168. Si Aglae sa Bahay ni Maria sa Nazareth.

May 20, 1945. Pentekostes.

Si Maria ay tahimik may ginagawa sa isang pirasong tela. Gabi ngayon, ang lahat na pintuan ay sarado, tatlong lampara ang nagpapaliwanag sa maliit na silid sa Nazareth, lalo na sa mesa kung saan ang Birhen ay nakaupo. Ang tela, baka ito ay isang damit-pangkatre, ay nakabitin mula sa baul at mula sa Kanyang mga tuhod hanggang sa sahig, upang si Maria, Na nakasuot ng madilim na asul na damit, ay tila lumilitaw mula sa isang tambak ng niyebe. Siya ay nag-iisa, ang Kanyang ulo nakatungo sa Kanyang ginagawa, at ang liwanag ng lampara ay nagagawa ang tuktok ng Kanyang ulo na magningning nang may mapusyaw na gintong kulay. Ang lahat na iba pa ng Kanyang mukha ay nasa medyo madilim na liwanag.

May labis na katahimikan sa malinis na silid. Walang ingay na maririnig ni mula sa kalsada, na walang tao sa gabi, o mula sa pangkusinang-hardin. Ang mabigat na pinto ng silid kung saan si Maria nagtatrabaho, kung saan Niya dinadala ang Kanyang pagkain at tinatanggap ang Kanyang mga kaibigan, at nagbubukas patungo sa pangkusinang-hardin, ay nakasara, upang kahit na ang ingay ng tubig ng pontanya na dumadaloy patungo sa palanggana ay hindi maririnig. Ano kaya ang iniisip ni Maria habang ang Kanyang mga kamay ay mabilis na nagtatrabaho…

Nagkaroon ng mahinang mga pagkatok sa pangunahing pintuan. Si Maria ay itinaas ang ulo at nakikinig… Ang pagkatok ay napakahina upang si Maria ay baka naiisip na ito ay gawa ng ilang hayop sa gabi o ng hangin at iniyuko Niyang muli ang Kanyang ulo sa Kanyang ginagawa. Subalit ang pagkatok ay naulit at mas malakas. Si Maria ay tumayo at pumunta sa pintuan. Bago buksan ang pintuan Siya ay nagtanong: «Sino ang kumakatok?»

Ang isang mahinang tinig ang tumugon: «Isang babae. Sa ngalan ni Jesus, maawa sa akin.»

Si Maria ay binuksan kaagad ang pinto itinataas ang lampara upang makita ang peregrino. Ang nakikita Niya ay isang bunton ng mga damit, nayukod nang napakababa at nagsasabi: « Mabuhay! Aking Ginang!» at pagkatapos ulit: «Sa ngalan ni Jesus, kaawaan ako.»

«Pumasok ka at sabihin mo sa Akin kung ano ang kailangan mo. Hindi kita kilala.»

«Isang wala at marami ang nakakakilala sa akin. Ang bisyo ay kilala ako. At ang Kabanalan ay kilala ako. Subalit ngayon kailangan ko ang Habag upang ibukas ang Kanyang mga bisig sa akin. At Kayo ay Habag…» at siya ay umiiyak.

«Pumasok ka, kung gayon… At sabihin mo sa Akin… Sapat na ang iyong nasabi upang maintindihan Ko na ikaw ay hindi masaya… Ngunit hindi Ko pa kilala kung sino ka. Ang inyo pangalan, kapatid…»

«O! hindi!  Hindi kapatid! Hindi ako maaaring maging isang kapatid Ninyo… Kayo ay ang Ina ng Kabutihan… Ako… Ako ay Kasamaan…» at siya ay umiiyak nang mas malakas at palakas pa sa ilalim ng kanyang manta, na nakapagtatakip sa kanya nang ganap.

Si Maria ay ibinaba ang lampara sa isang upuan; kinukuha Niya ang kamay ng di-kilalang babae nakaluhod sa pamasukan at pinipilit siya na tumayo.

Si Maria ay hindi siya kilala…. Ngunit kilala ko. Siya ay ang babaeng nakatalukbong ng Clear Water.

Siya ay tumayo, nalulungkot, nanginginig, nayayanig siya ng kanyang mga paghikbi, at nagdadalawang-isip pa na pumasok. Sinabi niya: «Ako ay isang hentil, aking Ginang. Ako ay marumi, para sa inyong mga Hudyo, kahit na kung ako ay banal. Ako ay dalawang beses na marumi sapagkat ako ay isang puta.»

«Kung ikaw ay pumunta sa Akin, kung hinahanap mo ang Aking Anak sa pamamagitan Ko, ikaw ay maaaring isang nagsisising puso lamang. Ang bahay na ito ay tinatanggap ang mga tao na ang pangalan ay Kapighatian» at Kanya siyang pinapapasok, isinasara ang pinto, ipinapatong ang lampara sa mesa, at hinihingi Niya na siya ay maupo at nagsabi: «Magsalita.»

Ngunit ang Nakatalukbong na babae ay ayaw na maupo; nakayuko pa rin, siya ay nagpapatuloy sa pag-iyak. Si Maria ay nasa harapan niya, mabait at mala-reyna. Siya ay naghihintay, nagdarasal, upang siya ay kumalma. Ang Kanyang buong hitsura ay nagsasabi sa akin na Siya ay nagdarasal, bagama't wala sa Kanyang sarili ang porma na Siya ay nagdarasal: ni ang Kanyang mga kamay na laging hawak ang maliit na kamay ng Nakatalukbong na babae, ni ang Kanyang mga labì na nakasara.

