169. Ang Sermon sa Bundok: «Kayo ang Asin ng Lupa.»

May 22, 1945.

Si Jesus ay naglalakad nang mabilis sa isang pangunahing daan. Siya ay nag-iisa. Siya ay patungo sa isang bundok, na tumataas malapit sa isang pangunahing daan na tumatakbong pasilangan mula sa lawa, at ito ay nagsisimulang tumaas nang may malumanay na pagtaas, malayu-layo din inaabot, napoporma ang isang kapatagan mula kung saan makikita ang lahat ng lawa at ang bayan ng Tiberias pagawing timog, at ang iba pang mga bayan, hindi masyadong magaganda, umuunat pagawing hilaga. Pagkatapos naririyan ang isang batong-ungos at tumataas ang bundok nang medyo matarik hanggang sa isang taluktok, at pagkatapos dadalisdis pababa at tataas muli hanggang sa isa pang taluktok, katulad ng nauna, kung gayon napoporma ang isang uri ng kakaibang siya.

Si Jesus ay nagsisimulang umakyat patungo sa kapatagan dumaraan sa isang daanan ng mga mola, na komportable pa rin, at narating ang isang maliit na nayon, na ang mga naninirahan dito ay ang kapatagan ang binubukid, kung saan ang mga trigo ay nagsisimula nang magka-tainga. Dinaanan Niya ang nayon at nagpapatuloy sa mga bukirin at mga parang at ang lahat ay nakakalatan ng mga bulaklak at nangangaluskos sa mga anihin.

Ang maliwanag na araw ay naipakikita ang lahat ng kagandahan ng nakapaligid na kalikasan. Katabi ng malungkot na maliit na bundok, kung saan si Jesus ay patungo, pagawing hilaga ay naroroon ang makapangibabaw na taluktok ng Bundok ng Hermon, na ang tuktok nito ay nagmumukhang isang dambuhalang perlas nakapatong sa isang base ng mga esmeralda, napakaputi ang tuktok natatakpan ng niyebe, samantalang ang makahoy na dalisdis ay berde. Sa kabila ng lawa, na nasa pagitan ng lawa at ng Bundok ng Hermon, ang kapatagan ay berde. Ang lawa ng Merom ay naroroon, subalit hindi makikita mula rito. Marami pang mga bundok pagawing lawa ng Tiberias sa hilagang-kanluran na banda at sa kabila ng lawa ay naririyan ang isang magandang patag na kabukiran at iba pang mga bundok, na ang alun-alon nito ay napalulumanay ng distansiya. Patungong timog, sa kabila ng pangunahing daan, nakikita ko ang mga burol, na sa palagay ko ay nakapagtatakip sa Nazareth. Habang umaakyat ang isa, mas malawak ang matatanaw. Hindi ko makita kung ano ang nasa kanluran, sapagkat ang bundok ay umaaktong isang pader.

Si Jesus ay unang natagpuan ang apostol na si Felipe, na tila inilagay doon bilang tanod. «Ano, Guro? Naririto Kayo? Umaasa kami na matatagpuan namin Kayo sa pangunahing daan. Ako ay naghihintay dito para sa aking mga kasamahan na mga lumakad upang kumuha ng ilang gatas mula sa mga pastol na mga nagpapastol ng kanilang mga tupa sa mga bundok na ito. Sa ibaba, sa kalsada, ay naroroon si Simon kasama si Judas ni Simon at si Isaac, at… O! Naririto… Halikayo! Halikayo! Ang Guro ay naririto!»

Ang mga apostol, na bumababa may dalang mga prasko at mga lalagyan, ay nagsimulang tumakbo at ang mas nakababata, siyempre, ang naunang makarating. Ang pagsalubong na kanilang ibinibigay sa Guro ay totoong nakaka-antig ng damdamin. Sa wakas sila ay magkakasama na at habang ngumingiti si Jesus, lahat sila ay ibig na magsalita at magkuwento  sa Kanya…

«Ngunit kami ay naghihintay sa Inyo sa daan!»

