160. Mula sa Naphtali Patungong Giscala. Pakikipagkita kay Rabbi Gamaliel.

Mayo 10, 1945.

«Guro! Guro! Alam ba Ninyo kung sino ang nasa unahan natin? Naririyan si rabbi Gamaliel! Siya ay nakaupong kasama ang kanyang mga katulong, sa isang karabana, sa lilim ng isang kakahuyan, napoprotektahan sa mga hangin! Sila ay nag-iihaw ng tupa. Ano na ang ating gagawin ngayon?»

«Kung ano ang ating gagawin, Aking mga kaibigan. Magpapatuloy tayo sa ating daan…»

«Subalit si Gamaliel ay taga Templo.»

«Si Gamaliel ay hindi masama. Huwag kayong matakot. Uuna Ako.»

«O! Ako ay sasama rin» sabi ng Kanyang mga pinsan magkasabay, pati na rin ang lahat na mga Galilean at si Simon. Tanging ang Iskariote, at medyo rin, si Tomas, ang tila hindi nananabik na magpatuloy. Subalit sinundan nila ang iba.

Sila ay naglakad nang mga ilang yarda sa tabi ng isang bulubunduking daan na nasa gitna ng makahoy na mga dalisdis ng bundok. At pagkatapos ang daan ay lumiko at bumukas patungo sa isang uri na patag na lugar at tinatawid ito, ito'y lumuluwang, at maya-maya ito ay naging isang makipot na daan ulit at paliko-liko sa ilalim ng isang bubungan gawa ng magkakakabit na mga sanga ng mga punungkahoy. Sa isang walang-mga-punungkahoy na lugar, na bagama't nalililiman ng mga unang dahon ng kakahuyan, ay maraming tao sa ilalim ng isang marangyang tolda, habang ang ibang mga tao ay abala sa isang sulok pinaiikot ang isang tupa sa ibabaw ng apoy.

Walang duda tungkol dito! Si Gamaliel ay inaalagaang mabuti ang kanyang sarili. Para sa isang tao na maglalakbay ginawa niya ang isang pulutong ng mga katulong na kumilos na may kung gaano karaming mga bagahe. Siya ngayon ay nakaupo sa gitna ng kanyang tolda: isang tela na suportado ng apat na kalupkop-ng-gintong mga poste, isang uri ng habong sa ilalim kung saan ay may mga mabababang upuan na may mga kutson at isang mesa na nakapatong sa mga may-ukit na mga paa. Isang napakapinong tela ang nakasapin sa mesa at ang mga katulong ay naghahain ng masasarap na pagkain dito. Si Gamaliel ay nagmumukhang isang rebulto. Na ang kanyang mga kamay nakabuka sa ibabaw ng kanyang mga tuhod, tuwid at parang pari ng Ehipsiyo, siya ay katulad ng isang estatuwa sa akin. Ang mga katulong ay kumikilos sa paligid niya katulad ng malalaking paru-paro. Subalit hindi niya sila pinapansin. Siya ay nag-iisip, ang kanyang mga pilikmata kung baga nakababa sa kanyang mahigpit na mga mata, at kapag kanyang itinataas ang mga ito, ang kanyang malalim na napakaitim na nag-iisip-na-mga-mata ay naipakikita sa lahat ng kahigpitang kagandahan ng mga ito sa mga panabi ng isang mahabang manipis na ilong at sa ibaba ng mataas na kung baga panot na noo ng isang maedad nang lalaki. Ang kanyang noo ay naguguhitan ng tatlong magkaka-agapay na mga kulubot at ng isang mala-asul na ugat na pumoporma ng V sa gitna ng kanyang kanang sentido.

Ang ingay ng parating na mga tao ay nagagawa ang mga katulong na lumingon. Si Gamaliel din ay patingin-tingin sa paligid. Nakikita niya si Jesus na papalapit sa unahan ng iba at napakilos siya sa pagkagulat. Siya ay tumayo at kumilos patungo sa gilid ng tolda, ngunit hanggang doon lamang. Mula roon siya ay yumuko nang mababa na ang kanyang mga kamay naka-ikis sa kanyang dibdib. Si Jesus ay tumugon sa kanya sa gayon ding pamamaraan.

«Naririto Kayo, Rabbi?» tanong ni Gamaliel.

«Ako’y naririto, rabbi» tugon ni Jesus.

«Maaari ko ba Kayong tanungin kung saan Kayo patungo?»

