159. Si Jesus sa Gherghesa. Ang mga Disipulo ni Juan.

May 9, 1945.

Si Jesus ay nagsasalita sa isang bayan na hindi ko pa kailanman nakita dati. Kung man lamang, iyan ang aking akala, sapagkat ang lahat na mga bayan ay magkakatulad ang estilo at mahirap masabi ang isa sa isa sa unang tingin. Dito rin ang isang kalsada ay nagpapanabi sa lawa at ang lahat na mga bangka ay nasa baybayin. Malalaki at maliliit na bahay ang nasa isang hilera sa kabilang tabi ng kalsada, subalit ang mga burol ay mas malayo kung kaya’t ang bayan ay nasa isang marikit na kapatagan na umuunat sa tabi ng silangang mga dalampasigan, napoprotektahan mula sa hangin sa pamamagitan ng kabit-kabit na mga burol, at napaiinitan ng araw na rito, higit pa sa iba pang mga bahagi ng kabukiran, pinararami ang pamumulaklak ng mga punungkahoy.

Sa palagay ko ang sermon ni Jesus ay nakapagsimula sapagkat sinasabi Niya: «Totoo ‘yan. Sinasabi ninyo: “Hindi namin Kayo kailanman iiwanan sapagkat ang iwanan Kayo ay ang iwanan ang Diyos”. Subalit, o mga mamamayan ng Gherghesa, tandaan na walang mas pabagu-bago kaysa sa kaisipan ng tao. Ako ay kumbinsido na sa kasalukuyan iyan ang tunay ninyong iniisip. Ang Aking salita at ang himala na nangyari ay nagawa kayong magpatungo sa direksiyon na iyan at sa kasalukuyang sandali kayo ay sinsiro sa inyong sinasabi. Ngunit ibig Ko kayong paalalahanan tungkol sa isang pangyayari, makapagbabanggit Ako ng sanlibong kaso kapwa matagal na at bago pa lamang. Babanggitin Ko ang isa lang nito.

Si Joshua, ang lingkod ng Panginoon, sa bispiras ng kamatayan, nag-ipun-ipon sa paligid niya ang lahat na tribu kasama ang mga nakatatanda, mga namumuno, mga hukom at mga eskriba at siya ay nagsalita sa kanila sa presensya ng Panginoon, pinaaalalahanan sila tungkol sa lahat na benepisyo na nakuha mula sa, at mga kababalaghan na ginawa ng, Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang lingkod. At pagkatapos na maisa-isa ang lahat na mga bagay, hiningi niya sa kanila na talikdan at kahit na anong diyos na hindi ang Panginoon o kung man lamang maging prangko sa kanilang pananampalataya, pinipili nang may katapatan ang Totoong Diyos o ang mga diyos ng Mesopotamia at ng mga Amonita, upang magkaroon ng malinaw na pagkakahiwalayan sa pagitan ng mga anak ni Abraham at ng mga nagiging paganong mga tao.

Ang isang nakalantad na deklarasyon ng mga pagkakamali ay mas mabuti na kaysa sa isang may-pagkukunwang paglalahad at sa magkakahalong mga pananampalataya, na isang insulto sa Diyos at kamatayan ng mga kaluluwa. At wala nang mas madali pang panatilihin at mas karaniwan pang harapin kaysa sa ganyang pagkakahalu-halo. Ang hitsura ay mabuti; ang nasa ilalim ay hindi mabuti. Ang sitwasyong ganyan ay nangyayari din sa mga araw ngayon. Ang mga naniniwalang iyon na hinahaluan ang pagsunod sa Batas ng mga ipinagbabawal ng Batas, ang mga miserableng mga taong iyon na pasuray-suray katulad ng mga lasing sa pagitan ng katapatan sa Batas at sa kikitain sa negosyo at nakikipag-kompromiso sa mga lumalabag sa batas mula kung saan umaasa silang makakakuha ng ilang kalamangan, ang mga paring iyon o mga Eskriba o mga Pariseo na hindi na ginagawa ang pagseserbisyo sa Diyos bilang ang sadya ng kanilang pamumuhay, bagkus nagpapakagumon sa tusong pamumulitika upang makapangibabaw sa ibang mga tao at sa gayon makagawa ng kahit na anong laban sa mas matatapat na tao, sapagkat sila ay hindi mga lingkod ng Diyos, bagkus pinaglilingkuran nila ang isang kapangyarihan na nalalaman nilang malakas at pakikinabangan para sa kanilang mga pakay, ang lahat na mga taong iyan ay walang iba bagkus mga mapagkunwari na inihahalo ang ating Diyos sa huwad na mga diyos.

