158. Si Jesus Nagsasalita kay Johanna ni Chuza sa Lawa.

Mayo 8, 1945.

Si Jesus ay nasa lawa, sa bangka ni Pedro, sa likuran ng dalawa pang ibang bangka; ang isa ay isang pangkaraniwang pangingisdang bangka, katulad ng kay Pedro, ang isa ay isang mamahaling pamamasyal na bangka. Ito ay pag-aari ni Johanna ni Chuza. Ngunit ang may-ari ay wala sa kanyang bangka. Siya ay nasa paanan ni Jesus, sa mas abang bangka ni Pedro.

Masasabi ko na sila ay nagkatagpo na di-sinasadya kung saan man sa bulaklaking dalampasigan ng Gennesaret, na napakaganda sa unang paglitaw ng tagsibol ng Palestina, na ikinakalat nito ang mga ulap ng namumulaklak na mga punong almendras at inilalatag nito ang mga perlas ng mga darating na mga bulaklak sa mga puno ng peras at mansanas, granada at “quince”, sa lahat ng mga punungkahoy na mga pinakamabunga at nagkakaroon ng pinakamagagandang pamumulaklak at mga prutas. Nang ang bangka ay nananatiling malapit sa dalampasigan nakalantad sa sikat ng araw, makikita na ng isa ang milyun-milyong mga buko na dumarami sa mga sanga, naghihintay na bumukadkad, habang ang mga petalo ng maagang puno ng mga almendras ay kumakaway sa tahimik na hangin hanggang sa sila ay bumagsak sa malinaw na tubig. Ang mga dalampasigan, natatakpan ng bagong mga damo, na nagmumukhang maningning na berdeng seda, ay natatampukan ng ginintuang mga mata ng mga buttercup, o ng mga raya-rayang-bituin na mga daisy, malapit dito kung saan, ang maninipis na medyo asul na mga forget-me-not, naninigas sa kanilang mga tangkay katulad ng maliliit na kinoronahang mga reyna, ay ngumingiting malumanay, kasing panatag ng mga mata ng mga bata, at sila ay tila nagsasabing «oo, siyempre» sa araw, sa lawa, sa ibang mga yerba, na mga masasaya na sila ay namumulaklak, sa ilalim ng asul-kalawakan na mga mata ng Panginoon.

Sa pagsimula ng tagsibol ang lawa ay wala pa ng kayamanang magbibigay tagumpay dito sa susunod na mga buwan, wala pa ito ng mararangyang kaningningan, na matatawag kong sensuwal, wala pa ng libu-libong matitigas at malalambot na mga tanim na rosas, sa porma ng mga lamuymoy sa loob ng mga hardin o ng mga belong nakadikit sa mga pader, wala pa ng libu-libong corymb ng cytisi at mga akasya, ng libu-libo at libu-libo pang pinakintab na mga bituin ng mga puno ng sitro, ng lahat ng mga paghahalo-halo ng mga kulay, ng malalakas, malalambot, nakalalasing na mga pabango, na siyang humuhugis sa kapaligiran at sa kung ano ang nagpapasigla sa dakilang pantaong mithiin para sa pagpapakasaya na siyang lumalapastangan sa sulok na ito ng lupa, na napakapuro, at ito ay ang lawa ng Tiberias, ang lugar na pinili ng nakaraang mga siglo na maging ang tanghalan ng pinakadakilang bilang ng mga himala na ginawa ng ating Panginoong Jesus.

Si Johanna ay tinitingnan si Jesus na nakalubog sa kagandahan ng Kanyang lawa ng Galilee at ang kanyang mukha ay ngumingiti sinasalamin, katulad ng isang matapat na salamin, ang ngiti ni Jesus. Ang iba ay mga naguusap-usap sa ibang bangka. Dito ay may katahimikan. Ang tanging ingay ay ang bagsak ng walang-saplot na mga paa ni Pedro at ni Andres, na siyang mga nagmamanyobra ng bangka, at ang hinagpis ng tubig na nabibiyak ng unahan ng bangka at ibinubulong ang kirot nito sa mga panabi ng bangka, at nagiging mga halakhak sa likuran pagkatapos, nang ang sugat ay nahihilom at nagiging isang malaplatang alimbukay na nagagawa ang sikat ng araw na kumislap na tila ito ay mga alikabok na brilyante.

Sa wakas tinapos ni Jesus ang Kanyang pagninilay-nilay at ibinaling ang Kanyang mga mata kay Johanna. Siya ay ngumingiti sa kanya at tinanong siya: «Tayo ay halos naririto na, hindi ba? At sasabihin mo na ang iyong Guro ay hindi napakabuting kasama. Hindi Ako nagsalita ni isang salita sa iyo.»