«Aking kasiyahan na sabihin Ko sa iyo. Ako ay nanggaling sa Naphtali at Ako ay patungong Giscala.»

«Maglalakad? Subalit ito ay mahirap at mahabang daan sa tabi ng mga bundok na ito. Pinapagod Ninyo nang labis ang Inyong sarili.»

«Maniwala sa Akin. Kung Ako ay tinatanggap at pinakikinggan, ang lahat na pagod ay nawawala.»

«Bueno, kung gayon… hayaan Ninyo ako na siyang minsan na mag-aalis ng Inyong pagod. Ang tupa ay nakahanda na. Maiiwanan sana namin ang matitira sa mga ibon sapagkat hindi ko kailanman dinadala tira. Nakikita Ninyo na walang problema sa akin na ialok sa iyo at sa Inyong mga kasamahan ang pagkain. Ako ay mapagkaibigan sa iyo, Jesus. Hindi ko Kayo tinitingnan na mas mababa sa akin, bagkus mas dakila kaysa sa akin.»

«Naniniwala Ako sa iyo. Tinatanggap Ko ang iyong mabuting pagtanggap.»

Si Gamaliel ay nagsasalita sa isang katulong na tila siyang may pinakamataas na awtoridad at kanya namang ipinapasa ang utos. Ang tolda ay pinahaba at marami pang mga upuan at mga pagkain para sa mga disipulo ni Jesus ang ibinababa mula sa mga asno.

Sila ay nagdala ng mga mangkok upang padalisayin ang kanilang mga daliri. Si Jesus ay isinagawa ang ritwal na may pinakadakilang kapinuhan, samantalang ang mga apostol, kung kanino si Gamaliel ay sumusulyap nang matatalas, ay ginagawa ito hangga’t makakayanan nila nang maayos, maliban kina Simon, Judas Iskariote, Bartolomeo at Mateo, na mga mas sanay sa kapinuhan ng mga Hudyo.

Si Jesus ay nasa tabi ni Gamaliel na nag-iisa sa isang tabi ng mesa. Si Simon ay nasa harapan ni Jesus. Pagkatapos ng panalangin ng pagpapasalamat, na binigkas ni Gamaliel na may solemneng kakalmahan, ang mga katulong ay hiniwa ang tupa at pinaghati-hati sa mga panauhin at nilagyan nila ang mga kopa ng alak o tubig na pinatamisan ng pulot, para sa mga may gusto nito.

«Tayo ay nagkita nang hindi sinasadya, Rabbi. Hindi ko kailanman inaasahan na makita Kayo at patungo Kayo sa Giscala.»

«Ako ay patungo sa buong mundo.»

«Oo, Kayo ay ang walang-kapagurang Propeta. Si Juan ay ang isang nakatigil, Kayo ang Isang umiikot.»

«Mas madali, kung gayon, para sa mga kaluluwa na makita Ako.»

«Hindi ko masasabi iyan nang ganyan. Ang Inyong patuloy na pag-ikot, nawawalan sila ng direksiyon.»

«Nawawala Ko sa direksiyon ang Aking mga kaaway. Subalit ang mga may kailangan sa Akin, dahil minamahal nila ang Salita ng Diyos, ay natatagpuan Ako. Hindi lahat makapupunta sa Guro. At ang Guro, Na gusto ang lahat, ay pumupunta sa lahat, natutulungan kung gayon ang mabubuti at naiiwasan ang masasamang balak ng mga napopoot sa Akin.»

«Ako ba ang Inyong tinutukoy? Hindi ko Kayo kinapopootan.»

«Hindi ikaw. Subalit dahil ikaw ay makatarungan at prangko, masasabi mo na Ako ay nagsasalita ng katotohanan.»

«Oo, ganyan nga. Ngunit… tingnan… Ang katotohanan ay kaming matatandang tao ay hindi Kayo maintindihan nang mabuti.»

«Oo, ang lumang Israel ay hindi Ako naiintindihan nang mabuti. Iyan ay ang kanyang kamalasan… at dahil sa kanyang kalooban.»

«Hindi, hindi.»

«Oo, rabbi. Ayaw nilang maintindihan ang Guro. At siya na pinananatili ang sarili diyan, ay nakagagawa ng masama, subalit isang relatibang kasamaan. Marami sa halip ang nananadyang hindi makaintindi at nambabaluktot ng Aking salita upang masaktan ang Diyos.»