Sa wakas ang kanyang pag-iyak ay kumalma. Ang Nakatalukbong na babae ay tinutuyo ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang talukbong at pagkatapos nagsabi: «Subalit hindi ako nanggaling sa napakalayo upang hindi maging kilala. Ito ay ang panahon ng aking katubusan at kailangan na ihayag ko ang aking sarili… upang ipakita kung gaano karaming sugat ang nagtatakip sa aking puso. At Kayo ay isang ina… at Kanyang Ina… Kayo, kung gayon, ay maaawa sa akin.»

«Oo, Aking anak.»

«O! Oo! Tawagin Ninyo akong anak! Ako ay may ina… at iniwan ko siya… Ako ay may ama… isinumpa niya ako… at sinasabi niya sa mga tao sa bayan: “Wala na akong anak”»… (Siya ay nagpapatuloy sa pag-iyak nang mas mapait. Si Maria ay namutla sa paghihirap, subalit inilalagay Niya ang Kanyang kamay sa kanyang ulo upang maginhawahan siya). Ang Nakatalukbong na babae ay nagpapatuloy: «Wala nang tatawag sa akin na anak ulit!... Oo, haplusin Ninyo ako nang ganyan, katulad ng madalas gawin ng aking ina nang ako ay puro at mabuti… Hayaan Ninyong halikan ko ang Inyong kamay at punasin ko ang aking mga luha nito. Ang aking mga luha lamang ay hindi makalilinis sa akin. Gaano akong umiyak nang madama ko! Noon din madalas akong umiyak, sapagkat nakapanghihilakbot na maging walang iba bagkus laman, inabuso at iniinsulto ng mga lalaki. Subalit iyon ay mga luha ng isang minamaltratong hayop na napopoot at nagrerebelde laban sa kanya na nagpapahirap at nagpaparumi rito nang labis at labis pa… sapagkat nagpapalit ako ng panginoon, subalit hindi ko pinapalitan ang kahayupan… Ako ay matagal nang umiiyak sa loob ng walong buwan… sapagkat naintindihan ko… Naintindihan ko ang aking paghihirap at ang aking kabuktutan, ako ay balot at tigmak nito at nasusuklam ang aking pakiramdam… Ngunit ang aking mga luha, bagama't lalong nakaiintindi, ay hindi pa ako malinisan. Humahalo ang mga ito sa aking kabuktutan at hindi ito maalis. O! Ina! Punasin Ninyo ang aking mga luha at ako ay magiging malinis upang makalapit sa aking Tagapagligtas!»

«Oo, Aking anak, oo, gagawin Ko. Maupo ka. Dito, malapit sa Akin. At magsalita nang mapayapa. Iwanan mo ang iyong pabigat dito, sa Aking tuhod ng isang Ina» at si Maria ay naupo.

Subalit ang Nakatalukbong na babae ay lumugmok sa sahig sa Kanyang paanan, sa dahilan na ibig niyang magsalita sa Kanya nang ganyan. Siya ay nagsimulang dahan-dahan: «Ako ay nanggaling sa Syracuse… Ako ay dalawampu’t anim na taong gulang… Ako ay isang anak ng isang tagapamahala, ayon sa tawag ninyo sa ganito, sasabihin namin isang procurator, ng isang mayaman na maginoong Romano. Ako ay ang nag-iisang anak. Ang aking buhay ay masaya. Kami ay nakatira malapit sa dalampasigan, sa loob ng isang magandang villa, kung saan ang aking ama ay ang tagapamahala. Paminsan-minsan ang may ari ng villa, o ang kanyang asawa o mga anak ay dumarating. Tinatrato nila kami nang maayos at napakabuti sa akin. Ang mga anak na babae ay madalas makipaglaro sa akin… Ang aking ina ay masaya at… ipinagmamalaki ako. Ako ay maganda… matalino at ako ay nagtatagumpay… Ngunit minahal ko ang mga kahangalang mga bagay mahigit pa sa mabubuting bagay. May isang bantog na teatro sa Syracuse. Isang bantog na teatro… Maganda… malaki… Ito ay ginagamit sa mga laro at mga palabas… Ang mga mananayaw ay kinukuha para sa mga komedya at mga trahedya na ipinalalabas doon. Binibigyan nila ng diin ang koro sa pamamagitan ng mga sayaw. Hindi Ninyo nalalaman… ngunit sa pamamagitan din ng aming mga kamay o ng mga kilos ng aming mga katawan naihahayag namin ang mga nararamdaman ng isang lalaki na napukawan ng isang masimbuyong damdamin. Ang mga bata-pang lalaki at babae ay sinasanay bilang mga mananayaw sa loob ng isang espesyal na eskuwelahan. Sila ay kailangan na kasing ganda ng mga diyosa at kasing liksi ng mga paru-paro… Gustung-gusto ko noong pumunta sa isang mataas na lugar na nakikita ang lugar na iyon at nakikita ang mga mananayaw sumasayaw. Pagkatapos ginagaya ko sila sa mabulaklak na mga parang, sa ginintuang mga buhangin ng aking lupain, sa hardin ng villa. Ako ay tila isang masining na estatuwa, o isang magaang umiihip na hangin, napakagaling kong gawin ang mga estatuwang mga pusisyon o palipad-lipad sa paligid na halos hindi tumatapak sa lupa. Ang aking mayayamang kaibigan ay hinangaan ako… ang aking ina ay nagmamalaki tungkol sa akin…»

Ang Nakatalukbong na babae ay nagsasalita, nag-aalaala, tinitingnan at pinananaginipan ang tungkol sa kanyang nakaraan at umiiyak. Ang kanyang mga paghikbi ay katulad ng mga koma sa kanyang talumpati.

