170. Ang Sermon sa Bundok. Ang mga Beatitude (Unang Bahagi).

Mayo 24, 1946.

Si Jesus ay nagsasalita sa mga apostol nagtatalaga ng isang lugar sa bawat isa, upang mapangasiwaan at mabantayan ang pulutong na umaakyat sa bundok mula pa nang kaagahan ng umaga, may kasamang mga maysakit na karga nila o dala sa mga estretser o kinakaladkad ang mga sarili mismo sa tulong ng kanilang mga saklay. Kasama sa mga tao ay naririyan sina Stephen at Hermas.

Ang hangin ay malinis at kung baga maginaw, ngunit ang araw maya-maya ay pinalambot ang sariwang hangin ng bundok, at ang hangin naman ay binawasan nito ang init ng araw, kumukuha ng benepisyo mula sa araw, habang ito ay nagiging dalisay at malamig subalit hindi nangangagat.

Ang mga tao ay nakaupo sa mga batong nakakalat sa maliit na lambak sa pagitan ng dalawang palupo, ngunit ang iba ay naghihintay sa araw na matuyo nito ang mga damo, basa ng hamog, upang sila ay makaupo sa lupa. Nandito ang malaking pulutong mula sa lahat ng distrito ng Palestina at ang mga tao ay mula sa lahat na mga katayuan sa buhay. Ang mga apostol ay nawawala sa karamihan ng tao, subalit katulad ng mga pukyutan na paroo’t parito sa mga parang hanggang sa mga bahay-pukyutan, paminsan-minsan sila ay magtutungo sa Guro upang paalamin Siya, humingi ng payo, at para sa kasiyahan na makita silang malapit sa Kanya.

Si Jesus ay umaakyat pa nang mas mataas kaysa sa parang, na siyang ang pinaka-ibaba ng maliit na lambak, sumasandal sa isang bato at nagsisimula nang magsalita.

«Marami ang nagtanong sa Akin, sa loob ng isang taon ng pagtuturo: “Sinasabi Ninyo na Kayo ang Anak ng Diyos, sabihin Ninyo sa amin kung ano ang Langit, ano ang Kaharian, ano ang Diyos. Sapagkat ang aming mga pagkaunawa ay malabo. Nalalaman namin na mayroong Langit kung saan naroroon ang Diyos at ang mga anghel. Ngunit walang sinuman ang naparito upang sabihin sa amin kung ano ang katulad nito, sapagkat ito ay nakasara na para sa matutuwid na tao lamang”. Nagtanong din sila sa Akin kung ano ang Kaharian at kung ano ang Diyos. At Ako ay nagsikap na ipaliwanag sa inyo kung ano ang Kaharian at kung ano ang Diyos. Ako ay nagsikap hindi dahil mahirap para sa Akin na magbigay ng kapaliwanagan, bagkus mahirap gawa ng napakaraming dahilan laban sa magawa kayong tanggapin ang katotohanan na, kung tungkol sa Kaharian, nakákabangga ang napakaraming idea, na lumitaw sa loob ng maraming siglo at, kung tungkol sa Diyos, nakákabangga ang kadakilaan ng Kanyang Kalikasan.

Ang iba ay nagtanong din sa Akin: “O sige. Iyan ang Kaharian at iyan ang Diyos. Subalit papaano namin makakamtan ang mga ito?” Dito ulit sinikap Kong matiyagang ipaliwanag sa inyo ang totoong espiritu ng Batas ng Sinai. Ang sinuman na sumusunod sa espiritung iyan ay magagapi niya ang Langit. Ngunit upang maipaliwanag ang Batas ng Sinai sa inyo kinakailangan na mapakinggan ninyo ang malakas na kulog ng Tagapagbigay ng Batas at ng Kanyang Propeta, na, habang nangangako ng mga pagpapalà sa mga sumusunod na mga naniniwala, nagbabadya ito ng teribleng mga kaparusahan at mga maldisyon sa mga hindi sumusunod. Ang Epipaniya ng Sinai ay nakakatakot at ang pagka-kakila-kilabot nito ay nasasalamin sa kabuuan ng Batas, at naisalamin sa buong mga siglo at sa lahat na mga kaluluwa.

Subalit ang Diyos ay hindi lamang Lehislador… Ang Diyos ay isang Ama. At isang Ama na may walang-hangganang kabutihan.

Maaaring, … hindi, bagkus tiyak, na ang inyong mga kaluluwa ay wala sa lugar na makataas at mapagnilay-nilayan ang walang-hangganang perpeksiyon ng Diyos, at ang Kanyang kabutihan higit sa lahat, sapagkat ang kabutihan at pagmamahal ay ang bihirang mga birtud sa pagitan ng mga tao. Ang dahilan ay sapagkat ang inyong mga kaluluwa ay napahina ng orihinal na kasalanan, ng masisimbuyong damdamin, ng inyong sariling mga kasalanan, ng inyong sariling pagkamakasarili at ng pagkamakasarili ng ibang mga tao: ang una ay isinasara nito ang inyong mga kaluluwa, ang huli pinatutubigan nito ang mga ito. Ang Kabutihan! Gaano katamis ang maging mabuti, na walang kapootan, walang inggit, walang pagmamalaki! Gaano katamis ang magkaroon ng mga mata na naghahanap lamang ng pagmamahal at mga kamay na umuunat lamang sa pagpapakita ng pagmamahal, at mga labì na bumibigkas lamang ng mga salita ng pagmamahal at isang puso, higit sa lahat isang puso, na puno lamang ng pagmamahal, hinihimok ang mga mata, mga kamay at mga labì patungo sa mga pagkilos ng pagmamahal!

