171. Ang Sermon sa Bundok. Ang mga Beatitude (Ikalawang Bahagi).

May 25, 1945.

Ito ay ang dating lugar at ang dating oras. Mas malaki ang pulutong ngayon. Sa isang sulok, malapit sa landas, ay may isang Romano, na tila nananabik na makapakinig ngunit ayaw na makaistorbo sa pulutong. Nakikilala ko siya sa pamamagitan ng kanyang maikling tunika at sa kaibahan ng istilo ng kanyang manta. Sina Stephen at Hermas ay naririto pa rin.

Si Jesus ay naglakad nang unti-unti sa Kanyang lugar at nagsimulang magsalita.

«Kung ano ang Aking sinabi sa inyo kahapon ay huwag sana kayong magawa nitong mag-isip na Ako ay pumarito upang alisin ang Batas. Hindi. Ngunit sa dahilan na Ako ay ang Tao, at naiintindihan Ko ang kahinaan ng tao, ibig Kong hikayatin kayo na sundin ito, ibinabaling ang inyong espirituwal na mga mata hindi sa madilim na kalaliman, bagkus sa maningning na Kataasan. Sapagkat kung ang takot ay mapipigilan kayo ng tatlong beses sa sampu, ang katiyakan ng gantimpala ay maitutulak kayo nang pitong beses sa sampu. Ang tiwala ay kung gayon mas epektibo kaysa sa takot. At ibig Ko na kayo ay maging ganap at matatag na nagtitiwala, upang ang magagawa ninyo ay hindi pitong bahagi ng kabutihan sa sampu, bagkus sampu sa sampu at kung gayon kamtin ang pinakabanal na gantimpala ng Langit.

Hindi Ko babaguhin ni munting tuldok ng Batas. At sino ang nagbigay nito kasama ang mga pagkulog sa Sinai? Ang Kataastaasan. Sino ang Kataastaasan? Ang Diyos Na Isa at sang-tatlo. Saan niya kinuha ito? Mula sa Kanyang Kaisipan. Papaano Niya ibinigay ito? Sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Bakit Niya ibinigay ito? Dala ng Kanyang pagmamahal. Makikita ninyo kung gayon na ang Trinidad ay naroroon. At ang Salita Na masunurin kahit kailan sa Kaisipan at sa Pagmamahal, ay nagsalita sa katauhan ng Kaisipan at ng Pagmamahal. Makapagsisinungaling ba Ako? Hindi, hindi Ako makapagsísinungaling.

Ngunit dahil magagawa Ko ang lahat, makukumpleto Ko ang Batas, gawin itong makalangit na kumpleto, hindi sa kung ano ang ginawa ng mga tao sa buong nakaraang mga siglo, dahil hindi nila ito kinumpleto, bagkus ginawa nila itong di-maintindihan at imposibleng masunod. Sa katotohanan nagpatong sila ng mga alituntunin at mga batas galing sa kanilang sariling mga kaisipan, ayon sa kanilang sariling kikitain, at sa gayon kanilang pinilay at sinakal, inisterilisa at inilibing ang pinakabanal na Batas na ibinigay ng Diyos.

Makapananatili bang buhay ang isang punungkahoy kung ito ay patuloy na hinahampas ng mga pagguho, ng mga eskombro at ng mga pagbaha? Hindi. Ito ay mamamatay. Ang Batas ay namamatay sa loob ng maraming puso, sinasakal ng mga pagdagsa ng napakaraming mga estruktura sa ibabaw. Naparito Ako upang alisin ang lahat na ito, at pagkatapos na mahukay at mapanumbalik ang Batas, gagawin Ko itong hindi na batas, bagkus isang reyna.

