166. Ang Unang Sermon ni Simon Zealot at ni Juan.

Mayo 18, 1945.

Si Jesus, sa kalahatian ng pagbaba sa bundok, ay nakitang maraming disipulo at marami pang mga tao, na depende sa kagustuhan ng bawat isa ay sumama sa mga disipulo. Sila ay napunta rito naitulak ng pangangailangan ng isang himala, ng mithiin na mapakinggan ang salita ni Jesus, at nagabayan ng pagpunta rito sa pamamagitan ng impormasyon ng ibang mga tao o ng likas na pakiramdam ng kanilang mga kaluluwa. Sa aking palagay ang mga anghel ng mga tao ay dinala sila sa Anak ng Diyos, sa dahilan na minimithi nila ang Diyos. Sa palagay ko ako ay hindi nagsasalita ng isang kuwento na walang katotohanan. Kung titingnan natin kung gaano kabilis at katuso ang pagpupursige ni Satanas na dalhin ang mga kaaway sa Diyos at sa Kanyang Salita, sa tuwing ang kanyang mala-dimonyong espiritu ay ipinapakita sa mga tao ang halimbawang mga diperensiya ng Kristo, maaaring tanggapin na isipin, o kung baga kaysa isipin ito’y totoong makatarungan na ang mga anghel din ay hindi magpápahuli sa mga dimonyo at dadalhin nila ang di-maka-dimonyong mga espiritu sa Kristo.

At si Jesus ay ginagawa ang Kanyang lubos na makakayanan para sa mga matagal nang matiyaga at walang-takot na naghihintay sa Kanya at pinagkakalooban Niya sila ng mga himala at ng kaginhawahan ng Kanyang salita. Gaano karaming mga himala! Kasing dami ng mga bulaklak na nagdedekorasyon sa mga batong-ungos ng bundok. Ang ilan sa mga himala ay dakila, katulad ng isa para sa isang batang lalaki na nailigtas mula sa nasusunog na imbakan ng mga dayami at nakakatakot na nasunog. Ang bata ay dinala rito sa estretser, nakakaawang umiyak, isang tambak ng sunog na laman sa ilalim ng isang linen na damit, na ipinangtakip sa kanya, nakakatakot ang hitsura ng kanyang sunog na katawan. Siya ay malapit nang ihinga ang kanyang huling hininga. Si Jesus ay hiningahan siya sa ibabaw niya at ginamot ang mga nasunog na laman na ganap na gumaling, upang ang bata ay nakatayo, lubos na hubad, at nakatakbong masaya patungo sa kanyang ina, na, umiiyak sa saya, hinahaplus-haplos ang buong katawan niya na lahat gumaling, na walang anumang bakas ng sunog. Hinahalikan niya ang kanyang mga mata, na inaasahang nasunog, ngunit sa halip ay maliwanag at nagniningning sa tuwa. Ang kanyang buhok ay maikli, ngunit hindi nasira, na tila ang apoy ay kumilos bilang labaha at hindi isang instrumento ng pagsira. Ang ibang mga himala ay menor, katulad ng isa pabor sa isang matandang lalaki, naghihirap gawa ng asma, na nagsasabi: Hindi para sa aking kapakanan, bagkus dahil kailangan kong maging isang ama para sa aking maliliit na mga ulilang apo, at hindi ko matatrabaho ang lupa nang may ganitong sakit dito, sa loob ng aking lalamunan, sinasakal ako…»

Mayroon ding di-nakikita subalit tunay na himala, na nagawa ng salita ni Jesus: «Sa pagitan ninyo ay may isa na ang kaluluwa ay umiiyak, subalit hindi maglakas-loob na sabihin ang mga salitang: “Kaawaan ako!” Ang Aking tugon ay: “Mangyari ito ayon sa ibig mo. Nasa iyong lahat ang Aking awa, upang sana malaman mo na Ako ay Awa”. bagama't ang sa Akin naman ay ang sasabihin Ko sa iyo: “Maging mapagbigay”. Maging mapagbigay sa Diyos. Putulin ang lahat na mga kaugnayan sa nakaraan. Nadarama mo ang Diyos, kung gayon lumapit sa Kanya Na iyong nadarama, na may malayang puso at kumpletong pagmamahal.» Hindi ko malaman kung para kanino, sa mga nasa pulutong, ipinaaabot ang mga salitang ito.