Ang pinaka-may-nalalaman sa inyo ay nalalaman kung anong mga regalo ang ibinigay ng Diyos upang payamanin si Adan, kapwa para sa kanyang sarili at para sa kanyang mga inapo. Ang pinaka-mangmang din sa mga anak ng Israel ay nalalaman na may kaluluwa sa atin. Tanging ang kaawa-awang mga hentil lamang ang hindi nag-aalam tungkol sa makaharing panauhing ito, tungkol sa pinakamahalagang hiningang ito at sa selestiyal na liwanag na nagpapabanal at nagbibigay buhay sa ating katawan. Subalit ang pinaka-may-nalalaman ay alam kung anong mga regalo ang ibinigay sa tao at sa kaluluwa ng tao.

Ang Diyos ay hindi labis na di-mapagbigay sa kaluluwa kaysa sa laman at dugo ng nilikhang Kanyang ginawa sa pamamagitan ng kaunting putik at ng Kanyang hininga. Katulad ng nagbigay Siya ng natural na mga regalo ng kagandahan at integridad, ng katalinuhan at lakas ng kalooban, ng kakayahan na mahalin ang sarili at ang ibang mga tao, nagbigay din Siya ng moral na mga regalo at regalo na mapailaliman ng katwiran ang mga pándamá. Kung kaya’t ang masamang pagkaalipin ng mga pándamá at ng  masisimbuyong damdamin ay hindi nakatagos sa kalayaan at pagpipigil ni Adan at sa kanyang kalooban na iniregalo rin sa kanya ng Diyos, kung gayon malaya siyang umibig, malayang humiling, malayang magsaya sa katarungan, na walang nagpapagawang mga alipin sa inyo, ginagawa kayong maramdaman ninyo ang kagat ng lason na ikinalat ni Satanas na ngayon ay umaapaw, dinadala kayong palabas sa malinaw na ilalim ng ilog patungo sa malusak na mga bukirin at maruruming sanaw, kung saan ang lagnat ng karnal at moral na mga pándamá ay umaalsa. Sapagkat kailangan ninyong malaman na ang kiling din sa pagkakasala ng kaisipan ay sensuwal. At tinanggap nila ang sobrenatural na mga regalo, ibig sabihin, ang Grasyang nagpapabanal, isang makalangit na kapalaran, ang bisyon ng Diyos.

Nagpapabanal na Grasya: ang buhay ng kaluluwa. Ang pinaka-espirituwal na bagay na idineposito sa ating espirituwal na kaluluwa. Ang Grasya na ginagawa tayong mga anak ng Diyos, sapagkat tayo ay pinananatili nitong malayo sa kamatayan gawa ng kasalanan, at siya na hindi patay “ay nabubuhay” sa bahay ng Ama: ang Paraiso; sa Aking Kaharian: ang Langit. Ano ang Grasyang ito na nakapagpapabanal at nagbibigay ng Buhay at Kaharian? O! Walang maraming salita ang kinakailangan! Ang Grasya ay pag-ibig. Ang Grasya kung gayon ay Diyos. Ito ay ang Diyos Na hinahangaan ang Sarili sa nilikhang Kanyang nilikhang perpekto, minamahal ang Sarili, pinagninilay-nilayan ang Sarili, minimithi ang Sarili, ibinibigay sa Sarili kung ano ang Kanyang pag-aari upang paramihin ito, upang kalugdan ang pagdadami, upang mahalin ang Sarili sa maraming iba pa na mga ibang Siya Mismo.

O! Aking mga anak! Huwag ninyong dayain ang Diyos sa Kanyang karapatan na Kanya! Huwag pagkaitan ang Diyos ng kung ano ang Kanyang pag-aari! Huwag biguin ang Diyos sa Kanyang mithiin! Isipin na Siya ay kumikilos dala ng pagmamahal. Kahit na kung kayo ay wala, Siya ay magiging walang-hangganan pa rin, at ang Kanyang kapangyarihan ay hindi mababawasan. Subalit Siya, bagama't Siya ay kumpleto sa Kanyang walang-hangganang di-masusukat na sukat, ay ayaw ng kung ano pa man para sa Kanyang Sarili at sa loob ng Kanyang Sarili – na hindi Niya magagawa, sapagkat Siya ay walang-hangganan na – bagkus para sa Sangnilikha, sa Kanyang mahal. Ibig Niyang paramihin ang Kanyang pag-ibig para sa lahat na nangangatwirang mga nilikha na nasa loob ng Sangnilikha, at kung gayon ibinibigay Niya ang Kanyang Grasya: Pag-ibig, upang sana dalhin ninyo ito sa inyong mga sarili hanggang sa perpeksiyon ng mga santo, at maaari ninyong ibuhos ang kayamanang ito, galing sa kayamanan na ibinigay sa inyo ng Diyos kasama ang Kanyang Grasya at paramihin sa pamamagitan ng lahat na mga banal na mga gawain sa loob ng lahat ng inyong makabayaning mga pamumuhay ng mga santo, patungo sa walang-hangganang Karagatan kung saan naroroon ang Diyos: patungo sa Langit.

