167. Sa Bahay ni Johanna ni Chuza. Si Jesus at ang mga Binibining Romano.

Mayo 19, 1945.

Si Jesus ay bumababa mula sa isang bangka sa pantalan ng hardin ni Chuza, tinutulungan ng isang mamamangka na nagdala sa Kanya roon. Ang isang hardinero na nakakita sa Kanya ay nagmadaling binuksan ang geyt sa pamasukan ng ari-arian sa gawing tabi ng lawa. Ito ay isang matibay na mataas na geyt, na, bagaman, natatakpan ng  napakakapal na mataas na hilera ng laurel sa labas, sa gawing lawa, at ng mga rosas ng lahat ng kulay sa loob, sa gawing bahay. Ang magagandang palumpong ng mga rosas ay nadedekorasyonan ang naka-kahon na kulay-tansong mga dahon ng laurel, gumagapang patungo sa loob ng mga sanga ng laurel at lumalampas sa kabila, o ito ay gumagapang sa ibabaw ng berdeng harang at bumabagsak sa kabila ang mabubulaklak na ulo. Tanging ang sentrong bahagi lamang ng geyt na nasa daanan ang walang tanim upang makaraan ang mga tao patungo o mula sa lawa.

«Kapayapaan sa bahay na ito at sa iyo, Joanna. Nasaan ang iyong sinyora?»

«Nasa banda roon, kasama ang kanyang mga kaibigan. Tatawagin ko siya kaagad. Tatlong araw na silang naghihintay para sa Inyo, sapagkat natatakot sila na sila ay máhuli.»

Si Jesus ay ngumingiti. Ang katulong ay tumakbo upang tawagin si Johanna. Pansamantala si Jesus ay naglalakad patungo sa lugar na sinabi ng katulong, hinahangaan ang magandang hardin, na masasabi ng isa na magandang taniman ng mga rosas, na itinayo ni Chuza para sa kanyang asawa. Ang magagandang maagang bulaklak ng mga rosas ng lahat ng klase, laki at hugis ay isang siklab ng mga kulay sa loob ng nababakurang daanan na ito ng lawa. May iba pang mga tanim ng mga bulaklak. Ngunit ito ay hindi pa namumulaklak at ang bilang nito ay kakaunti kompara sa dami ng mga palumpong ng rosas.

Si Johanna ay dumarating. Hindi pa nga niya naibababa ang basket na halos puno na ng mga rosas, o ang gunting na kanyang ipinapamputol sa mga ito, at siya ay tumatakbo na nang gayon, ang kanyang mga kamay nakabuka, maliksi at maganda sa kanyang malapad na damit ng napakanipis na delanang materyal, ng napakalabnaw na kulay-rosas, na ang mga tiklop nito ay napananatili sa lugar sa pamamagitan ng mga bitones at hibilya na gawa sa mga alambreng pilak na pinaglikaw-likaw, na may kumikislap na malabnaw na mga garneta. Sa ibabaw ng kanyang umaalun-alon na maitim na buhok ang kanyang byssus na belo na nakalawit sa kanyang likod ay nahahawakan ng korteng-mitra na diyadema, na gawa rin sa pilat at garneta, naiiwan na walang-takip ang kanyang mga tainga, na may mga hikaw na bumabagay sa diyadema, ang kanyang ngumingiting mukha at ang kanyang payat na leeg, na may kuwintas na ginawang katulad ng iba pa niyang mga palamuti.

Binitiwan niya ang basket sa paanan ni Jesus at lumuhod upang halikan ang Kanyang tunika, sa gitna ng mga rosas na nakakalat sa lupa.

«Kapayapaan sa iyo, Johanna. Naririto Ako.»

«At ako ay masaya. Sila ay naparito rin. O! Ngayon tila nagawa ko ang maling bagay sa pag-organisa ng pagpupulong na ito! Papaano kayo magkakaintindihan? Sila ay mga hentil!» Si Johanna ay medyo nag-aalala.

Si Jesus ay ngumingiti, at ipinapatong ang Kanyang kamay sa kanyang noo sinabi Niya: «Huwag matakot. Magkakaintindihan kami nang mabuti. Nagawa mo ang tamang bagay “sa pag-organisa ng pagpupulong na ito”. Ang aming pagpupulong ay mapupuno ng pagpapalà katulad ng iyong hardin. Ngayon, pulutin ang kaawa-awang mga rosas na iyan na iyong naibagsak at tayo na sa iyong mga kaibigan.»

«O! Maraming mga rosas. Namimitas ako upang mapalampas ang mga oras at pagkatapos ang aking mga kaibigan ay gustung-gustong… gustung-gustong masiyahan. Mahal nila ang mga bulaklak na tila ito ay… hindi ko alam…»

«Mahal Ko rin ang mga bulaklak! Kita mo, nakakita na tayo ng paksa kung saan kami ay magkakaintindihan. Tayo na! Pulutin natin ang magagandang rosas na ito…» at si Jesus ay yumuko upang Siya ay gayahin.