«Subalit nabasa ko ito sa Inyong mukha, Guro, at narinig ko ang lahat na Inyong sinabi sa mga bagay na itong nakapaligid sa atin.»

«Bueno, kung gayon, ano ang Aking sinasabi?»

«Magmahal, maging dalisay, maging mabuti. Sapagkat kayo ay nanggaling sa Diyos, at walang anumang masama o di-puro na lumabas sa Kanyang mga kamay.»

«Nabasa mo nang tama.»

«Ngunit, aking Panginoon, ang mga yerba ay gagawin iyan… Ang mga hayop din ay gagawin iyan. Ang tao… Bakit hindi niya ito gagawin, bagama't siya ito na pinaka-perpekto?»

«Sapagkat ang ngipin ni Satanas ay naibaon sa tao lamang. Nagkunwari siya na masira niya ang Tagapaglikha sa Kanyang pinakadakilang kababalaghan, na pinakang katulad Niya.»

Si Johanna ay iniyuko ang kanyang ulo sa pag-iisip. Tila tinitimbang niya ang dalawang magkasalungat na mithiin. Si Jesus ay pinagmamasdan siya. Pagkatapos kanyang itinaas ang kanyang ulo at nagsabi: “Maaari bang lapitan Ninyo ang ilang mga kaibigan ko, na mga pagano? Alam N’yo… si Chuza ay isang kortesano… At ang Tetrarka – at lalo na ang totoong namamahala ng korte: si Herodias, na sa kung kaninong kalooban ang bawat mithiin ni Herodes ay nagbibigay-daan, dahil ito ay… sumusunod sa uso, upang ipakita na sila ay mas pino kaysa ibang mga Palestino, upang maprotektahan ng Roma sa pamamagitan ng pagsasamba sa Roma at sa lahat na siyang ang Roma – ay nakikipaglandian sa mga Romano ng sambahayan ng proconsul… at halos ipasunod sa amin ito. Talagang kailangan kong sabihin na ang mga babaeng iyon ay hindi mas malala pa kaysa sa amin. Sa pagitan din namin, sa pinakang mga dalampasigan na ito, ay may mga kababaihan na bumagsak nang napakababa. At ano ang maaari naming pagusapan, kung hindi namin paguusapan ang tungkol kay Herodias?... Nang mawala sa akin ang aking anak at ako ay may sakit, sila ay napakabuti sa akin, bagama't hindi ko sila hinahanap. At pagkatapos, kami ay naging mga magkakaibigan. Subalit kung sasabihin Ninyo sa akin na ito ay mali, puputulin ko ito. Hindi? Salamat sa Inyo, aking Panginoon. Nang makalawang araw kasama ko ang isa sa kanila. Iyon ay isang pagkakaibigang dalaw, hanggang sa ganang akin, isang tawag ng katungkulan kung tungkol kay Chuza. Iyon ay isang utos sa Tetrarka na… ibig pumunta rito subalit hindi makaramdam ng kaligtasan at kung gayon… siya ay nakipagkasundo sa mas kawili-wiling relasyon sa Roma, upang maprotektahan. Hindi… pakiusap… Kayo ay isang kamag-anak ni Juan Bautista, hindi ba? Bueno, sabihin Ninyo sa kanya na huwag masyadong magtitiwala. Siya ay huwag kailanman umalis sa Samaria. Sa kabaligtaran, kung walang anuman sa kanya, kailangan na magtago siya roon nang mga ilang panahon. Ang ahas ay lumalapit sa kordero at ang kordero ay maraming kailangan na dapat katakutan. Lahat. Hayaan siyang maging mapagmasid, Guro. Subalit kailangan na hindi malaman na sinabi ko ito. Ito ay magiging katapusan ni Chuza.»

«Huwag kang mag-alala, Johanna. Pasasabihan Ko si Juan Bautista sa pamamaraan na walang sinuman ang masasaktan.»

«Salamat sa Inyo, aking Panginoon. Ibig ko Kayong paglingkuran… subalit sa paggawa nito, ayaw kong masaktan ang aking asawa. Hindi…Hindi ako laging makakasama sa Inyo. Kung minsan, kailangan kong manatili, sapagkat gusto niya ito, at ito ay makatarungan…»

«Ikaw ay mananatili, Johanna. Naiintindihan Ko ang lahat. Huwag ka nang magsalita pa, sapagkat hindi na iyan kailangan.»

«Subalit gugustuhin ba Ninyo na ako ay málapit sa Inyo sa pinaka-delikadong mga oras para sa Inyo?»

«Siyempre, Johanna.»