Kayo ay dibinong mga ipunan ng Pag-ibig! Iyan ang kung ano kayo, at walang kamatayan ang ibinigay sa inyong pagiging kayo, sapagkat kayo ay eternal, katulad na eternal ang Diyos, bilang katulad kayo ng Diyos. Kayo ay magiging ganito, at hindi magkakaroon ng katapusan sa inyong pagiging kayo, sapagkat kayo ay inmortal katulad ng banal na mga espiritu na lubos na nagpapakain sa inyo, bumabalik sa inyo napayaman sa pamamagitan ng kanilang sariling mga merito. Kayo ay nabubuhay at magpakain, kayo ay nabubuhay at magpayaman, kayo ay nabubuhay at pormahin ang pinakabanal na bagay na siyang ang Kumunyon ng mga espiritu, mula sa Diyos, ang Pinaka-Perpektong Espiritu, hanggang sa huling ipanganak na sanggol, na sususo sa dibdib ng kanyang ina sa unang pagkakataon.

Huwag ninyo Akong pulaan sa loob ng inyong mga puso, o may-nalalamang mga tao! Huwag ninyong sabihin: “Siya ay baliw, Siya ay sinungaling! Sapagkat Siya ay nagsasalitang parang tanga nagsasabing may Grasya sa atin, samantalang ang Kasalanan ay naipagkait sa atin ito. Nagsisinungaling Siya nagsasabing tayo ay kaisa na ng Diyos”. Oo, may pagkakasala at may pagkakahiwalay. Subalit sa harapan ng Tagapagtubos ang Pagkakasala, ang malupit na pagkakahiwalay sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang mga anak, ay guguho katulad ng isang pader na inuga ng isang bagong Samson. Nahahawakan Ko na ito at inuuga Ko na ito at ito ay malapit nang bumagsak at si Satanas ay nangangaligkig sa galit at sa kawalang-magawa, sa dahilan na wala siyang makuhang ipanlalaban sa Aking kapangyarihan at kanyang nalalaman na malaking bilang ng mga biktima ang naaagaw mula sa kanya at pahirap-nang-pahirap ang manghila ng tao sa pagkakasala. Sapagkat kapag nadala Ko na kayo sa Aking Ama, sa pamamagitan Ko, at kayo ay nalinis na at napalakas na ng Aking Dugo at kapighatian, ang Grasya ay babalik sa inyo, buháy at makapangyarihan at kayo ay magiging matagumpay, kung gugustuhin ninyo. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng karahasan sa inyong mga naiisip o sa inyong pagpapakabanal. Kayo ay malaya. Subalit ibinibigay Niya sa inyo muli ang inyong lakas. Ibinibigay Niya sa inyong muli ang inyong kalayaan mula sa imperyo ni Satanas. Nasa sa inyo na kung ibig ninyong mapunta sa inyo ang mala-impiyernong pamatok o ilagay ninyo ang anghelikal na mga pakpak sa inyong mga kaluluwa. Ito ay depende sa inyo, kasama Ako bilang inyong kapatid na gagabay sa inyo at magpapakain sa inyo ng inmortal na pagkain.

Maaaring magtanong kayo: “Papaano natin magagapi ang Diyos at ang Kanyang Kaharian sa pamamagitan ng mas maamong daan sa halip ng mas marahas na daan ng Sinai?” Walang ibang daan bagkus ang isang iyan. Subalit tingnan natin ito hindi sa pananaw na isang pananakot, bagkus sa pananaw na pagmamahal. Huwag nating sabihin: “Kapahamakan sa akin, kung hindi ko ito gawin!” nangangatal sa takot na baka magkasala, na baka hindi magawang huwag magkasala. Subalit sabihin natin: “Gaano ako matutuwa kung gagawin ko iyan!” at na may simbuyo ng isang sobrenatural na lugod, napupuno ng kasayahan, magmadali tayo patungo sa mga beatitude, hatid ng pagsunod sa Batas, katulad ng mga rosas na lumilitaw mula sa isang matinik na palumpong.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay dukha sa espiritu, sapagkat mapapasa-akin ang Kaharian ng Langit!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay magiliw sapagkat mapapasa-akin ang lupa bilang aking mana!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay magluluksa nang walang pagrerebelde, sapagkat ako ay pagiginhawahan!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay nagugutom at nauuhaw para sa hustisya kaysa ganito ako para sa tinapay at alak upang mabusog ang laman, sapagkat ang hustisya ay bubusugin ako!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay maawain, sapagkat ang dibinong awa ay ipakikita sa akin!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay dalisay sa puso, sapagkat ang Diyos ay yuyukuan ang aking dalisay na puso at makikita ko Siya!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay payapa sa espiritu, sapagkat ang Diyos ay tatawagin akong Kanyang anak, sapagkat ang pag-ibig ay nasa kapayapaan at ang Diyos ay Pag-ibig na minamahal ang sinuman na nakakatulad Niya!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay inuusig sa pakay ng katuwiran, sapagkat ang Diyos, ang aking Ama, sa pagbibigay ng gantimpala sa akin para sa aking panlupang mga pag-uusig, ay ibibigay sa akin ang Kaharian ng Langit!