«Hindi Kayo! Hindi Kayo, aking Panginoon! Kung talagang gusto Ninyo… bueno… tapos na.»

Lumakad sila hanggang sa layo ng isang balag na nagawa ng maraming iba-ibang kulay na magkakasala-salabid na mga palumpong ng mga rosas. Tatlong binibining Romano ang pasulyap-sulyap sa kanila mula sa pamasukan: sila ay sina Plautina, Valeria at Lydia. Ang una at ang huli ay nagdadalawang-isip, ngunit si Valeria ay tumakbong lumapit at binaluktot ang tuhod na may pagyuko ng ulo sa paggalang nagsasabing: «Mabuhay, Tagapagligtas ng aking maliit na si Fausta!»

«Kapayapaan at liwanag sa iyo at sa iyong mga kaibigan.»

Ang mga kaibigan ay nagbigay din ng paggalang katulad ng ginawa ni Valeria ngunit walang sinasabi.

Kilala na natin si Plautina. Matangkad, maringal, may maganda, kung baga dapat-paniwalaan na mga mata, sa ilalim ng makinis na napakaputing noo, may perpektong tuwid na ilong, isang mabuting kung baga malaking bunganga, isang medyo pabilog na mabuting nakorteng baba, napaaalalahanan niya ako ng tungkol sa ilan na magagandang estatuwa ng mga emperatris na mga Romano. Mabibigat na singsing ang kumikislap sa kanyang magagandang kamay at sa malalaking ginintuan na mga pulseras sa kanyang bilugan na parang mga braso ng estatuwa, sa kanyang pupulsuhan at sa itaas ng kanyang mga siko na maputing medyo-malarosas, makinis at perpekto sa ilalim ng kanyang maikling nakalawit na mga manggas.

Si Lydia, sa kabilang dako, ay olandesa ang buhok, mas payat at mas bata. Ang kanyang kagandahan ay hindi ang marangal na kagandahan ni Plautina, ngunit nasa kanya ang lahat na kayumihan ng isang bata-pang babae na medyo hindi pa hinog. At dahil tayo ay nasa paksa ng tungkol sa pagano, masasabi ko na kung si Plautina ay nakakamukha ang estatuwa ng isang emperatris, si Lydia ay maikukumpara kay Diana o isang mayuming tingnan na mahiyain na nimpa.

Si Valeria, na wala sa desperadong sitwasyon kung saan nakita natin siya na gayon sa Caesarea, ay lumilitaw sa kagandahan ng isang bata-pang ina, kung baga bilugan ang korte ngunit napakabata, na may tahimik na tingin ng isang ina na masayang pinasususo ang kanyang sariling anak at tinitingnan itong lumalaki nang malusog. Malarosas at kayumanggi, ang kanyang ngiti ay isang tahimik ngunit napakabait na ngiti.

Tila naiintindihan ko na ang dalawang binibini ay nasa mas mababang ranggo kaysa ng kay Plautina, na kanilang iginagalang bilang isang reyna, na kitang-kita rin sa kanilang aktitud.

«Inaasikaso ba ninyo ang mga bulaklak? Magpatuloy, magpatuloy. Makapag-uusap pa rin naman tayo habang pinipitas ninyo ang magandang gawang ito ng Tagapaglikha, na ang mga bulaklak ay magaganda nga, at habang inaayos ninyo ang mga iyan sa loob ng magagandang plorerang ito sa pamamagitan ng abilidad na ang Roma ay ang kilalang dalubhasa, upang mapatagal ang kanilang mga buhay, na sa kawalang-suwerte ay napakaikli… Kung hinahangaan natin ang buko na ito, na ibinubuka pa lamang ang malarosas na dilaw na petalo nito sa isang magandang ngiti, papaano tayo hindi malulungkot na makita itong namamatay? O! Gaano magugulat ang mga Hudyo kung mapakinggan nila Akong nagsasalita nang ganito! Ngunit sa isang bulaklak din may nararamdaman tayo na isang bagay na buháy. At nalulungkot tayo na makita natin ang katapusan nito. Ngunit ang mga tanim ay mas marurunong kaysa sa atin. Nalalaman nila na sa bawat sugat na nagagawa ng pagputol ng isang tangkay isang bagong sibol ang lalabas at ito ay magiging isang bagong rosas. At kung gayon kailangan natin na matutunan ang leksiyon at gawin ang ating medyo sensuwal na pagmamahal para sa mga bulaklak na maging isang udyok patungo sa isang mas mataas na kaisipan.»

«Alin, Guro?» tanong ni Plautina, na maasikasong nakikinig at naintriga ng pinong kaisipan ng Judiong Guro.