Si Jesus ay sinasabi din: «Ito ay ang Aking mga apostol. Sila ay kasing dami ng mga Kristo, sapagkat pinili Ko sila na ganyan. Lumapit sa kanila na nagtitiwala. Sila ay natuto sa Akin kung ano ang kinakailangan para sa inyong mga kaluluwa…» Ang mga apostol, ganap na natatakot, ay tinitingnan si Jesus. Subalit Siya ay ngumingiti at nagpapatuloy:  «…at bibigyan nila ang inyong mga kaluluwa ng liwanag ng mga bituin at ng pampalamig na hamog, upang mapigilan kayo na manghina sa loob ng kadiliman. At pagkatapos Ako ay darating upang bigyan kayo ng perpektong liwanag at konsolasyon at lahat na karunungan upang magawa kayong malakas at masaya sa pamamagitan ng sobrenatural na lakas at galak. Ang kapayapaan ay sumainyo, Aking mga anak. Ako ay inaasahan ng iba pang mga tao na mas di-masasaya at mas mahihirap pa kaysa sa inyo. Ngunit hindi Ko kayo iiwanan na mag-isa. Iniiwan Ko ang Aking mga apostol kasama ninyo, na pareho din naman ng tila iniiwan Ko ang mga anak ng Aking pagmamahal na ipinagkakatiwala sila sa pinakamagiliw at maaasahang kinikilalang mga ina.»

Si Jesus ay ikinakaway ang Kanyang kamay, nagbebendisyon sa kanila at umalis, naglalakad sa gitna ng pulutong, na ayaw Siyang paalisin at dito mismo ginawa Niya ang huling himala. Ang isang matanda na paralisadong babae, na dinala rito ng kanyang apong lalaki, ay masayang-masayang inuuga ang kanyang kanang kamay, na bago nito ay hindi niya maigalaw, at siya’y sumisigaw: «Nasagi Niya ako nang kaunti ng Kanyang manta, nang dumaraan, at ako ay gumaling! Ni hindi ko ito hiningi, dahil ako ay matanda na… Ngunit naawa rin Siya sa aking lihim na mithiin. At sa pamamagitan ng Kanyang manta, na ang laylayan ay halos hindi nadikitan ang aking walang-silbing kamay, pinagaling Niya ako! O! Anong dakilang Anak ang mayroon ang ating banal na David! Kaluwalhatian sa kanyang Mesiyas! Ngunit tingnan! Tingnan! Pati rin ang aking paa ay gumagalaw katulad ng aking kamay… O! Ang aking pakiramdam ako ay dalawampung taon gulang lamang!»

Habang maraming tao ang nagmamadali patungo sa matandang babae, na isinisigaw ang kanyang kasayahan sa tuktok ng kanyang tinig, si Jesus ay makapupuslit na hindi na mapipigilan muli. At ang mga apostol ay sinusundan Siya.

Nang sila ay nasa malungkot na lugar na, halos sa ibaba na sa kapatagan, sila ay tumigil nang isang sandali sa isang lugar na pulos palumpungan, na umaabot hanggang lawa. Sinasabi ni Jesus: «pinagpapalà Ko kayo! Bumalik kayo sa inyong gawain at ipagpatuloy ito hanggang sa Ako ay makabalik, katulad ng Aking sinasabi sa inyo.»

Si Pedro, na naging tahimik magpahanggang ngayon, ay bumulalas: «Ngunit, aking Panginoon, ano ang Inyong ginawa? Bakit Ninyo sinasabi na nasa amin ang lahat na kakailanganin ng mga kaluluwa? Totoo na sinabi Ninyo sa amin ang maraming mga bagay. Ngunit kami ay mga tanga, ako man lang, at… at sa lahat na ibinigay Ninyo sa akin, kakaunti ang natitira, napakakaunting totoo. Katulad ko ang isa, na pagkatapos kumain, nasa tiyan pa niya ang mabigat na bahagi ng pagkain. Ang iba ay wala na rito.»

«Si Jesus ay ngumiting prangko: «Nasaan na ang ibang pagkain, kung gayon?»

«Bueno… hindi ko alam. Alam ko na kapag ako ay kumakain ng maselan na pagkain, pagkatapos ng isang oras ang pakiramdam ko sa aking tiyan ay wala nang laman. Ngunit kumakain ako ng labanos-kabayo, o mga lentehas na may langis, eh! Matagal bago ito mawala!»

