161. Ang Apó ni Eli, Isang Pariseo ng Capernaum, Pinagaling.

Mayo 11, 1945.

Si Jesus ay paparating na sa Capernaum sa pamamagitan ng bangka. Ang araw ay halos papalubog na at ang lawa ay kumikislap sa pula at dilaw na mga kulay.

Habang ang dalawang bangka ay nagmamanyobra upang makalapit sa baybayin, si Juan ay nagsabi: «Ako ay pupunta sa pontanya at dadalhan ko Kayo ng ilang tubig para sa Inyong uhaw.»

«Ang tubig ay maganda rito» bulalas ni Andres.

«Oo, maganda. At ang iyong pagmamahal ay nagagawa pa itong mas maganda para sa Akin.»

«Dadalhin ko ang isda sa bahay. Ang mga babae ay maihahanda ito para sa hapunan. Pagkatapos, Kayo ay magsasalita sa amin at sa kanila?»

«Oo, Pedro, magsasalita Ako.»

«Mas maganda na ngayon na makauwi. Magpahanggang ngayon tayo ay nagmumukhang katulad ng mga nomad¹. Ngunit ngayon, kasama ang mga babae, ay mas may kaayusan, mas may pagmamahalan. At pagkatapos! Kapag makita ko na ang Inyong Ina, pakiramdam ko hindi na ako pagod. Hindi ko alam…»

Si Jesus ay ngumingiti at tahimik.

Ang bangka ay sumadsad sa mabatong baybayin. Sina Juan at Andres, na mga nakasuot ng maikling mga tunika, ay tumalon sa tubig at sa tulong ng ilang mga binata naidaong nila ang bangka at nakapaglagay sila ng tabla bilang matutulayan. Si Jesus ang unang bumaba, at Siya ay naghihintay hanggang ang ikalawang bangka ay maisadsad, upang sabay-sabay sila ng Kanyang mga disipulo. Pagkatapos, dahan-dahan silang naglalakad patungo sa pontanya. Isang natural na pontanya ng tubig-bukal, na dumadaloy sa labas lamang ng nayon, at napakarami, malamig at mala-platang dumadaloy sa isang lunas. Ang tubig ay napakalinaw upang ang mga tao ay naiibigang inumin ito. Si Juan na nauna nang may dalang amphora, ay nakabalik at iniaabot ang pitsel kay Jesus, Na nagkaroon ng matagal na pag-inom.

«Gaano Kayo nauhaw, aking Guro! At ako, sa katangahan, ay hindi kumuha ng anumang tubig.»

«Hindi na bale, Juan. Tapos na ang lahat» at Kanyang nilalambing siya.

Sila ay pabalik na sana nang makita nila si Simon Pedro na dumating, tumatakbong mabilis hangga’t makakaya niya. Siya ay nanggaling na sa bahay upang dalhin ang kanyang isda. «Guro! Guro!» siya ay sumisigaw na humahangos. «Ang nayon ay nasa kaguluhan, sapagkat ang tanging apó ni Eli, ang Pariseo, ay namamatay gawa ng kagat ng ahas. Ang bata ay sumama sa matanda, at laban sa kalooban ng kanyang ina, sa kanilang lootan ng olibo. Si Eli ay pinamamahalaan ang ilang gawain, habang ang bata ay naglalaro malapit sa mga ugat ng isang matandang puno ng olibo. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa isang butas, umaasa na makatatagpo ng butiki, at natagpuan niya ang ahas. Ang matanda ay tila naging ligalig-na-ligalig. Ang ina ng bata, ay nanlalamig-nang-nanlalamig tuwing sandali. bagama't magkakamag-anak hind sila nagmamahalan! At hindi sila maaaring maging mas malapit pa sa isa’t isa!»

«Ang samaan ng loob ng pamilya ay hindi kailanman naging isang mabuting bagay!»

«Bueno, Guro, sasabihin ko na ang ahas ay hindi minahal ang ahas: si Eli. At napatay sana nila ang maliit na ahas. Nalulungkot ako na nakita niya ako at siya ay sumigaw sa akin: «Naririyan ba ang Guro?”. At ako ay naaawa para sa maliit na bata. Siya ay mabuting bata at iyon ay hindi niya kasalanan na siya ay isang apó ng isang Pariseo.»

«Siyempre, hindi niya iyon kasalanan.»

Sila ay naglalakad patungo sa nayon at nakita nila ang isang pulutong ng mga tao, nagsisigawan at nag-iiyakan, papalapit sa kanila, na ang nakatatandang Eli nasa harapan nila.