«Ito. Na katulad na ang isang tanim ay hindi namamatay habang ang mga ugat nito ay napakakain ng lupa, ito ay hindi namamatay dahil lamang namamatay ang mga tangkay nito, kung kaya’t ang sangkatauhan ay hindi namamatay dahil lamang nagtatapos ang makalupang pamumuhay ng isang tao. Bagkus bagong mga bulaklak ay laging ipinanganganak. At – isang kaisipan na mas lalo pang mas mataas at gagawin tayo na pagpalain ang Tagapaglikha – habang ang isang bulaklak, kapag ito ay patay na, ay hindi na muli mabubuhay, na nakalulungkot, ang tao, kapag siya ay nakatulog sa kanyang huling tulog, ay hindi patay, bagkus siya ay nabubuhay sa isang mas mataas na buhay, kumukuha, sa pamamagitan ng kanyang mas mabuting bahagi, ng eternal na buhay at kariktan mula sa Tagapaglikha na pumorma sa kanya. Kung gayon, Valeria, kung ang iyong maliit na anak na babae ay namatay, hindi mawawala sa iyo ang kanyang mga haplos. Ang mga halik ng iyong anak ay laging makararating sa iyong kaluluwa, sapagkat, bagama't nakahiwalay sa iyo, hindi niya makakalimutan ang iyong pagmamahal. Kita mo kung gaano kaganda ang magkaroon ng pananampalataya sa eternal na buhay? Nasaan na ngayon ang iyong maliit na anak?»

«Sa loob ng natatakpan na kuna na iyon. Hindi pa ako kailanman napahiwalay sa kanya, sapagkat ang pagmamahal para sa aking asawa at para sa aking anak ay ang tanging mga interes ng aking buhay. Ngunit ngayon na alam ko na kung ano ang makita siyang namamatay, hindi ko siya iniiwan kahit na isang sandali.»

Si Jesus ay pumunta sa isang upuan na sa ibabaw ay may isang uri ng kuna na gawa sa kahoy, natatakpan ng isang mamahaling pantakip. Inalisan niya ito ng takip at tiningnan ang natutulog na bata, na ginising nang unti-unti ng sariwang hangin. Ang kanyang maliliit na mata ay tila nasorpresa nang bumukas ito at ang kanyang mga lapi ay naghiwalay sa isang ngiting anghel, habang ang kanyang munting mga kamay, na bago ngayon ay nakasarado, ay ngayon bukas na at nananabik na mahawakan ang alun-alon na buhok ni Jesus. Ang paghuni ng isang pipit ay nakapukaw sa progreso ng pagsasalita sa kanyang maliit na isip. Sa wakas ang dakilang pang-unibersal na salita ay lumitaw: «Inay!»

«Kunin mo siya, kunin mo siya» sabi ni Jesus Na tumatabi upang makayuko si Valeria sa kuna.

«Bibigyan niya Kayo ng problema! Tatawag ako ng isang alipin upang madala siya sa hardin.»

«Problema? O! Hindi! Ang mga bata ay hindi kailanman problema. Sila ay laging Aking mga kaibigan.»

«Mayroon ba Kayong mga anak o mga apo, Guro”» tanong ni Plautina, na pinagmamasdan si Jesus kung papaano Niya, ngumingiti, tuksuhin ang sanggol upang mapatawa siya.

«Hindi, wala Akong mga anak o mga apo. Ngunit mahal Ko ang mga bata katulad na mahal Ko ang mga bulaklak.  Sapagkat sila ay puro at walang malisya. Hindi lang iyan, bagkus, ibigay mo sa Akin ang iyong maliit na anak, babae. Isang malaking lugod para sa Akin na idiin Ko ang isang maliit na anghel sa Aking puso.» At Siya ay naupo hawak ang sanggol, na pinagmamasdan Siya at kinukusot ang Kanyang balbas at pagkatapos nakatagpo ng isang mas magandang gawin pinaglalaruan ang mga palawit ng Kanyang manta at ang tali ng Kanyang tunika, kung saan nagbibigay isa ng isang mahabang mahiwagang talumpati.

Si Plautina ay nagsabi: «Ang aming mabuti at marunong na kaibigan, ang isa sa kakaunti na hindi nanghahamak sa amin at hindi nadudumihan sa pakikihalo sa amin, ay maaaring nasabihan Kayo na kami ay nananabik na makita Kayo at mapakinggan, upang husgahan Kayo para sa kung ano nga Kayo, sapagkat ang Roma ay hindi naniniwala sa mga sabi-sabing kuwento… Bakit Kayo ngumingiti, Guro?»

«Sasabihin Ko sa iyo saka na. Magpatuloy.»