Ang mga reyna ay nagpoproklama ng mga batas. Ang mga batas ay ang gawain ng mga reyna, subalit hindi ito mas mataas sa mga reyna. Ako sa halip ay ginagawa Kong isang reyna ang Batas: kinukumpleto Ko ito, kinukoronahan Ko ito, inilalagay sa ulo nito ang girnalda ng ebanghelikal na mga tagapayo. Dati ito ay isang kaayusan. Ngayon ito ay higit pa sa kaayusan. Dati ito ay ang kinakailangang bagay. Ngayon ito ay higit pa sa kinakailangang bagay: ngayon ito ay perpeksiyon. Ang sinuman na magpapakasal dito, dahil ipinipresenta Ko ito sa inyo ngayon, ay kaagad magiging isang hari, sapagkat narating niya ang “perpeksiyon”, sapagkat hindi lamang siya naging masunurin, bagkus makabayani din, ibig sabihin, banal, dahil ang kabanalan ay ang suma-total ng mga birtud na dinala sa pinakamaaabot na kataasan sa pamamagitan ng ganap na pagtikal sa bawat pantaong mithiin at alalahanin.

Masasabi Ko na siya ay isang santo, na gawa ng pagmamahal at mithiin napigilan siyang makita niya ang lahat bagkus ang Diyos. Sa dahilan na ang kanyang atensiyon ay hindi naiistorbo ng mas mabababang tanawin, ang kanyang mga mata at puso ay nakapako sa Kataastaasang Banal na Kaningningan, na siyang ang Diyos at sa loob kung saan, sa dahilan na ang lahat ay nasa Diyos, nakikita niya ang kanyang mga nahihirapang kapatid nakaunat ang mga kamay sa paghingi ng tulong. Laban sa laman, laban sa kayamanan, laban sa mga kaginhawahan, pilit niyang inaabot ang kanyang gustong maabot: ang makapaglingkod. Ang isang santo ba ay mahirap o lumpo? Hindi. Nagtagumpay siyang maabot niya ang tunay na karunungan at kayamanan. Kung gayon tinataglay niya ang lahat. At siya ay kailanman hindi napapagod sapagkat habang totoo na siya ay laging aktibo, totoo din na siya ay patuloy na pinakakain. At habang naiintindihan niya ang mga kapighatian ng mundo, nanginginain siya sa mga kasiyahan ng Langit. Siya ay pinakakain ng Diyos at nasisiyahan sa Diyos. Siya ay isang nilikha na nakaintindi sa ibig sabihin ng buhay.

Ayon sa nakikita ninyo hindi Ko binabago o binabawasan ang Batas, ni hindi Ko ito sinisira sa pagpapatong ng mga makapagpapagulong mga teoriya. Kinukumpleto Ko ito. Ang Batas ay kung ano ito at magiging ganito hanggang sa huling araw: ni isang salita ay hindi babaguhin, ni isang alituntunin ay hindi aalisin. Ito ay kinoronahan ng perpeksiyon. Upang marating ang kaligtasan sapat na na tanggapin ito katulad nang ito ay ibinigay. Upang kamtin kaagad ang pakikiisa sa Diyos kinakailangan na isabuhay ito ayon sa Aking ipinapayo. Subalit sa dahilan na ang mga bayani ay ang mga liban, Ako ay magsasalita sa pangkaraniwang mga kaluluwa, sa masa ng mga kaluluwa, upang wala sanang magsabi na ginawa Kong di-malaman kung ano ang kinakailangan, upang marating ang perpeksiyon. Ngunit sa lahat na sasabihin Ko sa inyo, tandaan ito: siya na mangangahas na labagin ang kahit isa sa pinakamaliit na mga iniuutos, ay titingnang ang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. At siya na magtutulak sa iba na labagin ang mga ito, ay titingnang isa sa mga pinakamaliliit kapwa dahil sa kanyang sarili at dahil sa mga taong kanyang dinala sa paglabag.  Siya, sa halip, na sa pamamagitan ng kanyang pamumuhay at mga gawain, kaysa ng sa pamamagitan ng mga salita, ay nakapagkumbinsi ng iba na sumunod sa Batas, ay magiging dakila sa Kaharian ng Langit at ang kanyang kadakilaan ay mapalalaki ayon sa bawat isa na kanyang nagawang sumunod at kung gayon napabanal ang kanilang mga sarili mismo.