«Diyos? Siya ay hindi maaabot ng pantaong mga patibong.»

«Oo. Subalit ang bawat kaluluwa na naliligaw o inililigaw, - at nakapanliligaw ang mambaluktot ng Aking salita o ng Aking gawain, kapwa sa sarili ng isa at sa ibang mga tao, - ay nakasasakit Diyos sa kaluluwang naililigaw. Ang bawat kaluluwa na nailigaw ay isang sugat sa Diyos.»

Si Gamaliel ay ibinababa ang ulo, at isinasara ang kanyang mga mata, siya ay nagninilay-nilay. Pagkatapos kanyang idinidiin ang kanyang noo sa pagitan ng kanyang mahahabang maninipis na daliri, sa isang hindi sinasadyang pagkilos gawa ng kirot. Si Jesus a pinagmamasdan siya. Si Gamaliel ay itinaas ang kanyang ulo, ibinuka ang mga mata, tinitingnan si Jesus at nagsalita: «Ngunit nalalaman Ninyo na ako ay hindi isa sa mga iyon.»

«Alam Ko. Subalit ikaw ay isa ng una.»

«O! Totoo iyan. Ngunit hindi totoo na ayaw kitang maintindihan. Ang katotohanan ang Inyong salita ay tumitigil sa aking isip at hindi na makapagpatuloy pa. Ang isip ay hinahangaan ito bilang ang salita ng isang may-nalalaman na tao at ang espiritu…»

«At ang espiritu ay hindi ito matanggap, Gamaliel, sapagkat ito ay natatalian ng napakaraming mga bagay. At sirang mga bagay. Kani-kanina lamang, patungo rito mula sa Naphtali, Ako ay dumaan malapit sa isang bundok, na nakausli mula sa magkakakabit na mga bundok. Ako ay natuwang naparaan doon upang makita ang dalawang lawa ng Gennesaret at Merom, mula sa mataas na lugar, katulad sa ito ang nakikita ng mga agila at ng mga anghel ng Panginoon, upang sabihin muli: “Salamat sa Inyo, Tagapaglikha, para sa kagandahan na ipinagkaloob Ninyo sa amin”. Bueno, habang ang buong bundok ay natatakpan ng mga bulaklak, mga luntiang mga burol, mga lootan, mga bukid, mga kakahuyan, at ang mga laurel ay matamis na nangangamoy malapit sa mga punong olibo, inihahanda ang maputing hukbo ng libu-libong mga bulaklak at ang malalakas na puno ng terebinto ay tila nagiging mas mayumi habang niraramtan nito ang sarili ng mga girnalda ng clematis at woodbine: sa banda roon, ay walang mga bulaklak, walang pertilidad, ni ng tao o ng kalikasan. Ang lahat na pagsisikap ng mga hangin, lahat na pagtatrabaho ng mga tao ay nabibigo sapagkat ang napakalaking mga labí  ng lumang Hatzor ay napipigilan ang lahat, at sa pagitan ng malaking bato at ng isa pa tanging mga kulitis at mga palumpong lamang ang nakatutubo at mga ahas lamang ang nakapagtatago. Gamaliel…»

«Naiintindihan ko. Kami ay mga labí  din… Naiintindihan ko ang parabula, Jesus. Ngunit… Hindi ko… Hindi ko magawa ang iba. Ang mga bato ay napakabigat.»

«Ang Isa Na Kanino ikaw ay naniniwala ay nagsabi sa iyo: “Ang mga bato ay manginginig napapakinggan ang Aking huling mga salita”. Subalit bakit maghintay pa para sa huling mga salita ng Mesiyas? Hindi mo ba pagsisisihan na hindi mo Ako sinundan bago pa man? Ang huli!... Malulungkot na salita, katulad ng mga salita ng isang kaibigan na namamatay, at kung kanino tayo ay kailangan na makinig, subalit huli na. Ngunit ang Aking mga salita ay mas mahalaga kaysa sa salita ng isang kaibigan.»

«Tama Kayo… Ngunit hindi ko magagawa. Ako ay naghihintay sa tanda, upang ako ay sana maniwala.»

«Kapag ang isang kapiraso ng lupa ay tigang, ang isang kidlat ay hindi sasapat upang mabukid ito. Ang lupa ay hindi ito tatanggapin. Subalit ang mga bato na nagtatakip dito ay tatanggapin ito. Magsikap man lang na maalis ang mga ito, Gamaliel. Kung hindi, kung ang mga ito ay maiwan sa kung saan naroroon ang mga ito, sa kailaliman ng iyong puso, ang tanda ay hindi ka madadala sa paniniwala.»