Gaano ako magiging masaya kung ako ay inaabuso at inaakusahan nang walang katotohanan dahil sa pagiging anak Ninyo, o Diyos! Hindi ako dapat malungkot bagkus magsaya, sa dahilan na magiging kapantay ko ang Inyong magagaling na mga lingkod, ang mga Propeta, na mga inusig sa gayon ding dahilan at makakasáma ko sa matatag na paniniwala na makakabahagi din ako sa dakilang eternal na gantimpala sa Langit, na siyang akin!”

Ating tingnan nang ganyan ang daan ng kaligtasan: sa pamamagitan ng lugod ng mga santo.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay dukha sa espiritu”.

O! mala-dimonyong pagkauhaw sa kayamanan, sa anong kahibangan mo dinala kapwa ang mayayaman at mahihirap! Ang mayayaman na nabubuhay para sa kanilang ginto: ang masamang sikát na diyos ng kanilang mga espiritu. Ang mahihirap na nabubuhay kinapopootan ang mayayaman dahil sa kanilang ginto, at kahit na kung hindi nila sila pinapatay nang pisikal, isinusumpa nila sila hinihiling ang lahat na uri ng kasamaan. Hindi sapat na hindi gumawa ng masama, ang isa ay kailangan na huwag ni mithiin na gawin ito. Siya na nanunumpa nagmimithi ng mga kalamidad at kamatayan ay katulad-na-katulad ng isang taong pisikal na pumapatay, sapagkat hinihiling niya ang kamatayan ng taong kanyang kinapopootan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang ganyang hiling ay katulad ng aksiyon na pinipigil, katulad iyan ng isang binhi na dala-dala sa isang sinapupunan at pinoporma, subalit hindi pa nailalabas.  Ang isang masamang mithiin ay nakapagpapasamà at nakapaninira sa tao, sapagkat ito ay tumatagal nang mas matagal kaysa sa isang marahas na aksiyon at mas grabe pa kaysa sa aksiyon mismo.

Kung ang isang mayaman na tao ay dukha sa espiritu siya ay hindi nagkakasala dahil sa kanyang kayamanan bagkus nagagawa niya ang kanyang ginto na maging nakapagpapabanal, sapagkat nagagawa niya ito na maging pagmamahal. Minamahal at pinagpalà, katulad niya ang isang bukal na nakapagliligtas ng mga manlalakbay sa isang disyerto, sa dahilan na siya ay lubos na mapagbigay, walang kasakiman sa pera, natutuwa na siya ay nakapagbibigay ng kaginhawahan sa mga mahihirap na sitwasyon. Kung siya man ay mahirap, siya ay masaya sa kanyang karukhaan at kumakain ng kanyang tinapay na pinatamisan ng lugod ng pagiging malaya sa pagkauhaw sa ginto, siya ay natutulog nang malaya sa masasamang panaginip at bumabangon nang maayos na nakapagpahinga para sa kanyang mapayapang pagtatrabaho, na laging magaan kapag ginagawa nang walang kasakiman o inggit.

Ang nakapagpapayamang materyal sa tao ay ginto, ang nakapagpapayamang moral sa kanya ay ang kanyang mga damdamin. Ang ginto ay hindi lamang pera bagkus mga bahay din, mga bukirin, mga alahas, mga kagamitang-bahay, mga kawan, lahat, sa ibang pananalita, ang nakapagpaparangya sa pamumuhay sa materyal na pananaw. Sa mga damdamin ay kabilang ang: pagkakatali gawa ng dugo o kasal, pagkakaibigan, katalinuhang kalusugan, pampublikong mga tanggapan. Ayon sa inyong nakikita, kung sa unang grupo ang isang mahirap na tao ay nakapagsasabi tungkol sa ikalawang grupo: “O! sa ganang akin, maliban na hindi ko kinaiinggitan ang mga mayayaman, walang anuman sa akin kung ako ay mahirap, at kung gayon mananahimik na ako sa kapalarang ito” ang isang mahirap din ay kailangan na mag-ingat, sapagkat kahit na ang pinakamahirap na tao ay maaaring maging mayamang makasalanan sa espiritu. Ang labis na nakakabit sa isang bagay, ay nakagagawa ng kasalanan.

Maaari ninyong sabihin: “Kami ba kung gayon ay kailangan na kapootan ang kasaganaan na ipinagkaloob sa amin ng Diyos? Bakit kung gayon inuutos Niya sa amin na mahalin ang aming mga ama, mga ina, mga asawa, mga anak at nagsasabing: ‘Mamahalin mo ang iyong kapwa katulad na siya ay ikaw mismo?’”. Kailangan na alamin ninyo ang pagkakaiba. Kailangan na mahalin natin ang ating mga ama, mga ina, mga asawa at ating mga kapwa, ngunit ayon sa antas na sinabi ng Diyos: “Katulad na sila ay tayo rin mismo”. Samantalang ang Diyos ay kailangan na mahalin higit pa sa lahat at sa pamamagitan ng ating buong sarili. Kailangan na huwag natin mahalin ang Diyos katulad ng ating pagmamahal sa pinakamahal na mga tao sa pagitan ng ating mga kapwa: sa dahilan lamang na ang isang babae ay ang nagpasuso sa atin o natutulog sa ibabaw ng ating dibdib at siyang nanganganak sa ating mga anak para sa atin, ngunit kailangan na mahalin natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating buong sarili, ibig sabihin, sa pamamagitan ng lahat na abilidad na makapagmahál na nasa tao: ang pagmamahal ng isang anak, ng isang asawa, ng isang kaibigan at – huwag maiskandalo –  pagmamahal ng isang ama. Oo, kailangan na mayroon tayo para sa mga interes ng Diyos ng gayon ding pangangalaga na mayroon ang isang ama para sa kanyang mga anak, para kung kanino may-pagmamahal niyang pinoprotektahan ang kanyang kayamanan at pinararami ito, at kanyang pinangangalagaan at kinababagabagan ang para sa kanilang pisikal na pag-unlad at intelektuwal na edukasyon at ang para sa kanilang pananagumpay sa mundo.