Ang sambayanan ay tumugon kay Joshua: “Huwag kailanman papangyarihin na aming iiwanan ang Totoong Diyos upang paglingkuran ang mga huwad na diyos”. Si Joshua ay sinabi sa kanila ang Akin pa lamang kasasabi sa inyo tungkol sa banal na paninibugho ng Ama, tungkol sa Kanyang kalooban na mahalin lamang Siya, sa pamamagitan ng ating buong sarili, tungkol sa Kanyang hustisya sa pagpaparusa sa mga hindi matatapat. Pagpaparusa! Ang Diyos ay makapag-paparusa katulad ng Siya ay makapag-gagantimpala sa atin. Hindi kinakailangan na maging patay upang tanggapin ang ating gantimpala o kaparusahan. Isipin, o sambayanan ng Israel, kung ang Diyos, pagkatapos na mabigyan kayo nang labis, pinalalaya kayo mula sa mga Paraon, dinadala kayong ligtas patawid ng disyerto at sa gitna ng mga patibong ng mga kaaway, hinahayaan kayong maging isang dakila at iginagalang na nasyon, puno ng kaluwalhatian, ay hindi kayo pinarusahan ng minsan, dalawang beses, sampung beses, para sa inyong mga kasalanan! Isipin kung ano na ang inyong kinalabasan ngayon! At Ako, Na nakikita kayong itinatapon ang inyong mga sarili una-ulo sa pinaka-panlalapastangan na idolatriya, nakikita Ko rin kung anong kalaliman ang malapit na ninyong bagsakan dahil lagi kayong nagpupursige sa gayon ding mga pagkakamali. At dahil diyan pinagsasabihan Ko kayo, o sambayanan na dalawang beses na Akin, sapagkat Ako ay ang inyong Tagapagtubos at Ako ay ipinanganak na isa sa inyo. Ang Aking pagsasalita ay hindi kapootan, hindi ito sama ng loob, ni kawalang-pasyensiya, ito ay pagmamahal, kahit na kung ito ay mahigpit.

Si Joshua pagkatapos ay nagsabi: “Kayo ay mga saksi: pinili ninyo ang Panginoon” at lahat sila ay tumugon: “Oo, kami nga”. At si Joshua, na marunong maliban sa matapang, nalalaman kung gaano pabagu-bago ang kalooban ng tao, ay isinulat sa aklat ang lahat na mga salita ng Batas at ng tipan at inilagay niya ito sa loob ng templo, at sa santuwaryo din ng Panginoon sa Shechem, kung saan naroroon ang Tabernakulo para sa okasyon, naglagay siya ng isang dakilang bato bilang saksi at nagsabi: “Ang batong ito na nakapakinig sa lahat ng inyong mga salita sa Panginoon ay mananatili rito bilang isang saksi upang kayo ay sana hindi magsinungaling at ikaila ang Panginoong inyong Diyos”.

Ang isang bato, gaano man ito kadakila o katigas, ay laging mapupulbos ng tao, ng kidlat o sa pamamagitan ng pagkaagnas ng tubig at panahon. Ngunit Ako ang Eternal na Panulukang-Bato. At hindi Ako maaaring sirain. Huwag magsinungaling sa Buháy na Batong ito. Huwag ninyong mahalin ito dahil lamang na  ito ay gumagawa ng mga himala. Mahalin ito dahil sa pamamagitan nito mahihipo ninyo ang Langit. Ibig Ko na kayo ay maging mas espirituwal, mas matapat sa Panginoon. Hindi Ko sinasabing sa Akin. Ako ay ako, dahil lamang sa Ako ay ang Tinig ng Ama. Sa pagtapak sa Akin, sinusugatan ninyo Siya na nagpadala sa Akin. Ako ang tagapamagitan. Siya ay ang lahat. Kunin ang Aking inaalok at panatilihin sa loob ng inyong mga sarili kung ano ang banal upang sana marating ninyo ang Diyos. Huwag ninyong mahalin ang Tao, mahalin ang Mesiyas ng Panginoon hindi dahil sa mga himala na Kanyang ginagawa, bagkus sa ibig Niyang trabahuhin sa inyo ang kaloob-looban at kataas-taasang himala ng pagpapabanal sa inyo.»