«Sapagkat ang Roma ay hindi naniniwala sa mga sabi-sabing kuwento at gustong makapaghusga sa pamamagitan ng totoong kaalaman at konsiyensya bago magkundina at magpuri. Ang Inyong sambayanan ay pinapupurihan Kayo at sinisiraan Kayo nang magkaparehong antas. Ang Inyong mga gawa ay makukumbinsi ang isa na papurihan Kayo. Ang mga salita ng maraming Hudyo ay masusulsulan ang mga tao na tingnan Kayo na mas maliit pa kaysa sa isang kriminal. Ang Inyong mga salita ay banal at marunong katulad ng mga salita ng isang pilosopo. Ang Roma ay gustung-gusto ang mga doktrinang pilosopo at… kailangan kong tanggapin, ang aming kasalukuyang mga pilosopo ay wala ng isang magandang doktrina, dahil din sa ang kanilang mga pamamaraan ng pamumuhay ay hindi tumutugma sa kanilang mga doktrina.»

«Hindi sila magkakaroon ng paraan ng pamumuhay na tutugma sa kanilang doktrina.»

«Dahil sila ay mga pagano, tama ba iyon?»

«Hindi, dahil sila ay mga ateo.»

«Mga ateo? Ngunit mayroon silang mga diyos.»

«Ni wala na rin sila ng mga ito, babae. Paaalalahanan kita ng tungkol sa lumang mga pilosopo, ang pinaka sikat na mga pilosopo. Sila ay mga hentil din. Bagaman, tingnan kung gaano kataas ang moral na tunog ng kanilang mga pamumuhay! May kahalo ito ng mga pagkakamali, sapagkat ang tao ay nakakiling na magkamali. Ngunit kapag nakakaharap nila ang pinakadakilang mga misteryo: ang buhay at kamatayan, kung kinailangan nilang harapin ang malaking problema ng Katapatan o Di-katapatan, ng Birtud o Bisyo, ng Kabayanihan o Karuwagan at tiningnan nila na kung sila ay magiging masama, isang malaking kamalasan ang darating sa kanilang amangbayan at sa kanilang kapwa mga mamamayan, diyan nila tatanggihan nang may napakalaking pagsisikap ang mga galamay ng masasamang tubo at, banal at malaya, pipiliin nila ang Kabutihan, anuman ang mangyari. Ang Kabutihan na iyan na walang iba bagkus ang Diyos.»

«Kayo ay Diyos, iyan ang sinasabi nila. Totoo ba ito?»

«Ako ang Anak ng Totoong Diyos. Ako ay naging laman, ngunit nananatili pa rin Akong Diyos.»

«Ngunit ano ang Diyos? Ang pinakadakilang Guro, kung titingnan namin Kayo.»

«Ang Diyos ay mas mahigit pa kaysa sa isang Guro. Huwag paliitin ang dakilang idea ng Dibinidad sa isang limitasyon ng karunungan.»

«Ang karunungan ay isang diyos. May Minerva kami. Siya ay isang diyosa ng kaalaman.»

«Mayroon din kayong Venus, ang diyosa ng kasiyahan. Matatanggap mo ba na ang isang diyos, ibig sabihin, isang mas mataas sa tao, ay nagtataglay sa pinakamataas na antas ng lahat na nakapanghihilakbot na bisyo ng mga mortal? Maiisip mo ba na ang isang eternal na nilikha ay nasa kanya para sa walang-hanggan ang lahat na hamak, malupit, nakakahiyang mga kasiyahan ng mga mabubuhay lamang nang isang oras? At na ang superyor na nilikha ay gagawin silang ang pakay ng kanyang buhay? Hindi mo ba iniisip kung anong isang nalapastangang langit ang tinatawag ninyong Olympus, kung saan ang pinakamapaklang mga katas ng sangkatauhan ay nangangasim? Kung titingnan mo ang inyong langit, ano ang makikita mo? Kahalayan, krimen, poot, digmaan, mga pagnanakaw, kalabisan, mga patibong, paghihiganti. Kung ibig ninyong ipagdiwang ang kapistahan ng inyong mga diyos, ano ang ginagawa ninyo? Nagpapakasasa kayo sa mga lasingan. Anong pagsamba ang ibinibigay ninyo sa kanila? Nasaan ang tunay na pagkabasal ng mga birhen na ikinunsagra kay Vesta? Sa anong dibinong batas ibinabasi ng inyong mga pontipise ang kanilang paghuhusga? Anong mga salita ang nababasa ng inyong mga manghuhula sa mga paglipad ng mga ibon o sa dagundong ng kulog? At anong mga kasagutan ang naibibigay sa inyo ng inyong mga manghuhula tungkol sa dumurugong mga lamang-loob ng isinakripisyong mga hayop? Sinabi mo: “Ang Roma ay hindi naniniwala sa mga sabi-sabing kuwento lamang”. Bakit ang Roma ay naniniwala, kung gayon, na ang labindalawang mahihirap na tao, na sa pagpapaikot sa mga bukid ng isang baboy, isang tupa at isang toro at sinasakripisyo sila, ay makakakuha ng pabor kay Ceres, kung kayo ay may di-mabilang na mga diyos, ang isa kinapopootan ang isa, at naniniwala kayo sa kanilang mga paghihiganti? Hindi. Ang Diyos ay isang ibang-iba. Siya ay eternal, Iisa at Espirituwal.»