«Naisip pa lang namin na hindi Kayo makararating kahit na ngayon.»

«Alam Ninyo, napakaraming tao.»

«O! Kami ay napahiya, may ilang mga eskriba at ilan ding ang mga disipulo ni Gamaliel…»

«Tama iyon, aking Panginoon! Iniwan Ninyo kami sa tamang sandali lamang! Hindi pa ako naging takot-na-takot katulad nang sandaling iyon! Huwag na Kayong maglaro ng ganyan sa akin muli!»

Si Pedro ay nagrereklamo at si Jesus ay ngumingiti at nagtanong: «May masama bang kung anuman  ang nangyari sa inyo?»

«O! Hindi! Sa kabaligtaran… O! Guro! Hindi ba Ninyo alam na si Juan ay nagbigay ng sermon?...Ang tunog nito’y tila Kayo ang nagsasalita sa pamamagitan niya. Ako… lahat kami ay natulala… Ang batang iyon na noong nakaraang isang taon lamang ay nakapagtatapon lamang ng lambat… O!» Si Pedro ay nagtataka pa rin at inuuga niya si Juan na ngumingiti ngunit tahimik. «Maniniwala ba Kayo na posible na ang batang ito ay makapagsalita ng mga salitang iyon sa pamamagitan ng ngumingiting mga labing ito? Ang dating niya ay katulad ni Solomon.»

«Si Simon din ay nakapagsalita nang napakaayos, aking Panginoon. Siya ay tunay ngang “ang hepe”, sabi ni Juan.

«Hindi nakapagtataka! Kinuha nila ako at kanila akong itinulak doon! Sino ang nakaaalam!... Sinasabi nila na ako ay nakapagbigay ng magandang sermon. Baka nga nagawa ko. Hindi ko alam… sapagkat ano sa sorpresa ng mga salita ni Juan, ano sa takot na makapagsalita sa maraming tao at mápasamâ ang Inyong pigura, ako ay nalito…»

«Mápasamâ ang Aking pigura? Subalit ikaw ang nagsasalita at ikaw ang mapapasamâ ang pigura, Simon» panunukso ni Jesus.

O! Sa ganang akin… hindi ako nag-aalala tungkol sa aking sarili. Ayaw ko na tuyain Kayo nila at tingnan Kayong isang tanga sa pagpili ng isang tanga bilang Inyong apostol.»

Si Jesus ay nagniningning sa tuwa dahil sa kababaang-loob at pagmamahal ni Pedro. Subalit Siya lamang ay nagtanong: «at papaano ‘yung iba?»

«Ang Zealot din ay nakapagsalita nang napakaayos. Ngunit siya… alam na nating lahat. Ngunit ang batang ito ay ang malaking sorpresa! Siyempre, mula ng tayo ay nagretiro upang manalangin, ang kaluluwa ng bata ay tila nasa Langit sa lahat nang oras.»

«Iyan ay totoo, totoong-totoo.» Lahat sila ay pinatototohanan ang mga salita ni Pedro. At patuloy silang nagsasalita kay Jesus…

«Alam N’yo? Sa pagitan ng mga disipulo may dalawa ngayon, na ayon kay Judas ni Simon, ay napakaimportante. Si Judas ay aktibong-aktibo. Siyempre! Kilala niya ang karamihan sa mga… matataas at alam niya kung papaano makitungo sa kanila. At gustung-gusto niyang magsalita… Nakapagsasalita siya nang napakaayos. Subalit ang mga tao ay mas gusto si Simon, ang Inyong mga pinsan at higit sa lahat ang batang ito. Kahapon ang isang lalaki ay nagsabi sa akin: “Ang bata-pang lalaking iyon ay nakapagsasalita nang napakaayos – ang tinutukoy niya ay si Judas – subalit mas gusto kita”. O! kaawa-awang tao! Mas gusto niya ako at halos hindi ako makabuo ng kaunting salita!... Ngunit bakit Kayo pumunta rito? Ang tagpuang lugar ay ang kalsada, matagal na kami roon.»