«Isang araw… noon ay Mayo… Ang buong Syracuse ay namumulaklak. Ang mga selebrasyon ay katatapos pa lamang at ako ay nagkaroon ng labis na kasiyahan sa isang sayaw na ginawa sa teatro… Ang mga may-ari ay dinala ako roon kasama ang kanilang mga anak na babae. Ako ay labing apat na taong gulang… Sa sayaw na iyon ang mga mananayaw, na kailangan ipakahulugan ang mga nimpa ng tagsibol na tumatakbo upang sambahin si Ceres, ay sumayaw na may mga korona ng mga rosas at nararamtan ng mga rosas… Tanging mga rosas lamang sapagkat ang kanilang mga damit ay napakagaan na mga belo, isang sapot na may nakakalat na mga rosas… Habang sumasayaw kamukha nila ang mga may-pakpak na mga Hebes, napakagaan nilang tila palipad-lipad, habang ang kanilang magagandang katawan ay nakikita sa pamamagitan ng paghihiwalay ng kanilang mabulaklak na mga belo, dumadaloy na tila mga pakpak sa likuran nila. Pinag-aralan ko ang sayaw… at isang araw… isang araw»…

Ang Nakatalukbong na babae ay umiiyak nang mas malakas… Pagkatapos kanyang inayos ang kanyang sarili.

«Ako ay maganda noon. Maganda pa rin ako ngayon. Tingnan Ninyo.» Siya ay tumayo ibinabagsak ang kanyang belo sa kanyang likuran at pinabayaang bumagsak din ang kanyang malapad na manta. At ako ay nagulat, sapagkat nakikita ko si Aglae na lumilitaw mula sa inalis na mga damit. Siya ay maganda, kahit sa kanyang mahinhin na damit, sa kanyang simpleng tinirintas na buhok, wala ni anumang alahas, walang marangyang mga bistidura. Ang kanyang katawan ay katulad ng tunay na bulaklak, balingkinitan at perpekto, na may magandang mapusyaw na kayumangging mukha at malambot na mga mata puno ng alab.

Siya ay lumuhod ulit sa harapan ni Maria. «Ako ay maganda noon, nakalulungkot. At ako ay baliw. Nang araw na iyon naglagay ako ng mga belo,  sa tulong ng mga anak na babae ng may-ari sapagkat ibig nilang makita akong sumasayaw… Nagbihis ako sa isang lugar sa ginintuang baybayin, nakaharap sa asul na dagat. Sa walang-taong baybayin ay may mga puti at dilaw na mga ligaw na bulaklak, na may matapang-na-amoy ng almendras, ng banilya, ng malinis na katawan ng tao. Ang ragasa ng malalakas na pabango ay dumarating din mula sa mga hardin ng mga sitro at nangangamoy ang mga hardin ng mga rosas sa Syracuse, pati na rin ang dagat at ang buhangin sa baybayin; ang araw ay nagpalitaw ng amoy mula sa lahat na mga bagay… isang medyo magulo na pumasok sa aking ulo. Sa pakiramdam ko ako ay tila isang nimpa na rin, at ako ay sumasamba… kanino? Sa mabungang lupa? Sa nagpapabunga na Araw? Hind ko alam. Isang hentil sa pagitan ng mga hentil, sa palagay ko sinasamba ko si Sense, ang aking tiranikong hari, na hindi ko nalaman na mayroon ako, subalit mas makapangyarihan pa kaysa sa isang diyos… isinuot ko ang isang girnalda ng mga rosas na pinitas ko sa hardin… at ako ay sumayaw. Ako’y labis na nasiyahan ng liwanag, ng mga amoy, ng kasiyahan ng pagiging bata, maliksi at maganda. Ako’y sumayaw… at ako ay napuna. Nakita ko na ako’y pinanonood. Ngunit hindi ako nahiya na lumalabas na hubad sa presensya ng dalawang sakim na mga mata ng isang lalaki. Sa kabaligtaran, nasiyahan ako sa pagsasayaw nang mas may buhay. Ang kasiyahan na ako ay hinahangaan ay naglagay ng mga pakpak sa aking mga paa. At iyon ay ang aking kasiraan. Tatlong araw pagkatapos ako ay naiwang mag-isa sapagkat ang mga may-ari ay umalis upang bumalik sa kanilang mahal na tirahan sa Roma. Ngunit hindi ako nanatili sa loob ng bahay… Ang dalawang humahangang mga mata ay may ibinunyag sa akin, higit pa sa pagsasayaw… Ang mga ito ay nagbunyag ng kahalayan at sekso.»