Alam Ko na ang Aking sasabihin na sa inyo ay maglalasang mapait sa maraming mga dila. Ngunit hindi Ako makapagsísinungaling, kahit na kung ang katotohanan na Akin nang bibigkasin ay makakakuha ng maraming kaaway sa Akin.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na maliban na pagbabaguhin ninyo ang inyong katarungan, inihihiwalay itong ganap sa kaawa-awa at di-tamang hustisya na itinuro sa inyo ng mga Pariseo at mga Eskriba: maliban na kayo ay tunay  na mas makatarungan kaysa sa mga Pariseo at mga Eskriba, na mga iniisip na sila ay makatarungan sapagkat dinadagdagan nila ang bilang ng mga pormularyo na walang malaking pagbabago sa kanilang mga espiritu, hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit.

Mag-ingat sa mga huwad na propeta at mga nagkakamaling mga doktor. Sila ay lalapit sa inyo nakabihis bilang mga kordero, at sila ay mga nanlalapang mga lobo; sila ay lalapit nakadamit ng kabanalan at pinagtatawanan nila ang Diyos; sasabihin nila na minamahal nila ang katotohanan at sila ay nanginginain sa kasinungalingan. Pag-aralan sila bago sila sundan.

Ang tao ay may dila at nagsasalita sa pamamagitan nito, may mga mata siya at nakakakita sa pamamagitan nito, may mga kamay siya at siya ay sumisenyas sa pamamagitan nito. Ngunit mayroon siya ng isang bagay pa na siyang mas makatotohanang saksi sa kanyang tunay na katauhan: ang kanyang mga ginagawa! At ano ang dalawang kamay ipinagdikit sa pagdarasal, kung ang isang tao ay isang magnanakaw at isang taksil? At ano ang dalawang mata, na nagkukunwaring inspirado, gumugulong sa lahat ng direksiyon, kung pagkatapos ng pakitang-tao, ito’y may-katakawang tumititig sa isang babae o sa isang kaaway, dala ng kahalayan o pagpatay? At ano ang isang dila eksperto sa pagsipol ng huwad na awit ng pagpuri at sa pag-akit sa pamamagitan ng pinatamisang mga salita, kung sa iyong likuran sinisiraan ka nito at may kakayahan na manumpa ng kasinungalingan kung mapalalabas ka nito na isang masamang tao? Ano ang isang dila na nagbibigkas ng mahahabang pagkukunwaring panalangin at mabilis manira ng reputasyon ng kapwa o manukso sa kanyang pagkaing pananampalataya? Ito’y nakakasuklam! At nakakasuklam ang di-makatotohanang mga kamay at mga mata. Ngunit ang mga gawain ng mga tao, ang tunay na mga gawain, ibig sabihin, ang kanyang asal sa tahanan, sa negosyo, sa kanyang kapwa at mga katulong, ay ang mga bagay na nagpapatunay: “Ang taong ito ay lingkod ng Panginoon”. Sapagkat ang banal na mga gawa ay ang bunga ng tunay na relihiyon.

Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masamang prutas at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuting prutas. Ang matitinik bang mga palumpong na ito ay kailanman mamumunga ng masasarap na ubas? At lalo na ang mga nakapananakit na mga palumpong na iyon, makapagbibigay ba iyan kailanman ng matatamis na igos para sa inyo? Hindi. Sa katunayan makapamimitas lamang kayo ng ilang maaasim na blackberries mula sa una at di-makakaing mga prutas ang lalabas sa huli, na bagama't mga bulaklak, ay matitinik pa rin.