«Sapagkat nalalaman Ko na matatagpuan Ko kayo rito. Ngayon makinig. Bumaba kayo at sabihin sa iba na umakyat, ang mga kilalang disipulo din. Ang mga tao ay hindi kailangan na pumunta ngayon. Ibig Kong magsalita sa inyo lamang.»

«Kung gayon mas mabuti nang maghintay hanggang gabi. Kapag ang araw ay lulubog na, ang mga tao ay kumakalat sa mga kalapit nayon at sila ay bumabalik sa susunod na umaga naghihintay sa Inyo. Kung hindi… sino ang makapagpipigil sa kanila?»

«O sige. Gawin iyan. Maghihintay Ako sa inyo sa itaas doon, sa tuktok. Ang mga gabi ngayon ay malumanay na at makakatulog tayo sa labas.»

«Saan man ang Inyong gusto, Guro. Maliban na kasama namin Kayo.»

Ang mga disipulo ay umalis at si Jesus ay ipinagpapatuloy ang Kanyang pag-akyat patungo sa tuktok, na siyang akin ding nakita na nang nakaraang taon sa bisyon para sa pagtatapos ng sermon sa Bundok at para sa unang pagkakita ko kay Maria ng Magdala. Ang tanawin ngayon ay mas malawak at nagiging mas maningning sa paglubog ng araw.

Si Jesus ay nakaupo sa isang bato at nakaporma ng pagninilay-nilay. At Siya ay nananatiling ganyan hanggang sa ang mga pagkaluskos ng mga paa sa daanan ay nabalaan si Jesus na ang mga apostol ay nakabalik na. Dumidilim na, subalit ang araw ay nagniningning pa sa tuktok ng bundok, nakapagpapasingaw ng mga amoy mula sa bawat yerba at bulaklak… May malakas na amoy ng ligaw na mga liryo ng lambak habang ang matataas na tangkay ng narcissi ay inuuga ang kanilang mga bituin at mga buko na tila sila ay nanghihingi ng mga hamog.

Si Jesus ay tumayo at binabati sila: «Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Maraming mga disipulo ang umakyat kasama ang mga apostol. Si Isaac ang nangunguna sa kanila ngumingiti. Ang kanyang ngumingiting mukha ay ang manipis na mukha ng isang asetiko. Lahat sila ay nagkumpul-kumpol sa paligid ni Jesus Na bumabati kay Judas Iskariote at lalo na kay Simon Zealot.

«Ibig Ko kayong lahat na nariritong kasama Ko, upang makasama kayong mag-isa para sa kaunting mga oras at makapagsalita Ako sa inyo lamang. Mayroon Akong sasabihin sa inyo upang maihanda kayo sa inyong misyon. Tayo na’t kumain muna at pagkatapos tayo ay magsasalita, at habang kayo ay natutulog ang inyong mga kaluluwa ay kalulugdan ang doktrina.»

Natapos na ang kanilang matipid na hapunan at pagkatapos sila ay pumorma ng isang pabilog sa paligid ni Jesus Na nakaupo sa isang malaking bato. Sila ay mga sandaan ang bilang, baka mahigit pa, sa samahán ng mga disipulo at mga apostol: isang pabilog ng maasikasong mga mukha, na kakaibang nasisikatan ng sinag ng dalawang apoy. Si Jesus ay nagsasalita nang dahan-dahan, nagmumuwestra ang mga kamay nang matahimik. Ang Kanyang mukha ay nagmumukhang mas maputla, katulad nang ito ay lumilitaw mula sa Kanyang madilim na asul na tunika at dahil din sa ang liwanag ng bagong buwan ay sumisikat sa lugar na kinaroroonan Niya, isang maliit na koma ng buwan sa kalawakan, isang sinag ng liwanag na humahaplos sa Guro ng Langit at lupa.