«Oo. Ngunit makatitiyak ka na ang labanos-kabayo at mga lentehas, na tila mas nakabubusog sa iyo ay mas kulang sa sustansiya: iyan ay pagkain na lumalampas na may kaunting benepisyo. Samantalang ang mga maselan na pagkain na iyong nararamdaman na nawala na, sa loob ng isang oras, ay wala na sa iyong tiyan, bagkus nasa dugo mo na. Kapag ang pagkain ay natunaw na, ito ay wala na sa tiyan ng isa, subalit ang katas nito ay nasa dugo na at mas kapaki-pakinabang. Ngayon ikaw at ang iyong mga kasama ay iniisip na wala na, o kakaunti, ang naiwan sa inyo ng kung ano ang Aking sinabi sa inyo. Baka naaalaala ninyo kung alinman ang nababagay sa kalikasan ng isa: ang marahas ang mararahas na bahagi, ang mapagnilay ang mapagnilay na mga bahagi, ang mapagmahal ang mapagmahal na mga bahagi… Ngunit maniwala sa Akin: ang lahat ay nasa loob ninyo. Kahit na kung tila ito ay nawala na. Nasipsip ninyo ito. Ang inyong mga naiisip ay bibiklad katulad ng isang marami’t iba’t ibang kulay na sinulid ipinakikita sa inyo ang magaan o malakas na mga kulay ayon sa kung ano ang inyong nakuha. Huwag matakot. Isipin na nalalaman Ko na hindi Ko kayo ipadadala kung nalalaman Ko na hindi ninyo iyan magagawa. Paalam, Pedro. Magsaya! Ngumiti! Manampalataya! Isang magandang pagkilos ng pananampalataya sa Omnipresenteng Karunungan. Paalam, sa lahat. Ang Panginoon ay kasama ninyo.» At Kanyang iniwanan sila nang mabilis, habang sila ay nagtataka pa at nag-aalala tungkol sa kanilang narinig na kailangan nilang gawin.

«Subalit kailangan natin na sumunod» sabi ni Tomas.

«Oo… siyempre… O! kaawa-awang ako! Ang aking pakiramdam ibig kong habulin Siya…» bulong ni Pedro.

«Hindi. Huwag. Ang sumunod ay ang mahalin Siya» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Ito ay makatwiran lamang at naaayon din sa banal na kahinahunan na tayo ay kailangan nang magsimula habang Siya ay nasa malapit pa sa atin at makapagpapayo pa sa atin kung tayo ay makagawa ng mga pagkakamali. Kailangan natin na tumulong.» mungkahi ng Zealot.

«Totoo iyan, Si Jesus ay medyo pagod na. Kailangan na mapagaanan natin Siya nang kaunti, hangga’t magagawa natin. Hindi na sapat na magdala lamang tayo ng mga bag, gawin ang mga higaan at ihanda ang pagkain. Kahit na sino ay magagawa iyan. Ngunit kailangan na tulungan natin Siya sa Kanyang misyon, ayon sa ibig Niya na gawin natin» pagpapatotoo ni Bartolomeo.

«Ito ay walang anuman sa iyo, sapagkat ikaw ay may-pinag-aralang tao. Ngunit ako… Ako ay halos ganap na mangmang…» ungol ni Santiago ni Zebedeo.

«O Panginoon! Naririyan na ang mga naroroon sa itaas. Sila ay papunta rito! Ano ang ating gagawin?» bulalas ni Andres.

At si Mateo ay nagsabi: «Mawalang galang na, kung ako, na pinaka-miserableng isa, ay magbibigay sa iyo ng payo. Hindi ba mabuti na manalangin sa Panginoon, sa halip na tumayo rito nagrereklamo tungkol sa mga bagay na ang pagrereklamo ay hindi makagagawa ng mabuti? Sige na, Judas, alam-na-alam mo ang mga Banal na Kasulatan, bigkasin mo para sa atin ang lahat na panalangin ni Solomon upang makakuha ng Karunungan. Bilis! Bago sila makarating dito.»

At si Tadeo sa kanyang magandang baritonong tinig ay nagsimula: «Diyos ng aking mga ninuno, Panginoon ng Awa, Na sa pamamagitan ng Inyong salita ay ginawa ang lahat na mga bagay… atbp… atbp.» hanggang sa: «… ang lahat na iyon ay nailigtas ng Karunungan, na nagpalugod sa Inyo, o Panginoon, mula sa simula.» Nakatapos siya sa tamang sandali, bago pa lamang makarating ang mga tao, at pinaligiran sila nagtatanong ng libu-libong mga katanungan tungkol sa kung saan ang Guro pumunta, kailan Siya babalik, at isa pang mas mahirap sagutin, nakikiusap: «Papaano nila masusundan ang Guro, (kung) hindi sa pamamagitan ng kanilang mga paa, bagkus sa pamamagitan ng kanilang mga kaluluwa, sa Daan na itinuro Niya sa kanila?