«Ngunit sinasabi Ninyo na Kayo ay Diyos gayunma’y Kayo ay laman.»

«May isang altar na walang diyos sa amanglupain ng mga diyos. Ang karunungan ng tao ay inilaan ito sa di-kilalang Diyos. Sapagkat ang marurunong na tao, ang tunay na mga pilosopo, ay nabatid na may isang bagay sa kabila ng inilarawan na senaryo na nilikha para sa eternal na mga anak, ibig-sabihin para sa mga tao na ang kaninong mga kaluluwa ay nababalot ng mga lampin ng pagkakamali. Kung ang mga marurunong na taong iyon – na nakabatid na may isang bagay sa kabila ng huwad na senaryo, isang bagay na tunay na dakila at dibino, na siyang naglikha sa lahat na naririto at mula kung kanino nanggagaling ang lahat na mabuti na nasa mundo – kung ang mga taong iyon ay ginusto ang isang altar para sa di-kilalang Diyos, na kanilang nababatid na siyang ang Totoong Diyos, papaano mo tatawagin na diyos ang hindi naman diyos, at papaano mo masasabi na alam mo ang hindi mo nalalaman? Matuto, kung gayon, kung ano ang Diyos, na sana makilala mo at maparangalan Siya. Ang Diyos ay ang Isa Na sa pamamagitan ng Kanyang kaisipan ginawa ang lahat mula sa wala. Ang kuwento ba tungkol sa mga batong naging mga tao ay makapagkukumbinsi sa iyo at makapagpapakontento sa iyo? Sasabihin Ko sa iyong totoo na may mga taong mas matitigas at mas masasama pa kaysa sa mga bato, at may mga batong mas may-pakinabang pa kaysa sa mga tao. Ngunit hindi ba’t mas kasiya-siya para sa iyo, Valeria, na sabihin, tinitingnan ang iyong maliit na anak: “Siya ay ang buháy na kalooban ng Diyos, nilikha at pinorma Niya, niregaluhan Niya ng isang ikalawang buhay na hindi matatapos, upang mapapasaakin ang aking maliit na Fausta magpakailanpaman, kung ako ay maniniwala sa Totoong Diyos”, kaysa sa sabihin: “Ang malarosas na laman na ito, ang buhok na ito na mas maninipis pa kaysa sa isang sapot ng gagamba, ang malilinaw na matang ito ay nanggaling sa isang bato”? O sabihin: “Ako ay ganap na katulad ng isang babaeng lobo o ng isang babaeng kabayo, at katulad ng isang hayop ako ay nakikipagtalik, katulad ng isang hayop ako ay nanganganak, katulad ng isang hayop ako ay nag-aalaga ng anak, at ang aking anak ay ang bunga ng aking makahayop na simbuyo at siya ay isang hayop katulad ko, at bukas, kapag siya ay patay na at ako patay na, kami ay magiging dalawang nabubulok na karne na natutunaw na may mabahong amoy at hindi na muli magkikita pa”? Sabihin sa Akin! Alin sa dalawang pagpipilian ang gugustuhin ng iyong makainang puso?»

«Tiyak na hindi ang huli, aking Panginoon! Kung nalaman ko lamang na si Fausta ay hindi isang bagay na matutunaw magpakailanman, ang aking pagdadalamhati, nang siya ay naghihirap, ay hindi sana naging napakamarahas. Sapagkat nasabi ko sana: “Nawalan ako ng perlas. Ngunit ito ay naririto pa rin. At matatagpuan ko ito”»

«Tama ka. Nang Ako ay patungo sa inyo, ang inyong kaibigan ay sinabi sa Akin na siya ay namamangha sa inyong masimbuyong damdamin para sa mga bulaklak. At siya ay natatakot na ito ay baka makapagbalisa sa Akin. Ngunit tiniyak Ko sa kanya nagsasabi sa kanya: “Mahal Ko rin ang mga bulaklak, kung kaya’t magkakaintindihan kami nang mabuti”. Ngunit ibig Kong magawa kayong mahalin ang mga bulaklak, katulad na nagawa Ko si Valeria na mahalin ang kanyang sanggol, na kanya na ngayong aalagaan nang mas mabuti pa, dahil nalalaman niya na si Fausta ay may isang kaluluwa, na isang kapiraso ng Diyos nakapaloob sa katawan na ginawa ng kanyang ina para sa kanya; isang kapiraso na hindi mamamatay at matatagpuang muli ng kanyang ina sa Langit, kung siya ay maniniwala sa Totoong Diyos.