«Ginusto Ko kayong naririto, hiwalay, sapagkat kayo ang Aking mga kaibigan. Tinawag ko kayong magkakasama pagkatapos ng unang pagsubok sa Labindalawa, upang mapalaki ang kabilugan ng Aking mga aktibong disipulo, at upang mapakinggan mula sa inyo ang inyong mga unang reaksiyon sa pagiging ginagabayan kayo ng mga ibibigay Ko sa inyo upang maipagpatuloy ninyo ang Aking gawain. Alam Ko na ang lahat ay maayos na nakaraos. Inalalayan Ko sa pamamagitan ng Aking panalangin ang mga kaluluwa ng mga apostol, na mga lumabas mula sa pagdarasal na pagreretiro na may bagong lakas sa kanilang mga isipan at sa kanilang mga puso. Isang lakas na hindi nanggagaling sa pantaong pagsisikap, bagkus sa ganap na pagsandal sa Diyos.

Ang mga pinaka di-nag-aalala tungkol sa kanilang sarili, ay ang nakapagbigay nang labis. Mahirap na maging di-nag-aalala tungkol sa sarili.

Ang tao ay nabubuo ng mga alaala at ang mga nakapagpapataas nang labis ng kanilang mga tinig ay ang mga alaala ng kanilang sariling kaakuhan. Kailangan na makita ninyo ang kaibahan ng kaakuhan sa kaakuhan. Naririyan ang espirituwal na kaakuhan ng kaluluwa na nakaaalaala sa Diyos at sa pinanggalingan nito sa Diyos, at naririyan ang mas mababang kaakuhan ng laman na naaalaala ang masisimbuyong damdamin nito at ang di-mabilang na mga alalahanin tungkol sa buong sarili nito. Sila ay napakaraming tinig upang mabuo ang isang koro, at maliban na ang espiritu ay napakalakas, napangingibabawan nito ang nag-iisang tinig ng espiritu na nakaaalaala ng kadakilaan nito bilang anak ng Diyos. Kung kaya’t kinakailangan – maliban sa banal na alaalang ito na kailangan na laging binubuhay at pinananatiling berde at maningning – kinakailangan na matutunan na makalimutan ang inyong mga sarili, sa lahat na mga alaala, mga pangangailangan, mga kinatatakutang mga guniguni ng pantaong kaakuhan, upang maging perpektong mga disipulo.

Sa unang pagsubok ng Aking Labindalawa, ang mga nakapagbigay ng labis ay ang mga nakalimot nang labis sa kanilang mga sarili. Nakalimutan nila hindi lamang ang kanilang nakaraan, bagkus pati na rin ang kanilang limitadong personalidad. Sila ang hindi na makaalaala kung ano sila dati, at labis na nakakaisa nila ang Diyos upang wala nang kinatatakutang anuman. Bakit ang iba ay hindi makakilos? Sapagkat naalaala nila ang kanilang kinasanayang mga pag-aatubili, ang kanilang pangkaraniwang mga konsiderasyon at mga maling-akala. Bakit ang iba kakaunti kung magsalita? Sapagkat naalaala nila ang kanilang doktrinal na kawalang-kakayahan at natatakot sila na makagawa ng masamang pigura o magagawan Ako ng masamang pigura. Bakit ang mapagpakitang karangyaan ng iba? Sapagkat naalaala nila ang kanilang pangkaraniwang pagmamalaki, ang kanilang mithiin na magpakitang gilas, ang mapalakpakan, ang makataas kaysa sa iba, upang maging “kung sino”. Panghuli, bakit ang bigla na lamang na paghahayag ng isang mapagtagumpay, mala-pari, mapagkumbinsing katatagan ng mabisang pananalita sa iba? Sapagkat sila, at sila lamang ang nakaalaala sa Diyos. Katulad ng mga magpahanggang sa pagkakataon iyon ay naging mapagpakumbaba at nagsikap na makalampas nang walang nakapupuna at sa tamang pagkakataon, bigla na lamang, napangatawanan nila ang dakilang dignidad na ipinagkaloob sa kanila, na noon ay ayaw nilang ipakita, dahil baka sila mapalabis sa pag-aakala. Ang unang tatlong grupo ay naalaala ang kanilang mas mababang kaakuhan. Ang isa pang grupo, ang pangapat, ay naalaala ang kanilang mas mataas na kaakuhan at hindi natakot. Naramdaman nila na ang Diyos ay kasama nila at nasa loob nila at hindi natakot. O! Banal na kapangahasan na nagmumula sa pagiging kasama ng Diyos!