Si Maria ay hindi sinasadyang napakilos ng pagkasuklam, na napuna ni Aglae. «O! subalit Kayo ay puro! Baka nagawa ko Kayong masuklam…»

«Magsalita ka, Aking anak. Mas mabuti na sa iyo ang magsalita kay Maria kaysa sa Kanya. Si Maria ay isang dagat na nakapaglilinis…»

«Oo, mas mabuti na kung sasabihin ko sa Inyo. Naisip ko itong kusa nang mapakinggan ko na Siya ay may Ina… Sapagkat noon, nakikita Siyang ibang-iba sa ibang mga lalaki, isang tanging lubos na espirituwal na lalaki – ngayon nalalaman ko na na naririyan ang espiritu at kung ano ito – noon hindi ko maaaring masabi kung ano ang  Inyong Anak, sa dahilan na Siya ay walang kahalayan bagama't isang lalaki, at sa loob ko akala ko Siya ay walang ina, bagkus bumaba sa lupa upang iligtas ang nakapanghihilakbot na kaawa-awang mga tao na ang pinakamalala ay ako.

Araw-araw ako ay bumabalik sa lugar na iyon umaasa na makita ang magandang morenong lalaking iyon… At pagkaraan ng ilang panahon nakita ko siyang muli… Siya ay nagsalita sa akin. Sinabi niya sa akin: “Sumama ka sa akin sa Roma. Dadalhin kita sa korte ng imperyo, ikaw ay magiging ang perlas ng Roma”. Ako ay tumugon: “Oo, ako ang magiging matapat na asawa mo. Halika at makipagkita ka sa aking ama”. Siya ay tumawang mapanuya at hinalikan ako. Sinabi niya: “Hindi asawa ko. Bagkus ikaw ang magiging diyosa at ako ang iyong pari at ihahayag ko ang mga lihim ng buhay at kasiyahan sa iyo”. Ako ay ganap na nabighani, ako ay isang batang babae. Subalit bagama't isang bata pa, alam ko na kung ano ang buhay… At ako ay tuso, ako ay nabighani, subalit hindi pa napakasama… at ako ay nainis sa kanyang pahayag. Inalis ko ang aking sarili sa kanyang yakap at ako ay tumakbong pauwi… Ngunit hindi ako nagsalita sa aking ina tungkol doon… At hindi ko nilabanan ang mithiin na makita siyang muli… Ang kanyang mga halik ay nagawa akong maging lalo pang isang alipin magpakailanpaman… At ako ay bumalik… Halos hindi ko pa nararating ang walang-katau-taong baybayin nang niyakap niya ako at hinahalikan na para siyang isang baliw, na may mga bagyo ng mga halik, may nagmamahal na mga salita, may mga tanong: “Wala pa ba ang lahat sa pagmamahal na ito? Hindi ba’t mas matamis pa ito kaysa ng isang kasal? Ano pa ang ibig mo? Mabubuhay ka ba nang wala ito?”

O! Ina… Nagtanan ako nang gabing iyon kasama ang maruming patrisyo… at ako ay naging isang basahan niyuyurakan ng kanyang kahayupan… ako ay hindi isang diyosa: bagkus putik. Hindi isang perlas: bagkus basura. Ang buhay ang hindi ipinakita sa akin, bagkus ang dumi ng buhay, ang kabuktutan, ang pagkasuklam, ang kirot, ang kahihiyan, ang walang-hangganang paghihirap na malaman na ni hindi ko pag-aari ang aking sarili… At pagkatapos… lubos na pagkasira. Pagkaraan ng anim na buwan ng pagpapasasa, siya ay napagod sa akin at pumunta sa sariwang mga pagmamahalan at ako ay namuhay sa mga kalye. Ginamit ko ang pinaka-magagawa ko sa pagsasayaw… Nalaman ko na ang aking ina ay namatay sa sama-ng-loob at na ako ay wala nang mauuwian o isang ama… Ang isang guro sa pagsasayaw ay tinanggap ako sa kanyang akademya. Ginawa niya akong perpekto… kinasiyahan niya ako… at dinala niya ako sa maruming Romanong patrisyo bilang isang lubos na may karanasan sa sining ng kahalayan. Ang dati nang maruming bulaklak ay nahulog sa isang tapunang kanal ng mga lamang-loob. Sa loob ng sampung taon ako ay bumagsak nang pababa pa nang pababa hanggang sa kalaliman. Pagkatapos ako ay dinala rito upang makapag-aliw kay Herodes at ako ay kinuntrata rito sa pamamagitan ng bagong panginoon. O! Walang nakataling aso ang mas nakatali kaysa sa isa sa amin! At walang tagapagsanay ng aso ang mas brutal pa kaysa sa lalaking may hawak na babae! Ina… Kayo ay nanginginig! Tinatabunan ko Kayo ng malaking takot!»

Si Maria ay nailagay ang Kanyang kamay sa Kanyang dibdib, na tila ito ay nasugatan. Subalit Siya ay tumugon: «Hindi, hindi ikaw. Ang kasamaan, na isang ganyan kalakas na panginoon sa lupa, ang nakapagpapatakot sa Akin. Magpatuloy ka, Aking kaawa-awang nilikha.»

«Dinala niya ako sa Hebron… Ako ba ay malaya? Ako ba ay mayaman? Oo, ako nga, sapagkat wala ako sa kulungan at ako ay natatakpan ng mga alahas. Hindi, ako ay hindi ganito, sapagkat ang nakakaharap ko ay kung sino lamang ang gusto niya at wala akong karapatan sa aking sarili.