Ganyan din ang para sa iyo. Tingnan ang magandang rosas na ito. Ang purpura na nag-aadorno sa imperyal na kapa ay hindi napakaganda katulad ng petalong ito, na hindi lamang kasiya-siya sa mata dahil sa kulay nito, bagkus isa ring lugod na hipuin dahil sa kakinisan nito at amuyin dahil sa bango nito. At tingnan ang isang ito, at ito, at ito. Ang una ay katulad ng dugo na bumubukal mula sa isang puso, ang ikalawa ay katulad ng kababagsak pa lamang na niyebe, ang ikatlo ay isang maputlang ginto, ang huli ay katulad ng matamis na mukha ng batang ito na ngumingiti sa loob ng Aking lapi. At sa mas malayo pa: ang una ay matigas sa halos walang tinik na tangkay, na ang mga dahon nito ay mapula-pula na tila ito ay winisikan ng dugo, ang ikalawa ay may kakaunting mga tinik lamang, at ang mga dahon nito ay maputla at malamlam sa tangkay, ang ikatlo ay kasing lambot ng isang tambo at ang maliliit na dahon nito ay kasing kinang ng berdeng waks, ang tangkay ng huli ay napakakapal na may mga tinik, na tila nananabik ito na maharangan ang lahat na posibleng madadaanan patungo sa malarosas na korola nito. Kamukha ito ng isang kikil na may napakatalas na mga ngipin.

Ngayon isipin ito. Sino ang gumawa ng lahat na iyan? Papaano? Kailan? Saan? Ano ang lugar na ito sa loob ng alimuom ng panahon? Iyon ay wala. Iyon ay isang walang-tiyak na porma na kaguluhan ng mga elemento. Isa: ang Diyos ay nagsabi: “Gusto Ko” at ang mga elemento ay naghiwa-hiwalay at nag-ipun-ipon ayon sa magkakapamilyang mga grupo. At ang isa pang “Gusto Ko” ay kumulog at ang mga elemento ay inayos ang kanilang mga sarili, ang isa kasama ang isa pa: ang tubig sa pagitan ng mga lupa; o ang isa sa ibabaw ng isa pa: ang ere at liwanag sa ibabaw ng pinormang planeta. Isa pang “Gusto Ko” at ang mga tanim ay nagawa. At pagkatapos ang mga bituin, pagkatapos ang mga hayop at sa huli ang tao.  At ang Diyos, upang magawang masaya ang tao, na Kanyang paborito, ay pinagkalooban siya, bilang magandang mga laruan, ang mga bulaklak, mga bituin at sa huli ng lugod ng paglilikha hindi ng kung ano ang mamamatay, bagkus ng kung ano ang makalalampas sa kamatayan, sa pamamagitan ng regalo ng Diyos, at siyang ang kaluluwa. Ang mga rosas na ito ay ang kasing dami ng “mga kalooban” ng Ama. Ang Kanyang walang-hangganang kapangyarihan ay ginawa itong malinaw sa walang katapusang bilang ng magagandang bagay.

Ang Aking paliwanag ay kung baga isang mahirap na paliwanag dahil ito ay bumabangga sa matigas na panlalaban ng inyong mga pinaniniwalaan. Ngunit umaasa Ako, dahil ito ay ang ating unang pagkikita, na tayo ay nagkaintindihan nang kaunti. Gawin na pagnilayan ng inyong mga kaluluwa ang Aking sinabi sa inyo. Mayroon ba kayong kahit anong katanungan na itatanong? Itanong ito. Ako ay naririto upang paliwanagin ang mga bagay-bagay. Ang kamangmangan ay hindi isang kahihiyan. Kahiya-hiya ang magpursige sa kamangmangan kung mayroong isang gustong makapagbigay ng kaliwanagan sa mga pagdududa.»

At si Jesus, tila Siya ang pinaka may-karanasang ama, ay lumabas hawak ang maliit na bata, na gumagawa ng kanyang unang mga hakbang at ibig na pumunta patungo sa isang tilandoy ng tubig na umuundayo sa sikat ng araw.

Ang mga binibini ay nananatili sa kanilang kinaroroonan, nagsasalita sa isa’t isa. At si Johanna, nagdadalawang-isip sa pagitan ng dalawang mithiin, ay nakatayo sa pamasukan ng balag.

Sa wakas si Lydia ay nagpasya ang isip at sinusundan ng dalawa lumakad patungo kay Jesus, Na tumatawa sapagkat ang maliit na bata ay nagsisikap na mahawakan ang sinag ng araw walang makuha bagkus liwanag, at siya ay namimilit nang paulit-ulit, nagngangawngaw sa pamamagitan ng kanyang malarosas na mga làbi.

«Guro… hindi ko naintindihan kung bakit sinabi Ninyo na ang aming mga guro ay hindi makapamumuhay ng mabuting buhay dahil sila ay mga ateo. Sila ay naniniwala sa Olympus. Ngunit sila ay naniniwala…»

«Mayroon sila bagkus ang panlabas na hitsura ng paniniwala. Habang sila ay tunay na naniniwala, katulad na ang totoong marurunong na tao ay naniwala sa Di-kilalang Diyos Na Aking binanggit sa iyo, sa Diyos na iyon Na nagpapakontento sa kanilang mga kaluluwa, kahit na kung Siya ay walang-pangalan, kahit na kung di-sinasadyang ayaw nila, hangga’t ibinabaling nila ang kanilang mga isipan sa Isang iyon, magpahanggang ngayon superyor sa abang mga diyos na puno ng mga kapintasan ng sangkatauhan, ng mabababang kapintasan ng sangkatauhan, ang mga diyos na nilikha ng paganismo para sa sarili nito, nasasalamin nila kahit na papaano ang Diyos, ayon sa pangangailangan. Ang isang kaluluwa ay isang salamin na nag-aaninag at isang alingawngaw na nag-uulit…»

«Ng ano, Guro?»