Kung kaya’t ngayon ay makinig, kapwa kayong mga apostol at mga disipulo. Kayong mga apostol ay napakinggan na ninyo ang kaisipang ito. Subalit ngayon maiintindihan ninyo ito nang mas mabuti. Kayong mga disipulo ay hindi pa kailanman napakinggan ang mga ito o napakinggan lamang ninyo nang pira-piraso. At kailangan na maiukit ninyo ang mga ito sa inyong mga puso. Sapagkat gagawa Ako ng palawak-nang-palawak na paggamit sa inyo, sa dahilan na ang kawan ng Kristo ay parami na nang parami. Sapagkat ang mundo ay aatakihin kayo nang parahas pa nang parahas, at ang mga lobo nito ay lalaki sa bilang laban sa Akin, ang Pastol at laban sa kawan at ibig Kong ilagay sa inyong mga kamay ang mga armas upang maipagsanggalang kapwa ang Doktrina at ang Aking kawan. Kung ano ang sapat na sa kawan ay hindi sasapat para sa inyo, maliliit na pastol. Kung ang mga tupa ay pinababayaan na makagawa ng mga pagkakamali, nanginginain sa mga yerba na nagpapapait sa dugo o nagpapabaliw sa mga mithiin, kayo ay hindi pinahihintulutan na makagawa ng ganyan ding mga pagkakamali, dinadala ang isang malaking kawan sa kasiraan. Sapagkat kailangan ninyong matanto na kung saan may isang idolatrang pastol ang tupa ay kung hindi mamatay sa lason, ito ay lalapain ng mga lobo.

Kayo ang asin ng mundo at ang liwanag ng mundo. Subalit kung kayo ay bumagsak sa inyong misyon kayo ay magiging walang-lasa at walang-pakinabang na asin. Walang makapagbibigay ng lasa sa inyo ulit, sa dahilan na hindi ito sa inyo maibibigay ng Diyos, kung titingnan na ito ay ibinigay sa inyo bilang regalo, at inalis ninyo ang alat nito, sa paghuhugas nito sa matabang na maruming tubig ng sangkatauhan, sa pagpapatamis nito sa pamamagitan ng maruming katamisan ng sensuwalidad, kung gayon hinahaluan ang purong asin ng Diyos ng kabuktutan ng pagmamalaki, kasakiman, katakawan, kahalayan, galit, katamáran, upang may isang butil ng asin na lamang sa pitong ulit ng pitong mga butil ng bawat bisyo. Ang inyong asin, kung gayon, ay bagkus isang halò ng mga bato kung saan ang kaawa-awang butil ng asin na nawala ay hindi na makita, isang halò ng mga bato nag-iingay sa ilalim ng inyong mga ngipin at nag-iiwan sa inyong mga bunganga ng lasa ng lupa, na nagagawa ang pagkain na di-kaibig-ibig at nakakasuya. Ni hindi ito mapakikinabangan para sa mas mababang gamit, sa dahilan na ang lasa ng pitong bisyo ay makasásama din sa bawat pantaong paggamit. Ang asin kung gayon ay makakalat lamang at matatapakan ng walang-ingat na mga paa ng mga tao. Gaano karaming tao ang kung gayon makatatapak nang mabigat sa mga tao ng Diyos! Sapagkat ang mga napiling taong iyon ay pinahihintulutan nila ang mga walang-ingat na mga tao na tapakan sila, sa dahilan na sila ay hindi na ang bagay na magagamit upang makapagbigay ng lasa ng nobleng makalangit na mga bagay, sa dahilan na sila ay walang iba bagkus kabuktutan.