Ang tao na hindi makatarungan ay makakakuha ng respeto sa pamamagitan ng kanyang hitsura, at tanging sa pamamagitan lamang niyan. Ang matinik na tanim din na iyon ay nagmumukhang isang kumpol ng manipis na mga platang sinulid na may mga brilyante gawa ng hamog. Subalit kung mahawakan ninyo ito nang hindi sinasadya, malalaman ninyo na hindi yon isang malambot na kumpol, bagkus kumpol ng mga tinik, masakit sa tao, makapipinsala sa mga tupa, kung kaya’t binubunot iyan ng mga pastol sa kanilang mga pastulan at ginagatong sa apoy na kanilang ginagawa sa gabi upang kahit na ang buto nito ay hindi sana kumalat. Isang makatarungan at mapag-ubayang hakbang. Hindi Ko sinasabi sa inyo: “Patayin ang huwad na mga propeta at ang mapagkunwaring mga naniniwala”. Hindi, sasabihin Ko sa inyo: “Iwanan ang gawaing iyan sa Diyos”. Ngunit sasabihin Ko sa inyo: “Mag-ingat, huwag kayong lalapit sa kanila upang sana hindi kayo malason ng kanilang mga katas”.

Sinabi Ko sa inyo kahapon kung papaano kailangan na mahalin ang Diyos. Ako’y mamimilit tungkol sa kung papaano dapat mahalin ang inyong kapwa.

Minsan ito’y nasabi: “Mamahalin mo ang iyong kaibigan at kapopootan mo ang iyong kaaway”. Hindi, hindi ganyan. Iyan ay maayos lang sa mga panahon nang ang tao ay wala pa sa kanya ang kaginhawahan ng ngiti ng Diyos Ngunit ngayon ang bagong mga panahon ay dumating na, kung kailan ang Diyos ay minamahal ang tao nang labis upang ipadala ang Kanyang Salita upang matubos siya. Ngayon ang Salita ay nagsasalita. At ito ay isa nang pagbuhos ng Grasya. Pagkatapos ang Salita ay tatapusin ang sakripisyo ng kapayapaan at panunubos at magkakaroon hindi lamang ng pagbuhos ng Grasya, bagkus ang Grasya ay ibibigay sa bawat kaluluwa na naniniwala sa Kristo. Kinakailangan kung gayon na itaas ang pagmamahal sa ating kapwa sa isang perpeksiyon na magkakasáma ang kaibigan at kaaway.

Ikaw ba ay siniraan ng puri? Magmahal at magpatawad. Ikaw ba ay hinampas? Magmahal at ialok ang isa pang pisngi sa nanghampas sa iyo, tinitingnan na mas mabuti pang ibuhos ang kanyang galit sa iyo na nakapagbabata, kaysa sa kung sino pa man na maghihiganti sa pag-iinsulto. Napagnakawan ka ba? Huwag isipin: “Ang kapwa kong ito ay sakim”, bagkus mapagkawang-gawang sabihin: “Ang kapwa kong ito ay nangangailangan” at ibigay mo rin sa kanya ang iyong tunika kung ninakaw niya ang iyong manta. Magagawa mong imposible para sa kanya na magnakaw nang dalawang beses, sapagkat wala na siyang pangangailangan na magnakaw sa ibang tao ng kanyang tunika. Baka sasabihin ninyo: “Baka iyon ay isang bisyo at hindi pangangailangan”. Bueno, magbigay gayunpaman. Gagantimpalaan kayo ng Diyos para diyan at ang masamang tao ay pagbabayaran ito. Ngunit maraming beses, at ito ay kailangan na makapagpaalaala sa inyo tungkol sa Aking sinabi sa inyo kahapon tungkol sa kababaang-loob, kapag nakita niya kung papaano siya hinarap, ang kanyang bisyo ay malalaglag mula sa kanyang puso at ang nagkakasala ay tutubusin ang kanyang sarili gumagawa ng remedyo sa ginawang pagnanakaw ibinabalik kung ano ang kanyang ninakaw.

Maging mapagbigay sa mga, bilang mas matatapat, hihingi sa inyo ng kung ano ang kanilang pangangailangan, sa halip na pagnakawan nila kayo. Kung ang mayaman ay tunay na dukha sa espiritu, ayon sa ipinaliwanag Ko kahapon, hindi magkakaroon ng masasakit na di-pagkakapantay-pantay sa lipunan, ang dahilan ng napakaraming pantao at mahigit-pa-sa-tao na mga kalamidad. Laging isipin: “Kung ako ang nangangailangan, ano ang aking mararamdaman kung ako ay tinanggihan ng tulong?” at kumilos ayon sa tugon ng inyong kaakuhan. Gawin sa iba ang ibig ninyong magawa sa inyo mismo at huwag gawin sa iba ang ayaw ninyong magawa sa inyo mismo.