Ang mga apostol ay napahiya ng katanungan. Nagtitinginan sila at ang Iskariote ay tumugon: «Sa pagsunod sa perpeksiyon» na tila ang kanyang tugon ay ang kapaliwanagan sa lahat!...

Si Santiago ni Alfeo, na mas mapagpakumbaba at tahimik, ay napag-isip, pagkatapos nagsabi: «Ang perpeksiyon na binabanggit ng aking kasama ay nakukuha sa pagsunod sa Batas. Sapagkat ang Batas ay katarungan at ang katarungan ay perpeksiyon.»

Ngunit ang pulutong ay hindi pa kontento, at ang isa, na tila lumalabas na siyang ang namumuno, ay nagtanong: «Ngunit kami ay katulad ng maliliit na bata tungkol sa paggawa ng mabuti. Ang mga bata ay hindi pa nalalaman ang ibig sabihin ng Mabuti at Masama, hindi nila masasabi ang isa sa isa. At sa daan na ito, na Kanyang itinuturo sa amin, kami ay napakawalang karanasan na ni hindi namin malaman ang pagkakaiba sa dalawa. May paraan na alam namin, ang lumang paraan, na itinuturo sa amin sa eskuwelahan. Ito’y napakahirap, matagal at nakakatakot! Ngayon, pinakikinggan ang Kanyang salita, ang aming pakiramdam katulad iyan ng dikeng iyon na nakikita natin mula rito. Sa ibaba, ay naririyan ang daan para sa mga hayop at mga tao, sa itaas, sa magagaan na mga arko, doon sa itaas sa araw at sa asul na kalawakan, malapit sa mga pinakamatataas na sanga na kumakaluskos sa hangin at tumutunog kasama ang mga pag-awit ng mga ibon, ay may isa pang daan, na kasing kinis, linis at linaw, katulad na ang mas inferior ay magaspang, marumi at madilim, na isang pagpapalà, dahil sa tubig na nanggagaling sa Diyos at hinahaplos ng kung ano ang sa Diyos: mga sinag ng araw at ng mga bituin, bagong mga dahon, bulaklak at mga pakpak ng mga golondrina. Ibig namin na umakyat sa mataas na daan na iyon, na siyang Kanyang daan, ngunit hindi namin nalalaman kung papaano ito gawin, sapagkat kami ay para rito sa ibaba, sa ilalim ng bigat ng lumang konstruksiyon. Anong aming gagawin?»

Ang lalaking nagsalita ay isang bata-pang lalaki mga dalawampu’t limang taong gulang, maitim, malakas, na may matalinong hitsura. Siya ay tila hindi isang tao ng madla katulad ng karamihan ng nariritong pulutong. Siya ay nakasandal sa isang mas nakatatandang lalaki.

Ang Iskariote, matangkad na katulad niya, ay nakikita ang lalaki at siya ay bumulong sa kanyang mga kasama: «Bilis, ipaliwanag ang mga bagay nang maayos. Naririyan sina Hermas kasama si Stephen, na minamahal ni Gamaliel!» At sapat na iyan upang ganap na mapahiya ang mga apostol.

Sa wakas ang Zealot ay tumugon: «Hindi magkakaroon ng arko, kung walang panulukang bato sa madilim na daan. Ang huli ay ang matris ng una, na tumataas mula rito at umaakyat patungo sa asul na kalawakan, na siyang iyong minimithi. Ang mga batong ipinirmi sa lupa at siyang nagdadala sa bigat na hindi nakatatanggap ng mga sinag o mga paglipad ay nalalaman na sila ay nakatalaga roon, sapagkat paminsan-minsan ang isang golondrina, na umaagitit, ay lumilipad pababa hanggang sa putik, at hinahaplos ang paanan ng arko, at ang isang sinag ng araw o ng bituin ay nakalulusot upang sabihin kung gaano kaganda ang kisame ng langit. Kung kaya’t nang mga nakaraang siglo, ang isang dibinong salita o pangako, isang selestiyal na sinag ng karunungan, ay bumababang paminsan-minsan upang haplusin ang mga bato na nasisiil ng dibinong galit. Sapagkat ang mga bato ay kinakailangan. Sila ay hindi, hindi noon at hindi kailanman magiging walang pakinabang. Ang panahon at ang perpeksiyon ng pantaong kaalaman ay nakataas nang mabagal sa ibabaw nila at narating ang kalayaan ng pangkasalukuyang mga araw at ang karunungan tungkol sa sobrenatural na kaalaman.

