Tagapagtubos ay isa nang nilikha ng Diyos, isang nilikha kung kanino naririyan lamang ang batik ng orihinal na kasalanan, na mahuhugasan sa pamamagitan Ko lamang. Ang lahat na iba pang maliliit na batik ng pantaong imperpeksiyon ay nahugasan na ng pag-ibig.

Subalit, ang Aking magiliw na Ina, Pinakapurong Patnubay ng mga kaluluwa patungo sa Inyong Anak, Banal na Bituin ng oryentasyon, Mabait na Tagapagturo ng mga santo, Banal na Kinikilalang Ina ng pinakamaliliit na mga anak, Malusog na Gamot ng mga maysakit, hindi laging ganyang mga nilikha na hindi kamuhi-muhi sa kabanalan ang lalapit sa Inyo… Bagkus mga ketongin, mga kinatatakutan, may mga amoy, isang sabid-sabid ng mga ahas at mababahong bagay, ang gagapang sa Inyong paanan, o Reyna ng sangkatauhan, at sisigaw: “Kaawaan! Tulungan kami! Dalhin Ninyo kami sa Inyong Anak!”. At kakailanganin Ninyong ilagay ang purong kamay Ninyong ito sa ibabaw ng kanilang mga sugat, at iyuko ang Inyong mga mata ng isang makalangit na kalapati sa maka-impiyernong kasiraan ng mga porma, at singhutin ang amoy ng kasalanan at hindi tumatakbong palayo. Hindi, kakailanganin Ninyong idiin sa Inyong puso ang mga pinagputul-putol ni Satanas, ang mga inilaglag na iyon, ang duming iyon, at hugasan sila ng Inyong mga luha at dalhin sila sa Akin… At pagkatapos sasabihin Ninyo: “Gaano kahirap itong maging ang Ina ng Tagapagtubos!”… Subalit gagawin Ninyo ito sapagkat Kayo ang Ina… Hinahalikan Ko at pinagpapalà Ko ang mga kamay na ito Ninyo mula kung saan maraming nilikha ang pupunta sa Akin, at ang bawat isa sa kanila ay magiging Aking kaluwalhatian. Subalit bago maging Akin, ito ay magiging kaluwalhatian Ninyo, Banal na Ina.

Aking mahal na mga babaeng disipulo, sundan ang halimbawa ng Aking Tagapagturo, Tagapagturo nina Santiago at Judas, ng bawat isa na ibig na maporma sa Grasya at Karunungan. Sundin ang Kanyang salita. Ito ay katulad ng Akin, subalit ginawang mas matamis. Walang kailangan na idagdag diyan sapagkat iyan ay ang salita ng Ina ng Karunungan.

At kayo, Aking mga kaibigan, pagsikapan na makuha ang kababaang-loob at katatagan ng mga babae, at ginigiba ang panlalaking pagmamalaki, huwag maliitin ang babaeng mga disipulo, bagkus pagbawahin ang inyong lakas, at Akin ding sasabihin ang inyong katigasan at inyong kawalan-pasyensiya, nakadikit sa kabaitan ng mga babae. At higit sa lahat matuto mula sa kanila kung papaano magmahal, maniwala at maghirap para sa Panginoon, sapagkat sasabihin Ko sa inyong totoo na sila, ang mahihina, ay magiging ang pinakamalalakas sa pananampalataya, sa pagmamahal, sa paglalakas-loob, sa pagsasakripisyo ng kanilang sarili para sa kanilang Guro, Na kanilang minamahal sa pamamagitan ng kanilang buong sarili, na walang hinihinging anuman, na walang ipinagkukunwaring anuman, kontento lamang ng pagmamahal upang mabigyan Ako ng konsolasyon at lugod.

Lumakad na kayo sa inyong mga tahanan, o sa mga bahay kung saan kayo ay mga panauhin. Ako ay mananatiling kasama ang Aking Ina. Ang Diyos ay sumainyo.»

Lahat sila ay umalis maliban kay Martha.

«Martha, manatili ka rito. Nakausap Ko na ang iyong katulong. Ngayon ay hindi ang Bethany ang magbibigay ng pag-aruga, bagkus ito ay ang maliit na bahay ni Jesus. Halika. Ikaw ay kakain sa tabi ni Maria at matutulog sa maliit na silid malapit ng Kanya. Ang espiritu ni Jose, aming kaginhawahan, ay pagiginhawahin ka habang ikaw ay nagpapahinga, at bukas ikaw ay babalik sa Bethany na mas malakas at mas nakatitiyak sa iyong sarili, upang ihanda rin ang mga babaeng disipulo roon, habang naghihintay para sa isang pinakamahal sa Akin at sa iyo. Huwag kang magduda, Martha. Hindi Ako kailanman nangako na walang nangyari. Ngunit matagal baguhin ang isang disyerto na puno ng mga ahas na maging isang makalangit na palumpungan. Ang unang gawain ay hindi napupuna. Tila walang nangyari. Sa halip ang binhi ay naitanim na. Ang mga binhi. Ang lahat nito. At pagkatapos ang mga luha ay darating, upang umaktong mga ulan na magbubukas sa mga binhi… At ang mabubuting punungkahoy ay darating… Halika! Huwag nang lumuha!»

 

 091110

 



Sunod na kabanata