Isang araw ang isang lalaki, ang “lalaki”, ang Inyong Anak, ay pumunta sa Hebron. Ang bahay ay mahal sa Kanya. Napuna ko ito at inanyayahan ko Siyang pumasok. Si Shammai ay wala roon… at mula pa sa bintana nakarinig na ako ng mga salita at nakakita ng isang bagay na nagpabalisa sa aking puso. Subalit isinusumpa ko sa Inyo, Ina, na iyon ay hindi ang laman na nakapagpapunta sa akin sa Inyong Jesus. Iyon ay isang bagay na naibunyag Niya sa akin na siyang nagdala sa akin sa pintuan, nilalabanan ang mga bukang-bibig ng mga tao, upang sabihin sa Kanya: “Tuloy Kayo”. Iyon ay ang kaluluwa na nalaman ko na mayroon ako pagkatapos. Sinabi Niya sa akin: “Ang Aking pangalan ang ibig sabihin: Tagapagligtas. Inililigtas Ko ang mga nananabik na maligtas. Nakapagliligtas Ako sa pagtuturo na maging puro, na mithiin at tanggapin ang mga kapighatian nang may karangalan, mithiin ang Kabutihan anuman ang mangyari. Ako ang Isa Na naghahanap sa mga nawawala at nagbibigay ng Buhay. Ako ay Kadalisayan at Katotohanan!” Sinabi Niya sa akin na ako rin ay may kaluluwa at na ito ay aking napatay sa pamamagitan ng aking pamamaraan ng pamumuhay. Ngunit hindi Niya ako isinumpa, ni hindi Niya ako kinutya. At hindi Niya ako kailanman tiningnan! Ang unang lalaki na hindi ako hinubaran ng kanyang matakaw na mga mata, sapagkat ako ay nakaratay sa ilalim ng teribleng sumpa na makakuha ang atensiyon ng mga lalaki… Sinabi Niya sa akin na ang sinuman na naghahanap sa Kanya ay matatagpuan Siya sapagkat Siya ay naroroon kung saan doon kinakailangan ang doktor at ang gamot. At Siya ay umalis. Ngunit ang Kanyang mga salita ay nasa loob nito. At kailanman hindi umalis ang mga ito. Madalas kong sabihin sa aking sarili: «Ang Kanyang pangalan ang ibig sabihin ay Tagapagligtas”, na tila nagsisimula na akong mithiin ko na ako ay gumaling. Ako ay naiwanan ng Kanyang mga salita at ng Kanyang mga kaibigan, ang mga pastol. At ginawa ko ang unang hakbang sa pagbibigay sa kanila ng mga limos at paghingi ng kanilang mga panalangin… At pagkatapos… ako ay tumakas…

O! Iyon ay isang banal na pagtakas! Ako ay tumakas sa kasalanan hinahanap ang Tagapagligtas. Ako ay paikut-ikot hinahanap Siya. Nakatitiyak ako na makikita ko Siya sapagkat Siya ay nangako sa akin. Pinadala nila ako sa isang lalaki na ang pangalan ay Juan, iniisip na baka Siya iyon. Ngunit hindi siya iyon. Ang isang Hudyo ay pinadala ako sa Clear Water. Namuhay ako na ipinagbibili ang malaking bilang ng ginto na mayroon ako. Sa loob ng mga buwan na ako ay naglalagalag kinailangan kong takpan ang aking mukha upang maiwasan na mahuli at dahil din, totoo, si Aglae ay nakalibing sa ilalim ng belong iyon. Ang lumang Aglae ay patay na. Sa ilalim ng belo ay naroon ang kanyang sugatan na walang-dugong kaluluwa hinahanap ang doktor nito. Maraming beses kinailangan kong takasan ang kahalayan ng mga lalaki na nang-uusig sa akin, bagama't ako ay labis na nakatago sa aking suot. Ang isa rin sa mga kaibigan ng Inyong Anak…

Sa Clear Water ako ay nabuhay katulad ng isang hayop: dukha ngunit masaya. At ang hamog at ang ilog ay hindi ako nalinis katulad na ako ay nalilinis ng Kanyang mga salita. O! Ni isa ay hindi nawala! Minsan pinatawad Niya ang isang mamamatay tao. Napakinggan ko… at malapit ko na sanang sabihin: “Patawarin din Ninyo ako”. Isa pang pagkakataon Siya ay nagsasalita tungkol sa nawalang inosensiya… O! Gaano karaming luha ng pagsisisi! Isa pang pagkakataon pinagaling Niya ang isang ketongin… at malapit na sana akong sumigaw: “Linisin din Ninyo ako ng aking kasalanan…”. Isa pang pagkakataon pinagaling Niya ang isang sira-ang-ulo, isang Romano… at ako ay umiyak… at ginawa Niya ang isang tao na sabihin sa akin na ang mga amangbayan ay lumilipas, subalit ang Langit ay nananatili. Isang maunos na gabi pinatuloy Niya ako sa kanyang bahay…at pagkaraan hiningi Niya sa tagapamahala na bigyan ako ng pag-aruga at sinabi Niya sa isang bata na sabihin sa akin: “Huwag kang umiyak”… O! Ang Kanyang kabaitan! Ang aking paghihirap! Kapwa napakalaki upang hindi ako mangahas na dalhin ang aking paghihirap sa Kanyang paanan… sa kabila ng ang isa sa Kanyang mga disipulo sa gabi ay tinuruan ako tungkol sa walang-hangganang awa ng Inyong Anak. At pagkatapos, nang ang mga tao, na ang kanilang pananaw ay isang pagkakasala ang magmithi na maipanganak muli, ay naglagay ng mga patibong para sa Kanya, ang aking Tagapagligtas ay umalis… at ako ay naghintay para sa Kanya… Ngunit hinihintay din Siya ng paghihiganti ng mga tao na malayong karapat-dapat na tumingin sa Kanya kaysa sa ako. Sapagkat ako, isang Hentil, ay nagkasala sa aking sarili, samantalang sila, na nakaaalam na tungkol sa Diyos, ay nagkakasala laban sa Anak ng Diyos… at ako ay kanilang pinalo at mas nasaktan nila ako ng kanilang mga akusasyon kaysa ng mga bato at nasugatan nila ang aking kaluluwa nang higit pa ang aking katawan, sa dahilan na dinadala nila ako sa kawalang-pag-asa.