Kayo ay ang liwanag ng mundo. Kayo ay katulad ng tuktok ng bundok na ito na siyang huling hinalikan ng araw at ang unang pinagiging-pilak ng buwan. Ang sinuman na nasa mataas na lugar ay nagniningning at maaaring makita sapagkat kahit na ang pinaka-nananaginip na mata ay patingin-tingin paminsan-minsan sa mataas na mga lugar. Sasabihin Ko na ang pisikal na mata, na sinasabi na siyang salamin ng kaluluwa, ay naipakikita ang pagnanais ng kaluluwa, isang pagnanais na madalas hindi napupuna subalit laging buháy habang ang isang tao ay hindi isang dimonyo, isang pagnanais sa matataas kung saan ang pangangatwiran gawa ng kalikasan ay inilalagay ang Kataastaasan. At sa paghahanap para sa Langit, ang mata paminsan-minsan man lamang sa loob ng pamumuhay ay tinitingnan nito ang matataas.

Nakikiusap Ako sa inyo na alalahanin kung ano ang ginagawa nating lahat, mula sa ating pagkabata, pumapasok sa Herusalem. Saan tumitingin ang ating mga mata. Sa Bundok ng Moriah, mapagtagumpay na kinoronahan ng mga marmol at ginto ng Templo. At saan natin itinitingin ang ating mga mata kapag tayo ay nasa bakuran ng Templo? Tinitingnan natin ang mahalagang mga simboryo na nagniningning sa sikat ng araw. Gaanong kagandahan ang nasa sagradong bakuran, nakakalat sa mga bulwagan nito, sa mga portiko at mga bakuran! Subalit kung ano ang nasa itaas nito nakukuha nito ang paningin ng ating mga mata. Nakikiusap din Ako sa inyo na alalahanin kung ano ang nangyari nang tayo ay nasa ating paglalakad patungo sa ilang lugar. Saan natin ibinabaling ang ating mga mata, na halos makalimutan ang haba ng paglalakbay, ang pagkahapo, ang kapaguran, ang init, ang alikabok ng daan? Ang mga ito ay tinitingnan nito ang mga tuktok ng bundok, kahit na kung ang mga ito ay hindi napakataas, kahit na kung ang mga ito ay napakalayo. At anong kaginhawahan kung makita silang lumitaw kung tayo ay naglalakad sa isang hindi nagbabagong kapatagan! May putik ba sa daan? May kalinisan sa itaas doon. Maalinsangan ba sa kapatagan? Malamig sa itaas doon. Ang tanawin ba rito ay limitado? Ito ay malawak mula sa itaas doon. At tanging sa pagtingin lamang sa mga tuktok ng bundok, hindi natin masyadong nararamdaman ang init ng araw, ang putik ay hindi masyadong madulas, at ang paglalakad ay hindi napakasakit. Kung may isang bayan na nagniningning sa tuktok ng bundok, walang mata na hindi ito hahangaan. Masasabi natin na kahit na ang isang katamtamang lugar ay nagiging maganda, halos katulad ng mahangin na lugar, kung ilalagay sa tuktok ng bundok. Iyan ang dahilan kung bakit sa totoo at sa huwad na mga relihiyon, ang mga templo ay inilalagay, kung posible, sa matataas na lugar, at kung walang burol o bundok, sila ay nagtatayo ng batong pedestal, kung gayon nagtatayo sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng tao ng isang mataas na lugar kung saan maitatayo ang templo. Bakit ito ginagawa? Sapagkat ang mga tao ay ibig na ang templo ay nakikita upang ang tanawin na ito ay makapag-paalaala sa sangkatauhan ng tungkol sa Diyos.