«Nakita nila tayo! Bumalik tayo!»

«Bakit? Ang matanda ay naghihirap.»

«Ang matandang iyan ay kinapopootan Kayo, tandaan Ninyo iyan. Siya ay ang isa sa Inyong una at pinakamalupit na mga taga-akusa sa Templo.»

«Natatandaan Ko na Ako ay Awa.»

Ang matandang Eli, marumi ang hitsura at balisa, marumi ang mga damit, ay tumatakbo patungo kay Jesus, ang kanyang mga kamay nakaunat, at bumagsak sa Kanyang paanan sumisigaw: «Awa! Awa! Patawarin Ninyo ako. Huwag ipaghiganti ang Inyong Sarili sa isang inosenteng bata gawa ng aking kagaspangan. Kayo lamang ang tanging Isa na makapagliligtas sa kanya! Ang Diyos, ang Inyong Ama, ay dinala Kayo rito. Naniniwala ako sa Inyo! Pinagpipitagan ko Kayo! Minamahal ko Kayo! Patawarin Ninyo ako! Ang mga oras na ito lamang ay nagsisilbing isang kaparusahan. Tulungan Ninyo ako! Ito ay ang bata! Ang tanging anak ng aking patay na anak na lalaki. At ang kanyang nanay ay inaakusahan ako ng pagpatay sa kanya» at siya ay tumatangis iniuumpog ang kanyang ulo sa lupa nang paulit-ulit.

«Halika rito! Huwag umiyak nang ganyan. Ibig mo bang mamatay na hindi mo na muli maaalagaan ang iyong apong lalaki?»

«Siya ay namamatay! Siya ay namamatay! Baka siya ay patay na. Hayaan Ninyo akong mamatay, na rin. Huwag Ninyo akong pabayaan na mamuhay sa walang-laman na bahay na iyon! O! Ang aking malulungkot na mga araw!»

«Eli, tumayo ka, at tayo na…»

«Kayo… ay totoong papunta na? Ngunit nalalaman ba Ninyo kung sino ako?»

«Isang di-masayang tao. Tayo na.»

Ang matanda ay tumayo at nagsabi: «Uuna na ako, subalit tumakbo, takbo, magmadali!» At siya ay umalis, napakabilis, dahil sa panghihina ng kalooban na tumutusok sa kanyang puso.

«Ngunit, Panginoon, sa Inyo bang palagay mababago Ninyo siya? O! Anong himalang masasayang ito! Hayaan ang maliit na ahas na iyon na mamatay! Ang matanda rin ay mamamatay na biyak ang puso… at mababawasan nang isa ang mga nasa daan Ninyo… Ang Diyos ang may gawa nito…»

«Simon! Upang sabihin Ko sa iyo ang totoo, ikaw na ngayon ang ahas.» Si Jesus ay matinding pinalayo si Pedro, na ibinababa ang ulo, at si Jesus ay nagpatuloy.

Malapit sa pinakamalaking liwasan sa Capernaum ay may isang napakagandang bahay sa harapan nito kung saan ang mga pulutong ay gumagawa ng isang nakapanghihilakbot na ingay… Si Jesus ay ibinabaling ang Kanyang mga paghakbang patungo rito at malapit nang makarating nang ang matandang lalaki ay lumabas mula sa maluwang na nakabukas na pintuan, sinusundan ng isang naguguluhang babae, na hawak sa kanyang mga bisig ang isang maliit na nag-aaguniyang batang lalaki. Ang lason ay naparalisa na ang kanyang mga organo at ang kamatayan ay parating na. Ang maliit na nasugatang kamay ay nakalaylay, may marka ng kagat sa ugat ng kanyang hinlalaki. Si Eli ay walang ginagawa bagkus ang sumigaw: “Jesus! Jesus!»

At si Jesus, naiipit at napangingibabawan ng mga pulutong na nagpapahirap sa Kanyang pagkilos, ay kinuha ang maliit na kamay patungo sa Kanyang bunganga, sinisipsip ang sugat, pagkatapos hinihingahan ang namumutlang mukha at ang medyo maningning na medyo nakasarang mga mata. Pagkatapos itinuwid Niya ang Kanyang sarili: «Narito» sabi Niya, «ang bata ay gigising na ngayon. Huwag ninyo siyang takutin ng inyong mga hitsura na balisang-balisa. Siya ay matatakot kapag maalaala niya ang ahas.»