Si Gamaliel ay tahimik, nakalubog sa pag-iisip. Ang kainan ay tapos na.

Si Jesus ay tumayo at nagsabi: «Pinasasalamatan Ko Kayo, Aking Diyos, kapwa para sa pagkain at para sa pagkakataon na makapagsalita sa isang marunong na tao. At salamat sa iyo, Gamaliel.»

«Guro, huwag Kayong umalis nang ganyan. Natatakot ako na Kayo ay galit sa akin.»

«O! Hindi! Kailangan na maniwala ka sa Akin.»

«Kung gayon, huwag Kayong umalis. Ako ay patungo sa libing ni Hillel. Di ba Ninyo mamarapatin na sumama sa akin? Hindi tayo magtatagal, sapagkat ako ay may mga mola at mga asno para sa lahat. Ang tanging gagawin lamang natin ay alisin ang mga kargadong mga siya, na mga dadalhin ng mga katulong. At ang pinakamahirap na bahagi ng daan ay mapa-iikli para sa Inyo.»

«Walang anuman sa Akin na sumama sa iyo o pumunta sa libing ni Hillel. Ito ay isang karangalan. Tayo na.»

Si Gamaliel ay ibinibigay ang mga kinakailangang tagubilin, at habang lahat sila ay abala inaalis ang pansamantalang silid-kainan, si Jesus at si Gamaliel ay sumakay sa dalawang asno a sila ay umuna na, magkatabi, sa isang tahimik na daan, kung saan ang mga may-bakal na mga paa ng mga asno ay malakas na tumutunog.

Si Gamaliel ay tahimik. Tanging dalawang ulit lamang niya nagtanong kay Jesus kung ang Kanyang sinasakyan ay komportable. Si Jesus ay sasagot at pagkatapos magiging tahimik muli, nakalubog sa pag-iisip. Kung kaya’t hindi Niya napupuna na si Gamaliel, pinababagal nang kaunti ang kanyang asno, pinababayaan na makauna si Jesus nang mga isang dipa, upang mapag-aralan sana niya ang bawat kilos ni Jesus. Ang mga mata ng matandang rabbi ay napakatalas sa panlalagos upang nagmumukhang katulad ito ng mga mata ng isang lawin tinititigan ang bibiktimahin nito. Subalit si Jesus ay hindi nagmamalay nito. Siya ay nagpapatuloy nang mapayapa, sinusundan ang pabagu-bagong bilis ng asno, Siya ay nag-iisip subalit pinagmamasdan Niya ang lahat na hitsura ng nasa kapaligiran Niya. Iniuunat Niya ang Kanyang kamay upang pitasin ang isang nakabitin na kumpol ng ginintuang cytisus, ngumingiti Siya sa dalawang ibon na gumagawa ng kanilang pugad sa loob ng isang makapal na juniper, pinatitigil Niya ang Kanyang mola upang pakinggan ang isang ibong blackcap at, bilang pagpapalà, tumatango Siya sa pagsang-ayon sa nananabik na sigaw na sa pamamagitan nito pinipilit ng isang layas na kalapati ang kanyang kalaguyo na magtrabaho.

«Mahal-na-mahal Ninyo ang mga yerba at mga hayop, hindi ba?»

«Oo, labis. Sila ang Aking buháy na aklat.  Ang tao ay laging nasa kanyang harapan ang mga pundasyon ng pananampalataya. Ang Genesis ay nabubuhay sa kalikasan. Ngayon, ang isang marunong tumingin, ay alam din kung papaano maniwala. Ang bulaklak na ito, na napakaganda sa amoy nito at sa laman ng patayun-tayon na mga korola nito, at sa ganitong kaibhan nito sa matinik na juniper na ito at sa furze na iyon, papaano nagawa nito ang sarili nito? At tingnan: ang mapula-ang-dibdib na ibon na iyon, ginawa kaya niya ang kanyang sarili na may natuyong dugo sa malambot na lalamunan nito? At ang dalawang kalapating iyon, saan at papaano kaya nila nakulayan ang mga onyx na mga kuwelyo sa belo ng kanilang abuhing mga balahibo? At sa banda roon, ang dalawang paru-parong iyon: isang maitim na may malaking ginto at ruby na mga singsing, habang ang isa, na may asul na mga guhit-guhit, saan nila natagpuan ang mga hiyas at mga ribon para sa kanilang mga pakpak? At ang agos ng tubig na ito? Ito ay tubig. Sang-ayon. Ngunit saan ito nanggaling? Alin ang unang pinanggalingan ng elemento ng tubig? O! Ang tumingin ang ibig sabihin ay maniwala, kung ang isa ay marunong tumingin.»