Gayon din naman sinabi Ko sa inyo na kayo ang mga ilaw.  Kapag sa gabi nagsisindi kayo ng lampara sa loob ng bahay, saan ninyo ito inilalagay? Sa loob ng isang butas sa ilalim ng hurno? Sa loob ng kuweba na ginagamit na imbakan? O sinasaraduhan ninyo ito sa loob ng baul? O itinatago ninyo ito sa ilalim ng isang bayong? Hindi, hindi ninyo ito ginagawa. Kung ginagawa ninyo ito walang silbi ang sindihan ito. Ang ilaw sa halip ay inilalagay ninyo sa ibabaw ng isang patungan, o ito ay inilalagay sa ibabaw ng istante ng lampara, upang bilang mataas, mapaliwanagan sana nito ang buong silid at maliwanagan ang mga tao na naninirahan dito. At ito’y ganyan nga dahil ang inilalagay sa mataas na lugar ay upang makapagpaalaala ito sa mga tao ng tungkol sa Diyos at ito’y makapagpaliwanag - kailangang gawin nito ang tungkulin nito.

Kailangan na alalahanin ang Totoong Diyos. Kung gayon kailangan na siguruhin na wala sa loob ninyo ang pitong ibayong paganismo. Kung mayroon, kayo ay magiging di-banal na mga lugar na may mga palumpungang sagrado sa ganito o ganoong diyos, at mahihila ninyo sa inyong paganismo ang mga tumitingala sa inyo bilang mga templo ng Diyos. Kailangan na madala ninyo ang liwanag ng Diyos. Ang isang maruming mitsa, isang mitsa na hindi nabábasa ng langis, ay umuusok at hindi nagbibigay ng liwanag, ito ay may masamang amoy at hindi nakapagpapaliwanag. Ang isang lampara na nakatago sa loob ng isang maruming quartz na kristal ay hindi nakalilikha ng magandang kayumihan o ng nakasisilaw na mga epekto ng liwanag sa maningning na mineral. Bagkus ito ay naglalaho sa likuran ng belo ng maitim na usok na nagagawa ang takip na kristal na lumabo.

Ang liwanag ng Diyos ay nagningning kung saan ang mga kalooban ay masisigasig sa pag-alis araw-araw ng basura na nanggagaling sa pagtatrabaho mismo, sa pakikihalubilo, sa mga reaksiyon at mga kabiguan. Ang liwanag ng Diyos ay nagniningning kung saan ang mitsa ay nakalubog sa maraming langis ng pananalangin at karidad. Ang liwanag ng Diyos ay dumarami sa walang-hangganang bilang ng magagandang repleksiyon, kasing dami katulad ng mga perpeksiyon ng Diyos, na ang bawat isa nito ay pumupukaw sa loob ng santo ng isang birtud na makabayaning naisasabuhay, kung ang lingkod ng Diyos ay nagagawa niyang panatilihin ang di-masasalakay na kristal ng kanyang kaluluwa na malinis sa mga usok ng bawat nagpaparuming mga masisimbuyong damdamin. Ang di-masasalakay na kristal. Di-masasalakay! (Si Jesus ay dumadagundong sa pagwawakas na ito at ang Kanyang tinig ay umuugong sa natural na ampiteatro).