«O! Gaano kabigat para sa akin na kailangang masabi iyan at sa katunayan mabigyan ng tinig ang mga salita! Subalit ngayon ako ay napaginhawahan…»

«Kung ikaw ay may pananampalataya sa Akin lagi kang mapagiginhawahan. Ngunit ikaw ay nagsasalita tungkol sa isang babaeng Romanong kaibigan…»

«Oo, siya ay isang malapít na kaibigan ni Claudia at sa aking palagay siya ay isa niyang kamag-anak, din. At ibig niyang makipagusap sa Inyo, o kung man lamang, makinig sa Inyo. At siya ay hindi nag-iisa. Ngayon na pinagaling Ninyo ang anak ni Valeria, ang balita ay kumalat nang kasing bilis ng kidlat, sila ay naging mas nananabik higit pa kailanman. Sa bangkete ng makalawang gabi, nagkaroon ng maraming paguusap-usap, pabor sa Inyo at laban sa Inyo. Sapagkat naroroon din ang ilang mga Herodian, at ilang mga Saduseo… bagama't, kung tatanungin ninyo sila pasisinungalingan nila ito… at may ilan ding mga babae… mayayaman… ngunit… ngunit di-matatapat. Naroroon… ikinalulungkot ko na sabihin sa Inyo sapagkat nalalaman ko na Kayo ay isang kaibigan ng kanyang kapatid na lalaki… ngunit naroroon si Maria ng Magdala kasama ang kanyang bagong kaibigan at isa pang babae, isang griyego, sa aking palagay, kasing mabisyo katulad niya. Alam N’yo na…. sa mga hentil, ang mga babae ay kasama sa mesa ng mga lalaki at iyan ay napaka… napaka… Anong panliligalig! Ang aking kaibigan ay napakabait na pinili ang aking asawa bilang aking makakasama at iyon ay isang malaking kaginhawahan. Ngunit ang iba… O!... Bueno… Sila ay pinag-uusapan nila Kayo, sapagkat ang himala kay Faustina ay nakagawa ng malaking usapan at kung ang mga Romano ay pinupuri Kayo bilang isang dakilang doktor o salamangkero – patawarin Ninyo ako, aking Panginoon – ang mga Herodian at mga Saduseo ay sinusukahan ng kamandag ang Inyong Pangalan. At si Maria! O Maria! Gaano nakakikilabot!... Siya ay nagsimulang manuya at pagkatapos. Hindi, hindi ko sasabihin sa Inyo. Umiyak ako nang buong gabi tungkol diyan…»

«Hindi na bale. Makapanunumbalik siya.»

«Subalit siya ay mabuti, alam N’yo?»

«Ang kanyang katawan ay mabuti. Ang lahat na iba pa ay nalason. Makapanunumbalik siya.»

«Sinasabi Ninyo ang ganyan… Ang mga babaeng Romano, nalalaman Ninyo kung ano ang katulad nila… ay nagsabi: “Kami ay hindi natatakot ng panggagaway, ni hindi kami naniniwala sa mga kasinungalingan. Ibig naming maghusga sa pamamagitan ng sarili namin”; at pagkatapos sinabi nila sa akin: “Hindi ba namin Siya mapapakinggan?”»

«Sabihin sa kanila na sa katapusan ng buwan ng Shebat Ako ay pupunta sa iyong bahay.»

«Sasabihin ko sa kanila, aking Panginoon. Sa palagay ba Ninyo sila ay lalapit sa Inyo?»

«May daigdig na kailangan na itayong muli sa loob nila. Una kailangan muna na manggiba, pagkatapos magtayo. Ngunit hindi ito imposible. Johanna, naririyan na ang iyong bahay at ang iyong hardin. Trabahuhin mo ito para sa iyong Guro, ayon sa sinabi Ko sa iyo. Paalam, Johanna. Mapasaiyo ang Panginoon. pinagpapalà kita sa Kanyang pangalan.»

Ang bangka ay lumalapit sa baybayin. Si Johanna ay nangungusap: «Totoo bang hindi Kayo papasok?»

«Hindi ngayon. Kailangan Kong buhayin muli ang mga apoy. Sa ausensiya ng ilang mga buwan, halos namatay na ang mga ito. At ang panahon ay lumilipad.»

Ang bangka ay tumigil sa maliit na daungan na umaabot sa hardin ni Chuza. Ang ilang mga katulong ay nagmadali upang tulungan ang kanilang sinyora sa pagbaba. Ang kanyang bangka ay dumating sa daungan pagkatapos ng kay Pedro, at sina Juan, Mateo, ang Iskariote at si Felipe ay bumaba mula rito at sumakay sa bangka ni Pedro, na unti-unting umalis at pinagpatuloy ang paglalayag nito patungo sa kabilang baybayin.

 091110

 



Sunod na kabanata