Sa katunayan ang bata, na ang mukha ay nagkakulay na, ay ibinubuka ang bunganga sa malaking paghikab, kinukuskos ang kanyang mga mata, ibinubuka ang mga ito at nagulat na siya ay nasa pagitan ng napakaraming tao. Pagkatapos kanyang naalaala, at ibig na sana niyang tumakbo, na may biglang pagtalon, na siya ay maaaring nahulog kung hindi nakahanda si Jesus upang saluhin siya ng Kanyang mga kamay.

«Mabuti, mabuti! Ano ang ikinatatakot mo? Tingnan mo kung gaano kaganda ang araw! Sa banda roon ay ang lawa, ang iyong bahay, at ang iyong ina at lolo ay naroroon.»

«At ang ahas?»

«Wala na iyon ngayon dito. Sa halip Ako ang naririto.»

«Ikaw. Oo…» Ang bata ay nag-iisip… at pagkatapos, sa inosenteng tinig ng katotohanan, sinabi niya: «Ang aking lolo ay madalas sabihin sa akin na sabihin ko ang “naisumpa” sa iyo. Ngunit hindi ko sasabihin ito. Minamahal ko Ikaw, Oo.»

«Ako? Sinabi ko iyan? Ang bata ay nagdidiliryo. Huwag Ninyo siyang paniwalaan, Guro. Lagi ko Kayong nirerespeto.» Habang naglalaho ang takot, ang dating kalikasan ay nangingibabaw muli.

«Ang mga salita ay may halaga at walang halaga. Pinakikinggan Ko ito kung ano ang mga ito. Paalam, munting bata, paalam, babae, paalam, Eli. Magmahalan sa isa’t isa at mahalin Ako, kung magagawa ninyo.» Si Jesus ay tumalikod at lumakad patungo sa bahay kung saan Siya nakatira.

«Bakit, Guro, hindi Kayo gumawa ng nakagugulat na himala? Sana inutusan Ninyo ang lason na umalis sa bata. Sana ipinakita Ninyo ang Inyong Sarili bilang Diyos. Sa halip sinipsip Ninyo ang lason katulad ng kahit sino pa mang abang mamâ.» Si Judas ng Kerioth ay hindi masayang-masaya. Ang gusto niya ay isang nakagigilalas.

Ang iba rin ay gayon din ang opinyon. «Sana’y dinurog Ninyo ang kaaway Ninyong iyon, sa pamamagitan ng Inyong kapangyarihan. Napakinggan Ninyo siya, di ba! Siya ay naging makamandag muli kaagad…»

«Ang kanyang lason ay walang importansiya. Ngunit kailangan na isipin ninyo na kung ginawa Ko ang gusto ninyo, maaaring sinabi niya na Ako ay tinulungan ni Beelzebub. Ang kanyang sirang kaluluwa ay nakikilala pa ang Aking kapangyarihan bilang isang doktor. Ngunit wala nang iba. Ang himala ay nakapagdadala sa pananampalataya sa mga tao lamang na naroroon na sa daan. Subalit sa mga taong walang kababaang-loob – ang pananampalataya ay laging pagpapatunay na mayroong kababaang-loob sa isang kaluluwa – ito ay nagdadala sa pagwawalang-pitagan. Mas mabuti na kung gayon na iwasan ang panganib na iyan sa paggamit ng mga porma ng pantaong hitsura. Ang hindi mapagagaling na paghihirap ay ang paghihirap ng mga di-makapaniwala. Walang pamamaraan ang makaaalis nito sapagkat walang himala na makapagtutulak sa kanila na maniwala o maging mabuti. Hindi na bale. Ginawa Ko ang Aking tungkulin. Sinusundan nila ang kanilang masamang kapalaran.»

«Bakit Ninyo ginawa iyon, kung gayon?»

«Sapagkat Ako ay kabutihan at upang walang sinuman ang makapagsabi na Ako ay mapaghiganti sa Aking mga kaaway at nanggagalit sa mga mahihilig manggalit. Ako ay nagtatambak ng uling sa kanilang mga ulo. At iniaabot nila ito sa Akin upang sana maipatong Ko ito. Maging mabuti, Judas ni Simon. Magsikap na huwag umasal katulad ng ginagawa nila! At iyan lang. Tayo na sa Aking Ina. Magiging masaya Siya na Ako ay nakapagpagaling ng isang bata.»

171110

¹nomad - Mga taong walang tiyak na tirahan, palipat-lipat ng tirahan - RLB

 

 



Sunod na kabanata