Nakikita ko na ang inyong pagtutol, ito ay nakasulat sa inyong mga mukha. Iyan ang isang nagkaroon kaming lahat, bago nagawa naming maintindihan na ito ay ang Bagong Doktrina, ang Ebanghelyo na ipinapahayag sa mga tao, na dahil sa nakapagpapabagal na proseso, hindi naging mga adulto sa pamamagitan ng pagtaas ng mga bato ng kaalaman, bagkus nangitim pa nang nangitim katulad ng isang pader na lumulubog patungo sa isang madilim na kalaliman.

Upang makalaya sa kalagayang ito ng isang sobrenatural na kadiliman, kailangan na may katapangan nating palayain ang panulukang bato mula sa lahat na iba pa na nasa ibabaw nito. Huwag matakot na itumba ang mataas na pader na hindi nagdadala sa purong limpa ng eternal na bukal. Bumalik sa pundasyon, na hindi kailangan na baguhin. Ito ay nanggagaling sa Diyos. Ito ay hindi kailanman magagalaw. Ngunit bago tanggihan ang mga bato, sapagkat hindi lahat ito masama at walang-pakinabang, suriin ang mga bato isa-isa, ayon sa tunog ng salita ng Diyos. Kung sa pakinig ninyo ito ay mabuti, itago ito at gamitin ulit upang magtayo. Subalit kung napapakinggan ninyo rito ang wala-sa-tunong tunog ng pantaong tinig o ang nakabibiyak na tunog ng isang mala-dimonyong tinig – at kayo ay hindi magkakamali sapagkat kung ito ay tinig ng Diyos ito ay tunog ng pagmamahal, kung ito ay pantaong tinig ito ay isang sensuwal na tunog, kung ito ay isang mala-dimonyong tinig ito ay tunog ng kapootan – kung gayon basagin ang masasamang bato nang manginig. Sinasabi ko: basagin nang manginig, sapagkat ito ay karidad na huwag mag-iwan ng mga mikrobyo o masasamang bagay, na baka makapanukso sa nagdaraan at rahuyuin siya nito na gamitin para sa ikasasama niya. Duruging literal nang mapulbos ang lahat ng inyong mga gawa, mga kasulatan, mga itinuturo at mga kilos na hindi mabuti. Mas mabuti nang maiwanan ng kaunti, upang makataas kahit man lang isang siko ng mabubuting bato, kaysa makataas nang yarda-yarda ng masasamang mga bato. Ang mga sinag ng araw at mga golondrina ay bumababa din naman sa mabababang pader, na halos hindi makataas mula sa lupa at ang abang maliliit na bulaklak sa gilid ng daan ay madaling naaabot nito ang mababang bato upang haplusin ang mga ito. Sa kabaligtaran, ang mapagmalaking walang-pakinabang na mga bato na ibig na makataas nang mas mataas ay walang natatanggap bagkus mga matitinik na haplos at nakalalasong mga yakap. Gumiba upang makapagtayo at makataas, sinusubukan ang kabutihan ng inyong matatandang bato sa tunog ng tinig ng Diyos.»

«Ikaw ay isang magaling na mananalumpati, mamâ. Kailangan nating makataas! Subalit papaano? Nasabi na namin sa inyo na kami ay daig pa namin ang mga sanggol. Sino ang makagagawa sa amin na maakyat ang matarik na haligi? Susubukan namin ang mga bato sa tunog ng tinig ng Diyos.  Bibiyakin namin ang hindi mabubuti. Ngunit papaano kami makatataas? Nahihilo na kami sa pag-iisip pa lamang tungkol dito!» sabi ni Stephen.

Si Juan na kanina pa nakikinig ang ulo nakatungo, ngumingiti sa sarili, ay itinaas ang ulo. Ang kanyang mukha maningning at siya ay nagsimulang magsalita:

«Mga kapatid! Ang kaisipan na makataas ay nagagawa kayong mahilo. Totoo iyan. Ngunit sino ang nagsabi sa inyo na kailangan na tangkain nang deretso ang pag-akyat? Hindi lamang mga sanggol, bagkus pati mga adulto ang hindi nito nakagagawa. Tanging ang mga anghel lamang ang makasasalimbay sa asul na mga kalawakan, sapagkat sila ay malaya sa lahat na mga materyal na pabigat. At tanging mga bayani lamang sa kabanalan ang makagagawa nito sa pagitan ng mga tao.