«Ng Diyos.»

«Iyan ay isang dakilang salita!»

«Iyan ay isang dakilang katotohanan.»

Si Valeria, na nahalina ng kaisipan ng inmortalidad, ay nagtanong: «Guro, sabihin sa akin kung nasaan ang kaluluwa ng aking anak. Hahalikan ko ang lugar na iyan katulad ng isang altar at sasambahin ko iyan, sapagkat iyan ay bahagi ng Diyos.»

«Ang kaluluwa! Iyan ay katulad ng liwanag na ito na ibig ni Fausta na mahawakan at hindi mahawakan, sapagkat iyan ay di-materyal. Ngunit iyan ay naririyan. Ikaw, Ako, ang iyong mga kaibigan ay makikita ito. gayon din naman ang isang kaluluwa ay makikita sa lahat na nagpapaiba sa tao sa mga hayop. Kapag sasabihin sa iyo ng iyong maliit na anak ang kanyang unang naiisip, masasabi mo na ang pagkaintinding iyon ay ang kanyang kaluluwa na ibinubunyag ang sarili. Kapag mamahalin ka niya hindi sa pamamagitan ng simbuyo, bagkus sa pamamagitan ng kanyang rason, tingnan na ang pagmamahal na iyon ay ang kanyang kaluluwa. Kapag siya ay lumalaki nang maganda sa tabi mo, hindi labis sa kanyang katawan katulad na ito ay sa birtud, tingnan na ang kagandahan na iyan ay ang kanyang kaluluwa. At huwag sambahin ang kanyang kaluluwa, bagkus ang Diyos Na naglikha rito, ang Diyos Na ibig na ang bawat kaluluwa ay maging isang trono para sa Kanya.»

«Ngunit nasaan ang di-materyal at dakilang bagay na ito: sa loob ng puso ng isa? Sa loob ng mga utak ng isa?»

«Ito ay nasa kabuuan ng tao. Napalolooban kayo nito at napalolooban ito sa loob ninyo. Kapag ito ay iniwan kayo, kayo ay magiging isang labí. Kapag ito ay pinatay ng isang krimen na ginagawa ng tao laban sa kanyang sarili, kayo ay napahamak, nakahiwalay sa Diyos magpakailanman.»

«Kayo kung gayon ay sumasang-ayon na ang pilosopo na nagsabi na tayo ay “inmortal” ay tama, bagama't siya ay isang hentil?» tanong ni Plautina.

«Hindi Ako sumasang-ayon. Magpapatuloy pa Ako. Sasabihin Ko na ito ay isang bagay ng pananampalataya. Ang inmortalidad ng kaluluwa, ibig-sabihin ang inmortalidad ng mas mataas na bahagi ng tao ay ang pinakatiyak at pinaka nakapagpapaginhawang misteryo na paniwalaan. Ito ay isang bagay na nagtitiyak sa atin kung saan tayo nanggaling, saan tayo patungo, sino tayo, at ito ang nag-aalis ng lahat ng kapaitan sa bawat paghihiwalayan.»

Si Plautina ay lubos na nakalubog sa pag-iisip. Si Jesus ay pinagmamasdan siya at nananahimik. Sa wakas siya ay nagtanong: «At Kayo ba ay may kaluluwa?»

Si Jesus ay tumugon: «Tiyak iyan.»

«Ngunit Kayo ba ay Diyos o Kayo ay hindi Diyos?»

«Ako ay Diyos. Sinabi Ko na sa iyo. Ngunit ngayon kinuha Ko ang kalikasan ng Tao. At nalalaman mo ba kung bakit? Sapagkat tanging sa pamamagitan lamang ng sakripisyo Kong ito naremedyuhan Ko ang mga punto na hindi mababata para sa inyong pangangatwiran, at pagkatapos na maalis ang mga pagkakamali at mapalaya ang mga isip, nagawa Ko rin na mapalaya ang mga kaluluwa mula sa isang pagkaalipin na hindi Ko pa maipaliliwanag sa iyo ngayon lamang. Ginawa Ko kung gayon na ipaloob ang Karunungan at Kabanalan sa loob ng Aking katawan. Ikinakalat Ko ang Karunungan katulad ng butil sa lupa at ang polen sa mga hangin. Ang kabanalan ay dadaloy, katulad mula sa isang mamahalin na sirang amphora, patungo sa mundo sa oras ng Grasya at pababanalin ang mga tao.  Pagkatapos ang Di-kilalang Diyos ay makikilala.»