«Ang tumingin ang ibig sabihin ay maniwala. Kakaunti tayong tumingin sa buháy na Genesis na nasa harapan natin.»

«Labis na siyensiya, Gamaliel. At napakakaunting pagmamahal, at napakakaunting kababaang-loob.»

Si Gamaliel ay nagbubuntung-hininga at iniiling ang ulo.

«Narito. Nandito na tayo, Jesus. Si Hillel ay nakalibing sa banda roon. Bumaba na tayo at iwanan natin ang ating mga mola rito. Ang isang katulong ay kukunin ang mga ‘yan.»

Sila ay bumaba itinatali ang dalawang mola sa isang puno ng kahoy at ibinaling ang kanilang mga hakbang patungo sa isang libingan na nakausli mula sa bundok malapit sa isang malaking bahay na ganap na nakasarado.

«Ako ay pumupunta rito upang magnilay-nilay at maihanda ang aking sarili para sa mga kapistahan ng Israel» sabi ni Gamaliel itinuturo ang bahay.

«Pagkalooban ka nawa ng lahat na liwanag ng karunungan.»

«At dito (at si Gamaliel ay itinuturo ang sepulkro) upang maihanda ang aking sarili sa kamatayan. Siya ay isang makatarungang tao.»

«Siya ay isang makatarungang tao. Malulugod Akong magdasal malapit sa kanyang mga abo. Ngunit, Gamaliel, si Hillel ay hindi lamang dapat na maturuan ka niya na mamatay. Kailangan na maturuan ka niya na mabuhay.»

«Papaano, Guro?»

«“Ang isang tao ay dakila kapag ibinababa niya ang kanyang sarili” ay ang kanyang paboritong salita…»

«Papaano Ninyo nalalaman kung hindi Ninyo siya nakilala?»

«Nakilala Ko siya… gayunpaman, kahit na kung hindi Ko kailanman nakilala si Hillel, ang rabbi, sa personal, alam Ko ang kanyang pag-iisip, sapagkat wala Akong kinaliligtaan tungkol sa pantaong mga kaisipan.»

Si Gamaliel ay itinungo ang ulo at bumulong: «Tanging ang Diyos lamang ang makapagsasabi niyan.»

«Ang Diyos at ang Kanyang Salita. Sapagkat ang Salita ay nalalaman ang Kaisipan, at ang Kaisipan nakikilala ang Salita, at minamahal Siya, nakikipag-ugnayan sa Kanya at ipinagkakaloob Niya sa Kanya ng lahat ng Kanyang tagong kayamanan, upang magawa Siyang makaisa Niya sa Kanyang Sarili. Ang pagmamahal ang nagtatali sa mga pagkaka-ugnay-ugnay na ito at siyang lumilikha ng iisang Perpeksiyon mula sa mga ito. Ang Trinidad itong nagmamahal sa Sarili mismo, dibinong naporma, naglilikha, nagpapatuloy at nakumpleto. Ang bawat banal na kaisipan ay nagsimula sa Perpektong Isipan, at nasasalamin sa isipan ng makatarungang tao. Ang Salita ba kung gayon ay kalilimutan ang mga naiisip ng makatarungan, sa dahilan na ang mga ito ay ang mga kaisipan ng Kaisipan?»

Sila ay nagdarasal malapit sa saradong sepulkro. Sila ay nagdasal nang matagal. Ang mga disipulo at ang mga katulong ay inabutan sila, ang una mga nakasakay, ang huli dala-dala ang mga bagahe. Subalit sila ay tumigil sa gilid ng parang, na sa kabila nito ay ang sepulkro. Ang pagdarasal ay tapos na.

«Paalam, Gamaliel. Tumaas katulad ng ginawa ni Hillel.»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin?»

«Tumaas. Siya ay nauuna sa iyo sapagkat siya ay marunong maniwala nang mas may-kababaang-loob kaysa sa iyo. Ang kapayapaan ay makasama mo.

 171110

 



Sunod na kabanata