Si Jesus ay nagpapalà at ibinabaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa isang bahay. Siya ay halos nasa pintuan na nang Siya ay pinigil ng isang grupo ng mga nakatatandang mga lalaki na binabati Siyang magalang nagsasabing: “Maaari ba namin Kayong matanong ng isang katanungan, Panginoon? Kami ay mga disipulo ni Juan at sa dahilan na lagi siyang nagsasalita tungkol sa Inyo at dahil din na ang kabantugan ng Iyong mga himala ay nakarating sa amin, ibig naming makipagkilala sa Inyo. Kapapakinig pa lang namin sa Inyo at mayroon kaming isang katanungan sa Inyo.»

«Itanong ninyo. Kung kayo ay mga disipulo ni Juan, kayo ay nasa daan na ng katarungan.»

«Sinabi Ninyo, nagsasalita tungkol sa mga idolatra na pangkalahatang nasa mga naniniwala, na may mga tao sa pagitan natin na nakikisama sa Batas at sa mga tao na nasa labas ng Batas. Subalit Kayo ay isang kaibigan din nila. Nalalaman namin na hindi Ninyo sinisiphayo ang mga Romano. Kung gayon?»

«Hindi Ko ito ikinakaila. Ngunit masasabi ba ninyo na ginagawa Ko ito upang kumita? Masasabi ba ninyo na nilalambing Ko sila para makakuha kahit man lang ng kanilang proteksiyon?»

«Hindi, Guro. At kami ay higit pang nakatitiyak. Subalit ang mundo ay hindi lamang kami ang laman nito, mundo na ang ibig paniwalaan ay ang masamang nakikita namin lamang at hindi ang kasamaan na sinasabi sa amin. Ngayon sabihin Ninyo sa amin ang makapagkukumbinsing rason na lapitan ang mga Hentil, para sa aming sariling gabay at upang maipagsanggalang Kayo kung may maninirang-puri sa Inyo sa aming presensya.»

«Masamang makipaghalubilo kapag ginagawa ito ng isa para sa pantaong mga pakay. Ito ay hindi masama kung ang isa ay nilalapitan sila upang madala sila sa Panginoong ating Diyos. Iyan ang Aking ginagawa. Kung kayo ay mga Hentil, makapagpapaliwanag Ako sa inyo nang matagal kung papaano ang bawat tao nanggagaling sa Iisang Diyos lamang. Subalit kayo ay mga Hudyo at mga disipulo ni Juan. Kayo kung gayon ay ang kakanggata ng mga Hudyo, at hindi Ko kailangan na ipaliwanag iyan sa inyo. Kung gayon maiintindihan at mapaniniwalaan ninyo na ito ay Aking katungkulan, bilang ang Salita ng Diyos, na dalhin ang Kanyang salita sa lahat na mga tao, ang mga anak ng Unibersal na Ama.»

«Ngunit sila ay hindi Niya mga anak, sila ay mga pagano…»

«Kung tungkol sa Grasya sila ay hindi Niya mga anak. Dahil sa kanilang may-pagkakamaling pananampalataya, sila ay hindi Niya mga anak. Totoo iyan. Ngunit hanggang sa matubos Ko kayo, ang tao, pati rin ang isang Hudyo, ay nawawalan ng Grasya, napagkakaitan siya nito, sapagkat ang Batik ng Pinagsimulan ay nakapagpipigil sa di-maipahayag na sinag ng Grasya na makababa sa mga puso ng tao. Subalit kung tungkol sa paglilikha, ang tao ay laging ang anak. Mula kay Adan, ang tagapagpundar ng pantaong pamilya, ay bumaba kapwa ang mga Hudyo at ang mga Romano at si Adan ay ang anak ng Ama Na nagbigay sa kanya ng espirituwal na pagkakatulad.»

«Totoo iyan. Isa pang tanong, Guro. Bakit ang mga disipulo ni Juan ay mahigpit na nag-aayuno at ang Inyo ay hindi? Hindi namin ibig sabihin na Kayo ay kailangan na hindi kumain. Ang Propetang si Daniel ay banal din sa mga mata ng Diyos bagama't siya ay isang dakilang tao sa korte ng Babylon, at Kayo ay mas dakila pa kaysa sa kanya. Ngunit sila…»