Ang pagmamahal ay hindi isang masamang bagay at kailangan na hindi maging masama. Ang mga grasya, na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos, ay hindi masama at kailangan na hindi maging masama. Ang mga ito ay pagmamahal, ipinagkaloob dala ng pagmamahal. Kailangan nating gamitin nang may-pagmamahal ang ganyang kayamanang ipinagkaloob sa atin ng Diyos sa personal na mga paggiliw at sa makamundong mga kasangkapan. At tanging siya lamang na hindi gumagawa ng isang diyos mula sa ganyang kayamanan bagkus ginagamit ito na makapaglingkod sa Diyos sa kabanalan, ang nagpapakita na wala siyang makasalanang pagkakakabit dito. Ang isa kung gayon ay naisasabuhay ang banal na karukhaan sa espiritu na pinagkakaitan ang sarili ng lahat upang maging mas malaya na magapi ang Diyos: ibig sabihin ang mapasakanya ang Kaharian ng Langit.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay magiliw”.

Ito ay tila naiiba sa mga katotohanan ng pang-araw-araw na pamumuhay. Ang hindi mga mapagpakumbaba ay tila ang siyang nangingibabaw at nananagumpay sa loob ng kanilang mga pamilya, mga bayan at mga bansa. Subalit ang kanila ba ay tunay na tagumpay? Hindi, hindi ito tunay. Takot ang nagpapanatiling tila napanghahawakan ang mga napangingibabawan ng despota, ngunit sa katotohanan ito ay walang iba bagkus isang belo na nagtatakip sa pagrerebeldeng nabubuo laban sa tirano. Ang magagalitin at mapaghari-harian na mga tao ay hindi nila nakukuha ang pagmamahal ng kanilang mga kamag-anak, ng kanilang sariling mga mamamayan o ng kanilang mga nasasakupan. Ni hindi rin ang mga kaisipan o mga kaluluwa nakukumbinsing sundan nila ang mga doktrina ng mga panginoon na ipinipilit ang mga sarili sa pagsasabing: “Iyan ang sinabi ko, kung kaya’t iyan ‘yan”. Ang ganyang mga panginoon ay nakapaglilikha lamang ng mga taong natututong mag-isa na makita ang susi sa nakasarang mga pintuan ng isang karunungan o  siyensiya na sa kanilang palagay ay ang kanilang hinahanap, subalit sa katunayan ito ay ang kasalungat ng kung ano ang ipinipilit sa kanila.

Ang mga pari na hindi nagsisikap na makagapi ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng matiyaga, mapagpakumbaba at mapagmahal na kabaitan, ay hindi makakakuha ng kahit na anumang kaluluwa para sa Diyos, ngunit katulad nila ang mga armadong mandirigma na nagpasimula ng mainit na pag-atake, ganyan ang kanilang di-mapagparayang pagmamadali sa mga kaluluwa… O! kaawa-awang mga kaluluwa. Kung sila ay mga banal hindi sila mangangailangan sa inyo, o mga pari, upang marating nila ang Liwanag. Napasa-kanilang sarili na sana ito. Kung sila ay mga makatarungan, hindi nila kayo kakailanganin, o mga hukom, upang magpailalim sila sa hustisya, dahil nasa loob na sana nila ang katarungan. Kung sila ay malulusog, hindi sila mangangailangan ng isang doktor. Maging magiliw kung gayon. Huwag gawing lumayas ang mga kaluluwa. Amuin sila sa pamamagitan ng pagmamahal. Sapagkat ang pagpapakumbaba ay pagmamahal, katulad ng ang karukhaan sa espiritu ay pagmamahal.

Kung kayo ay ganyan mapapasainyo ang Lupa bilang inyong mana at madadala ninyo ang lugar na ito sa Diyos, bagama't noon ito ay pag-aari ni Satanas, sapagkat ang inyong pagpapakababa, na bukod sa isang pagmamahal ay kababaang-loob din, ay mapangingibabawan nito ang Kapootan at Pagmamalaki, pinalalayas sa mga kaluluwa ang imbing hari ng kapootan at pagmamalaki, at ang mundo ay mapapasainyo, ibig sabihin sa Diyos, sapagkat kayo ay ang magiging mga makatarungang kaluluwa na kikilala sa Diyos bilang ang Absulutong Panginoon ng sangnilikha, kung Kanino ang mga papuri at mga pagpapalà ay napupunta at ang lahat na iba pang mga bagay na pag-aari Niya.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay nagluluksa nang walang pagrerebelde”.