Tayo ay mayroong buháy na nilikha, na sa malungkot na mundong ito, ay isa pa ring banal na bayani, katulad ng mga dating tao na nag-adorno sa Israel, nang ang mga Patriyarka ay mga kaibigan ng Diyos at ang salita ng eternal na Alituntunin ay ang tanging iisa lamang at siyang sinusunod ng bawat matuwid na nilikha. Si Juan, ang Precursor ay tinuturuan tayo kung papaano tangkain nang deretso ang pagtaas. Si Juan ay isang tao. Subalit ang Grasya, na ipinaabot sa kanya sa pamamagitan ng Apoy ng Diyos, nagpadalisay sa kanya sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina, katulad na ang mga labì ng Propeta ay nilinis ng Serapin, upang sana mauna siya sa Mesiyas na hindi nag-iiwan ng baho ng orihinal na kasalanan sa makaharing daan ng Kristo, ang Grasyang iyon ay nakapagbigay kay Juan ng mga pakpak ng isang anghel at ang Pagsisisi ay nakapagpalago sa mga ito, pinupuksang kasabay ang pantaong pabigat na nanatili gawa ng kalikasan ng isang tao na ipinanganak ng isang babae. Si Juan, kung gayon, mula sa yungib kung saan siya nagtuturo ng pagsisisi, kasama ang kanyang espiritu na ikinasal sa Grasya na umaapoy sa kanyang katawan, ay nakatataas sa tuktok ng arko sa kabila kung saan ay naririyan ang Diyos, ang Kataas-taasang Panginoong ating Diyos, at pinangingibabawan ang nakaraang mga siglo, ang kasalukuyang araw at ang hinaharap, sa pamamagitan ng tinig ng isang propeta at ng mata ng isang agila na nakatititig sa eternal na araw at nakakakilala rito, nakapagpapahayag siya: “Naririyan ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mundo”. At maaari na siyang mamatay pagkatapos ng makalangit na awit na ito, na aawitin hindi lamang sa loob ng ating limitadong panahon, bagkus pati rin sa walang-katapusang Panahon sa eternal na pinagpalang Herusalem, upang palakpakan ang Ikalawang Persona, upang panawagan Siya tungkol sa pantaong mga paghihirap, upang awitin ang mga hosana sa eternal na kaningningan.

Subalit ang Kordero ng Diyos, ang Pinaka-Magiliw na Kordero Na umalis sa Kanyang maningning na luklukan sa Langit, kung saan Siya ay ang Apoy ng Diyos sa isang yakap na apoy – O! ang eternal na paglikha, ng Ama Na isinasaisip ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng Kanyang walang-limitasyon at pinakabanal na kaisipan, at sinisipsip Siya nakagagawa ng pagbuhos ng pag-ibig, mula kung saan ang Espiritu ng Pag-ibig ay nagpapatuloy, ang sentro ng Kapangyarihan at Karunungan – subalit ang Kordero ng Diyos, Na iniwan ang Kanyang pinakapurong di-laman na porma, upang ipaloob ang Kanyang walang-hangganang kadalisayan, kabanalan at dibinong kalikasan sa loob ng mortal na laman, ay nalalaman na tayo ay hindi nalinis ng Grasya, hindi pa, at nalalaman na hindi tayo makatataas sa mataas na tugatog, kung saan ang Diyos, Isa at sang-tatlo ay naroroon, katulad ng agila, na si Juan nga. Tayo ay maliliit na pipit nabubuhay sa mga bubungan at sa mga kalsada, tayo ay mga golondrina na lumilipad sa kalawakan subalit kumakain ng mga insekto, tayo ay mga woodlark na ibig na umawit ginagaya ang mga anghel, subalit ang ating pag-awit, kapag ikumpara sa kanila, ay isang wala-sa-tunong mataas na higing ng mga kuliglig sa tag-araw. Ang Magiliw na Kordero ng Diyos, Na pumunta upang alisin ang kasalanan ng mundo, ay nalalaman ito. Sapagkat kung Siya ay hindi na ang Walang-Hanggang Espiritu ng Langit, dahil sa pagkakakuha Niya ng laman ng tao, ang Kanyang kawalang-hangganan ay hindi nabawasan gawa nito at nalalaman Niya ang lahat sapagkat ang Kanyang karunungan ay laging walang-hangganan.