Ang lumang kasabihan: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin”, na hindi isa sa sampung utos, ngunit idinagdag dahil ang tao, naalisan ng Grasya, ay gayon ka-hayop na paghihiganti lamang ang naiintindihan, ang lumang kasabihan ay kinansela.  Ito ay totoong kinansela ng bagong salita:  “Mahalin siya na napopoot sa inyo, ipanalangin siya na nang-uusig sa inyo, pangatwiranan siya na naninira sa inyo, pagpalain siya na nagsusumpa sa inyo, tulungan ang nananakit sa inyo, maging mapagkasundo sa pala-away na mga tao, maging mapagsang-ayon sa nakaiinis na mga tao, tulungan nang may-kusa ang mga lumalapit sa inyo na hindi kayo nagpapatong ng malaking interes, huwag mamintas, huwag manghusga”. Hindi ninyo nalalaman ang partikular na dahilan ng mga kilos ng mga tao. Maging mapagbigay at maawain sa lahat ng uri ng pagtulong. Habang mas nagbibigay kayo mas lalo kayong bibigyan at ang isang siksik-sa-sukat ay ibubuhos ng Diyos sa lapi niya na naging mapagbigay. Ang Diyos ay ibibigay sa inyo hindi lamang kung ano ang inyong ibinigay, bagkus bibigyan kayo ng labis pa. Magsikap na makapagmahal at na kayo’y mahalin. Ang mga pag-aaway ay mas magastos kaysa sa mapagkaibigang pakikipagkasundo at ang isang mabuting kayumihan ay katulad ng pulot, na ang lasa ay tumatagal nang mahabang panahon sa dila ng isa.

Magmahal, magmahal. Mahalin ang mga kaibigan at mga kaaway, upang maging katulad ng inyong Ama, Na pinahihintulutan ang ulan na bumagsak sa mabubuti at sa masasama at pinababayaan ang araw na sumikat sa makatarungan at sa di-makatarungan at magkakaloob ng eternal na sikat ng araw at hamog, at mala-impiyernong apoy at ulang-yelo, kapag ang mabuti ay pipiliin, katulad ng pilíng mga tainga ng trigo, sa mga bigkis ng ani. Hindi sapat na mahalin ang mga nagmamahal sa inyo mula kung kanino kayo ay umaasa ng ganti. Iyan ay walang merito:  iyan ay isang lugod at nagagawa rin iyan ng mga natural na matatapat na tao. Ang mga publikano at mga hentil ay ginagawa rin iyan. Ngunit kailangan na magmahal kayo ayon sa Diyos at dala ng pagrespeto para sa Diyos Na siya ring ang Tagapaglikha ng mga kaaway ninyo o ng mga hindi masyadong nagmamahal sa inyo. Ibig Ko ang perpeksiyon ng pagmamahal sa inyo kung kaya’t Aking sasabihin: “Maging perpekto katulad na ang inyong Ama, Na nasa Langit, ay perpekto”.