Ang kapighatian ay nasa lupa at ang kapighatian ay pinipiga ang mga luha mula sa mga tao. Ang kapighatian ay wala noon ngunit ang tao ay dinala ito sa lupa at dahil sa kanyang sumamáng katalinuhan patuloy siyang nagsisikap na madagdagan ito sa pamamagitan ng bawat posibleng pamamaraan. Bukod sa mga sakit at mga kalamidad na nagmumula sa mga kidlat, mga bagyo, mga pagguho, mga lindol, ang tao, upang maghirap at higit sa lahat gawin ang ibang tao na maghirap – sapagkat ibig lamang natin na ang ibang tao ang maghirap, at hindi ang ating sarili, mga epekto ng mga pamamaraan na pinag-aralan upang magawang maghirap ang mga tao – ang tao ay nag-iimbento ng nakamamatay na mga armas, na mas lalo pang nakapangingilabot at mga paghihirap ng moral, na mas lalo pang nagiging papanakaw. Gaano karaming mga luha ang pinipiga ng tao mula sa kanyang kapwa tao sa pamamagitan ng pamimilit ng kanyang lihim na hari: si Satanas! At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga luhang iyon ay hindi isang pagpapahina, bagkus isang pagpapakaperpekto ng tao.

Ang tao ay isang bata na wala sa sariling kaisipan, isang walang-pag-iisip na pakitang-tao  na bata, isang ipinanganak na paurong na bata, hanggang sa ang mga luha ay magawa siyang isang adulto, maalalahanin, matalinong tao. Tanging ang mga umiiyak o mga umiyak lamang, ang nakaaalam kung papaano umibig at makaintindi. Alam nila kung papaano nila mamahalin ang kanilang umiyak na mga kapatid, papaano uunawain ang kanilang pagdadalamhati, papaano sila matutulungan sa pamamagitan ng kanilang kabutihan, na lubos na nakaaalam kung gaano kapait ang umiyak nang nag-iisa. At nalalaman nila kung papaano mahalin ang Diyos, sapagkat naunawaan na nila na ang lahat ay kapighatian maliban sa Diyos, sapagkat naintindihan na nila na ang kapighatian ay napagiginhawahan kung ang mga luha ay iniluluha sa puso ng Diyos at naintindihan na rin nila na ang may-pagtanggap na mga luha, na hindi nagpapawala ng pananampalataya o ang panalangin nagiging baog at kinasusuklaman nito ang pagrerebelde, ang may-pagtanggap na mga luhang ganyan ay nagpapabago sa kalikasan at sa halip na kapighatian ang mga luha ay nagiging kaginhawahan.

Oo. Ang mga umiiyak na nagmamahal sa Panginoon ay mapagiginhawahan.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay nagugutom at nauuhaw sa para sa katarungan”.

Mula pa sa sandali na siya ay ipinanganak hanggang sa sandali na siya ay mamamatay, ang tao ay nagtatakaw nang labis sa pagkain. Ibinubuka niya ang kanyang bunganga sa kanyang kapanganakan upang makuha ang utong ng kanyang ina, ibinubuka niya ang kanyang mga labì upang lumunok ng ilang pampalamig sa paghihingalo sa kanyang kamatayan. Siya ay nagtatrabaho upang mapakain ang sarili. Ginagawa niyang isang dambuhalang utong ang mundo mula kung saan siya sumisipsip nang may katakawan ng kung ano ang maglalaho. Ngunit ano ang tao? Isang hayop? Hindi, siya ay isang anak ng Diyos. Siya ay nasa pagkakapatapon sa loob ng kaunti o maraming mga taon. Ngunit ang kanyang buhay ay hindi matatapos kung siya’y magpapalit ng tirahan.

May buhay sa buhay katulad na may ubod sa loob ng pili. Ang balat ay hindi ang pili, bagkus ang ubod na nasa loob ng balat ang pili. Kapag itinanim mo ang balat walang lilitaw mula rito, subalit kung itinanim mo ang balat kasama ang ubod sa loob nito, isang malaking punungkahoy ay tutubo. Ganyan din naman ang tungkol sa tao. Hindi ang laman ang nagiging inmortal, bagkus ang kanyang kaluluwa.  At ito ay kailangan na pinakakain upang madala ito sa inmortalidad, patungo kung saan ang kaluluwa, dala ng pagmamahal, ay dadalhin nito ang katawan sa pinagpalang pagkabuhay-muli. Ang Karunungan at Katarungan ay ang pagkain ng kaluluwa. Ito ay kinakain bilang pagkain at bilang inumin at ang mga ito ay nakapagpapalakas at habang kumakain at umiinom ang isa ng mga ito, mas lalong lalago ang banal pagtatakaw na ariin ang Karunungan at alamin ang Katarungan. Ngunit ang araw ay darating kung saan ang banal na pagtatakaw ng kaluluwa ay pupunuan. Ito ay darating. Ibibigay ng Diyos ang Kanyang Sarili sa Kanyang Anak, at pasususuhin siya at ang anak na nakatalagang mapunta sa Paraiso ay bubusugin kasama ang kahanga-hangang Ina Na siya nga ang Diyos Mismo, at ang tao ay hindi na muli magugutom pa bagkus magpapahingang masaya sa dibinong sinapupunan ng Diyos. Walang pantaong siyensiya ang katumbas ng dibinong siyensiyang ito. Ang pag-uusisa ng isip ay mabibigyan ng kasiyahan, subalit ang mga pangangailangan ng espiritu ay hindi. Hindi, ang espiritu ay nasusuklam ng kaibahan sa lasa at ngingibit ang bunganga sa mapait na utong, mas gugustuhin pa ang maghirap sa gutom, kaysa mabusog ng pagkain na hindi nanggagaling sa Diyos.