Kung kaya’t itinuturo Niya sa atin ang Kanyang daan. Ang daan ng pag-ibig. Siya ay ang Pag-ibig, na dala ng awa para sa atin, naging laman. At ang Maawaing Pag-ibig na iyan ay naglikha para sa atin ng daan, na sa pamamagitan nito ang maliliit din ay makatataas. At Siya ang una na tumaas dito, hindi dahil sa Kanyang sariling pangangailangan, bagkus upang turuan tayo. Ni hindi Niya kailangan na ibuka ang Kanyang mga pakpak upang bumalik sa Ama. Ang Kanyang espiritu, sinusumpa ko sa inyo, ay nasa baba rito, sa miserableng lupa, subalit ito ay laging kasama ang Ama, sapagkat ang Diyos ay nagagawa ang lahat, at Siya ay Diyos. Subalit Siya ay nagpapatuloy iniiwan sa likuran Niya ang pabango ng Kanyang kabanalan, ang ginto at apoy ng Kanyang pagmamahal. Tingnan ang Kanyang daan. O! Nararating nito ang tuktok ng arko! Ngunit gaano kapayapa at kaligtas ito! Ito ay hindi tuwid; ito ay ispayral. Ito ay mas mahaba at ang sakripisyo ng Kanyang maawaing pag-ibig ay naibubunyag ng ganyang haba kung saan Siya ay nag-aantala alang-alang sa atin, ang mga mahihina. Ito ay mas mahaba, subalit mas tama sa ating paghihirap. Ang pagtaas sa pag-ibig, sa Diyos, ay kasing simple katulad ng Pag-ibig. Subalit ito ay malawak, sapagkat ang Diyos ay isang kalaliman, na masasabi ko na di-masusukat kung hindi Siya yumuko upang maabot, upang mahalikan ng mga kaluluwa na umiibig kasama Siya (si Juan ay nagsasalita at umiiyak, ngumingiti sa kanyang mga labì, sa lubos na kasiyahan na ibunyag ang Diyos). Ang simpleng daan ng pag-ibig ay mahaba, sapagkat ang Kalaliman, na siya nga ang Diyos, ay walang hangganan, at ang isa ay makaaakyat hanggang gusto niya. Subalit ang Kahanga-hangang Kalaliman ay tinatawagan ang ating miserableng kalaliman. Tinatawagan Nito ito sa pamamagitan ng liwanag Nito at nagsasabi: “Halikayo sa Akin!” O! Ang paanyaya ng Diyos! Ang paanyaya ng Ama!

Makinig! Makinig! Ang pinakamabait na mga salita ay papalapit sa atin mula sa mga Kalangitan na iniwang nakabukas, sapagkat ang Kristo ay binuksang maluwang ang mga tarangkahan at iniwan ang mga anghel ng Awa at Kapatawaran na may tagubilin na panatilihing bukas ang mga ito, upang habang hinihintay ng mga tao ang Grasya, ang liwanag man lang, ang amoy, ang mga awit at kapayapaan ay bumaba upang halinahin ang mga puso ng tao sa banal na pamamaraan. Ito ay ang tinig ng Diyos Na nagsasalita. At ang Tinig ay nagsasabi: “Ang inyong kabataan? Subalit iyan ang inyong pinakamahalagang pera! Ibig Ko kayo na maging tunay na maliliit, upang magkaroon kayo ng kababaang-loob, ng katapatan at pagmamahal ng mga bata, ang mapagkumpiyansang pagmamahal ng mga bata para sa kanilang mga ama. Ang inyong kawalang-kakayahan? Subalit iyan ay ang Aking kaluwalhatian! O! Halikayo. Ni hindi Ko nga kayo hinihingan na subukin ang tunog ng mabuti at masamang mga bato sa pamamagitan ng inyong mga sarili. Ibigay ninyo sa Akin ito! Pupulutin Ko ang mga ito at kayo ang magsasagawa ng pagtatayong muli. Ang pagtaas sa perpeksiyon? O! Hindi, Aking mga anak. Makipagkapit-kamay sa Aking Anak, ang inyong Kapatid ngayon, at ganyang tumaas sa tabi Niya…”

Ang makataas! Ang makapunta sa Inyo, Eternal na Pag-ibig! Ang kamtin ang Pagkakatulad sa Inyo, na siyang ang Pag-ibig! Ang umibig! Iyan ang lihim!... Ang umibig! Ang ibigay ang sarili… Upang makapagmahal! Ang pigilan ang sarili… Upang makapagmahal! Ang tunawin… Ang laman? Ito ay wala. Kapighatian? Ito ay wala. Panahon? Wala ito. Ang kasalanan mismo ay magiging wala kung tutunawin ko ito sa Inyong apoy, o Diyos! Tanging ang Pag-ibig lamang ang naririyan. Pag-ibig. Ang Pag-ibig na nagbigay sa atin ng Nagkatawang-Tao na Diyos, ay ibibigay sa atin ang lahat na kapatawaran. At walang ibang mas nakaaalam kung papaano magmahal kaysa sa mga bata. At walang mas minamahal kaysa sa isang bata.