«Kung ano ang madalas na hindi nakakamtan ng kahigpitan, ay nakakamtan ng katapatan. May mga taong hindi kailanman lalapit sa Guro, at ang Guro ay kailangan na pumunta sa kanila. May ibang pupunta sa Guro, subalit mahihiyang makihalubilo sa pulutong. Ang Guro ay kailangan na pumunta rin sa kanila. At dahil sinasabi nila sa Akin: “Maging aking panauhin upang sana makilala ko Kayo” Ako ay pumupunta, isinasaisip, hindi ang kasiyahan sa isang mayamang hapag-kainan, at ang isang pag-uusap na kung minsan ay napakasakit para sa Akin, bagkus tanging at laging ang interes lamang ng Diyos. Iyan ang sa ganang Akin. At katulad sa madalas mangyari kung isa man lamang sa mga kaluluwang nilalapitan Ko ang magbalik-loob sa Diyos, ito ay isa nang  kapistahang pangkasalan para sa Akin, isang malaking kapistahan kung saan ang lahat na mga anghel sa Langit ay sumasama at ito ay pinagpapalà ng Eternal na Diyos, at ang Aking mga disipulo, ang mga kaibigan ng Esposo-Na-Ako, ay magsasayang kasama ang Esposo at Kaibigan. Ibig ba ninyong makita ang Aking mga kaibigan na nasa pangingirót habang Ako ay nagsasaya? Habang kasama Ko sila? Ngunit ang araw ay darating kung kailan hindi na nila Ako makakasama. At diyan sila mag-aayuno. Mga bagong pamamaraan para sa bagong mga panahon. Hanggang kahapon, sa mga araw ni Juan Bautista, ay naroroon ang abo ng pagtitika. Ngayon, sa Aking mga araw, ay naririyan ang matamis na manna ng Panunubos, ng Awa, ng Pagmamahal. Ang lumang mga pamamaraan ay hindi maaaring ihugpong sa Aking pamamaraan, katulad na ang Aking pamamaraan ay hindi maaaring magamit noon, ni hindi kahapon. Sapagkat ang Awa ay wala pa sa lupa. Nandito na ito ngayon. Hindi na ang Propeta, bagkus ang Mesiyas, kung Kanino ang lahat ay ipinagkatiwala ng Diyos, ang nasa lupa na. Ang bawat araw ay mayroon na ng may-pakinabang dito. Walang nagtatagpi ng isang bagong tela sa isang lumang damit, kung mayroon man, ang kapirasong bagong tela, lalo na kung nilabhan, ay uurong at kung gayon pupunitin ang lumang damit at ang butas ay lalaki. Gayon din naman walang naglalagay ng bagong alak sa mga lumang katad na sisidlan, kung mayroon man ang bagong alak ay papuputukin ang mga lumang sisidlan, na hindi makayanan ang pagkulô ng bagong alak, at ito ay matatapon. Subalit ang lumang alak, na kung ilang beses nang natigis, ay inilalagay sa mga lumang katad na sisidlan, at ang bagong alak sa mga bagong sisidlan. Upang ang isang puwersa ay matumbasan ng kaparehong puwersa. Ganyan din ang nangyayari ngayon. Ang puwersa ng bagong doktrina ay nagpapahiwatig ng bagong mga pamamaraan upang maibunyag ito. At Ako, Na nakaaalam tungkol dito, ay ginagamit ang mga ito.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon. Kami ay masaya na ngayon. Ipagdasal Ninyo kami. Kami ay mga lumang katad na sisidlan. Mapanghahawakan ba namin ang Inyong puwersa?»

«Oo, sapagkat si Juan Bautista ay pinorma kayo at dahil din na ang kanyang mga panalangin at ang Akin ay magagawa kayong makayanan ang labis. Humayo kasama ang Aking kapayapaan at sabihin kay Juan na pinagpapalà Ko siya.»

«Ngunit… ayon sa Inyo, mas mabuti ba para sa amin na manatili kay Juan Bautista o sa Inyo?»

«Habang mayroong lumang alak, inumin ito, kung ang lasa nito ay mabuti. Pagkatapos… sa dahilan na ang sirang tubig na nasa lahat ng dako ay yayamutin kayo, mamahalin ninyo ang bagong alak.»

«Sa palagay ba Ninyo si Juan Bautista ay mahuhulí?»

«Oo, tiyak ‘yan. Nagpadala na Ako sa kanya ng babala. Humayo na ngayon. Kalugdan ninyo si Juan hangga’t magagawa ninyo at gawin ninyo siyang masaya. Pagkatapos ay mamahalin ninyo Ako. At mahihirapan kayo nito… at dahil din sa walang nasanay sa lumang alak ang bigla na lamang gugustuhin ang bagong alak. Ang isa ay nagsasabi: “Ang luma ay mas maganda”. At sa katunayan Ako ay may ibang lasa, na tila magiging maasim sa inyo. Subalit gugustuhin ninyo ang napakahalagang lasa nito sa araw-araw. Paalam Aking mga kaibigan. Mapasainyo nawa ang Diyos.

 171110

 

 

Sunod na kabanata