Huwag matakot, o mga tao na nauuhaw o nagugutom para sa Diyos! Maging matapat at kayo ay bubusugin Niya Na nagmamahal sa inyo.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay maawain”.

Sino sa mga tao ang makapagsasabi: “Hindi ko kailangan ng awa”? Wala. Ngayon, kung sa lumang Batas nakasulat: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin”, bakit hindi natin sabihin sa Bagong Batas: “Ang sinuman na naging maawain ay makatatagpo ng awa”? Ang lahat ay nangangailangan ng awa.

Bueno, kung gayon: ang kapatawaran ay hindi nakakamtan sa pamamagitan ng mga pormularyo o porma ng isang ritwal, na mga panlabas na simbolo na ipinagkaloob sa mapurol na kaisipan ng tao, sa halip ito ay nakakamtan sa pamamagitan ng panloob na ritwal ng pagmamahal na isa pa ring awa. Kung ang pagsasakripisyo ng isang kambing o isang tupa at ang pag-aalay ng ilang mga barya ay ipinanuto, ito ay dahil ang bawat kasamaan ay nakabase sa dalawang ugat: kasakiman at pagmamalaki. Ang kasakiman ay pinarurusahan sa pamamagitan ng paggasta para sa bibilhin na alay, ang pagmamalaki sa pamamagitan ng bukas na pangungumpisal sa ritwal: “Ginagawa ko ang sakripisyong ito sapagkat ako ay nagkasala”. Ito ay ginagawa rin upang pangunahan ang mga panahon at ang mga tanda ng mga panahon, at sa dugo na pinadadaloy nasisimbolo nito ang Dugo na padadaluyin upang makansela ang mga kasalanan ng mga tao.

pinagpalà kung gayon ang mga maawain sa mga nagugutom, hubad, walang matirhan, sa mga naghihirap sa pinakamatinding kahirapan, na siyang ang magkaroon ng masamang disposisyon, sa dahilan na ito ay nakapamimighati kapwa sa mga dumaranas nito at sa mga namumuhay sa kapaligiran ng mga dumaranas nito. Maging maawain. Magpatawad, tiisin ang mga tao, tulungan sila, turuan sila, suportahan sila. Huwag ninyong itago ang inyong sarili sa loob ng kristal na tore nagsasabing: “Ako ay puro at hindi ako bababa sa mga makasalanan”. Alalahanin na ang inyong pagiging mayaman, ang inyong kalusugan, ang kayamanan ng inyong pamilya ay maaaring mawalang mas mabilis pa kaysa sa usok na hinihipan ng malakas na hangin. At tandaan na ang kristal ay umaaktong isang lente at dahil dito anuman ang tila hindi napupuna kung kahalo kayo ng pulutong, ay hindi maitatago kung ilalagay ninyo ang inyong mga sarili sa loob ng kristal na tore kung saan kayo ay nag-iisa, nakahiwalay at naliliwanagan sa lahat na tabi.

Ang awa ay kinakailangan upang makapag-alay ng patuloy, lihim, banal na sakripisyo ng pagbabayad-kasalanan at upang makakuha ng awa.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay dalisay sa puso”.

Ang Diyos ay kadalisayan. Ang Paraiso ay ang Kaharian ng Kadalisayan. Walang di-dalisay ang makapapasok sa Paraiso kung saan naroroon ang Diyos. Kung gayon, kung kayo ay di-dalisay, hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Diyos. O! Ngunit anong lugod ang ipinagkakaloob ng Ama sa Kanyang mga anak bago pa man! Sinuman ang dalisay ay mayroon sa mundong ito ng pauna sa Langit sapagkat ang Diyos ay niyuyukuan ang isang dalisay na kaluluwa at ang tao sa lupa ay makikita ang kanyang Diyos. Siya ay hindi sanay sa lasa ng pantaong pagmamahal, bagkus kinasisiyahan ang lasa ng dibinong pagmamahal, hanggang sa punto ng pakikipagtalik sa lubos na kasiyahan, at makapagsasabi: “Ako ay kasama Ninyo at Kayo ay nasa akin, kung gayon tinataglay ko Kayo at nakikilala ko Kayo bilang ang pinakamapagmahal na esposo ng aking kaluluwa”. At maniwala kayo sa Akin, ang sinuman na nasa kanya ang Diyos ay tumatamasa ng malaking pagbabago, na siya mismo ay hindi nagmamalay nito, at kung gayon nagiging banal, marunong, malakas; ang mga salita ay pinagaganda nito ang kanyang mga labì at ang kanyang mga kilos ay nagkakaroon ng isang lakas na hindi galing sa nilikha, bagkus galing sa Diyos Na namumuhay sa loob nito.

Ano ang pamumuhay ng mga nakakakita sa Diyos? Isang beatitude. At ibig ba ninyong pagkaitan ang inyong mga sarili ng ganyang regalo para sa mabantot na mga karumihan?

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay payapa sa espiritu”.