O ikaw, na hindi ko nakikilala, na ibig malaman kung ano ang Kabutihan, upang maihambing ito sa Kasamaan, upang kamtin ang asul na kalawakan, ang selestiyal na Araw, at ang lahat na sobrenatural na lugod, magmahal at ito ay makakamtan mo. Mahalin ang Kristo. Mamamatay ka sa búhay ng mundong ito, subalit ikaw ay tataas muli sa iyong espiritu. Sa pamamagitan ng iyong bagong espiritu, na hindi na mangangailangan ng ano pa man na mga bato, ikaw ay sa habang panahon magiging ang di-mapapatay na apoy. Ang apoy ay tumataas. Ito ay hindi nangangailangan ni ng mga baytang o mga pakpak upang makataas. Palayain ang iyong kaakuhan sa bawat sagabal, ilagay ang pag-ibig sa iyong sarili. Ikaw ay liliyab. Hayaan itong mangyari nang walang anumang restriksiyon. Hindi, sindihan ang apoy, itinatapon dito ang iyong mga nakaraang masisimbuyong damdamin at kaalaman. Kung ano ang hindi mabuti ay masisira ng mga apoy, kung ano ang isa nang nobleng metal ay magiging dalisay. Itapon mo, kapatid, ang iyong sarili sa kumikilos na malugod na pagmamahal ng Trinidad. Maiintindihan mo kung ano sa ngayon ang tila di-maintindihan sa iyo, sapagkat maiintindihan mo ang Diyos, Na maiintindihan lamang ng mga taong nagbibigay ng kanilang mga sarili, nang walang anumang limitasyon, sa Kanyang nagsasakripisyong apoy. Ikaw ay maitatalaga, sa katapusan, sa Diyos sa isang nagmamahal na yakap, nagdarasal para sa akin, ang sanggol ng Kristo, na nangahas na makapagsalita sa iyo tungkol sa Pag-ibig.»

Lahat sila ay natulala: ang mga apostol, ang mga disipulo, ang mga naniniwala… ang lalaki kung kanino ang mga salita ay ipinaabot ay maputla, habang ang mukha ni Juan ay namumula, hindi labis gawa ng pagsisikap bagkus gawa ng kanyang pagmamahal.

Si Stephen sa wakas ay sumigaw: “Pagpalain ka nawa! Ngunit sabihin mo sa akin, sino ka?»

At si Juan – ang kanyang hitsura ay labis na nagpapaalaala sa akin tungkol sa Birhen ng Anunsiyasyon – ay tumugon sa mababang tinig, yumuyuko na tila sinasamba niya Siya Na kanyang binabanggit: «Ako ay si Juan. Nakikita mo sa akin bilang ang pinakahuli sa mga lingkod ng Panginoon.»

«Ngunit sino ang iyong guro dati?»

«Walang sinuman bagkus ang Diyos. Sapagkat tinanggap ko ang aking espirituwal na gatas mula kay Juan, ang pinabanal bago-pa-man ng Diyos, ngayon kinakain ko ang tinapay ng Kristo, ang Salita ng Diyos, at iniinom ko ang apoy ng Diyos na nanggagaling sa Langit. Kaluwalhatian sa Panginoon!»

«Ah! Hindi kita iiwanan. Isama mo ako sa iyo!»

«Kailan… O! Subalit si Pedro ay naririto, siya ang aming hepe» at si Juan ay kinuha si Pedro, na natulala, at ipinahahayag niya siya na «siyang una».

Si Pedro ay inayos ang kanyang sarili at nagsabi: «Anak, ang isang taimtim na pagninilay-nilay ay kinakailangan para sa isang malaking misyon. Ang lalaking ito ay ang aming anghel at pinaapoy niya kami. Subalit kinakailangan na malaman kung ang apoy ay mananatili sa atin. Sukatin mo ang iyong sarili at pagkatapos pumunta sa Panginoon. Ibubukas namin ang aming mga puso sa iyo katulad sa isang pinakamamahal na kapatid. Pansamantala, kung ibig mo na mas malaman pa ang aming pamumuhay, ikaw ay makapananatili. Ang mga kawan ng Kristo ay maaaring lumaki nang labis upang ang totoong mga kordero ay maihihiwalay sa huwad na mga lalaking tupa, pinipili sa pagitan ng perpekto at di-perpektong mga tupa.»

At ang unang apostoladong pagbubunyag ay nagtatapos nang gayon.

271110

 



Sunod na kabanata