O! Anong nakapanghihilakbot na pakikipaglaban sa aking sarili! Pagod na, walang matuluyan, walang pagkain, tiningnan ko ang nasa likuran ko at nasa harapan ko… Ang aking nakaraan ay nagsasabi sa akin: “Halika ulit”, ang aking kasalukuyan ay nagsasabi: “Patayin mo ang iyong sarili”, ang aking hinaharap ay madalas sabihin: “Umasa”. Ako’y umasa… Hindi ako nagpakamatay. Ginawa ko sana ito, kung ako ay Kanyang tinanggihan, sapagkat ayaw kong maging kung ano ako dati! Halos hinihila ko ang aking sarili patungo sa isang nayon humihingi ng matutuluyan… Ngunit nakilala nila ako. Katulad ng isang hayop kinailangan kong tumakbo, dito, doon, laging hinahabol, laging kinukutya, laging sinusumpa, sapagkat ibig kong maging matapat at dahil hindi ko napagbigyan ang mga tao, na sa pamamagitan ko, ibig nilang mahampas ang Inyong Anak. Sinusundan ang isang ilog nakarating ako sa Galilee at ako ay pumunta rito… Kayo ay wala rito… Pumunta ako sa Capernaum. Kaaalis pa lamang Ninyo. Ngunit ang isang matandang lalaki ay nakita ako. Isa sa Kanyang mga kaaway, na ibig ako na maging saksi labang sa Inyong Anak, at sa dahilan na ako ay umiiyak na hindi tumutugon, sinabi niya sa akin: “Ang lahat ay magbabago pabor sa iyo kung ikaw ay magiging aking kalaguyo at aking kasabwat sa pag-aakusa sa Rabbi ng Nazareth. Sapat na sa iyo na sabihin sa harapan ng aking mga kaibigan, na Siya ay iyong kalaguyo dati…” Ako ay tumakas katulad ng isang tao na nakakita ng ahas na lumabas sa isang mabulaklak na palumpong.

Naintindihan ko kung gayon na hindi ko na Siya maaaring makita… at ako ay pumunta sa Inyo. Naririto ako: tapakan Ninyo ako, dahil ako ay putik. Naririto ako: tanggihan Ninyo ako, dahil ako ay makasalanan. Naririto ako: tawagin Ninyo ako sa pamamagitan ng aking pangalan: puta, tatanggapin ko ang kahit ano mula sa Inyo. Subalit, Ina, maawa sa akin. Kunin ang aking kaawa-awang narumihang kaluluwa at dalhin Ninyo ito sa Kanya. Isang krimen ang ilagay ang aking kahalayan sa Inyong mga kamay. Subalit tanging diyan lamang ito mapoprotektahan laban sa mundo na nagkakagusto nito at ito’y magiging pagsisisi. Sabihin Ninyo sa akin kung papaano ako dapat kumilos. Sabihin Ninyo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin. Sabihin Ninyo sa akin kung anong kaparaanan ang kailangan kong gamitin upang hindi na maging Aglae. Ano ang dapat kong putulin sa aking sarili? Ano ang dapat kong punitin sa aking sarili upang hindi na ako maging kasalanan, o isang panukso, upang hindi na sana ako matakot sa aking sarili at sa mga lalaki? Kailangan ko bang alisin ang aking mga mata? O sunugin ang aking mga labì? O putulin ang aking dila? Ang aking mga mata, mga labì at dila ay natulungan ako sa aking mga makasalanang gawain. Ayaw ko na muli ng kasamaan at payag akong parusahan ang aking sarili at ang mga ito sa pagsasakripisyo sa kanila. O kailangan ko bang punitin ang matakaw na puson na ito na nagdala sa akin sa baluktot na pagmamahal? O ang di-masiyahang bitukang ito na ikinatatakot ko na baka pang-initin muli? Sabihin Ninyo sa akin, pakiusap na sabihin Ninyo sa akin kung papaano makalilimutan ng isang babae na siya ay isang babae at kung papaano niya gagawin na makalimot ang ibang tao!»

Si Maria ay balisa. Siya ay umiiyak at naghihirap, subalit ang tanging tanda ng Kanyang paghihirap ay ang mga luha na bumabagsak sa nagsisising babae.