Ang Kapayapaan ay isa sa mga pagkakakilanlan sa Diyos. Ang Diyos ay matatagpuan lamang sa kapayapaan. Sapagkat ang kapayapaan ay pag-ibig, samantalang ang digmaan ay kapootan. Si Satanas ay kapootan. Ang Diyos ay kapayapaan. Walang tao na makapagsasabi na siya ay anak ng Diyos, ni ang Diyos ay hindi Niya matatawag na anak ang isang tao na may magagalitin na kaluluwa laging nakahandang gumawa ng bagyo. Hindi lamang iyan. Ni hindi matatawag na anak ng Diyos ang isa, na bagama't hindi mahilig manggulo mismo, sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapayapaan ay hindi tumutulong na mapakalma ang bagyong nililikha ng ibang tao. Ang sinuman na mapayapa ay nagpapanatili ng kapayapaan din kahit walang binibigkas na anumang salita. Panginoon ng kanyang sarili at, mangangahas Akong sabihin, panginoon ng Diyos, ibinubunyag niya Siya katulad ng isang lampara na nagkakalat ng liwanag, katulad ng isang insensaryo na nagkakalat ng pabango, katulad ng isang katad na sisidlan na humahawak sa alak, at ang matamis na langis na ito, na siyang ang espiritu ng kapayapaan nagmumula sa mga anak ng Diyos, ay nagbibigay ng liwanag sa maulap na kalungkutan ng masasamang pakiramdam, at pinadadalisay nito ang hangin mula sa singaw ng malisya at pinakakalma nito ang nananalantang mga alon ng mga pag-aaway.

Hayaan na masabi ng Diyos at ng mga tao na kayo ay ganyan.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay inuusig sa pakay ng katuwiran”.

Ang tao ay naging parang dimonyo kung kaya’t kinapopootan niya ang kabutihan saan man ito naroroon, at kanyang kinapopootan ang sinuman na mabuti, na tila ang mabuti, kahit na kung nananahimik, ay inaakusahan at kinagagalitan. Sa katotohanan ang kabutihan ng isang tao ay nagagawa ang kasamaan ng masamang tao na lumitaw na mas lalo pang masama… Sa katotohanan ang pananampalataya ng isang totoong naniniwala ay nagagawa ang pagkukunwari ng mapagkunwari na lumitaw nang mas maliwanag pa. Sa katotohanan, siya na sa pamamagitan ng kanyang pamamaraan ng pamumuhay patuloy na nagbibigay saksi sa katarungan ay bagkus kapopootan ng di-makatarungan. At pagkatapos ang di-makatarungan ay walang awa sa mga tagapagmahal ng katarungan.

Ganyan din dito katulad ng sa mga digmaan. Ang tao ay mas nakagagawa ng pag-unlad sa maladimonyong sining ng pang-uusig kaysa sa banal na sining ng pagmamahal. Subalit kanya mauusig lamang kung ano ang may maikling buhay. Kung ano ang eternal sa tao ay naka-iiwas sa patibong na ito, hindi, nakakakuha ito ng isang mas masiglang buhay kaysa nakakakuha ang pag-uusig mismo. Ang buhay ay nakalalabas sa pamamagitan ng dumurugong mga sugat o dahil sa mga kadahupan na umuubos sa mga inuusig. Subalit ang dugo ay gumagawa ng purpura ng isang hari sa hinaharap at ang mga kadahupan ay ang kasing daming baytang upang maakyat ang mga trono na inihanda ng Ama para sa Kanyang mga martir, para kung kanino nakareserba ang makaharing mga upuan sa Kaharian ng Langit.

“Gaano ako magiging masaya kung ako ay inaakusahan at inaabuso nang walang katotohanan”.

Magsikap na ang inyong mga pangalan ay maisulat sa selestiyal na mga aklat, kung saan ang mga pangalan ay hindi isinusulat ayon sa pantaong kasinungalingan, na nasanay na papurihan ang mas di-karapat-dapat sa papuri, kung saan, sa halip, isinusulat na may hustisya at pag-ibig ang mga ginagawa ng mabubuting tao upang maibigay sa kanila ang gantimpalang ipinangako sa mga pinagpalà ng Diyos.

Nang nakaraan, ang mga Propeta ay siniraan ng puri at inabuso. Ngunit kapag ang mga tarangkahan ng Langit ay mabuksan, papasukin nila ang Siyudad ng Diyos, katulad ng mga mapangibabaw na hari, at ang mga anghel ay yuyuko umaawit dala ng tuwa. Kayo, rin, na mga inabuso at inakusahan nang mali dahil sa pagiging mga anak ng Diyos, ay magkakaroon ng makalangit na tagumpay at kapag ang panahon ay dumating na sa katapusan nito at ang Paraiso ay puno na, diyan ang bawat luha ninyo magiging mahal sa inyo, sapagkat sa pamamagitan nito nagapi ninyo ang eternal na kaluwalhatian, na ipinangangako Ko sa inyo sa ngalan ng Ama.

Humayo. Magsasalita ulit Ako sa inyo bukas. Tanging ang mga maysakit lamang ang mananatili upang sana mapagaanan Ko sila sa kanilang mga pagsasakit. Ang kapayapaan ay sumainyo at harinawang ang pagninilay-nilay tungkol sa kaligtasan ay madala kayo, sa pamamagitan ng pagmamahal, sa daan na ang dulo nito ay ang Langit.»

301110




Sunod na kabanata