Napakadakila ang alituntunin ng pagmamahal para sa inyong kapwa,  ang pagpeperpekto ng alituntunin ng pagmamahal para sa inyong kapwa, na hindi Ko na sinasabi, katulad na ito ay sinabi: “Huwag pumatay” sapagkat siya na pumapatay ay isusumpa ng mga tao. Ngunit sinasabi Ko sa inyo: “Huwag magalit” sapagkat ang mas mataas na hukom ay nasa itaas ninyo at tinitingnan nito ang di-materyal na mga kilos. Ang umiinsulto sa kanyang kapatid ay isusumpa ng Sanhedrin. Ngunit ang sinuman na tumatrato sa kanya bilang isang baliw, at dahil dito sinasaktan siya, ay isusumpa ng Diyos. Walang silbi ang maghandog  ng mga alay sa altar, maliban kung kayo, alang-alang sa Diyos, ay isakripisyo muna ninyo ang inyong masamang mga pakiramdam sa loob ng inyong mga puso at gagawin ninyo ang pinakabanal na ritwal ng pagpapatawad. Kung gayon, kung gagawa na kayo ng pag-aalay sa Diyos at naalaala ninyo na nasaktan ninyo ang inyong kapatid at nagtatanim kayo ng sama ng loob dahil sa kanyang pagkakamali, iwanan ang inyong alay sa harapan ng altar, gawin muna ang pagsasakripisyo ng inyong pagmamataas, sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa inyong kapatid, pagkatapos pumunta sa altar at tanging pagkatapos lamang niyan ang inyong sakripisyo ay magiging banal. Ganap na pagkakasundo ay laging ang pinakamaganda sa lahat. Ang paghusga ng tao ay di-nakatitiyak at sinuman na may-katigasan ng ulo na labanan ito, ay baka matalo at mangailangan na magbayad ito hanggang sa pinakahuling sentimos o makulong.

Sa lahat na bagay ibaling ang inyong mga mata sa Diyos. Tanungin ang inyong mga sarili: “May karapatan ba akong gawin ang hindi ginagawa sa akin ng Diyos?” Sapagkat ang Diyos ay hindi kasing tigas ng ulo at hindi kasing di-maaamo katulad ninyo. Kapahamakan sa inyo kung Siya ay ganyan! Walang sinuman ang maliligtas. Hayaan ang kaisipang ito na madala kayo sa malumanay, may-kababaan, maawaing pakiramdam. At pagkatapos tiyak na makatatanggap kayo ng gantimpala mula sa Diyos, kapwa rito at sa susunod na mundo.

Dito, sa harapan Ko, ay may isa rin na napopoot sa Akin at hindi maglakas-loob na sabihin sa Akin: “pagalingin Ninyo ako” sapagkat nalalaman niya na nalalaman Ko ang kanyang mga iniisip. Ngunit sinasabi Ko: “Mangyari ang ibig mo. At habang nalalaglag ang mga kaliskis mula sa iyong mga mata, ang masasamang pakiramdam at kadiliman ay sana malaglag din mula sa iyong puso”.

Maaari na kayong umalis kasama ang Aking kapayapaan. Magsasalita Ako sa inyo muli bukas.»

Ang mga pulutong ay naghiwa-hiwalay nang unti-unti, baka naghihintay ng sigaw ng isang himala, na, subalit, ay hindi napapakinggan.

Ang mga apostol din at ang unang mga disipulo, na mga nananatili sa bundok, ay nagtatanong: «Sino iyon? Hindi ba siya gumaling?» at sila ay namimilit sa Guro, Na nakatayo, ang mga braso nakatiklop sa dibdib, pinagmamasdan ang pulutong na bumababa sa bundok.

Si Jesus sa una ay hindi tumutugon; pagkatapos sinabi Niya: «Ang kanyang mga mata ay gumaling, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi. Hindi ito mapagagaling sapagkat puno ito ng kapootan.»

«Ngunit sino iyon? Ang Romano kayang iyon?»

«Hindi. Isang kaawa-awang kapus-palad.» 

«Bakit Ninyo siya pinagaling, kung gayon?» tanong ni Pedro.

«Kailangan Ko bang hampasin ng kidlat ang lahat na taong katulad niya?»

«Panginoon… alam ko na ayaw Ninyo akong magsabi ng “oo”, kung kaya’t hindi ko sasabihin iyan… ngunit iyan ‘yan sa aking palagay… at iyan ay gayon din…»

«Iyan ay gayon din, Simon ni Jonah. Kailangan na alam o ito kung gayon… O! Gaano karaming mga puso ang natatakpan ng mga kaliskis ng kapootan ang nasa paligid Ko. Tayo na sa itaas doon, sa tuktok, upang makakita mula sa itaas ng ating magandang karagatan ng Galilee. Ikaw lang at Ako.»

301110 

 



Sunod na kabanata