«Ngunit kilala na Kayo ngayon. Ang sinuman na nagdududa sa Inyong kapangyarihan at sa Inyong karunungan, ay kung hindi siya masama siya ay isang sinungaling.»

«Ako ay kilala. Ngunit ngayon ay ang bukang-liwayway lamang. Ang katanghalian ay magiging puno ng kaalaman tungkol sa Akin.»

«Magiging katulad ng ano ang Inyong katanghalian? Isang pananagumpay? Makikita ko ba ito?»

«Totoo, ito ay magiging isang pananagumpay. At mapaparoon ka. Sapagkat kinasusuklaman mo ang nalalaman mo at pinagnanasaan mo ang iyong kinaliligtaan. Ang iyong kaluluwa ay nagugutom.»

«Totoo iyan. Nagugutom ako para sa katotohanan.»

«Ako ang Katotohanan.»

«Kung gayon, ibigay Ninyo ang Sarili Ninyo sa akin na nagugutom.»

«Ang tanging gagawin mo lamang ay ang pumunta sa Aking hapag-kainan. Ang Aking salita ay ang tinapay ng katotohanan.»

«Ngunit ano ang sasabihin ng aming mga diyos kung iwanan namin sila? Hindi ba sila maghihiganti laban sa amin?» tanong ng natatakot na Lydia.

«Babae: nakakita ka na ba ng isang mahamog na umaga? Ang mga parang ay nawawala sa loob ng singaw na nagtatakip sa kanila. Pagkatapos ang araw ay sisikat at ang singaw ay mawawala at ang kumikislap na mga parang ay mas magaganda. Ganyan din ito sa inyong mga diyos, ang hamog ng isang abang pantaong kaisipan, na, binabale-wala ang Diyos at nangangailangan na maniwala, sapagkat ang pananampalataya ay isang permanenteng pangangailangan para sa tao, ay naglikha ng Olympus, isang tunay na wala-naman na kuwento ng walang-magawa. At kung gayon ang inyong mga diyos, kapag ang araw, ibig-sabihin, ang Totoong Diyos, ay tumaas, ay matutunaw sa loob ng inyong mga puso nang hindi nakagagawa ng kahit na anong kapinsalaan. Sapagkat sila ay wala naman talaga.»

«Kailangan namin na makinig sa Inyo muli… makinig nang marami… Kami ay lubos na tiyak na nasa harapan ng di-kilala. Ang lahat ng Inyong sinasabi ay bago sa amin.»

«Ngunit nakapandidiri ba ito sa inyo? Matatanggap ba ninyo ito?»

Si Plautina ay tumugon nakatitiyak sa kanyang sarili: «Hindi. Hindi ito nakapandidiri. Ang pakiramdam ko mas ipinagmamalaki ko ang kaunting nalalaman ko ngayon, at na hindi nalalaman ng Caesar, kaysa ang pagmamalaki ko ng aking pangalan.»

«Bueno, kung gayon, magpursige. Iniiwan Ko kayo ng Aking kapayapaan.»

«Ano? Hindi ba Kayo titigil, aking Panginoon?» si Johanna ay nangungulila.

«Hindi, hindi Ako titigil. Marami Akong kailangan na gawin…»

«O! ibig kong sabihin sa Inyo ang aking problema!»

Si Jesus, Na nagsimula nang maglakad, pagkatapos na makapagpaalam sa mga binibining Romano, ay tumalikod at nagsabi: «Halika hanggang sa layo ng bangka at sasabihin mo sa Akin kung ano ang masakit sa iyo.»

At si Johanna ay sumama. At sinabi niya: «Si Chuza ay ibig na ipadala ako sa Herusalem nang mga ilang araw at hindi ako masaya tungkol diyan. Ginagawa niya ito sapagkat ayaw na niya akong nakakulong pa ngayon na malusog na ako…»

«Ikaw din ay gumagawa ng walang-silbing mga hamog para sa sarili mo!» sabi ni Jesus Na humahakbang patungo sa bangka. «Kung iisipin mo na sa gayon mabibigyan mo Ako ng pag-aruga o mas madali mo Akong masusundan, ikaw ay magiging masaya at sasabihin mo: “Ang Kagandahang-Loob ay nakita ito”.»

«O!... totoo iyan, aking Panginoon. Hindi ko naisip iyan.»

«Kung gayon nakikita mo! Maging isang mabuting asawa at sumunod. Ang pagsunod ay mabibigyan ka ng gantimpala na mapapasaiyo Ako bilang iyong panauhin sa susunod na Paskuwa at mapapasaiyo ang karangalan na matulungan Ako sa pag-eebanghelyo sa iyong mga kaibigan. Ang Aking kapayapaan ay nawa laging mapasaiyo.» Ang bangka ay pumalaot at ang lahat ay nagtatapos.

240610

 

 

Sunod na kabanata