Tanging ang Diyos lamang ang may karapatan na ukitan ang kristal na iyan, upang maisulat ang Kanyang Pinakabanal na Pangalan diyan sa pamamagitan ng diyamante ng Kanyang kalooban. Ang Pangalan na iyan kung gayon ang magiging palamuti na magpapatingkad sa mas maniningning na mga tapyas ng sobrenatural na kagandahan sa pinakapurong kristal. Subalit kung ang tangang lingkod ng Panginoon, nawawalan ng kontrol ng kanyang sarili at ng paningin ng kanyang misyon, na isang ganap at tanging sobrenatural na misyon lamang, pinahihintulutan ang mga huwad na mga palamuti at mga gasgas, sa halip na mga grabado ang maiukit sa kanyang kristal, ibig sabihin, mga misteryoso at mala-dimonyong mga pigura gawa ng mainit na pangalmot ni Satanas, kung gayon ang magandang lampara ay mawawalan na ng di-ginagalaw na kagandahan nito, bagkus ito’y magkakaroon ng lamat at mawawasak at ang mga baha-bahagi ng nawasak na kristal ay iinisin nito ang apoy, at kahit na kung ito ay hindi nawasak, ang salu-salubong na mga lamat ng di-mapagkakamalang uri nito ay mapoporma sa mukha nito at ang agiw ay susuutin ang mga ito at sisirain ang kristal.

Kapahamakan, tatlong beses na kapahamakan, sa mga pastol na nawawalan ng karidad, na umaayaw na umakyat araw-araw upang dalhin pataas ang kanilang mga kawan na umaasa sa kanilang mga pastol na makaakyat upang sila mismo ay makaakyat. Hahampasin Ko sila at aalisin Ko sila sa kanilang mga pusisyon at aalisin Kong sabay-sabay ang kanilang mga usok.

Kapahamakan, tatlong beses na kapahamakan, sa mga guro, na tinitigmak ang Karunungan sa isang siyensiya, na madalas kontra at laging mapagmalaki, kung minsan maladiyablo, sapagkat nagagawa raw sila nito na mga lalaki, samantalang – makinig at tandaan – kung ang bawat tao ay nakatalagang maging katulad ng Diyos, sa pamamagitan ng pagpapabanal na nagagawa ang tao na maging isang anak ng Diyos, ang isang guro, isang pari ay mayroon na sana sa mundong ito ng aspekto ng isang anak ng Diyos, at tanging ang aspekto lamang na iyan. Mayroon na sana siya ng isang aspekto ng isang nilikha na ganap na may debosyon sa mga kaluluwa at sa perpeksiyon. Kailangan na mayroon siya ng aspektong iyan upang madala ang kanyang mga disipulo sa Diyos. Anatema sa mga guro ng isang sobrenatural na doktrina, na nagiging isang idolo ng pantaong kaalaman.

Kapahamakan, pitong beses na kapahamakan, sa Aking mga pari na mga patay sa espiritu, na sa kanilang kakulangan ng lasa at sa masamang pamumuhay ng laman namumuhay bilang miserableng tamad na mga tao. Ang kanilang tulog ay puno ng nakikini-kinitang mga aparisyon ng lahat na mga bagay, maliban sa Diyos Na Isa at sang-tatlo, at puno rin ng lahat na mga kalkulasyon, maliban sa mahigit-pa-sa-tao na mithiin na maparami ang kayamanan ng mga puso at ng Diyos; sila ay nabubuhay sa isang materyal, mamiserableng malungkot na pamumuhay, nahihila sa kanilang patay na tubig ang mga sumusunod sa kanila, naniniwalang sila ay “Buhay”. Ang sumpa ng Diyos sa mga nagpápasamâ sa Aking maliit na minamahal na kawan. Hindi Ako magtatanong kung bakit at hindi Ko parurusahan ang mga namatay sa pamamagitan ng inyong katamaran, O! mapagpabayang mga lingkod ng Panginoon, ngunit tatanungin Ko kayo tungkol sa bawat oras at sa lahat na oras na nawala at tungkol sa lahat na kasamaan na naging resulta at parurusahan Ko kayo.

Tandaan ang mga salitang ito. At ngayon humayo. Ako ay aakyat patungo sa itaas. Makatutulog na kayo. Bukas ang Pastol ay bubuksan ang mga pastulan ng Katotohanan sa Kanyang kawan.»


301110

 

 



Sunod na kabanata