«Ibig ko lamang mamatay pagkatapos na ako ay mapatawad. Ibig kong mamatay na walang ibang naaalaala bagkus ang Aking Tagapagligtas. Ibig kong mamatay na nalalaman na ang Kanyang karunungan ay mapagkaibigan sa akin… at hindi ako makalalapit sa Kanya sapagkat ang mundo ay tinitingnan Siya at ako, na may pagsususpetsa upang akusahan kami…» Si Aglae ay umiiyak, nakapatirapa na naghihirap.

Si Maria ay tumayo bumubulong: «Gaano kahirap itong maging mga tagapagtubos!» Siya ay halos hindi makahinga.

Si Aglae, na nakarinig sa bulong at nakaintindi tungkol sa Kanyang hitsura, ay umungol: «Kita N’yo? Nakikita Ninyo na Kayo ay nasusuklam, din. Aalis na ako. Ako ay tapos na!»

«Hindi, Aking anak. Hindi ka pa tapos. Hindi, ikaw ay nagsisimula pa lamang ngayon. Makinig, kaawa-awang kaluluwa. Hindi Ako umuungol dahil gawa mo, bagkus dahil sa gawa ng malupit na mundo. Hindi kita paaalisin, bagkus pupulutin kita, isang kaawa-awang golondrina naitapon ng bagyo sa mga pader ng Aking bahay. Dadalhin kita kay Jesus at ipakikita Niya sa iyo ang iyong daan ng panunubos…»

«Hindi na ako umaasa… Ang mundo ay tama. Hindi ako mapatatawad.»

«Hindi ka mapatatawad ng mundo. Mapatatawad ka ng Diyos. Hayaan mo Akong magsalita sa iyo sa ngalan ng Kataas-taasang Pag-ibig, Na nagbigay sa Akin ng isang Anak upang sana maibigay Ko Siya sa mundo. Inilabas Niya Ako sa pinagpalang kasimplehan ng Aking ikinunsagrang pagkabirhen upang sana ang mundo ay makatanggap ng Kapatawaran. Pinadaloy Niya ang Aking dugo hindi mula sa Aking panganganak bagkus mula sa Aking puso sa pamamagitan ng paghahayag sa Akin na ang Aking Anak ay ang Dakilang Biktima. Tingnan mo Ako, anak. May malaking sugat sa pusong ito. Matagal na itong dumadaing sa mahigit nang tatlumpung taon at ito ay palalim pa nang palalim at inuubos Ako nito. Alam mo ba ang pangalan nito?»

«Kapighatian.»

«Hindi. Pag-ibig. Ito ay pag-ibig na nagpapadugo sa Akin upang ang Aking Anak ay hindi sana ang mag-isang magliligtas. Ito ay pag-ibig na nagpapa-apoy sa Akin upang sana mapadalisay Ko ang mga hindi mangahas na pumunta sa Aking Anak. Ito ay pag-ibig na nagagawa Akong umiyak upang sana mahugasan Ko ang mga nagkakasala. Ibig mo ang Aking mga haplos. Ibinibigay Ko sa iyo ang Aking mga luha na makapaglilinis na sa iyo at magagawa kang matingnan mo ang Aking Panginoon. Huwag kang umiyak nang ganyan! Hindi lamang ikaw ang nagkasalang lumalapit sa Panginoon at umalis na natubos. Iba pang mga babae ang dumating, marami pa ang darating.

Hindi ka nakatitiyak na ikaw ay mapatatawad Niya? Ngunit hindi mo ba nakikita sa lahat na nangyari sa iyo ang misteryosong kalooban ng Dibinong Kabutihan? Sino ang nagdala sa iyo sa Judea? Sino ang nagdala sa iyo sa bahay ni Juan? Sino ang naglagay sa iyo sa bintanang iyon nang umagang iyon? Sino ang nagsindi ng apoy upang maliwanagan ang Kanyang mga salita para sa iyo? Sino ang gumawa sa iyo na maintindihan na ang karidad, kapag idinugtong sa mga panalangin ng mga natulungan, ay nakakakuha ng tulong mula sa Diyos? Sino ang nagbigay sa iyo ng lakas na tumakas sa bahay ni Shammai at magpursige sa loob ng mga unang araw hanggang Siya ay makarating? Sino ang nagdala sa iyo sa Kanyang daan? Sino ang gumawa sa iyo na makapamuhay bilang isang nagsisising makasalanan upang mahugasan mo nang lalo at lalo pa ang iyong kaluluwa? Sino ang nagbigay sa iyo ng isang martir na kaluluwa, isang naniniwalang kaluluwa, isang mapagpursige at dalisay na kaluluwa?

Huwag mong iiling ang iyong ulo. Sa iyo bang palagay tanging ang hindi lamang nakaranas ng kahalayan ang dalisay? Sa iyo bang palagay ang isang kaluluwa ay hindi na maaaring maging isang birhen at maganda? O! Aking anak! Sa pagitan ng kadalisayan na ganap na isang grasya ng Panginoon at ng iyong makabayaning pagtaas sa tuktok ng iyong nawawalang kadalisayan, kailangan mong maniwala na ang iyo ay ang mas dakila. Itinatayo mo ito laban sa kahalayan, laban sa pangangailangan at kinasanayan. Ang sa Akin ay isang natural na kaloob, katulad sa paghinga. Ikaw ay kailangan na kumalas sa iyong mga naiisip, sa iyong mga nararamdaman, sa iyong laman, upang hindi makaalaala, hindi makapagmithi, hindi bumigay… Ako… O! Ang maliit bang bata, mga ilang oras pa lamang ang edad, ay maaaring magkaroon ng karnal na mga pagmimithi? At mayroon ba siyang kahit anong merito gawa nito? Ganyan din ang sa Akin. Hindi Ko nalalaman kung ano ang matrahedyang kagutuman na iyan, na nagawa ang sangkatauhan na maging isang biktima. Ang nalalaman Ko lamang ay ang banal na kagutuman para sa Diyos. Ngunit hindi mo nalalaman ito at natutuhan mo ito sa pamamagitan ng iyong sarili lamang. Subalit sinupil mo ang isa pang kagutuman, ang matrahedya at nakapanghihilakbot na isa, alang-alang sa Diyos, ang tanging pag-ibig mo sa kasalukuyan. Ngumiti ka, anak ng dibinong awa! Ang Aking Anak ay tinatrabaho sa loob mo kung ano ang Kanyang sinabi sa iyo sa Hebron. Nagawa na Niya ito. Ikaw ay ligtas na, gawa ng iyong mabuting kalooban na maligtas, sapagkat ikaw ay pumunta upang malaman ang tungkol sa kadalisayan, kapighatian, Kabutihan. Ang iyong kaluluwa ay muling nabuhay. Oo, kailangan mo ang Kanyang salita nagsasabi sa iyo sa ngalan ng Diyos: “Ikaw ay napatawad na”. Hindi Ko masasabi iyan. Subalit ibinibigay Ko sa iyo ang Aking halik bilang isang pangako, bilang isang panimula ng kapatawaran…

O Eternal na Espiritu, ang kaunti Ninyo ay laging nasa Inyong Maria! Pahintulutan Ninyo Siya na maibuhos ang Inyong Nagpapabanal na Espiritu sa nilikhang ito na umiiyak at umaasa. Alang-alang sa Ating Anak, o Diyos ng Pag-ibig, iligtas Ninyo ang babaeng ito na umaasa ng kaligtasan mula sa Diyos. Harinawang ang Grasya, na sinabi ng anghel na ang Diyos ay pinuno Ako, harinawang ang Grasyang iyan sa pamamagitan ng isang himala ay manahan sa kanya at suportahan siya hanggang si Jesus, ang Pinagpalang Tagapagligtas, ang Kataas-taasang Pari, ay maabsulbihan siya sa ngalan ng Ama, at ang Anak at ng Espiritu Santo…

Gabi na, Aking anak. Ikaw ay pagod at hapo na. Halika, magpahinga. Ikaw ay aalis bukas…Ipadadala kita sa isang matapat na pamilya, sapagkat napakarami nang tao ang pumupunta ngayon dito. At bibigyan kita ng damit katulad ng sa Akin at magmumukha kang isang Hudyo. At sa dahilan na makikita Ko ang Aking Anak sa Judea, sapagkat ang Paskuwa ay malapit na at sa pagdating ng bagong buwan sa Abril kami ay mapupunta sa Bethany, Ako ay magsasalita sa Kanya tungkol sa iyo. Pumunta ka sa bahay ni Simon ang Zealot. Matatagpuan mo Ako roon at dadalhin kita sa Kanya.»

Si Aglae ay umiiyak muli. Subalit ngayon siya ay nasa kapayapaan na. Siya ay nakaupo sa sahig. Si Maria din ay naupo nang muli. At si Aglae ay ipinapahinga ang kanyang ulo sa Kanyang mga tuhod at hinahalikan ang Kanyang kamay… Pagkaraan siya ay umungol: «Makikilala nila ako…»

«O! Hindi ka nila makikilala. Huwag kang matakot. Ang iyong damit ay kilalang-kilala. Ngunit ihahanda kita para sa iyong paglalakbay patungo sa Kapatawaran at ikaw ay magiging katulad ng isang birhen patungo sa kanyang kasal: magiging iba ka at di-kilala sa mga tao na hindi nag-aalam ng ritual. Halika. May maliit na silid malapit sa Akin. Ang mga santo at mga peregrino na nagmimithing makarating sa Diyos ay mga nakapagpahinga diyan. Makapagkakanlong din iyan sa iyo.»

Si Aglae ay kukunin na sana ang kanyang malapad na manta at ang kanyang belo.

«Iwanan mo ang mga ‘yan. Iyan ay ang mga damit ng kaawa-awang Aglae. Ngunit siya ay wala na… at ni ang kanyang damit ay hindi kailangan na manatili. Nakaranas na iyan ng labis na kapootan… at ang kapootan ay nakasasakit katulad ng kasalanan.»

Sila ay lumabas sa madilim na pangkusinang-hardin at pagkatapos nagtungo sa maliit na silid ni Jose. Si Maria ay sinisindihan ang maliit na lampara sa patungan nito, hinahaplos muli ang nagsisising babae, isinasara ang pinto at sa pamamagitan ng Kanyang lampara Siya ay tumitingin kung saan Niya mailalagay ang punit na manta ni Aglae upang sana walang sinuman ang makakita nito sa susunod na araw.

 

 

 



Sunod na kabanata